download mp3
Dahil sa mga sunud-sunod na sermon na narinig natin dito sa 1 Peter, marami na sa inyo ang naririnig ko (o kahit sa Facebook nababasa ko) na nag-eexpress na mahirap talaga ang pagsunod sa Diyos. Lalo na kung ito ay in-conflict sa natural, sinful, selfish desires sa heart natin. We feel this tension everyday. Like last Thursday, sa staff meeting namin, may nagjoin din na ibang leaders. Napahaba nga ang sharing time namin, kung saan nag-express sila sa mga tension na nararamdaman nila sa gusto nilang gawin at sa gusto ng Diyos na ipagawa sa kanila. Yung calling ni God sa ministry is costly. Discipleship is costly. Doing missions and church planting is costly. Hindi lang pera ang tinutukoy dito, although siyempre kasama yun. But also the sacrifices and difficulties na magiging resulta ng pagsunod sa kalooban ng Diyos.
At ito naman ay para sa lahat ng mga Christians. Yung iba nga lang Christians, hindi prepared for this kind of life. Kasi siguro, noong may nagshare sa kanila ng gospel, medyo “lite” version yung narinig nila. Na parang pinanghawakan nila na as they follow Jesus, ang resulta ay peace, material prosperity, good health, at success. Ang iba tuloy ay na nakarinig ng ganyang kalabnaw na “gospel” excited na tinanggap, pero parang tulad sila ng “rocky ground” doon sa parable of the soils ni Jesus, they received the word with joy, pero walang ugat, endures for a while, pero dumating ang tribulation saka persecution dahil sa gospel, then they fall away. Umatras na, umayaw na. I don’t want that to happen to any of you. Ang gusto ko ay magkaroon kayo ng malalim at matibay na ugat, for you to be rooted in the gospel. Not the gospel-lite version. But the solid gospel version. Hindi yung matabang na version, kundi yung matapang. Hindi yung 3-in-1 version, kundi yung purong barako version. This gospel, and this gospel alone, will make us battle-ready for whatever suffering that will come our way. That’s the message of 1 Peter 4:1-6.
Laging Handa
“Since therefore Christ suffered in the flesh, arm yourselves with the same way of thinking…” (v. 1). The gospel is the story of how Jesus lived a perfectly righteous (continue doing good, walang palya), suffered as a result of that, died – the righteous for the unrighteous that he might bring us to God (3:18). Sabi ni Pedro, ‘yan ang sandatang kailangan natin sa laban na kinakaharap natin araw-araw. Ito dapat ang isaksak natin sa isip natin. Na ang isip natin ay tulad din ng kay Jesus, with the same purpose. We must be equipped for battle. If we are not equipped, we will lose. Akala kasi natin ang solusyun sa financial problems natin ay more money, sa relationship problems ay more “lovers”, sa health problems ay healing, sa persecution ay for the persecutors to stop. Peter was saying, the armaments we need ay wala sa mga circumstances na nasa paligid natin, kundi nasa change of mindset, calibrated by the gospel.
Kailangan natin ng mindset na yumayakap sa suffering (though ang default natin ay to stay away from difficulties as much as possible). Yumayakap sa suffering as part of God’s purpose for us. Para sa paglago natin sa kabanalan at para sa spread of the gospel to all nations. Hindi ito hadlang sa layunin ng Diyos, kundi paraan pa para maaccomplish ang Great Commission. Pagbalik ni Paul sa mga churches after his missionary journey, ito pa nga ang sinasabi niya para palakasin ang loob nila, “Through many tribulations we must enter the kingdom of God” (Acts 14:22). Sabi niya sa mga Philippian believers, “It has been granted to you that for the sake of Christ you should not only believe in him but also suffer for his sake” (Phil. 1:29). Sabi ni Paul kay Timothy, Paul to Timothy: “Do not be ashamed…but share in suffering for the gospel in the power of God…Share in suffering as a good soldier of Christ…Endure suffering, do the work of an evangelist, fulfill your ministry” (2 Tim. 1:8; 2:3; 4:5). Ang buhay ng isang Cristiano – nagmiministeryo, nagdidisipulo, nagmimisyon – ay parang isang sundalo. Kailangang may sandata, kailangang palaging handa na dumanas ng hirap.
#1: Discipleship: We follow Christ’s example (v. 1a).
Bakit? Kasi ito ang ibig sabihin ng pagsunod kay Cristo. Kung ang mindset ni Jesus, kung ang purpose niya sa pagparito ay dumanas ng hirap at mamatay to fulfill the mission God gave him, then we also have the same mindset, purpose and mission. Heto ang bungad ni Pedro sa text natin, “Since therefore Christ suffered in the flesh, arm yourselves with the same way of thinking…” (v. 1). Like Jesus, like disciple. Like teacher, like student. Like servant, like master. “…you will be hated by all for my names sake…A disciple is not above his teacher, nor a servant above his master. It is enough for the disciple to be like his teacher, and the servant like his master. If they have called the master of the house Beelzebul, how much more will they malign those of his household” (Matt. 10:24-25).
Hindi mo pwedeng sabihing, “I want forgiveness, eternal life, peace na galing sa Panginoon, but not the suffering part.” No. Package deal ‘yan. Yan ang lesson ni Jesus sa mga disciples niya sa Mark 8-10, while going to Jerusalem. Hindi pwedeng ang gusto lang nila ay greatness, glory and success, without going through the path of suffering, humility and servanthood. Yan din ang sabi ni Paul sa mga Philippians, “Have this mind among yourselves, which is yours in Christ Jesus…” (Phil. 2:5). Then he talked about Jesus humiliation, suffering, and death. Last week sa 1 Peter 3:18 nakita natin ang dinanas ni Jesus sa krus ay substitutionary atonement para sa atin. Primarily, yes. Secondarily, it also sets an example for us to follow. “For to this you have been called, because Christ also suffered for you, leaving you an example, so that you might follow in his steps” (2:21). Yun ang ibig sabihin ng discipleship.
Kasama na ba ang suffering sa definition mo ng discipleship and what it means to follow Jesus? O nangingibabaw pa rin sa ‘yo yung desire for comfort, riches, and worldly pleasures? Kapag sinasabi mong you want to know Christ and be like Christ, do you also say like Paul, “that I may know him and the power of his resurrection, and may share his sufferings, becoming like him in his death” (Phil. 3:10), or “except share in his sufferings, except becoming like him in his death”?
#2: Transformation: We turn away from sin and follow God’s will (v. 1b-2).
Bakit ang isang Cristiano ay dapat laging handa na dumanas ng hirap? Dahil sa pamamagitan nito lumalaya tayo sa kapangyarihan ng kasalanan – sa pamamagitan ng pagtalikod dito at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ituloy natin yung verse 1, “for whoever has suffered in the flesh has ceased from sin.” Isang possible interpretation nitong “whoever has suffered in the flesh” ay si Cristo na tinukoy din sa same verse na “Christ suffered in the flesh.” Na ang idea ay dahil sa ginawa ni Cristo tapos na, finished na ang kasalanan (also in 3:18). Theologically, totoo ‘yan. Pero mas malamang na ang tinutukoy dito sa second half ng verse 1 ay tayong mga Christians who also like Christ “suffered in the flesh.” Dahil sa verse 2, “so as to live for the rest of the time in the flesh no longer for human passions but for the will of God,” na obviously ay hindi na si Cristo ang tinutukoy.
Pero ano ang ibig sabihin ng “ceased from sin.” Pwedeng yung theological truth na nang namatay si Cristo sa krus, namatay na rin tayo sa ating mga kasalanan, nagkaroon na ng decisive break with sin. Posible. Pero mas malamang na tumutukoy din ito, again because of verse 2, sa ongoing, progressive sanctification natin bilang mga disciples. We call this “transformation.” Although “ceased from sin” ay past tense, hindi ibig sabihing hindi na tayo nagkakasala. But the idea is this: kung ang isang Cristiano ay laging handa na dumanas ng hirap alang-alang sa pagsunod sa Diyos, ibig sabihin he has already decided or committed in his heart na hindi na sarili ang masusunod – hindi na sariling gusto, hindi na sariling ambisyon. Kaya nga sinabi sa verse 2, “so as to live for the rest of the time in the flesh (o habang nabubuhay pa rito sa mundo) no longer for human passions (referring to remaining sinful desires sa heart natin, not just sexual lustful desires, though siyempre kasama yun), but for the will of God.” Kaya ang sagot ko kanina sa tanong na, “Bakit ang isang Cristiano ay dapat laging handa na dumanas ng hirap?” ay ito: “Dahil sa pamamagitan nito lumalaya tayo sa kapangyarihan ng kasalanan – sa pamamagitan ng pagtalikod dito at pagsunod sa kalooban ng Diyos.”
Yan din ang sabi ni Pablo sa Gal. 2:20, “I have been crucified with Christ. It is no longer I who live, but Christ who lives in me. And the life I now live in the flesh I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me.” Habang sumusunod tayo kay Cristo – sa kanyang halimbawa na piniling dumanas nang hirap alang-alang sa pagsunod sa Diyos – binabago tayo ni Cristo. Mas pinipili na rin nating dumanas ng hirap sa pagsunod sa Diyos kaysa makaiwas sa hirap sa pamamagitan ng pagkakasala. Is this true of you? Kung papipiliin ka – kikita ka nang mas malaki kung dadayain mo ang statement sa income tax return o mas maliit ang kikitain mo kung magiging honest ka – ano ang pipiliin mo? Kung papipiliin ka – mapopromote ka sa trabaho kung gagawin mo ang gusto ng boss mo na labag sa gusto ng Diyos o matatanggal sa trabaho kasi malinaw ang will ni Lord for you sa ministry – ano ang pipiliin mo? I can cite more examples, but you get the idea. Suffering is for our discipleship and transformation.
#3: Resolution: We say “enough is enough” of our old lives (v. 3)
And it also strengthens our resolve. Kasi, kung lagi tayong handa na dumanas ng hirap, ibig sabihin ay buo din ang loob natin na hindi na natin babalikan ang dati nating buhay. Yun yung tinutukoy niya sa verse 3, na “living in sensuality, passions, drunkenness, orgies, drinking parties, and lawless idolatry.” Noong di pa tayo Cristiano (or if you are not yet a Christian, this is still true of you), para tayong naglalakbay na walang patutunguhan. Yun bang magulo ang purpose natin sa buhay. “Sensuality” – yun bang ang hangad ay for our own pleasures, sobra-sobrang pagkain, sobra-sobrang pag-inom, sobra-sobrang entertainment. “Passions” – speficially, sinful sexual desires, uncontrollable sexual urges, or anything na addictive. Drunkenness – paglalasing. Orgies – sobra-sobrang pagsasaya, na ginagawa din nila sa feasting sa mga religious rituals nila na may mga sexual activities din. Drinking parties. Lawless idolatry – included na ang lahat diyan. What’s the point? Maybe hindi kasama ang mga kasalanan mo diyan, pero ang buhay mo noon parang walang batas, parang walang Diyos, parang ikaw ang batas, parang ikaw ang diyos.
So Peter was saying, enough of that. Enough is enough. Hindi na ‘yan ang buhay natin ngayon. We are now a new creation, the old has gone the new has come (2 Cor. 5:17). Kaya yun ang simula niya sa verse 3, “For the time that is past suffices for doing what the Gentiles want to do.” Suffices, sufficient na, sapat na, tama na. Hinayaan tayo nang Diyos noon sa ganyang buhay, ignorante sa tamang pamumuhay, sa magandang layunin ng Diyos, pero hindi na ngayon. Pinakialaman na niya ang buhay natin – tamang pakikialam, gracious na pakikialam. He rescued us from that life of sin. Bakit ka pa babalik pa? So, kapag handa tayong dumanas ng hirap, buo ang loob natin na hindi na natin ‘yan babalikan. Sa halip, buo ang loob nating magpapatuloy tayo sa pagsunod kay Cristo hanggang sa wakas. Determinado na tayo diyan. Kaya sabi sa verse 2, “so as to live…” Iba na ang purpose na nagdadrive sa atin. The purpose to follow Christ even if (surely!) it means suffering.
Siguro para rin kayong tulad ko. Sometimes, naaalala ko yung mga kasalanang nagawa ko dati na nagbigay sa akin noon ng “pleasure” or momentary satisfaction. And I sometimes fantasize on that, na parang namimiss ba yung ganoong klaseng karanasan na di ko na nagagawa ngayon and siyempre di ko na dapat gawin. Or kung kayo ay tulad ko rin na bata pa lang Christian na, na hindi naman namuhay na tulad ng mga kasalanang tinukoy ni Pedro dito, inexperienced sa ganitong mga kasalanan kumbaga. Minsan parang iniisip ko kung paano kaya kung nasubukan ko yung mga ganoon. Then God rebuked me, and God rebuke us, for thinking that way. As if mas masarap ba ang buhay natin noon kaysa ngayon? Para tayong mga Israelita na pinalaya na mula sa pagkakaalipin sa Egipto, tapos nagutom, nauhaw at nahirap sa disyerto, nagpantasya na na bumalik para maranasan ulit ang buhay nila noon. We are fools for thinking that way. Our life in Christ, even with all the sufferings we experience because of that, is still far far better, infinitely better, than the life we had before without Christ.
Kaya naman every time na may baptism celebrations tayo, we sing “I have decided to follow Jesus, no turning back, no turning back.” When we follow Christ, we are all the way in. Kahit may sufferings, no turning back. Wala nang atrasan, tuluy-tuloy na ‘to, kapatid. Kung ikaw ay handang dumanas ng hirap, you have that kind of resolution.
#4: Judgment: Judgment for unbelievers is sure to come (vv. 4-5).
Kung buo ang loob mo na di na bumalik sa dating buhay, nasosorpresa ang mga unbelievers, “With respect to this they are surprised when you do not join them in the same flood of debauchery, and they malign you” (v. 4). Siyempre itong mga unbelievers, tulad ng buhay din natin dati, magulo at maluhong pamumuhay. Yun yung “flood of debauchery” na tinutukoy dito. Na para bang pag nakita mo halimbawa yung isang tao na palaging lasing o high sa droga o laging nagmumura o laging nananakit ng asawa o kung sinu-sinong tao ang pinapatulan sexually, sa isip-isip mo: “wala nang pag-asa ang taong ‘to.” Para bang beyond redemption na, para bang sure na sa impierno na ang tuloy ng kaluluwa niyan. E kung dati ganyan ka rin, and because of the gospel you are saved, sumusunod ka na kay Jesus, nabago na ang buhay mo. Tapos nakita nila, tapos sabi sa ‘yo, “Wow! Himala! Ikaw ba ‘yan? Di nga? Huh, baka pakitang-tao lang ‘yan, sandali lang ‘yan!” Yun ang ibig sabihin ng “malign.” Nilalait, iniinsulto, pinagsasalitaan ng masama.
Di na bago ‘yan dito sa 1 Peter. Sa 3:16, “when you are slandered.” Sa 2:12, “when they speak against you.” Dito naman sa verse 4, yung “malign” ay galing sa word na blasphemeo. Sounds familiar? Parang sabi ng iba na ganyan daw ginawa ni Duterte nang tawaging stupid ang Diyos. Kapag ang mga unbelievers nagsalita ng masama laban sa ‘yo na isang believer, isang Jesus-follower, isang child of God, they were blaspheming. Mabigat na kasalanan ‘yan. Kasalanan laban mismo sa kay Cristo, whom they also blasphemed (Luke 22:65). Isa ka sa mga anak ka rin ng Diyos, the image of God is in you, sumusunod ka sa Anak ng Diyos, ang Espiritu ng Diyos nasa iyo, when they sin against you, they are sinning against God. Matindi ang kasalanan nila hindi lang laban sa ‘yo, kundi laban sa Diyos mismo.
Kaya ito ang ika-apat na dahilan kung bakit lagi tayo dapat na handa na dumanas ng hirap: ipaghihiganti tayo ng Diyos at paparusahan ang mga lumalaban sa atin. Verse 5, “but they will give account to him who is ready to judge the living and the dead.” Haharap sila kay Jesus, at mananagot sila sa bawat masamang salitang binitiwan nila o inisip man lang laban sa atin. “…on the day of judgment people will give account for every careless word they speak…” (Matt 12:36). They will not have the last word. Jesus will have the last word. Mabigat man ang kasalanan nila laban sa atin, mahirap man ang dinaranas natin ngayon, mas mabigat ang kakampi natin at mas mahirap ang daranasin nila sa araw na ‘yon.
Take heart. Kahit gusto mo nang rumesbak, o magsalita rin ng masama laban sa taong yun, entrust everything to the judgment of God. Merong maghihiganti para sa ‘yo. Kapag ininsulto ka tulad ng ginawa ng Australian players sa Gilas players, di mo kailangang gantihan ng masakit na salita. Kapag sinuntok ka, di mo kailangang gumanti. Merong gaganti para sa ‘yo. And his judgment is terrifying.
So, kung hanggang ngayon unbeliever ka, take note of this, judgment day is coming. At di mo kayang ipagtanggol ang sarili mo. You need a defense attorney. Jesus the Judge on that day is your defense attorney now. That’s the gospel – good news, magandang balita – na pinanghahawakan natin. ‘Yan lang ang makapagtatanggol sa atin sa araw na ‘yon. At ‘yan din ang panglimang dahilan kung bakit tayo laging dapat maging handa na dumanas ng hirap.
#5: Eternity: The gospel brings us to eternal life with him after all our sufferings here (v. 6).
Anumang paghihirap na nararanasan natin ngayon, mauwi man ito sa kamatayan (at siguradong darating ‘yan), our story has a happy ending. Meron tayong buhay na walang hanggan kapiling si Cristo na siyang sinusunod natin and for whom we suffer. Verse 6, “For this is why the gospel was preached even to those who are dead, that though judged in the flesh the way people are, they might live in the spirit the way God does.”
Ano ibig sabihin ng “gospel was preached even to those who are dead”? Siyempre hindi mo naman kakausapin yung mga patay na. Sabi ng iba, ito ang dahilan kaya merong second chance after death. Nabanggit ko rin ito last week. At sinabi kong kontra naman ito sa Hebrews 9:27 na minsan lang mamamatay ang isang tao ay paghuhukom na. At pati sa turo ni Jesus sa parable of the rich man and Lazarus, kung saan hindi na mababago ang kalagayan o eternal destination ng isang tao after death. Either heaven or hell, wala nang crossover, wala nang another chance. All the time we have in this life is all we got.
Based sa context ng situation ng mga believers, malamang (and this is what I believe) na itong “dead” ay tumutukoy sa mga kasama nila dati na believers din, narinig din ang gospel at pinaniwalaan noong nabubuhay pa sila. And because of their faithfulness in preaching and living out this gospel, they suffered. Yung iba binugbog, kinulong, pinahirapan hanggang mamatay. They were “judged in the flesh the way people are,” hinatulan sila na parang mga makasalanan gayong pinatawad na sila ng Diyos through the gospel. Mahirap, unjust, cruel and tragic ang naranasan nila.
Sinasabi ni Pedro sa mga sinulatan niya, remember them. At wag kayong maawa sa kalagayan nila ngayon, for even if you suffer now, ang kalagayan nila ngayon ay siyang magiging kalagayan din ninyo sa hinaharap. “that…they might live in the spirit the way God does.” Sinugatan man sila, pinahirapan man, at nabubulok na ang katawan nila ngayon, but their spirit is very much alive in the presence of God. So, your suffering now is now the last chapter in your story. Better days are yet to come. Maybe not in this life. But, for sure, better days in the next.
Many of us – kaya tayo nadidiscouraged, o nadedepress, o nagiging hopeless – in the midst of a difficult life – is because we have spiritual myopia. Myopic ako. Ibig sabihin, near-sighted. Pag walang eyeglasses or contact lens, malapit lang ang nakikita ko. Without the lens of the promises of God in the gospel, we cannot see far ahead. Oh, that God may open our eyes to greater things coming our way!
Conclusion
This is my prayer for you. Not primarily to have a better life now. At hindi lang maging mga good and happy Christians now. I pray that you will learn how to suffer well. That sounds a like contradiction, yes. Pero yun ang kailangan natin sa buhay. Maging mga Cristianong handang dumanas ng hirap. Dahil kung lagi tayong handa, tayo rin ay sumusunod kay Jesus, binabago ni Jesus at nagpapatuloy hanggang wakas – hanggang sa araw na hahatulan ang mga di-mananampalataya at bibigyang-buhay ang mga mananampalataya. There is no greater life than that.
Kaya kung hanggang ngayon, your faith is not yet in Christ – ang tiwala mo ay nasa sarili mo pa, nasa pagiging relihiyoso mo o mabuting tao (as if merong ganun), o nasa kayamanan mo, o nasa achievements mo, o nasa pamilya mo – I pray that God will lead you to the cross of Christ. Para makita mo na yun lang ang kailangan mo, na siya lang ang kailangan mo. Without Christ, you will suffer for billions and billions of years, without end.
Kung ikaw ay nakay Cristo, you will still suffer. Kung merong nagsabi sa ‘yo at nangakong your problems will be over pag naging Christian ka, listen to me now. That’s a lie! Your worst days are not yet behind you. They may still be ahead of you. Hindi kita tinatakot. I want you to face reality. I want you to be ready when those days come, at maalala mo ang mga salitang pinag-aralan natin ngayon.
At kung matagal ka nang Cristiano, at matagal na rin ang mga paghihirap na dinaranas mo. Parang gusto mo nang mag-give up, o di mo na maintindihan ang sense ng pagsunod kay Cristo, o gusto mo nang tuluyang sumurrender sa kasalanan, o parang gusto mo na lang na mamatay na – may God encourage you when you hear the gospel and his promises over and over again. Masakit ang maririnig mo minsan, kasi hindi ka niya bobolahin, kasi ito ang kailangan natin during suffering. We need solid gospel truths. Ito ang bakal na magpapatibay sa nanlalambot nating mga puso during times of difficult sufferings.
Β
in the end of our life, we can look back and say that “Suffering-well is a well-lived life.”
We can’t surely say, “i have followed the path that Christ walked-on,” if we have not endured suffering!
We need to decide! Follow the path of Christ, by enduring what He has endured. It is never easy, but it is worth it! π
LikeLiked by 1 person
Sure, it is! π
LikeLike
Thank you Pastor Derek for this message .God bless you at naway patuloy pa po kayong bigyan ni Lord ng mga fresh revelation sa kanyang mga salita at ng marami pa ang makakilala sa kanya at makarinig at makabasa ng inyong mga mensahe mula sa Panginoon.
LikeLiked by 1 person