download mp3
Last week, in our study of 1 Peter 4:1-6, sinabi kong dapat tayong mga Cristiano ay matuto kung paano maging handa sa laban. Battle ready. Tulad ni Cristo na buo ang loob na tapusin ang layunin ng kanyang pagparito – to suffer and die for us. So also, we must have the same way of thinking (v. 1), mga Cristianong handa rin na dumanas ng hirap na haharapin sa araw-araw na buhay. Only the gospel preached to our hearts will make us battle ready for whatever suffering that will come our way.
At tulad ng isang sundalo, masasabi mo lang na handa na siya hindi sa pagsagot ng “I am ready!” Kundi pagdating ng tunay na laban. Hindi yung aatras na at babalik na sa dating gawi. As we face temptations everyday, temptation to doubt God, temptation to seek pleasure outside of Christ, temptation to quit, we are committed “to live for the rest of the time in the flesh no longer for human passions but for the will of God” (v. 2).
That’s the main thing in our suffering, the will of God. Ang misyon natin ay hindi para tanggalin o maovercome ang mga sufferings natin. Ang misyon natin ay magpatuloy sa pagsunod sa kalooban ng Diyos in the midst of our sufferings. Ang hirap ng buhay ay hindi dahilan, hindi excuse para talikuran o pabayaan natin ang mga pananagutang ibinigay sa atin ng Diyos. By the power of the gospel, we obey God’s will anuman ang hirap ng sitwasyong kinalalagyan natin ngayon.
So, our time today will be more application focused. Ang pagiging gospel-centered hindi ibig sabihing hindi na natin pinapahalagahan ang mga utos ng Diyos. To be centered sa gospel, sinasabi nating hindi na ang mga gawa natin ang basis of God’s acceptance of us. Tinanggap na tayo ng Diyos hindi dahil sa pagtitiis natin ng hirap, kundi dahil sa tiniis na hirap ni Cristo at sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos. On the basis of that acceptance, we obey. Ginagampanan natin mga obligasyon natin, sa sarili at sa ibang tao, because we are motivated and empowered by the gospel to obey. So, as we move on sa pag-aaral natin ngayon, think and reflect on how you can practically obey the commands or duties na kailangan nating gawin sa verses 7-11.
Duty to self: Be self-controlled and be sober-minded (4:7)
Unahin natin ang pananagutan natin sa sarili natin. Dito sa v. 7, merong dalawang utos. “Be self-controlled.” Hindi na sarili nating desires ang nasusunod, kundi ang kalooban na ng Diyos. We do everything para makontrol ang sarili natin. Kahit sa mga times na para pumapalo yung mga sinful desires – like immoral sexual desires, like desires to buy things compulsively, like desires to take revenge – we remind ourselves of the gospel. Binabago tayo ng gospel na ‘yan through the Holy Spirit, na isa sa bunga na nakasulat sa Gal. 5:22-23 ay self-control. Kasi sa sarili natin hindi natin kaya, sarili nga kasi natin ang problema.
Yung ikalawa ay “be…sober-minded.” Matino ang pag-iisip. O nakapag-iisip ng malinaw. Hindi tulad ng lasing. Hindi tulad ng high sa drugs. Ang isip natin ay pinupuno natin ng gospel and the words of God, para maging malinaw sa atin kung ano ang ginawa ng Diyos at ano ang nais niyang gawin natin. Hindi na tayo distracted ng mga advertisements o social media o ng secular culture na nagiging bombarded ng different ambitions or purpose in life. We think clearly. Tulad ni Cristo. All out to fulfill yung purpose ng pagliligtas sa atin ng Diyos.
Dalawang utos – be self-controlled, be sober-minded. Sa sarili natin imposible. Sa tulong ng Espiritung nasa atin ay magagawa natin. With proper motivations. Kaya meron ding dalawang dahilan. Yung una, “The end of all things is at hand…” Malapit na ang wakas ng lahat ng bagay. Ha? Mukhang nagkakamali si Pedro. 2,000 years ago, malapit na ang wakas. E bakit ang tagal pa bago bumalik si Cristo? Hindi dahil nagkamali siya at inexpect na babalik na noon si Cristo. No. It’s because he feels the urgency of what he was saying. Because of the gospel – the death and resurrection of Jesus – we are now living in “the end times.” Ibig sabihin, we are at the last chapter of the Story of God. Yung chapter na kailangang i-spread ang gospel to all nations. Yung chapter na because of that, we have to suffer for our witness of the gospel in words and in actions. So, don’t live your life as if wala pa tayo sa last chapter. Don’t live your life as if hindi ka kasali sa Kuwentong ‘yan. Maliban na lang kung you don’t really belong to Christ.
Second reason, “for the sake of your prayers.” Kung ang prayers natin ay indicator ng relasyon natin sa Diyos, bakit tayo mamumuhay na para bang sarili natin ang nasusunod? As if God doesn’t exist. Kung ang prayers natin ay “Hallowed be your name, your kingdom come, your will be done…”, bakit nga naman ang buhay natin ay gagawin nating para sa karangalan natin, para sa kaharian natin, at para kalooban natin?
So, ano ang heart struggle mo ngayon? Ano ang mind struggle mo ngayon? At dahil may pananagutan din tayo sa isa’t isa, kanino mo pwedeng ishare ang struggle na ‘to para maipagpray ka at matulungan sa patuloy na pagsunod sa kalooban ng Diyos?
Duty to others: Keep loving one another earnestly (4:8)
Yun naman ang susunod nating tingnan, ang pananagutan natin sa iba. Merong tatlo dito sa vv. 8-11. Yung una nasa v. 8, “Above all, keep loving one another earnestly.” Napakahalaga ng utos na ‘to. Kaya nga ang bungad niya ay “above all” o “higit sa lahat.” Ibig sabihin, ito ang pangunahing utos na sumasakop pa sa ibang mga utos. Remember the two greatest commandments? Love God and love your neighbor. Everything we do for one another must be motivated by love. Ito ang nagpapatunay na tayo ay mga tagasunod ni Jesus, if we have love for one another (John 13:35). Ito ang nagpapatunay na tayo ay truly “born-again.” “Love one another earnestly from a pure heart, since you have been born again” (1 Pet. 1:22-23). Kung hindi ka nagmamahal sa ibang mga kapatid kay Cristo, then you are not truly born again, you are not a true disciple of Jesus.
Paano tayo dapat magmahalan? Nagpapatuloy, “keep loving one another.” Wag mong hayaang mawala ‘yan, wag mong hayaang manlamig, kahit na ang kapatid mo ay nagkasala sa ‘yo, di nakabayad ng utang sa ‘yo, di tumupad sa pangako niya, o siniraan ka sa iba. Keep loving. Hindi pakunwari lang, kundi totoo, tapat dapat. “Earnestly.” Hindi yung ngingitian mo nga, pero may sama ka pala ng loob. Hindi yung ang sarap mong kausap sa harapan, pero sinisiraan mo pala talikuran. Hindi ganun.
Sa mga panahong mahirap ang buhay, sa mga panahong ang mga kasama mo sa church ay mahirap pakisamahan, o di mo type kaibiganin, nanlalamig ang pag-ibig natin sa isa’t isa. Tumatabang. Kailangang tulung-tulong tayong painitin ito at pagliyabin, “to stir up one another to love and good works” (Heb. 10:24). Paano natin magagawa? By reminding each other of the gospel. Ito ang dahilan kung bakit tayo magpapatuloy na magmahal kahit na ilang ulit tayong nasaktan. Bakit? Sabi ni Pedro sa v. 8, “since love covers a multitude of sins.” Galing ‘yan sa Prov. 10:12 (cf. James 5:20). ‘Yan din ang sagot ni Jesus sa tanong ni Pedro na ilang beses patawarin ang kapatid na nagkasala sa ‘yo. Not just seven times. But seventy times seven (Matt. 18:21-22). Not just 490 times, but over and over again. That’s total, complete forgiveness.
Tulad ng ginawa ng Panginoon para sa atin. That’s the message of the gospel. The love of God is a forgiving love. Our love for one another flows from that, and also is a forgiving love. Pinapatawad natin ang bawat isa, tulad ng Diyos na pinatawad tayo dahil sa ginawa ni Cristo (Eph 4:32). Hindi ibig sabihing pagtatakpan natin o babalewalain o hindi na didisiplinahin ang kasalanan ng iba. Hindi ibig sabihing di na dapat magbayad ng literal na utang ang pinatawad mo (unless binura mo na ang mga utang niya). But from your heart, you choose to forgive at di na hayaang ang pagkakasala niya ay makahadlang sa relasyon n’yong dalawa.
Sino sa mga kasama mo dito sa church o sa bahay ang nagkasala sa ‘yo at nahihirapan ka pang patawarin, mahalin at kausapin? O baka ikaw naman ang may kasalanan sa kanya at dapat kang humingi ng tawad? Ano ang gagawin mo para maayos ang relasyon n’yo?
Show hospitality to one another (4:9)
Itong ikalawa ay mas practical na demonstration of our love for one another. Verse 9, “Show hospitality to one another without grumbling.” Kasi kung sinasabi mong nagpatawad ka na, o minamahal mo na ulit ang kapatid mong nagkasala sa ‘yo, tapos sa loob-loob mo naman, “Hinding-hindi siya makatutuntong dito sa bahay namin,” parang di naman totoo ang pagpapatawad mo. Handa ka ba na tanggapin siya sa bahay mo? Handa ka bang ipagluto siya o ipagtimpla man lang ng kape? Handa ka bang tanungin siya, “How can I pray for you? How can I help you? How can I serve you?”
Particularly difficult na ipractice ang hospitality sa mga taong nakasamaan mo ng loob. Kaya nga sabi ni Pedro na gawin natin ito nang “without grumbling.” Posible kasi na kaya hirap na hirap tayong tumanggap ng bisita sa bahay ay dahil malaking abala. Kailangan mong maglinis. Kailangan mong maggayak. Kailangan mong magprepare ng pameryenda man lang. Pero yung “grumbling” dito ay mas malamang yung nasa condition ng puso natin dahil sa relasyon natin sa ibang tao. One time merong members na makikipag-usap sa akin, may reklamo sila sa patakaran natin sa isang outreach area natin. Una sabi ko, sige sa bahay tayo mag-usap. Then nagbago isip ko. Wag na lang. Sa church office na lang. Kasi sa loob-loob ko, yung ka-close ko lang ang tatanggapin ko sa bahay. That’s not true gospel-motivated hospitality. We welcome one another as Christ has welcomed us (Rom. 13:7).
Especially dapat kaming mga pastors/elders ang nangunguna sa ganitong klaseng hospitality. Isa ang pagiging “hospitable” sa qualification ng elders sa 1 Timothy 3:2 and Titus 1:8. We must take the lead in this. Although may mga times na we also struggle with this. Kaya last Sunday sa elders meeting namin, pinag-usapan namin kung sinu-sino ang mga members na dadalawin sa bahay o iimbitahin din sa bahay namin. We must be intentional para masanay kami and set a good example for you to follow.
So, hindi lang kami. Kayo rin. This month, or the next four weeks, sino ang iimbitahin mo sa bahay mo – para makakuwentuhan, maipagpray, at maipaghanda man lang ng meryenda o hapunan, at para maging bukas ka na makita kung ano ang nangyayari sa loob ng bahay n’yo? Sino rin naman ang dadalawin mo – para makumusta at maipagpray? Kung hindi posible sa bahay, kahit sa workplace siguro. At kailan ka rin naman nakapaghost ng isang grace community gathering? Are you willing to open your house para maghost ng mga kapamilya mo sa church? Yes, for some kaya hesitant tayo kasi it is a lot of hustle. Gagastos ka rin, pero di mo naman kailangang pakainin lahat. Pwede naman kanya-kanyang baon. Kelan ka maghohost?
Serve one another (4:10-11)
To show hospitality ay simpleng paraan para maipakita natin ang pag-ibig natin sa isa’t isa at makapaglingkod na rin sa kanila. It doesn’t require special “gifting” para magawa ‘yan. Ako nga magtimpla lang ng kape ang mahusay ako. Pero mag-estima ng bisita? Not so much. Although yung iba talaga ay especially gifted sa hospitality, and you try to maximize that. Ito naman ang point ni Pedro sa ikatlong utos na may kinalaman sa pananagutan o responsibility natin sa isa’t isa. Verse 10, “As each has received a gift, use it to serve one another.” Yung word na “serve” ay galing sa diakoneo, where we get the word “deacon,” or someone who serves. Literally, it is like “waiting on tables,” yun bang you are there para pagsilbihan ang isang tao at maibigay kung ano ang kailangan niya.
That’s ministry, that is why everyone should be involved in ministry. Yun bang meron kang ginagawa para sa mga kapatid mo dito sa church tulad ni Jesus, “The Son of Man came not to be served (diakoneo) but to serve (diakoneo) and give his life as a ransom for many” (Mark 10:45). Dahil ibinigay ni Jesus ang kailangan natin (his life for us), ibibigay din natin ang ating lakas, ating oras, and whatever resources God has given us para sa mga kapatid nating nangangailangan. That’s gospel-centered ministry.
Because of the gospel we serve. Ano pang dahilan? “as each has received a gift…” Charisma. Lahat tayo may charisma, meaning, hindi yung meron kang attractive personality tulad ng modern definition ngayon. Kundi, everyone of us is gifted by God. Meron kang spiritual gift, at least one, na ibinigay sa ‘yo ng Diyos, unique for you, at magagamit for serving others. If you are in Christ, if the Holy Spirit is in you. So, don’t make any excuse na hindi ka gifted katulad ng iba. Don’t compare yourself to others. Wag mong maliitin kung anuman ‘yang bigay sa ‘yo ng Diyos. Hindi ‘yan para sa ‘yo lang. Gamitin mo.
“Use it…as good stewards of God’s varied grace.” Ang spiritual gifts ay biyaya ng galing sa Diyos, grace, charis. We don’t deserve that. I don’t deserve to be a preacher. It is called grace. Varied ang grace na ‘yan, multi-colored, iba-iba ang kaloob ng Diyos. Hindi lang yung preaching o leading in worship and prayer tulad ng madalas n’yong nakikita. Meron ding mga behind-the-scenes. Ang daming iba’t ibang kaloob ang bigay ng Diyos sa iba’t ibang miyembro ng ating iglesiya. It is a matter of stewardship. Literally, ang “steward” ay oikonomos, o household (oikos) manager. Lahat ng ipinagkatiwala ng owner sa steward ay dapat niyang pangalagaan. We are accountable to God kung paano natin gagamitin itong napakalaging privilege na bigay sa atin ng Diyos in terms of our spiritual gifts. It is either you are a good steward or a bad steward, a faithful steward o an unfaithful steward.
Dati nagkaroon ng shortage ng bigas kasi merong mga “hoarders.” Ngayon naman nagkakaroon ng shortage sa ministry, shortage sa manpower sa church planting and missions, shortage sa financial resources, shortage sa power and miracles, kasi maraming Christians ang professional hoarders. Sinasarili ang bigay na spiritual gift ng Diyos. It is time to unleash those gifts for this church and for the greater Body of Christ.
Dito sa verse 11, nagbigay lang si Pedro ng dalawang general categories ng gifts for ministry. If you want a more detailed list of spiritual gifts, go to Paul’s writings in1 Cor. 12; Rom. 12:4-8; and Eph. 4:11-16. The point is not to identify your unique spiritual gifts but to point out that each one of us, every Christian, has at least one. Use it. Don’t say you are not gifted. There is no such thing as an “ungifted” Christian.
Meron ka bang “speaking gift”? Tulad ng mga teaching elders, pastor-teachers, at mga leaders who mainly use “words” para magdisciple at magtrain ng ibang Christians? Sabi ni Pedro, “whoever speaks, as one who speaks oracles of God.” Ang focus niya ay hindi kung anong gift meron ka, o ano ang position mo sa ministry, but in how you do it. Make sure na ginagamit mo ang salita mo to speak the Word of God, to be faithful sa gospel. Hindi yung magpromote ka lang ng sarili mong ideas or teachings or rules. Our authority in speaking comes from our faithfulness to God’s Word.
Meron ka bang “serving gift”? Tulad ng mga deacons or ministry leaders, singers, instrumentalists, sa multimedia, sa paglilinis, sa pag-aayos ng mga facilities, sa paggagayak ng pagkain, sa pag-oorganize ng mga events, sa ushering, sa driving, any help you can provide para makasupport sa mga teachers, preachers, evangelists at missionaries. “Whoever serves, as one who serves by the strength that God supplies.” Ang focus niya ay hindi kung anong particular ministry meron ka, kundi kung paano mo ito ginagawa. Na you are doing ministry prayerfully, dependent sa Panginoon, hindi na nagdadahilan, hindi na nagrereklamo, hindi na distracted.
Meron ka bang “speaking” or “serving” gift? Ano ang ministry area na meron kang active involvement ngayon? Kung wala pa, will you commit to be a good steward by joining a particular ministry dito sa church? Sa ano’ng church planting area ka susuporta, in whatever way you can, para makatulong sa Gospel Ambition ng BBCC? Plaridel? Bustos? San Rafael? Baliwag-North? Baliwag-Central?
The chief end of all things: “the glory of God” (4:11)
Mahalaga ang motivation. Without proper gospel motivations, yung checklist natin na nagagawa natin ang dapat gawin will be legalism. The gospel must so shape or transform our hearts so that we will do everything we have to do only for the glory of God. Ang lahat ng ito ay para sa karangalan ng Diyos. Soli Deo gloria.
The chief end of Christian suffering and ministry is the glory of God: “In order that in everything God may be glorified.” Kung faithful tayo sa pagtuturo ng salita ng Diyos, in preaching the gospel, the Word of God and the wisdom of God is magnified. Kung naglilingkod tayo hindi sa sarili nating lakas kundi nakadepende sa kapangyarihan ng Diyos, his power is magnified. Kung tinatanggap natin ang kapatid natin sa bahay, God’s acceptance of us is magnified. Kung nagpapatawad tayo at patuloy na nagmamahal, God’s forgiving love is magnified.
Kaya sinabi din ni Pedro na God is glorified “through Jesus Christ.” Ang dahilan ng pagparito ni Jesus, ang layunin ng kanyang paghihirap na dinanas, ng kamatayan niya sa krus, ng kanyang muling pagkabuhay, ng kanyang pag-akyat sa langit, ng kanyang pag-upo sa kanang kamay ng Diyos, ng kanyang intercession for us, ng kanyang muling pagbabalik ay para sa karangalan ng Diyos.
This is our chief end. This is the chief end of the gospel. This is the passion of the heart of God. His glory above everything. “To him belong glory and dominion forever and ever. Amen.” Siya ang dahilan kung bakit tinitiis natin ang mga sufferings. Siya ang dahilan kung bakit tayo sumusunod. Kung bakit tayo patuloy na nagmamahal at naglilingkod sa isa’t isa.
1 Comment