Part 8 – David and Uzzah

Madali tayong ma-impress ng husay, galing, ganda at talino ng ibang tao. Basketball man ‘yan, o mga celebrity singers and performers, political or religious leaders. We are easily impressed by human glory. Glory man ng ibang tao o glory natin. Ang iba, poging-pogi, gandang-ganda, hangang-hanga sa sarili. We easily forget that there is a glory far more important, far greater than our own glory.

Ark-of-the-Covenant

[sorry, audio of this sermon is not available]

Sa story natin sa life ni King David, narito na tayo sa point ng story na finally (at last!) siya na ang kinikilalang hari sa buong Israel (2 Sam. 5:1-5). Wala nang hadlang. Sa kanya na ang honor and glory of being Israel’s king. Sinalakay niya ang Jerusalem (na hawak-hawak pa at this point ng mga Jebusites) at yun ang ginawa niyang political capital ng Israel (5:6ff). Tinalo na rin niya ang mga Philistines (5:17ff). So wala nang threat from the inside, wala nang threat from the outside. Parang all is well and good na para kay David at sa kanyang kingdom.

Kahit na last week nakita natin na David’s heart is in the right place pagdating sa pakikitungo sa kanyang mga kaaway, sa paggagawad ng hustisya at maging sa pagpapakita ng awa’t habag, his heart is far from perfect. Patuloy pa rin siyang hinuhubog ng Panginoon. Dahil ang kanyang puso, tulad ng puso ng bawat isa sa atin, “prone to wander…prone to leave the God I love.” Isang katunayan nito ay ang pagkuha niya ng maraming asawa na siyang mahigpit na ipinagbabawal ng Diyos (5:13; Deut. 17:17, “He shall not acquire many wives for himself, lest his heart turn away…”).

Kung hindi nararamdaman ni David ‘yan, ipaparamdam ng Diyos. Kung hindi mo nararamdaman ‘yan, ipaparamdam ng Diyos. Lalo na yung pagiging prone natin na mahumaling sa sarili nating glory at makalimutang the glory of God, the holy presence of God is far more important than anything else. And sometimes, that lesson is painful to learn.

Like what happened sa 2 Samuel 6 na may kinalaman sa Ark of the Covenant. “Kahon ng Kasunduan” sa ASD, “Kaban ng Tipan” sa MBB. Isa itong furniture na gawa sa kahoy, overlaid with gold, nasa ibabaw ang mercy seat na may dalawang kerubim (angelic beings). Ito ang pinakaimportanteng furniture sa Tabernacle (portable temple kumbaga), sa panahon pa ni Moises nagsimula. At nakalagay ito sa loob ng Most Holy Place. Ito ang lugar ng banal na presensiya ng Diyos. Ito ang magpapaalala sa kanila kung ano ang pinakamahalaga, kung sino ang pinakamahalaga, kung sino ang tunay na Hari ng Israel. It is not about David’s glory or the glory of the kingdom of Israel, it is about God’s glory. Kaya gusto ni David na dalhin sa Jerusalem ang Ark. Hindi lang siya political center, but also religious center. Hindi si David ang bida, ang Diyos ang Bida.

Ngayon, bakit siya napunta sa bahay ni Abinadab sa Kiriath-jarim? Ganito kasi ang nangyari. Balikan natin sa 1 Samuel. Dapat pari ang nagbabantay dun. Sa panahon ni Eli, na siyang punong pari, itong dalawa niyang salbaheng anak dinala sa labanan ang Ark para eka pampabuwenas sa laban ng Israelites sa Philistines. Mukhang “minalas” ang nangyari. Nakuha ng mga kalaban ang Ark (1 Sam. 4:11) at nagstay lang sa kanila ng pitong buwan (6:1). Dinala nila kasi sa Ashdod at tinabi sa dios-diosan nilang si Dagon (5:1-7). Kaso isang araw nakita nilang nakabuwal si Dagon. Tinayo nila. Kinabukasan naman, putol na ang ulo’t mga kamay nito. Bukod dun, nagkakasakit ang mga tao sa lugar. Natakot na sila. Dinala nila sa Gath (5:8-9), nagkasakit din ang mga tao. Dinala naman sa Ekron, natakot ang mga tao, namatay ang iba, nagkasakit ang ilan (5:10-12).

Napagpasyahan na nilang ibalik sa Israel at ibinalik nga nila na may kasamang “guilt offering” sa Beth-shemesh (6:10-15). Natuwa ang mga tao nang makita itong paparating (v. 13). Napalitan naman ang saya nila ng pagluluksa nang 70 katao ang pinatay ng Panginoon nang tingnan nila o titigan ang ark (v. 19). Wala namang masamang tingnan, maliban na lang marahil kung ang tingin nila ay disrespectful. Takot nilang sinabi, “Sino ba ang makakaharap sa presensya ng Panginoon, ang banal na Dios” (v. 20)? Ipinakuha nila ito sa mga taga-Kiriath-jearim (7:1-2). Dinala sa bahay ni Abinadab, itinalaga si Eleazar na mamahala, at namalagi dito nang 20 taon. “Sa panahong iyon, nagdalamhati at humingi ng tulong sa Panginoon ang buong mamamayan ng Israel” (v. 2). Ano nga naman ang gagawin nila? No one can mess with the holiness of God and treat his glory lightly. Ang bagal nilang matutunan ito, ang bagal nating matutunan ang napakahalagang lesson na ‘to.

Sabi sa Psalm 24:3-4, “Sino ang karapat-dapat umakyat sa bundok ng Panginoon? At sino ang maaaring tumungtong sa kanyang banal na templo? Makatutungtong ang may matuwid na pamumuhay at malinis na puso.” Pero sino ba sa atin ang may matuwid na pamumuhay? Sino ba sa atin ang may malinis na puso? Si Adan at Eba, pinalayas ng Diyos, itinaboy mula sa Garden of Eden, at binantayan ng kerubim (yun ang image na nasa ibabaw ng Ark) para kung sinuman ang magtangkang pumasok ay mamamatay (Gen. 3:23-25). Hindi rin si Moises. Kahit na siya ang inutusang gumawa ng Tabernacle, the glory of the Lord was too hot for him to handle: “Hindi makapasok si Moises sa Tolda dahil nababalot ito ng makapangyarihang presensya ng PANGINOON na nasa anyong ulap” (Exod. 40:35).

Hindi rin si David. Pati si David kailangang turuan ng Diyos tungkol sa kanyang kabanalang di basta-basta malalapitan. Ilampung taon din ang lumipas, si David na ang hari, at gusto niyang dalhin na sa Jerusalem ang Ark. Good intention, yes. Kasi gusto ni David na ang magcharacterize sa kingdom niya ay ang presence ng Panginoon. Ito ang magiging distinction o uniqueness ng Israel sa ibang mga kingdoms. Sa 2 Samuel 6:2, heto ang description ng ark: “The ark of God, which is called by the name of the Lord of hosts who sits enthroned on the cherubim.” Sa ASD, “Kahon ng Dios (sa MBB, Kaban ng Tipan), kung saan naroon ang presensya (lit., pangalan) ng Panginoong Makapangyarihan. Nakaluklok ang Panginoon sa gitna ng dalawang kerubin na nasa ibabaw ng Kahon.” This is a visible reminder that the true King of Israel is the holy God. Good news sana ‘yan. Kaso, the problem for us un-holy people is this: “How do you deal with God’s holy presence and stay alive?” Paano ka lalapit sa isang Diyos na banal na hindi ka mamamatay?

But we don’t usually ask that question everyday. Ang nangingibabaw na questions sa atin ay: Paano kaya ako makakabayad? Mananalo kaya ang team ko? Kelan kaya ako magkakaboyfriend? Kahit sa mga churches, bihira na ring itanong ‘yan. Kahit worship o ministry pinag-uusapan, mga trivial questions ang pinag-uusapan: Ano’ng instruments gagamitin? Anong style ng music? Anong kulay ng kurtina? Yan pa naman ang pinag-aawayan ng iba.

What if we don’t take God’s holiness seriously? Ano’ng mangyayari? Gumawa sila ng bagong kariton na hinihila ng mga baka at dun nila isinakay yung Ark (v. 3). Ito siguro ang natutunan nila sa mga Philistines (1 Sam. 6:7). Tapos, yung dalawang anak ni Abinabad ang drivers, si Uzzah at si Ahio. “Buong kagalakang nagdiwang si David at ang buong Israel sa presensya ng Panginoon nang buong kalakasan. Umaawit sila at tumutugtog ng mga alpa, lira, tamburin, kastaneta at pompyang” (v. 5). Nag-aawitan, nagtutugtugan, nagsasayawan sila sa tuwa at sa pagdiriwang. The coming of the presence of God (symbolized by the ark) is really, really good for David and for all Israel. Tama lang na ipagdiwang natin ang kabutihan ng Diyos sa pamamagitan ng musika. Music is good, but worshipping God is more than just about music and celebration. Madalas kasi natin i-equate ang “worship” sa “kantahan.” But that is not the essence of worship.

Our view of worship is too low. The way we worship is too casual. Nakakalimutan na natin kung ano ang ibig sabihin ng kabanalan ng Diyos. Sa verses 6-7, ganito ang sumunod na nangyari. Habang naglalakbay sila, natisod ang baka. At dahil baka malaglag yung Ark ay hinawakan ito ni Uzzah. Nagalit ang Panginoon. Pinarusahan siya at namatay agad-agad. Tulad ng nangyari sa Beth-shemesh, 70 lalaki ang namatay nang titigan nila nang walang paggalang itong Ark na ‘to, ngayon naman isa ang namatay dahil hinawakan niya. Ha? Ano ba ‘yan? Bakit ganun? Okay lang naman hawakan para nga maalalayan, bakit naman parang napakalupit ng Panginoon? Akala ko ba God of love siya, merciful, gracious? Bakit ganito?

Akala natin kasi kilala na natin siya. Akala kasi natin pwede nating ikahon ang pagkakilala sa atin ng Diyos at kapag may ginawa siya na hindi natin inaasahan, we judge him. Nagpapakilala ang Diyos sa iyo ngayon. Tulad ng pagpapakilala niya kay David. Si David nga nagalit din sa ginawa ng Panginoon (v. 8). Agad-agad naman ang parusa, wala man lang second chance? Bakit ganun? Nagkakantahan pa man din sila, tapos ganun bigla yung nangyari. Nagalit siya, natakot din. “How can the ark of the Lord come to me” (v. 9)? Paano ngayon tayo makakalapit sa Diyos, o ang presensiya ng Diyos makakalapit sa atin nang walang namamatay? Yan ang mahalagang tanong.

At di dapat magalit si David sa Diyos. You cannot accuse God of wrong doing. Lahat ng ginagawa niya ay tama at matuwid. Kahit na di natin nagugustuhan. Tayo nga ang gumagawa ng mali. At tama lang na magparusa ang Diyos. Bakit? Mahigpit niyang ipinagbawal na hawakan yun: “…hindi nila hahawakan ang mga banal na bagay para hindi sila mamatay” (Num. 4:15). Ang kasalanan ni Uzzah ay dahil din naman sa maling paraan nila ng pagtransport nito. Isinakay nila sa kariton ang Ark samantalang meron ngang nakakabit na mga poles sa gilid nun para buhatin ng mga Levites (see Ex. 25:14–15; Num. 4:15; 7:9; Deut. 10:8; 31:9, 25; cf. Josh. 3:15). Yan ang paraang itinakda ng Diyos. Kung siya ang Hari, siya ang masusunod. David should know that. The priests should know that. Hindi lang si Uzzah ang liable dito. Pati nga si David liable din.

We must not take the presence of God lightly. When we come to worship every Sunday, when we live our lives in the presence of God daily, we must tremble that we are still alive. Dapat tayong lumapit sa Diyos ayon sa paraang itinakda niya, hindi sa sarili nating pamamaraan. Kamatayan ang kabayaran ng kasalanan. Merong bad news, meron ding good news. Dahil hindi kamatayan ang intensyon ng Diyos sa atin. Gusto niyang ilapit ang presensya niya sa atin not to kill us, but to bless us.

Pero dahil sa takot ni David, di muna niya dinala sa Jerusalem ang Ark. Sa bahay muna ni Obed-edom (v. 11), three months namalagi dun, at “pinagpala siya ng Panginoon, maging ang buo niyang sambahayan.” So malinaw dito ang intensyon ng Diyos. Wala tayong dapat ikatakot kung ang puso natin ay nagbibigay-karangalan sa Diyos at nagpapakumbaba sa harapan niya. The presence of God meant is not for death but for blessing. Like in the garden of Eden with Adam and Eve. Yan ang fullness of life. To be in the presence of God. But name of God and the word of God is meant to be honored. We chose death by following our own ways.

Pero wala tayong dapat ikatakot kung nagtitiwala tayo na mabuti ang puso ng Diyos at ang nais niya ay pagpalain tayo. Nakakatakot ang kabanalan ng Diyos. Pero good news din ito sa atin. Paano na lang kung walang pakialam ang Diyos sa kabanalan niya? Sa pagsunod sa kanya? Sa paggagawad ng hustisya? That will make him a very terrible God, and no God at all. Pero dahil sa kabanalan ng Diyos, dahil din sa biyaya ng Diyos, pinagpapala niya tayo. Ano ang epekto nito kay David at sa Israel nang mabalitaan nilang pagpapala pala ang gusto ng Diyos para sa kanila at hindi parusa? Sa halip na matakot, napalitan ito ng kagalakan, masiglang sawayan sa presensiya ng Panginoon, sigawan, tugtugan, at kasiyahan sa pagpupuri sa Diyos (vv. 12-15).

Paanong napalitan ang takot sa presensiya ng Diyos ng pagdiriwang sa pagpupuri sa Diyos? Tingnan n’yo ang verse 13, “Nang makaanim na hakbang na ang mga nagbubuhat ng Kahon ng Panginoon…” Ayun, hindi dapat sa kariton, dapat buhatin. Yun ang utos ng Diyos. Dapat sundin. Kung susunod lang tayo sana, kung babaguhin lang sana natin ang puso natin. Pero I believe that that is not the key to this story. Dahil natural sa atin, we are lawbreakers, uulit ulit tayo, babalik na naman tayo sa kasalanan. Natural sa atin glory-robbers. Ngayon overwhelmed ka ng glory ng Panginoon, bukas nahuhumaling ka na naman sa sarili mong glory.

Ituloy natin ang verse 13, “Nang makaanim na hakbang na ang mga nagbubuhat ng Kahon ng Panginoon, pinahinto sila ni David at naghandog siya ng isang toro at isang pinatabang guya.” This is the key, this is the gospel key to this story. Lahat tayo deserving to die dahil sa kasalanan. Wala ni sinuman sa atin ang makalalapit nang buhay sa banal na presensiya nang Diyos at mananatiling buhay. But the good news is this: God has provided a way for us to approach his holy presence and not die. The death of a substitute. Meron pa ring kailangang mamatay. Pinatay nila ang hayop bilang handog sa Diyos. Pagdating sa Jerusalem, ganun ulit ang ginawa nila, “Inilagay nila ang Kahon ng Panginoon sa loob ng toldang ipinatayo ni David para rito. Pagkatapos, nag-alay siya sa Panginoon ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa mabuting relasyon” (v. 17). Merong burnt offering, merong peace offering. Merong kailangang mamatay para umako ng kasalanan natin para mailapit tayo sa presensya ng banal na Diyos.

Walang makalalapit sa pagsamba sa Diyos nang walang sakripisyo. By sacrifice I don’t mean this: Late kang dumating ngayon, sasabihin mo next time magsasakripisyo ka na at gigising nang maaga. O kaya, dati konti ang binibigay mo sa offering, sasabihin mo ngayon magsasakripisyo ka na at dadagdagan mo na. No! Ang sakripisyong kailangan para mabayaran ang kasalanan natin ay kamatayan. Gusto mo ikaw ang magbayad ng kasalanan mo? The only way you can do that is by spending eternity in hell.

Or choose to trust in God’s provision of a substitute for you. Ang paghahandog ng mga hayop ay tinatawag na substitutionary atonement at larawan o anino ng pagdating ng Panginoong Jesus, “the Lamb of God who takes away the sins of the world” (John 1:29). Hindi sakripisyo mo ang kailangan ng Diyos para matanggap ka sa presensiya niya at dumaloy ang pagpapala sa buhay mo. Sakripisyo ni Jesus ang kailangan mo. Kaya nga good news (at hindi good advice) ang ibig sabihin ng gospel!

“Minsan lang pumasok si Cristo sa Pinakabanal na Lugar. At hindi dugo ng kambing o ng guya ang dala niya kundi ang sarili niyang dugo. At sa pamamagitan ng kanyang dugo, tinubos niya tayo sa mga kasalanan natin magpakailanman…Sa pamamagitan ng walang hanggang Banal na Espiritu, inialay ni Cristo ang sarili niya bilang handog na walang kapintasan sa Dios. Ang dugo niya ang lilinis sa ating pusoʼt isipan para matalikuran natin ang mga gawaing walang kabuluhan at paglingkuran ang Dios na buhay” (Heb. 9:12, 14).

“Kaya mga kapatid, malaya na tayong makakapasok sa Pinakabanal na Lugar dahil sa dugo ni Jesus. 20Sa pamamagitan ng paghahandog ng kanyang katawan, binuksan niya para sa atin ang bagong daan patungo sa Pinakabanal na Lugar na nasa kabila ng tabing. [Naaalala n’yo kung paanong pagkatapos mamatay ni Jesus ay nahati ang tabing ng Most Holy Place sa templo?] At ang daang ito ang nagdadala sa atin sa buhay na walang hanggan. 21At dahil mayroon tayong dakilang punong pari na namamahala sa pamilya ng Dios, 22lumapit tayo sa kanya nang may tapat na puso at matatag na pananampalataya, dahil nilinis na ng dugo ni Jesus ang mga puso natin mula sa maruming pag-iisip, at nahugasan na ang mga katawan natin ng malinis na tubig” (10:19-22).

“Kaya magpasalamat tayo sa Dios dahil kabilang na tayo sa kaharian niya na hindi nayayanig. Sambahin natin siya sa paraang kalugod-lugod, na may takot at paggalang sa kanya, 29dahil kapag nagparusa ang ating Dios, itoʼy parang apoy na nakakatupok” (12:28-29). Salamat sa awa ng Diyos at hindi tayo natutupok ng apoy ng kanyang galit ngayon – kahit na ang puso natin ay nananatiling naghahangad ng sarili nating karangalan nang higit sa kanyang karangalan. Dahil si Cristo ay tinupok na ng apoy ng galit ng Diyos nang siya’y mamatay sa krus para sa atin. Siya ang dahilan kung bakit nakakalapit ka ngayon sa Diyos na banal. Hindi dahil matuwid ka, kundi dahil matuwid si Cristo. Hindi dahil sa ginawa mo, kundi dahil sa ginawa ni Cristo.

Dahil sa awa ng Diyos, sumamba ka sa kanya, umawit ka, sumayaw ka, manalangin ka, magbigay ka, maglingkod ka, sumunod ka sa mga utos niya, mamuhay ka nang may kabanalan, ibahagi mo si Cristo sa iba, magdisciple ka, magmisyon ka, give all that you have for Jesus and his kingdom. Dahil nasa iyo na ang awa at habag ng Diyos. Dahil nakalapit ka na sa banal na presensiya ng Diyos dahil sa ginawa ni Cristo para sa iyo. We messed with God’s holiness. But we received grace because of Jesus. As you worship him, then, rejoice with trembling.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.