Part 7 – David and Abner

 

12_sermon_graphic_david_8
Image source: http://www.paultripp.com

Maikli ang pasensiya natin. Ayaw natin nang naghihintay. Nagmamadali tayo. Gusto natin mabilisan, instant, agad-agad. Nagpapakita ito ng kakulangan ng pagtitiwala sa Diyos, sa kanyang mga pangako at mabuting plano para sa buhay natin. Dahil sa pagmamadali natin, we take matters into our own hands. Kaya naman, nahuhulog tayo sa kasalanan.

Single ka, di ka na makapaghintay. Kahit hindi Christian pinatulan mo na. O kung Christian man, di ka makapaghintay na ang sex dapat sa mag-asawa lang. O sa trabaho, kahit di kalooban ng Diyos, kahit mapapalayo ka sa Diyos at makahahadlang sa spiritual life mo, pinatulan mo na magkatrabaho ka lang. O naiinip ka na magbago ang asawa mo at maging Christian na, dinaan mo na sa kasasalita mo. Ayun tuloy, lalong napasama. O sa ministry, dahil sa naiinip tayo sa resulta ng pagdidisciple sa iba, hindi na tayo sa salita at Espiritu ng Diyos umaasa. We failed to put our trust in God when we don’t wait and become impatient.

David’s patience in waiting

Sa paglalakbay natin sa kuwento ng buhay ni David, kitang-kita natin ang haba ng pasensiya niya at ang pagtitiwala niya sa Diyos sa paghihintay sa pahanong itinalaga ng Diyos para siya na ang lumuklok sa trono ng Israel bilang hari. Hindi niya pinilit na agawin ang trono kay Saul. He didn’t take it by force. He waited for the Lord’s timing. Napakagandang pagmasdan ang kuwentong ito dahil nagpapakita ito na ang puso ni David is in the right place. He was anointed by God. And unlike Saul, he was demonstrating his qualification to be the real king of Israel.

Iba kasi ang Israel sa ibang mga bansa. A holy nation, a royal priesthood, a people for God’s own treasured possession (Exod. 19:4-6). Kaya kung meron man silang magiging hari, like David, ang qualification niya ay hindi ang kanyang number of successes or victories sa mga labanan, hindi yung kanyang level of skills as a warrior, hindi yung kanyang “strength in numbers” or his popularity. But his strength of character.

Ito ang gustong ipreserve ng Diyos sa transition period o turnover period ng kingdom from Saul to David. Iba siya. Iba ang puso niya. Hindi tulad ni Saul na gahaman sa kapangyarihan at handang patayin ang mga nagiging balakid sa kanya. God was at work in the life of David. Nasa kanya ang Espiritu ng Diyos, preserving him, making sure na “blameless” ang pag-upo niya sa trono. Kaya naman nag-intervene ang Diyos nang magtangka si David na patayin si Nabal na uminsulto sa kanya at ginamit ang asawa nitong si Abigail, so that the hands of David will be free from needless violence (1 Sam. 25).

Ito naman kasing anger, jealousy, lust for power, and violence ang nagpabagsak kay Saul. Kaya nang magkrus ang landas nila Saul at David simula nang mapatay niya si Goliath (1 Sam. 17), evident sa mga stories hanggang sa dulo ng 1 Samuel at sa simula ng 2 Samuel (in Hebrew, one book lang ang Samuel) ang pagbagsak ni Saul at ang pag-angat naman ni David. “Iyon ang simula ng mahabang labanan sa pagitan ng mga matatapat na tauhan ni Saul at ni David. Lumakas nang lumakas ang grupo ni David. Pero ang kay Saul naman ay humina nang humina” (2 Sam. 3:1).

These stories are showing how Saul disqualifies himself from the kingship and how God qualifies David to be king. To be God’s kind of king. Oo nga’t in God’s sovereign purposes nag-aapoint siya ng mga ungodly and wicked leaders like many kings sa Israel, and even presidents today tulad ng ating presidente. But not that kind of king or leader ang pinag-uusapan dito. Yung character na kakaiba, yung character na tulad ng character ng Diyos, yung leader na true image-bearer, yung leader na good representative of God’s rule among his people.

David’s Test of Character

Kaya bago pa ikuwento sa atin kung paanong nagkaisa na ang buong Israel na i-anoint si David as their king (2 Sam. 5:1-3), apat na chapters ang inilaan muna (2 Sam. 1-4) para ipakita na si David ay inosente sa pagpatay sa mga kapwa Israelita. Bloody and violent ang naging transition ng kingdom kay David. Pero wala siyang kasalanan sa mga violent events na yun. Katunayan siya pa nga ang nagparusa sa mga nagkasala ng pagpatay. Nagpapakita ito na qualified siya as king. Sa pagiging hari kasi, unlike today, nasa iyo na ang executive, legislative at judiciary. With that great power comes great responsibility. Are you someone who can be trusted by the people? Are you someone na not easily corruptible? “Power corrupts. Absolute power corrupts absolutely.”

Death of Saul. In three tests of his character, pasado si David. Yung una ay may kinalaman sa kamatayan ni Saul. Sa pakikipaglaban sa mga Philistines, natamaan siya ng pana ng kalaban. Nagpakamatay na siya at tinusok ang sarili ng kanyang espada (1 Sam. 31:4). Meron naman nagbalita kay David, isang Amalekite, at nagsabing siya ang pumatay kay Saul (2 Sam. 1:9-10). Sa pagsisinungaling niya, inaasahan niyang gagantimpalaan siya ni David. He doesn’t know David at all. Instead of being rewarded, David ordered to have him executed for “killing the Lord’s anointed” (1:14-16). Iniyakan pa nga niya ang pagkamatay ni Saul (1:17-27). Ang binigyan niya ng reward at honor ay ang mga taga-Jabesh Gilead for their loyalty sa paglilibing sa katawan ni Saul. Sabi niya sa kanila, “May you be blessed by the Lord…may the Lord show steadfast love and faithfulness to you. And I will do good to you…” (2:5-6).

Death of Ish-bosheth. Ang pangalawa ay may kinalaman sa anak ni Saul na si Ish-bosheth. Nang mamatay si Saul, David was publicly anointed as king over the house of Judah (2:4). Tumagal ito nang pito’t kalahating taon (2:11). Hindi pa sa buong Israel dahil itong si Abner na commander ng army ni Saul, iprinoklama namang si Ish-bosheth ang hari over the rest of Israel (2:8-10), dalawang taon lang ang itinagal niya (2:10). Nang mamatay na kasi si Abner (na siyang titingnan natin pagkatapos), pinanghinaan na siya ng loob (4:1). Habang natutulog siya, merong dalawang magkapatid na lalaking pumasok sa kuwarto niya at pinatay siya at pinugutan ng ulo. Dinala nila ang ulo kay David at nagmamalaki pang sinabi, “Narito po ang ulo ni Ishboshet ang anak ni Saul na kalaban nʼyo, na nagtangka sa inyong buhay. Sa araw na ito, ipinaghiganti kayo ng Panginoon laban kay Saul at sa angkan niya” (v. 8). Di siguro nila nabalitaan ang ginawa ni David sa Amalekite. Sabi niya sa kanila…

“Sasabihin ko sa inyo ang totoo sa presensya ng Panginoon na buhay, na nagligtas sa akin sa lahat ng kapahamakan. 10Noon ay may taong pumunta sa akin sa Ziklag at sinabing patay na si Saul, akala niyaʼy magandang balita ang dala niya sa akin. Sa halip, ipinadakip ko siya at ipinapatay. Iyon ang gantimpalang ibinigay ko sa balitang inihatid niya sa akin. 11Ngayon, anong gantimpala ang ibibigay ko sa masasamang taong gaya nʼyo na pumatay ng isang inosenteng tao sa sarili nitong tahanan at sa sarili niyang higaan? Hindi baʼt nararapat na patayin ko kayo para mawala na kayo sa mundo” (vv. 9-11).

Inosente si David sa pagpatay sa mga inosenteng tao. Bilang hari, hinahatulan niya ng kamatayan ang sinumang pumatay sa mga taong inosente. Nagpapakita ito ng pagpapahalaga ng Diyos sa buhay ng isang taong (gaano man kasama) nilikha sa larawan ng Diyos. “From his fellow man I will require a reckoning for the life of man. Whoever sheds the blood of man, by man [with God-given authority] shall his blood be shed, for God made man in his own image” (Gen. 9:5-6). Hinatulan ng kamatayan ang dalawang lalaking pumatay sa anak ni Saul. Pinutulan ng kamay at paa at ibinitin ang kanilang katawan (2 Sam. 4:12). Mabigat ang parusa ng Diyos sa mga masasamang taong pumapatay ng mga inosente tulad ng mga bata sa sinapupunan at mga civilians sa mga war zones. O kung pumatay man ng mga masasama tulad ng mga drug pushers, pero wala naman sa kanilang mga kamay ang awtoridad to execute justice.

Death of Abner. Ito naman kasing si Ish-bosheth, actually parang puppet king lang siya. Si Abner talaga ang in-command. “Habang patuloy ang labanan sa pagitan ng mga tauhan ni Saul at ni David, naging makapangyarihang pinuno si Abner sa mga tauhan ni Saul” (3:6). Sa isa sa mga labanan sa pagitan ng grupo ni Abner at ng grupo ni David, napatay ni Abner itong si Asahel (2:23), na siyang kapatid ni Joab na counterpart ni Abner bilang commander naman ng army ni David.

Nang mabalitaan naman ni Ish-bosheth na kinuha ni Abner ang isa sa mga babae ni Saul, nagalit si Abner sa kanya. At ito ang naging dahilan para bumaligtad na siya. “…mabuti pang tulungan ko na lang si David na matupad ang ipinangako ng Panginoon sa kanya, at parusahan sana ako nang matindi ng Dios kapag hindi ko siya tinulungan. 10Ipinangako ng Panginoon na hindi na niya paghahariin ang sinumang kalahi ni Saul kundi si David ang paghahariin niya sa Israel at Juda…” (3:9-10).

Mula sa oposisyon, lumipat na siya sa panig ng administrasyon. Nakipagkasundo siya kay David na tutulungang malipat na ang buong kaharian sa kanya, at pumayag naman si David (vv. 12-13). Tinipon ni Abner ang mga leaders ng Israel. Sabi niya, “Matagal nʼyo ng gustong maging hari si David. 18Ito na ang pagkakataon nʼyo, dahil nangako ang Panginoon sa lingkod niyang si David na sa pamamagitan niya, ililigtas niya ang mga mamamayan niyang Israelita sa kamay ng mga Filisteo at sa lahat ng kalaban nito” (vv. 17-18). Nagreport naman siya kay David at sinabing nasa kanya na ang suporta ng iba pang mga tribo ng Israel (v. 19).

Nagkaroong ng celebration si David para kay Abner at mga tauhan niya (v. 20). Nagpaalam si Abner para masolidify pa ang alliance para kay David. “At hinayaan ni David si Abner na umalis nang matiwasay” (v. 21). ESV, “in peace.” Nang dumating si Joab, di sila nag-abot ni Abner, “dahil pinaalis na siya ni David nang matiwasay” (v. 22). Pansinin n’yong inuulit ‘yan (“in peace”) for emphasis. Heto pa, nabalitaan ni Joab na pumunta si Abner sa hari at pinaalis nang matiwasay (v. 23). Nagalit si Joab sa ginawa ni David, at inakusahan pang espiya si Abner. Pero sa puso niya ay gusto niyang maghiganti para sa kanyang kapatid na si Asahel na pinatay ni Abner. Dali-dali siyang umalis at hinabol si Abner. “Pero hindi ito alam ni David” (v. 26). Nang magkita na sila, kunwari pa’y kakausapin lang niya si Abner, pero sinaksak niya ito sa tiyan “bilang paghihiganti sa pagpatay ni Abner sa kapatid niyang si Asahel” (v. 27, cf. v. 30).

Nabalitaan ni David ang nangyari. Sabi niya, “I and my kingdom are forever guiltless before the Lord for the blood of Abner” (v. 28). Sa kasong ito, hindi hinatulang mamatay si Joab, he probably received a kingly pardon. Pero nagbitaw ng sumpa si David laban sa kanya (v. 29). Malinaw na walang kinalaman si David sa pagpatay kay Abner dahil umiyak siya, nagluksa, umawit ng song of lament para kay Abner, at nag-fasting (vv. 31-35).

The narrator of this story was very careful to make this comment to emphasize the point of this story: “And all the people took notice of it, and it pleased them, as everything that the king did pleased all the people. 37So all the people and all Israel understood that day that it had not been the king’s will to put to death Abner the son of Ner” (vv. 36-37). Walang sinuman ang may isa man lang na maipipintas sa mga desisyon ni David, at least up to this point. Sabi ni David, “And I was gentle today, though anointed king. These men, the sons of Zeruiah, are more severe than I. The Lord repay the evildoer according to his wickedness” (v. 39).

Inosente si David sa pagpatay sa mga inosenteng tao. Bilang hari, hinahatulan niya ng kamatayan ang sinumang pumatay sa mga taong inosente. Of course Abner was not innocent. Guilty siya sa pagpatay sa kapatid ni Joab, although pwedeng sabihin na times of war yun kaya ibang kaso yun. Pero inilagay ni Joab sa kanyang kamay ang paghihiganti at binalewala niya ang desisyon ni David na makipagkasundo sa kanya. In turn, David showed Joab undeserved mercy. He was a gentle king. Naaawa siya, nagpapatawad, nakikipagkasundo sa kaaway. Pero makatarungan din naman siya kung humatol sa mga nagkasala.

Gospel Transformation

Ito ang klase ng hari na kailangan ng Israel, qualified to reign over God’s people. Ito ang klase ng hari na dapat sana ay tularan natin bilang mga nilikha sa larawan ng Diyos. As God’s image bearers, we are anointed by God to rule over his creation (Gen. 1:26-28). May gentleness, may justice, may mercy. Hindi abusive sa power, hindi gahaman, hindi abusado. With great power (as God’s image-bearers) comes great responsibility. Bumagsak tayong lahat. We failed to reflect God’s loving authority sa mga taong ipinagkatiwala niya sa atin – sa pamilya, sa trabaho, sa ministeryo, sa ibang tao. Nagrebelde tayo. Akala natin qualified tayo na pagharian ang buhay natin, pero lahat tayo disqualified.

Tulad ni Saul. Tulad ng Amalekita na nagmalaking siya daw ang pumatay kay Saul at ng magkapatid na pumatay naman sa anak ni Saul, nagmamagaling tayo, nagsisinungaling, nagpapakitang-gilas, at inaakalang katutuwaan ng Diyos ang ginagawa natin. We all deserve to be executed. We deserve God’s harsh judgment. “The Lord repay the eviloer according to his wickedness” (3:39). Wala ni isa man sa atin ang inosente. We are all evildoers, wicked, and corrupt. Hindi lang mga politiko, hindi lang mga ISIS, hindi lang ang mga executioners ng EJK, hindi lang mga human traffickers. Lahat tayo.

Kailangan natin ng hari na qualified mamahala sa buhay natin. Pagkatapos ni David, palala rin nang palala ang mga haring sumunod sa kanya. There was not a single king who comes close to being like David. Until Someone greater than him came. Until Jesus. Siya lang perfect representation ng image of God, siya lang ang perfectly anointed King. The Messiah. Siya lang ang qualified to rule our lives. Pag tayo namamahala sa buhay natin, nagkakagulo. Pero pag si Jesus ang namahala, he was gentle and meek. He was the truly innocent one. Lahat ng tests pasado siya. He was blameless. Siya lang ang “forever guiltless.” Lahat ng ginawa niya kinalugdan ng Diyos at ng mga taong naghihintay sa pagdating ng Messiah.

Pero nagawa pa rin ng mga kaaway niya na akusahan siya, paratangan siya na nag-iincite ng rebellion against Rome. Maging sa pagharap sa mga naglilitis sa kanya, he remained gentle. Siya ang rightful king, pero inintay niya ang panahong itinakda ng Diyos para sa kanya. Kahit ang mga tagasunod niya gusto na siya ang maghari. Bago kasi yun, kailangan muna niyang akuin ang mga kasalanan natin. Sa krus, kinaawaan tayo ng Diyos, we received royal pardon, kahit na dapat tayong itapon sa apoy ng impiyerno. We are spared from God’s judgment.

If…we put our trust in Jesus. Kung bibitawan na natin ang pamamahala sa buhay natin at susurrender sa pamamahala ni Cristo. We repent and transfer our allegiance (like Abner) from the kingdom of darkness and of Satan to the kingdom of Jesus. Pero kung hindi, one day he will return, the King will return, at hahatulan niya ang lahat ng patuloy sa pagrerebelde sa Diyos at mahihiwalay nang tuluyan sa Diyos at magdurusa magpakailanman.

This is serious stuff. This is a matter of life and death. Kaya kung hanggang ngayon, you are not yet a Christian, pakinggan mong mabuti ang panawagan ng Diyos sa iyo. Wag mong isiping mabuting tao ka at qualified ka sa kaharian ng Diyos. No! No! No! Kahit kayong mga bata, makinig kayo. Wag n’yong isiping mabait na bata kayo, masunurin sa magulang, o Christians ang parents n’yo kaya qualified kayo sa kaharian ng Diyos. No! No! No!

We got qualified only because of Jesus and what he has done for us. That is the gospel. And that gospel transforms the way we live here and now. Sa inyo na mga kababaptized kahapon lang, alalahanin n’yo na ang baptism n’yo o anumang ginawa n’yong pagsunod ngayon, hindi yan ang nagqualify sa inyo. But the work of Jesus on the cross for you. Yan ang ibig sabihin ng baptism. Naligtas ka hindi dahil sa ginawa mo, kundi dahil sa ginawa ni Cristo para sa iyo.

In Jesus, you are qualified. So you rule, you lead, you disciple, you share the gospel, you relate with spouse and kids with gentleness. Kahit pa magaspang ang ugali nila sa inyo, kahit pa masakit ang mga salitang binitiwan nila. Ipagkatiwala mong lahat sa Diyos. Don’t take matters into your own hands. The King will soon come to judge evil and make all things right. Hope in him. Then you will rule with him in his kingdom forever and ever. We need to learn to wait. Good things come to those who wait…not just those who wait…but those who wait upon God. Sana ito ang maging prayer natin, May integrity and uprightness preserve me, for I wait for you” (Psa. 25:21). “Wait for the Lord; be strong, and let your heart take courage; wait for the Lord” (27:14)!

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.