Part 5 – David and Abigail

439Sa nakaraang sermon sa series natin sa life story ni King David, nakita natin kung paanong blessing galing sa Panginoon ang pagkakaroon ng isang tunay na kaibigan na maaasahan sa lahat ng panahon. Kitang-kita ‘yan sa friendship nina David at Jonathan. Kung blessing ang friendship, akala naman natin ay curse o sumpa ang pagkakaroon ng kaaway. In one way or another, lahat naman tayo nagkaroon na ng kaaway – nagsalita ng masama laban sa atin, nanakit sa atin physically or emotionally, naging unkind sa atin sa kabila ng maraming kabutihang nagawa natin sa kanila. Pwedeng dati mong kaibigan, o kamag-anak, o kasama sa bahay, o mismong asawa mo.

Listen on YouTube  |  Download mp3

Sabi nila, love your friends but hate your enemies, be kind to your friends but don’t be kind to your enemies. Sabi naman ng Panginoong Jesus, “Love your enemies and do good to those who hate you.” Easier said than done. Counterintuitive ito sa natural response ng puso natin sa mga taong nakasakit sa atin, lalo na kung we have been so kind to them. The way we respond to and treat our enemies, nagpapakita ‘yan kung ang tiwala ba natin ay nasa Diyos o nasa sarili natin, kung ipinagkakatiwala natin sa Diyos ang hustisya o paghihiganti o gusto nating ilagay sa ating kamay ang aksyon na dapat gawin.

Si Jonathan kaibigan ni David. Pero ang ama nitong si Saul na siyang hari at ayaw bitawan ang trono ay itinuturing na kaaway si David, to the point na di siya tumitigil sa pagtugis sa kanya para patayin. Sa 1 Samuel 24 at 26, dalawang magkahiwalay na okasyon, meron na si David na pagkakataon para patayin si Saul. Pero di niya ginawa. He does not want to touch the Lord’s anointed, sabi niya. Very commendable, tulad ng ayon sa sinabi ng Panginoong Jesus na “love your enemies.” Pero next week pa natin pag-aaralan ‘yan. Ngayon tingnan muna natin ang kuwento na nasa gitna ng dalawang chapters na ‘yan, sa chapter 25 kung paanong iba ang naging reaksyon ni David sa isang lalaking umaway at umayaw sa kanya. Ang pangalan niya ay Nabal.

David’s Request to Nabal

Kamamatay lang noon ni Samuel (v. 1). Ito namang si David, pati ang 600 lalaking kasama niya, patuloy sa pagtakas at pagtatago kay Saul at mga sundalo niya. Palaging problema niyan ay kung ano ang kakainin nila to sustain them on their cause. Nakadepende sila sa kindness ng mga supporters nila.

Nagpunta sila sa disyertong malapit sa Maon. Dito naman nakatira si Nabal. Napakayaman, merong 3000 tupa, 1000 kambing, at ang negosyo niya ay nasa Carmel kung saan naroon siya at ginugupitan ang mga tupa (vv. 2-3). Mayaman siya, pero masama ang ugali niya. Ibig sabihin nga ng pangalan niya ay “foolish.” Posible namang hindi ito ang bigay na pangalan sa kanya, o kaya ay baka ito nga pero may iba namang ibig sabihin. Pwede ring ito na ang naging bansag sa kanya dahil nga sa sama ng ugali niya. Ibang-iba naman ang asawa niyang si Abigail, na malamang ay pinagtitiisan talaga ang ugali nitong asawa niya. Bukod sa maganda sa panlabas, maganda rin ang ugali at matalino pa. Kitang-kita sa mga nangyari sa kuwento ang napakalaking pinagkaiba ng ugali nila.

Habang nasa disyerto kasi sila David, naroon din naman ang mga tupa ni Nabal at nababantayan pa nila para walang umatake sa mga alaga niya o magnakaw. So David and his men showed kindness kay Nabal. Alam ito ng mga tauhan niya. Nagpadala si David ng 10 kabataan para hilingin kay Nabal na bigyan sila ng makakain. Ipinasabi ni David sa kanila, “Peace be to you, peace be to your house, peace be to all that you have” (v. 6). Shalom. Maganda ang intensiyon niya. This is not just a request for food, but also an invitation to a good relationship. Actually, hindi nagdedemand si David, nakikiusap siya: “Nakikiusap ako na pakitaan mo ng kabutihan ang mga tauhan ko, dahil pista ngayon…pakibigay sa amin ang anumang gusto mong ibigay…” (v. 8). Fiesta naman, marami namang pagkaing handa. Reasonable request naman. Mayaman naman itong si Nabal. Di rin naman siya pinipilit na ibigay ang lahat ng kailangan nilang pagkain. Kung ano lang ang maluwag sa kalooban niya.

Ang paggawa ng mabuti sa mga taong gumagawa rin ng mabuti sa atin ay isang marka ng mabuting relasyon. Ineexpect natin ‘yan sa asawa natin, sa mga anak natin, sa mga kaibigan natin, pati sa mga katrabaho o kasama natin sa negosyo. Ito rin naman ang Golden Rule ng Panginoon: “Do unto others what you want them to do unto you.”

Nabal’s Insult to David

Pero hindi lahat ng ginagawan natin ng mabuti ay tinutumbasan din nila ng mabuti. Minsan naman tayo ang nagiging salbahe sa mga taong nagpakita ng magandang ugali sa atin. Tulad nitong si Nabal. Nakarating sa kanya ang mensahe na galing kay David, dala ng mga tauhan niya. Naghintay sila ng reply. Sabi ni Nabal, “No.” Tinanggihan niya ang hiling ni David. Kung ganoon lang naman, pwede naman niyang tanggihan. Sa kanya naman yun. Di naman ito sapilitan. Kaso, alam naman niya ang nagawang mabuti nila David sa kanya, sa kanyang mga tauhan at sa kanyang mga tupa. Di naman sila talaga total stranger. At isa pa, time of feast nun. Yung handa nga niya sa fiesta, parang handa ng isang hari (v. 36). Magarbo, bongga, mayabang ang dating. Tapos ayaw niyang magbigay. Sinasabi niyang he doesn’t want a good relationship with David, he doesn’t want to support his cause. Na para bang he’s taking the side of Saul, David’s enemy. Bukod dun, ininsulto pa niya. “Sino ba ‘yang si David? Baka para lang siyang isang aliping tumatakas sa kanyang amo. Bakit ko naman ibibigay sa kanila ang tinapay ko, tubig ko, at karne kong pinaghirapan” (v. 11)? Sa halip na tumbasan ng mabuti ang ginawa nila David sa kanya, naging selfish itong si Nabal, greedy, arrogant, at nang-iinsulto pa!

Merong mga tao na sa halip na tumbasan ng mabuti ang ginawa nating mabuti sa kanila, pagsasalitaan at gagawan pa tayo ng masama. We should expect that when we’re dealing with non-Christians. We should expect that also when we’re dealing with Christians who are still struggling with sin and selfishness. Hindi natin hawak ang reaksyon nila. Ang hawak natin ay ang sarili nating reaksyon.

David’s Response to Nabal’s Insult

Paano tayo magrereact kapag ganyan ang ginawa sa atin? Paano nagreact si David? Pagdating kay Saul, very patient si David. Pero dito kay Nabal, nang mabalitaan niya ang nangyari, sabi niya, “Ihanda n’yo ang mga espada” (v. 13)! Nagalit na siya, makikipaglaban na siya, handa na siyang pumatay, kasama pa niya ang 400 sa mga tauhan para sugurin si Nabal at lahat ng lalaking kasama niya. Malaki ang problema sa puso ni David. Natural sa ating makasalanang na kapag ginawan ng masama, gagawan rin natin ng masama (or at the very least, pag-iisipan ng masama); kapag ininsulto ka, insultuhin mo rin; kapag sinaktan ka, saktan mo rin; kapag nambabae ang asawa mo, manlalaki ka naman. Pero itong si David, mas malala pa ang gustong gawin. Ininsulto siya, papatayin niya hindi lang si Nabal pati ang pamilya niya at mga tauhan niyang walang kamalay-malay sa nangyari. This is overkill, sobrang paghihiganti.

Nagkasala na si David by desiring revenge. And sinful desire leads to sinful actions, ayon sa James 1:14-15. Ang galit niya kasalanan na, singbigat na nga ng pagpatay, ayon sa Panginoong Jesus. Pero kung pumatay siya at dumanak ang dugo, he will commit further sins and face terrible consequences. Ang kasalanan pa nga ang papatay kay David kung hindi ito mapipigilan. Determinado si David na pumatay. Sumumpa pa siya sa pangalan ng Diyos, as if para sa Diyos ang balak niyang gawin, “Parusahan sana ako ng Diyos nang napakatindi kapag may itinira pa akong buhay sa sambahayan ni Nabal” (v. 21). Parang mahirap nang baguhin ang isip ni David. Buti na lang ang Diyos may ginagawa, may ginagamit na paraan para pigilan tayo sa higit pang pagkakasala.

Abigail’s Request to David

May nagbalita kay Abigail sa ginawa ni Nabal at sa planong pagsalakay nila David. Sabi niya kay Abigail, “Puntahan mo si David at kausapin, kung hindi mapapahamak ang asawa mo at ang buo mong sambahayan. Wag na si Nabal ang kausapin mo, napakasama niyang tao kaya walang nangangahas na makipag-usap sa kanya” (v. 17). Itong si Abigail, dali-dali namang pumunta kila David, may dalang 200 tinapay, dalawang jars ng grape juice, limang litsong tupa, isang sako ng binusang trigo (yan ang kanin nila), 100 dakot ng pasas, at 200 cupcakes (of figs). Hindi naman ‘yan suhol, but an act of kindness, nagbabakasakali na magkaroon ng change of mind si David. Dali-dali siyang lumapit kay David, lumuhod, at sabi:

Pakiusap po, pakinggan nʼyo ako. Inaako ko na po ang pagkakamali ng aking asawa. 25Huwag nʼyo na pong pag-aksayahan ng panahon si Nabal. Napakasama niyang tao. Nababagay lang sa kanya ang pangalan niyang Nabal, na ang ibig sabihin ay ‘hangal.’ Ipagpaumanhin nʼyo po pero hindi ko nakita ang mga mensaherong pinapunta nʼyo kay Nabal. 26“Ngayon po, niloob ng Panginoon na hindi matuloy ang paghihiganti at pagpatay ninyo para hindi madungisan ang inyong mga kamay. Sa kapangyarihan ng buhay na Panginoon at ng buhay nʼyo, nawaʼy matulad kay Nabal ang kahihinatnan ng inyong mga kaaway at ng lahat ng naghahangad ng masama laban sa inyo. 27Kaya, kung maaari, tanggapin ninyo ang mga regalong ito na dinala ko para sa inyo at sa inyong mga tauhan. 28Patawarin nʼyo po sana ako kung mayroon man akong mga pagkukulang. Nakakatiyak ako na gagawin kayong hari ng Panginoon at magpapatuloy ang paghahari ninyo sa lahat ng inyong salinlahi, dahil nakikipaglaban kayo para sa kanya. Wala sanang makakapanaig na kasamaan sa inyo habang kayoʼy nabubuhay. 29Kahit may humahabol sa inyo para patayin kayo, iingatan kayo ng Panginoon na inyong Dios. Ililigtas kayo ng kanyang mga kamay tulad ng pag-iingat ng isang tao sa isang mamahaling bagay. Pero ang inyong mga kaaway ay ihahagis na parang batong ibinala sa tirador. 30Kapag natupad na ang lahat ng kabutihang ipinangako sa inyo ng Panginoon at maging hari na kayo ng Israel, 31hindi kayo uusigin ng inyong konsensya dahil hindi kayo naghiganti at pumatay ng walang sapat na dahilan. At kapag pinagtagumpay na kayo ng Panginoon, nakikiusap ako na huwag nʼyo po akong kalimutan na inyong lingkod (vv. 24-31).

Inako ni Abigail ang kasalanan ng kanyang asawa. Siya ang namagitan para sa kanya. Walang kamalay-malay si Nabal, pero ang kanyang asawa ay gumagawa ng mabuti para sa kanya. He doesn’t deserve it. He deserves God’s judgment. Para naman kay David, kumikilos ang Diyos para gumawa ng mabuti sa kanya. He also doesn’t deserve it. It is called grace.

Ang Diyos ang nagbigay ng pangako kay David. Ang Diyos ang gagawa para tuparin ito. Hindi niya kailangang ilagay sa kanyang kamay ang hustisya. Hindi siya dapat na tumulad din kay Nabal na isang hangal. Ang Diyos ang pumigil kay David para magkasala. Ang Diyos ay gumagawa ng paraan para pigilan tayo sa pagkakasala. Ultimately, ang paraan na ginawa niya ay ang pagpapadala ng isang Mediator para sa atin, para akuin ang banal na galit ng Diyos (in contrast to David’s unrighteous anger), para akuin ang ating mga kasalanan, para akuin ang parusa ng Diyos, para hindi tayo mapahamak. Jesus on the cross became our Substitute, dying in our place. At dahil sa kanyang ginawa para sa atin, ipinadala niya ang Banal na Espiritu para tulungan tayong labanan ang anumang masamang hangarin na natitira sa puso natin, para matuto tayong maging mahinahon, mapagpigil sa sarili at mapagmahal maging sa ating mga kaaway.

Ginamit ng Diyos ang Panginoong Jesus at ang kanyang ginawa sa krus at ang Espiritung nasa atin na ngayon para sa halip na pumatay tayo (sa isip o gawa) ng ibang tao dahil sa galit natin, ay mapatay natin ang kasalanang nasa puso natin. Ginamit ng Diyos si Abigail para marealize niya na hindi si Nabal ang kalaban niya na kailangan niyang patayin, kundi ang galit sa puso niya ang kailangan niyang patayin, so that he may not do “foolish” things like Nabal.

Napakaraming asawang babae at nanay na tulad ni Abigail ang ginamit at ginagamit na instrumento ng Panginoong para sa aming mga asawang lalaki na nagiging “hangal” tulad ni Nabal at madaling mahulog sa kasalanan tulad ni David. Ang mommy ko ang instrumento ng Panginoon para mailapit kaming mga anak niya at pati si Daddy sa Panginoon. Ang asawa ko ang instrumento ng Panginoon para mapagtagumpatayan ko ang mga tukso at natitira pang kasalanan sa puso ko. Ilan na rin sa inyo na ang nakipag-usap sa akin, para mailapit sa Panginoon ang inyong asawa. Pero siyempre wala naman sa inyo ang response. Nasa kanila pa rin at sa pagkilos ng Panginoon sa puso nila.

David’s Response to Abigail’s Plea

Si David kaya? Nagrespond ba siya positively sa pakiusap ni Abigail? O nagmatigas siya? Pride kasi ng mga lalaki, hirap kalaban ‘yan. Pero buti na lang narealize ni David na si Abigail ay padala din ng Diyos. God also spoke through her.

Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, na nagpadala sa iyo ngayong araw na ito para makipagkita sa akin. 33Salamat sa Dios sa mabuti mong pagpapasya. Dahil dito, iniwas mo ako sa paghihiganti at pagpatay. 34Kung hindi ka nagmadaling makipagkita sa akin, wala sanang matitirang buhay na lalaki sa sambahayan ni Nabal bukas ng umaga. Isinumpa ko iyan sa buhay na Panginoon, ang Dios ng Israel, na siyang pumigil sa akin sa paggawa sa iyo ng masama (vv. 32-34).

 Pagkatapos ay tinanggap na ni David ang bigay ni Abigail, pinauwi na siya at nangakong hindi na itutuloy ang masamang balak. David did good in changing his mind, but the glory belongs to God who accomplished his good work for David. Pinigilan ng Diyos na magkasala pa si David. Pero paano naman ang gagawin ng Diyos sa mga taong tulad ni Nabal? Pababayaan na lang ba ng Diyos ‘yan?

God’s Vengeance

Sasabihin ng iba parang hindi wise na pabayaan na lang natin ang mga kaaway natin. Kailangan ipamukha daw natin sa kanila ang kasalanan nila. Oo naman may pagkakataong kailangang talagang kausapin at harapin. Pero may mga tao rin na kailangang ipaubaya na lang talaga natin sa Panginoon. Tulad ni Nabal.

Pag-uwi ni Abigail, may fiesta na sa bahay nila. Grabe ang daming pagkain, parang handaan sa isang kaharian. Lasing na lasing naman itong si Nabal. Wala muna siyang binanggit sa kanya. Pag di nga lasing mahirap nang kausapin, pag lasing pa kaya? Kinaumagahan, nang wala nang hangover si Nabal, ikinuwento ni Abigail sa kanya lahat ng nangyari. Pagkarinig nito, inatake siya sa puso at nagkastroke. Pagkalipas ng sampung araw, “pinarusahan ni Yahweh si Nabal at ito’y namatay” (v. 38 MBB).

Ang paghihiganti ay nasa kamay ng Diyos. Dapat tayong magtiwala sa kanya na ipaghihiganti niya tayo sa lahat ng nakaatraso sa atin sa takdang panahon. Kung kapwa-Cristiano natin ang nakasakit sa atin, di natin siya dapat na ituring na kaaway. Dahil ang parusa ng Diyos sa kanyang kasalanan sa atin ay inako na ni Jesus sa krus, tulad din ng pag-ako niya sa lahat ng ating mga kasalanan. We treat fellow believers not as enemies, but as brothers and sisters. Pero kung mga unbelievers at unrepentant sila, alalahanin nating ganito rin ang sinapit ng mga naunang Cristiano, tulad din ng sinapit ni Cristo:

Sapagkat pagpapalain kayo ng Dios kung tinitiis ninyo ang mga pagpapahirap kahit wala kayong kasalanan dahil sa nais ninyong sundin ang kalooban niya. 20Pero kung parusahan kayo dahil sa ginagawa ninyong masama, wala ring kabuluhan kahit tiisin ninyo ito. Ngunit kung pinaparusahan kayo kahit mabuti ang ginagawa ninyo, at tinitiis ninyo ito, kalulugdan kayo ng Dios. 21Ang mga pagdurusa ni Cristo para sa atin ang halimbawang dapat nating tularan. Ito ang dahilan kung bakit tayo tinawag, para tularan natin ang buhay ni Cristo. 22Hindi siya nagkasala o nagsinungaling man. 23Ininsulto siya pero hindi siya gumanti ng insulto. Pinahirapan siya pero hindi siya nagbanta. Ipinagkatiwala niya ang lahat sa Dios na humahatol nang makatarungan (1 Pet. 2:19-23 ASD).

Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Gawin ninyo ang mabuti sa paningin ng lahat. 18Hanggaʼt maaari, mamuhay kayo nang mapayapa sa lahat ng tao. 19Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Dios. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.” 20Kaya, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo. Kung siyaʼy nauuhaw, painumin mo. Dahil kapag ginawa mo ang mga ito, mapapahiya siya sa kanyang sarili.”  21Huwag kayong patatalo sa masama kundi talunin ninyo ang masama sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti (Rom. 12:17-21).

Kung ipauubaya natin sa Diyos ang hustisya at paghihiganti, he will be glorified. Tulad ng sabi ni David pagkatapos na mabalitaan niyang patay na si Nabal, “Purihin ang Panginoon! Siya ang gumanti kay Nabal dahil sa pang-iinsulto niya sa akin. Hindi na niya hinayaang ako pa ang gumawa noon. Pinarusahan niya si Nabal sa masama niyang ginawa sa akin” (v. 39 ASD). Nais ng Diyos na sa lahat ng pangyayari sa buhay natin siya ang mabigyan ng karangalan. Matapos ang lahat ng ito, kinuha ni David si Abigail na maging asawa niya. Bukod pa kay Michal na anak ni Saul na di na niya nakita ulit hanggang sa puntong ito. At meron pang isa, si Ahinoam, kasabay ni Abigail na naging asawa ni David. May mga pagkakataong pipigilan tayo ng Diyos para di tayo mahulog sa kasalanan. Meron ding pagkakataon na hahayaan niya tayo na mahulog sa kasalanan para mas marealize natin na siya lang ang kailangan natin at mas makita natin kung gaano ka-scandalous ang biyaya ng Panginoon sa atin na mga teribleng makasalanan. Mararanasan yan eventually ni David pag siya’y hari na at kuhanin pa niya ang isang babae at ipapatay ang asawa nito para makuha niya. But that’s for another story.

Pero ngayon, sapat na muna na tandaan nating kapag may mga taong gumawa ng masama sa atin sa kabila ng kabutihang ipinapakita natin sa kanila, merong Diyos na di tumitigil sa paggawa sa atin ng mabuti at siyang maghihiganti para sa atin. Ipagkatiwala natin sa kanyang mga kamay anumang sakit na naranasan at nararanasan natin. That he alone – and his grace and his judgment – may be glorified.

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.