Lahat tayo kailangan natin ng kahit isa man lang na kaibigan. Iba pa yan sa kasama natin sa pamilya. Although siyempre mainam rin na maging kaibigan mo ang asawa mo o mga kapatid mo pero there is still something different with a friend outside of your own family. Kaya nga ang bata pag lumalaki na napapadalas na sa labas ng bahay kasi naghahanap ng kaedad yan, with same interests, yung makakakuwentuhan ng mga bagay na di masabi sa pamilya. Kahit naman siyempre ok ang relasyon mo sa asawa mo, iba pa rin yung may kaibigan ka, kapwa lalaki o kapwa babae. Ibang usapan kasi niyan. O kahit close kayo ng mga kapatid mo, iba pa rin ang may kaibigan.
Listen on YouTube | Download mp3
Dito naman sa church, we want to live as one family. Kaya bukod sa pagdalo sa worship service, we encourage you na magkaroon ng isang grace community where you can experience church as family on a regular basis. Pero in reality, di ka naman talaga magkakaroon ng close relationships sa lahat. I cannot be friends with all of you. Gustuhin man natin, pero imposible. But we seek friendships dito sa church, among the youth, among women, among men. Kailangan natin ang church, yes. Pero kailangan din natin na magkaroon ng mga kaibigan dito sa church, isa, dalawa o tatlong malapit sa iyo, nakakakilala sa iyo, nakakausap mo, pinapakinggan ka, pinapayuhan ka, ipinapanalangin ka, sinasaway ka pag nagkakasala ka, tinutulungan ka na lumago sa pananampalataya. Ang tawag natin diyan fight club, pero pwede mo ring tawaging friendship club.
Friendship redefined
Kaso medyo mababaw ang definition natin ngayon ng “friend.” Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, a friend is “a person who you like and enjoy being with”; o kaya, “a person who helps or supports someone or something”; o kaya, “one attached to another by affection or esteem.” To be-friend someone is “to include (someone) in a list of designated friends on a person’s social networking sites. Meron kang 800 friends sa FB, pero ganyan ba talaga karami ang kaibigan mo? I don’t think so. Mababaw na definition ‘yan.
Ang iba naman, ibang level na. More than friends na. Boyfriend o girlfriend ang tawag. May kulay na. Medyo exclusive na ang relationship, exploring na yung possibility of marriage. Meron din naman ngayon na tinatawag na “friends with benefits.” Eto yung mga taong makikipagkita ka lang to get sexual favors. Gamitan lang kumbaga. Nauuso rin naman ngayon ang tawagang “bes” pero ano ba talaga ibig sabihin niyan? Ang iba naman tawag nila sa kaibigan BFF, best friends forever. They have shared lives, common interests, spending a lot of time together, having fun together. Pero ang tunay na pagkakaibigan masusubok sa panahon ng kahirapan, ng problema at mga kabigatan sa buhay.
Biblical friendship (David and Jonathan)
Yan ang sinasabi ng Salita ng Diyos: “Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon, at sa oras ng kagipita’y kapatid na tumutulong” (Kaw. 17:17 MBB). “May mga pagkakaibigang hindi nagtatagal, ngunit may pagkakaibigan din na higit pa sa magkapatid ang pagsasamahan” (18:24 ASD). Kitang-kita ‘yan sa relasyon ng magkaibigang si David at si Jonathan.
Kapapatay lang ni David kay Goliath (1 Sam. 17). Nakita ng buong Israel. Nakilala siya. Pati si Haring Saul pinarangalan siya. Di na nga siya pinauwi sa bahay nila, para pagsilbihan siya sa kaharian. He was now leading Israel’s army in battles. Mula noon, “naging matalik silang magkaibigan at mahal na mahal ni Jonatan si David gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sarili” (18:1 ASD). Sa ESV, “the soul of Jonathan was knit to the soul of David.” Pinagbigkis, pinagdikit, parang “pinag-isang dibdib.” Meron pa silang “covenant” ceremony (v. 3). “Sumumpa si Jonatan kay David [na magiging magkaibigan sila sa habang panahon] dahil mahal niya si David gaya ng kanyang sarili. [At bilang patunay ng kanyang pangako], hinubad niya ang kanyang balabal at ibinigay kay David, kasama ang kanyang pamigkis, espada, pana at sinturon” (vv. 3-4).
David was already anointed king. Di pa alam yan ni Saul. Pero itong si Jonathan, siya ang next-in-line kay Saul. Pero walang competition dito. Nakita niya ang pagkilos ng Diyos kay David. Nadiscern na niya siguro na siya ang papalit sa kanyang ama. Kaya yung robe niya pati yung gamit pandigma, na-turn-over na niya. This was such a selfless act. Magagawa lang ng isang tunay na kaibigan.
Full support si Jonatan sa kanyang kaibigan. Puro success naman ang naeexperience ni David sa pangunguna sa pakikipaglaban sa mga kaaway ng Israel. Marami na ang humahanga sa kanya (v. 30). Napangasawa na niya ang anak ng hari na si Michal (v. 27). Kaso itong si Saul, na-insecure na, nainggit na (vv. 8-9), natatakot na (vv. 12, 15), nasasapawan na kasi siya. “Nang malaman ni Saul na pinapatnubayan ng Panginoon si David at nakita niya kung gaano kamahal ni Mical si David, lalo pa siyang natakot kay David. At itinuring niyang kaaway si David habang nabubuhay siya” (v. 29). Kung itong si Jonatan, sumumpa na siya’y magiging kaibigan habang buhay, ito namang kanyang amang si Saul ay sumumpa sa sarili na magiging kaaway ni David habang buhay. Hindi “like father, like son.”
Yung pagkainggit niya, naging murderous rage. Gusto na niyang patayin si David. Sinibat na nga niya, kaso nakatakas (v. 11). Pero di siya tumigil. Pati si Jonatan at mga tauhan niya inutusan na niyang patayin si David. “But Jonathan…delighted much in David” (19:1), kaya kahit tatay niya, kahit hari susuwayin niya. Because of the depth of their friendship, blood is not thicker than water for him. Alam niya naman kasing mali ang tatay niya. Binigyan niya ng warning si David at sinabihang mag-ingat at magtago na (v. 2). Hinarap naman niya ang kanyang ama at ipinagtanggol si David, kung paanong mabuti ang ginawa nito para sa kanila at kung paanong kumilos ang Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni David (vv. 4-5). Nagsabi naman si Saul na hindi niya ipapapatay si David (v. 6). Dahil diyan nakabalik si David sa paglilingkod sa hari (v. 7). Pero panandalian lang yun. Sinibat na naman siya ni Saul at nakatakas na naman si David.
Very tough ang sitwasyong ito ni David. Pero meron siyang kaibigang masasandalan kay Jonatan. Tumakas siya para makipagkita kay David. Sa pag-uusap nila sa chapter 20, notice that their friendship was not just horizontal in dimension. Hindi lang ito dahil sa paghanga nila sa isa’t isa o dahil “like” nila na makasama ang bawat isa. Kasi kung yun lang yun, di yan magtatagal. Kapag the going gets tough na, maraming friendships ang nasusubok at di na nagtatagal.
Pero yung friendship ni Jonathan at David hanggang kamatayan because of the vertical dimension of their friendship. Ang Diyos ang nasa sentro. Sabi ni David sa kanya, “Tulungan mo ako, gawin mo sa akin ang kabutihang ito, ayon sa napagkasunduan natin sa harap ng presensya ng Panginoon” (v. 8). Ang kasunduan nila ay hindi lang sa isa’t isa. Ang Diyos ang nasa sentro. Sagot naman ni Jonatan, “Nangangako ako sa Panginoon, ang Dios ng Israel [sinabi niya pagkatapos ang gagawin niya]…Ngayon, samahan ka sana ng Panginoon…At ipakita mo sana ang pagmamahal mo sa akin habang ako’y nabubuhay pa gaya ng pagmamahal ng Panginoon sa atin…” (vv. 12-14). Nagpromise ulit sila sa isa’t isa. “At pinasumpa ulit ni Jonatan si David ng pagmamahal sa kanya dahil mahal na mahal niya si David gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sarili” (v. 17). Pagkatapos nilang mag-usap ng detalye kung paanong magkikita ulit sila, sabi ni Jonatan, “Tungkol sa sumpaan natin, alalahanin mo na ang Panginoon ang ating saksi magpakailanman” (v. 23, ESV “between you and me forever”).
Ang Diyos ang nasa sentro. Ang Diyos ang namamagitan sa kanila. Ang pagmamahalan nila bilang magkaibigan ay nagpapatuloy sa gitna ng matinding pagsubok dahil ang pagmamahal ng Diyos sa kanila ay nagpapatuloy. Only a strong love relationship with the Lord can hold the bond of friendship together.
Kahit na nagalit na ang tatay niya sa kanya, kahit na pati siya ay sinibat din ng tatay niya tulad ng ginawa kay David, kapit pa rin siya sa friendship nila ni David (vv. 30-34). Umalis siya sa kanila, nakipagkita kay David kinaumagahan tulad ng napagkasunduan nila (v. 35). Nagkita sila, “niyakap (o hinagkan, ESV “they kissed one another”) nila ang isa’t na kapwa umiiyak, pero mas malakas ang iyak ni David” (v. 41). Nagpaalam na si Jonathan kay David, “Sige, sana’y maging maayos ang iyong paglalakbay. At sana’y tulungan tayo ng Panginoon na matupad ang mga sumpaan natin sa isa’t isa, hanggang sa mga magiging angkan natin” (v. 42).
Di na sila muling nagkita pagkatapos. Nagpatuloy si Saul sa pagtugis kay David para patayin. Nagpatuloy si Jonathan na makipaglaban bilang isang sundalo ng Israelite army laban sa mga Philistines hanggang sa isang araw ay mapatay siya, pati na rin ang kanyang ama. Nabalitaan ni David ang nangyari. Instead of celebrating dahil patay na ang kanyang kaaway at wala nang hadlang para siya na ang makapaghari sa Israel, ipinagluksa niya ang pagkamatay ni Saul, lalo na ng kaibigan niyang si Jonathan. Sabi niya, “I am distressed for you, my brother Jonathan; very pleasant have you been to me; your love to me was extraordinary, surpassing the love of women”; “Nagdadalamhati ako sa iyo, Jonatan kapatid ko! Mahal na mahal kita; ang pagmamahal mo sa akin ay mas higit pa sa pagmamahal ng mga babae” (2 Samuel 1:26).
Pambihira ang lalim ng pagkakaibigan ng dalawang ito, hindi pangkaraniwan ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.
Same-sex attraction?
Kaya naman, itong grupo ng LGBT ang basa nila dito ay higit pa sa magkaibigan at magkapatid ang turingan nina David at Jonathan. Homosexual love daw ang namamagitan kina David at Jonatan, as if pwede mong tawaging “love” ang homosexual relations. “Surpassing the love of women” nga naman ang sabi ni David bilang pagluluksa sa pagkamatay ni Jonatan. Aba, mapapataas ang kilay ng asawa niya pag narinig yun. Simula pa lang ng pagkikita nila, “the soul of Jonathan was knit to the soul of David,” love at first sight yata yan. Tapos, he loved him as his own soul. Mutual yan. MU kumbaga. Meron pang “you and me forever.” Tapos nag-iiyakan pa sila, and they kissed one another! Aba, aba, aba. Try to imagine a man, sinabi sa kaibigan niya, “I love you, pre.” Tapos nagyakapan pa at nag-iiyakan. Ibang level na iyan.
It’s another case of twisting Scripture to serve the LGBT agenda. But there’s a real warning here for all of us. Posible talaga na sa pagitan ng dalawang lalaki o dalawang babae na naghahanap ng kaibigan, for that friendship to be so close, so intimate, na nagiging romantic, erotic, sexual na. Posible na sa dalawang magkaibigan na mahulog sa kasalanan at gawin ang dapat na ginagawa lang ng mag-asawa. That means, you are not really friends, if that is the case. For friends will commit to do good to one another. Friends will not lead each other into sin and away from the Lord. Tandaan mo na anumang sugat sa puso mo (maybe because of lack of love sa family mo or someone has hurt you in past relationships), anumang sugat yan di mo matatakasan, di mo matatakpan ng homosexual relationship o kahit anumang friendship for that matter.
Ang pagkakaibigan at pag-iibigan na namamagitan kina David at Jonathan ay sobrang intimate, but it is not beyond that. It is not sexual at all. Nag-kiss sila, e customary expression of affection naman yun sa Middle Eastern culture. Puro love ang tinutukoy sa story kasi ineemphasize na it’s a real love. May selflessness, may sacrifice. Pag nagsabihan sila ng “I love you, pare,” hindi agad kabaklaan yun. Kung baga sa movie na ang title “When a Man Loves Another Man,” hindi ibig sabihing pang-homosexual ang relationship nun. Masyado nang nakundisyon ang isip natin at nabaluktot kapag love ang pinag-uusapan. We forget that at the center of their loving friendship is the love of God. At kapag ang Diyos ang nasa sentro, di mahuhulog sa pagkakasala ang relasyon ng magkaibigan.
But I believe it is not just a cultural problem kaya nahihirapan tayong intindihin nang tama ang kuwentong ito. It is more a personal problem. We find their friendship so extraordinary because for many of us, we have not experienced this kind of friendship. Our friends failed us. Ang ilan sa kanila wala na, iniwan na tayo. Ang ilan sa kanila naging dahilan para mapasama tayo. Ang iba sa kanila sinaktan tayo. And, we also failed our friends. Nakasakit din naman tayo. Naging selfish din naman tayo. And as we meditate sa friendship ni Jonathan kay David, nandun yung longing sa atin na, “Gusto ko ng ganyang kaibigan!” Who doesn’t want a Jonathan for a friend?
What a friend we have in Jesus!
Jonathan then points us to someone greater than him. Jesus! He is our true and better Friend. Best Friend pa nga because no one is better than him. Inakusan siya ng mga Pariseo na “friend of tax collectors and sinners” (Matt 11:19), tama naman, good news yan sa mga makasalanang tulad natin. Kung alam lang ng ibang tao ang mga nagawa nating mga karumal-dumal na kasalanan o yung mga masasamang iniisip man lang natin, sino ang makikipagkaibigan sa atin? Yet Jesus, though he was God, kahit na kinaaway natin ang Diyos, nagkatawang-tao siya para makipagkaibigan sa atin. Iniyakan niya ang kaibigan niyang si Lazarus (John 11:35). At sabi ng mga nakakita, “See how he loved him” (v. 36)! Si Jesus isang lalaki, iniyakan ang isang lalaki. A man loves another man. Homosexual ba siya? Hindi! Totoo kasi siyang kaibigan. Si David nang iyakan si Jonathan wala na siyang nagawa. Pero si Jesus, iniyakan si Lazarus, and more than that (he was better than David!), he raised him from the dead! At yan din ang ibinigay niya sa atin na mga kaibigan niya, bagong buhay! Oh what a friend we have in Jesus! Wala nang hihigit pa sa pagmamahal niya. Wala nang hihigit sa kapangyarihan niya.
Sabi ni Jesus, “Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan…Itinuturing ko na kayong mga kaibigan, dahil sinasabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama” (John 15:13, 15). Sarili niyang buhay ibinigay niya para sa atin. Trinaydor siya ng isang kaibigang tatlong taon niyang minahal, tinuruan, at inalagaan. Sa krus, inako niya ang banal na galit ng kanyang Ama (tulad ni Jonatan na inako ang makasalanang galit ng kanyang ama). Siya ang namatay sa halip na tayo. Para ilapit tayo sa Diyos. That we might be friends with God. To secure that relationship with God, he rose from the dead. Tell me if you can find a better friend than Jesus. He is our Lord, he is also our friend. He is our Savior, he is also our friend. Ganyan ka-personal ang gusto niyang relasyon sa iyo.
Do you feel that? Do you feel that love? Pinahahalagahan mo ba ‘yan? Are you closer now to Jesus? Are you spending more time with Jesus now? Nakikipagkuwentuhan ka ba sa kanya? Do you ask for his help pag may problema ka? Lumalapit ka ba sa kanya?
Gospel-Centered Friendships
Ang pangangailangan natin, ang pagnanais natin para sa isang kaibigan ay nagkaroon ng katuparan kay Cristo. Because of that, I will just leave you with three points of application.
Develop your friendship with Jesus. Don’t worry about your enemies first. Be troubled if Jesus is not your Friend. He will be a terrifying Enemy at the Judgment Day. Sabi ni Paul, “If anyone has no love for the Lord, let him be accursed. Our Lord, come” (1 Cor. 16:22)! You want him for a friend. You don’t want him for an enemy.
At kung ikaw ay nakay Jesus na, cherish that relationship everyday. Hindi lang every Sunday ka makipag-usap sa kanya. Hindi ganun ang close friends. Araw-araw siyang nakikipag-usap sa iyo (through his Word). Ano mararamdaman mo kung nag-PM ka sa friend mo, di man lang binasa, di man lang nagreply? Kausapin mo siya. Pakinggan mo siya. Makipagkuwentuhan ka sa kanya. Ang suporta at tulong na kailangan mo sa isang kaibigan ay nasa iyo na dahil nasa iyo na si Cristo. Tell him everyday, “I love you, my Lord, my Savior, my Friend.”
At wag mo namang di ka na masyadong aattend sa church o makikipagkaibigan sa ibang tao kasi friend mo naman si Lord. Di ka na maghanap ng ka-fight club o magdidisciple sa iyo kasi ang fight club mo at nagdidisciple sa iyo ay si God the Father, God the Son at God the Holy Spirit. Wow! Kung si Lord nga nagdidisciple sa iyo, makikinig ka sa sinasabi niya na kailangan mo ring idevelop ang relationship mo sa ibang Christians, to love and encourage one another. So, develop friendship with other Christians. Kung non-Christian ok din naman, pero siyempre ang primary goal ay to lead them to Jesus. Pero kailangan mo talaga ng Christian din, because Jesus will be your common bond. You need that. Lalaki sa lalaki, babae sa babae. Pwede rin naman lalaki sa babae kung single ka. Pag may asawa, delikado iyan. Be best friend with your spouse only, kung ganun. Kung wala ka pang kaibigan sa church, be sure to spend time with others. Makipagkuwentuhan ka lang, just be available. Ikuwento mo ang buhay mo, mga struggles mo, mga pangarap mo. At makinig ka rin sa mga kuwento niya.
Kung may mga friends ka na dito, good. Perodapat tanungin, what kind of friendships do you have? What keeps you together? Basketball? Gimmicks? Fun? Tough times will come. You need a bond stronger than those things. So, Develop your friendships around the gospel. Sabi ko sa message ko sa youth camp last December, “Only the gospel is a strong enough bond that can hold friendships together.” Tulungan n’yo ang isa’t isa na mapalapit sa Panginoon. Yes, you share your weaknesses, you confess your sins. But be sure to talk about Jesus more. Fix your eyes on Jesus more and more.
Bakit? Kasi kahit na close friends na kayo, kahit Christian pa ang mga kaibigan mo, at one point people will disappoint you. Your friends will fail you. You will fail your friends. Pero hindi ibig sabihing aayaw ka na, magsosolo ka na lang. If your eyes are fixed on Jesus while you are making friends with others, you remind yourself na siya lang naman talaga ang Kaibigan na palaging nandyan para sa iyo, na palaging magmamahal sa iyo, kahit ano’ng mangyari.