Part 3 – David and Goliath

09_1Sa_17_10_RGSikat na sikat ang kuwentong David at Goliath lalo na sa mga bata. Isang batang lalaki, probably sa teenage years niya, ang ginamit na instrumento ng Panginoon to accomplish something extraordinary. We have Children’s Sunday today para ipaalala sa atin ng Panginoon kung gaano sila kahalaga sa paningin niya. They are also part of our church family. Sila rin ay tinawag ng Panginoon para sumunod kay Cristo, sumamba sa kanya, at paglingkuran siya habang buhay. Even at a very young age, remember this, children and young people, you are a very powerful instrument in the hands of God. So when we neglect the young ones, when we don’t take seriously our responsibility to nurture them in the Lord, we neglect what is precious to God himself. But there is more to that story than this.

Listen on YouTube  |  Download mp3

Last week, nakita natin kung paanong pinili ng Diyos si David, isang kabataang lalaki, para pumalit kay Haring Saul. In a private ceremony, he was anointed by Samuel as the new king (1 Sam 16:1-12). Sumakanya ang Espiritu ng Diyos, iniwan si Saul at ginugulo ng masamang espiritu (vv. 13-14). May nagsuggest kay Saul na kunin si David na tugtugan siya, kinuha naman siyang maglingkod sa hari, at wala siyang kamalay-malay na ito na ang pinili ng Diyos na pumalit sa kanya (vv. 15-23). So far, David was still unknown in the public eye. The story of how he fought Goliath brought him to prominent status.

Fighting

Ganito ang nangyari. Panahon noon na ang mga Philistines ay nakikipagdigma sa Israel. They need a warrior-king for such a time as this. Sa pangunguna ni King Saul, ang mga sundalo ng Israel ay nasa isang bundok, sa kabila naman ay ang mga Philistines, sa pagitan nila ay isang valley (17:1-3). Hindi ito ordinaryong labanan. Not just a physical one, but more so a spiritual battle. Israel was God’s people. Sinumang kumakalaban sa bayang pinili ng Diyos ay kumakalaban sa Diyos. And it’s the same with our life today. We are God’s people and we are at war everyday. Pero yung “war” na iyan ay hindi laban sa politika, sa ekonomiya, sa pambayad ng matrikula o sa problema sa asawa. Yes, we face those kinds of problems everyday. But we need to realize that our fight is primarily a spiritual one. We fight against the onslaughts of Satan’s temptations, we fight against being conformed to the patterns of this world, and we fight against the sins remaining in our hearts. Araw-araw yan. Walang puknat na bakbakan iyan.

Matinding kalaban yan. Ilang beses na tayong bumagsak diyan. Ilang beses na tayong nasa losing side. Ang Israel din matindi ang kalaban. Nakadepensa pa lang. Wala pang maisip na opensiba. Itong mga Philistines may naisip na. It is called “the battle of champions.” Ginagawa ito sa ilang mga digmaan noon. Kaysa nga naman dumanak pa ang maraming dugo at magkaubusan, ganito na lang. Each team will select a representative champion. Silang dalawa lang ang maglalaban. Kung sino ang manalo, his team also wins the battle. Ang champion ng Philistines si Goliath, more than 9 feet tall, grabe naman ang laki nito. Hindi lang yun, nakafull battle gear pa. Kumpleto ang helmet, javelin, spear and shield na gawa sa finest of military technology ng Philistines. Hamon niya sa Israel, “Pumili na lang kayo ng isang taong kakatawan sa inyo na lalaban sa akin. Kung mapapatay niya ako, magpapaalipin kami sa inyo; pero kung mapapatay ko siya, magpapaalipin kayo at maglilingkod sa amin. Ngayon, hinahamon ko kayo! Papuntahin ninyo rito ang makikipaglaban sa akin” (vv. 8-10).

Sino kaya ang matetake ng challenge ni Goliath? Who will be Israel’s representative champion? Remember that Israel requested for a king for such a time as this. Si Saul dapat yun! Kung bilib sila sa hari nila, magcheer pa yan, “King Saul! King Saul! King Saul!” Pero naduwag at umurong. Well, siya ang pinakamatangkad sa buong Israel (9:2), pero kahit sinlaki niya si Shaq o si Junemar Fajardo, no match siya kay Goliath. Hindi naman basketball ang laban. Buhay at bansa ang nakasalalay. So, “when Saul and all Israel heard these words of the Philistine, they were dismayed and greatly afraid” (17:11). Saul was becoming a disppointment time and time again. Anu ba naman yan? Wala ni isa sa kanila ang maglakas loob na lumaban? Nakalimutan na ba nila ang kasaysayan nila kung paanong tinatalo ng Diyos ang mga kalaban nila kahit kakaunti sila, kahit outnumbered sila, kahit equipped with advanced weaponry ang kalaban nila, kahit nga wala silang ginagawa nananalo sila sa laban?

Fears

Teka, di ba’t ganun din tayo? When we see our enemies and hear their lies, we cower in fear. Umuurong tayo, naduduwag, sumusuko. Because we have already experienced defeat sa kamay ni Satanas, sa mga ilang beses na nahuhulog tayo sa tukso, sa maraming beses na natatangay tayo ng takbo ng mundong ito. So we surrender, we give up, we become fearful so easily. Mga bata, hindi takot sa dilim o sa gagamba o sa aso ang pinag-uusapan natin dito. Those are normal kind of fears. We are talking about fears na kung hindi natin maoovercome ay siyang sisira sa buhay natin. We are just like King Saul and his whole army. Kailangan din nating mapalitan ang takot ng tapang, ang kawalan ng pag-asa ng panibagong pag-asa, ang pagiging talunan ng pagkakamit ng tagumpay, ang pagsuko ng pagpapatuloy sa laban. Pero paano mangyayari yun?

God’s way of helping us overcome our fears comes from an unlikely source. Pumasok na si David sa eksena (v. 12). Mula sa Bethlehem sa Juda, bunsong anak ni Jesse sa walong magkakapatid na lalaki. Tatlong kapatid niyang nakatatanda mga sundalo ni Saul. Pero si David isang musikero at pastol, pababalik-balik kay Saul para tumugtog at pakainin ang mga tupa ng kanyang tatay. At habang ganun ang araw-araw na ginagawa niya, seemingly unimportant and unnoticed, “For forty days the Philistine came forward and took his stand, morning and evening” (v. 16). Forty days, wala pa ring gumagalaw, wala pa ring naglalakas ng loob. Habang ito namang si David ay inutusan ng daddy niyang si Jesse na magdala ng pandesal at keso sa kanyang mga kapatid na sundalo at tingnan kung maayos ang kalagayan nila. Pagpunta naman niya, naghahanda nang makipaglaban ang mga Israelita laban sa mga Philistines. Narinig niya ang hamon ni Goliath. Narinig ulit ng mga Israelita. Nakita ulit nila si Goliath. “All the men of Israel, when they saw the man, fled from him and were much afraid” (v. 24). Mahigit isang buwan na silang nanginginig sa takot, hintay sila nang hintay kung sino ang lalaban sa higante, hindi man lang sila humihingi ng tulong sa Diyos. But even if they are not asking for God’s help (or maybe they did), God sends them help from an unlikely source. We hold our fears for so long unaware that God has already sent the help we need. Nasa atin na ang kailangan natin para mapagtagumpayan ang laban. We can overcome our fears kung itatama lang natin ang tinitingnan at pinapakinggan natin. We have an eye and ear problem.

Kaya naman itong Israelite army, takot na takot ang lahat, with Saul leading the way. Kahit nag-offer na si King Saul na may reward na milyun-milyon na para kang tumama sa lotto, ipapakasal pa sa anak niyang maganda at magiging prinsipe ng kaharian, wala pa ring pumatol. It’s a do-or-die scenario. Lahat takot, except David. Naramdaman niya ang tindi ng paglapastangan ni Goliath sa Israel, sabi niya sa mga sundalo, “For who is this uncircumcised Philistine, that he should defy the armies of the living God” (v. 26)? For him, it’s not about the reward, but about the glory of God and the welfare of God’s people. Narinig siya ng kuya niyang si Eliab, nagalit pa sa kanya at pinagdudahan ang motibo niya, “Bakit ka pumunta rito? Sino ang pinagbantay mo sa iilang tupa natin doon sa ilang? Akala mo kung sino ka. Alam ko kung gaano ka kayabang. Pumunta ka lang dito para manood ng labanan” (v. 28 ASD). He accused the man after God’s own heart of having an “evil…heart” (ESV). Mamaya lulunukin niya ang sinabi niya.

Nakarating yan kay Saul, ipinatawag siya. Sabi ni David sa kanya, “Wala po ni isa man sa atin ang dapat na panghinaan ng loob dahil lang sa Filisteong iyon. Ako na po na inyong lingkod ang makikipaglaban sa kanya” (v. 32 ASD). Nag-alangan naman itong si Saul, “Iho, bata ka pa, hindi mo kaya, mahusay ang lalabanan mo” (v. 33). Sagot naman ni David, “May karanasan na rin po ako sa mga leon at mga oso at yan din ang gagawin ko sa Filisteong ito na hindi nakakakilala sa Diyos dahil hinahamon po niya ang mga sundalo ng buhay na Diyos. Ang Panginoon ang nagligtas sa akin dati, siya rin ang magliligtas sa akin ngayon” (vv. 36-37). Pumayag na rin si Saul, wala naman ni isa man na maglakas loob man lang sa mga sundalo niya. At least, baka makatsamba pa si David, kahit sobrang underdog at dehado siya sa laban. Kung baga sa basketball, bilog ang bola. Bahala na.

Natatakot kasi tayo tulad ni Saul kapag nakikita natin ang lakas ng kalaban at ang kahinaan natin. Pero para kay David, malakas ang loob niya hindi dahil nakikita niya ang kahinaan ng kalaban at ang kalakasan naman niya. No. Ang tapang na meron siya ay nanggagaling sa pagtitiwala niya sa Diyos na sasamahan siya at ililigtas siya. Ginawa na ng Diyos dati, gagawin ulit ng Diyos ngayon. Ang takot natin ay nagpapakita ng kakulangan ng pagtitiwala sa Diyos. We overcome fear not by believing in ourselves (hindi, “Kaya ko ‘to!”) but by believing God’s presence to rescue us (kundi, “Kayang-kaya ng Diyos!”).

Fighting and Overcoming Fears by Faith

Humarap siya kay Goliath na walang helmet, walang espada, walang panangga. Di naman niya alam gamitin ang mga yun. Tirador lang ang kaya niya, at may dala siyang bala na limang makikinis na bato. Tinawanan lang siya ni Goliath, “Ano tingin mo sa akin? Aso? Halika rito’t ipapakain ko ang bangkay mo sa mga hayop!” Isinumpa niya si David sa ngalan ng kanyang mga diyus-diyosan (v. 43). You see, this is a spiritual battle. At sa pakikipaglaban din natin mapapatunayan kung sino ang tunay na Diyos at kung nakanino ang tiwala natin. Our battle with our fears is a spiritual battle. So to win that battle, we must be armed with spiritual weapons. 

Kaya ang tiwala ni David wala sa sarili niya, kundi sa Diyos na kasama niya. Sabi niya: “Makikipaglaban ka sa akin na ang dalaʼy espada, sibat, at punyal, pero lalabanan kita sa pangalan ng Panginoong Makapangyarihan, ang Dios ng hukbo ng Israel na iyong hinahamon. Sa araw na ito ibibigay ka sa akin ng Panginoon. Papatayin at pupugutan kita ng ulo. Ngayong araw ding ito, ang mga bangkay ng mga kasama mong Filisteo ay ipapakain ko sa mga ibon at mababangis na hayop, at malalaman ng buong mundo na may Dios ang Israel. Malalaman ng lahat ng nagkakatipon dito na kayang iligtas ng Panginoon ang kanyang bayan kahit na walang espada o sibat. Sapagkat ang Panginoon ang makikipaglaban at ibibigay niya kayong lahat sa amin” (vv. 45-47 ASD).

We overcome fear when we fight in God’s power, armed with his promises, aimed for God’s glory. We overcome fear when we no longer make life all about us but all about God.

Alam na natin ang ending ng story. One shot lang si David kay Goliath, sapul sa noo, bumagsak, patay agad. Tumakbo si David sa kanya, tinapakan, kinuha ang espada ni Goliath, at pinugutan ng ulo. The Philistine champion was dead. Sino ang mag-aakala na ang tulad ni David ang tatalo sa kanya? An unlikely hero became Israel’s champion. They won. They defeated their enemies. Their fear was gone. They were armed with new-found courage. Because of David. No, because of the God of David.

Jesus Our Champion

Dapat nating maovercome ang fears natin. Dapat tayong maging matapang at magtiwala sa Diyos na tulad ni David. Yes, we can kill the giants of our lives by trusting God. But that is not the main point of the story. Hindi naman totally wrong yung application points na yun. Kaso, we bypass something very important kung diretso agad tayo sa application sa buhay natin. We miss something very important, Someone very important. We miss the real Hero of every story. Akala kasi natin tayo si David sa story. Pero ang totoo, tayo si Saul, tayo yung mga takot na Israelites. We need Someone like David, Someone much greater than David.

Ang key word sa story na ‘to ay “champion” (vv. 4, 23). Si Goliath ang champion ng Philistines. Kailangan ng Israel ng isang champion na lalaban sa kanya. Actually, yung word na yan sa Hebrew ay ish, common word for man, lalaki. Kaya hamon ni Goliath, “Choose a man (ish) for yourselves…” (v. 8, also v. 10). Hindi si Saul yun, wala ni isa man sa Israelite army (v. 24, “All the men [ish] of Israel, when they saw the man [ish]…were much afraid”).  That man turns out to be David, the unlikely hero and champion of Israel.

Sally Lloyd-Jones’ The Jesus Storybook Bible got it right: “When the Philistines saw Goliath was dead, they ran away, they cheered. God had saved his people. David was a hero! Many years later, God would send his people another young Hero to fight for them. And to save them. But this Hero would fight the greatest battle the world has ever known.” Yan ang dapat nating matutunan. Yan ang dapat nating ituro sa mga bata.

Sino yung Hero na yun? Sino yung Champion natin? Jesus! Jesus! Jesus! He was also, like David, an unlikely Hero. Humble beginnings, son of a carpenter, not from a prominent family. Ipinadala ng daddy niya si David sa battlefield. While we are cowering in fear and unable to defeat Satan, sin and death, the Father sent his Son Jesus to wage the war we cannot win by ourselves. For 40 days, Goliath was challenging Israel. For 40 days, Satan the Ancient Serpent tempted Jesus (Mk 1:13). Si David lang ang may lakas ng loob labanan ang higante and he won! Jesus fought Satan and he knocked him out. Ginawa niya yun dahil sa habag niya sa mga taong alipin ni Satanas, tulad ni David na nahabag sa pangungutya sa Israel. Ginawa niya yun para sa pangalan ng Diyos, tulad ni David na lumaban para makilala na ang Diyos ang Tagapagligtas. Malinis ang puso ni David sa paglaban, pero inakusahan siya nang masama ng kanyang kapatid. Jesus’ family, his brothers, did not believe in him. Ang Panginoon ang kasama ni David kaya siya nanalo. Ang Espiritu ng Panginoon ang nakay Jesus that’s why he defeated the Enemy. Bumangon pa ang Ahas na iyan, tinuklaw si Jesus, hanggang sa mapako sa krus at mamatay. Pero yan ang paraan ng Diyos, ang kanyang kamatayan sa krus (a very unlikely instrument, tulad ng tirador ni David), para tuluyang durugin ang ulo ng Ahas. Tulad ni David na pinugutan ng ulo si Goliath by Goliath’s own sword. Sa ikatlong araw, muli siyang nabuhay to complete victory over Satan, sin and death. Our greatest enemies were destroyed by Jesus. Siya ang Tagapagligtas. He is our Champion, our representative, who fought in our behalf.

Victory in Jesus

If we are in Jesus, nasa atin na ang tagumpay. Hindi na tayo matatakot na harapin ang anumang sitwasyon sa buhay, kahit saan, kahit sino, alang-alang sa pagsunod sa Diyos. We don’t fear defeat and even death. Dahil nagtagumpay na si Jesus. Lumalaban tayo hindi para makamit ang tagumpay, kundi dahil nasa atin na ang tagumpay. We fight not for victory, we fight from victory. Knowing that we already have victory in Christ, and we are fighting a defeated enemy, it gives us courage to face life. Nasa kuwento ba yan? Yes. Patay na si Goliath, ang mga Philistines naman ang natakot at nagtakbuhan, not honoring the rules of the battle of champions. Ang mga Israelita, nawala ang takot, napalitan ng tapang, sumisigaw na sinugod ang mga kanilang mga kalaban (vv. 52-54).

So, we fight fear not by telling ourselves not to fear: “Hindi ako matatakot, hindi ako matatakot.” Kapag may lumapit sa iyo humihingi ng tulong dahil natatakot na harapin ang mga problema nila, like sa counseling, or sa gracecomm or fight club n’yo, we don’t help them by telling them, “Wag kang matakot. Kaya mo ‘yan.” No. We strike fear at its root. The root is unbelief. So we fight the unbelief of fear by faith – by believing who God is for us in Christ and who we already are in Christ.

The battle is with our eyes and our ears, what we see and what we hear. Natatakot tayo kapag ang tingin natin sa kalaban higit na malaki kaysa sa atin. Tingin natin sa sarili natin, walang K, hindi natin kaya. Nawawala ang takot hindi pag nilakihan mo ang tingin mo sa sarili mo (just believe in yourself), kundi kapag ibinaling mo ang tingin mo sa Diyos na nasa iyo. He was much more gigantic than everything you will face in your life. And he is with you. He is for you in Christ. We are more than conquerors through him who loved us. If God is for us, who can be against us? Wala nang mas malaki pa sa kapangyarihan ng Diyos na nasa atin. Wala.

Natatakot tayo pag nakakalimutan natin kung ano ang ginawa sa atin ng Diyos in the past, lalo na yung ginawa niya through the Lord Jesus on the cross for us. We overcome fear by remembering na ang Diyos na nagligtas sa atin ang siyang patuloy na magliligtas sa atin. We may die on our path to obeying God’s will in missions, but we will only die. They cannot take away our life with God!

Natatakot tayo kapag nakakalimutan natin at pinagdududahan ang mga pangako ng Diyos. Napagtatagumpayan natin ang takot at napapalitan ng tapang kung kumakapit tayo sa Diyos at sa pangako niyang lagi niya tayong sasamahan, hindi iiwanan, poprotektahan at gagawin ang lahat para sa ikabubuti natin at para sa karangalan ng kanyang pangalan.

Look to Jesus. Listen to Jesus. Then fight with all your might. Because in Jesus, you are already a victor.

2 Comments

  1. Pastor isa isa kong kina copy paste sa word ang lahat ng meron ditong sermon at lahat ng dapat kong basahin para ilagay sa tablet ko. Pwede po bang ang iba mo pa pong mga sermon makahingi ng copy sa email ko mapa word or pdf para ilagay ko na lang po sa tablet ko at dun na lang po ako magbabasa. anywhere i go , nakakabasa ako ng lahat ng ito po. Slmat Pastor Derick.. ipagpatuloy mo pong magsulat ng ibat ibang kwento ng buong bible at makikibasa po ako sa lahat ng ito po sa inyo. Pag dumating na ang oras na hihinihingi ko sa Lord Jesus gusto ko rin mag aral sa Ministry nyo rin po. GOD BLESS PASTOR DERICK

    Liked by 1 person

    1. Thanks for following this site. Praise God na nakakatulong sa iyo. Para mas madali, magdownload ka ng kindle app sa tablet mo, tapos sa browser mo download mo yung send to kindle na extension. 🙂 You can also subscribe to this site by email para update ka sa new content. Or I can do that for you.

      Grace be with you always,

      Ptr. Derick

      Like

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.