Part 7 – Love, Sex and Holiness

marriage-bedSa nakaraang isa’t kalahating buwan, ninanamnam natin ang good news na dahil kay Jesus, and only through Jesus and in Jesus, may forever para sa lahat. Single ka man – young single or single na for a long, long time (o parang single forever), o married – whether you have a good marriage or a bad marriage, enjoying marriage or enduring marriage. Anuman ang kalagayan mo sa buhay ngayon, your relationship with Jesus is what matters, in this life and the life to come.

Last week, pinag-usapan natin na ang singleness ay regalo ng Diyos, hindi parusa. Ito ay mabuti, at hindi isang problemang dapat solusyunan. Your singleness is not the problem, your sinfulness is. So marriage is not the solution, Jesus is. Siyempre, mabuti naman na kung kayo ay single, nagnanais kayo na mag-asawa. It’s ok to pray na kayo’y makapag-asawa.

At madalas sa usapang pang-singles, maririnig natin ang phrase na “God’s will.” Sino kaya ang “God’s will” para sa akin? Siya na kaya? Kailan kaya siya darating? Well, wala namang particular guideline sa Bible kung sino yun, di naman din mag-PM sa iyo si Lord at sabihin sa iyo kung sino. Merong guideline na dapat fellow believer din, hindi pwedeng unbeliever. Kahit gaano ka ka-inlove sa isang unbeliever, that is clearly not God’s will for you. Pursuing marriage and living out marriage life are all about faith in God and submission to his will.

Kapag God’s will ang pinag-uusapan, ang primary question ay hindi “sino” ang God’s will, kundi “ano” ang God’s will. Whether you are single or married, God’s will is not something mysterious, na pahihirapan ka before you figure it out. Maraming talata sa Bibliya ang nagpapakita sa atin na malinaw ang kalooban ng Diyos sa bawat isa sa atin. And one of those passages is in 1 Thessalonians 4:3-8.

For this is the will of God, your sanctification: that you abstain from sexual immorality; 4 that each one of you know how to control his own body in holiness and honor, 5 not in the passion of lust like the Gentiles who do not know God; 6 that no one transgress and wrong his brother in this matter, because the Lord is an avenger in all these things, as we told you beforehand and solemnly warned you. 7 For God has not called us for impurity, but in holiness. 8 Therefore whoever disregards this, disregards not man but God, who gives his Holy Spirit to you.

Holiness in Relationships

“For this is the will of God, your sanctification…” (v. 3). Klarong-klaro ang kalooban ng Diyos. Our sanctification, Greek hagiasmos, or holiness. Noong tayo’y iniligtas ni Cristo, sinimulan din niya ang image restoration project sa atin. Para unti-unti, araw-araw, progressively, hinahatak niya tayo palayo sa kasalanan at kamunduhan, at inilalapit niya tayo sa Diyos at sa kanyang kabanalan para tayo’y maging tulad niya. Yan ang kalooban ng Diyos sa iyo, single ka man o may asawa. Our goal in life is not pursuing marriage, but pursuing Christ. Not to be someone na ila-like ng maraming tao o ng crush mo, but to be someone like Christ.

Katulad ni Jesus kung magmahal, hindi nanggagamit ng iba para makuha ang sariling kagustuhan, kundi nagbibigay, nagsasakripisyo para sa minamahal. Kaya ang prayer ni Paul: “Palaguin nawa at pag-alabin din ng Panginoon ang pag-ibig nʼyo sa bawat isa at sa lahat ng tao” (3:12); “…lalo pa ninyong pag-ibayuhin ang pag-ibig ninyo” (4:10). Katulad din ni Jesus na ang puso ay malinis, di nag-iisip ng masama o mahalay sa ibang tao, partikular sa mga babae. Kaya ang prayer ni Paul, na tayo’y maging “banal at walang kapintasan” (3:13).

Running Away from Sexual Immorality

Upang tayo ay lubos na maging tulad ni Cristo, tayo ay araw-araw na makikipaglaban sa kasalanan. At kapag relasyon ang pinag-uusapan, lalo na ang pakikipaglaban at paglayo sa mga kasalanang sekswal. At yan ang binigyang-diin din naman ni Pablo sa text natin. “For this is the will of God, your sanctification: that you abstain from sexual immorality” (4:3). In order to pursue holiness in relationships, we need to avoid “sexual immorality.” Abstain, avoid, run awan. Gaano kalayo? Pag kissing sa boyfriend/girlfriend pwede na? Run as far as you can!!! Kapag nararamdaman mo na ang sexual desire na lustful sa isang tao na di mo naman asawa, run like Joseph. Lumayo ka sa anumang kasalanang sekswal. “Stay away from all sexual sin” (NLT). Wag mong kantahin, “O tukso, layuan mo ako….” Ikaw ang lumayo!

Ang “sexual immorality” ay galing sa Greek word na porneia, kung san galing ang salitang pornography. Ibig sabihin nito ay fornication o pakikipagtalik sa isang babae o isang lalaki na di mo pa naman asawa. Or pre-marital sex. Pero ang salitang ito ay ginagamit sa New Testament para tumukoy sa lahat ng klase ng kasalanang sekswal. Sex is good. At ang goodness nito ay nakasalalay sa boundaries na nilagay ng Diyos. Na ito ay para lamang sa isang lalaki at isang babae na nasa loob ng covenant of marriage. Anything beyond that is sinful, harmful, and destructive. Tulad premarital sex, masturbation, homosexuality, bestiality, incest, pornography, sexual fantasies, at anumang lustful desires kahit walang physical or sexual act.

Sabi ng Panginoong Jesus, “Narinig ninyo na sinabi noong una, ‘Huwag kang mangangalunya.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang tumingin lang sa isang babae nang may masamang pagnanasa ay nagkasala na ng pangangalunya sa kanyang isip” (Matt. 5:27-28).

Word to Parents with Children

Alam kong may mga batang nakikinig ngayon. And I will try to be sensitive to them. May mga bagay dito na di nila lubos pang mauunawaan. Kayo po ang magpapaliwanag sa kanila, hindi man ngayon kundi pagdating ng panahong sa tingin n’yo ay akma na sa kanila. Minsan kasi iniisip nating they are too young para pakinggan ang mga ganitong topics. But what we don’t realize, ang mga bata at an average age of 8 or 10, may first exposure na sa porn, at pagdating ng teenage years addicted na, hanggang mauwi sa premarital sex, na dadalin naman ang mga kasalanang sekswal sa paglaki hanggang sa makapag-asawa. Exposed na yan sa maraming sexual content sa TV, sa Internet, sa paligid natin, sa society natin na unti-unting nagiging tolerant sa sexual sins. Dapat lang na turuan natin sila. Kung mapapakinggan man nila ang katotohanan tungkol sa sex, dapat sa loob ng bahay at sa loob ng iglesia nila matutunan, hindi sa media o sa barkada nila.

Sexual Intimacy vs. Sexual Immorality

Ano ang itinuturo ng Word of God tungkol dito? We are all sexual beings, God has given us bodies with sexual desires. Pero ang sex ay sa context lang ng marital covenant. Sex without commitment in marriage does not reflect the glory of God. Dahil ang sex ay dinisenyo ng Diyos para maging salamin ng malalim at di masisirang kasiyahan na maeenjoy natin sa relasyon sa kanya, because of his covenant of love in Christ for us.

Kaya sa mga mag-asawa, sabi ni Pablo,

“Dapat tuparin ng lalaki ang kanyang tungkulin sa kanyang asawa, at ganoon din naman ang babae. Sapagkat ang lalaki ay may karapatan sa katawan ng kanyang asawa. At ganoon din naman, ang babae sa kanyang asawa. Kaya huwag ninyong ipagkait ang pagsiping sa inyong asawa, maliban na lamang kung napagkasunduan ninyong ipagpaliban ito, upang mailaan ninyo ang inyong mga sarili sa pananalangin. Ngunit pagkalipas ng inyong pinagkasunduan, magsiping na uli kayo dahil baka hindi na kayo makapagpigil at matukso kayo ni Satanas” (1 Cor. 7:3-5).

Di ko na ipapaliwanag yan ha. Pag-usapan n’yong mag-asawa kung healthy ba ang sex life nyo o hindi, kung nagiging sexually intimate ba kayo o hindi. Isa rin itong nagiging dahilan kung bakit may mga lalaki at may mga babae na naghahanap sa iba, dahil hindi sila satisfied sa asawa nila.

At para naman sa mga single, mga kabataan, ang kalooban ng Diyos ay maghintay kayong dumating ang araw na may asawa na kayo bago n’yo maenjoy ang sexual intimacy. Ang kalooban ng Diyos para sa inyo ay sexual purity.

“Ngunit dahil sa marami ang natutuksong gumawa ng sekswal na imoralidad, mas mabuti pa na mag-asawa na lang ang bawat lalaki o babae…Ngunit kung hindi kayo makapagpigil sa inyong sarili, mag-asawa na lang kayo. Mas mabuti na ito kaysa sa magkasala kayo dahil sa matinding pagnanasa ng laman…Ngayon, tungkol naman sa mga magkasintahan: Kung sa palagay ng lalaki ay hindi tama ang ikinikilos niya sa kanyang nobya dahil sa pagnanasa, at sa palagay niyaʼy dapat na silang magpakasal, mas mabuti ngang magpakasal na sila. Hindi ito kasalanan” (1 Cor. 7:2, 9, 36).

Hindi mo pwedeng sabihin sa isang lalaki o sa isang babae na gagawin mo yun dahil mahal mo siya, o gawin niya yun sa iyo para patunayang mahal mo siya. That’s not love, sex is not always “making love.” That’s lust, that’s sexual immorality.

Ano’ng pagkakaiba ng sexual intimacy purity sa sexual immorality? Sexual desires are good, pero kapag uncontrolled it becomes bad. Kaya sabi ni Paul sa text natin, “…that each one of you know how to control his own body in holiness and honor” (1 Thess. 4:4). “How to control his own body…” Ang totoong pag-ibig, nagpipigil at naghihintay para sa taong minamahal. “In holiness…” Ang totoong pag-ibig namumuhay na may kabanalan, kalinisan. Di tulad ng mundong ito na ang kahalayan ay ipinagdiriwang sa madla at ipinangangalandakan. “And honor.” Ang totoong pag-ibig binibigyang karangalan ang dignidad ng minamahal. Ang sexual desire na walang pagpipigil sa sariling katawan, walang kabanalan, at di nagpaparangal sa object of your sexual desire…yan ay kahalayan. Ang kahalayan ay nag-iisip lang kung paano masasatisfy ang hilig ng katawan, pero ang pagmamahal ay nag-iisip para sa kapakanan ng minamahal.

“…not in the passion of lust like the Gentiles who do not know God” (v. 5). Ang kasalanang sekswal ay pagtulad sa mga taong di kumikilala sa Diyos. Di ito nagbibigay karangalan sa Diyos na lumikha sa ating katawan at nararapat lamang gamitin ayon sa kanyang kagustuhan.

“…that no one transgress and wrong his brother in this matter…” (v. 6). Ang sexual immorality ay kasalanan sa ibang tao. Sa naging object of your sexual desires, nagkasala ka sa kanya dahil pinagsamantalahan mo ang kanyang katawan. Nagkasala ka sa asawa niya o sa magiging asawa niya. Nagkasala ka sa tatay niya, sa nanay niya, sa mga kapatid niya na nag-iingat at nagmamahal sa kanya. Nagkasala ka sa iglesiya na pamilya ng Diyos dahil siya’y di mo itinuring na isang kapatid sa Panginoon na dapat mahalin, hindi gamitin, hindi pagsamantalahan, hindi bastusin.

In one way or another, lahat tayo nagkasala na pagdating dito. At ang ilan sa inyo hanggang ngayon nakalubog sa kasalanang ito. Ang unang hakbang para labanan ito ay hindi ang sisihin ang pamilyang pinanggalingan mo o ang masasakit na pang-aabusong naranasan mo nung bata ka o ang ibang tao o ang Internet; kundi aminin na nagkasala ka sa Diyos at sa kapwa mo, na ang puso mo ay makasarili at puno ng kahalayan. Aminin mong kailangan mo ang pagliligtas, pagpapatawad, at paglilinis ng Panginoong Jesus. And he is merciful and gracious to forgive and heal you.

Why We Fight Sexual Sins

The Judgment of God. Ang ilan sa inyo, nag-aalangan pa siguro o hesistant na aminin ang kasalanan. Baka sabihin mo pa, “Ligtas na naman ako, pupunta na naman ako sa langit, it doesn’t matter kung magkasala ako nang magkasala.” It doesn’t matter? Hindi yan salita ng isang taong iniligtas na ng Panginoon mula sa parusa ng kasalanan. Kaya sabi ni Pablo sa verse 6, “…because the Lord is an avenger in all these things, as we told you beforehand and solemnly warned you.” Sa MBB, “mahigpit na parurusahan ng Diyos…” May warning si Paul. Pakinggan mo. If you don’t fight sexual sin, you are going to face God’s judgment in hell.

Hindi si Pablo ang maysabi niyan, kundi ang Panginoong Jesus. Pagkatapos niyang ituro ang tungkol sa pangangalunya at kahalayan, warning niya,

“Kaya kung ang kanang mata mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon! Mas mabuti pang mawalan ka ng isang parte ng iyong katawan kaysa sa buo ang katawan mo pero itatapon ka naman sa impyerno. At kung ang kanang kamay mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon! Mas mabuti pang mawalan ka ng isang parte ng katawan kaysa sa buo ang katawan mo pero itatapon ka naman sa impyerno” (Matt. 5:29-30).

The fight against the sins of pornography and masturbation is a real warfare. It is a matter of life and death, of heaven and hell. Hindi ko itinuturo na mawawala ang kaligtasan ng isang mananampalataya kung siya ay magpatuloy sa sekswal na pagkakasala. It is not about losing one’s salvation, but our sanctification is the proving ground that we are really saved. True Christians fight against sexual sins. Hindi tayo laging victorious, but we fight, we struggle. Pero ang non-Christian, hindi lumalaban, ineenjoy ang pagkakasala at panandaliang kasiyahan hanggang dalin siya nito sa walang hanggang kapahamakan. This is a “solemn warning,” pakinggan n’yo.

Our Identity in Christ. Ang iba naman ganito ang pag-iisip, “Nagseserve naman ako sa worship team, pastor naman ako, God called me to minstry, mas mahalaga naman ang pagmimisyon kesa sa battle for purity. Nakikipaglaban ako sa katarungan, for social justice, yun ang mahalaga.” Yes, we are called to mission, to make disciples, to fight for justice. Mahalaga yun. Pero mas mahalaga ang malinis na puso, dahil dito nanggagaling ang paglilingkod na ginagawa natin. Tinawag din tayo ng Diyos para sa kabanalan, “For God has not called us for impurity, but in holiness” (1 Thess. 4:7). You are not just a ministry worker. You are a saint, set apart from sin, set apart for God. Meron ka nang bagong identity dahil kay Cristo.

“Hindi nʼyo ba alam na hindi magmamana ng kaharian ng Dios ang masasama? Huwag kayong palilinlang! Sapagkat kailanmaʼy hindi magmamana ng kaharian ng Dios ang mga imoral, sumasamba sa dios-diosan, nangangalunya, nakikipagrelasyon sa kapwa lalaki o babae, magnanakaw, sakim, lasenggo, mapanlait, at mandarambong. At ganyan nga ang ilan sa inyo noon. Ngunit nilinis na kayo sa inyong mga kasalanan at ibinukod na kayo ng Dios para maging kanya; itinuring na kayong matuwid dahil sa Panginoong Jesu-Cristo at sa Espiritu ng ating Dios” (1 Cor. 6:10-11).

Nilinis, ibinukod, itinuring na matuwid. That who we are now. So, mamuhay tayo na akma sa bagong pagkatao natin.

The Glory of God. Ang iba sasabihin, “Wala naman akong nasasaktan sa porn at sa kahalayan ko.” But in reality, you are hurting your spouse or your future spouse, In sexual fantasies, you are not honoring the person who is the object of your sexual desire. Walang sexual sin na private, na parang ikaw lang ang apektado. Dahil ang kasalanan ay insulto, paglapastangan, pagbabalewala, pagtatakwil sa Diyos. Sexual sin is first an assault to God. “Therefore whoever disregards this, disregards not man but God…” (1 Thess. 4:8). Sa NLT, “rejecting God.” Ang mata natin ay nilikha para pagmasdan ang kagandahan ng Diyos, hindi ang kahubaran ng isang taong di naman natin asawa. Ang kamay natin ay nilikha para magtrabaho at gumawa para sa ibang tao, hindi para abusuhin ang iba. Ang labi natin ay nilikha para magpuri sa Diyos. Ang isip natin ay nilikha para bigyang karangalan ang Diyos. “Gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos” (1 Cor. 6:20 MBB).

The Holy Spirit. Ang iba naman sasabihin, at sa mahabang panahon ganito ang sinasabi ko rin sa sarili ko, “Hindi ko kayang labanan. Addicted na ako dito.” Totoong hindi mo kaya, kung nag-iisa ka. Kaya nga tulung-tulong tayo dito. Kaya nga meron tayong fight clubs. Pero ang higit na tulong na kailangan natin ay ang Diyos na nagbigay sa atin ng kanyang Espiritu. “…who gives his Holy Spirit to you” (1 Thess. 4:8). Tayo na nakay Cristo ay templo ng Espiritu (1 Cor. 6:19). Nasa atin ang Diyos, nasa atin ang kapangyarihan, karunungan, katotohanan, at sandatang kailangan natin sa labang ito. Wag mong sabihing hindi mo kaya. Kaya mong labanan ang kasalanan dahil kay Cristong nagpapalakas sa atin sa pamamagitan ng kanyang Espiritung nasa atin. Sexual sin is powerful. But the Spirit in us is more powerful.

Fighting Sexual Sin is a Fight of Faith

This is good news, na meron tayong Diyos, na kahit siya pa ang nilalapastangan natin sa mga kasalanang sekswal (o anumang uri ng kasalanan), siya pa ang tumutulong sa atin at di tayo hinayaang mag-isa. So, ano’ng kelangan nating gawin ngayon? Our sanctification, ang paglayo at paglaban sa kasalanan, is not passive. Aktibo tayo sa labang ito. Wala tayong oras para pag-usapan ang mga specific, practical strategies sa labang ito sa sexual purity. Iba-iba ang kalagayan natin, kaya makipag-usap kayo sa akin o sa ibang mga leaders para mapagtulungan natin ‘yan. Pero ngayon, iiwan ko lang sa inyo ang dalawang pangunahing strategies sa labang ito.

Know God intimately. Sinabi ni Pablo sa verse 5 na ang kaibahan natin sa mga Hentil o mga unbelievers ay ang pagkakilala sa Diyos. They don’t know God, we do. Pero hindi ito yung pagkakilala sa Diyos na parang pagkakilala mo lang sa isang kapitbahay na alam mo ang pangalan at iba pang detalye sa buhay niya. Kasi kahit mga unbelievers kilala din naman ang Diyos sa ganitong paraan. Kahit nga mga demonyo ganyan lang din ang pagkakilala sa Diyos. Kahit naman graduate ka ng seminary, kahit may PhD ka sa theology, kahit kabisado mo pa ang Bibliya, o anumang theology books, you can still commit adultery if you don’t know God intimately. Yun bang mas malalim kang relasyon sa kanya, yung talagang nagbubulay ka ng salita niya, yung ninanamnam mo ang pagmamahal niya sa iyo. Ang panlaban natin sa init ng damdaming dulot ng mga sekswal na pagnanasa ay ang mas maalab na damdamin para sa Diyos. May isa akong kaibigang nagsabi sa akin na sa mga panahong napapabayaan niya ang devotion niya sa Word and prayer, yun ang mga panahong natutukso siya sa porn. Di mo naman kasi pwedeng pagsabayin ang devotion to God and devotion to porn. So, know God intimately. If your heart is so satisfied with God, kahit di ka pa satisfied sa asawa mo, di ka maghahanap ng iba. Dahil si Jesus ay sapat na at higit pa para sa iyo. It takes faith to believe that, so…

Trust God deeply. This is a fight of faith. Kung sa v. 8 nakita nating ang sexual sin ay pagbabalewala sa Diyos, ang paglaban dito ay ang pagtitiwala sa Diyos. Nangako siyang ibibigay niya sa atin ang lubos na kasiyahan, paniwalaan mo. Sexual sin promises you pleasures, but it always falls short of its promises. Nag-ooverpromise yan, but it always underdelivers. Pero pag ang Diyos ang nangako, he delivers what he has promised. Di mo pwedeng sabihin sa sexual sin na minsan lang naman, isang beses lang naman, susubukan lang naman. Kapag natikman mo ang kasalanang sekswal, maghahanap ka pa ng susunod, ng mas marami, hanggang malulong ka na sa bisyong yan. And it will always fail to satisfy you. In the end, you will always feel empty, unloved, hurt, and unhappy. Pero ang Diyos natin, walang hanggan ang kanyang pagmamahal sa atin, he will not fail to satisfy us. Yung forever love, forever happiness, na hinahanap mo hindi mo sa asawa matatagpuan, hindi rin sa sex, kundi sa malalim na relasyon kay Cristo. So, trust God deeply. Wala pang nabigo, wala pang umuwing luhaan, sa lahat ng nagtiwala sa kanyang pangako.

4 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.