Part 8 – Fighting Well

Kapag may away kayong mag-asawa, tandaan mong hindi ang asawa mo ang kaaway mo. Hindi siya ang dapat mong labanan. Your enemy is your sinful self. Kahit pa nasasaktan ka ng asawa mo, tandaan mong ang kasalanan sa puso mo ang dapat mong labanan at patayin. You will learn how to fight well when you learn how to fight against your real enemy. Sa halip na kayo ang mag-away, magtutulong kayong labanan ang natitira pang kasalanan sa puso n’yo. When you remember that, it will make a lot of difference in your marriage, and in all relationships for that matter.

Part 7 – Love, Sex and Holiness

“For this is the will of God, your sanctification…” (v. 3). Klarong-klaro ang kalooban ng Diyos. Our sanctification. Noong tayo’y iniligtas ni Cristo, sinimulan din niya ang image restoration project sa atin. Para unti-unti, araw-araw, progressively, hinahatak niya tayo palayo sa kasalanan at kamunduhan, at inilalapit niya tayo sa Diyos at sa kanyang kabanalan para tayo’y maging tulad niya. Yan ang kalooban ng Diyos sa iyo, single ka man o may asawa. Our goal in life is not pursuing marriage, but pursuing Christ. Not to be someone na ila-like ng maraming tao o ng crush mo, but to be someone like Christ.

Part 5 – Ang Tunay na Kagandahan

Wala namang masamang maghangad ng kagandahan, and I believe it is part of God-given desire sa mga babae na nilikha ng Diyos ayon sa kanyang larawan. To desire beauty is to reflect the image of God our Creator, na ang nilikha niya ay talaga namang napakaganda. Anumang good desire kapag ginagawa nating pinakamahalaga, na-iidolize natin. Sa halip na ang Diyos ang mabigyan ng karangalan, in desiring beauty you desire to draw attention to yourself. Kaya ang sabi ni Peter sa mga babae, magkaroon sila ng tamang priority when it comes to beauty. “Do not let your adorning be external—the braiding of hair and the putting on of gold jewelry, or the clothing you wear” (1 Peter 3:3).

Part 4 – Ang Tunay na Lalaki

Merong baluktot na definition ang tunay na lalaki sa society natin ngayon. Just look at the movies or advertisements. Ang lalaki dapat daw work-driven o performance-driven. We celebrate men of greatness and achievements kahit na napabayaan ang relasyon sa pamilya. Machismo din ang culture natin. Ang profile ng isang lalaki, malaki ang katawan, lumalaban (nakikipag-away, violent, look at the action movies). Sex-driven din ang culture natin. Tunay kang lalaki, you crossed childhood into manhood kapag hindi ka na virgin, kahit wala pang asawa. Mas maraming nakarelasyong babae, mas tunay kang lalaki.

Pero yan ba ang itinuturo ng Bibliya?