Part 6 – Singleness and “Undivided Devotion”

mayforever-part-6-singlenessSa sermon series natin na #MayForever, pinag-uusapan natin na natural sa lahat ng tao ang magdesire ng satisfaction at fulfillment sa relationships. Ang Diyos ang naglagay niyan sa puso natin. And we are spending a lot of time na pag-usapan kung ano ang itinuturo ng Salita ng Diyos tungkol sa relasyon ng mag-asawa. Kasi naman, marriage is the most intimate of all human relationships. At ito ay salamin ng intimate relationship natin sa Diyos, through the Lord Jesus Christ.

Yes, marriage is good, it is very good. Pero ayaw ko, at alam kong ayaw din ng Diyos, na magkaroon tayo ng impression na kapag broken ang relationship mo sa asawa mo, o wala kang asawa, o wala ka nang asawa, ay imposible nang maranasan mo ang satisfacation at fulfillment sa relationships. No, no, no. Kaya nga ang subtitle ng sermon series natin ay ito, #MayForever: Married ka man o single, in relationship o it’s complicated.

Pero alam kong mahirap sa atin na paniwalaan yan. We will struggle with that. Kasi naman, dahil sa kasalanan, our good desire for intimate relationships ay distorted na. At mahirap din kasi we live in a culture na largely negative ang perception sa mga singles. Even sa loob ng church, even among us Christians, nandoon pa rin ang pag-iisip natin na kapag single ka…

  1. You are incomplete. Tulad ng linya sa movie na Jerry Maguire, nandun yung desire natin na masabi natin sa isang tao, “You complete me.” Kung tutuusin, may realidad naman, kasi nang likhain nga ng Diyos si Adan sinabi niyang, “It is not good for a man to be alone.” Kapag single ka, parang hinahanap mo ang nawawala mong tadyang. Pero ang tanong, hindi ka nga ba kumpleto pag single ka? May kulang ba sa iyo? Mga may-asawa lang ba ang makakaranas ng “completeness”?
  2. You are not experiencing God’s best for you. Wala naman masamang hintayin kung sino ang ibibigay ni Lord sa iyo. Pero yung iba controlled na ng desire nila to find “the one”! Yung sa isip n’yo, “Sino kaya ang ibibigay ni Lord sa akin?” Tapos kapag nainip na, sariling diskarte na. Kahit di kalooban ni Lord, kahit di Christian, pwede na. You are assuming kasi na marriage is God’s best for you. What if being single right now (or forever) is his best for you?
  3. There is something wrong with you. Sa isip at damdamin ng ibang single, “Siguro pangit ako, di ako singganda nila, kaya walang nagkakagusto sa akin.” The feeling of being unwanted is truly a terrible feeling. Yung ibang lalaki naman, feeling nila they are not man enough. Iniisip tuloy ng iba, kung mas magiging maganda lang sana ako, kung mas magiging responsable lang sana ako, kung mas magiging financially stable lang sana ako. Kapag single ka ba, lalo na kung late 30s na or 40s na or 50s na, ibig sabihin ba there’s something wrong with you?
  4. You are not happy. You are miserable. Maybe not for young singles, pero sa mga matanda na o sa mga nabiyuda na, nararamdaman na nila ‘to. Andun na yung feeling na “Mas magiging masaya lang ako kung may asawa na. Mawawala lang itong kalungkutan ko, yung feeling of being alone, kung may asawa na ako. Hangga’t wala akong asawa miserable ang buhay ko.” Ang tunay na kaligayahan ba sa pag-aasawa natatagpuan? Totoo ngang marriage has a potential for bringing us great joy. Pero hindi ibig sabihing great joy can be found exclusively in getting married. “And they lived happily ever after,” that’s not real life marriage. That’s just for fairy tale love stories.

Sa pag-iisip ng marami, di man sabihin, pero yan ang nararamdaman – na singleness is not good. Marriage is good, very good. But it doesn’t mean singleness is bad. Or at best, merely a preparatory stage for marriage. No.

Singleness is good.

Singleness is good. Yan ang sabi ng Salita ng Diyos. Sabi ni apostol Pablo, “Mas makabubuti sa isang lalaki kung hindi na lang mag-aasawa” (1 Cor. 7:1 ASD). Hindi ibig sabihing kapag nag-asawa, mas makasasama. Being single or married is morally neutral. Depende rin yan kung Christian ka o hindi. Dito sa sulat ni Pablo, ang assumption ay Christians ang mga nagbabasa. Siyempre pag non-Christian, single ka man o married, if you are separate from Christ, your condition is very very bad. Pero kahit Christian ka na, it still depends on how you respond to your singleness.

Sabi pa niya, “Ngayon, ito naman ang masasabi ko sa mga wala pang asawa at sa mga biyuda: mas mabuti kung magpatuloy na lang kayo sa kalagayan ninyong iyan” (1 Cor. 7:8). Wag mong isipin na ang transition from single to married ay always change for the better. Maaari ring change for the worse. Singleness is not a bad condition. Kaya nga ang desire ni Paul ay ito: “Kung pwede lang, gusto ko sanang kayong lahat ay maging katulad ko na walang asawa…” (v. 7). Mabuti ba ang kalagayan ni Pablo? Bilang apostol? Lingkod ng Diyos? Tagapangalaga sa mga itinatag niyang mga iglesia? Oo. Kahit wala siyang asawa? Oo. Hindi niya naman sasabihing gusto niya tulad din natin siya para may karamay siya sa pagdurusa niya bilang isang single man. He’s suffering, not because of his singleness, but because of his single devotion to Jesus and his gospel.

Kaya sabi pa niya sa verse 7, “…Ngunit may kanya-kanyang kaloob sa atin ang Dios, at hindi ito pare-pareho.” Marriage is a gift. Singleness doesn’t mean God is withholding his gift to you. Singleness is also a gift. Hindi parusa because you are bad. Hindi pagsubok o trials you have to endure. It’s a gift. A good gift. A perfect gift. “Every good gift and every perfect gift is from above” (James 1:17). Galing sa Diyos iyan. Siya ang nagtakda na sa panahong ito, you are a single man or woman. Kung puro ka reklamo, parang sinasabi mong your singleness is not good, your God is not good, your God is denying you what’s best for you. Singleness is not your problem. Your lack of trust in the goodness and wisdom of God is.

Singleness is a good gift. You treasure it. You enjoy it. Kaya para sa mga nabiyuda, sabi ni Paul, “Para sa akin, mas maligaya siya kung hindi na lang siya mag-asawang muli (v. 40). Paulit-ulit si Paul. Sabi niya sa mga singles, sabi niya sa mga nawalan na ng asawa, your condition is good, good, good. Pero sa loob-loob n’yo, ganito ang sinasabi ng puso mo, “No, no, no, it’s not good.” Mahirap paniwalaan ang Salita ng Diyos, kasi for a long time we are deceived by our own hearts (“The heart is deceitful above all things, and desperately sick; who can understand it?” Jer. 17:9). Tapos sa culture natin, sa society natin, kontra din sa salita ng Diyos ang parati nating naririnig. So we have to listen to the Word of God over and over again.

How can Christian singleness be good?

Tingnan nga natin kung paano nating masasabing Christian singleness can be good. Klaruhin ko lang, I’m talking about Christian singles. If you are a single, and you are not a Christian, then you are in a lot of trouble. Bago ang lahat, bago pag-usapan ang pag-aasawa o ang buhay binata o dalaga, unahin mo munang intindihin ang relasyon mo sa Diyos. Kung hiwalay ka kay Cristo, mapangasawa mo man ang best para sa iyo, kung mapapahamak naman ang kaluluwa mo, balewala ang lahat.

Heto ang objection kung sasabihin nating it is good to be single. Di ba’t sabi ng Diyos nang likhain niya si Adan, “Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya” (Gen. 2:18). So, hindi pala mabuti kung manatiling single ka? Tandaan nating ito ay story of Creation. Nagbibigay ito ng tamang perspektibo sa pag-aasawa. Pero dapat nating tandaan kung nasaan tayo sa Story. Nangyari ang pagkakahulog sa kasalanan (The Fall/Rebellion). We live in a sinful world, kasali tayo, nandun ang kasalanan, self-centeredness, brokenness, sufferings and death. So kahit mag-asawa ka, you will face all these realities sa asawa mo, sa sarili mo, sa relasyon n’yo sa isa’t isa. So, in light of this, how can Christian singleness be good?

1. Christian singles are free from the worries and troubles of married life.

Dahil sa mga kahirapan ngayon, mas mabuti kung magpatuloy na lang kayo sa inyong kalagayan. Kaya kung ikaw ay may asawa na, huwag mong hihiwalayan ang iyong asawa. At kung ikaw naman ay wala pang asawa, mas mabuti na huwag ka na lang mag-asawa” (vv. 26-27). Verse 28, “Kaya ko lang sinasabi sa mga wala pang asawa na manatili na lang na ganoon dahil gusto kong maiwasan nila ang mga hirap ng buhay may asawa.” Verse 32, “Gusto ko sanang maging malaya kayo sa mga alalahanin sa mundong ito.”

Hindi dahil duwag si Pablo na harapin ang mga suliranin sa buhay. We know his life, his courage, his sufferings for the sake of Christ. Hindi rin ibig sabihin na ang desisyon sa di pag-aasawa ay dahil sa ayaw mahirapan, that’s self-centeredness. Practical reason ang binabanggit ni Pablo dito. Na marealize ng mga singles na magkakaroon kayo ng dagdag na pagsubok, dagdag na burdens, dagdag na troubles when you get married. Di ka talaga malalagay sa tahimik pag nag-asawa, mas magulo pa nga. It is not para kang nasa cloud nine, hindi rin parang bed of roses. Not “they lived happily ever after.” Pero siyempre kahit naman single ka, meron ding mga unique worries and troubles yan. So yung first reason na ‘to, di masyadong compelling. We need more. We need a solid rock to stand. We need a steady anchor for our soul.

2. Christian singles are complete in Christ.

We need to know our place in God’s Story. We are not just fallen human beings. We are redeemed by Jesus. Because of Jesus, nailapit na tayo ulit sa Diyos. So hindi totoong kapag single ka, nag-iisa ka at wala kang kasama. Hindi ka nag-iisa. You have Jesus who loves you infinitely, more than any man or woman in this world can. You have brothers and sisters in Christ who truly love you, kahit alam nila ang past mo, ang mga kasalanan mo, ang mga kahinaan mo.

Hindi ka nag-iisa, hindi kulang ang buhay mo. You have Jesus. “Sa bagong buhay na ito, wala nang ipinagkaiba ang Judio sa hindi Judio, ang tuli sa hindi tuli, ang naturuan sa hindi naturuan, at ang alipin sa malaya dahil si Cristo na ang lahat-lahat, at siyaʼy nasa ating lahat” (Col. 3:11). Kung nasa iyo na si Cristo wala nang kulang. “You also are complete through your union with Christ” (Col. 2:10 NLT). Wag mong sasabihin sa mga singles, “Wala ka mang asawa, wag kang malungkot. At least you have Jesus.” He is not a consolation, di siya “kunswelo de bobo.” He is your all in all. Not your spouse or your future spouse or anyone. Only Jesus. Ang identity mo ay hindi nakatali sa civil status mo, kung single ka man o may boyfriend o may asawa. Ito ay nakatali sa status ng relationship mo kay Cristo.

3. Christian singles have greater opportunity for “an undivided devotion to the Lord.”

Some people will say na singleness is good kasi mas marami kang oras sa sarili mo, mas marami kang maiipon o magagastos para sa sarili mo, mas makakapamasyal ka kung saan-saan mo gusto, mas magiging malaya ka sa mga responsibilities sa buhay may pamilya. Well, those are self-centered worldly reasons for not getting married! Being married also is not necessarily good. Depende kung saan mo o para kanino mo inuubos ang oras mo, ang lakas mo, ang pera mo.

Verses 32-34, “..Kung ang isang lalaki ay walang asawa, ang pinagkakaabalahan niya ay ang mga gawain ng Panginoon at kung paano siya magiging kalugod-lugod sa kanya. Ngunit ang lalaking may asawaʼy abala sa mga bagay dito sa mundo, kung paano niya mapapaligaya ang kanyang asawa. Dahil dito, hati ang kanyang isipan. Ganoon din naman sa mga babae. Kung ang isang babaeʼy walang asawa, ang pinagkakaabalahan niya ay ang paglilingkod sa Panginoon, at nais niyang ilaan ang kanyang buong buhay sa paglilingkod sa kanya….

Bakit ‘to sinasabi ni Pablo? Bakit ineencourage niya ang mga singles na manatiling singles? “…to promote good order and to secure your undivided devotion to the Lord (v. 35 ESV). Hindi ibig sabihin na kapag mas asawa ka at may mga anak, laging divided na ang devotion mo kay Lord. Mas challenging nga lang. Mas maraming hindrances na dapat iovercome, dapat mas maging intentional ang focus sa relasyon sa Diyos at sa paglilingkod sa kanya. At ang pagiging single naman, not automatic na undivided na ang puso mo para sa Panginoon. You can be as easily distracted by the things of this world. But you have greater opportunity to serve the Lord. Mas marami kayong oras to share the gospel, mas marami kayong oras to make friends and disciple others to lead them closer to Jesus, mas marami kayong resources to invest in missions, mas may opportunity kayo na maging all-out sa commitment n’yo sa Great Commission. Singles, don’t waste your singleness. Ok lang ang desire to get married. Pero kung yan ang kumokontrol sa iyo, you are wasting your opportunity today as a single person.

4. Christian singles find that the kingdom of God is a treasure a million times better than marriage.

Minsan nagturo si Jesus tungkol sa mag-asawa na di dapat paghiwalayin ng sinuman ang pinagsama ng Diyos. Marriage takes great commitment, lalo na kung papahirap na ng pahirap ang lagay ng relasyon n’yo. Kaya sabi ng mga disciples ni Jesus, “Kung ganun po pala, mas mainam nang wag na lang mag-asawa” (Matt. 19:10). Sagot ni Jesus, verses 11-12, “Hindi lahat ay kayang tumanggap ng aral na ito kundi sila lamang na pinagkalooban ng Diyos. Sapagkat may iba’t ibang dahilan kung bakit may mga lalaking hindi makapag-asawa: ang ilan ay dahil sa kanilang katutubong kalagayan; ang iba nama’y naging ganoon dahil sa kagagawan ng ibang tao; mayroon namang hindi nag-aasawa alang-alang sa kaharian ng langit. Dapat itong gawin ng taong nakakaunawa sa katuruang ito” (MBB).

Alang-alang sa kaharian ng langit. May mga nananatiling single, at hindi nag-aasawa, dahil may higit na desire na nangingibabaw sa puso nila. Ang maipakilala si Jesus sa marami, ang makita ang paghahari ng Diyos, ang magkaroon ng mas malalim na relasyon sa Panginoon. Sinasabi mo sa mundo na ang kaharian ng Diyos, ang makasama si Jesus, ang sumunod sa kanya, ang maipakilala siya sa maraming tao, sa iba’t ibang lahi sa buong mundo, ay higit na mahalaga, higit na mas masaya kaysa sa makapag-asawa. The kingdom of God is a treasure a million times greater than marriage (see Matt. 13:44).

5. Christian singles have a unique opportunity to demonstrate that the eternal promises of God are far superior than the temporal pleasures of marriage.

Ang ilan sa inyo na mga singles ngayon, balang araw magkakaasawa ayon sa kalooban ng Panginoon. Pero ang ilan sa inyo, maaaring hindi. Maaaring loobin ng Diyos na di na kayo mag-asawa. Ibig sabihin di rin kayo magkakaanak. Sa panahon noon sa Bibliya, may mga lalaking tinatawag na eunuko na sadyang nagpaputol o pinutulan ng ari para di na makapag-asawa, di magkaanak, para manatiling single at wala nang ibang iintindihin kundi maglingkod sa kanyang panginoon.

May promise si Lord para sa mga kagaya nila, “…let not the eunuch say, ‘Behold, I am a dry tree.’ [tuyot, di magkakaanak] For thus says the Lord: ‘To the eunuchs who keep my Sabbaths, who choose the things that please me and hold fast my covenant [lahat ng nagtitiwala sa Diyos], I will give in my house and within my walls a monument and a name better than sons and daughters; I will give them an everlasting name that shall not be cut off” (Isaiah 56:3-5 ESV). Pangako ng Diyos ang higit na kaligayahan sa inyo, higit pa sa ligaya ng pag-aasawa, higit pa sa ligaya ng pagkakaroon ng pamilya at mga anak.

Sabi ni John Piper, “God promises spectacular blessings to those of you who remain single in Christ, and he gives you an extraordinary calling for your life. To be single in Christ is, therefore, not a falling short of God’s best, but a path of Christ-exalting, covenant-keeping obedience that many are called to walk.” May pangako ang Diyos sa inyo. Yes, you can pray to God na bigyan kayo ng asawa. Pero hindi niya ipinangakong bibigyan niya kayo. Ang pangako niya, ibibigay niya kung ano ang best para sa inyo, kung ano ang makakabuti para sa inyo, kung ano ang makapagbibigay sa inyo ng higit na kaligayahan. Kung masaya ka, kung kuntento ka sa pagiging single, pinapakita mo sa mga tao na ang tiwala mo ay wala sa ibang tao, wala sa pinapangarap mong asawa, wala sa kinabukasang inaasahan mo, kundi sa Diyos na kailanman kung mangako ay siguradong “the best.”

Exhortations for all, single or married

Kung ganun, mga singles, ang goal ninyo sa buhay ay hindi tumingin sa paligid kung sino kaya ang mapapangasawa mo. Ang goal mo ay tumingin kay Jesus. Fix your eyes on Jesus. Jesus, when he was on earth, chose to live a single life, not a married life. Miserable ba siya? He was the happiest human being who walked on planet earth. Jesus never had sex. But the thrill, ecstacy and pleasure of being intimate with the Father drives him every single day. Ang tingnan ninyo ay hindi ang buhay ninyo na 30 or 50 years na may asawa. Fixed your eyes on eternity. Seek the things that are above. In heaven, for all eternity, there will be no married people there, lahat single, walang asawa. We will all be married to Christ for all eternity. One day, marriage will be no more. But our relationship in Christ will remain forever.

Si Jesus ang pinakamahalaga sa lahat. Hindi ang pag-aasawa. Kaya kung mag-aasawa ka man, make sure ito ay sang-ayon sa kalooban ng Panginoon. Sabi ni Paul, kapag ang isang babae ay namatay ang asawa, “she is free to be married to whom she wishes, only in the Lord” (v. 39). Dapat Christian din, dapat follower din ni Jesus. Dapat ang pagpili ng mapapangasawa, ang panliligaw, ang courtship, ang engagement, ang pagpapakasal ay nakapailalim lahat sa lordship ng Panginoong Jesus. It is much better for you to be married to no one than to be married to a non-Christian.

Some of you singles are in relationship now. Kapag ang karelasyon mo non-believer, hiwalayan mo. Kung believer man, pero di kayo makapagpigil sa sarili, mainam pang maghiwalay kayo kesa malayo nang tuluyan ang relasyon n’yo sa Panginoon. O kaya’y mag-asawa na agad kayo, payo din yan ni Paul sa v. 2 at v. 9. Pero siyempre humingi kayo ng tulong, ng payo, ng paggabay, at accountability sa amin na mga may-asawa na.

Sa mga may-asawa na, remember than singleness is not a problem to be solved sa mga kapatid nating singles. Mabuting regalo ito ng Diyos sa kanila sa ngayon. Kaya iwasan natin sa church na palaging tatanungin ang mga wala pang asawa, “O bakit wala ka pang asawa? O, kailan ka ba mag-aasawa?” As if naman masasagot nila yun. Kapag ganoon kasi, you are presuming that it is God’s will for everyone to get married. Na kapag single ka para bang kulang ang buhay mo, na parang may problema sa iyo kaya walang gustong magpakasal sa iyo. Don’t pressure others to get married. Tulungan natin sila how to live their single life for the glory of God. At kung loloobin ni Lord na sila’y magkaasawa, gabayan natin sila sa paghahanda sa panahong iyon.

Sa relasyon natin sa ating asawa, may aral din tayong matututunan tungkol sa turo ni Paul sa mga singles. Verse 29, “Ang ibig kong sabihin mga kapatid, maikli na lang ang natitirang panahon. Kaya ang mga may asawa ay dapat nang mamuhay na parang walang asawa.” Hmmm. Pano yan? Deadma mo na ang asawa mo? Buhay binata, buhay dalaga, ganun? Ang nais ni Pablo para sa mga single, “undivided devotion to the Lord.” Yun din ang nais ng Diyos sa atin na mga may asawa, “undivided devotion.” Wag nating gawing hadlang o dahilan ang ating asawa, mga anak, responsibilidad sa pamilya para hindi na makapaglingkod sa Panginoon. Paglingkuran natin ang pamilya natin, oo. And as we do, ibigay natin ang buong buhay natin, ang buong lakas natin, ang panahon natin, ang material resources natin para maipakilala si Jesus sa buong mundo. We are not called to a happy marriage or family life. We are called to serve our King Jesus. Single ka man, may asawa, parang walang asawa, o wala nang asawa. May we all have an “undivided devotion to the Lord.”

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.