Our Afflictions and the Faithfulness of God (Psalm 119:73-80)

Afflictions for Good (Psa. 119:67, 71, 75, 78)

‌Today is the second Sunday of our Prayer Focus Week na we hope na magawa natin sa pasimula ng bawat taon. Sa dami ng mga kaabalahan natin sa buhay, sa dami ng mga dumarating na mga alalahanin sa buhay, napakadali sa atin ang ma-distract sa mga bagay na dapat sana ay pinakamahalaga sa atin—tulad ng basic spiritual disciplines ng Bible reading and prayer. Yan ang dahilan bakit Psalm 119 ang pinag-aaralan natin at the start of every year. Para anuman yung nangyayari sa buhay natin, matutunan natin kung paano mas maging devoted and committed sa Word of God at sa life of prayer, hindi lang para ipagpray ang sarili natin, kundi pati ang bawat member ng ating church family. Yun naman ang sinumpaan nating pangako sa isa’t isa sa ating church covenant, “Hindi natin pababayaan ang pananalangin para sa ating mga sarili at para sa iba” (No. 4). At hindi lang basta panalangin, we also need to learn how to pray God’s Word to each other. Kaya binigyan namin kayo ng guide everyday kung anong specific passage ang pwede n’yong gamitin sa prayer for every member of the church. Kung hindi n’yo man naipagpray lahat, at least nasimulan ninyo na maging habit ang ipagpray ang ibang members ng church everyday.

‌Sa pag-aaralan natin ngayon sa Psalm 119, mas matututunan natin kung paano magpray according to God’s Word—for ourselves and for others din. Pansinin n’yo na yung passage natin last week (vv. 65-72, Teth) at yung text natin ngayon (vv. 73-80, Yodh) ay parehong merong references sa afflictions o yung mga pagdurusa na nararanasan natin. “Before I was afflicted I went astray, but now I keep your word” (v. 67). Nadisiplina siya dahil sa kanyang pagsuway sa Diyos, at naibalik sa tamang landas, the path of obedience dahil sa affliction na galing sa Diyos. So, kaya niya nasabi na, “It is good for me that I was afflicted” (v. 71). Masakit ang naranasan niya, pero ginamit ng Diyos para sa ikabubuti niya (Rom. 8:28). Mabuti ang Diyos at lahat ng ginagawa niya ay mabuti para sa kanyang mga anak (v. 68). Afflictions are good for us kung ito ay nagtutulak sa atin para mas mapalapit sa mga salita niya at kilalanin sa sarili natin na mabuti ang salita ng Diyos. Kailangan natin ang Diyos, kailangan natin ang tulong ng Diyos. So afflictions help us admit how great our need of God’s help is. Afflictions bring us down on our knees in prayer.

‌Eto rin naman ang tema ng Yodh section. Acrostic psalm itong Psalm 119. Ibig sabihin, merong 22 sections corresponding sa Hebrew alphabet, eight verses each. So itong Yodh section ay nagsisimula lahat ng verses sa letter na yun sa Hebrew na ang equivalent sa atin ay “y”. Binanggit niya ulit yung kasinungalingan ng mga aroganteng tao laban sa kanya. Sinabi na niya yun sa v. 69, “The insolent smear me with lies.” Binanggit niya ulit sa v. 78, “Let the insolent be put to shame, because they have wronged me with falsehood.” Most probably, isang source ng kanyang affliction ay yung paninira sa kanya ng ibang tao. Yung mga nagkakasala sa kanya ay may pananagutan sa Diyos dahil sa kasalanan nila. Alam ng psalmist yun, kaya nga ipinapaubaya niya ang paghihiganti sa Diyos.

‌Pero on the ultimate level, alam niya na walang magagawa ang mga ito nang walang pahintulot ng Diyos. Ito yung “purposeful sovereignty” na definition ni John Piper sa doctrine of providence, o yung katotohanan na ang Diyos na ating Ama ang may hawak ng lahat ng nangyayari sa buhay natin at gumagawa siya para tuparin ang kanyang magandang layunin sa kanyang mga anak—even using the hardest of our afflictions to that end. Kaya naman nasabi niya, “in faithfulness you have afflicted me” (v. 75). Kahit na yung mga afflictions na yun ay hindi mabubura ang faithfulness ng Diyos. Yun nga ang marka na tapat ang Diyos sa kanyang pangako na tatapusin ang mabuting bagay na sinimulan niya sa buhay natin. And when we recognize that, itong mga afflictions na ‘to ang magtutulak sa atin:

‌Para mas maging malalim ang pagkakilala sa Diyos.

‌Ang Diyos ang lumikha at humubog sa atin: “Your hands have made and fashioned me” (v. 73). Ang Diyos ay tapat sa kanyang mga pangako: “In faithfulness you have afflicted me” (v. 75). Ang Diyos ay tapat kung magmahal: “Let your steadfast love comfort me” (v. 76). Ang Diyos ay mayaman sa awa: “Let your mercy come to me” (v. 77).

‌Para mas pahalagahan ang Salita ng Diyos.

‌Bawat verse dito, katulad ng buong Psalm 119, ay merong reference sa salita ng Diyos at sa pagpapahalaga niya dito. “Upang ang iyong mga utos ay aking matutunan” (v. 73 AB). “Ako’y umasa sa iyong salita” (v. 74). “Nalalaman ko, na matuwid ang mga pasiya mo” (v. 75). “…ayon sa pangako mo sa iyong lingkod” (v. 76). “Ang kautusan mo’y aking katuwaan” (v. 77). “Ako’y magbubulay-bulay sa iyong mga kautusan” (v. 78). Hindi lang siya, kundi ito rin ang prayer niya para sa iba, “silang nakakakilala ng iyong mga patotoo” (v. 79), at para sa kanyang sarili, “Ang aking puso sa iyong mga tuntunin ay maging sakdal nawa” (v. 80).

‌Para mas maging masigasig sa pananalangin nang ayon sa Salita ng Diyos.

‌Bawat bahagi nito ay may panalangin tungkol sa tugon o application sa buhay niya ng mga salita ng Diyos sa gitna ng mga afflictions na nararanasan niya. Tingnan natin ito isa-isa sa apat na bahagi ng passage na ‘to.

‌#1: Prayer for God’s Wisdom (vv. 73-74)

‌God

‌Yung kahilingan niya sa panalangin ay napapagitnaan ng pagkilala niya sa Diyos at sa kanyang salita. Ano ba ang sinasabi niya sa Diyos tungkol sa Diyos? “Your hands have made and fashioned me” (v. 73). Oo, alam nating ang Diyos ang lumikha sa atin. Pero hindi lang ito sa kanyang pagiging Creator natin, kundi siya rin ay very much involved sa paghubog at pagdidisenyo sa atin. “Ako’y ginawa at inanyuan ng iyong mga kamay” (AB). Hindi lang siya ang nagbigay ng buhay sa atin, siya ang nagdisenyo kung ano ang hugis at anyo ng mukha at katawan natin, nagbigay ng kakayahan, talino, talento, personalidad, at lahat-lahat ng meron tayo. Ang buhay na meron tayo, ang lahat-lahat sa atin ay galing sa Diyos.

‌Word

‌Makapangyarihan ang Diyos na lumikha sa lahat sa pamamagitan ng kanyang salita. Makapangyarihan ang salita ng Diyos. Ano dapat ang maging layunin natin sa buhay? Tulad ng psalmist, “that I may learn your commandments” (v. 73). Inutos ng Diyos, “Let there be light!” at nagkaroon nga ng liwanag. Kapag inutusan tayo ng Diyos, sinusunod ba natin ang sinabi niya? Masasabi lang nating natututunan natin ang mga utos ng Diyos hindi kapag kaya na nating i-recite ang Ten Commandments, kundi kung natututunan nating sumunod sa mga utos ng Diyos. Hindi ba’t ito ang essence ng discipleship, sabi ng Panginoong Jesus, “teaching them to obey everything I have commanded you” (Matt. 28:19). Bakit everything? Dahil sabi din ni Jesus, “All authority in heaven and on earth has been given to me” (v. 18). Makapangyarihan si Jesus—all authority nasa kanya—kaya may awtoridad ang mga utos niya sa buhay natin.

‌Makakasunod lang tayo if we have holy fear of God. “Those who fear you shall see me and rejoice” (v. 74). Hindi lang yung psalmist, kundi pati yung ibang tao na may takot sa Diyos at kumikilala sa kanyang awtoridad sa buhay nila ang may pagkatakot sa Diyos. At natutuwa ang ibang mga kapatid natin sa Panginoon kapag nakikita tayo, at nakikita na tayo na sumusunod at umaasa sa salita ng Diyos, “because I have hoped in your word” (v. 74). May impact sa ibang tao ang attitude natin sa salita ng Diyos. Titingnan natin yung ministry aspect na ‘yan sa v. 79. Pero focus muna tayo ngayon sa pag-asa na meron tayo sa salita ng Diyos. Wala na tayong ibang maaasahan pa, at kung ang pag-asa natin ay nasa salita ng Diyos, hindi guguho ang pag-asa natin. May kasabihan tayo, “Habang may buhay, may pag-asa.” Pero para sa atin na mga Christians, “Habang buhay ang Diyos, at habang siya ang namamahala sa buhay natin, nandun ang pag-asa natin.”

‌Prayer

‌Now, kung ang pag-asa natin ay nasa salita ng Diyos, kung kinikilala natin ang kapangyarihan at kapamahalaan ng Diyos bilang siyang lumikha sa atin, ano dapat ang prayer natin? “Give me understanding that I may learn your commandments” (v. 73). “Bigyan mo ako ng pang-unawa” (v. 73). We need to pray for God’s wisdom. Marunong ang Diyos sa paglikha sa atin. Ang karunungan para magpasya para piliin ang mabuti at hindi ang masama, para piliin ang higit na mabuti sa lahat, ay nagmumula sa Diyos. That is why we ask God for wisdom. Sa panahon ng kalungkutan at mga problema sa buhay, nahihirapan ka ba na sumunod sa utos ng Diyos na mahalin ang asawa mo? Na sumunod sa utos ng Diyos na ‘wag pabayaan ang mga pagtitipon sa church? Na sumunod sa utos ng Diyos na magbigay generously sa mga nangangailangan? Ano ang gagawin mo? Pray for God’s wisdom. “If any of you lacks wisdom, let him ask God, who gives generously to all without reproach, and it will be given him” (Jas 1:5). Ipagpray mo para sa sarili mo, ipagpray mo para sa mga kasama natin sa church na nag-iistruggle din sa ganitong area na katulad mo.

‌#2: Prayer for God’s Faithful Love (vv. 75-76)

‌God

‌Before you pray for God’s faithful love na maranasan mo sa buhay mo, dapat kilalanin mo at pagtiwalaan mo na tapat nga siya kung magmahal, at wala siyang ginagawang anuman na hindi naaayon sa kanyang righteous character. Anumang afflictions ang maranasan natin, hindi nagbabago ang karakter ng Diyos. He is perfectly righteous and great in his faithful love para mga kabilang sa kanya. Ito yung confession of faith ng psalmist, “I know, O LORD (Yahweh), that your rules are righteous, and that in faithfulness you have afflicted me.” Alam niya kasi natutunan niya, nasaksihan niya, nabasa niya sa kasulatan yung past history ng Israel. Masakit man yung mga naging karanasan nila dahil sa pagdidisiplina ng Diyos, dahil sa kanilang pagsuway, pagsamba sa mga diyus-diyosan, lahat ng gawa ng Diyos ay matuwid at tama. Yung “rules” dito ay galing sa salitang mishpat na nangangahulugang decisions or judgments. Ito yung mga aksyon ng Diyos na pagsasagawa o outworking ng kanyang kaloobang mangyari. At sa lahat ng ginagawa ng Diyos, siya ay nananatiling tapat sa kanyang mga pangako.

‌Word and Prayer

‌Heto naman yung panalangin niya based sa kanyang confession of faith, a prayer according to his Word. Kaya pagsamahin na nating pag-usapan yung Word and prayer sa bahaging ito. “Let your steadfast love comfort me according to your promise to your servant” (v. 76). Yung “steadfast love” ay galing sa salitang hesed, na siyang karaniwang ginagamit para tukuyin hindi lang yung general na pag-ibig ng Diyos sa buong sangkatauhan. Kundi yung kanyang special covenant love and faithfulness sa kanyang bayan. Kaya mahalaga rin na ginamit sa v. 75 yung covenant name ng Diyos—Yahweh (all caps “LORD”). Ang panalangin niya ay “according to your promise to your servant” (v. 76). Tulad ng sinabi ko rin last week, yung pagiging servant o slave (literally, Heb. ebed) ay nangangahulugan we are not entitled sa anumang blessing na galing sa Diyos. We can only appeal not because we are deserving but because God is loving and faithful in love.

‌May pangako siya kay Abraham, may pangako siya sa Israel, may pangako siya kay David, may pangako siya sa atin sa New Covenant. We pray according to his promises. Kaya mahalaga yung ginagawa natin na praying Scriptures for our fellow members. Hindi kung anu-ano lang, kundi kung ano ang ipinangako ng Diyos na gagawin niya para sa atin. Anumang afflictions ang nararanasan natin, o nararanasan ng mga kapatid natin, we need God’s comfort. Yung kaaliwan na manggagaling sa ibang tao, mahalaga yun, pero panandalian lang at may limitasyon. Kung aasa tayo sa pagmamahal ng ibang tao, mabibigo tayo. But God’s love never fails. Hindi mauubos. Hindi tayo bibiguin. So we pray, “Let your steadfast love comfort me” (v. 76). Pag-ibig ng Diyos ang kailangan natin. “Your steadfast love is better than life” (63:3).

‌#3: Prayer for God’s Mercy in Judgment (vv. 77-78)

‌God

‌Tapat ang Diyos sa kanyang mga pangako, tapat ang Diyos sa kanyang pagmamahal. Mayaman rin ang Diyos sa kanyang awa. Ito yung “your mercy” na binabanggit tungkol sa Diyos sa v. 77. Ang awa ng Diyos ay yung kanyang kabutihan na hindi ibigay sa atin kung ano ang nararapat sa atin. We deserve God’s judgment dahil sa ating mga kasalanan. We deserve to die, and suffer for all eternity in hell. Awa ng Diyos ang kailangan natin para tayo’y mabuhay. Alam ito ng psalmist kaya sinabi niya, “Let your mercy come to me, that I may live” (v. 77). Ang buhay natin ay nakasalalay sa awa ng Diyos. Sa awa ng Diyos, ipinadala niya ang kanyang Anak na si Jesus. Siya ang umako ng parusa na nararapat sa mga kasalanan natin nang siya’y ipako sa krus. Meron tayong buhay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo na siyang muling nabuhay sa ikatlong araw. Dumating ang awa ng Diyos sa atin nang tanggapin natin ang kapatawaran sa ating mga kasalanan at yung justification na itinuturing tayong matuwid dahil sa perfect righteousness ni Cristo.‌

Pero hindi lahat ay tatanggap ng awa ng Diyos. “Whoever believes in the Son has eternal life; whoever does not obey the Son shall not see life, but the wrath of God remains on him” (John 3:36). Sa mga nananatili sa kanilang pagmamataas, sila ay parurusahan ng Diyos, at mapapahiya sa araw ng paghuhukom ni Cristo. Ito ang sasapitin ng mga hambog na naninira sa sumulat ng awit, “Let the insolent be put to shame, because they have wronged me with falsehood” (Psa. 119:78). Yun ay kung hindi sila magsisi sa kanilang pagmamataas at pagsisinungaling. Pero hangga’t may panahon pa, inaanyayahan ng Diyos ang lahat ng makasalanan na tanggapin ang kanyang awa at pagpapatawad sa pamamagitan ng pag-amin na sila’y makasalanan, at pananampalataya kay Cristo at sa kasapatan ng kanyang ginawang pagliligtas para sa atin. Laging may judgment ang Diyos sa kasalanan. Ikaw ba ang gusto mong umako sa parusa sa sarili mong kasalanan? O kikilalanin mo na ito ay inako na ni Jesus para sa ‘yo?

‌Word

‌Kung si Cristo ang nasa puso mo, binabago niya ang puso natin sa kanyang mga salita. Ito naman yung dahilan kung bakit sa kabila ng mga pagdurusa na nararanasan niya ay nais niyang maranasan ang awa ng Diyos at pahintulutan pa siyang mabuhay, “for your law is my delight” (v. 77). Kasiyahan niya ang mga utos ng Diyos, kasiyahan niya na makasunod sa mga utos ng Diyos. Kung ang mahabang buhay ay paraan para mas maipamuhay pa ang kalooban ng Diyos dito sa mundo, mas preferable yun para sa kanya. Ganito rin si Paul. Mas mainam nga para sa kanya na mamatay na dahil makakapiling na niya si Cristo, and “that is far better” (Phil. 1:23). Pero kumbinsido siya na makakalaya pa siya nung nakakulong siya nun para magkaroon pa ng pagkakataon sa maraming paglilingkod (vv. 24-26).

‌Yes, sa hirap ng mga nararanasan natin, kapag may mga tao na walang tigil sa pananakit sa ‘tin, minsan mas gugustuhin pa natin na kunin na lang tayo ni Lord para wala nang problema! Pero anuman ang mangyari, kung tayo ay nakay Cristo, meron tayong firm resolution na natin gagayahin yung mga taong makasalanan sa paligid natin. Tulad ng psalmist, kahit na kung anu-anong paninira na ang ginagawa sa kanya ng mga kaaway niya (“they have wronged me with falsehood,” v. 78), firm yung conviction niya, “as for me, I will meditate on your precepts” (v. 78). Minsan noong panahon ng election, meron akong nabasang negative comments tungkol sa post ko. Medyo masakit pakinggan. Tapos palagi yun ang nagpe-play sa mind ko, paulit-ulit. Pero, God reminded me, hindi ako dun dapat mag-meditate. Kapag comments ng mga tao ang pagbubulay-bulayan ko, mas lalo lang akong maiirita. Pero kung comments ng Diyos ang pagbubulayan ko, mas napalalakas ang loob ko. Hindi ko kailangang patulan ang mga taong nagsasalita ng masama laban sa akin. Hindi ko kailangang ilagay sa mga kamay ko ang buhay ko. Ang kailangan ko ay humingi ng tulong sa Diyos.

‌Prayer

‌And that is what we do in pray. We ask God for help. Yung v. 77 ay prayer, “Let your mercy come to me, that I may live.” Ito yung paghingi ng tulong sa Diyos. Pag-amin na tulong niya ang kailangan natin para mabuhay. Awa ng Diyos ang kailangan natin para makabangon pa tayo bukas. Hindi mas magandang trabaho ang kailangang dumating sa buhay natin. Hindi isang tao—boyfriend/girlfriend o asawa—ang kailangan nating dumating sa buhay natin. Hindi mas maraming pera ang kailangan nating dumating sa buhay natin. Ang hilingin natin ay ang pagdating ng awa at tulong ng Diyos sa araw-araw.

‌At kapag matagal dumating ang tulong na galing sa Diyos, naiinip tayo at may tendency to take matters into our own hands. Sa halip na maging patient in prayer para magbago ang asawa mo, baka daanin mo sa masasakit na pananalita na feeling mo yun ang paraan para matauhan siya. Nakalimutan mong magtiwala na salita ng Diyos ang mas kailangan niya kaysa sa nagging mo. Sa halip na maging patient sa gagawin ng Diyos sa nakapagsalita ng masakit laban sa atin, baka gagantihan pa natin ng mga palaban na reply sa comment section sa Facebook. Nakalimutan natin na ang paghihiganti at vindication ay sa Diyos natin dapat ipaubaya. At manalangin tulad ng v. 78, “Let the insolent be put to shame.” Ang Diyos ang bahala. Either they will experience God’s merciful forgiveness kapag sila ay nagsisi, o haharapin nila ang parusa ng Diyos kung mananatiling matigas ang kanilang mga puso. Prayer releases control to God. Sinasabi natin sa kanya na wala sa ating mga kamay ang buhay natin at buhay ng iba, na ang mga iyon ay handa nating ipaubaya sa mga kamay ng Diyos.

‌#4: Prayer for God’s Help in Ministry (vv. 79-80)

‌God

‌Ang prayer ay pagkilala kung sino ang Diyos. When we pray for wisdom and understanding, kinikilala natin na infinite ang wisdom ng Panginoon. When we pray for comfort, kinikilala natin na God is faithful in love. When we pray for life, kinikilala natin na maawain ang Diyos kahit na ang nararapat sa atin ay ang pagpaparusa niya. When we pray for help, kinikilala natin na ang Diyos ay handang tumulong at may kakayahang tulungan tayo at sagutin ang panalangin natin na magkaroon ng pagbabago sa puso at kalooban natin at ng ibang tao. God is willing and able to help when we pray for God’s help in ministry. Ang ministry natin ay ministry of the heart. We pray, “Let those who fear you turn to me” (v. 79), dahil naniniwala tayo na may kapangyarihan ang Diyos na kilusin ang puso ng mga tao. Tulad ng pagkilos niya sa puso ng mga hari, “The king’s heart is a stream of water in the hand of the Lord; he turns it wherever he will” (Prov. 21:1). Kung paanong binuksan ng Panginoon ang puso ni Lydia para bigyang atensyon ang salita ng Diyos through the preaching of Paul (Acts 16:14), kaya rin niyang gawin ‘yan sa puso ng bawat isa sa atin. So when we pray, “May my heart be blameless in your statutes” (Psa. 119:80), kinikilala natin na he is sovereign over the human heart and the human will. Kaya niyang baguhin ang puso natin.

‌Word

‌Our ministry is a ministry of the word. Mababago lang ang puso ng mga tao sa they are exposed to the word of God. Kaya naman gusto ng psalmist na maraming tao lumapit sa kanya ay hindi para dumami ang mga followers niya! “Let those who fear you turn to me, that (heto yung purpose) they may know your testimonies” (v. 79). Para sila rin ay matutunan ang salita ng Diyos. So, kung natutunan niya ang salita ng Diyos, magdi-disciple din siya ng iba para sila rin ay maturuang sumunod sa mga utos ni Cristo (Matt. 28:19). If our ministry is a ministry of the heart—our goal is heart transformation—hindi natin pwedeng gawin ang discipleship without the word of God.

The law of the Lord is perfect, reviving the soul; the testimony of the Lord is sure, making wise the simple; the precepts of the Lord are right, rejoicing the heart; the commandment of the Lord is pure, enlightening the eyes. ‌​Psalm 19:7–8 ESV

‌If we want na ma-convert sa Panginoon ang mga kamag-anak at kaibigan natin, you cannot do that without teaching them the Word, the gospel. Kung gusto nating maging marunong ang mga kabataan sa church, hindi pwedeng gagawa tayo ng programa na puro laru-laro lang! Kung gusto nating makapagbigay ng tamang counsel sa mga dumaraan sa matinding pagsubok, o matulungan ang iba na makapagdesisyon nang tama, kailangang ibabad natin ang isa’t isa sa salita ng Diyos. Our ministry is a ministry of the heart, a ministry of the Word. Kumpiyansa tayo sa kapangyarihan ng Diyos at work through his Word.

‌Prayer

‌That is why we pray more and more, at hindi tayo titigil. Ipagpe-pray natin ang sarili natin na magkaroon ng mas marami pang opportunities to disciple others with the Word, “Let those who fear you turn to me” (v. 79). Ipagpe-pray din natin yung mga matagal nang absent sa mga gatherings ng church na bumalik para makapakinig sila sa preaching every Sunday. Ipagpe-pray natin yung mga members ng church na dumalo rin sa equipping class para mas matutunan ang tungkol sa Corporate Worship. Ipagpe-pray natin na mas marami pang mga bata ang makapag-aral ng New City Catechism sa kanilang Sunday School, at siyempre yung mga parents nila na dalhin sila nang maaga sa church. Ipagpe-pray natin ang bawat isang member ng church na magtulung-tulong sa pagdi-disciple para mas matutunan at mas makasunod sa salita ng Diyos.

‌At siyempre, we will pray for our own heart as we do the work of the ministry. Baka kasi natutulungan natin ang iba na maging faithful sa pagsunod sa salita ng Diyos, pero ang puso pala natin ay napapabayaan na natin. So we pray, like the psalmist, “May my heart be blameless in your statutes, that I may not be put to shame!” (v. 80). Yung pagiging blameless ay may kinalaman sa integrity, o yung sense of wholeness ng heart natin. Hindi yung may itinuturo tayo pero salungat naman ang ginagawa natin. Let us pray for integrity of our hearts. Kapag tinuturuan mo ang ibang mga married couples na maging faithful sa marriage nila, pray also for your heart na maging faithful ka rin sa asawa mo. Kapag tinuturuan natin ang iba na maging generous sa giving sa ministry, pray also for your heart na maging generous ka rin. Kapag tinuturuan mo ang iba na maging disiplinado sa Word and prayer, pray for your heart na hindi mo mapabayaan ang personal communion mo with God.

‌Bakit ganito ang dapat na prayer natin? “That I may not be put to shame” (v. 80), sabi ng psalmist. Hindi dahil sa mas concern siya sa sarili niyang reputasyon na kapag nalaman ng iba ang kasalanan niya ay malaking eskandalo. Ayaw niya kasing matulad dun sa mga hambog na binanggit sa v. 78. Ayaw niya na mapatunayan na sa bandang huli ay hindi pala genuine yung kanyang profession of faith. Peke lang pala. Pakitang-tao lang. So as we pray for genuine conversion para sa lahat ng mga members ng church at sa mga anak natin, we pray also for our own heart, na yung sinasabi nating pagpapahalaga natin sa Diyos at sa kanyang salita ay hindi sinasabi lang, kundi merong ebidensiya na yun ay totoo nga sa buhay natin.

‌How are you responding to life’s difficulties?

‌This is how we respond sa mga afflictions na nararanasan natin sa buhay—mas malalim na pagkakilala sa Diyos, mas mataas na antas ng pagpapahalaga sa salita ng Diyos, at mas taimtim na pananalangin para sa sarili at para sa iba. We pray for God’s wisdom. We pray for God’s faithful love to comfort us. We pray for God’s mercy in judgment. We pray for God’s help in ministry.

‌Hindi naman kasi mawawala talaga lahat ng problema natin sa buhay. How we wish na mawala na! Pwedeng mabawasan. Pwedeng madagdagan. Pero yung most important question para sa atin ay ito, How are you going to respond to life’s difficulties? Magmumukmok ka ba at magrereklamo, o mananalangin? Ilalagay mo ba ‘yan sa sarili mong diskarte, o ipagkakatiwala sa Diyos? Pagbubulay-bulayan at susundin mo ba ang mga salita ng tao o ang salita ng Diyos?

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.