Sinasabi ng Bagong Tipan na tuwing nagsasama-sama ang mga churches ay dapat nilang basahin ang Bibliya, ipangaral ang Bibliya, awitin ang Bibliya at tingnan ang Bibliya—read the Word, preach the Word, sing the Word and see the Word.
- Basahin ang Bibliya (read the Word): Sinabihan ni Pablo si Timoteo, “Iukol mo ang iyong panahon sa pagbabasa ng Kasulatan sa harap ng mga tao” (1 Tim. 4:13). Ang bawat church ay dapat magbasa ng Kasulatan, nang malakas at hayagan, sa kanilang mga pagtitipon.
- Ipangaral ang Bibliya (preach the Word): Sinabihan ni Pablo si Timoteo, “Ipangaral ang Salita” (2 Tim. 4:2). Kahit si Pablo, siya mismo ay ipinahayag niya “ang buong layunin at plano ng Diyos” sa church sa Efeso (Gawa 20:27). Ang pagtitipon ng church ngayon ay dapat nakasentro sa mga sermons na humuhugot ng main point mula mismo sa Banal na Kasulatan, ginagawa itong main point ng sermon at nagbibigay ng application para sa kasalukuyang pamumuhay.
- Idalangin ang Bibliya (pray the Word): Hinihimok tayo ni Pablo na dapat magkaroon ng pananalangin sa pagtitipon ng church (1 Tim. 2:8, 3:14–15). Ang nilalaman ng bawat panalanging ito ay dapat biblikal upang mapatibay ang bawat naroroon (1 Cor. 14:12, 26). Hindi naman ito nangangahulugan na ang bawat panalangin sa gawain na church ay dapat pormal at parang tuyot, ngunit ito dapat ay mayaman sa katuruan ng Bibliya.
- Awitin ang Bibliya (sing the Word): Sinabihan ni Pablo ang church sa Colosas, “Itanim ninyong mabuti sa mga puso nʼyo ang mga aral ni Cristo…Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espiritwal na may pasasalamat sa Diyos sa mga puso ninyo” (Col. 3:16). Hindi ito nangangahulugan na ang mga churches ay dapat umawit lamang ng mga salmo o tanging mga salita lamang ng Bibliya, subalit ito ay nangangahulugang ang bawat church ay dapat umawit ng mga awiting nag-uumapaw sa wika at doktrina ng Bibliya.
- Tingnan ang Bibliya (see the Word): Sinasabi naming “tingnan ang Bibliya” sapagkat ang mga ordinances ng bautismo at ng Banal na Hapunan ay, gamit ang mga salita ni Augustine, mga “visible words.” Sa pamamagitan ng bautismo at ng Banal na Hapunan ay nakikita natin, naamoy, nahahawakan, at nalalasahan ang Salita ng Diyos. Ang mga Christian churches ay dapat ipinagdiriwang ang bautismo at Banal na Hapunan tuwing sila’y nagsasama-sama, sa pampublikong pananambahan (1 Cor. 11:17–34).
(This material has been adapted from Ligon Duncan’s chapter, “Foundations for Biblically Directed Worship” in Give Praise to God: A Vision for Reforming Worship, ed. Philip Graham Ryken, Derek W.H. Thomas, and J. Ligon Duncan, III [Phillipsburg: P&R Publishing Co., 2003], pages 65-68)
Original English article here.
Translation by Richard Chavez