Introduction
Happy New Year. Unang araw ng taong 2023. Unang Linggo rin, first Lord’s Day of the year. Kapag binabati natin ang isang tao ng Happy New Year, usually may kasamang wish or prayer yan na umaasa tayo na magiging “happy” ang 2023 natin kung ikukumpara sa 2022. Pero ang tanong, what makes us really “happy”? Ang mga tao pa naman ngayon karaniwang sinusukat ang kasiyahan nila in terms of material prosperity, o ayon sa well-being ng family nila, kung mas nagiging ayos ang mga relationships. Pero merong ilan sa inyo ngayon na may pinagdadaanang mabigat na pagsubok sa relasyon n’yong mag-asawa, o sumasakit ang ulo ninyo sa mga anak ninyo, o nag-aalala kung paano makakasabay ang maliit na pasok ng pera sa inyo gayong pataas nang pataas ang mga bilihin. Ano ang “happy” new year para sa inyo? O para naman sa iba na relatively okay naman ang finances, okay naman ang family, wala naman masyadong pinoproblema, pero baka pagpasok ng taong ito ay merong dumaan na matinding pagsubok, ibig sabihin ba nun na hindi na maging mabuti ang taong ito kung ikukumpara sa nagdaang taon?
Yung ganitong klaseng mga life questions na dapat nating sagutin ang isa sa mga reasons bakit pumupunta tayo sa book of Psalms, particularly Psalm 119, sa first two Sundays of every year. From this Sunday to next Sunday, we call it “Prayer Focus Week.” Ang focus natin sa pasimula ng bawat taon ay yung dalawang pinaka-basic na spiritual discipline ng bawat Christian—ang pakikinig sa Diyos sa pamamagitan ng Bible reading, at pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng prayer. May katotohanan kasi yung sinasabi ng children’s song na “Read you Bible, pray everyday, and you grow, grow, grow.”
Bakit Psalm 119? Dito kasi, tulad sa ibang mga psalms, ini-introduce tayo sa malawak na sakop ng human experience. Hindi lang yung wish natin na maging “happy” ang buhay natin ngayong taon, pero yung pagharap rin sa realidad ng mga sufferings o afflictions na kaakibat rin ng Christian life. Usually, magka-kontra ang tingin natin sa “happiness” at “sufferings.” Pero ang Christian life ay hindi lang happy life, ito rin ay life full of sufferings. Yes, tama lang naman na maging optimistic tayo sa pagpasok ng bagong taon, pero hindi dapat naive o in denial sa realidad ng buhay.
Tulad sa text natin ngayon sa Psalm 119:65-72, binabanggit ng sumulat ng mahabang awit na ito tungkol sa kahalagahan ng Salita ng Diyos sa kanyang buhay (172 verses!) yung kanyang mga mapapait na karanasan. “Before I was afflicted I went astray” (v. 67). At sa sumunod na section, verses 73-80 (na pag-aaralan natin next week), sinabi pa niya na ito ay kagagawan ng Diyos o galing sa Diyos, “In faithfulness you have afflicted me” (v. 75). Maaaring iniwan ka ng asawa mo, o bumagsak ang negosyo mo, o nagkasakit ka, o nawalan ka ng trabaho—at sinasabi natin sa lahat ng ‘yan na may “masamang” nangyari sa atin. Pero ang sabi ng sumulat ng awit, “It is good for me that I was afflicted” (v. 71). Ha?
Psalm 119
Ibang mindset ‘yan. At isa ito sa matututunan natin sa bahaging ito ng Psalm 119, kasama na yung kahalagahan ng relasyon natin sa Diyos, at kung bakit mahalagang bahagi nun ang prayer at Bible reading. Ito yung dynamics sa Christian life na matututunan natin dito sa Psalm 119:65-72. Ito naman kasi ang isa sa mga unique features ng psalm na ‘to. Ito ay isang panalangin tungkol sa salita ng Diyos. Bawat verse (meron lang ilang exceptions) ay may binabanggit tungkol sa salita ng Diyos—your word (v. 65), your commandments (v. 66), your word (v. 67), your statutes (v. 68), your precepts (v. 69), your law (v. 70), your statutes (v. 71), the law of your mouth (72).
Merong emphasis dun sa word na “good” o “mabuti” (Heb. tob) na limang beses binanggit sa section na ‘to. Pero yung emphasis na yun ay hindi lang by repetition, kundi nasa placement din ng word na yun sa Hebrew Bible. Kung mapapansin n’yo sa Bible n’yo, bawat section ay may nakalagay na title na corresponding sa bawat letra ng Hebrew alphabet. Merong 22 letters sa Hebrew, so merong 22 sections sa Psalm 119, tig-eight verses bawat section. Tinatawag itong acrostic psalm dahil bawat verse ay nagsisimula sa word na ang simula ay yung pare-parehong Hebrew letter na naka-designate sa bawat section. Dito sa vv. 65-72 ay yung Hebrew letter teth, na parang letter t ang tunog. So bawat verse ay nagsisimula sa teth. At five verses ay simula sa word na tob o good. You will not see this in English or Tagalog, pero sa Hebrew yung “good” palagi ang simula ng mga verses na ‘to:
- “You have dealt well (tob) with your servant” (v. 65). “Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod” (AB).
- “Teach me good (tob) judgment and knowledge” (v. 66). “Turuan mo ako ng mabuting pagpapasiya at kaalaman.”
- “You are good (tob) and do good” (v. 68). “Ikaw ay mabuti, at gumagawa ng mabuti.”
- “It is good (tob) for me that I was afflicted” (v. 71). “Mabuti sa akin na pinapagpakumbaba ako.”
- “The law of your mouth is better (tob) to me than thousands of gold and silver pieces” (v. 72). “Ang kautusan ng iyong bibig ay higit na mabuti sa akin kaysa libu-libong pirasong ginto at pilak.”
Yung salitang “mabuti” ay tumutukoy sa apat na bagay sa mga talatang ito—(1) yung afflictions ay nakabuti sa kanya, (2) ang Diyos ay mabuti at gumagawa ng mabuti, (3) ang salita ng Diyos ay higit na mabuti, at (4) yung prayer na magkaroon siya ng mabuting pagpapasya. Isa-isahin natin ‘yan.
Afflictions
Yung una ay may kinalaman sa kung paano naging mabuti o nakabuti ang “afflictions.” Posible na ang afflictions dito ay isang form of discipline na galing sa Diyos. “Before I was afflicted I went astray” (v. 67). Kaya ang salin ng MBB at ASD dito ay pagpaparusa. Na ito ay disiplina na galing sa Diyos ay malinaw sa sumunod na section, “in faithfulness you have afflicted me” (v. 75). Kapag tayo ay nalilihis ng landas, ibinabalik tayo ng Diyos sa pamamagitan ng disiplina. Kung yung mga sufferings natin ay paraan ng pagdidisiplina sa atin ng Diyos, then it is a good thing. “He disciplines us for our good” (Heb. 12:10).
Hindi naman lahat ng afflictions natin ay dahil sa kasalanan natin. Kahit naman sa mga panahong todo-effort tayo sa pagsisikap to live faithful lives, may mga afflictions pa rin dahil sa mga iba pang sinners na nakapaligid sa atin—from fellow Christians man o mga unbelievers. Itong psalmist merong painful experiences din dahil sa ibang tao, “Akoʼy sinisiraan ng mga taong mapagmataas” (v. 69 ASD).
Yung sufferings man natin ay dahil sa kasalanan natin o dahil sa kasalanan ng iba, we often view “afflictions” as bad things. Kaya kailangang magkaroon tayo ng change of perspective, na katulad ng psalmist, “It is good for me that I was afflicted” (v. 71). Yung mga afflictions naman ay hindi naman good in and of itself. Hindi mabuti ang magkasala, masakit ang gawan ng kasalanan ng iba. Those are bad things. But God causes all things to work together for good (Rom. 8:28). God is sovereign in accomplishing his good purposes for his children. What purpose? “It is good for me that I was afflicted that (for this purpose!) I might learn your statutes” (v. 71). Iyon ay para matutunan natin ang gustong ituro sa atin ng Diyos na nakasulat sa kanyang mga salita. Slow learner kasi tayo, mabagal matuto. Kinakailangan pang maranasan natin ang mga mahirap na karanasan bago tayo matuto.
Yung learning dito ay hindi lang yung learning intellectually na para bang nagbasa ka ng Bible at naintindihan mo yung grammar at yung point ng author. More than that, it is learning by obeying and keeping God’s Word. Hindi lang yung inilagay natin sa isip natin ang salita ng Diyos, kinabisado pa nga!, kundi isinabuhay at sinunod ang mga utos ng Diyos. Heto ang nagbago sa kanya pagkatapos nung mga afflictions na yun, “Before I was afflicted I went astray, but now I keep your word” (v. 67). Kapag dahil sa pagsubok na naranasan mo ay naging mas committed ka sa pagsunod sa salita ng Diyos, bakit hindi mo masasabing mabuti nga yung mga painful experiences na yun? God’s discipline accomplishes the good he intends for his children. What good? That we become Christlike in character and obedience (Rom 8:29).
Gusto mong matutunan ang salita ng Diyos? May kasabihan nga tayo, “Experience is the best teacher.” Sabi nga ni Martin Luther, “I never knew the meaning of God’s word, until I came into affliction. I have always found it one of my best schoolmasters” (cited in Boice, Psalms, 3:1006). Pero marami pa rin ang hindi natututo sa karanasan nila. Wag nating sayangin ang mga painful afflictions natin. Wag nating sukatin ang “kabutihan” ng sitwasyon natin base sa lagay natin financially o sa estado ng relasyon natin sa asawa natin o sa kung mas marami bang nakakakilala sa atin. Sukatin natin ang “kabutihan” ng sitwasyon natin kung paano naa-accomplish ang mga good purposes ng Diyos sa buhay natin.
Kahit umiiyak ka, buklatin mo pa rin ang Bibliya, at tanungin ang Diyos, “Ano po ang gusto n’yong ituro sa akin?” Sabi ni Charles Spurgeon:
For the truth to be learned by adversity is good for the humble. Very little is to be learned without affliction. If we would be scholars we must be sufferers. As the Latins say, Experientia docet, experience teaches. There is no royal road to learning the royal statutes; God’s commands are best read by eyes wet with tears. (on Psalm 119:71)
Knowing God
At anuman ang sitwasyon mo, kapag binabasa mo ang Bibliya, matutuklasan mo na talaga nga palang mabuti ang Diyos. Ito naman yung pangalawang gusto kong talakayin. Pagkatapos ng “goodness” ng afflictions, tingnan naman natin ang kabutihan ng Diyos. Heto ang motto ng lahat ng mga Kristiyano, confessing the goodness of God sa buhay natin, “You have dealt well with your servant, O LORD, according to your word” (v. 65). Kung “servant” (o literally “slave,” LSB) ang tingin natin sa sarili natin, hindi natin ipagrereklamo talaga yung mga hirap na nararanasan natin. Pero kung feeling “entitled” ka, na para bang dapat ibigay sa ‘yo ng Diyos ang mga gusto mo, and when things are not going your way, puro ka reklamo, at hindi mo nakikita yung kabutihan ng Diyos sa gitna ng mga pinagdaraanan mo sa buhay. Pero kung tingin mo sa sarili mo ay undeserving of any good thing from God, at mas deserving mo pa nga ang parusa ng Diyos, hindi ba’t mas makikita mo ang kabutihan ng Diyos sa ‘yo araw-araw?
“Ginawan mo ng mabuti ang iyong lingkod” (v. 65 AB). Lahat ng ginagawa ng Diyos ay mabuti dahil siya ay mabuti. God is good, and God is good all the time. Wala ni isa mang segundo, wala ni isa mang bahagi ng buhay natin na hindi naging mabuti ang Diyos. Kapag huminto ang Diyos sa pagiging “good” he also ceases to be God. “You are good and do good” (v. 68). Lahat ng ginagawa ng Diyos sa buhay natin—hindi man natin agad na makita kung paano naging mabuti—lahat ay mabuti dahil yun ay nanggagaling sa kanyang kalikasan bilang Diyos na mabuti. Sabi pa ni Charles Spurgeon:
He hath done all things well: the rule has no exception. In providence and in grace, in giving prosperity and sending adversity, in everything [Yahweh] hath dealt well with us. It is dealing well on our part to tell the Lord that we feel that he hath dealt well with us; for praise of this kind is specially fitting and comely. This kindness of the Lord is, however, no chance matter: he promised to do so, and he has done it according to his word. It is very precious to see the word of the Lord fulfilled in our happy experience; it endears the Scripture to us, and makes us love the Lord of the Scripture. The book of providence tallies with the book of promise: what we read in the page of inspiration we meet with again in the leaves of our life-story. (on verse 65)
Ang kabutihan ng Diyos sa atin ay pagtupad ng kanyang mga pangako sa atin. “You have dealt well with your servant, O LORD, according to your word” (v. 65). Sa CSB, “just as you promised.” Kapag bubuklatin mo ang Bible, at babasahin mo, makikita mo ang mga pangako niya, at kung paano niya tinutupad ang pangakong yun sa kasaysayan. Kapag naka-experience ka ng mga afflictions, maaaring pagdudahan mo kung tumutupad nga ba ang Diyos sa mga pangako niya. Pero kung babasahin mo ang Bibliya, giving witness to a promise-keeping God, you become more confident that he will keep what he promised you in Christ. “For all the promises of God find their Yes in him” (2 Cor 1:20).
Nagiging mabuti yung mga afflictions na dinaranas natin hindi lang dahil sa mabuting dulot nito sa buhay natin, kundi sa pamamagitan din nito ay ipinapakilala sa atin kung sino ang Diyos na mabuti at nananatiling mabuti anuman ang pinagdaraanan natin sa buhay.
Responding to God’s Word
Kung ganito ang perpective natin, makikita rin natin kung gaano kabuti ang mga salita ng Diyos. At ito naman ang pangatlong “mabuti” na titingnan natin—the goodness of the Word of God. Yung attitude natin sa word of God ay nakadepende kung naniniwala ba tayo kung mabuti ito o hindi. Yung psalmist ay nalihis ng landas (v. 67). Bakit? Kasi hindi niya pinaniwalaan noon na mabuti ang salita ng Diyos, at ang pinili niyang gawin ay kung ano ang sa tingin niya ay mabuti. Pero nagkamali siya. Yung mga mayayabang at mga sinungaling na umaaway sa kanya (v. 69), mas pinipili nilang gawin kung ano ang salungat sa salita ng Diyos. Ang puso rin nila, sabi sa v. 70, ay “unfeeling like fat.” Sa CSB, “hard and insensitive.” Matigas ang puso natin, walang pakialam sa salita ng Diyos, dahil hindi natin nakikita na ito ay mabuti para sa atin.
Wag mong idahilan na busy ka kaya ka hindi nakakapagbasa ng Bible. You are not that busy. You don’t read the Bible dahil sa tingin mo ay hindi naman ito importante sa buhay mo. Pero kung nakikita natin na mabuti ang salita ng Diyos, dahil nga mabuti ang Diyos, magbabago rin ang attitude natin sa salita ng Diyos. You will…
Read his word meditatively.
Madali namang basahin ang Bible. Kung babasahin lang, 15 minutes a day nga matatapos mo ang buong Bible in one year! Pero yung binasa natin hindi natin iiwanan lang sa desk natin sa bahay. Inaalala at pinagbubulayan natin throughout the day. Alangan namang 15 minutes a day ang isip mo ay puro salita ng Diyos, pero sa maghapon naman ay kung anu-ano ang mga iniisip mo na wala nang kinalaman sa salita ng Diyos? Paano na kapag dumating ang mga tukso at mga pagsubok? Ang salita ng Diyos hindi lang parang pagkain na isusubo at lulunukin. Ngunguyain din, nanamnamin. Yung psalmist, paano niya nasabing mabuti ang trato sa kanya ng Diyos, “according to your word” (v. 65)? Alam niya ang pangako ng Diyos, inaalala niya kung ano ang mga sinabi ng Diyos sa kanya. Masasabi rin nating mabuti ang Diyos sa anumang sitwasyon sa buhay kung matututunan natin kung paano ilalapat ang mga pangako ng Diyos lalo na sa mga panahon na nagdududa at nag-aalinlangan tayo at nahihirapan tayong magtiwala sa kanya.
Kung naniniwala ka na mabuti ang salita ng Diyos, you will also…
Study his word prayerfully.
Kailangan naman talaga nating matutunan ang salita ng Diyos. Hindi natin mauunawaan ‘yan kung five minutes a day ka lang magbabasa o magre-rely sa isang short devotional. Kailangang pag-aralan mabuti. Kung gumagawa ka ng personal plan for 2023, hindi ba’t napakagandang maging goal mo ang matutunan ang salita ng Diyos, “upang aking matutunan ang mga tuntunin mo” (v. 71 AB). At tulad ng nakita na natin sa verse na ‘to, ginagamit ng Diyos ang mga afflictions natin para yung mga salitang nababasa, napapakinggan at napag-aaralan natin—individually or corporately as a church—ay bumaon sa isip at puso natin. Halimbawa, sa time na down na down ka financially, pero naranasan mo pa rin kung paano magprovide si Lord sa pangangailangan n’yo araw-araw, tapos ipinapaalala sa ‘yo ng Diyos ang mga salita niya, “The Lord is my shepherd. I shall not want” (Psa. 23:1). Hindi mo lang napag-aralan at na-memorize ‘yang verse na ‘yan. Mas naintindihan mo dahil naranasan mo na totoo sa buhay mo.
But we are slow learners. Hindi madali sa atin na ikonekta yung mga aral at doktrina sa Bibliya sa pang-araw-araw na buhay natin. Kaya marami tayong mga karanasan na nasasayang dahil kulang tayo sa reflection. Yung “experience is the best teacher” ay hindi totoo sa iba kasi sa dami ng karanasan nila, kung hindi naman sila magreflect kung ano ang itinuturo nun tungkol sa Diyos, sayang lang. So, we continually ask God to teach us. Tulad ng prayer ng psalmist, “Ituro mo sa akin ang iyong mga tuntunin” (v. 68 AB). As we study the Bible, gagawin natin ‘yan prayerfully. Ang panalangin ay pag-amin na hindi natin ‘yan matututunan sa sariling sikap lang natin. Kailangan natin ang tulong ng Diyos. Ibinigay niya ang Holy Spirit sa atin para turuan tayo. Hindi lang ng mga tamang doktrina, kundi kung paano maia-apply yung mga doktrina na yun sa pang-araw-araw na pagdedesisyon natin. “Turuan mo ako ng mabuting pagpapasiya at kaalaman” (v. 66 AB). Hindi masasayang anumang mga pinagdadaanan mo kung ang mga ito ay magtutulak sa ‘yo na maunawaan, mapagtiwalaan at masunod ang salita ng Diyos. Ito naman yung sumunod na response natin kung naniniwala tayong mabuti ang salita ng Diyos. We…
Obey his word resolutely.
Kapag sinabing resolutely, hindi ito tulad ng approach ng marami kapag gagawa ng new year’s resolutions: magda-diet na ko, pupunta na ako ng regular sa gym, hindi na ako magpupuyat, magsisimba na ako palagi. Na hindi naman talaga “resolutions” kung hindi ka determinado na gawin. Yung sa simula lang nagagawa, pero kapag naging challenging na ang mga circumstances, wala na. Nagpapadala ang Diyos ng mga “afflictions” para mas maging matibay yung “resolution” natin na sumunod sa utos niya, “Before I was afflicted I went astray, but now (pagkatapos niyang maranasan yung affliction na yun, anuman yun) I keep your word” (v. 67). Pwedeng kapag may hirap ka na naranasan ay mas lalo ka pang lumayo, yun naman ang disenyo ni Satanas sa mga sufferings natin, tempting us to walk away from God. Pero ang disenyo ng Diyos ay “pagsubok” o “testing” para mas maging matibay pa yung resolve natin to trust him and obey his word. Kahit na yung ibang tao ay ginagawan siya ng masama, nandun yung resolve niya na hindi tumulad sa kanila, “Ngunit aking tutuparin ang iyong mga tuntunin nang buong puso ko” (v. 69 AB). Determinado ka ba na sundin ang kalooban ng Diyos kahit gaano kahirap ang danasin mo? Kahit na ang mga tao sa paligid mo ay gumagawa ng taliwas sa kalooban ng Diyos?
Oo ang magiging sagot natin kung naniniwala tayo na mabuti nga ang salita ng Diyos. Lastly, we…
Treasure his word joyfully.
Ang kasiyahan natin ay nakatali sa salita ng Diyos na itinuturing natin na kayamanan. “Yamang ako’y nagtiwala sa utos mong ibinigay” (v. 66 MBB). Kahit ang ibang tao’y walang pakialam sa salita ng Diyos, we feel differently, “But I delight in your law” (v. 70). Kahit maraming naghahangad na yumaman kaya trabaho nang trabaho, o nangangarap na mapanalunan ang 400-million jackpot sa lotto, masasabi nating higit na yaman ang meron tayo sa mga salita ng Diyos, “Ang kautusan ng iyong bibig ay higit na mabuti sa akin kaysa libu-libong pirasong ginto at pilak” (v. 72 AB). Ano raw yung “better to me than thousands of gold and silver pieces”? Hindi lang yung “great and precious promises” ng Diyos. Hindi lang yung good news of the gospel. But “the law of your mouth.” Yung mga utos niya. Tayo pa naman, dahil sa kasalanan, mas pinahahalagahan natin yung mga bagay na mas gusto nating gawin kaysa sa mga bagay na gusto ng Diyos na gawin natin. Sabi ni Charles Spurgeon tungkol sa verse 72:
Wealth is good in some respects, but obedience is better in all respects. It is well to keep the treasures of this life; but far more commendable to keep the law of the Lord. The law is better than gold and silver, for these may be stolen from us, but not the word; these take to themselves wings, but the word of God remains; these are useless in the hour of death, but then it is that the promise is most dear. Instructed Christians recognize the value of the Lord’s word, and warmly express it, not only in their testimony to their fellow-men, but in their devotions to God. It is a sure sign of a heart which has learned God’s statutes when it prizes them above all earthly possessions; and it is an equally certain mark of grace when the precepts of Scripture are as precious as its promises. The Lord cause us thus to prize the law of his mouth.
Praying God’s Word
Napakainam, napakabuti ng salita ng Diyos para sa atin na mga anak ng Diyos. Ang mga hirap na pinagdadaanan natin ay hindi bumubura sa katotohanan ng kabutihan ng Diyos at ng kanyang salita. Sa katunayan, ang mga ito pa nga ang ginagamit ng Diyos para mas maibaon sa isip at puso natin kung gaano siya kabuti, kung gaano kabuti ang kanyang mga salita. So in response, we read his word meditatively, we study his word prayerfully, we obey his word resolutely, and we treasure his word joyfully.
Kaya ngayong Prayer Focus Week, ine-encourage ko ang bawat isa na makibahagi sa sama-sama nating pagbabasa ng Bibliya, at sikapin na maipanalangin ang bawat miyembro ng church sa loob ng walong araw. Simula ngayong araw, ipanalangin n’yo ang mga elders at deacons ng church gamit ang salita ng Diyos. Tandaan natin na itong Psalm 119 ay isang panalangin tungkol sa salita ng Diyos. Magandang halimbawa para sa atin kung paano natin pahahalagahan ang salita ng Diyos sa buhay natin, at gagamitin para maipanalangin natin ang kalooban at pangako ng Diyos sa buhay ng mga kapatid natin kay Cristo. Ipanalangin natin ang sarili natin at ang bawat isa sa atin na anuman ang dumating na hirap at pagsubok sa buhay natin, gamitin ito ng Diyos para mas lalong bumaon sa isip at puso natin ang kanyang mga salita. Mabuti ang Diyos at ang kanyang salita sa lahat ng panahon. Amen?