Consider Jesus (Hebrews 3:1–6)

Forgetting Jesus during the Christmas Season

‌Nagtitipon tayo ngayon not because it’s Christmas Day. Nagkataon lang na Pasko ngayon sa kalendaryo at maraming tao ang abalang-abala sa iba’t ibang klase ng pagdiriwang nila ng Pasko. But today is the Lord’s Day. This is the primary reason why we gather today. Araw para tayo na mga nakay Cristo ay magtitipun-tipon, as a church family, para sambahin ang Panginoon sa pamamagitan ng pag-awit sa kanya, pananalangin sa kanya, at pakikinig ng kanyang mga Salita. Mahalaga ang araw na ito para ma-refocus ang paningin, ang isip at puso natin. Kasi naman, we are easily distracted kung ano nga ba talaga ang pinakamahalaga sa buhay natin—Jesus. “For by him all things were created…all things were created through him and for him” (Col. 1:16). Buong buhay natin para sa kanya. All these celebrations dapat para sa kanya rin. Sinasabi pa nating he is “the reason for the season” pero nagiging nice-sounding slogan lang siya na “hollow” ang meaning kung sa sobrang kaabalahan natin, yung isip at puso natin ay hindi na nakatuon sa kanya.

‌Malaki ang implications nito, hindi lang during this holiday season. Everyday kasi, nahaharap tayo sa temptations na mananatili ba tayong faithful kay Cristo o babaling tayo sa ibang mga bagay, babalik sa dati nating buhay, magtitiwala sa mga bagay at mga tao sa mundong ito na para bang sila ang “saviors” natin. Ito ang temptation na kinakaharap ng mga Jewish Christians na malamang na primary readers ng Hebrews. Although hindi tayo sigurado kung sino talaga ang author nito, alam natin na ito ay salita ng Diyos na nagbibigay ng paalala (at warnings din) sa kanila. Tempted kasi sila, dahil sa mga persecutions na kinahaharap nila, na bumalik sa dati nilang relihiyon na malamang ay mas kumportable sa kanila. Sabi sa kanila ng author, “…you endured a hard struggle with sufferings…you have need of endurance…” (Heb. 10:32, 36). Sa buong letter, nandun yung call to enduring faithfulness sa gitna ng mga persecutions at temptations to fall away.

‌Ano ang ginagawa ng author ng Hebrews to accomplish that purpose? By presenting the supremacy of Christ over all—na wala na, as in wala nang hihigit pa kay Cristo. Sa simula pa lang, sinabi na niya na si Jesus ang Anak ng Diyos, at nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan niya (1:2). Siya mismo ay Diyos dahil lahat ay nalikha sa pamamagitan niya (1:2), “He is the radiance of the glory of God and the exact imprint of his nature, and he upholds the universe by the word of his power” (1:3). Meron pa bang hihigit sa kanya kung siya ang may hawak ng lahat ng bagay? Higit siya sa mga anghel, kaya nararapat siyang sambahin (1:6). Siya ang Anak ng Diyos na nagkatawang-tao. Yun ang tinatawag nating “incarnation.” Siya lang tunay na Diyos at tunay na tao ang makapagliligtas sa atin. “Since therefore the children share in flesh and blood, he himself likewise partook of the same things…he had to be made like his brothers in every respect, so that he might become a merciful and faithful high priest in the service of God, to make propitiation for the sins of the people” (2:14, 17). Dahil si Jesus ay tunay na Diyos at tunay na tao, he is all the help we need.

‌Kung ganun naman pala, at alam naman natin yun, bakit mo nga naman kakalimutan at isasantabi si Jesus—Pasko man ‘yan o anumang panahon? Kaya sa simula ng chapter 3, the author of Hebrews exhorted us to “consider Jesus”:

Therefore, holy brothers, you who share in a heavenly calling, consider Jesus, the apostle and high priest of our confession, who was faithful to him who appointed him, just as Moses also was faithful in all God’s house. For Jesus has been counted worthy of more glory than Moses—as much more glory as the builder of a house has more honor than the house itself. (For every house is built by someone, but the builder of all things is God.) Now Moses was faithful in all God’s house as a servant, to testify to the things that were to be spoken later, but Christ is faithful over God’s house as a son. And we are his house, if indeed we hold fast our confidence and our boasting in our hope. ‌​(Hebrews 3:1–6 ESV)

‌Christians, Consider Jesus (3:1)

‌Throughout this passage, meron lang isang utos sa atin na dapat gawin, “Consider Jesus” (v. 1). Mahalagang alam natin kung ano ang ibig sabihin niyan, at kung paano natin gagawin ‘yan. Pero bago yun, tingnan muna natin kung bakit mahalaga ang utos na ‘to. Nagsimula ang passage sa “Therefore…,” ibig sabihin, dahil sa mga nauna na niyang sinabi—the supremacy of Christ over all things, as God’s final revelation, his supremacy over all the heavenly beings—so we must “consider Jesus.” Kailangan natin si Jesus. Nagkatawang tao ang Diyos, nagdusa, namatay para sa ating mga kasalanan, muling nabuhay, at ngayo’y nasa kanan ng Diyos sa langit interceding for all of us. “He is able to help those who are being tempted” (2:18). Hindi lang ito yung paminsan-minsang temptation na kinakaharap natin, kundi yung great temptation to walk away from the faith. Kung gusto nating magpatuloy sa pananampalataya, “consider Jesus.”

‌At sinu-sino ang sinasabihan niya nito? Hindi yung mga non-Christians. Of course, we share the gospel sa kanila para maimbitahan sila na sumampalataya kay Cristo. At kung magcelebrate sila ng Christmas ngayon na walang pakialam kay Cristo, expected naman yun kasi hindi naman sila totoong Christians. Pero yung command to “consider Jesus,” sinabi sa mga totoong Christians na nahaharap sa tukso na ibaling ang paningan sa iba at palayo kay Cristo. “Therefore, holy brothers, you who share in a heavenly calling” (v. 1). Ipinapaalala dito kung sino tayo bilang God’s people—“holy brothers.” Hindi ibig sabihin perfectly holy. Nagkakasala pa rin tayo. Pero dahil sa ginawa ni Cristo, “he who sanctifies” (2:11), tayo ngayon ay “sanctified” na, na ang ibig sabihin ay ibinukod mula sa mundong ito. Merong distinct identity. Yung identity na nakatali kay Cristo. At kung nakatali kay Cristo na ngayon ay nakaupo sa kanang kamay ng Diyos sa langit (1:3), we “share in a heavenly calling” (3:1). Doon sa langit ang citizenship natin, at hindi dapat nakatali ang paningin natin sa mga bagay sa mundong ito na pansamantala lang at puno ng mga taong nagrerebelde sa Diyos.

‌So, dahil lahat ng tulong na kailangan natin ay nakay Jesus, at dahil ang identity natin ay nakatali sa kanya, “consider Jesus.” Hindi ibig sabihin na bigyan mo siya ng kunsiderasyon na para bang yung estudyante mo na mahina sa math, kailangang maipasa kasi nakakaawa naman. O yung isang bata na nakikisali sa laro ninyong magkakaibigan, i-consider mo naman, pagbigyan mo na. No, not like that! We consider Jesus as someone na napakaimportante na kung hindi mo papansinin, kung kakalimutan mo, kung hindi mo pagtitiwalaan, kung hindi mo kikilalanin, you will be in great danger! So, ibig sabihin ng “consider” ay “give careful consideration” o “contemplate.” Ipako mo ang paningin mo, ang isip mo, at ang puso mo kay Jesus, “kung sino siya sa sarili niya at kung sino siya para sa ‘yo” (John Owen, Hebrews). Nakadepende ang kahulugang ng “consider” depende kung sino ang object ng “consideration” na yun. Kung si Cristo, ganito ang ibig sabihin:

The call is to consider this same Jesus when we are tempted to desert him, to consider him who considered us from eternity, who considered us in his life of perfect obedience, who considered us while paying the debt of our sin on the cross, who considered us in his resurrection from the dead, and who even now in his heavenly high priestly work still considers us. (McWilliams, Hebrews, 94)

Dahil nga sa excellency at supremacy ni Jesus, napakarami (infinite!) ang bagay na pwede nating i-consider tungkol sa kanya. Dito sa passage natin, nagfocus lang sa iilan, at yung lahat ng yun ay in comparison with Moses, dahil nga itong mga Jewish Christians ay natutukso na bumalik sa dati nilang pinagtitiwalaan. Kaya sabi sa kanila, “Consider Jesus.” Bakit? Because Jesus is infinitely greater than Moses. Bibigyan niya ito ng stress sa tatlong bahagi ng teksto natin.

‌Consider Jesus—he was faithful to his calling (3:1-2)

‌Una, sa verses 1-2, consider Jesus—he was faithful to his calling. “Therefore, holy brothers, you who share in a heavenly calling, consider Jesus, the apostle and high priest of our confession, who was faithful to him who appointed him, just as Moses also was faithful in all God’s house.” Dito ay tinawag si Jesus na “the apostle and high priest of our confession.” Kapag apostol, usually ang naiisip natin ay yung Twelve apostles ni Christ. Pero ang salitang apostol ang ibig sabihin ay “sent out one,” ipinadala, merong nagpadala o nagsugo sa kanya. Ang mga apostol ipinadala ni Cristo. Si Cristo, ipinadala ng Ama. “As the Father has sent (apostello) me, even so I am sending you” (John 20:21). O sa Isaiah 61:1, “He has sent me.” Madalas sa Gospels ganyan naman ang pakilala niya sa sarili niya, “the one whom God has sent” (John 3:34). Yung pagiging “high priest” naman niya ay nabanggit na sa Hebrews 2:7 (“a merciful and faithful high priest in the service of God, to make propitiation for the sins of the people”).

‌So, ipinadala siya ng Diyos (“apostle”) para maging “high priest” na iaaalay ang sarili niya para tubusin tayo sa ating mga kasalanan. Nagawa ba niya yung calling niya na yun? Yes! He “was faithful to him who appointed him” (3:2). Iisa, at hindi dalawa, ang kalooban ng Diyos Ama at Diyos Anak. Isang layunin, isang misyon na isagawa ang kaligtasan natin. Mula sa pagsilang ni Jesus hanggang sa kanyang kamatayan sa krus, kahit gaano kahirap—kahit maraming temptations mula sa kaaway na abandunahin na niya ang misyong bigay sa kanya ng Diyos at ipagpalit sa kayamanan, katanyagan, at kaginhawaan—hindi siya bumitiw, hindi niya ibinaling ang paningin niya sa Diyos Ama na nagsugo sa kanya. Sabi niya sa John 8:29, “And he who sent me is with me. He has not left me alone, for I always do the things that are pleasing to him.” Jesus was faithful to his calling.

‌At ikinumpara yung faithfulness ni Jesus sa faithfulness ni Moses, “just as Moses was also faithful in all God’s house” (3:2). Inulit ‘yan sa verse 5, “Now Moses was faithful in all God’s house…” Totoo namang “faithful” si Moses. Hindi ang mga Jews ang nagsabi niyan. Ang Diyos mismo ang nagsabi niyan sa Numbers 12:7 nung si Aaron at Miriam, mga kapatid ni Moses, ay naiingit sa honor na binibigay ng Diyos kay Moses. Sinabi ng Diyos sa kanila tungkol kay Moses, “He is faithful in all my house.” Pambihira naman talaga ang obedience ni Moses sa Diyos. Sabi sa Exodus 40:16 pagkatapos magawa yung Tabernacle ayon sa utos ng Diyos, “This Moses did; according to all that the Lord commanded him, so he did.”

‌Pero yung pagkumpara kay Jesus at kay Moses, “just as Moses was also faithful,” bagamat may pagkakatulad ay hindi eksakto ang pagkakatulad, hindi on the same level ang faithfulness ni Jesus at yung faithfulness ni Moses. Alam ng mga Jews ‘yan. Hindi nga nakapasok sa Promised Land si Moses bilang consequence ng unbelief at disobedience niya na hindi nakapagbigay karangalan sa Diyos sa mga Israelita na pinapangunahan niya. But Christ’s faithfulness is more superior, it is perfect faithfulness. In one sense, “holy” tayo (Heb. 3:1), at applicable sa atin yung “Come All Ye Faithful.” Pero hindi ba’t dapat alalahanin muna natin unang-una na tayo ay unfaithful at kailangan natin si Cristo na siyang Faithful One on our behalf. Kaya nga bahagi ng good news ang kapanganakan ni Cristo para sa atin.‌

O come, all you unfaithful
Come, weak and unstable
Come, know you are not alone

O come, guilty and hiding ones
There is no need to run
See what your God has done

Christ is born, Christ is born
Christ is born for you

‌So, consider Jesus—he was the faithful one. He was faithful to God and for you.

‌Consider Jesus—he is worthy of more glory than anyone else (3:3-4)

‌Sa verses 3-4, mas explicit na na yung “just as” sa verse 2 ay hindi ibig sabihing “kapantay” kundi “katulad pero mas nakahihigit pa.” Hindi lang kay Moses, kundi sa lahat! So, consider Jesus—he is worthy of more glory than anyone else. Sabi ng author ng Hebrews, “For Jesus has been counted worthy of more glory than Moses—as much more glory as the builder of a house has more honor than the house itself. (For every house is built by someone, but the builder of all things is God.)” (vv. 3-4).

‌“More glory…more glory…more honor.” Yan ang nakay Cristo at dapat na ibigay na karangalan kay Cristo. Higit kaninuman. Wala namang masama na bigyan ng honor si Moses. Mahalaga naman talaga ang role niya sa redemptive history. Bahagi yun ng magandang plano ng Diyos. Pero yung mga mabubuting bagay—tulad ng mga mabubuting bagay ngayong Christmas season tulad ng family reunions, gift giving, pagtulong sa mga nangangailangan, pagkakasundo ng mga magkakaaway, mga celebrations, mga tawanan at kasiyahan—ay hindi dapat bigyan ng mas higit na pagpapahalaga kaysa kay Cristo.

‌Walang anumang bagay sa buhay natin ang dapat bigyan ng higit na karangalan at pagpapahalaga nang higit kay Cristo. “For Jesus was counted worthy of more glory than Moses” (v. 3). Sino ang nagsabi? Ang Diyos! Sabi niya sa mga Pharisees na tumutuligsa sa kanya at kinukuwestiyon kung mas nakahihigit pa siya sa mga ninuno nila tulad ng kanilang “father Abraham” (at ni Moses din!), “If I glorify myself, my glory is nothing. It is my Father who glorifies me” (John 8:54). Kung ang Diyos Ama at Diyos Anak ay pantay ang kaluwalhatian and they are glorifying each other (John 17:1), bakit natin bibigyan ng higit na karangalan ang mga anak natin, ang kayamanan natin, ang pagiging relihiyoso natin o spiritually mature, ang mga tradisyon natin tulad ng Pasko, at ang mga materyal na bagay nang higit kay Cristo?

‌Bakit daw nakahihigit ang glory and honor ni Jesus kaysa kay Moses? “…the builder of a house has more honor than the house itself. For every house is built by someone, but the builder of all things is God” (Heb. 3:3-4). Ang bahay na tinutukoy dito ay yung “God’s house” sa verse 2. Hindi ito yung temple building, but God’s people, household of God, pamilya ng Diyos, yung church. Si Moses ay kabilang dun sa “house” na yun. Si Jesus ay higit na importante dahil siya yung “builder,” siya yung arkitekto, siya yung designer, siya yung construction engineer. Kung walang builder, walang bahay. Kung wala si Cristo, wala si Moses, wala ang Israel, wala ang church. Ganyan ka-dependent ang existence natin kay Jesus. “The builder of all things is God.” Si Jesus ang builder, siya ay Diyos! Bakit mo bibigyan ng higit na karangalan ang mga bagay na nilikha kaysa sa Diyos na lumikha sa atin? Bakit mo bibigyan ng higit na karangalan ang mga taong nangangailangan din ng Tagapagligtas kaysa sa mismong Tagapagligtas na si Jesus?

‌So, consider Jesus—he is worthy of more glory than anyone else. Meron bang ibang bagay na mas pinahahalagahan mo nang higit kay Jesus? Meron bang ibang tao—o baka ang sarili mo mismo—ang mas naitatanghal sa buhay mo nang higit kay Jesus?

‌Consider Jesus—he has supremacy over all as the Son of God (3:5-6)

‌Panghuli, sa verses 5-6, balik na naman siya dun sa ini-stress niya sa simula pa sa Hebrews tungkol sa pagiging Anak ng Diyos ni Jesus (“by his Son,” “my Son,” “of the Son,” 1:2, 5, 8). Dito sa chapter 3 sinasabi niya, na we must “consider Jesus.” Bakit sino ba siya? He has supremacy over all as the Son of God. Heto ang sabi niya sa verses 5-6, “Now Moses was faithful in all God’s house as a servant, to testify to the things that were to be spoken later, but Christ is faithful over God’s house as a son. And we are his house, if indeed we hold fast our confidence and our boasting in our hope.” Sa buong passage na ‘to, ang burden ay ipaalala sa mga readers, para sa atin, kung sino si Cristo at kung paano siya nakahihigit kay Moses o kaninuman. Heto na naman yung tungkol sa pagiging faithful ni Moses at ni Cristo. Kung sa verses 1-2 ay “just as” ang paghahalintulad sa kanilang dalawa, dito sa verses 5-6 ay klaro ang separation. “Now Moses was faithful…but Christ is faithful…” Parehong “faithful” pero ang napakalaking pagkakaiba?

‌Tingnan nating mabuti. Si Moses, he was “faithful in all God’s house as a servant” (v. 5). Nabanggit na ‘yan sa verse 2, pero ngayon merong stress dun sa “as a servant.” Yun naman kasi ang nakasulat sa Number 12:7, sabi ng Diyos, “Not so with my servant Moses. He was faithful in all my house.” Bilang “servant,” para siyang appointed by God na pangalagaan ang mga kabilang sa kanyang household. Madalas ganito ang designation kay Moses: “Moses the servant of the Lord” (see Ex. 14:31; Deut. 34:5; Jos. 1:2; 8:31).‌

Napakalaking honor naman talaga ang maitalaga ng Diyos sa ganyang tungkulin. Pero yung role niya sa redemptive history ay preparatory sa pagdating ni Jesus. Lesser yung role niya kung ikukumpara kay Jesus na greater fulfillment. Ano raw yung role ni Moses? “To testify to the things that were to be spoken later” (v. 5). Sabi sa Hebrews 1:1-2, noon ay nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng mga propeta, pero ngayon yung final revelation niya ay si Jesus. Siya mismo ang “Word of God” (John 1:1-2). Sinabi rin ni Moses na merong darating na “prophet” na nakahihigit sa kanya. “The Lord your God will raise up for you a prophet like me from among you, from your brothers—it is to him you shall listen…And the Lord said to me…‘I will raise up for them a prophet like you from among their brothers. And I will put my words in his mouth, and he shall speak to them all that I command him. And whoever will not listen to my words that he shall speak in my name, I myself will require it of him’” (Deut. 18:15, 18, 19).

‌Kung si Jesus ang katuparan mismo ng sinabi ng Diyos kay Moses, so consider Jesus dahil siya ay mas nakahihigit kay Moses. Kaya very stark yung contrast sa verse 6 ng text natin, “but Christ is faithful over God’s house as a Son.” Kung ang faithfulness ni Moses ay “in all God’s house” (dahil kasama rin siya sa mga taong kabilang sa pamilya ng Diyos), si Cristo naman ay “faithful over God’s house.” Bagamat siya’y tao rin na “like his brothers in every respect” (2:17), so kasama rin sa pamilya ng Diyos, pero siya ang Anak (“as a Son” in contrast with “as a servant”) na higit sa lahat. “All authority in heaven and on earth has been given to me” (Matt. 28:18). Oo nga’t naparito rin siya bilang “servant,” in fact as a suffering servant,” ginawa niya yun bilang Anak ng Diyos na siyang supreme over all things.

‌So, consider Jesus. Wag kang tumulad sa iba na kapag nag-celebrate ng Christmas, ang naiisip ay isang sanggol na ipinanganak. Totoo naman, pero nananatili na “maliit” ang tingin nila kay Jesus. Pero as we consider Jesus, meditate on Isaiah 9:6, “For to us a child is born, to us a son is given; and the government shall be upon his shoulder, and his name shall be called Wonderful Counselor, Mighty God, Everlasting Father, Prince of Peace.” Consider Jesus, siya ay higit na mas malaki kaysa sa karaniwang pagkakakilala natin sa kanya.

‌Christians, Consider Jesus—To the End and Together (3:6)

‌Consider Jesus. Tapat siya sa pagkakatawag sa kanya ng Diyos mula kapanganakan hanggang kamatayan para iligtas tayong mga makasalanan. Siya ang Anak ng Diyos na lubos na kinalulugdan ng Diyos. Nararapat na siya ang tumanggap ng higit na karangalan dahil siya’y higit kay Moses, higit sa sinuman sa buhay natin, higit sa anumang pinagtitiwalaan natin sa sarili nating gawa, higit sa anumang bagay na pinahahalagahan natin ngayong Kapaskuhan. So, kung ganun siya kahalaga sa buhay natin, we consider Jesus hindi lang ngayong araw na ‘to, kundi hanggang sa dulo ng buhay natin.‌

Pansinin mo kung paano nagtapos yung text natin. Pagkatapos itanghal ang kadakilaan ni Cristo, binanggit niya kung ano ang implikasyon o significance nito para sa atin. “And we are his house, if indeed we hold fast our confidence and our boasting in our hope” (Heb. 3:6). “We are his house.” Tayo na mga Christians ay kabilang sa pamilya ng Diyos. Ang Anak ng Diyos ay naging tao upang tayo na mga tao ay maging mga anak ng Diyos. At nangyari yun—we are adopted into God’s family—noong tayo ay sumampalataya kay Cristo (John 1:12). At ang pananampalatayang ito ay hindi sa simula lang, kundi nagpapatuloy hanggang sa dulo. Ito kasi ang temptation na kinakaharap ng mga Christians noon—at ngayon rin naman. Kung sumampalataya na sila, bakit sila titigil at babaling sa iba? Kung “we are his house” bakit ka pa lilipat sa kapitbahay o lilipat ng bakod? Kung nakay Cristo na ang lahat ng kailangan natin, bakit pa tayo maghahanap ng iba?

‌Merong warning dito, “We are his house if indeed we hold fast our confidence and our boasting in our hope.” Ang tunay na pananampalataya ay nagpapatuloy hanggang wakas. Kung si Cristo ang kinakapitan at tinitingnan mo ngayon, siya pa rin ang patuloy na kakapitan at titingnan mo hanggang sa katapusan. Siya kasi ang pag-asa natin. Siya ang kumpiyansa natin. Siya ang ipinagmamalaki natin nang higit sa lahat. If you will walk away from Christ, nagpapatunay lang yun na you don’t belong to his house in the first place. “They went out from us, but they were not of us; for if they had been of us, they would have continued with us. But they went out, that it might become plain that they all are not of us” (1 John 2:19). May warning dito, at paalala na hindi makakabuti sa atin kung iiwanan at kakalimutan natin si Cristo. Nawa’y maging tulad ni Pedro yung sagot natin noong maraming ayaw nang sumunod kay Jesus dahil mabibigat yung mga itinuturo niya, nang tanungin siya ni Jesus, aalis din ba kayo? Sagot ni Pedro, “Lord, to whom shall we go? You have the words of eternal life?” (John 6:68).

‌May warning. Meron ding encouragement. Kasi nga inulit na naman yung kahalagahan nung pagpapatuloy sa pananampalataya sa Hebrews 3:14, “For we have come to share in Christ, if indeed we hold our original confidence firm to the end.” Paano kung matulad tayo dun sa mga naging matigas ang puso, lumihis ng landas, at hindi nakapasok sa “heavenly rest” tulad ng warning sa 3:15-4:1? Kaya nga ang assurance natin ay hindi sa sarili nating manggagaling. Kung faithfulness natin ang sandigan ng assurance natin, talagang panghihinaan tayo ng loob. But Christ is our confidence. Faithfulness niya ang kinakapitan natin. Sinulat ang mga salitang ito para sa atin na nakapasok na sa bahay ng Diyos as our place of refuge para magkaroon tayo ng “strong encouragement to hold fast to the hope set before us” (6:18). Si Cristo at ang natapos niyang gawa sa krus ang tanging angkla na kinakapitan ng pananampalataya natin. “We have this as a sure and steadfast anchor of the soul” (6:19).

‌Kaya napakahalaga na paulit-ulit tayong sinasabihan, “Consider Jesus. Consider Jesus. Consider Jesus.” Kailangan natin palagi ng magpapaalala sa atin, ng sasaway sa atin, ng makikialam sa buhay natin para matiyak na hindi tayo malilihis ng landas. Heto naman yung huling encouragement na makikita natin sa text natin. Pansinin n’yo yung mga plural pronouns, “We are his house if indeed we hold fast to our confidence and our boasting in our hope” (3:6). Mula sa verse 1 hanggang sa verse 6, ipinapaalala yung identity natin as one community of faith, “…holy brothers…we are his house.” Kailangan natin ang isa’t isa sa labang ito. Kapit-kapit ang kamay natin na nakakapit kay Cristo. Tinitingnan natin ang bawat isa kung nananatili tayong nakatingin kay Cristo. Kaya kahit anumang kaabalahan ang dumating sa buhay, anuman ang problema, anuman ang mga conflicts na pagdaanan natin, hinding-hindi natin pababayaan ang mga pagtitipon natin. Wag tayong masanay na sabihing, “Isang beses lang naman, may espesyal na okasyon naman.” Baka ang isang beses, maging dalawa, maging lima, at tumagal, at hindi na natin namamalayan, nalayo na tayo sa Panginoon. “And let us consider how to stir up one another to love and good works, not neglecting to meet together, as is the habit of some, but encouraging one another, and all the more as you see the Day drawing near” (10:24-25). At sa Araw na yun, we will not just consider Jesus, we will see Jesus face to face.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.