Undivided Devotion (1 Cor. 7:25-40)

What have we learned so far

Pangatlong sermon na ‘to sa chapter 7, na part ng series natin sa 1 Corinthians. 40 verses naman kasi ‘yan. Saka kung tungkol sa relationships, sa pagiging single, sa married life, sa mga wala nang asawa, o sa mga unbelievers ang asawa, marami naman talaga tayong isyung dapat i-clarify to guide us how to be faithful sa Diyos anuman ang kalagayan natin ngayon. 

So far, ito na ang mga natutunan natin:

  • Kung may asawa ka, regalo ng Diyos sa ‘yo ang asawa mo: ang bawat tao’y may kanya-kanyang kaloob mula sa Diyos” (v. 7).
  • Kung single ka, wala pa o wala nang asawa (widow), it is also a good gift from God:  mabuti pa sa kanila ang manatiling katulad ko na walang asawa” (v. 8).
  • Anuman ang kalagayan mo ngayon, makuntento ka, manatili ka diyan at maging tapat sa pagsunod sa kalooban ng Diyos: Mamuhay ang bawat isa ayon sa ipinagkaloob sa kanya ng Panginoon…” (v. 17, also vv. 20, 24). 
  • Ang identity natin ay nakatali kay Cristo, hindi sa sinumang karelasyon o anumang bagay na pag-aari natin. Ang faithful stewardship of our relationship status ay nakasalalay sa tamang pagtingin natin sa identity natin na nakay Cristo.
  • Wala namang masama na maghangad na mabago ang relationship status natin, kung yun ay ayon sa kalooban ng Panginoon. Kung may asawa ka na, wag maghangad makipaghiwalay siyempre: huwag makipaghiwalay ang babae sa kanyang asawa…huwag din namang hihiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa” (vv. 10-11), kahit unbeliever ang asawa (v. 12).
  • Kung single ka, okay lang maghangad na mag-asawa. Natural desire yun. But be faithful sa pagiging single mo. Lalo na in the area of sexual desires: mas mabuting mag-asawa kaysa hindi makapagpigil sa matinding pagnanasa” (v. 9, also v. 2).
  • Ang “sex” ay dinisenyo ng Diyos para lang sa mag-asawa, not before marriage (fornication), not outside marriage (adultery).
  • As a church, based sa pag-aaral din natin sa chapters 5-6, dapat seryosohin natin ang pakikipaglaban sa kasalanan, not just individually but corporately. Church discipline tawag dun. If you are aware of any sexual sin committed or being committed by any member of the church, single or married, don’t ignore, confront/rebuke privately, kung hindi mo kaya humingi ng tulong sa iba, especially your leaders/elders.

Dito sa vv. 25-40 he will continue addressing/clarifying yung tungkol sa relationships, particularly yung sa mga singles o widowed, yung wala pang asawa, di pa nakakapag-asawa, o nag-asawa na pero wala na ngayon. Makinig mabuti, mga singles! Although meron ding related sa marriage, kaya makinig din ang may-asawa. Kahit hindi particular situation natin ang tinutukoy, dapat masanay na tayo na makinig as members of our church. Yun bang iniisip mo rin yung iba na pinag-aaralan mong mabuti ano ang biblical teaching tungkol singleness so you know how you can disciple our young people na singles and older members na widows. 

Side Note: One sermon pa lang ‘to related dyan, pero kung gusto nyo pang matutunan ang tungkol dyan at sa responsibility natin to help each other be faithful sa church and any relationships, attend kayo ng next equipping classes natin – Living as a Church, Parenthood (kahit walang anak pwedeng umattend), Singleness & Courtship (kahit hindi single pwede rin umattend). 

Remain as you are (7:25-28)

Dito sa vv. 25-28, papayuhan niya ang mga di pa nag-aasawa na ‘wag nang mag-asawa! Makinig kayong mabuti. “Tungkol naman sa mga walang asawa, wala akong maibibigay na utos mula sa Panginoon. Ngunit magbibigay ako ng aking opinyon bilang isang taong dahil sa habag ng Diyos ay mapagkakatiwalaan” (v. 25). Ang kausap niya ay yung “mga walang asawa” (MBB). Sa ESV, betrothed. Sa Greek, literally virgins. Either ito yung mga single pa na eligible na or legally pwede nang mag-asawa, o yung mga engaged na at naghahanda nang magpakasal. Pero nilinaw naman niya na ang sasabihin niya ay hindi “utos” ng Diyos. So yung sasabihin niya ay not a matter of sinning kung di mo susundin si Paul dito. Sabi niya, “opinyon” (MBB) or “judgment” (ESV) niya. Counsel ito, advice, wisdom na tulad ng isang pastor or elder sa mga members. Tulad sa church, may mga decisions kami na gagawin sa church na hindi matter of rule, kundi yung sa tingin naming wise course of action. Paul invites singles to trust his wisdom in this. Humble din siyang sinasabi ‘to, hindi yung, “Makinig kayo sa akin!” kundi yung, “Trust me.” Mapagkakatiwalaan siya, sabi niya, dahil sa habag ng Diyos, awa ng Diyos. 

Ano ang sabi niya sa v. 26? “Dahil sa matinding kahirapan sa kasalukuyan, inaakala kong mabuti pa sa isang tao ang manatili sa kanyang kalagayan.” Manatili sa pagiging single daw, wag nang mag-asawa. Sinabi na rin niya ‘yan sa vv. 1, 8, 17. Paulit-ulit. Para sa kanya ano ang dahilan? “Dahil sa matinding kahirapan sa kasulukuyan.” Practical ba. Ang pag-aasawa nga sasabihin natin hindi ‘yan lalagay ka na sa tahimik, kundi lalagay ka na sa gulo. Kasi nga mahirap, yun ang reality. Pero kung may asawa ka na di naman tamang dahil sa hirap ng buhay aayaw ka na, “Mahirap pala, ayoko na, isoli ko na ‘to sa tatay at nanay niya.” Sabi nga natin, walang solian. “Ikaw ba’y isang lalaking may asawa na? Huwag kang makipaghiwalay (also vv. 10-12). Wala ka pa bang asawa? Huwag mo nang hangaring magkaasawa.” 

Again sabi niya sa mga wala pang asawa, ‘wag n’yo nang subukan, “Huwag mo nang hangaring magkaasawa.” Hindi naman niya sinasabing nagkakasala ka kung may desire ka to get married. No. That’s perfectly natural. Pero ‘wag mong hahanapin, ‘wag mong hayaang yung desire na ‘yan ang kumontrol sa ‘yo. ‘Wag mong hahabulin na para bang nakikipagpaligsahan ka sa iba o you are trying to meet a deadline – pag ganitong edad wala pa rin, wala na talaga! – o gawing life’s mission and purpose mo ang pag-aasawa. 

Lilinawin ni Paul na di masama ang mag-asawa, mabuti yun. “Ngunit kung ikaw ay mag-aasawa, hindi ka nagkakasala. Kung ang isang dalaga ay mag-asawa, hindi rin siya nagkakasala (except kung unbeliever ang papakasalan mo, v. 39). Ngunit ang nag-aasawa ay magdaranas ng mga kahirapan sa buhay na ito, at iyan ang nais kong maiwasan ninyo” (v. 28). So, bakit niya ipinapayong ‘wag nang mag-asawa? Tulad ng sabi niya kanina, “dahil sa matinding kahirapan sa kasalukuyan” (v. 26), at dito sa v. 28 sinabi niyang ang mag-aasawa ay “magdaranas ng mga kahirapan sa buhay na ito, at iyan ang nais kong maiwasan ninyo.” Practical advice ito galing kay Paul. Hindi naman ibig sabihin na highest value para sa kanya ang comfort and convenience, na komo mahirap di mo na gagawin.

Katunayan, he was suffering a lot as a single man on mission for Christ!
Hindi rin dahil meron siyang negatibong view of marriage. Hindi rin naman dahil bitter siya, na-busted kaya, o na-reject o broken hearted. No. Kasi concern siya sa mga singles na kagayan niya. Na kung mag-aasawa ka, dapat count the cost muna, dapat alam mo yung consequences and risks of getting married. Hindi ito “and they live happily ever after” na fairy tale romance. Real life ‘to, hindi tulad ng mga napapanood natin sa mga feel good Pinoy romantic movies. Mag-asawa ka, sige, pero bago yun dapat handa kang harapin ang hirap at sakit na dulot niyan. 

At hindi rin naman tama na matakot ka nang mag-asawa at maging reason mo kaya ayaw mong mag-asawa ay para maiwasan itong mga troubles na ‘to. Pwedeng nagkakasala ka kung single ka o may-asawa ka kung ito ay nagpapakita ng selfishness o kakulangan ng tiwala sa Diyos. Whatever is not from faith is sin (Rom. 14:23). When you get married, be confident in God. When you are refraining from marriage, place your confidence in God.

How to live this way (7:29-31)

Kaya yung mga sumunod na verses (vv. 29-31), lilinawin niya yung tamang application nitong ipinapayo niya, single ka man o may asawa. “Mga kapatid, ito ang ibig kong sabihin: malapit na ang wakas ng panahon, kaya’t mula ngayon…” (v. 29). The appointed time (ESV), Gk. kairos. If you know what time it is, kung alam mo lang kung ano ang kalooban ng Diyos, ang priorities ng Diyos, ang misyon ng Diyos, dapat ganito ang heart attitude natin. When we talk of relationships kasi, ang limitado ng perspective natin, this is not about us. This is about God and his big plan.

“…kaya’t mula ngayon, ang may asawa ay mamuhay na parang walang asawa; 30ang mga nananangis, na parang di nananangis; ang mga nagagalak, na parang di nagagalak; ang mga bumibili, na parang walang ari-arian, 31at ang mga gumagamit ng mga bagay ng sanlibutan, na para bang hindi nangangailangang gamitin ang mga ito…” (vv. 29-31). Hindi niya sinasabing hindi mahalaga ang marriage, alangan namang pabayaan ko na ang asawa ko at ministry na lang ako ng ministry, hindi naman tama yun. Hindi niya rin sinasabing ‘pag nasaktan ka o namatayan ka, bawal nang umiyak. O kung may dapat kang i-celebrate naman bawal magsaya. O kung may pera o possessions ka, ipamigay mo nang lahat. O kung may business ka, balewalain mo na. Hindi yun ang ibig niyang sabihin. Yung key to interpreting this ay nasa dulo ng v. 31, “…sapagkat ang lahat ng bagay sa daigdig na ito’y hindi na magtatagal.” 

In light of that, heto ang gustong sabihin ni Paul, “Don’t treat your wife as your eternal possession, she is not ultimate, she’s only temporary. Only God is eternally satisfying and ultimate. Focus on him alone.” Ganun din kapag may nawala sa ‘yo na mahal sa buhay, umiyak ka yes pero pansamantala lang, kasi nasa Diyos ang pag-asa mo. Kung may natanggap kang blessing, magsaya at magpasalamat ka sure, pero ‘wag mong isiping dito nakasalalay ang ultimate happiness mo. Kung may pera ka, may bahay, may negosyo, ‘wag mong isiping sa ‘yo ‘yan at mawawala din ‘yan. Only God and our relationship with Christ will remain for all eternity. Sinasabi ito ni Pablo para maturuan tayong magkaroon ng eternal perspective sa lahat ng bagay – sa pamilya, sa relasyon, sa pera, sa trabaho, at sa lahat-lahat sa buhay. ‘Wag mong hawakan ‘yan ng napakahigpit, kay Cristo ka kumapit nang napakahigpit.

Purpose: Undivided Devotion to the Lord (7:32-35) 

Free from anxieties (v. 32). Ito ang nagmomotivate kay Paul sa mga sinabi niya, para matulungan sila na maging worry-free yung buhay nila: “Nais kong mailayo kayo sa mga alalahanin sa buhay…” (v. 32). Dapat naman talaga, ‘wag mabalisa, don’t be anxious (Phil. 4:6; Matt. 6:25). Dahil ang anxiety ay unbelief, nagpapakita ng kakulangan ng tiwala sa Diyos. Gusto niya undistracted tayo, full attention ang mind and heart natin para sa Panginoon. Malinaw ‘yan sa vv. 32-34. 

“…Ang pinagkakaabalahan ng lalaking walang asawa ay ang mga gawaing ukol sa Panginoon—kung paano niya mabibigyan ng kaluguran ang Panginoon. 33Ngunit ang pinagkakaabalahan ng lalaking may asawa ay ang mga bagay ng sanlibutang ito—kung paano niya mabibigyang kaluguran ang kanyang asawa. 34Dahil dito’y hati ang kanyang malasakit. Gayundin naman, ang pinagkakaabalahan ng isang babaing walang asawa o ng isang dalaga ay ang mga bagay ukol sa Panginoon, sapagkat nais niyang maitalaga ang kanyang katawan at espiritu sa Panginoon. Subalit ang pinagkakaabalahan ng babaing may-asawa ay ang mga bagay ng sanlibutang ito—kung paano niya mabibigyang kaluguran ang kanyang asawa” (vv. 32-34).

Dapat malinaw kung ano rin ang hindi sinasabi ni Paul dito. Hindi niya sinasabing lahat ng walang asawa ay devoted talaga para Panginoon at ang number one pursuit in life is to please the Lord. Kasi marami rin namang singles, kahit members ng church, sila pa yung mas maraming time at mas konti ang worries, pero sila pa yung mga absent sa mga gatherings at hindi actively participating sa mga ministries ng church. Mas marami ngang pera yung mga singles na working professionals, pero yung iba sa halip na idevote yun sa ministry and missions, kung anu-ano ang pinagkakagastusan. Hindi rin ibig sabihing lahat ng mga singles ay talagang ang number one pursuit ay holiness, kasi marami ang nagfe-fail sa area ng sexuality. Hindi rin naman ibig sabihin na kapag may asawa ka distracted ka na, ibig sabihin mas marami kang dagdag na alalanin sa buhay – paano asikasuhin ang asawa, paano palakihin nang maayos ang mga bata, paano babayaran ang mga bills kapag “judith” at “jona” na. Oo nga’t ganyan, pero marami rin tayong mga married couples sa church na talaga namang all-out ang support and participation sa ministry. 

Sinasabi niya yun kasi ito ang prayer and purpose na dapat meron tayo: “Sinasabi ko ito upang matulungan kayo. Hindi ko kayo hinihigpitan; ang nais ko’y maakay kayo sa maayos na pamumuhay at nang lubusan kayong makapaglingkod sa Panginoon” (v. 35). Hindi tulad ni Martha, na anxious about many things (Luke 10:41), but like Mary, na talagang attentive at focused sa kanyang devotion sa Panginoon. We must be people of “one thing” – single o married – at yung “one thing” na yun ay ang devotion natin sa Panginoon. Whatever you do, whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God (1 Cor. 10:31). Walang anumang bagay o sinumang tao ang dapat humadlang sa ‘yo in pursuing our ultimate purpose in life – to live our lives, and not waste it, but to live it to honor the one who made and saved us. Kung divided ang devotion mo sa Panginoon, ano ang nagiging kahati nito? Family responsibilities mo? Business mo? Trabaho mo? Pamamasyal mo? Kaabalahan mo? 

Advice before getting married (7:36-40)

Yung iba ang nakakadistract, especially mga singles, yung uncontrolled sexual or relational desires. Kaya ito payo ni Paul sa v. 36, “Kung inaakala ng isang lalaki na nagkakaroon siya ng masidhing pagnanasa sa kanyang katipan, at dahil dito’y kailangang pakasal sila, pakasal na sila. Ito ay hindi kasalanan” (also vv. 8-9).

ero tulad ng sinabi ko na noon, hindi solusyon ang pag-aasawa sa pakikipaglaban natin sa kasalanan. Makakatulong, yes. O hindi. Hindi naman kasi relational ang pinakaproblema natin. It is a problem of the heart. Kaya yung sabi ni Paul sa v. 37, “Ngunit kung ipinasya niyang huwag pakasalan ang kanyang kasintahan at hindi naman siya napipilitan lamang at siya’y may lubusang pagpipigil sa sarili, mabuti ang ganitong kapasyahan.” It’s about the heart, it’s about having self-control, na posible lang by the Spirit. Kaya kung meron ka nang ka-relasyon, malinaw na wala dapat pre-marital sex. At kung nagkasala ka ng ganyan, ‘wag mahiyang lumapit sa trusted friends mo sa church at magconfess. “Ang nagkukubli ng kanyang sala ay hindi mapapabuti, ngunit kahahabagan ng Diyos ang nagbabalik-loob at nagsisisi” (Prov. 28:13). Kung pwede na naman ikasal, wala nang kailangang pagtagalin, then go. But talk to your leaders first, ask advice, wag itago sa church. You need to the church to prepare you for marriage.

Mahalaga kasi na we seek guidance from the Lord through our church family kung ano ang mas mainam para sa atin ngayon. “Kaya nga, mabuti ang magpasyang pakasalan ang kanyang kasintahan, ngunit mas mabuti ang hindi mag-asawa” (v. 39). Kung ano ang mabuti ay nakadepende sa pagkatawag o calling ng Panginoon. Marriage is good, but not better for you if not according to God’s will. Halimbawa na lang, kung ang papakasalan mo ay isang unbeliever. 

“Ang babae ay nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay ito. Kapag namatay ang lalaki, ang babae ay malaya nang mag-asawa sa sinumang maibigan niya…” (v. 39). Hindi pwedeng kahit sino na lang, kung sino ang type mo. Tapusin mo yung verse, “…ngunit dapat ay sa isa ring nananampalataya sa Panginoon.” Literally, “only in the Lord.” Yung pag-aasawa mo “in the Lord” kung ang papakasalan mo tulad mo rin na “in the Lord.” Klaro, God’s desire for every believer is to marry a believer. Pero siyempre hindi pwede kung sino na lang din. Ibabad sa prayer, ikonsulta sa iba. If you marry an unbeliever, you sin, you need to repent. Kakausapin ka namin for you to realize your sin. Hindi para i-condemn ka kundi para tulungan ka na maranasan mo ang forgiving at restoring grace ng Panginoon, na hindi mangyayari kung di ka magrerepent.

Pero kung kasal na kayo, wala na tayong magagawa dyan. Di naman kayo ia-advice na makipaghiwalay. Tutulungan ka namin to lead your spouse to Christ. Yun ang first priority. Kasi kung hindi, you cannot experience real intimacy in marriage. Paano naman kung boyfriend o dating pa lang? Di naman kasalanan, di ka namin didisiplinahin, pero bibigyan kayo ng warning, kasi what you are doing is not wise, at maaaring ikapahamak mo. Siyempre ipagpepray natin ‘yan na maging Christian, pero mag-ingat ka baka ikaw pa ang matangay palayo sa Diyos. Marami nang nangyaring ganyan, don’t say na your case will be different, because you don’t know. Pray na maging Christian siyempre. O baka ikaw pa ang matangay. Ingat kapatid. Wag mong isiping ang kaligayahan mo ay nakadepende sa ka-relasyon mo.

Kaya ending ni Paul sa chapter 7: “Subalit sa aking palagay, higit siyang magiging maligaya kung mananatili siya sa kanyang kalagayan bilang biyuda. Iyan ang palagay ko, at sa palagay ko nama’y nasa akin din ang Espiritu ng Diyos” (v. 40). Don’t rush marriage. Don’t think that you will be happier if you get married, or you are less happy when single. Happier, or more blessed daw kung manatiling kagaya ni Paul, hindi lang sa pagiging single, kundi sa pagkakaroon ng satisfaction in Christ. Kahit nakakulong siya, nahihirapan, nag-iisa, sabi niya, “In this I rejoice…” (Phil 1:18). Sa Beatitudes nga, wala din sinabi si Jesus na “Blessed/happy are those who are married or in relationship…” But: “Blessed/happy are the poor in spirit, for theirs is the kingdom of heaven…Blessed are those who hunger and thirst for righteousness, for they shall be satisfied…Blessed are the pure in heart, for they shall see God” (Matt. 5:3, 6, 8). To say that you can still be happy when single, or when enduring hardships in your marriage is out of this world reality, only possible through the Spirit’s revelation and work in our hearts. 

Si Jesus, single siya, but satisfied in doing the will of his Father, even to suffer and die on the cross – “who for the joy set before him endured the cross” (Heb. 12:2). So we look to him more and more to have his joy more and more. Kanino nakatali ang kaligayahan mo? Kung kay Cristo, at sana kay Cristo, siya ang mamahalin mo, sasambahin mo, paglilingkuran mo, at susundin mo. At hindi mo hahayaang sinuman o anuman ang mamagitan sa relasyon mo kay Cristo.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.