Lahat naman ng tao ay gustong makarinig ng magandang kuwento. At nasa ating mga Christians ang “greatest story ever told.” Wala nang mas gaganda pa sa Kuwentong ito. Kaya lang, kaunti lang ang mga Christians na nakakaalam at nakauunawa sa buong Story of God, o may sapat na kasanayan, para maikuwento ito sa sinumang nangangailangan kay Jesus.
Karamihan ng mga tao, kahit na mga believers na, ang tingin sa Bible ay parang magkakahiwalay na koleksiyon ng mga aklat, mga verses, at mga katuruan pero di nila naiintindihan ang kabuuan ng Story of God na nakasalaysay mula Genesis hanggang Revelation. Di rin nila nauunawaan kung paano nakapaloob ang kuwento ng buhay nila sa Kuwentong ito. Kung aabutin natin ang mga wala pa kay Cristo, hindi natin pwedeng i-assume na alam na nila itong mga Bible stories at kung paano nakakonekta ang mga kuwentong ito sa isa’t isa. Handa dapat tayong gawin ito para sa kanila.
Merong isang central theme na tumatakbo sa buong Bibliya at siyang nagbubuklod rin sa buong kasaysayan. Bawat isang tagasunod ni Cristo ay dapat masanay na ikuwento ang Story of God from Creation to Christ, para bawat taong makakarinig nito ay makita ang buhay nila na nakapaloob dito at madala itong gospel sa bawat tao, bawat lahi at bawat wika. Maraming mga Christians ang inaakalang ang gospel ay tungkol lang sa pagliligtas sa kanila ng Diyos. Pero ang totoo, ito rin ay tungkol sa kung ano ang plano ng Diyos para sa buong mundo, at tayong mga Cristiano ang kanyang instrumento para matupad ang kanyang plano. Dahil sa maling akalang iyon, maraming mga tagasunod ni Jesus ang hindi nagiging aktibo sa pakikibahagi sa misyon ng Diyos sa buong mundo.
– Rick Wood, “Unleashing the Gospel through Storytelling,” in Mission Frontiers, Nov-Dec 2013 issue.
I had been praying for this kind of materials. I am so thankful to the God for using people to produce such “gospel-centered” stories for children. This is really a big help for our Sunday School classes in our local church. May God continue to use all the people who contributed for the success of this project. To God be all the glory!!!
LikeLiked by 1 person
Maganda po siya
LikeLiked by 1 person