The Church, LGBT, and the Gospel
Mainit na usapin ngayon ang ipinapanukalang batas sa Kongreso na SOGIE Bill (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality Bill). Wala tayong time ngayon to discuss yung particulars ng bill na ‘yan, at hindi rin naman ako ganun ka-knowledgeable sa facts related to that. Tayong evangelical church ay opposed sa bill na ‘yan hindi dahil gusto nating i-discriminate ang mga homosexuals. We still believe na lahat ng nilikha ng Diyos, lalaki at babae, kahit yung mga ayaw tanggapin na sila’y lalaki at babae, ay nilikha pa rin sa larawan ng Diyos. Dapat din natin silang respetuhin bilang image-bearers, bilang kapwa-tao. We oppose that bill dahil sa ilang mga provisions na maaaring mag-compromise ng mga biblical convictions natin about church membership, marriage, etc. Maisabatas man ‘yan o hindi, we are ready to face the consequences of our faith in God’s Word.
Kahit pa sabihin ni Gretchen Diez, na naging popular dahil sa isang bathroom incident, na “God loves us, God accepts us” malinaw na meron siyang ibang conception of God. Not the God of the Bible. Malinaw sa text natin last week, “The unrighteous will not inherit the kingdom of God” (1 Cor. 6:9). Nilinaw ‘yan ni Pablo kung sinu-sino ang “unrighteous” na di karapat-dapat mahalin at tanggapin ng Diyos. Kaya sabi niya, “Do not be deceived” (v. 9). Very applicable sa atin dahil sa LGBT agenda na pinupush nilang maging acceptable lifestyle – hindi lang sa society, but acceptable din sa Diyos – ang homesexuality. ‘Wag tayong padadala sa agenda nila. Ang “agenda” ng Bible as Word of God ang hawak natin. Kasama sa mga “unrighteous” na yun ang mga “men who practice homosexuality” (v. 9). Itong mga LGBT, if they will not repent and put their faith in Jesus, will perish eternally. Hindi lang sila, pati lahat ng mga unrepentant sexual sinners – “the sexually immoral…adulterers” (v. 9).
Very clear ang teaching ng Scripture na ang homosexuality, kasama pa ang ibang sexual sins, ay deserving of God’s judgment. Pero extreme, unloving, at anti-gospel naman ang attitude ng ibang Christians na para bang itong mga homosexuals ay fixed na ang destiny nila sa impyerno at beyond redemption na. They were so focused on vv. 9-10, nakalimutan nila meron pang v. 11. There is good news for all LGBT. Kasi yung mga members ng church sa Corinth, ang iba sa kanila kabilang din diyan dati. “And such were some of you. But you were washed, you were sanctified, you were justified in the name of the Lord Jesus Christ and by the Spirit of our God” (v. 11). Merong pag-asa at kapatawaran na nakay Cristo, merong bagong buhay sa pamamagitan ng Espiritu. Let us share the good news sa kanila, and see the power of the gospel to save them and to change them.
Yung v. 11 ay hindi lang good news for them, but for all of us. Hindi lang naman sila ang sinners deserving of God’s judgment. Tayo rin. Hindi lang homosexuals ang hahatulan ng Diyos pati mga “idolaters… thieves… greedy… drunkard…revilers…swindlers” (vv. 9-10), hindi pa exhaustive ang listahan na ‘yan. Ang point ni Pablo, lahat ng makasalanan! Kabilang tayong lahat dun. So, don’t single out homosexuality o anumang sexual sins na para bang yun na ang pinakamalalang kasalanan. Kung “equality” ang pag-uusapan, lahat tayo pare-parehas na makasalanan sa harapan ng Diyos, we are all equally deserving of God’s judgment. That is why the gospel is good news for all kinds of sinners.
Kung “equality” ang pag-uusapan, lahat tayo pare-parehas na makasalanan sa harapan ng Diyos, we are all equally deserving of God’s judgment. That is why the gospel is good news for all kinds of sinners.
Tweet
Fighting Sexual Sins
Mula sa chapter 5 hanggang dito sa chapter 6, meron siyang special emphasis tungkol sa mga kasalanang sekswal, kasi issue ‘yan sa church nila noon. Issue pa rin kahit sa church natin ngayon. Kaya kailangan nating pag-usapan. Kahit sa mga bata na nakikinig ngayon, we must be responsible enough as parents and church leaders na ituro sa kanila ang itinuturo ng salita ng Diyos about this, lalo pa ngayon na maaaring ma-confuse sila dahil sa naririnig nila sa society natin. There is no shame in talking about these things sa church. Kailangan kasi.
Yung iba naman kasi sa inyo hindi siguro nag-iistruggle sa sexual sins. Pero meron ka pa ring responsibility sa mga kapatid mo na ganyan ang struggle. So yung focus ni Paul sa chapter 5 ay corporate responsibility para labanan ang kasalanan – lahat ng kasalanan, but especially sexuals sins. Ang church ay isang means of grace para sa pakikipaglaban natin sa kasalanan. Kung nagpapatuloy ka sa sexual sins, sasawayin ka, didisiplinahin ka, tutulungan ka sa pursuit of holiness and pure love for others.
Pero ang church imperfect and broken pa rin. Your brothers and sisters may fail you. Yung pastor mo hindi naman available 24/7 para sa ‘yo. Hindi naman din manghuhula ang church leaders para malaman yung mga itinatago mong kasalanan. The role of the church is necessary, but it is not the only means of grace available for you.
Meron ka ring personal responsibility na gamitin anumang resources na bigay sa ‘yo ng Diyos para labanan ang kasalanan. Maaari kasing may pagkukulang ang church mo, but you cannot blame the church, your leaders and other Christians for their failure to help you. Gusto ka naming hatakin palayo sa kasalanan, pero paano kung pilit ka namang nagtatago? Paano ka mahahatak palayo kung kapit na kapit naman ang pagkakayakap mo sa kasalanan?
Kung alam mo namang nagkakasala ka, ikaw na ang tumakbong palayo. “Flee from sexual immorality” (1 Cor. 6:18). Utos ‘yan na dapat sundin. Layuan, takbuhan ang kasalanan palayo. Ang tense ng verb sa original ay “present active imperative.” Meron tayong responsibility na araw-araw na layuan ang kasalanan. Tulad ni Jose na kahit na ang asawa na ni Potiphar ang lumalapit sa kanya, siya pa rin ang lumalayo. Kasi alam niya kasalanan, at kung kasalanan delikado. Kung may sunog, lalayo ka, hindi papasok sa loob.
Dito sa Corinth, maaaring ang isyu na tinutukoy ni Pablo ay may kinalaman sa temple or ritual prostitution. Kaya binanggit niya ang mga “prostitutes” sa vv. 15-16. Galing kasi sila sa kind of religion na may mga sexual activities na involved sa mga rituals nila. So, baka di pa nila na-overcome yung lifestyle na yun, o yung iba sa kanila feeling nila okay lang yun. Pero yung word na ginamit niya sa “sexual immorality” na porneia (ganun din sa 5:1, 11; 6:9) ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng sexual sins. Kasama na diyan ang homosexuality, adultery, flirting, pre-marital sex, sexual fantasies, pornography, at masturbation – any sexual expression na outside ng bounds of a marriage covenant. Wag kang maglalaro ng apoy kung ayaw mong masunog ka.
Instead, ang sabi ni apostol Pablo, “Glorify God in your body” (v. 20). Merong kasalanan na dapat iwasan. Meron ding utos na dapat sundin. It is not enough na sabihin mo lang na, “Hindi naman ako katulad ng iba na sexual sinners, matanda na ako, wala na ‘yan sa akin.” Oo nga, pero are you glorifying God in the way you use your body? At kung struggling ka man ngayon sa kasalanang sexual, your ultimate goal is not sobriety o yung nakakaiwas ka na sa porn for example. The goal is to glorify God in the way you use your eyes, your mind, your hands. Ang dapat na maging driving passion sa heart natin ay mamuhay para sa ultimate purpose natin – to glorify God. “Whether you eat or drink or whatever you do (including how you express your sexuality or any relationship na meron ka) do it all for the glory of God” (10:31).
“Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, para hindi na ninyo sundin ang masasamang hilig nito. Huwag na ninyong gamitin ang alin mang bahagi ng inyong katawan sa paggawa ng kasalanan. Sa halip, ialay ninyo ang inyong sarili sa Dios bilang mga taong binigyan ng bagong buhay. Ilaan ninyo sa Dios ang inyong katawan sa paggawa ng kabutihan” (Rom. 6:12-13 ASD).
A change of worldview
Magbabago lang ang paggamit mo sa katawan mo kung magbabago ang pananaw mo tungkol sa kung para saan ang katawan mo. Yung lifestyle mo mababago lang kung mababago ang worldview mo about the purpose of your body. So, ganun din sa paglaban sa kasalanang sexual. Kasa sabi ni Paul sa v. 13, “…The body is not meant for sexual immorality but for the Lord…” Gusto ni Pablo na kumbinsihin sila sa nakagisnan nilang paniniwala na ang katawan ay para sa kahalayan at kalaswaan. Yung paniniwala na because it feels good it must be good. Yan ang deceitfulness ng kasalanan.
Mao-overcome lang natin yun kung titigilan na natin yung mga justifications na ginagamit natin para mabawasan yung guilt natin. Alam naman nating guilty tayo sa kasalanan natin, pero somehow, yung heart natin has this amazing capacity to convince our mind na okay lang ang ginagawa natin. Tulad nitong mga “slogans” o mga hugot nitong mga taga-Corinto noon.
1. “All things are lawful for me” (v. 12). Pwede kong gawin, meron akong karapatang gawin kung ano ang gusto kong gawin. Okay sige, sabi ni Pablo, pero tandaan mong “not all things are helpful.” But Paul says, “Not all things are helpful.” Hindi lahat ng gusto mong gawin ay makakabuti sa ‘yo. Tulad ng mga sexual sins, makasasama sa ‘yo ‘yan. Sa v. 18 sabi niya, after saying na layuan ang kasalanan, “Every other sin a person commits is outside the body, but the sexually immoral person sins against his own body.”
Malamang naman na di sinasabi ni Pablo dito na ang ibang kasalanan ay walang epekto sa katawan natin. Tulad ng katakawan, katamaran, may epekto ‘yan. Pero iba ang bigat ng sexual sins. Tulad na lang ng AIDS at iba pang sexually transmitted diseases. Pero kung maiwasan mo man yung mga sakit na ‘yan, ramdam na ramdam mo pa rin ang mga negative consequences ng kasalanan. Masarap sa una, pero sa bandang huli pagsisisihan mo. Ang iniisip mo lang yung sarap ngayon, hindi yung sakit na dulot nito bukas.
Meron pa siyang isang sagot sa hugot na “meron akong karapatang gawin kung ano ang gusto ko.” Sabi pa niya sa v. 12, “I must not become a slave to anything” (NLT). Akala mo ‘yan ang definition ng freedom. No. Slavery ‘yan, kapag controlled ka by your own passions. True freedom is found in obeying God, not in disobeying his will.
2. “Food is meant for the stomach and the stomach for food” (v. 13). Kailangan naman talaga nating kumain. At kinakain natin kung ano ang gusto natin at makakabuti sa atin. Hindi tayo mabubuhay na walang pagkain. Pero meron namang value ang fasting, tulad ni Jesus, sabi niya, “Man does not live by bread alone…” Kaya sagot ni Paul, “God will destroy both one and the other.” Pansamantala lang, not for eternity. Wag mong gawing misyon sa buhay ang pagkakaroon ng temporal satisfaction. Ganun din sa sex. It is good, yes. Pero wag mong isiping you need to have that in order to be satisfied. Jesus did not experience that pero siya ang pinaka-satisfied sa lahat ng tao na nabuhay sa mundo.
We are the Lord’s Possession
Gusto ng Diyos na mapalitan yung pananaw na “the body is for sexual immorality” ng pananaw na: “the body is for the Lord.” Yun bang masabi natin at mapaniwalaan with firm conviction: Ang katawan ko ay para sa Diyos. Ang buhay ko ay para sa Diyos. Ang lahat ng gagawin ko sa katawan ko at sa relasyon ko sa ibang tao ay para sa Diyos at ayon sa kalooban ng Diyos. “Walang sinuman sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang. Kung tayo’y nabubuhay, para sa Panginoon tayo nabubuhay…” (Roma 14:7 MBB).
Paul is not anti-sex. In chapter 7, we will see that. He was anti-sexual sins. Wag n’yong isiping kill-joy si Lord. Pagkatapos niyang sabihing “the body is for the Lord,” sinabi din niyang “and the Lord for the body.” God is all-out for your joy! “The chief end of man is to glorify God and enjoy him forever” (Westminster Shorter Catechism Q. 1).
You can trust him with your body. When you become a Christian, merong transfer ng possession. Itong katawan natin na akala natin dati ay pag-aari natin at we can whatever we want with it, pag-aari pala ng Diyos, and we are stewards of that. Ang tanong, will we trust God with our body? Na he is a good Owner. We can trust him na kung ano ang sinabi niyang mabuti, yun nga ang mabuti. Nagkawindang-windang nga ang buhay nang tao simula nang pagdudahan nina Adan at Eba ang kabutihan ng Diyos.
Fighting Sexual Sins with Christ-Centered Theology
But of course, ang lalim ng unbelief sa heart natin. Ang hirap nating kumbinsihin na “the body is for the Lord and the Lord for the body.” Gusto natin tayo pa rin ang may authority. Hindi lang problema ‘yan ng LGBT. Problema nating lahat ‘yan. Kaya tatlong beses, sa argument ni Paul, ang intro niya, “Do you not know…?” (vv. 15, 16, 19). Mula pa chapter 5, favorite na hugot na niya ‘yan. Emphasizing the importance of studying theology. Don’t say na boring ‘yan. Hindi dinaan ni Paul ang laban sa kasalanan just by telling stories, but by reminding them of precious Christ-centered doctrines.
1. Our resurrection with Christ. “And God raised the Lord and will also raise us up by his power” (v. 14). Bodily resurrection ang tinutukoy dito. The Lord is for the body. Kung paanong binuhay si Jesus mula sa mga patay, at hindi nanatiling kaluluwa lang, tayo rin bubuhaying muli. Hindi tayo mananatiling kaluluwa. God designed us to have bodies. Kapag sinabi ni Paul na God will destroy our body, ibig sabihin yung version of our body now. But one day, we will have glorified version ng body natin. Guaranteed yun ng resurrection ni Jesus. Then we will spend eternity with God. So, labanan natin ang temporal pleasures na alok ng kasalanan with “pleasures forevermore” (Psa. 16:11) of the resurrection.
2. Our union with Christ. “Do you now know that your bodies are members of Christ” (v. 15)? We are united with Christ, isa kay Cristo. Parang mag-asawa, hindi na dalawa kundi iisa. Ang mag-asawa united hindi lang physically, but also spiritually. Kay Cristo, we are united hindi lang spiritually, but also physically. Sex in a marriage covenant is a reflection of that, a shadow. Outside of marriage, no way! Kaya ginamit niyang case in point yung sex with a prostitute. “Shall I then take the members of Christ and make them members of a prostitute? Never!” That’s the strongest negative sa Greek, me genoito! No way! No way! No way! Kung yung asawa mo hawak mo ang kanang kamay, okay lang sa ‘yo na may hawak siya sa kaliwang kamay na ibang babae o lalaki? If you share your bed sa asawa mo, okay lang ba na katabi rin niya sa kama yung kabit niya? Papayag ka?
Tulad sa marriage, we have an exclusive relationship with Christ. Kaya sa vv. 16-17 ginamit niya yung salitang “joined” 2x, ibig sabihin “cleave, glue, hold fast,” dikit na dikit di dapat paghiwalayin. Joined (2x, joined to a prostitute in v. 16, joined to the Lord in v. 17). “Or do you not know that he who is joined to a prostitute becomes one body with her? For, as it is written (in Gen. 2:24), ‘The two will become one flesh.’ But he who is joined to the Lord becomes one spirit with him.” Yung oneness, unbreakable intimacy in marriage is a reflection of unbreakable intimacy we have in Jesus. Physical intimacy in marriage (“one flesh”) a reflection of spiritual intimacy (“become one spirit with him”) with Jesus. Malalabanan mo ang adultery kung iisipin mong mabuti ang meaning ng marriage. Malalabanan mo ang sexual sins kung iisipin mo ang meaning ng relationship mo with Christ.
3. Communion with Christ. “Or do you not know that your body is a temple of the Holy Spirit within you, whom you have from God” (v. 19)? Kapag sinabi ni Lord na di dapat ang sex outside of marriage, tapos wala ka pa namang asawa o kung meron man di ka naman masaya sa asawa mo, feeling mo pinagkakaitan ka ni Lord ng isang mabuting bagay, akala mo madamot siya, akala mo pinapahirapan ka. No. If you are a Christian, ibinigay na sa ‘yo yung best gift, namely, himself. Nasa ‘yo ang Holy Spirit, the third person of the Trinity. Ang katawan natin ay “temple of the Holy Spirit,” think about that! God is with you, yes. But more than that, God is inside of you!
Tingnan mo ang implication nito in the way you use your body. Yung temple ng mga Jews, dapat na sacrifice lang ay yung acceptable na lamb or other animals, hindi pwede ang baboy. Kaya nung time ng mga Maccabees, during the 400 years of silence between OT and NT history, yung Gentile king na si Antiochus ay nag-offer ng baboy sa loob ng templo. Nagkaroon ng revolution dahil sa ginawa niya. That’s desecration of the God’s temple.
Kapag binababoy mo ang katawan mo, binababoy mo rin ang Diyos na nasa ‘yo. We must be zealous tulad ni Jesus na itinaboy ang mga bumababoy sa templo nung panahon niya. Kasi the temple is a house of prayer, a house for communion with God. Ang katawan din natin for communion with God, for glorifying God. Our eyes are for seeing the glories of Christ, not nudity and porn. Our hands are for serving others, not for self-gratification. Our mouth is for praising God, not for kissing someone not your spouse. Your body is for the Lord.
4. Our redemption by Christ (6:19-20). “You are not your own, for you were bought with a price. So glorify God in your body.” Yung salitang “bought” (from agorazo) ay market language, particularly yung slave market. Dati kang alipin ng kasalanan, ngayon binili ka na, purchased, freed. Tulad ni Gomer na asawa ni Hosea. Nagtaksil sa kanya, naalipin, nagdusa. Hindi niya pinabayaan. Tinubos niya, pinalaya siya, para bumalik sa kanya. We are bought, redeemed by the precious blood of Jesus. Malaya na tayo. Hindi para gawin mo kung ano ang gusto mo. You now belong to a new Master, ready and willing to do his will. Malaya ka na, go and sin again? No, go and sin no more! Kung nagkakasala ka, nakakalimutan mo ang ginawa sa ‘yo ni Cristo (gospel) at kung sino ka na ngayon dahil sa kanya (gospel identity): “…you were washed, you were sanctified, you were justified in the name of the Lord Jesus Christ and by the Spirit of our God” (v. 11).
Applying the gospel to our hearts
Ano ang sinasabi sa atin ng Diyos ngayon? Layuan ang kasalanan, especially sexual sins, at gamitin ang katawan natin for his glory. Bakit? Kasi pag-aari na tayo ng Diyos, we are the Lord’s possession. At nakakabit dito ang ilan pang mahahalagang gospel truths na dapat nating tandaan as we fight against sexual sins – our future resurrection with Christ, our exclusive union with Christ, our intimate communion with Christ, and our precious redemption by Christ.
Kung may relationship ka sa isang unbeliever, kung engaged ka sa pre-marital sex with your boyfriend, kung may karelasyon ka ngayon na hindi mo asawa, kung addicted ka sa porn, kung may kalaswaan sa isip mo, run, run, run. Kumaripas ka ng takbo palayo sa kasalanan. At dali-daling kang tumakbo mo palapit kay Cristo. ‘Wag kang mahiya, kahit marumi ka pa, kahit mabaho ka pa dahil sa paglublob mo sa babuyan. Yayakapin ka niya. At ang pagyakap niya sa ‘yo mas mahigpit pa kesa sa pagkapit mo sa kasalanan.
Maybe hindi naman sexual ang struggles mo, may you have gospel-driven compassion sa mga kasama natin sa church na sexually broken. Wag mo silang itulak palayo. Pakinggan mo ang kuwento nila. Tanggapin mo sila bilang kapatid kay Cristo, without tolerating their sins. Kung ang struggle nila homosexuality, ang goal mo sa pagdidisciple sa kanila ay hindi para gawin silang “straight.” Kung ang struggle nila ay porn addiction, ang goal mo sa kanila ay hindi para maging “sober” and free from porn. Ang goal mo sa pagtulong sa kanila ay mailapit sila kay Cristo at masabi nilang wala nang hihigit pa sa satisfaction we have in Jesus.
And to all of us, ‘wag mong isiping hindi ka na makasalanan kasi wala na ang ganitong mga struggles sa ‘yo. Be careful about pride and self-righteousness slowly creeping inside your heart. Delikado rin ‘yan. Papatay din sa ‘yo ‘yan. May we always remember that we are great sinners, until now, but we have a great Savior, his name is Jesus. Ang buhay natin ay dahil sa kanya. Ang buhay natin ngayon ay para sa kanya. Ang buhay natin ay ang makasama siya forever and ever. One day, sex will be no more, sexual sins will be no more. All we have is Christ. And he is more than enough for us, for all of us.
One day, sex will be no more, sexual sins will be no more. All we have is Christ. And he is more than enough for us, for all of us.
Tweet