download mp3 | audiomack | YouTube
Magsisimula na tayo ngayon na isa-isahin itong Sampung Utos. Last week, I have laid down the foundation kung paano natin dapat tingnan ang Sampung Utos. Yung una, ito ay mga salita ng Diyos. Dapat pakinggan, dapat pag-aralan at intindihing mabuti, dapat sundin. Let us pray for submissive hearts for all of us throughout this series. Yung huli, ito ay mabuting regalo ng Diyos para sa ‘yo. Personalan ang Diyos sa bawat isa sa atin. So, let us pray na maging receptive tayong lahat sa kung ano ang sasabihin ng Diyos, and also grateful for these words of grace.
Totoo namang bawat utos ay reflection ng righteousness at holiness ng Panginoon. Pero dapat din nating tandaan na ito ay ibinigay sa Israel and for us sa church today in the context of God desiring a love relationship with us. Kaya dun sa prologue ng 10 Utos sa Exodus 20:1-2, kung san tayo nagfocus last week, ipinapaalala ng Diyos kung sino siya at ano ang ginawa niyang pagliligtas para sa kanila. This is the basis of the 10 Commandments. As if God is saying, “This is how much I love you.” So, in response to that, we love God with all our heart. Yun ang great and first commandment (Matt. 22:37; Deut. 6:5). Yun ang essence ng unang utos – “You shall have no other gods before me” (Exod. 20:3). Yun din ang essence ng first four commandments.
God loved us. We love God. And out of that love, we love others. Yung vertical relationship natin with God affects our horizontal relationships. Yun ang second great commandment – Love your neighbor as yourself (Matt. 22:38; Lev. 19:18). Yun din naman ang nakasulat sa commands 5-10. We love – we love God, we love others – because God first loved us (1 John 4:19).
Kung nakikita natin ngayon na itong mga utos na ‘to ay in the context of our love relationship with God, makikita natin kung gaano ka-crucial na pag-aralan natin ‘to at tulung-tulong na makasunod sa mga utos ng Diyos. Mas maiintindihan natin ‘to kung gagamitin nating guidelines every sermon for every commandment yung nos. 2-6 na points ko last week – kung paanong bawat utos ay nagtuturo tungkol sa Diyos, sa puso natin, kay Jesus, sa relasyon natin sa Diyos, at sa pang-araw-araw na buhay natin. I hope na habang tinuturuan ko kayo ng Salita ng Diyos, nasasanay din kayo kung paano pag-aralan ang salita ng Diyos – for you will find in all Scripture more details, explanations, stories and illustrations of each commandment.
At heto ang una, at siyang pinakamahalaga sa sampung utos, “Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.” Makikita mong paulit-ulit ang ganyang utos all throughout the Old Testament. Katatapos pa lang dito sa Exodus 20, inulit na agad sa 22:20; 23:13, 24. Para tayong mga batang ayaw makinig, ang hinang umintindi, at matigas ang ulo. Sa New Testament, valid pa rin ‘yang command na ‘yan. Hindi tulad ng ibang parents na naiiba ang utos ‘pag matigas ang ulo ng bata o nadaan sa kaiiyak. As long as God is God, that command remains in place. Walang amendment, walang charter change. “Mga anak, lumayo kayo sa mga diyus-diyosan” (1 Jn. 5:21). “Kaya nga, mga minamahal, huwag kayong sasamba sa mga diyus-diyosan” (1 Cor. 10:14).
Meaning of the first commandment
Ano ang meaning ng first commandment? Bawat isang utos kasi merong dalawang sides. Merong negative, yung ipinagbabawal ng Diyos na gawin (forbidden). It’s a no, no, no for God. Tulad dito, wag sasamba sa ibang diyos. Pero meron ding implied na positive command, yung gusto ng Diyos na dapat nating gawin (required). Kailangang pag-aralan din natin ‘to. Madalas kasi sa mga parents laging “No” ang naririnig ng mga bata, dapat we affirm din kung ano ang “Yes” na katumbas ng ipinagbabawal natin.
Ano ang “forbidden”? Kasama dito yung atheism, o yung di naniniwala na merong Diyos. The fool says in his heart, “There is no God” (Psa. 14:1). Yung iba naman, di naniniwala na walang Diyos, di rin naman naniniwala na merong Diyos, imposible daw na malaman kung meron o wala. Agnosticism naman yun. Pero parang atheists din ‘yan, walang pakialam kung may Diyos ba o wala. Yung iba naman naniniwala na may diyos, kaso napakaraming mga diyos. Polytheism ‘yan, tulad ng mga Hindus. Meron din naman naniniwalang isa lang ang Diyos, tulad ng Islam at Judaism. Pero hindi sila naniniwala na si Jesus ang full revelation of that one God. Monotheism nga, pero false religion pa rin. Christianity is the only true religion. Mga Cristiano lang talaga ang makakasunod sa unang utos.
Ano ang “required”? Kung hindi tayo dapat sumamba sa ibang diyos or any false or distorted version of this one true God, ibig sabihin – ang nais ng Diyos ay kilalanin natin kung siya, sambahin natin siya, mahalin natin siya, pagtiwalaan natin siya, sundin natin siya. Not as one among many, but exclusively. The essence of the first commandment is our exclusive, whole-hearted devotion to this one true God. Na ipamuhay natin ang buhay natin – as created in his image – para bigyan ng karalangan ang pangalan niya. The big question, then, is “why”?
God – He is the only true God.
The short answer is: Because he is the only true God. Kung ang second point ng guide natin sa pag-aaral ng 10 Utos ay kung paano ito nagpapakilala kung sino ang Diyos, then malinaw na malinaw dito sa unang utos. Sinasabi ng Diyos na wag tayong sasamba sa ibang diyos at siya lang ang dapat sambahin, dahil wala namang ibang diyos maliban sa kanya, bukod sa kanya. Para bang si Eba na sinasabi kay Adan, wag kang magkakaroon ng ibang babae maliban sa akin! Wala namang ibang babae noong una, aso meron, pero tao wala.
Tapos sa prologue din sabi niya, “Ako si Yahweh, ang iyong Diyos…” Wala namang ibang Creator maliban sa kanya. Wala namang ibang Redeemer ang Israel maliban sa kanya. “Hear, O Israel: The LORD our God, the LORD is one. You shall love the LORD your God with all your heart and with all your soul and with all your might” (Deut. 6:4-5). Pagdating sa Diyos, di mo pwedeng kantahin yung “sana dalawa ang puso ko” kasi isa lang naman ang Diyos na lumikha sa puso mo na merong “God-sized void that only God revealed in Jesus can fill” (Blaise Pascal). Sinasabi niya, “Besides me there is no god” (Isa. 44:8; cf. 45:5, 6, 18). Dapat nating sabihing, “You alone are God” (Psa. 86:10); there is “no other besides him” (Deut. 4:35, 39).
At walang anuman sa kanyang nilikha ang makapapantay sa kanya. Wala siyang katulad. The Creator will always be greater – infinitely greater – than any of his creation. Na-witness ng Israel ‘yan after the exodus event, kaya umawit sila sa pagsamba, “Who is like you, O LORD, among the gods? Who is like you, majestic in holiness, awesome in glorious deeds, doing wonders” (Exod. 15:11)?
Dahil siya lang ang nag-iisang Diyos, at dahil wala siyang katulad, gagawin niya ang lahat ng dapat niyang gawin to protect the honor of his name. Kaya sabi niya na reason sa ika-2 utos, na related naman din sa first, na siya’y “mapanibughuing Diyos” (Exod. 20:5; cf. Deut. 6:13-15). He is a “jealous God” o ayaw niyang may sinasamba tayong iba (ASD). “Hindi ko ibibigay kaninuman o sa mga dios-diosan ang aking karangalan at mga papuri na para sa akin” (Isa. 42:8 ASD). May mga bagay na masaya at saganang ibinibigay sa atin ang Diyos. Pero ang pagsambang para sa kanya lang, that is not meant to be shared.
Sinful condition – We have other gods.
Wala nang ibang diyos maliban kay Yahweh. Malinaw ‘yan sa unang utos. Alam natin ‘yan. Pinaniniwalaan natin ‘yan. But our hearts are such an idol factory (John Calvin). Kung paanong nagpapakilala ang Diyos sa unang utos, ito rin ay sumasalamin sa makasalanang kalagayan ng puso natin (guideline #3). Iniuutos ‘to ng Diyos dahil kahit na siya lang ang nag-iisang Diyos, meron pa tayong ibang kinikilala, sinasamba, minamahal, pinagtitiwalaan, at sinusunod na ibang diyos maliban sa kanya. We are all guilty of violating this first commandment.
Hindi ka naman atheist, kasi nandito ka nga kasi naniniwala ka na merong Diyos. But you are worshipping God every Sunday, pero Monday to Saturday para kang practical atheist. Gumigising ka sa umaga, Facebook nang Facebook, papasok sa eskwelahan, sa trabaho o magbubukas nang tindahan na di man lang iniisip ang Diyos, di man lang nananalangin sa Diyos, di man lang nagpapasalamat sa kanya, di man lang kumukonsulta sa salita niya sa mga desisyong gagawin mo.
Sumasamba ka nga sa iisang Diyos (monotheism), and you worship Jesus as a Christian. Nasa true religion ka nga pero everyday you are like a practical polytheist. And dami-daming idols sa heart natin. Hindi mo masasabi, kahit Christian ka na, na tinalikuran mo nang tuluyan ang pagsamba sa mga diyus-diyosan. Anong idols? “Anything or anyone we love more than God, trust more than God, or obey more than God” (JD Greear). Usually, they are just good things na binigay sa atin ni Lord for his glory and for us to enjoy. Pero ginagawa nating substitutes or additives kay God, as if these things can give us yung satisfaction, security, and significance that only God can give.
Halimbawa, yung mga possessions na meron ka ngayon o pinapangarap mong magkaroon. Like more money sa bank account, mas mataas na posisyon sa trabaho, bahay, kotse, or gadgets. Wala namang masama to have those things. Pero kung yung security mo o yung identity mo o yung happiness mo nakatali na sa mga bagay na yun at kung mawala sa ‘yo o hindi mo makuha you will feel insecure, you will feel insignificant, you will feel unsatisfied, then that’s idolatry.
Or, yung mga bagay na nagbibigay ng pleasures sa atin. Like relationships, sa family, sa kaibigan, sa sexual relationships (in marriage!). Or sa pagkain o inumin. O sa entertainment, movies, computer games. Nothing bad in themselves, pero kung nagiging compulsive, o addictive, o dependent tayo sa sinumang tao o anumang bagay na given by God for us to enjoy, and believe na kung makukuha lang natin ang mga yun, ma-iindulge ang appetites or desires natin, we will be happy. Pero kung mawala ang mga yun o di natin makuha, we will feel lonely and miserable. Then that’s idolatry.
Or, yung mga bagay na nagbibigay sa atin ng sense of power and significance. Like yung posisyon sa trabaho, o yung titulo sa pangalan, o yung mga accomplishments sa school or sa work. Or yung attachment sa isang political figure like the president. Or even ministry involvement or influence sa church. They are good things. Pero kung yung identity mo nakatali dun sa performance mo o success mo sa family, work or ministry, then that’s idolatry.
Pera man, o sex, o social status ay nagiging idol kung they are “things that take the place of God in daily life. The reason we have trouble recognizing our own private idolatries is not because we don’t have false gods anymore, but because we have so many” (Philip Graham Ryken)! Yan ang gustong ipamukha sa atin ng Diyos sa unang utos niya. Kasi ipinamumukha naman natin sa kanya ang mga idolatry natin araw-araw. Yung “maliban sa akin” sa English ay “before me”. Literally, sa Hebrew ito ay “before my face” – pwedeng ibig sabihing “sa harap ko” o “maliban sa akin” or pwedeng pareho. Kasi di naman natin matatago sa kanya ang idolatry natin. Hindi alam ng iba, baka di mo nga rin alam. Pero alam niya. Parang sinasabi niyang, “I have given you a lot of good things in my creation to enjoy and use for my glory. But not to worship and treat as God-substitutes, God-additives. And you’re doing it everyday, in my face.” Para kang isang lalaking nakikipagtalik sa isang babaeng hindi niya asawa sa harap mismo ng asawa mo.
Kapag ang isang mabuting bagay ay ginagawa nating diyos, nauuwi ‘yan sa lahat ng uri ng gawang masama. Bago mo pa suwayin ang ibang mga utos, nasuway mo na ang una. Kapag sinuway mo ang una, you have broken all of God’s commands. Both the first and the last (“You shall not covet.”) sa Sampung Utos ay matters of the heart, reminding us na ang pagsuway sa mga utos ng Diyos ay hindi lang behavioral problems, but heart problems. At itong first command ay hindi lang first in a series of commands, dito rin nakasalalay ang pagsunod sa lahat ng mga utos.
Sa ika-10, tawag ni Paul sa covetousness ay idolatry din (Col. 3:5). Bakit? Kasi pinagnanasahan mong maangkin ang hindi sa ‘yo o hindi para sa ‘yo, you fail to believe that God is enough and he is good for you. Nagsisinungaling ka (No. 9) kasi you value your self-image, saka yung self-interest mo more that God’s glory. Nagnanakaw ka (No. 8) kasi gusto mong makuha ang isang bagay na pinaniniwalaan mong ayaw ibigay ng Diyos sa ‘yo. Nangangalunya ka (No. 7) kasi hindi ka nasisiyahan sa marriage or singleness na bigay ng Diyos para sa ‘yo. Pumapatay ka (No. 6) kasi inilalagay mo sa kamay mo ang authority over the life of another na dapat ay sa Diyos lang. Hindi ka gumagalang sa magulang mo (No. 5) kasi hindi mo iginagalang ang Diyos na nagbigay ng authority nila over you. Hindi mo pinapahalagahan ang araw ng pagsamba at pamamahinga (Sabbath) (No. 4) kasi mas mahalaga sa ‘yo ang trabaho, negosyo, bakasyon, pamamasyal o pagtulog hanggang tanghali. Ang ugat ng bawat pagsuway sa bawat utos ng Diyos ay ang pagsuway sa unang utos. We break the first commandment all the time.
At kahit sa pagsisikap nating sumunod sa mga utos niya, when we are doing that with wrong and selfish motivations, o with desires greater than that of desire for God, guilty pa rin tayo ng idolatry. Kapag sumusunod ka para mas maging healthy, o mapromote sa trabaho, o maging prosperous, then you are turning wealth and health as gods. You see, the first commandment reveals that the problem of our heart is far deeper than any of us realize. Buti na lang meron tayong Savior.
Jesus – He rescued us from slavery to idols to bring us to God.
Ang unang utos ay nagtutulak sa atin palapit kay Jesus na ating Tagapagligtas (#4 guide). He is the point of the first commandment. Yung saving event na ginawa ng Diyos for Israel sa Old Testament…looking forward to Jesus. Iniligtas ang Israel from Egypt hindi dahil committed sila to worship the one true God. Ang totoo, they are deep in idolatry sa Egypt. Maraming idols dun. Kahit sabihan sila ng Diyos na talikuran yun, they did not “forsake the idols of Egypt” (Ezek. 20:7-8). Pinadala niya ang 10 salot as judgments “on all the gods of Egypt” (Exod. 12:12). Para patunayang siya lang ang Diyos. God rescued them from slavery to idols to worship him alone. Pero paulit-ulit ang pagsamba nila sa mga false gods. Ang buong kasaysayan ng Israel ay history of idolatry. And it is the same with our life story.
Kaya dumating si Jesus. He is the fullness of the revelation of God’s glory (John 1:1, 14). Nanahan ang Diyos kasama natin. Emmanuel, God with us. Tunay na Diyos siya. Tunay ring Tao na nagpakita sa buong buhay niya na siya ay fully devoted sa glory ng Diyos Ama. Mula pagkabata niya, he was zealous for the worship of God. Pinalayas niya ang mga nagtitinda sa templo because he was zealous for “the house of prayer.” Lahat ng utos ng Ama sinunod niya. Sinabi niya na ang pagkain niya, ang satisfaction niya ay gawin ang kalooban ng nagsugo sa kanya. Kahit di siya tantanan ni Satanas sa pagtukso para sumamba sa pagkain (pleasure), sa kayamanan ng mundo (possessions), at sa kapangyarihan (power), ni hindi siya nagkasala. Si Jesus lang ang nakasunod nang buung-buo sa first commandment. Siya lang ang nagmahal sa Diyos nang buong puso.
Pero kahit na hindi siya lumabag sa utos ng Diyos, inaresto siya, pinaratangan siya ng blasphemy, for claiming to be equal with the Father. Para sa kanila violation yun ng unang utos. Death penalty ang parusa. Ipinako siya sa krus, namatay at inako ang parusa na nararapat sa paglabag natin sa unang utos. Sa ikatlong araw, muli siyang nabuhay. Siya lang ang namatay at nagbigay ng kanyang buhay para sa ‘yo – hindi ang magulang mo, hindi ang boyfriend mo, hindi ang asawa mo, hindi ang sinumang tao sa mundo. Siya lang ang Tagapagligtas mo, siya lang ang Daan, siya lang ang Katotohanan, siya lang ang Buhay, siya lang ang makapaglalapit sa ‘yo sa Diyos. Wala nang iba.
New Creation – In Jesus, we love, honor, trust, and obey God above everything and everyone.
Dahil kay Jesus, meron na tayong bagong relasyon sa Diyos (#5 guide). We are now a new creation (2 Cor. 5:17). Sa biyaya ng Diyos, dahil sa Espiritu na nasa atin, meron na tayong power na talikuran ang anumang idols sa heart natin and embrace God as the all-satisfying Treasure of our hearts. Yun naman ang promise niya sa New Covenant, “From all your idols I will cleanse you” (Ezek. 36:25). Dahil si Jesus at ang ginawa niya sa krus ang katuparan nitong New Covenant, we can only obey the first commandment in Jesus who fulfilled this law.
Makikilala lang natin ang tunay na Diyos kung kikilalanin natin si Jesus. At mas makikilala natin siya kung bibigyang pansin natin ang Salita niya, ang Bibliya. At habang mas nakikilala natin siya, we love him. And if we love Jesus, we also love God. And if we love God we want to honor and worship him. We do that by honoring and worshipping Jesus. At kung nagtitiwala tayo kay Jesus, nagtitiwala din tayo sa Ama. If we follow Jesus as his disciples, we submit and obey God. Hangga’t lumalalim ang relasyon natin kay Jesus, mas nagiging mainit ang intimacy natin with God. At maaawit mong, “Give me Jesus. You can have all this world, but give me Jesus.”
Maipapamuhay lang natin ang first commandment if we are fully devoted disciples of Jesus. At hayaan nating ito ang gumabay sa atin sa pang-araw-araw na buhay (#6 guide). Halimbawa, nabalitaan mong 900 million pesos na ang jackpot sa lotto. Pipila ka ba, tataya, gagastos ng bente pesos kada numero, sasabihin sa sarili mong for charity naman ‘yan, ‘pag nanalo kahit kalahati ibibigay sa church at sa missions. Kahit na alam mong only 1 in 45 million ang chance mo na manalo. Magbabaka-sakali ka ba ang place your future, your security, your satisfaction sa lottery results o ipagkakatiwala sa Diyos ang financial security mo at sa pangako niyang iprovide lahat ng kailangan mo as you work hard and steward well all the resources he has given you? Sa Diyos lang naman siento-porsyento garandisado ang panalo mo. Sabi niya sa Psalm 81:9-10, “Wag kang magtiwala sa mga diyus-diyosan (tulad ng lotto). Ako ang Diyos na nagligtas sa ‘yo. Open your mouth wide, and I will fill it.”
Ito rin ang itinuturo ng Diyos sa amin ni Jodi. Almost two years na siya sa World Vision. Magandang trabaho, ministry din kasi about discipleship of children ang focus niya. Maganda rin ang sweldo. Malaking tulong talaga sa amin. Pero recently, medyo nagiging hectic ang schedule sa mga travels. Very stressful, nakakaapekto rin sa family namin. We believe na sinasabi ng Diyos na magresign na siya. Pero nahirapan din kami sa decision. Kasi there is a part in our heart na we get our security sa trabaho and sufficiency sa maraming pera. Resigned na si Jodi. Ilang days na lang sa work. Heto na naman si Lord, gumagawa ng paraan para tanggalin ang mga idols pa sa heart namin at patunayang siya lang talaga ang sigurado at sapat sa lahat ng pangangailangan natin.
Ikaw naman kaya? Merong ipinapagawa sa ‘yo ang Diyos, pero hindi ka makasunod. What is that idol holding you back? O merong inutos ang Diyos, pero sinuway mo. What is it that is more important to you? Tulad ng sabi ni Joshua (24:14-15) sa Israel nang makarating na sila sa Promised Land, mamili kayo ngayon kung sino ang sasambahin n’yo. Ang mga diyus-diyosang (mga functional gods and saviors) matagal na ninyong kinakapit o ang Panginoong Jesus? But as for me and my family, Jesus is infinitely better, so we will serve the Lord, worship the Lord, love the Lord, trust the Lord, obey the Lord.