Narito ang ilang mga tanong na pwede mong itanong sa sarili mo o itanong sa mga kasama mo sa fight club (discipleship/accountability group) para makita ang unbelief na nasa ilalim ng mga kasalanang ginagawa natin at kung paanong kahit ang mga mabubuting bagay ay nagiging pamalit natin sa Diyos (idolatry). Sa pamamagitan nito, mas makikita natin ang laki ng biyaya at pagpapalang tinanggap natin dahil kay Cristo.
Repentance is not true repentance unless it is specific and intelligent. We don’t sin in the abstract; we sin in concrete, particular ways. Since that is true, we need to take an honest look at our lives— both heart and behavior. Spiritual awareness is a blessing. Through it, we can experience change. Use these questions to turn away from idols and turn to the mercy and power of Christ. As you do, don’t forget that you are married to Christ. His assets are your assets. Your sin has been dealt with at the Cross and you don’t have to be afraid to take a good look at yourself! (Timothy S. Lane and Paul David Tripp, How People Change, page 162)
- Ano o sino ang pinakamamahal mo? Meron ka bang minamahal nang higit sa Dios?
- Ano ang gusto mo? Ano ang hinahanap-hanap at pinapangarap mo? Kaninong gusto ang sinusunod mo?
- Ano ang gustung-gusto mong makuha? Anu-ano ang mga personal expectations and goals mo? Anu-ano ang intensyon mong mangyari? Ano ang pinagtatrabahuhan mong mabuti?
- Saan mo inilalagak ang pag-asa mo? Ano ang pag-asang pinagsisikapan mo o iniikutan ng buhay mo?
- Ano ang kinatatakutan mo? Ang takot ay kabaligtaran ng pagnanais. Halimbawa, kung ninanais ko ang pagtanggap mo, kinatatakutan ko naman ang rejection mo.
- Ano ang feel mong gawin? Pareho din ito ng pagnanais mo. Minsan gusto nating kumain ng isang galon ng ice cream, o mahiga lang maghapon sa kama, o tumahimik lang, atbp.
- Ano sa tingin mo ang kailangan mo?
- Anu-ano ang mga plano mo, istratehiya, at intensyong matapos? Ano talaga ang hinahanap mo sa mga sitwasyon at relasyon mo sa buhay? Ano talaga ang pinagtatrabahuhan mong makuha?
- Ano ang nakapagpapasigla sa iyo? Saan umiikot ang buhay mo? Ano ang kinasasabikan mo sa buhay?
- Kapag may problemang kinakaharap o kakaharapin, saan ka kumukuha ng peace, strength and comfort? Kapag natatakot ka, nadidiscourage, o naiiinis, saan ka tumatakbo? Sa Diyos ka ba tumatakbo o sa ibang bagay tulad ng pagkain, ibang tao, trabaho, sexual fantasies, o sa desire mong i-isolate ang sarili mo?
- Sa ano ka nagtitiwala? Kinukuha mo ba ang kapahingahan mo sa Diyos? Nagiging lubos ba ang pagkatao mo sa presence and promises niya? O hinahanap mo ito sa ibang bagay o ibang tao?
- Kaninong performance ang mahalaga sa iyo? Makikita sa sagot sa tanong na ‘to ang self-reliance at self-righteousness mo. Nalulungkot ka ba nang sobra (depressed) kung nagkakamali ka o pumapalpak sa isang gawain o proyekto? Nakatali ba ang pag-asa mo sa ibang tao? Masyado ka bang nakadepende sa magagawa ng asawa mo, mga anak o mga kaibigan?
- Sino ang tingin mong dapat ay napi-please mo? Kaninong opinyon ang pinakamatimbang sa iyo? Kanino mo kinukuha ang approval o pagtanggap na hinahanap mo? Sino ang kinatatakutan mong mag-reject sa iyo?
- Sinu-sino ang itinuturing mong “idol” o role models? Sino ang hinahangaan mo? Sino ang gustong mong maging katulad?
- Anu-ano ang inaasahan mong di mawawala sa buhay mo? Ano sa tingin mo ang dapat na palaging meron ka? Ano o sino ang nasa iyo na kapag nawala ay feeling mong wala nang saysay ang buhay mo?
- Ano ang sukatan mo ng pagiging “successful”? Standard ba ng Diyos o ayon sa sinasabi ng ibang tao? O ng posisyon mo o abilidad mo o itsura mo o accomplishments mo?
- Ano ang nagbibigay sa iyo ng pakiramdam na mayaman ka, secured ka, at blessed ka? Anong bagay o karanasan ang nagbibigay sa iyo ng kasiyahan? Ano ang itinuturing mong “treasure”?
- Ano ang magbibigay sa iyo ng lubos na kasiyahan o ng matinding kalungkutan?
- Sino ang inaasahan mong makagagawa para mas maging maganda ang takbo ng buhay mo (sa government, sa bahay, sa trabaho o sa church)?
- Sa anong sitwasyon nararamdaman mo ang pressure o pagka-tense? Kailan mo naman nararamdamang kumpiyansa at relaxed ka? Kung pressured ka, saan ka tumatakbo? Ano ang iniisip mo? Ano ang kinatatakutan mo?
- Ano ang madalas mong ipinagpepray? Hindi dahil nagpepray ka ay espirituwal ka na. Minsan, makikita sa prayers natin ang mga idols sa puso natin, mga patterns ng pagiging self-centered natin, self-righteousness, materialism, takot sa tao, atbp.
- Ano ang madalas mong iniisip? Ano ang madalas na gumugulo sa isip mo?
- Ano ang madalas mong ikinukuwento sa iba? Sinasabi ng Bibliya na kung ano ang nasa puso natin, lumalabas sa bibig natin.
- Paano mo ginagamit ang oras mo? Anu-ano ang priorities mo sa araw-araw? Anu-anong bagay ang pinaglalaanan mo ng mas mahabang oras?
- Anu-ano ang mga pinagpapantasyan mo, o mga bagay o tao na gusto mong makuha o maranasang makasama?
- Anu-ano ang mga idols na ipinapalit mo sa Diyos? Saan nakalagak ang tiwala at pag-asa mo? Sino ang itinuturing mong magliligtas sa iyo, magiging solusyon sa problema mo, hahawak sa iyo? Kaninong boses ang kumokontrol o nagbibigay direksyon sa buhay mo?
- Sa paanong paraan namumuhay ka para sa sarili mo?
- Sa paanong paraan namumuhay ka na parang alipin ni Satanas? Saang bahagi ng buhay mo mas madali kang mapaniwala sa mga kasinungalingan niya?
- Tuwing kailan mo nasasabing, “Kung ganito lang sana… (If only…)? Makikita sa sagot na ito ang pinapangarap nating buhay. Masasalamin din dito ang mga bagay na kinatatakutan nating mangyari. Ipinapakita rin nito kung anong mga bagay ang kinaiinggitan natin sa iba. Masasalamin dito ang mga bahagi ng buhay na di natin gusto at kung ano ang pinakananais nating makuha o mangyari.
So, use these questions to confess your sins and bring your idols to the light. Madi-discover n’yo na your idols that you hold so dear for so long will always disappoint you. Then, pag-usapan n’yo si Jesus at kung paanong siya at ang ginawa niya para sa atin ay infinitely better than all our idols put together. And he will never disappoint. Not ever.