download mp3 | audiomack | YouTube
Nakakaisa pa lang tayo sa Sampung Utos last Sunday. Ang iba sa inyo nagsabi na sa ‘kin na ang hirap pala, masakit pala sa puso, parang ayaw nang bumalik. Ganun din naman ako as I was preparing for that sermon. Mahirap pala ‘to. Masakit pala. Bubugbugin ka pala talaga. Bakit ba napasok ko pa ‘tong sermon series na ‘to? But as we all know and experience, dito natin mas lalong naiintindihan ang laki ng biyaya ng Diyos sa atin. The more you feel terrible about your sin, mas lalong nagiging incredible and amazing ang gospel. And as we go deeper sa idolatry sa heart natin, we will grow deeper into the gospel. That is when we will experience true heart transformation.
Lalo na kung may kinalaman sa worship, dahil yun ang pinakamahalaga, yun ang priority. All of life is worship. Lahat ng tao worshippers. Ang question na ina-address sa unang utos ay kung sino ang dapat sambahin. “You shall have no other gods before me.” Ang Diyos lang, wala nang iba. There should be nothing or no one that we love more than him, trust more than him, and obey more than him. Yung second naman, related din dito, “Wag kang gagawa ng imahen…para sambahin.” Sinasabi niya, “Ako lang ang sambahin mo, wala nang iba, at sambahin mo ako sa tamang paraan.” The first teaches us who to worship. The second how to worship him.
Kung mapapansin mo ang version sa Roman Catholics, yung one and two pinagsama sa first commandment at yung first lang ang makikita mo. Yung number 10 naman hinati sa dalawa. I don’t know exactly yung intention nila. Pero hindi mo pa rin maiiwasan yung second kahit isama mo pa sa first yun. Actually, ina-address naman yun sa catechism nila. Kaso ang paliwanag nila siyempre, they are not worshipping idols. Yun daw mga images ay way to worship God through them. Kahit ano ang ganda ng paliwanag nila, kahit good intentions pa, they are still violating yung sinabi ni Lord sa commandment niya na wag gagawa ng kahit anong images para sambahin o gamitin sa worship.
Tayo namang mga evangelical Christians, we are quick to condemn them, tapos tingin natin tayo ang righteous, tayo ang sumusunod sa second commandment. Tama nga na ipaliwanag din natin sa kanila how they violate God’s commands, pero hindi sa paraang ipinamumukha natin sa kanila na tayo ang lawkeepers. Ang tanong, nakasunod ba tayo sa second commandment? Hindi rin ba tayo gumagawa ng mga images for worship na paglabag sa utos ng Diyos? We cannot answer directly yung question na ‘yan kung di natin huhukayin ang ugat niyan, kung saan nanggagaling ‘yan.
True worship is rooted in who God is.
Again, as we emphasize over and over again sa series, bawat command ay expression ng holy character ni God. Sinabi niyang, “You shall not make for yourself a carved image…you shall not bow down to them or serve them…” Bakit? Kasi, worship must be done in a way that is consistent with God’s character and according to his will expressed in his Word. Sinabi nga niyang bawal, gagawin mo pa. Hindi nga tayo makagagawa ng any image na tutulad o lalapit man lang sa pagkakatulad kung sino ang Diyos. Hindi mo maitutulad ang isang infinite Creator-God sa anuman o sinuman sa nilikha niya.
Halimbawa, medyo nagtagal ang retreat ni Moises sa tuktok ng bundok para makipag-usap sa Diyos. Nainip na ang mga tao. Kaya lumapit sila sa kapatid niyang si Aaron – na siyang high priest at worship leader ng Israel – at sinabi, “Up, make us gods who shall go before us” (32:1). Gusto kasi nila, gusto kasi natin ang klase ng diyos na makikita natin, mahahawakan, something we can create according to our will, according to our own image. Pinagsama-sama nila ang mga ginto nila, tinunaw, at hinulma na isang golden calf. Nang maayos na, sinabi ni Aaron, “These are your gods, O Israel, who brought you up out of the land of Egypt” (v. 4). Dapat siya ang manguna sa tamang pagsamba, siya pa ang nanguna sa maling pagsamba! They think they are worshipping Yahweh by doing that. Pero iniinsulto nila ang Diyos. Ihahalintulad mo ba ang Diyos sa isang baka? Sa isang ginto? Sa hugis ng kamay ng tao? How can you possibly represent his infinite holiness, his perfect beauty, his awesome greatness using a golden calf? That is not worship, that is dishonoring to God. Whether you represent God with an image or meron kang idinadagdag na ibang diyos maliban sa kanya, you dishonor him.
Ayaw na ayaw ‘yan ng Diyos. Bakit? “For I the LORD your God am a jealous God…” (20:5). Jealous. Akala natin kasi yung pagiging “jealous” katumbas ng negative concept natin ng pagiging seloso. Na para bang insecure siya, na para bang unhealthy yung craving niya for our worship. Pero yung jealousy niya is a good thing. Ito yung desire niya, yung passion niya, yung zeal niya to protect his own glory. Kasali din sa kanyang jealousy ay yung kanyang zeal to protect the special relationship he has with his people. Alam ng Diyos na ang pagsamba sa mga pekeng diyos o ang pagsamba sa tunay na Diyos sa maling paraan ay ikapapahamak natin.
Habang kausap ni Lord si Moises sa bundok, aware siya sa nangyayari sa baba. Kaya sabi niya kay Moises, “Go down, for your people (sarcastic, bakit hindi “my people”?), whom you brought up out of the land of Egypt (sarcastic, bakit hindi “whom I brought up…”?), have corrupted themselves. They have turned aside quickly (kasasabi lang ng utos ng Diyos, kasasabi lang nilang susunod sila, sumuway agad!) out of the way that I commanded them” (32:7-8). Then sinabi ni Lord kay Moises ano ang ginagawa ng mga tao.
Kung tayo minsan pinapalampas natin ang pagsuway ng mga anak natin, God is different. Sabi niya kay Moises, “I have seen this people, and behold, it is a stiff-necked people. Now therefore let me alone, that my wrath may burn hot against them and I may consume them, in order that I may make a great nation of you” (vv. 9-10). Patay sila sa tindi ng galit ng Diyos. Ang tama at maling pagsamba…they are matters of life and death. Ganun kaseryoso itong mga utos ng Diyos.
Our problem is that we are not true worshippers.
Kung hindi natin matututunan at matitiyak na tama ang pagsamba natin sa Diyos, then we really have a big problem tulad ng mga Israelites. Lalo pa’t ikinabit ni God dun sa second commandment, “…visiting the iniquity of the fathers on the children to the third and fourth generation…” (v. 5). Ipinapakita nito na God will make sure na you have his personal attention sa pagpaparusa sa ‘yong pagsuway. It also shows the far reaching consequences of violating the second commandment. Hindi lang sa present generation nila, kundi maging sa mga anak nila, at mga apo ng anak nila. Hindi lang tayo ang maaapektuhan sa pagsuway sa utos ng Diyos, pati ang mga taong malalapit sa atin, especially our own families.
Alam na nating makatarungan ang Diyos. Hindi niya papalampasin ang kasalanan natin. We will suffer the consequences and the just punishment for our law-breaking. Kahit na tayong mga relihiyoso ay guilty of committing a great crime against the King of the universe. Pero hindi ba’t parang unjust yata na parusahan niya ang anak sa kasalanan ng magulang? Di ba’t siya rin ang nagsabi, “The soul who sins shall die. The son shall not suffer for the iniquity of the father, nor the father suffer for the iniquity of the son. The righteousness of the righteous shall be upon himself, and the wickedness of the wicked shall be upon himself” (Ezekiel 18:20).
Hindi paparusahan ng Diyos ang walang kasalanan. Ibig sabihin, kung paparusahan ng Diyos ang mga susunod na henerasyon sa kasalanan ng kanilang tatay o lolo, ibig sabihin, may kasalanan din sila. Ang paglabag sa mga utos ng Diyos ay naipapasa sa mga susunod na henerasyon. Ang tatay na lasenggo o drug addict o idol worshipper ay magkakaroon din ng anak na lasenggo o drug addict o idol worshipper. At minsa’y mas malala pa.
Tulad ni Jeroboam. Nang mahati na ang kingdom sa panahon ni Rehoboam na anak ni Solomon, tinularan niya ang ginawa ni Aaron. Actually, dinoble pa niya. Sa halip na isang golden calf, dalawa pa. Isa sa Bethel, isa sa Dan. Clearly, hindi ito para lang sa religious purposes but also political. At sinabi niya sa mga tao, tulad din ng sabi ni Aaron, “Behold your gods, O Israel, who brought you up out of the land of Egypt” (1 Kings 12:28-29). Siya ang nagpagawa ng mga altar. Siya ang nag-appoint ng mga priests, siya ang nagschedule kung kelan gagawin ang mga worship services. Siya ang nagdesign ng worship life ng Israel according to what “he had devised from his own heart” (v. 33).
He violated the first and second commandments. Minana niya ang kasalanan ng kanyang mga ninuno. Tayo rin naman. Minana natin ang maling relihiyon, minana natin ang mga kasalanang sekswal, minana natin ang mga addictions ng ating mga ninuno. Pati na rin ang mga maling paniniwala, pati mga superstitious o insufficient knowledge of God. Ang iba sa atin ang image na nabubuo sa isip about God is like that of a grandfather, na hahayaan ka lang na gawin kung ano ang gusto mo at ibibigay sa ‘yo kung ano ang gusto mo. Yung iba naman, parang pulis ang image about God na hihintayin kang magkasala para parusahan. Yung iba naman parang abusadong ama, na nananakit, o kaya’y nagpapabaya sa kanyang mga anak. Yung iba tuturuan pa ang anak na magpray kay Papa Jesus!
Although natutunan natin ang mga ‘yan sa halimbawa at mga turo ng mga ninuno natin, we are also responsible for breaking the first and second commandments. Everytime na sumasamba ka ayon sa sariling mong preferences – kung kelan mo lang gusto, kung anong oras mo gustong dumating, sasabihin mo pang better late than never (really?), kung magkano lang gusto mong ibigay, kung saan mo lang magfeel magparticipate sa church. Nilalabag mo ang ikalawang utos kung di ka nagsisikap na maging tama at mas malalim ang pagkakilala mo sa Diyos. Kung di ka nagbabasa ng Bibliya. Kung di ka nakadepende sa Holy Spirit sa pagsamba o anumang ministry mo. Kung ang mga mental images mo about God ay hindi consistent sa kanyang character as a holy, great, righteous, all-powerful, all-wise, loving, gracious God.
Minsan akala mo sa way ng pagsamba mo mahal na mahal mo ang Diyos o kaya akala ng iba mahal na mahal mo ang Diyos. Pero hindi kung ano ang feeling mo, o ano ang iniisip ng iba ang mahalaga, kundi kung ano ang pagtingin ng Diyos sa pagsamba mo. Kung nilalabag mo ang ikalawang utos, kung mali ang paraan ng pagsamba mo, kung hindi ayon sa espiritu at katotohanan, it is equivalent to hating God himself. Ang Diyos mismo ang nagsabi niyan, “visiting the iniquity of the fathers on the children to the third and the fourth generation of those who hate me” (Exod. 20:5). Kung mahal natin ang Diyos, susundin natin ang utos niya (v. 6). Sinabi din ni Jesus ‘yan (John 14:15). Kung hindi tayo sumusunod sa utos niya, ibig sabihin we hate him. That’s a serious charge, with serious consequences. Bakit? Because God hates all evildoers (Psa. 5:5). Because he is a righteous God who feels indignation every day (7:11).
The gospel rescues us from false worship of God to true worship of God.
Nag-aapoy ang galit ng Diyos sa sinumang sumusuway sa una at ika-2 utos. Tulad ng mga Israelita na sumamba sa golden calf. Tulad natin na sumasamba sa mga pekeng diyos at mali ang paraan ng pagsamba. Tulad ng mga Israelita, tayo rin ay nanganganib na matupok ng nag-aapoy na galit ng Diyos. Buti na lang may namagitan sa kanila. Nagpray si Moises (Exod. 32:11). Nakinig ang Diyos (v. 14). Sa halip na mamatay ang lahat, 3000 lang ang namatay. Marami pa rin. But considering the gravity of their sin, that was already great mercy. Sinabi ni Moises sa kanila, “You have sinned a great sin…Perhaps I can make atonement for your sin…” (v. 30). Nagpray siya ulit sa Diyos, “Forgive their sin…if not – blot me out of the book you have written” (v. 32). Noble ang intention ni Moises. Siya na lang daw ang parusahan. Pero hindi pumayag ang Diyos. Bakit? Because Moses was not a good-enough substitute. Kung qualified man siya, baka isang tao lang ang mailigtas niya.
Only One is a good enough substitute for us. His name is Jesus. Buti na lang meron din tayong Mediator greater than Moses. Kasi kung ang promise ni God sa Exod 30:6 ay yung kanyang “steadfast love to thousands (or, thousand generations) of those who love me and keep my commandments,” then paano ngayon mapapasaatin ‘yang steadfast love na ‘yan? Si Jesus lang ang nagmahal sa Diyos nang buung-buo. Siya lang ang nakasunod sa una at ikalawang utos. He is the Lamb of God who takes away the sins of the world. Siya ang substitute. Siya ang pinadala ng Diyos to make atonement for our sins. Siya lang nga dapat ang qualified to be in God’s Book of Life. Pero at the cross, he was blotted out, he was forsaken, he died in our place.
Siya lang ang sapat na kabayaran sa mga kasalanan natin. Bakit sapat? Kasi siya lang ang “the image of the invisible God” (Col. 1:15), “the radiance of the glory of God and the exact imprint of his nature” (Heb. 1:3). Kaya nang sabihin ni Philip sa kanya, “Lord, show us the Father, and it is enough for us.” Sagot ni Jesus, “Matagal n’yo na akong kasama, hindi mo pa rin ako kilala? Whoever has seen me has seen the Father” (John 14:8-9). Hindi na natin kailangan ng anumang imahen o gumawa ng anumang larawan na produkto ng imahinasyon natin para makita at mahawakan ang Diyos, at makalapit sa kanya sa pagsamba. Si Jesus lang sapat na. We come to God through Jesus and through Jesus alone. We become true worshippers nang simulang makita natin ang “light of the gospel of glory of Christ, who is the image of God” (2 Cor. 4:4, also v. 6). Patuloy tayong hinuhubog na maging true worshippers as we behold “the glory of the Lord”, “being transformed into the image from one degree of glory to another” (3:18).
Masusunod mo lang ang ika-2 utos kung ibabaling mo ang tingin mo kay Jesus. Mapuputol lang ang cycle of rebellion and generational sins sa pamilya mo through personal repentance and faith in Jesus. Ang ika-2 utos ay personal na panawagan para putulin mo na ang maling pagsamba sa pamamagitan ng pagsamba sa Diyos only through Jesus. Gaano man kalala ang sinapit mo dahil sa pagkakasala sa pamilyang pinanggalingan mo, there is hope, there is a living hope in Jesus.
So, you see, even the second commandment is a gracious gift from God. Kung titingnan mo ang mga nakakabit na warnings dito parang napakalupit ng Diyos kung magparusa. And yes, he is. But his mercy triumphs over judgment. He is a thousand more kind than he is severe. Kung ang parusa niya umaabot hanggang sa ikatlo o ikaapat na henerasyon, yun namang “steadfast love” (Heb. hesed) niya ay umaabot sa isanlibong henerasyon. Not literally, pero ang implication ng hesed ay yung kanyang covenant, faithful, unfailing, never-ending, forever love. Sa krus, pinutol ni Jesus ang sumpa na nararapat sa atin dahil sa pagsuway natin sa ika-2 utos, para magpatuloy na maranasan natin – pati ng mga anak natin – ang pag-ibig niya forever.
The Spirit in us helps us worship God in spirit and truth.
Kaya kung tayo ay nakay Jesus, ang Espiritung nasa atin ang tumutulong din para yung phrase na “those who love me and keep my commandments” ay maging reality sa buhay natin. In Jesus, the Spirit transforms us to be the kind of people who are faithful in obeying the second commandment. How does this work out practically? I’ll give three general guidelines tungkol dito.
Doctrine: Kilalanin mong mabuti ang Diyos. Basahin mong mabuti at pagsikapang pag-aralan ang Bibliya. Diyan mo siya makikilala. Mag-aral ka ng doktrina. Pag-aralan mo ang mga attributes ni God. Be a student of theology. A special reminder sa Music Team natin sa church: Kung gaano kayo kasipag sa pagpapractice, ganun din dapat sa pag-aaral ng Bibliya. Hindi hinahanap ng Diyos ang sobrang haba ng practice para maging almost perfect ang pagtugtog ninyo every Sunday. Mas hangad niya ang tamang pagkakilala mo sa kanya na siyang nagtatama din ng puso mo sa pagsamba. Wag mong hangarin na ang husay at galing mo ang makilala ng mga tao as you lead in worship. Kung nakikilala mo siyang mabuti, mas nanaisin mo ring siya ang maipakilala mo sa iba.
Parenting: Ipakilala mo ang Diyos sa mga anak mo. Magpapasalin-salin ang tamang pagsamba sa mga susunod na henerasyon kung tayong mga tatay at nanay ay magiging intentional na ipakilala ang tunay na Diyos sa mga anak natin. Wag n’yo ‘yang ipagkatiwala sa Children Disciplemaking Team natin. Tutulong sila. Pero tayo ang may primary responsibility na turuan ang mga anak natin na kilalanin at mahalin ang Diyos. Kung ang Diyos ang tinitibok ng puso natin, siya rin ang magiging bukambibig natin sa mga bata (Deut. 6:4-9). At kung wala ka pang anak, pero meron kang dinidinidisciple, you are also a spiritual parent to them. Tulungan mo ang iba na makasunod sa una at ika-2 utos. Paano? By helping them identify the idols of their heart, at turuan sila ng tamang pagkakilala sa Diyos. Study the Word with them.
Daily living: Ipakilala mo ang Diyos sa pamamagitan ng araw-araw mong gawa. Nilikha tayo ng Diyos ayon sa kanyang larawan, image of God. Hindi na natin kailangang gumawa ng images to represent God dahil tayo ang nilikha niyang “image” to represent him. Niligtas tayo ni Cristo para hubugin tayong maging katulad niya, para masalamin natin ang Diyos sa araw-araw. We represent who God is – sa bahay, sa school, sa workplace, everywhere. Kung titingnan ng mga tao ang ugali mo, ang lifestyle mo, ang mga daily decisions mo, makikilala kaya nila na ang Diyos na sinasamba mo ay banal, mabuti, matuwid, at mapagpatawad?
Whether you eat or drink or whatever you do, do it all for the glory of God (1 Cor. 10:31). Glorify God in your body (6:20). Everyday of our life and everything we do is a worship issue. Kaya una at ika-2 utos ay napakahalaga. Dito sa tamang pagkakilala sa Diyos at tamang pagsamba sa Diyos nakasalalay ang lahat-lahat sa buhay natin. And that is not an exaggeration.