Part 2 – A Gospel-Shaped, Hope-Filled Worship (1:3-5) by Eric Hernandez

mp3-icon“Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ! According to his great mercy, he has caused us to be born again to a living hope through the resurrection of Jesus Christ from the dead, to an inheritance that is imperishable, undefiled, and unfading, kept in heaven for you, who by God’s power are being guarded through faith for a salvation ready to be revealed in the last time” (1 Peter 1:3-5 ESV).

“Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ, which according to his abundant mercy hath begotten us again unto a lively hope by the resurrection of Jesus Christ from the dead, To an inheritance incorruptible, and undefiled, and that fadeth not away, reserved in heaven for you, Who are kept by the power of God through faith unto salvation ready to be revealed in the last time” (KJV).

Preliminary

February 1, Thursday my Facebook News Feed was flooded by the sad news of the passing away of a young, talented, and pretty 19-year-old Aubrey So. She took her own life. Why would a young lady like her, who from the outside appeared to be sociable and full of life, do such an unthinkable act? What prompted her to do that?

Kung pupuntahan po natin ang Facebook account niya, mapapansin na January pa lamang ay nagpapakita na siya ng mga senyales ng matinding depression. Ilang halimbawa ng mga katagang mababasa mo sa kanyang timeline ay ang mga ito: “No one cares until you are dead.” O kaya naman ay, “You’ll be surrounded by many so called well wishers during your good times but there’ll be only few ones around you in your bad times.” Ang isa naman niyang entry ay ganito, “You said you would be here for me. Where are you? Where are you? Where are you?”

Based on these, we could surmise that she felt alone, rejected, hopeless. Hopelessness is a common factor among those who are depressed. Bakit nagkakagayon? Saan nagsisimula ang ganitong damdamin ng kawalang pag – asa?

Sa cover photo ni Aubrey So ay mababasa ang mga katagang ito – ‘I’m being murdered by my own mind.’ This gives us an idea to where the battle is normally being fought, where the struggle occurs. The battle ground was inside her, in her mind.

As Christians what are we supposed to do to when we experience the same? We are to “Cast down imaginations, and every high thing that exalteth itself against the knowledge of God, and bring into captivity every thought to the obedience of Christ” (2Cor. 10:5).

Ano po ang ibig sabihin nito? Ang ibig lamang sabihin, hindi mo gagawing gabay sa buhay at sa mga pagpapasya ang nadarama mo at naiisip mo sa iyong puso na lihis sa pagkaunawang ibinigay na una sa iyo ng Banal na Espiritu galing sa Kanyang banal at walang kamaliang mga Salita. Bakit? Sapagkat “Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?” (Jeremiah 17:9).

Ano kung gayon ang marapat na gawin upang mapanatiling taglay ang buhay na pag – asa sa puso ng bawat isang mananampalataya? Sa halip na makinig ka sa iyong sarili; mangusap ka dito, paalalahanan mo ito, ituwid mo ito! “Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka’t pupuri pa ako sa kaniya, na siyang kagalingan ng aking mukha, at aking Dios.” (Psalm 42:11; 43:5).

This is what we intend to do, God willing, in the remaining time that we have this morning. We are going to remind ourselves of those wonderful truths that are often missed about our great God and about our relationship with.

Purpose of Writing

“Sinulatan ko kayo ng maiksi, na aking iniaaral at sinasaksihan na ito ang tunay na biyaya ng Dios: magsitibay kayo dito” (5:12). “I have written briefly to you, exhorting and declaring that this is the true grace of God. Stand firm in it” (ESV).

Sinusulatan si Apostol Pedro ang mga nagsipangalat na mga mananampalataya upang patibayin, paalalahanan, at udyukan sa pagsamba at pagpapatuloy ang mga ito na humaharap sa marami at matitinding pagsubok (I Peter 1:6 – ff.). Mga pagsubok na nagdudulot ng pagaalinlangan kung sila nga ba’y tunay na nasa ilalim ng biyaya ng Dios. Nauuwi ang kawalang katiyakan sa kawalang pag-asa. Nagdudulot naman ito ng pananamlay sa kanilang buhay pagsamba.

Hope-Filled Worship: Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ (v. 3, cf. 8 – 9)

Kapansin-pansin kung saan nagsimula ang apostol na si Pedro sa sulat niyang ito. Hindi niya sinimulang talakayin ang mga pagsubok at kabigatang dinadaanan nila. Siya’y nangaral tungkol sa Dios; kung sino ang Dios at kung ano ang ginawa Niya para sa kanila. Una ang Dios! Kapagka inuna ang Dios, ang bunga ay pagpupuri at pagsamba sa Kanayang pangalan mula sa labi ng mga mananampalataya. Kung magsimula tayo sa Dios, makikita natin ang mga suliranin sa tamang lugar nito. Pero kung unahin natin ang ating mga isipin, mahirap nang makita kung nasaan ang Dios sa gitna ng mga ito.

Tandaan: Ang Dios ay palaging karapat-dapat sa ating pinakamataas na papuri’t pagsamba anuman ang ating kalagayan at karanasan sa buhay. Ang mga karanasang ito ay tiyak na magbabago, pero ang ating Dios kailanman ay di magbabago. Anuman ang nangyayari sa buhay mo, kasamba-samba pa rin ang Dios mo (Job 1:21).

Cause of a Hope-Filled Worship

Inisa-isa ni Apostol Pedro ang mga matibay na dahilan upang makapamuhay na puno pa rin ng pag – asa at pagsamba ang mga mananampalataya sa gitna ng pinakamabibigat na pagsubok.

#1 – God’s mercy is great. “which according to his abundant mercy…” (v. 3b)

Bakit ang binigyang diin ni Apostol Pedro ay ang kadakilaan ng awa ng Dios? Bakit hindi ang kadakilaan ng pag – ibig Niya, o di kaya ay ang kadakilaan ng biyaya Niya? Marahil ito’y sapagkat ang mga di sumasampalataya ay walang awa sa pagpapahirap sa kanila. Subalit higit pa dito ay ang unawa na dahil sa awa ng Dios di lamang ibinigay sa atin ang di naman marapat para sa atin (biyaya), kundi ang di pagbibigay ng dapat sana’y marapat na pagdusahan natin.

#2 – God “Fathered” Us “… hath begotten us again” (v. 3c)

Ang kapanganakang muli ay sobernong gawa ng Dios. Hindi tayo ang may dahil ng kapanganakang muli. “Sa kaniyang sariling kalooban ay kaniya tayong ipinanganak sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo’y maging isang uri ng mga pangunahing bunga ng kaniyang mga nilalang.” (James 1:18). Ganito rin ang mababasa sa Juan 1:12, 13 “Siya’y naparito sa sariling kaniya, at siya’y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya. Datapuwa’t ang lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios. Datapuwa’t ang lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan.”

#3 – God is the God of Hope. “…unto a lively hope.” (v. 3d; Romans 15:13)

May panahong tayo ay “Walang Kristo, walang Dios, walang pag-asa” (Eph. 2:12). Subalit dahil sa dakilang awa ng Dios, ipinanganak Niya tayong muli sa isang buhay na pag – asa.

Ang Dios ang source of hope, Siya rin ang giver of hope. Higit sa lahat ang Dios lamang ang tamang object of hope. Sa panahong nawawalan ka na ng pag – asa, magtumulin ka sa Kanyang presensiya at doon ay humimpil ka!

The Basis of Hope: “… by the resurrection of Jesus Christ from the dead” (v. 3e). Bakit mahalaga ang pahayag na ito? Naalala po ba ninyo kung ano ang sinabi sa I Corinto 15:17, 19? If Christ be not raised, your faith is vain; ye are yet in your sins… If in this life only we have hope in Christ, we are of all men most miserable.”

Ang ibig sabihin ng salitang vain ay “futile, useless, empty, of no value.” The Christian faith without the Resurrection of our Lord Jesus Christ is an exercise in futility. Nagaaksaya lamang tayo ng oras sa “walang kabuluhang” pananampalataya.

Kung ang ating Panginoon Hesus ay hindi nabuhay sa mga patay, ang mga pangangaral ng Kanyang salita ay basyo, hungkag, walang laman. Kung ang Panginoon natin ay di nabuhay na muli mula sa mga patay anong pakinabang mayroon sa mga panalangin at pagsamba natin? Wala! Oo, maging tayo ay nasa kasalanan pa at mamamatay na gayon. Ganito kahalaga ang muling pagkabuhay ni Kristo sa mga patay.

The Goal of Hope: “To an inheritance incorruptible, and undefiled, and that fadeth not away, reserved in heaven for you” (v. 4).

Ano ang nasa isipan mo habang inilalarawan sa atin ni Apostol Pedro ay ating mana? Mala – palasyong mga tahanan ba? Landas na lantay sa ginto, at mahalagang mga bato ba? Ang kinasasabikan mo ba ang mala – paraisong kalangitan? Sumagi ba sa isip mo na si Kristo ang iyong buhay, ang iyong kasapatan, ang iyong tanging yaman? (cf. Gen. 15:1; Col. 3:1)

Mapaghamon ang mga katanungan ni John Piper sa atin:

“The critical question for our generation—and for every generation—is this: If you could have Heaven, with no sickness, and with all the friends you ever had on earth, and all the food you ever liked, and all the leisure activities you ever enjoyed, and all the natural beauties you ever saw, all the physical pleasures you ever tasted, and no human conflict or any natural disasters, could you be satisfied with Heaven, if Christ was not there?” – God is the Gospel

“We cannot set our eyes on Christ without setting our eyes on Heaven, and we cannot set our eyes on Heaven without setting our eyes on Christ.” – Randy Alcorn

#4 – God’s Preserving Power: “Who are kept by the power of God.” (v. 5a)

Ang Dios ng awa at pag asa ang nag – iingat sa ating kaligtasan. Paano Niya ito ginagawa? Iniingatan ng Dios at tinitiyak ang ating kaligtasan sa pamamagitan ng pagsusustina, pag – aalaga, pag – papatatag Niya sa ating pananampalataya. (I Cor. 1:8, 9; Phil. 1:6). Mismong si Apostol Pedro ang magandang halimbawa ng katotohanang ito. (Luke 22:31 – 32).

#5 – Our Persevering Faith: “…through faith unto salvation ready to be revealed in the last time” (v. 5b).

Makapangyarihan ang Dios na sa atin ay nag – iingat. Hindi ang pananampalataya natin ang makapangyarihan, Siya! Oo, Siyang bumuhay na muli sa ating Panginoong Hesu – Kristo mula sa mga patay at Siya ring Maylalang ng lahat ng mga bagay. Nagawa mong sumampalataya ka sa Kanyang pagliligtas (Eph. 2:8, 9). Sumampalataya ka rin sa Kanyang pag – iingat (2 Tim. 1:12).

Application

Mga kapatid, ang Dios na ating nakikilala ay karapat-dapat sa ating taos-pusong pagsamba. Maging sa gitna ng ating pinaka – matinding kalungkutan, karapat – dapat pa rin Siya sa ating pagsamba. Dalin mo sa Kanyang paanan ang lahat ng iyong kabigatan, doon sa Kanya mo ilagak (5:7).

Muli mong sariwain ang mga katotohanan tungkol sa iyong dakilang Dios at sa Kanyang mga gawa sa buhay. Hayaan mong mapuno ang puso mo ng di masayod na kagalakan, pag-asa, at pagsamba bilang bunga nito.

Maalala mo nawa na hindi ang sanglibutang ito ang ating pamalagiang tahanan. Na tayo ay itinalaga para sa walang hanggan – kasama ang Dios na puspos ng awa at biyaya.

Ika’y pinakaligtas sa kamay ng iyong makapangyarihang Ama. Yakapin mo sa pananampalataya ang Kanyang lubhang kalakhan.

Sa pinakapusikit na bahagi ng hating–gabi, doon ka pinakamalapit sa bukang liwayway.

Dum spiro, spero – While I breathe, I hope.

 

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.