Sola Scriptura Part 3 – The Sufficiency of the Bible

To celebrate the historical, doctrinal and practical significance of the 500 years of Protestant Reformation (1517-2017), ang sermon series natin ngayon ay ang five foundational doctrines ng panahong iyon. Tinatawag itong The Five Solas. Through the efforts of a lot of pastors and Christian leaders from many churches, nagsisimula nang magkaroon ng bagong reformation ngayon. Gusto kong maging bahagi ako niyan. Gusto ko rin na maging part ang church natin niyan.

Listen on AudioMack  |  Download mp3

Ayon kay James Montgomery Boice sa kanyang book na Whatever Happened to the Gospel of Grace, kailangan nga nating i-recapture yung five solas na ‘yan, pero yung for of recovery niyan ngayon ay iba kaysa noong 16th century “because the battle lines have shifted and the specific issues have changed” (Kindle loc. 862).

Isang example nito yung pinag-aaralan natin this month na Sola Scriptura. Scripture Alone. Dati ang pinaka-issue diyan ay ang absolute authority ng Bible as Word of God, beyond sa turo ng Simbahang Katoliko. Kaya yung sa part 1 we talked about that. Salita ng Diyos ang Bibliya, yan ang dapat nating pakinggan at sundin. Pero ngayon, hindi iyan ang pinaka-issue sa Christian church. Kaya last week, we talked about the clarity of the Scripture. Malinaw ang Salita ng Diyos sa Bibliya, kaya dapat nating pag-aralang mabuti.

Our Problem with the Sufficiency of Scripture

At ngayon ito ang mas malaking issue: the sufficiency of Scripture. Sabi pa ni Boice, “We confess its authority, but we discount its ability to do what is necessary to draw unbelievers to Christ, enable us to grow in godliness, provide direction for our lives, and transform and revitalize society ” (loc. 871). Mamaya titingnan natin kung paano naging sufficient o sapat ang Salita ng Diyos sa evangelism, sanctification, guidance, and social transformation.

Mahalaga kasing ma-assess natin kung: Naniniwala ba tayo na ibinigay na ng Diyos sa atin ang lahat ng kailangan nating malaman, paniwalaan at sundin at ito’y nakasulat sa 66 aklat ng Bibliya? O baka inaakala pa rin nating kailangan nating dagdagan ang laman nito ng mga isinulat o itinuturo ng ibang tao? Kailangan ba natin ng mga “sociological techniques” para sa evangelism? Kailangan ba natin ng secular psychiatry at psychology para sa Christian growth? Kailangan ba natin ng “extra-biblical signs or miracles for guidance”? Kailangan ba natin ng mga “political tools for achieving social progress and reform”? (loc 978). Kung ganyan kasi ang paniniwala natin, at yan din naman ang nakikita sa ginagawa natin, ibig sabihin we are denying the sufficiency of Scripture, sinasabi nating kulang pa ang nakasulat sa Bibliya. Kailangan nating dagdagan, kailangan nating i-improve.

Kaya mahalaga ngayong makita natin na ito nga ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa Bibliya. Througout this sermon, I relied heavily sa mga isinulat nina James Montgomery Boice (Whatever Happened to the Gospel of Grace, chapter 3, “Scripture Alone”) at Wayne Grudem (Systematic Theology, chapter 8, “The Sufficiency of Scripture”). Ang reason? Tumpak sa itinuturo ng Bibliya ang isinulat nila (yun naman ang mahalaga, yun ang ibig sabihin ng Sola Scriptura). They have done a great job of explaining these things.

Definition of Sufficiency of Scripture

Hindi ibig sabihin na lahat ng katotohanang pwede nating malaman ay nakasulat sa Bibliya. Of course not! Maraming truths about science, mathematics, biology, history, engineering, technology, culture, ang hindi nakasulat sa Bibliya.

Heto ang definition ni Wayne Grudem, “Ang Kasulatan (Bibliya) ay naglalaman ng lahat ng salita ng Diyos na nais niyang ipahayag sa kanyang bayan (Israel) sa bawat yugto ng kasaysayan ng pagliligtas (redemptive history), at ngayon ito ay naglalaman ng lahat ng kailangan nating malaman mula sa Diyos para sa ating kaligtasan, para lubos natin siyang pagtiwalaan, at para lubos natin siyang sundin” (p. 127). Lahat ng kailangan natin para mapanumbalik ang relasyon natin sa Diyos at para makapamuhay nang naaayon sa kanyang kalooban sa araw-araw ng ating buhay Cristiano ay nasa Bibliya na. Sapat na yan. More than enough. Di na natin kailangang maghanap pa ng iba. Ang kailangan natin ay tutukang basahin ang lahat ng nakasulat sa Bibliya and let it change the way we live.

The Sufficiency of Scripture according to Scripture

Yan ba ang itinuturo ng Bibliya? Yes! Tingnan natin ang Deuteronomy. Sabi ni Moises sa mga Israelita, “Huwag ninyong dadagdagan o babawasan ang mga utos na ibinigay ko sa inyo, mula sa Panginoon na inyong Dios. Dapat ninyo itong sundin” (4:2 ASD). And in another place, “Sundin ninyo ang lahat ng iniutos ko sa inyo. Huwag ninyo itong dadagdagan o babawasan” (12:32). Yung meron sila noong panahon nila sapat na para sa kanila. Siyempre, later on, madadagdagan pa yan kasi hindi pa tapos ang “progressive revelation” ng Panginoon. Pero mahalagang tandaan natin na kung ano ang ibinigay ng Diyos sa atin, sapat na. Wala na tayong dapat idagdag pa. We have what we need. We must focus on that. “The secret things belong to the LORD our God, but the things that are revealed belong to us and to our children forever, that we may do all the words of this law” (29:29).

Sa Psalm 19 naman, yung unang bahagi nito (vv. 1-6) ay nagtuturo na ang nilikha ng Diyos ay nagpapahayag din ng tungkol sa kanya. This is called general or natural revelation. Last week, nang bumisita ako sa Maria Cristina Falls, nang makita ko ang Tinago Falls, makikita ko ang kapangyarihan, karunungan, at kagandahan ng Diyos sa pagkakalikha niya. This is wonderful revelation, but limited. Kung ang kailangan natin ay makilala nang lubos ang Diyos at makasunod sa kanyang kalooban, we need the written Word, we need special revelation.

Yan naman ang sinasabi sa vv. 7-11, “Ang kautusan ng Panginoon ay walang kamalian. Itoʼy nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan (ESV, reviving the soul). Ang mga turo ng Panginoon ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay karunungan sa mga walang kaalaman. Ang mga tuntunin ng Panginoon ay tama at sa pusoʼy nagbibigay kagalakan. Ang mga utos ng Panginoon ay malinaw at nagbibigay liwanag sa kaisipan. Ang pagkatakot sa Panginoon ay nagpapadalisay ng puso; mananatili ito magpakailanman. Ang mga utos niya ay matuwid at makatarungan. Ang mga itoʼy higit pa kaysa purong ginto, at mas matamis pa kaysa sa pulot-pukyutan. Ang inyong mga utos Panginoon, ang nagbibigay babala sa akin na inyong lingkod. May dakilang gantimpala kapag itoʼy sinusunod.” Kung ganyan ang salita ng Diyos, ano pa ang hahanapin mong iba?

Sa Matthew 4:1-11, familiar sa atin ang story ng pagtukso kay Jesus. Tatlong tukso at kasinungalingan ang ibinato ni Satanas kay Jesus. Paano nilabanan ni Jesus? Nakipagtalo ba siya using reasoning or argument, though kaya niyang gawin dahil di hamak na mas marunong siya kaysa sa Kaaway? Ginamitan ba niya ng kanyang supernatural powers, though kaya niyang gawin ang lahat? Humingi ba siya ng special sign from heaven o intervention ng mga anghel? No. Ang sagot niya sa v. 4, “It is written…”, galing sa Deut. 8:3; yung v. 6, “It is written…”, galing sa Deut. 6:16; yung v. 10, “It is written…”, galing sa Deut. 6:13. “Jesus knew the Bible, stood on it and used it forcefully” (James Boice). Nahuhulog tayo sa tukso kasi hindi natin alam, hindi natin pinaniniwalaan ang nakasulat dito.

Sa 2 Timothy 3, nagbigay ng warning si Paul sa mga mangyayari sa “last days,” and they are happening even now. “Tandaan mo ito: Magiging mahirap ang mga huling araw, Ayaw nilang makipagkasundo sa kaaway nila, malupit, walang awa, mapanira sa kapwa, walang pagpipigil sa sarili, at galit sa anumang mabuti. Hindi lang iyan, mga taksil sila, mapusok, mapagmataas, mahilig sa kalayawan sa halip na maibigin sa Dios” (3:1-4 ASD). Yan ang mundo natin ngayon. Pati ang church, pati mga taong nagsasabing Christians sila, nagiging tulad din ng mundo, “Ipinapakita nilang makadios sila pero hindi naman nakikita ang kapangyarihan nito sa buhay nila” (v. 5). Kung ganito ang sitwasyon sa mundo natin, kung ganito ang problema ng maraming “Christians,” paano daw dapat mamuhay si Timoteo? Nagbigay ba si Paul ng bagong tricks o bagong methods or “10 Steps to Victorious Living”? Sabi lang niya, “Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga bagay na natutunan mo at pinanaligan, dahil alam mo kung kanino mo ito natutunan. Mula pa sa pagkabata, alam mo na ang Banal na Kasulatan, na nakapagbibigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (vv. 14-15). Continue in the Word. Sapat ang salita ng Diyos para makapamuhay tayo sa mundong ito na talamak sa kasamaan.

Practical applications of this doctrine

Nagbigay si Wayne Grudem ng pitong practical applications nito.

  1. Encouragement ito sa atin na gustong malaman kung ano ang dapat nating isipin (tungkol sa isang particular doctrine) o gawin (in particular situation. We should be encouraged na lahat ng tanong na gusto ng Diyos na masagot natin ay matatagpuan na sa Bibliya. But not necessarily yung mga tanong na gusto mo lang malaman ang sagot. Like, Ano yung prutas na kinain nina Adan at Eba? May paa ba ang ahas noon? Saan nakakuha ng asawa si Cain?
  2. Ipinapaalala nito sa atin na hindi natin dapat dagdagan ang nakasulat sa Bibliya, at huwag nating ituring ang ibang isinulat ng tao na may “equal value” sa Bibliya.
  3. Hindi tayo nirerequire ng Diyos na maniwala sa mga turo tungkol sa kanya o sa kanyang gawa kung hindi ito matatagpuan sa Bibliya.
  4. Ipinapakita nito na walang anumang “modern revelations from God” ang dapat na ilagay sa level na pantay sa Bibliya ang authority. Tulad ng “vision” na nakita ng isang pastor tungkol sa ministry direction ng church.
  5. Ipinapaalala sa atin na hindi kasalanan ang anumang hindi naman ipinagbabawal sa Bibliya, direkta mang ito ang itinuturo o ipinapahiwatig man lang. Tulad ng drinking wine o panonood ng sine.
  6. Wala tayong obligasyong sundin ang hindi naman iniutos ng Diyos sa Bibliya, direkta mang ito ang itinuturo o ipinapahiwatig man lang.
  7. Ipinapaalala sa atin nito na sa pagtuturo natin ng doktrina at tamang pamumuhay, ang dapat nating bigyang-diin ay kung ano ang binibigyang-diin sa Bibliya at makuntento tayo sa kung ano ang sinabi sa atin ng Diyos sa Bibliya.

Mga general applications ‘yan. Ngayon naman tingnan natin how this doctrine of the sufficiency of Scripture applies specifically sa evangelism, sanctification, guidance, at social transformation.

The Sufficiency of the Scripture for Evangelism

Ano ang kailangan natin para maging successful in winning people sa evangelism? More eloquent and entertaining preachers? Beautiful music, with professional lights and sounds? Moving testimonies? More emotional appeals? Altar call? Signs and wonders?

Sinabi ni Paul kay Timothy na ang Bibliya ang “nakapagbibigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan” (2 Tim. 3:15). Yes, kailangang may miracle na mangyari, but that miracle is the miracle of the new birth or regeneration. Na-born again tayo hindi sa bisa ng altar call, kundi “sa pamamagitan ng buhay at walang hanggang salita ng Dios” (1 Pet. 1:23).

Nang dumating si Jesus, hindi primarily as healer but as preacher. Ipinangaral niya ang Magandang Balita, sinabi niya sa mga tao, “Repent and believe in the gospel” (Mark 1:14-15). He preached with authority (1:21, 22, 27). Oo, marami siyang pinagaling, dinumog siya ng mga tao. Pagkatapos ng kanyang “healing crusade” napagod siya, nagpahinga, lumayo at nanalangin. Hinanap siya ang mga disciples niya at sinabi sa kanya, “Hinahanap po kayo ng lahat” (v. 37). Kulang na lang sabihin sa kanya, “Do more miracles. Mas maraming tao ang umaattend kapag may miracles. Nung nagpreach ka lang, konti lang ang tao. Jesus, we have found the key to successful evangelism!” Pero sabi ni Jesus, “Pumunta naman tayo sa mga kalapit-bayan, para makapangaral din ako roon, dahil ito ang dahilan kung bakit ako naparito sa mundo” (v. 38).

Ang susi sa successful evangelism ay wala sa mga spectacular events. Kundi nasa simple preaching of the Word of God. The gospel remains the power of God for salvation (Rom. 1:16). Wag tayong maging masyadong nakadepende sa mga tools or methods ng evangelism. Focus on the content. Focus on the Word. Wala kang training? Wala kang tools? Meron kang Bibliya. Yan ang ipangaral mo sa kanila. Basahin mo, ipabasa mo, point them to the Word. Our duty is the sow the seed of God’s Word, and be confident na gagawa at gagawa ang Espiritu Santo through our faithful and bold proclamation of the Word.

The Sufficiency of the Scripture for Sanctification

Ang “sanctification” ay ang prosesong dinadaanan nating mga Cristiano kung paanong tayo’y inilalayo ng Diyos sa kasalanan at ginagawang kawangis ng Panginoong Jesus. Yan ang Christian growth. Para mangyari ‘yan, ano ang kailangan natin? Not mere church activities, not mere spiritual experiences, not by learning methods or steps to spiritual growth.

Ang Bibliya ang kailangan natin. Dahil ito ay “mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay” (2 Tim. 3:16). Ito yung “spiritual milk” na kailangan natin for our spiritual growth (1 Pet. 2:2). Kung babad tayo sa Salita ng Diyos at ito ang pinagbubulayan natin araw at gabi, matutulad tayo sa “isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa,na namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon” (Psa. 1:3).

Mainam naman kung dumadalo tayo sa mga events ng church o kung may accoutability group tayo o kung pumupunta tayo sa mga spiritual retreats o nagiging committed sa mga spiritual disciplines. But they are helpful only kung dinadala tayo ng mga ito sa pagbabad sa Salita ng Diyos. Kung hindi, gaano ka man ka-busy sa church activities, gaano man kadalas kayo magmeet ng accountability partners mo, gaano man ka-emotional ang maging experience mo sa camp o retreat o concert o conference, gaano man karaming books ang mabasa mo about the Christian life, balewala ang lahat.

You have God’s Word. Sapat ‘yan sa paglagong espirituwal mo. Yes, tumutulong ang pastor, ang church para pakainin kayo spiritually. But you have to feed yourself also.

The Sufficiency of the Scripture for Guidance

Kung gusto mong malaman kung ano ang susunod mong gagawin, kung ano ang tamang desisyon sa isang sitwasyon, saan ka kukonsulta? Maghihintay ka ba na may dumating na “little voice from heaven”? Will you “follow your heart” tulad ng advice na popular ngayon? O lalapit ka sa isang counselor para humingi ng payo?

Sapat ang Bibliya, yan ang dapat nating buklatin. Totoong nagsasalita pa rin ang Diyos ngayon, pero only to confirm kung ano ang sinabi na niya sa Bibliya. Totoong God works in our hearts din naman, kaya kung ang puso natin ay puno ng Salita ng Diyos, sige follow your heart. Mahalaga din may payo ng iba, pero only to clarify and remind us kung ano na ang nakasulat sa Bibliya. Ibinigay kasi ito sa atin ng Diyos “para maging handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Dios” (2 Tim. 3:17).

Meron din naman tayong mga desisyong gawin sa buhay natin na hindi “explicit” nakasulat sa Bible ang sagot. Sino ang dapat kong mapangasawa? Alam nating dapat “only in the Lord” ang papakasalan natin, but yung ibang details hindi na sinabi sa atin. Saan magtatrabaho? Saan mag-aaral? Ano ang bibilhin? Hindi nga specific na nakalagay sa Bible, pero it doesn’t mean hindi na sufficient ang Bible. Kasi yung wisdom na kailangan natin dito rin manggagaling. Everything we need for living a life pleasing to God, nasa Bible. Yung ibang details, discretion na natin, ayon sa wisdom na bigay ni Lord.

Pag may humihingi ng payo sa akin kung paano malalaman ang “will ni Lord,” nagbibigay ako ng apat na factors. 1) Ano ang nasa puso mo? Kasi naman si Lord din ang naglalagay ng desires sa heart natin. But keep in mind na “the heart is deceitful.” So don’t trust your heart. 2) Tingnan mo rin ang circumstances mo. Kasi God works sa mga sitwasyon natin sa buhay. 3) Pakinggan mo rin ang sinasabi ng iba. Pero siyempre pinakamahalaga sa lahat, 4) Read your Bible. Unawain mo. Sundin mo ang sinasabi ng Diyos. At susunod na ang ibang detalye diyan.

Pero siyempre dapat regular at tama ang pagbabasa’t pag-aaral mo ng Salita ng Diyos. Hindi yung bubuksan mo lang randomly kung nanghihingi ka ng guidance sa Panginoon. Tinatanong mo si Lord kung gaano katagal bago mo sagutin yung nanliligaw sa iyo, tapos binuksan mo ang Bible mo, may nakalagay lang na “40 days” yun na susundin mo? Buti hindi yung “40 years” ang nabasa mo! O kung ano ang gagawin sa anak mong matigas ang ulo. Binuksan mo ang Bible mo, nakita mo yung utos ng Diyos kay Abraham na ialay ang anak niya at sunugin. O kung ano ang gagawin mo sa mabigat mong problema ngayon sa asawa mo o sa pinagkakautangan mo. Binuksan mo ang Bible mo, nabasa mo, “Nagbigti si Judas.” Sapat ang Bibliya for guidance, pero unawain mong mabuti ang ibig sabihin nito.

God promises to guide us everyday. Tulad ng sabi niya kay Joshua (1:9). Ang gabay na kailangan natin ay nasa Bibliya, kaya kailangan natin itong pagbulayan araw at gabi (v. 8). In that way, we will be “prosperous and successful” – not materially or physically but in regard to living a life in line with God’s purposes. Kaya kung hindi man tayo makakuha ng “specific” directions from the word of God sa partikular na sitwasyon na kinahaharap natin, focus on what is God’s clearly revealed will.

Like the 10 commandments. Yun pa nga lang hindi na natin masunod lahat, maghahanap ka pa ng iba.

Or sa John 6:28, tinanong si Jesus ng mga tao kung ano ang dapat gawin “to be doing the works of God.” Sagot niya, “This is the work of God, that you believe in him whom he has sent” (v. 29). Isip ka ng isip kung ano ang magandang trabaho o business, but have you already made the most important decision to put your faith in Jesus?

Sa 1 Thessalonians 4:3, malinaw kung ano ang kalooban ng Diyos sa atin, to be holy. “Kalooban ng Diyos na kayo’y magpakabanal at lumayo sa lahat ng uri ng kahalayan” (MBB). Isip ka ng isip kung kelan o paano ka magkakarelationship, but are you walking in purity and love toward others?

Sa 1 Thessalonians 5:16-18, “Lagi kayong magalak, laging manalangin, at magpasalamat kayo kahit ano ang mangyari, dahil ito ang kalooban ng Dios para sa inyo na mga nakay Cristo Jesus” (ASD). Isip ka ng isip sa solusyon sa problema mo, but are you rejoicing, are you praying, are you giving thanks to God?

Sa Romans 12:2, ano ang dapat mong gawin “para malaman ninyo ang kalooban ng Diyos”? “Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Dios sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip…” Hirap na hirap kang gumawa ng hakbang kasi hinihintay mo na maging malinaw ang will ni Lord para sa iyo, pero malinaw naman dito kung ano ang gusto niya. Wag kang tumulad sa mundo. Baguhin mo ang isip mo. Tumulad ka kay Cristo.

The Sufficiency of the Scripture for Social Transformation

Ang daming problema ng bansa natin. Tulad ng poverty, drug addiction, human trafficking, prostitution, corruption, AIDS epidemic, at terrorism. Akala natin ang solusyon sa mga problemang yan ay kung magkakaroon lang tayo ng mahusay at matinong presidente at mga government officials, kung magkakaroon lang sana tayo ng mga comprehensive governments programs, kung malalakihan lang sana ang budget sa education at hindi mapupunta sa corruption, kung maraming organizations lang sana ang magtutulung-tulong sa relief operations at community development. Yes, may bahagi ang mga iyan. But we forget kung ano ang magbibigay ng genuine at lasting transformation sa bansa natin, namely the teaching and practicing of the Word of God. Tulad noong nangyari sa Marawi. Merong relief package na napamigay na merong lamang Bible. Medyo unwise sa tingin ng iba kasi mga Muslims yun. Sasabihin pa ng ibang Christians, “Hindi Bible ang kailangan nila, kundi pagkain!” But the Bible is what we all need.

Noong 1535 napagpasyahan ng Geneva, Switzerland na humiwalay na sa Catholicism and to align with Protestants. Ang dami kasing riots, gambling, indecent dancing, drunkenness, adultery, and other vices sa city nila. Akala nila by changing religion, by having more laws, that will solve the problem. But “genuine moral change never comes from the top down by law, but from the bottom up through a transformed people” (Boice, loc. 1165).

Meron silang ginawang mabuti. They invited John Calvin (isa pa sa mga great Reformers tulad ni Martin Luther) to be their city’s chief pastor and preacher. Dumating siya 1536 at walang tinanggap na sahod sa loob ng isang taon. Pero unpopular ang preaching niya. Kaya early 1538 tinanggal siya. Pero after 3 1/2 years na lalo pang lumala ang Geneva, pinabalik nila si Calvin noong 1541. Focus lang siya sa preaching and teaching of the Word of God. Pagbalik nga niya, itinuloy lang niya kung saan siya huminto the last time bago siya pinaalis. Araw-araw na itinuturo niya ang Salita ng Diyos. Hanggang dumating ang transformation sa Geneva. Naging malinis ang kalye nila, nawala ang mga pulubi, naipatayo ang mga ospital, natulungan ang mga mahihirap. Ang mga tao roon ay naging kilala sa kanilang love of work, honest and cooperation.

Kung ang Salita ng Diyos ay may kapangyarihang bumago sa puso ng isang tao, it has the power of change one city, and even our whole nation. Let us focus on teaching the Word to one people at a time until thousands, until millions get to hear the gospel and be transformed. Because the Bible is the Word of God, it is powerful, it is clear for everyone to understand, and it is sufficient.

Tulad ng sabi ng Diyos tungkol sa kanyang salita, “Ang ulan at nyebe ay mula sa itaas, at hindi bumabalik doon hanggaʼt hindi muna nakapagbibigay ng tubig sa lupa at nakapagpapalago ng mga halaman para makapagbigay ng binhi at pagkain sa nagtatanim at sa mga tao. Ganyan din ang aking mga salita, hindi ito mawawalan ng kabuluhan. Isasakatuparan nito ang aking ninanais, at isasagawa ang aking layunin kung bakit ko ito ipinadala” (Isa. 55:10-11 ASD).

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.