Sola Scriptura Part 2 – The Clarity of the Bible

Pangalawang bahagi na tayo ngayon ng pag-aaral natin sa Sola Scriptura for this month of August. Hanggang December, Five Solas ang sermon series natin. Itong lima na ‘to ang five doctrinal pillars na nagpasabog ng tinatawag na Protestant Reformation simula 1517. At nagpapatuloy ang Reformation na ‘yan hanggang ngayon. Sola Scriptura – by Scripture alone. Yan lang ang absolute at primary authority natin sa buhay; September to November, Solus Christus, Sola Gratia, Sola Fide. We are justified/saved by grace alone through faith alone in Christ alone. Sa December, Soli Deo Gloria. Lahat ng iyan ay for the glory of God alone.

Listen on YouTube  |  Download mp3

Last week, pinag-usapan natin kung bakit mahalaga na ito ang sermon series natin. Merong practical at historical reasons. Pero pinakamahalaga sa lahat ay ang biblical reason. Itong Bibliya kasi, dahil Salita ng Diyos, ito ang absolute authority natin. Lahat ng nakasulat dito ay Salita ng Diyos, kaya kung di mo paniniwalaan o hindi mo susundin ang nakasulat dito, hindi mo rin pinapaniwalaan o sinusunod ang Diyos mismo. Kung ito ang authority natin, mahalaga na bigyan natin ito ng higit na attention. Reading the Bible is most important. Hindi lang every Sunday. But everyday of our lives.

Pero we still find excuses for not reading the Bible. Sasabihin ng iba, mahirap kasing intindihin ang maraming nakasulat sa Bible. Lalo na sa Old Testament. So ang tendency, mag-rely na lang ang iba sa mga pastor tulad ko, o sa mga Bible teachers sa radio or Internet. O sa mga devotional readings tulad ng Daily Bread, o Solid Joys ni John Piper. Maganda naman yun, nakakatulong yun. Pero dapat nating alalahanin na Word of God talaga ang daily bread natin (Matt 4:4). Hindi si John Piper ang magbibigay sa atin ng solid joys kundi ang mismong Salita ng Diyos (Psa 19:8; 119:14, 47).

Kailangan “straight” tayo into the Bible. First hand. Hindi lang second hand. Yung Roman Catholic Church kasi nung panahon ni Luther, sinasabi nilang ang mga ordinaryong tao ay walang sapat na pang-unawa para intindihin ang Bibliya. Ang karunungang mag-interpret nito ay ibinigay ng Espiritu sa mga pari, mga bishops at sa Pope. Kaya ang misa nila noon Latin ang salita. Kahit di maintindihan ng mga tao OK lang. Paniwala kasi nila na delikado na hayaang magbasa ng Bibliya ang mga tao. Sabi ni Pope Pius IV noong 1559, “If the reading of the Holy Bible in the vernacular is permitted generally without discrimination, more damage than advantage will result because of the boldness of men.”

May damage nga. Pero magandang damage ang nangyari. Kung boldness of men, pangunahin diyan sigurong naiisip nila ay si Martin Luther. Dahil sa paniwala niyang “a simple layman armed with Scripture is to be believed above a pope or council,” he translated the Bible sa German language. Hindi yan nagustuhan ng Rome. Katunayan si William Tyndale, na nagsimulang magtranslate ng Bible sa English, pinarusahan nila at sinunog ang katawan. Ang paniwala kasi nila Luther, “No clearer book has been written on earth than the Holy Scripture.” “Luther affirmed that the Word is crystal clear, plainly understandable for ordinary Christians. This is especially true in regard to the core message of the Bible, which, Luther stated, is clearly communicated by God in intelligible language for all to read” (Steven Lawson). Sabi pa ni Luther: “Scripture is intended for all people. It is clear enough so far as truths necessary for salvation are concerned.”

Ngayon mainam na nagkaroon ng changes sa Roman Catholic Church kasi ineencourage na nila ang Bible reading. Kinikilala nila ang authority at power ng Scripture na bumago sa buhay ng mga Cristiano. Kaya daw dapat yung access sa Scripture ay “open wide to the Christian faithful” (par. 131 of Catechism of the Catholic Church). And they are encouraging Catholics sa “frequent reading of the Scriptures” (par. 133). Kaso nga lang, ang interpretation ay dapat daw na nakasalalay pa rin sa church, sa mga bishops, sa Pope. Yung “giving authentic interpretation of the Word of God…has been entrusted to the living, teaching office of the Church alone” (par. 85).

Isang contribution sa atin ng Protestant Reformation ay iemphasize na dahil nagsasalita ang Diyos sa pamamagitan ng Bibliya (authority), nagsasalita siya dito nang malinaw at maiintindihan ng ordinaryong tao (clarity). Alam naman natin yan. Pinaniniwalaan naman natin yan. Kaso, maraming evangelical Christians hindi man lang nag-eeffort sa pag-aaral ng Bibliya. We make excuses. Bata pa ako. Matanda na ako. Wala akong sapat na kakayahan. Kaya yung iba nagiging passive na. Hindi na masyadong nag-iisip at nagsasaliksik. Kaya pag may nagshare sa Facebook na parang totoo, parang biblical, parang reliable na news, hala share agad! Whatever happened to our capacity to think, analyze, discern and study the truth, the Word of God. Kung sasabihin mo namang, makikinig na lang ako kay pastor, pag sinabi niya yun ang biblical. Ha? Yun nga ang problem sa panahon ni Martin Luther. Nakikinig lang sila. Hindi tinitingnan kung yun ba ang sinasabi ng Salita ng Diyos. Kaya ngayon, ang daming naniniwala sa prosperity gospel, sa new sexual ethic sa culture natin (like homosexuality and premarital sex), sa mga unbiblical practices sa church growth and evangelism.

The Authority and Clarity of Scripture – why are they important?

Kaya naman mahalagang pag-aralan natin hindi lang yung doctrine of the authority of Scripture, kundi pati na rin yung clarity of Scripture. At siyempre, maisabuhay ang implications nito sa pag-aaral natin ng Bibliya.

Pakinggan n’yo itong salita ng Diyos through apostle Peter, “Alalahanin nʼyo na kaya hindi pa dumarating ang Panginoon ay para bigyan ng pagkakataong maligtas ang mga tao, gaya nga ng mga isinulat sa inyo ng mahal nating kapatid na si Pablo sa pamamagitan ng karunungang ibinigay sa kanya ng Panginoon. At ito rin ang sinasabi niya sa lahat ng sulat niya. May ilang bahagi sa mga sulat niya na mahirap intindihin, na binibigyan ng maling kahulugan ng mga hangal at mahihina ang pananampalataya, gaya ng ginagawa nila sa ibang mga Kasulatan. Kaya sila mismo ang nagpapahamak sa sarili nila” (2 Pet. 3:15-16 ASD).

Sa panahon nila, kinikilala na nilang ang mga isinulat ni Pablo ay hindi ayon sa sarili niyang opinyon kundi mula sa karunungan ng Diyos. He also wrote as one carried along by the Spirit (1:20-21). Na yung mga isinulat niya ay kapantay na rin ng Old Testament Scripture (“sa ibang mga Kasulatan”). Pero akala ko ba klaro ang Salita ng Diyos pero bakit dito “may ilang bahagi sa mga sulat niya na mahirap intindihin”? Totoo namang merong hindi agad-agad maiintindihan. Pero hindi ibig sabihing imposibleng maintindihan. Hindi ang Kasulatan ang problema. Ang maling pagpapakahulugan dito ang problema, tulad ng ginagawa ng mga false teachers o ng mga Christians na hindi nag-aaral na mabuti. Ang problema ay nasa tao, nasa nagbabasa, wala sa Diyos at sa kanyang Salita. God is perfect. His Word is perfect. Kaya kung mamamali tayo ng interpretation, maipapahamak natin ang sarili natin at ang ibang tao din kung tayo ay tinawag o naatasang magturo nito.

This is of crucial importance. Ang Bibliya ay Salita ng Diyos (authoritative); kailangan mong pakinggan at sundin. Ang Bibliya ay malinaw (clarity); kailangan mong intindihin at unawain. Paano mo nga naman masusunod ang isang bagay na di mo naman nauunawaan? Kung sa traffic light, hindi mo naiintindihang ang red ay stop, baka mag-go ka. Kung hindi mo naiintindihang ang green ay go, baka mag-stop ka. Aksidente ang kapalit niyan. Mas matindi naman ang tragic consequences kung eternal significance ang pinag-uusapan natin na may kinalaman sa turo ng Salita ng Diyos. Kung ang interpretation mo sa teaching ng salvation ay through faith in Christ plus religious works (tulad ng Roman Catholic Church), it will send you and a lot of people sa napakalaking kapahamakan.

Clarity of Scripture defined

What it is not. Ano ba ibig sabihin ng mga Reformers tungkol dito sa “clarity” of Scripture? Hindi ibig sabihin nito na lahat ng bahagi ng Scripture ay equally clear. Hindi yun ang ibig sabihin nila Martin Luther diyan. Meron naman talagang mahirap intindihin, tulad ng sabi ni Peter sa ilan sa mga writings ni Paul. Meron talagang kailangan mong pag-aralan mabuti bago maintindihan. Hindi rin ibig sabihin na di na natin kailangan ang tulong ng mga teachers o tagapagpaliwanag nito. Mahalaga ang tulong na galing sa mga translators, commentaries, study Bibles, pastors, at iba pang Bible teachers.

What it is. So, ano nga ang ibig sabihin ng “clarity”? Sa panahon nila noon ang tawag nila ay “perspecuity”. Medyo malabo yan kasi di natin naiintindihan. Dito na lang tayo sa “clarity.” Ibig sabihin, kalinawan. Malinaw ang Bibliya. Mauunawaan. Maiintindihan. Mapag-aaralan. Sabi ni Wayne Grudem sa kanyang Systematic Theology, “Ang Bibliya ay isinulat sa paraang ang mga katuruan nito ay mauunawaan ng sinumang magbabasa nito na humihingi ng tulong sa Diyos at nakahandang sundin ito” (p. 108). Ayon naman sa Westminster Confession of Faith (1646), “Hindi lahat ng nakasulat sa Bibliya ay pare-parehong madaling intindihin o pare-parehong malinaw para sa lahat ng magbabasa. Pero lahat ng bagay na kailangang malaman, paniwalaan, at isabuhay para sa ating kaligtasan, ay malinaw na nakasaad sa Kasulatan, at ipanapaliwanag pa sa ibang bahagi nito. Kaya naman hindi lamang ang mga edukado kundi pati rin ang mga di-edukado, sa paggamit ng mga ordinaryong paraan ng pag-aaral, ay maaaring magkaroon ng sapat na pagkaunawa dito” (I.7).

Clarity of Scripture according to the Bible

Yun ang ibig sabihin ng “clarity.” Pero dahil ang Bibliya ang authority natin, tulad ng napag-aralan natin last week, dapat tingnan natin kung yan ba ang witness ng Scriptures about itself. Directly or indirectly, yan ang matutunan nating turo ng Bibliya tungkol sa kanyang sarili.

Sa Deuteronomy:

  • “May mga bagay na sadyang inilihim ng Diyos nating si Yahweh. Ngunit ipinahayag ang kautusang ito upang sundin natin at ng ating mga anak magpakailanman” (29:29 MBB). Yung “inilihim ng Diyos” hindi na natin dapat pakialaman yun. Yung “ipinahayag” (revealed) yun ang maiintindihan natin, pati na ng mga anak natin. God revealed himself and his word para makilala siya, para maunawaan natin. Hindi siya nagbigay ng secret codes para i-decipher natin, tulad ng ginagawa ng iba sa Bibliya. Naghahanap pa ng “deeper” meaning.
  • Ang mga utos niya’y itanim ninyo sa inyong puso. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; pag-aralan ninyo ito sa inyong tahanan, sa inyong paglalakbay, sa inyong pagtulog sa gabi, at sa inyong pagbangon sa umaga” (6:6-7 MBB). Mapag-aaralan kahit saan, kahit sa bahay, kahit sa paglalakbay, kahit anong oras. Hindi lang sa mga seminaries or universities. Edukado o hindi mapag-aaralan ang Bibliya. Matanda, pati bata. The Bible is meant to be understood, for you cannot believe and obey what you don’t understand.
  • “…basahin ninyo ang kautusang ito sa harap ng buong Israel sa lugar na pipiliin ni Yahweh upang doo’y sambahin siya. Tipunin ninyong lahat ang mga lalaki, babae, bata, pati ang mga dayuhang kasama ninyo upang marinig nila ang kautusang ito. Sa ganoon, matututo silang matakot sa Diyos ninyong si Yahweh at sumunod sa kanyang mga utos” (31:11-12 MBB). Matututo, kahit mga bata.

Sa Joshua naman. Sabi ng Diyos kay Joshua, na siyang pumalit kay Moises, “Huwag mong kalimutang basahin ang Aklat ng Kautusan. Pagbulay-bulayan mo ito araw at gabi para malaman mo kung paano mo matutupad nang mabuti ang lahat ng nakasulat dito. Kung gagawin mo ito, uunlad ka at magtatagumpay” (1:8 ASD). Gusto ng Diyos magmeditate tayo sa Salita niya. Pag magmeditate, ibig sabihin mauunawaan ito. Parang ngunguyain. Hindi parang matigas na karne na di mo manguya at makain.

Sa Nehemiah:

  • “…dinala ng paring si Ezra ang Kautusan sa harap ng mga tao – mga lalaki, babae, at mga batang nakakaunawa na. Binasa niya ito sa kanila nang malakas mula sa pagsikat ng araw hanggang tanghali, doon sa plasa na nasa harapan ng Pintuan ng Tubig. At pinakinggang mabuti ng lahat ang Aklat ng Kautusan” (8:2-3 ASD).
  • “Bumasa sila mula sa Aklat ng Kautusan ng Dios at ipinaliwanag ang kahulugan nito, para maunawaan ng mga tao. Habang nakikinig ang mga tao sa sinasabi ng Kautusan ay umiiyak sila…” (8:8-9 ASD). ESV, “They read from the book, from the Law of God, clearly…” Binasa nang malinaw ang Bibliya, nakinig sila, ipinaliwanag sa kanila, naintindihan nila, umiyak sila. Iiyak ka ba kung di mo naiintindihan kung ano ang naririnig mo?

Psalms:

  • Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral na mula sa PANGINOON, at araw-gabi ito ay kanyang pinagbubulay-bulayan” (1:2 ASD).
  • “Ang kautusan ng PANGINOON ay walang kamalian. Itoʼy nagbibigay sa atin ng bagong kalakasan. Ang mga turo ng PANGINOON ay mapagkakatiwalaan, at nagbibigay karunungan sa mga walang kaalaman” (19:7). Nagbibigay karunungan kasi nauunawaan.
  • “Buksan nʼyo ang aking isipan upang maunawaan ko ang kahanga-hangang katotohanan ng inyong kautusan” (119:18). “Mas marami ang aking naunawaan kaysa sa aking mga guro, dahil ang lagi kong pinagbubulay-bulayan ay ang inyong mga turo” (v. 99). “Ang salita nʼyo ay katulad ng ilaw na nagbibigay-liwanag sa aking dadaanan” (v. 105). “Ang pagpapahayag ng inyong mga salita ay nagbibigay-liwanag sa isipan ng tao at karunungan sa mga wala pang kaalaman” (v. 130).

Sa Gospels naman. Ayon kay Grudem (p. 106), sa panahong ito na karaniwan na sa mga taong sabihin sa atin kung gaano kahirap i-interpret nang tama ang Bibliya, dapat nating alalahanin na hindi man lang natin narinig kay Jesus na sinasabi: “Nakita ko na kung ano ang problema ninyo – hindi kasi malinaw ang sinasabi ng Kasulatan sa ganyang usapin.” Sa halip, kahit mga scholars ang kausap niya o mga taong wala namang pinag-aralan, yung responses niya ay nagpapakita na ang dapat sisihin kung bakit mali ang unawa nila sa katuruan ng Kasulatan ay hindi ang Kasulatan kundi sila na mali ang pagkakaunawa dito at ayaw tanggapin ang sinasabi dito. Paulit-ulit niyang sinasagot ang mga tanong nila ng ganito, “Have you not read…” (Matt. 12:3, 5; 19:14; 22:31), “Have you never read in the scriptures . . .” (Matt. 21:42), or even, “You are wrong because you know neither the Scriptures nor the power of God” (Matt. 22:29; cf. Matt. 9:13; 12:7; 15:3; 21:13; John 3:10; et al.).

Punta naman tayo sa Acts. “Mas bukas ang kaisipan ng mga taga-Berea kaysa sa mga taga-Tesalonica. Gustong-gusto nilang makinig sa mga itinuturo nina Pablo. At araw-araw nilang sinasaliksik ang Kasulatan para tingnan kung totoo nga ang mga sinasabi nina Pablo” (17:11). Si Pablo na ang nagsasalita. Pero ichecheck pa rin nila sa bahay (take note “araw-araw”!) kung yun nga ba ang sinasabi sa Scriptures. Ibig sabihin, kahit mga ordinaryong mananampalataya mauunawaan ito.

Ganun din ang turo ni Paul kay Timothy sa ikalawang sulat niya, “Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga bagay na natutunan mo at pinanaligan, dahil alam mo kung kanino mo ito natutunan. Mula pa sa pagkabata, alam mo na ang Banal na Kasulatan, na nakapagbibigay sa iyo ng karunungan tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, para maging handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Dios” (3:14-17). Hindi lang kay Timothy, kundi para sa lahat sa atin, ang Bibliya ay mapapakinabangan kasi mauunawaan natin. Kung bigyan ka ng manual ng binili mong sasakyan at nakasulat sa Japanese, di ka naman sanay magbasa ng Japanese, mapapakinabangan mo ba?

Why we misunderstand and how we can understand

Pero bakit kaya nagkakamali pa rin tayo sa interpretation? Bakit marami ang mga denominations at magkakaiba ang itinuturo sa ibang mga doktrina? Posible kasi na hindi naman ni-reveal ng Diyos ang lahat. Tulad ng type of worship or kind of church government or kung dapat may church building o wala. Minor doctrines yun. Pero sa major doctrine tulad ng way of salvation malinaw na malinaw sa Scripture yan.

Posible rin naman na nagkakamali tayo kasi we are not being aware kung gaano kalaki ang gap natin sa original audience ng readers ng Scripture. Ibang panahon, ibang kultura, ibang lenggwahe, ibang karanasan ng mga Israelites o ng early church kaysa sa atin ngayon. Kailangan nating tawirin yang tinatawag na gap sa interpretation para maunawaan ang Bibliya. Kaya kailangang maging matiyaga sa pag-aaral. Problema kasi sa maraming Cristiano, tamad mag-aral ng Bibliya. Kasisipag naman pag mag-aral sa school lalo na kapag may exam. Kasisipag naman magresearch pag may project sa work. But why don’t we exert the same diligence pagdating sa pag-aaral ng Bibliya? Sinasabi nating pinakamahalaga sa lahat, that man shall not live by bread alone but by every word that comes from the mouth of God, pero bakit di natin pinag-aaralang mabuti?

Paano mo maiintindihan ang salita ng Diyos? Pag-aralan mong mabuti. Wag kang nagmamadali. Wag mong sasabihing mahirap at lalaktawan mo na. Spend time! Kung may medyo malabo sa passage na binabasa mo, tingnan mo ang ibang mas malinaw na bahagi para mabigyang linaw ang medyo malabo. Use resources available kung pagkatapos mong pag-aralan, gusto mong macheck kung tama ang interpretation mo o mas maunawaan pa. Maraming study Bibles available, commentaries, online resources, Bible study guides na pwedeng makatulong sa inyo. We have the privilege of so much information para maintindihan ang Bible, but we are not taking advantage of those resources. Wala na tayong dahilan o excuses para maging tamad sa pag-aaral ng salita ng Diyos.

But the problem is not mainly an intellectual one. The problem is mainly spiritual and moral. Hindi isip natin ang problema. Puso natin ang problema. At dahil may problema ang puso natin, apektado rin ang isip natin. That is especially true sa case ng mga unbelievers. Na kahit na ang pangangaral natin tulad ni Pablo ay “open statement of the truth” (2 Cor. 4:2), “the gospel is veiled” (v. 3) para sa kanila. Satan has “blinded the minds of the unbelievers” (v. 4) kaya kahit na malinaw na nakikita ang tungkol kay Jesus sa Bibliya ayaw nilang paniwalaan. O sa language ni John sa John 3:19-20, kahit na naparito si Jesus at siya ang ilaw, we hate the light but loved the darkness.

Ganito ang case ni Lee Strobel sa true to life story na movie na The Case for Christ. Atheist kasi siya. Pero naging Christian ang asawa niya. Nagresearch siya para mapatunayang hindi totoo ang mga nakasulat sa Bible. Sa kakaresearch niya naging overwhelming ang evidence na totoo pala lahat. Pero di niya matanggap, because he doesn’t want to see the truth. Until the Holy Spirit works in his heart, binigyan siya ng bagong puso, result din ng prayer ng asawa niya para sa kanya, “Lord, give Lee a new heart.” “Ngunit sa taong hindi pinananahanan ng Espiritu ng Dios, hindi niya tinatanggap ang mga aral mula sa Espiritu, dahil para sa kanya itoʼy kamangmangan. At hindi niya ito nauunawaan, dahil ang mga bagay na itoʼy mauunawaan lamang sa tulong ng Espiritu” (1 Cor. 2:14 ASD).

Mahalagang pag-aralan mabuti ang Bibliya. Mahalagang malinaw na maipaliwanag sa mga tao. Pero wag nating kalimutang na crucial ang role ng Holy Spirit. Siya ang nagbigay liwanag sa puso natin para makita natin ang itinuturo ng Bibliya, para makita natin si Jesus (2 Cor. 4:6). Pero kahit sa daily reading natin ng Bible, may struggle pa rin tayo to understand, parang may partial blindness tayo, dahil na rin sa pride at kasalanan na natitira pa sa puso natin. Kaya we need to depend on the Spirit. Siya naman ang Author ng Bibliya. Siya rin ang best at di magkakamaling Interpreter nito. “Ang Banal na Espiritu ay kumikilos sa puso ng mga mananampalataya, nagpapatotoo tungkol sa katotohanan at nilalabanan ang mga epekto ng kasalanan sa puso natin para makita natin kung ano ang kahulugan ng mga nakasulat sa Bibliya” (Erickson, Christian Theology, 2ed, p. 282).

Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko to study the Word, at malinaw na maipaliwanag sa inyo ang kahulugan nito, and pray that the Holy Spirit will work in your hearts to impress to you the truths of this Word. At kayo naman, everytime you open the Bible, hopefully everyday yan, lagi n’yong magiging prayer, “Open my eyes, that I may behold wondrous things out of your law” (Psa 119:18). Manalangin, at mag-aral na mabuti. Tulad ng payo ni Pablo kay Timoteo, “Pag-isipan mong mabuti ang sinasabi ko sa iyo, at (ang resulta?) ipapaunawa sa iyo ng Dios ang lahat ng ito” (2 Tim. 2:7 ASD).

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.