Merong tatlong klase ng mga worshipers sa panahon natin ngayon. Merong mga absentees. Yun bang bihira mo lang makita sa church worship gathering. Sa bahay lang sila, o puro sa trabaho. Pero Christian naman daw sila. Nagpepray at nagbabasa ng Bible sa bahay. Meron din mga umaattend nga nang regular pero unengaged. Yun bang nandito nga pero di naman nagpaparticipate sa pagkanta. Pag nagpepray, lumilipad ang isip. Pag sermon na, nagtitingin sa Facebook at nagpopost pa ng selfie. Karamihan naman ng mga worshipers yung religious types. Talagang kumakanta yan, nagpepray, nakikinig ng sermon, nagbibigay sa offering. Pero pag uwian na, parang iniwan na rin ang pagsamba sa lugar na ito. Parang walang nagbabago sa buhay. Parang ang pagiging Christian di nakakarating sa bahay. This is a real and serious problem sa state of worship sa maraming Christian churches ngayon. We can be easily deceived by appearances. Maganda ang music, mahusay ang delivery ng sermon, maganda ang mga visuals na ginamit, mukhang mga holy people ang mga attenders, we feel good after the worship service.
Our worship can be beautiful on the outside but ugly on the inside. Tandaan natin na ang pagsamba natin sa Panginoon ay “sa espiritu at sa katotohanan.” True worship is not something our bare eyes can see. Dapat matutunan natin ang katotohanang ayon sa Salita ng Diyos at sumamba tayo ayon sa pusong binago at binabago ng Panginoon. Kaya mahalaga sa pag-aaral natin ng book of Psalms, matutunan natin ang tunay na pagsamba. Tama naman kasi ang Psalms ay itinuturing na hymnbook para sa pagsamba ng mga Israelita o mga Judio. This can also guide our church in worship, to have a reformation in the way we worship.
Tulad halimbawa ng Psalms 95-100. Magkakatabi ‘yan kasi puro ‘yan mga tawag o paanyaya sa pagsamba.
- Oh come, let us worship and bow down; let us kneel before the Lord, our Maker (95:6)!
- Worship the Lord in the splendor of holiness; tremble before him, all the earth (96:9)!
- Exalt the Lord our God; worship at his footstool! Holy is he (99:5)!
- Exalt the Lord our God, and worship at his holy mountain; for the Lord our God is holy (99:9)!
- Serve the Lord with gladness! Come into his presence with singing (100:2)!
Pansinin n’yo na ang focus ng mga calls to worship na ‘to ay hindi dun sa kung ano’ng gagawin natin, kung paano tayo magworship. Ang focus lagi nandun sa kung Sino ang sinasamba natin. The Lord, the Lord, the Lord, the Lord, the Lord. All caps lahat ‘yan sa Bible. Yahweh, Yahweh, Yahweh, Yahweh, Yahweh. Ang problema natin sa worship nowadays wala sa schedule, wala sa haba, wala sa equipment, wala sa instruments, wala sa technology, wala sa pambili ng gamit, wala sa singers, wala sa pastors. Our worship problem is a problem of Presence. Nakakalimutan na natin kung Sino ang object of our worship. We are no longer aware of the presence of his holiness.
“Worship Yahweh in the splendor of holiness. Sambahin si Yahweh sa kagandahan ng kabanalan” (96:9). Psalm 96 ang mas bibigyan natin ng pansin sa pag-aaral ngayon. Pag sinabi ditong worship, hindi yung karaniwang naiisip natin sa worship ngayon. Dito, “let us worship and bow down” (95:6). Siya ang Hari, siya ang nakatataas. Tayo ang nasa ibaba. At kapag kinikilala natin yun, nagpapatirapa tayo sa harapan niya. “In the splendor of holiness.” Banal siya. Holy, holy, holy. Set apart from the rest of creation. Kasi siya ang Creator. Kasi tayo makasalanan. Siya matuwid at mabuti. Wala siyang katulad. Ang pagsamba sa kanya ay pagkilala na siya lang ang karapat-dapat papurihan. Pansinin n’yo paulit-ulit yung “ascribe to the Lord”: “Ascribe to the Lord, O families of the peoples, ascribe to the Lord glory and strength! Ascribe to the Lord the glory due his name” (96:7-8). Kung narito ka nga, sumasabay sa pagsamba pero di mo naman kinikilala na he alone is worthy of worship, then you are not really worshiping.
Actually, itong Psalm 96 ay kasali sa awit ng pasasalamat ni David sa 1 Chronicles 16:23-33. Ito ay awit ng papuri sa Diyos dahil sa pagbabalik ng Ark of the Covenant sa Jerusalem, na matagal na nawala at napasakamay ng mga dayuhan. Itong Ark na ito ay mula pa sa panahon ni Moises na siyang nakalagay sa Most Holy Place sa Tabernacle, ang itinuturing na tirahan ng presensiya ng Diyos. Itong ark ay isang kahong yari sa kahoy na nababalutan ng ginto. Nasa loob nito ang batong sinulatan ng Sampung Utos (the Covenant) at sa ibabaw ay dalawang kerubim (angelic beings). Nagsisilbi itong paalala na si Yahweh ang Haring Diyos ng Israel. “…the ark of God, which is called by the name of the LORD who sits enthroned above the cherubim” (1 Chronicles 13:6). Nang makita nila yun, they became more aware of the presence of their true King, the Holy One, Yahweh.
And if we are aware of the presence of God, we express our worship to him. Ganun ang ginawa nila Haring David:
- And David and all Israel were celebrating before God with all their might, with song and lyres and harps and tambourines and cymbals and trumpets (13:8).
- David also commanded the chiefs of the Levites to appoint their brothers as the singers who should play loudly on musical instruments, on harps and lyres and cymbals, to raise sounds of joy (15:16).
- So all Israel brought up the ark of the covenant of the Lord with shouting, to the sound of the horn, trumpets, and cymbals, and made loud music on harps and lyres (15:28).
- Then on that day David first appointed that thanksgiving be sung to the Lord by Asaph and his brothers (16:7).
Ganun din ngayon. In what ways do we express our worship to God? We express our worship by praising God with his people. “Oh sing to the Lord a new song; sing to the Lord, all the earth! Sing to the Lord, bless his name” (96:1-2). Binigyan tayo ng Diyos ng bibig at dila para bigkasin ang papuri sa kanyang pangalan. Hindi lang mag-isa. But praise God with his people. Ang awit na ito ay paanyaya sa mga anak ng Diyos na magpuri sa kanya at magpasalamat sa mga ginawa niya para sa atin. At sa pagpupuri natin sa kanya, umaawit tayo at tumutugtog ng mga instrumento. “Let us make a joyful noise…let us make a joyful noise” (95:1-2; 98:4-6; 100:1-2). Hayaan mong mapalakas ang palo ng drummer sa pagtugtog kung yan ay ingay ng papuri sa Diyos. Hayaan mong malakas ang kanta ng katabi mong sintunado kung yan ay ingay ng papuri sa Diyos. Sing, sing, sing, paulit-ulit yan. Don’t just stand there. Sing with all your might! Sing to him a new song (96:1; 98:1). Hindi ibig sabihing laging may bagong composition. Pero ibig sabihin kahit luma ang awit, awitin mo na parang bago “as a response to a fresh experience of God’s grace” (ESV Study Bible notes). His mercies are new every morning (Lam. 3:22), so sing to him a new song. So, praise him when you sing, praise him when you pray, praise him when you listen to stories of his marvelous works, praise him as you listen to his Word, praise him as you “bring an offering and come into his courts” (96:8).
Pero wag mong isiping ang pagpupuri’t pagsamba sa Diyos ay natatapos din sa umagang ito. “Sing to the Lord, bless his name; tell of his salvation from day to day. Declare his glory among the nations, his marvelous works among all the peoples” (96:2-3)! Ang papuri sa Diyos tuwing kelan daw? “From day to day.” Ang papuri sa Diyos hanggang saan daw dapat makarating? “Among the nations…among all the peoples.” Verse 1, “Sing to the Lord, all the earth!” Verse 9, “Tremble before him, all the earth!” Verse 10, “Say among the nations, “The Lord reigns!” So, we also express our worship by proclaiming the gospel to all peoples. Yung “tell of his salvation” ibig sabihin ay “bring the good news of salvation” o proclaim the gospel. Ipahayag natin sa mga tao kung ano ang kamangha-manghang ginawa sa atin ng Diyos sa kanyang pagliligtas sa atin sa pamamagitan ng Panginoong Jesus. We worship him not just by praising in here, but by evangelizing out there. Hindi lang sa bibig natin, kundi sa buhay nating nagdadala ng mabuting balita sa mga taong kailangang makarinig nito. Hindi lang dito sa Pilipinas, kundi maging sa Thailand, China, at Japan. Hindi lamang sa mga Tagalog na tulad natin kundi pati sa mga Maranao, Tausug, Maguindanaoans. Hindi lamang sa mga lugar kung saan maraming Christians, kundi maging sa mga lugar kung nasaan ang mga Muslims at mga Buddhists. Dahil hindi si Mohammed, hindi si Buddha ang Tagapagligtas kundi si Jesus. At siya lang ang dapat purihin ng lahat ng lahi, “Then sings my soul, my Savior God to Thee!” Hindi lang natin aawitin ‘yan, we declare his glory and his marvellous works by preaching Jesus and his gospel to all nations (Matt. 28:19; 24:14).
We worship God by praising him, by proclaiming the gospel because he is worthy of our worship. Meron tayong sapat na dahilan para sambahin siya. We worship him for who God is for us, dahil sa kung sino siya para sa atin. Sino siya?
- He is our Maker. The Lord made the heavens (96:5). “The sea is his, for he made it, and his hands formed the dry land. Oh come, let us worship and bow down; let us kneel before the Lord, our Maker” (95:5-6)! “Know that the Lord, he is God! It is he who made us, and we are his” (100:3). Ang Diyos ang nagbigay ng buhay sa iyo, siya ang sambahin mo. Hindi ang hanapbuhay mo. Ang Diyos ang nagbibigay ng lakas sa iyo araw-araw, siya ang sambahin mo. Hindi ang boyfriend mo na umuubos ng lakas mo. Sambahin mo ang Maylikha sa iyo, hindi ang mga tao o mga bagay na nilikha din na tulad mo. Dahil maging ang kalikasang likha ng Diyos ay nagpupuri sa kanya. “Let the heavens be glad, and let the earth rejoice; let the sea roar, and all that fills it; let the field exult, and everything in it! Then shall all the trees of the forest sing for joy” (96:11-12). Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay nilikha para sumamba sa kanya, lalo na tayong mga tao na nilikha sa larawan niya (Gen. 1:26-27).
- He is our King. “Say among the nations, ‘The Lord reigns! Yes, the world is established; it shall never be moved; he will judge the peoples with equity'” (96:10; cf. 97:1). “For the Lord is a great God, and a great King above all gods” (95:3). Ang Diyos ang lumikha sa atin, siya rin ang namamahala sa atin. At kung lahat ng tao, lahat ng bansa, lahat ng gobyerno ay magpapasakop sa pamamahala niya at mamamahala na tulad niya, malalagay sa ayos ang mundo natin. Pero di tayo sumamba sa kanya, hindi natin kinilala ang paghahari niya, lahat tayo ay nagrebelde at nag-aklas laban sa kanya. Araw-araw sumasamba tayo. Yun nga lang, maraming pagkakataon hindi ang Diyos ang sinasamba natin kundi ang sarili natin. Kung sino ang nakaupo sa trono ng buhay mo, siya ang sinasamba mo. We worship God because he is King, and we are not.
- He is our Judge. We worship “before the Lord, for he comes, for he comes to judge the earth. He will judge the world in righteousness, and the peoples in his faithfulness” (96:13). Sa ngayon, parang kasamaan ang naghahari. Pero darating ang araw, babalik ang Panginoong Jesus at lahat ng di sumasamba sa tunay na Diyos ay hahatulan. Walang makakaangal sa parusang igagawad niya. He will judge “in righteousness…in his faithfulness.” Lahat ng kumakalaban sa kanya ay wawasakin at susunugin (97:3). Lahat ng sumasamba sa diyos-diyosan ay malulugmok sa kahihiyan (97:7). If you are not worshiping him now here on earth, you will not worship him then in heaven, you will worship him as your judge in hell for all eternity. Pero tayo na mga nakay Cristo, sinasamba natin siya hindi dahil siya ang ating Hukom (
He is our Judge), kundi dahil siya ang ating Tagapagligtas. He is our Savior. Dahil si Jesus ang umako ng hatol ng parusa na nararapat para sa ating mga kasalanan. Tinupok siya ng apoy ng galit ng Diyos sa kanyang kamatayan sa krus, para tayo’y maituring na matuwid sa harapan niya (“in righteousness”) at kilalanin natin ang katapatan niya sa pagtupad sa kanyang mga pangako (“in his faithfulness”).
Meron ka na bang natagpuan na tulad katulad niya na higit na nararapat na sambahin mo? We worship God for what he is for us? Ano ba siya para sa atin? Bakit walang ibang nilalang sa langit at sa lupa ang papantay sa kanya?
- He is a great God. “For great is the Lord, and greatly to be praised; he is to be feared above all gods” (96:4). Great Maker, Great King, Great Savior. Siya lang yun, wala nang iba. He is exalted far above all gods (97:9). Wala nga tayong mga rebulto o imaheng niluluhuran at inaalayan ng handog, pero kung pinahahalagahan natin ang ibang bagay o ibang tao o ang sarili natin nang higit pa sa Diyos, yun ang sinasamba natin at parang sinasabi natin sa Diyos na meron pang ibang diyos na mas dakila sa kanya at mas nararapat na pahalagahan, mahalin at paglingkuran. Pero lahat ng iyan na ginagawa nating “idols”, lahat yan walang kuwenta kung ikukumpara sa Diyos. “For all the gods of the peoples are worthless idols” (96:5). Ang salitang “gods” sa Hebrew ay elohim (yan din ang salitang translated God, ibig sabihin ay “mighty being”). Ang salitang “worthless idols” ay galing naman sa Hebrew na elilim. There is a word-play here. Na parang sinasabing, “Yang itinuturing ng mga tao na elohim ang totoo ay elilim, ang itinuturing n’yong “mighty beings” ang totoo ay “mga mighty useless” (ESV Study Bible notes), ang itinuturing n’yong dakila’t makapangyarihan ang totoo ay mga bagay na walang kabuluhan. Ang karelasyon mo, ang trabaho mo, ang pera mo, ang achievements mo, lahat yan ay walang kabuluhan. Wag yan ang sambahin mo kundi ang Diyos na makapangyarihan, at ang lahat ng yan – pamilya, pera, trabaho, lakas – ay gamitin mo para bigyan siya ng karangalan.
- He is a glorious God. “Splendor and majesty are before him; strength and beauty are in his sanctuary” (96:6). “Ascribe to the Lord glory and strength. Ascribe to the Lord the glory due his name” (96:7-8). Glory, in Hebrew kabod. Not just beauty, but something weighty. Ang kadakilaan ng Diyos dapat lang na iparada. Pero di tulad ng sa Ms Universe pageant, bagamat may coronation din dun. This is more like a royal coronation. Yung Hari na pinakamataas sa isang bansa ay kinokoronahan, tinitingnan ng lahat ang kanyang kadakilaan. Pero ang “splendor and majesty” na yan di mo pwedeng ikabit sa ating presidente! Si Yahweh lang ang akma diyan!
- He is a gracious God. “Ascribe to the Lord the glory due his name; bring an offering, and come into his courts” (96:8). Yung offering na dinadala diyan di basta tulad ng offering na dinadala natin sa worship service. Kasama rin yun. Pero dapat tandaan natin na ang mga handog na iyan ay mga hayop na susunugin bilang handog sa kasalanan. You cannot come near a holy God without your sins being atoned for. Nag-aalay tayo ngayon ng papuri natin sa Diyos hindi para mapatawad ang kasalanan natin. Nagpupuri tayo dahil tayo’y pinatawad na dahil inialay na ni Jesus ang kanyang sarili para sa atin.
Ang pagsamba natin ngayon ay dapat na naaayon sa kung sino siya at ano siya para sa atin. We worship him with rejoicing. Oo nga’t merong puwang sa worship natin para sa pag-iyak at pagdadalamhati (tulad ng makikita natin sa mga susunod sa psalms of lament). Pero ang primary disposition or inclination ng heart natin ay kagalakan. Dahil ang mabuting balita (gospel) ang dulot ay kagalakan, kaya nga good news! Good news of great joy! “Sing to the Lord, sing to the Lord, sing to the Lord” (96:1-2). “Let the heavens be glad, and let the earth rejoice; let the sea roar, and all that fills it; let the field exult, and everything in it! Then shall all the trees of the forest sing for joy” (96:11-12). Joyful noise…joyful noise (95:1, 2). Joyful noise…joyous song (98:4; 100:1). Kung alam natin at naaalala natin kung gaano kalaki ang pagmamahal ng Diyos sa atin, kung gaano karami ang pagpapalang natanggap natin, natural na aawit tayo ng papuri na nag-uumapaw ang kagalakan. I cannot force you to rejoice. I can just remind you of the good news of Jesus.
We worship him with trembling. Medyo mahirap pagsamahin ang rejoicing at trembling, pero ganyan naman talaga dapat ang joy natin, serious joy. Oo, reconciled na tayo sa Diyos, itinuturing na niya tayong mga anak at mga kaibigan. Pero hindi tayo buddy-buddy sa kanya. We are not on equal level with him. “He is to be feared above all gods” (96:4). “Worship the Lord in the splendor of holiness; tremble before him, all the earth” (96:9)! Manginig ka sa harapan ng Diyos!
Bago madala sa Jerusalam ang ark of the covenant, merong nangyari. Nakasakay sa oxen ang ark, dala ni Uzzah at ng isa pa niyang kasama. Nalubak at inalalayan ni Uzzah, hinawakan niya ang ark, na siyang mahigpit na ipinagbabawal ng Diyos. You don’t touch the holy presence of God. Namatay kaagad si Uzzah (1 Chr. 13:9-10). Di natin maintindihan yan, pati si David nagalit pa sa Diyos. Nang makita ni Moises yung burning bush, nagsalita si Yahweh sa kanya, “Do not come near; take your sandals off your feet, for the place on which you are standing is holy ground” (Exod. 3:5). Nang makita ni Isaiah ang isang vision ni Yahweh na parang haring nakaupo sa trono, high and lifted up; and the train of his robe filled the temple [splendor and majesty!], tapos narinig niya ang mga seraphim: “holy, holy, holy,” nayanig ang pundasyon ng templo sa tinig niya. Sabi ni Isaiah, “Woe is me! My eyes have seen the King!” (Isa. 6:1-5). Sinful people fall dead at the presence of a holy God. Dahil lang sa biyaya ng Diyos kaya tayo nananatiling buhay.
Worship nowadays in too many churches is too light, too flippant, parang ordinaryong activity lang, parang nakasanayan na lang. Oh! Kung alam lang natin kung gaano kasindak-sindak ang presensiya ni Yahweh! Kung alam lang natin kung sino ang sinasamba natin at kinakausap natin! Kung alam lang natin kung kaninong salita ang pinapakinggan natin! We will worship differently, we will worship him with trembling.
In summary, we worship by praising God with his people and by proclaiming the gospel to all peoples. We worship for who God is (Creator, King, Judge/Savior) and what God is for us (great, glorious and gracious). We worship with rejoicing and with trembling.
Kumakanta ka, nananalangin, pumapalakpak, tumutugtog, nandito ka, pero sumasamba ka ba talaga sa Panginoon? Hindi ko alam. Pero alam ninyo. Posible na sa dami ng tao ngayon na nagtipon para sumamba sa kanya, iilan ang tunay na sumasamba sa kanya. May it never be! Madalas ang prayer ko bago mag Sunday worship service, “Lord, magdala po kayo ng maraming tao na dadalo sa worship service.” Pero dapat ganito na, “Lord, paramihin n’yo po ang mga tunay na sumasamba sa inyo dito at hanggang sa dulo ng mundo.” At nawa’y loobin niyang ikaw rin ay maging isa sa kanyang sagot sa dalanging ‘yan.