Kung binabasa ninyo ang Psalms, well and good. Pero hindi sapat na basahin lang. Dapat matuto tayong basahin ito nang tama, ayon sa intensyon ng Diyos sa pagkakasulat nito. Ang aklat ng Mga Awit/Salmo tulad din ng iba pang bahagi ng Bibliya ay dapat basahin nang gospel-centered. The gospel is Story, the Good News of what God has done for us in Jesus. So, we must read every psalm in light of God’s Story. Hindi pwedeng isolated text lang ang babasahin nating awit.
Para matutunan natin yun, gamitin natin ngayon ang Psalm 8. Maging ang awit na ito ay dapat basahin na nakapaloob sa kuwento ng Bibliya. Merong Diyos na lumikha ng lahat (story of Creation). “Langit na gawa ng iyong kamay (v. 3). “Nilikha mo siya (ang tao)…Ginawa mo siya (ang tao)…” (vv. 5-6). Para ano? Para purihin siya’t kilalaning dakila sa lahat (vv. 1, 9). Pero nagkaproblema (story of Fall/Rebellion). “Lahat ng iyong kaaway” (v. 2, ESV “your foes…the enemy…the avenger”). Merong solusyon ang Diyos, si Jesu-Cristo (story of Redemption/Rescue). Mamaya titingnan natin kung paanong ang Psalm 8 ay nagpapahiwatig tungkol sa katuparan nito kay Cristo. At dahil kay Cristo at para kay Cristo, balang araw mapanunumbalik ang ganda ng relasyon ng Diyos sa tao at sa lahat ng kanyang nilikha (story of Restoration/Consummation). Sa araw na yun, siya lang ang papupurihan.
The goal of God’s Story is the praise of his glory. So, read every psalm for the praise of God’s glory. Psalm 8 is a hymn of praise. Bago ang verse 1, nakalagay na subtitle ito (sa Hebrew Bible, ito ang verse 1): “Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit: sa saliw ng Gittith.” Maaaring tumutukoy yan sa isang instrumento o tono sa pag-awit. This psalm is meant to be sung by God’s people for God’s praise. Keep that in mind as you read every psalm.
Now, we will go through Psalm 8 in light of those four strands of redemptive history. So ang goal ko ngayon ay hindi lang ituro ang mensahe ng Psalm 8 sa inyo kundi sanayin din kayo kung paano pag-aralan ang mga salmong ito para sa sarili n’yong pagbabasa at kung paano n’yo rin maituturo sa iba. I pray that it will cause you to want more of the word of God as a result.
Psalm 8 and God’s Glory
Verse 1, “O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo’y tunay kang dakila! Iyong papuri’y abot sa langit!” O Yahweh, sa English all-caps LORD, sa ASD all-caps PANGINOON. Iba yan sa “Panginoon” sa sumunod na Adonai or master. Ang Yahweh ang personal na pangalan ng Diyos para sa kanyang bayang Israel. Galing sa pahayag niya kay Moises sa burning bush, “I am who I am” (Ex. 3:14). Wala siyang simula, wala siyang katapusan, wala siyang katulad, walang papantay sa kanya. Tunay na dakila ang kanyang “pangalan” (ASD). The name of God stands for all that he is, his character, his reputation, his renown. Bumaba siya sa ulap, tumabi kay Moises, sinabi kung ano ang pangalan niya, “Yawheh.” “Akong si Yahweh ay mahabagin at mapagmahal. Hindi ako madaling magalit; patuloy kong ipinadarama ang aking pag-ibig at ako’y nananatiling tapat. Tinutupad ko ang aking pangako maging sa libu-libo, at patuloy kong ipinapatawad ang kanilang kasamaan, pagsuway at pagkakasala. Ngunit hindi ko pinalalampas ang kasalanan ng ama at ang pagpaparusa ko’y hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi” (Ex. 34:5-7). Siya ay karapat-dapat sambahin at purihin dahil sa kanyang kadakilaan. “Mabilis na lumuhod si Moises at sumamba kay Yahweh” (34:8). Pero hindi lang si Moises, hindi lang ang Israel, kundi lahat ng bansa, lahat ng lahi ay dapat sumamba sa kanya. Hindi lang dito sa mundo, “Iyong papuri’y abot sa langit.” Pati mga bituin, mga planeta ay lumuluhod sa pagsamba sa kanya at umaawit ng kanyang papuri at sumasalamin sa kanyang kadakilaan.
Verse 2, “Pinupuri ka ng mga bata’t bagong silang, ikaw ay nagtayo ng isang tanggulan, kaya’t natahimik ang lahat ng iyong kaaway.” Pati mga bata at mga sanggol, mga mahihina, mga walang sariling lakas, nilikha ng Diyos para magpuri sa kanya. Ang malalaking planeta para purihin ang Diyos. Ang maliliit na bata para purihin ang Diyos. God’s power is glorified through the small and the weak. Ang mahihina ginagamit niya para mapahiya ang malalakas, ang mga mangmang para mapahiya ang marurunong. Para walang sinumang magmalaki, para siya lang ang maparangalan (1 Cor. 1:25-31).
Verse 3, “Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay, pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay.” Through human weakness, God’s power is magnified. Ang kapangyarihang iyan ay ang kapangyarihang gumawa ng lahat ng natatanaw ng ating mata sa kalangitan, pati lahat ng hindi na abot ng ating paningin. Ang daliri ng tao kayang gumawa ng work of art o kaya’y isang malaking bahay. Ang daliri ng Diyos ang lumikha ng mga bituin, ang mga kamay niya ang may hawak ng lahat ng nasa langit.
Verse 4, “Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?” Sa laki ng mga bituin at ng kalawakan, ang tao parang buhangin lang sa dalampasigan. Gaano man tayo kaliit o seemingly insignificant compared to the rest of his creation, kamangha-mangha ang pagtingin sa atin ng Diyos. Sa dami ng kanyang inaalagaan at hinahawakan sa kanyang nilikha, di niya nalilimutang alagaan ka, mahalin ka, pahalagahan ka. That God will care about us is more amazing than his power to create the stars. Maliit man ang tingin natin sa sarili natin o ng ibang tao sa atin, pinagmamasdan tayo ng Diyos at itinuturing na precious in his heart. Grabe ‘yan!
Verse 5, “Nilikha mo siyang mababa sa iyo nang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati.” Sa ASD iba ang salin, tulad din ng ESV, “Ginawa nʼyo kaming mababa ng kaunti sa mga anghel.” “The heavenly beings” (ESV) is from elohim, maaaring translated gods or angels, or God himself. Sa pagkagamit nito sa NT angels ang tinutukoy (Heb. 2:6-8, “angels”, cited from Septuagint, Greek version of OT). Hindi naman kasi tayo little lower than God, we are much much lower than God. Pero mataas ang dignidad, kasi created in the image of God (Gen. 1:26-27). Di natin dapat pakanaisin pang maging tulad ng mga anghel (tulad ng paniwala ng iba na ang baby pag namatay nagiging angels sa heaven!), dahil we are already “crowned with glory and honor” like kings and queens. Nasa atin ang tatak ng Diyos. We are God’s masterpiece. Bawat tao, edukado man o hindi, relihiyoso man o barumbado, maganda man o masagwa, all are created with dignity and value.
Verses 6-8, “Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha, sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala: mga tupa at kawan pati na ang mababangis, lahat ng ibong lumilipad, at mga isda sa karagatan, at lahat ng nilikhang nasa karagatan.” Sa larawan ng Diyos nilikha tayo para kumatawan sa kanyang pamamahala sa kanyang nilikha. Ganito rin naman ang sinabi sa pagkalikha sa tao sa Genesis 1:28. Meron tayong mataas na katungkulan. We represent God not for our own glory and honor. We represent God to reflect God’s glory in all the earth.
Verse 9, balik na naman tulad ng verse 1, it’s all about God. “O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo’y tunay kang dakila!” Sa kanya nagmula ang lahat, para sa kanya ang lahat. To him be glory forever and ever!
Pero hindi ganun ang response natin. For all have sinned and fall short of his glory (Rom. 3:23).
Psalm 8 and Our Fallen Condition
8:1. Mula sa lahi ni Noe, dumami na naman ang mga tao. Gusto ng Diyos kumalat sila sa iba’t ibang dako ng mundo, para maikalat ang kadakilaan ng kanyang pangalan. Pero nag-usap-usap sila at nagplanong gumawa ng toreng abot hanggang langit, “Let us make a name for ourselves” (Gen. 11:4). Sa halip na bigyang-karangalan ang Diyos, hangad nilang maging tanyag ang kanilang pangalan. Self-promotion is treason against God who created us for the fame of his name. Kitang-kita rin yan sa buhay natin ngayon, sa pakikipagtunggali sa sports, sa pagpapaligsahan sa beauty contests, sa pahusayan sa eskuwelahan, sa pagachieve ng success sa trabaho, sa pagpapalaki ng church o ministry, we make it more about our name, not God’s name.
8:2. Lumalabas na tayo yung kaaway na tinutukoy dito. Nagrebelde tayo sa Diyos. We were God’s foes, the enemy, the avenger. Sa halip na tumulad sa isang batang madaling mamangha sa mga bagay na likha ng Diyos, mas ginusto nating mamangha sa atin ang ibang tao at tayo ang purihin. Sa halip na umasa sa kanya tulad ng isang mahinang bata, gusto nating maging malaya sa kanya at pamahalaan ang sarili nating buhay. We were such arrogant bastards.
8:3. Ni hindi na rin tayo tumitingala sa langit at namamangha sa Diyos na may likha nito. We were so busy, at wala na tayong time na mag-pause at magreflect sa kadakilaan ng Diyos in his creation. Mas namamangha pa tayo sa galing ng isang basketball player o husay ng isang celebrity singer kaysa sa husay at galing ng Diyos sa kanyang nilikha. We have traded the awe of the Creator for the awe of his creatures. Sa halip na sabihin natin sa mga tao na look to God mas ginusto nating sabihin sa kanilang look to me, selfie pa more!
8:4. Tingin pa natin nalimutan niya tayo, akala natin busy siya para bigyan tayo ng pansin. Iniisip nating he doesn’t care for us. Pero ang totoo, tayo ang hindi nagpahalaga sa kanya, tayo ang sobrang busy para sa kanya, tayo ang hindi interesado na mapalapit ang relasyon sa kanya.
8:5. We already have that glory and honor, but we want more. Ginusto nating hindi lang maging kapantay ng mga anghel, kundi maging kapantay at mas mataas pa sa Diyos. Nilikha na nga tayo sa larawan ng Diyos, katulad na nga tayo ng Diyos, pero naghangad pa tayong magpasya para sa sarili natin kung ano ang tama o mali, kung ano ang mabuti o masama. Tulad ng pagkahulog ni Eba at ni Adan sa tukso ng Ahas. We want to rob God of his glory. At sa pagmamataas natin, tinutularan natin si Satanas, ang anghel na nag-aklas at nagmataas. Sa pagmamataas natin, we step down on others. We don’t treat other people with dignity. We don’t value life. We insult others, label them, gossip about them. By bringing them down, we bring our selves up. Instead of serving others, we use them for our own interests. Instead of honoring women, we made them objects of our lustful desires.
8:6-8. Instead of reflecting God’s benevolent rule over his creation, we abuse our authority. We abused the environment. Tapon dito, tapon doon. Di tayo naging mabuting katiwala. We give in to the lies of the serpent that we can be our own god and do everything we want. Sa halip na ipailalim sa ating mga paa ang Ahas na ‘yan, hinayaan nating tapakan tayo ng Diyablo at nagpaalipin tayo sa kanya. Sa pagnanais nating maging malaya sa pamamahala ng Diyos, naging alipin tayo ng Diyablo.
8:9. Like Satan, our hearts cry out, “I am Lord, I am master of my life. I want to be in control. I will make my name famous for everyone to see how great I am.”
Ganyan kasama ang puso ng tao, ang puso mo, ang puso ko. Ganyan kalaki ang pangangailangan natin ng isang tagapagligtas. We cannot rescue ourselves. For we must be rescued from ourselves. We need someone to rescue us from our rebellion. That Someone is Jesus.
Psalm 8 and the Gospel of Jesus
8:1. Si Jesus ang ating Panginoon. Siya si Yahweh. Diyos na nagkatawang tao. Sabi niya sa mga Jewish leaders, “Before Abraham was, I am” (John 8:58). All of who God is is in Jesus. His excellencies, his deity, everything God is, Jesus is. He is the radiance of the glory of God (Heb. 1:3). We see God’s face in the face of Jesus (2 Cor. 4:4, 6). Wala siyang katulad. Wala siyang kapantay. Wala nang hihigit pa sa kanya. Dapat lang na dakilain ang kanyang pangalan sa langit at sa lupa.
8:2. Kaya nang pumasok si Jesus sa Jerusalam sa kanyang huling linggo bago patayin, habang nakasakay sa isang donkey, sinalubong siya ng mga tao at pinuri siya na parang isang hari. Nagsisigawan sila, “Purihin ang anak ni David! Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon. Purihin ang Diyos!” (Matt. 21:9). Pagkatapos, pumasok siya sa Templo at itinaboy ang mga nagbibili at namimili doon. Lumapit sa kanya ang mga bulag at mga pilay at pinagaling niya silang lahat. Nagalit ang mga scribes at priests sa ginawa niya, inaway siya. Pero may mga bata na nakakita at pinuri siya, “Hosanna (salvation) to the Son of David!” (21:15). Itong mga kaaway ni Jesus ang sabi, “Di mo ba naririnig yan?” na para bang gustong patahimikin ang mga bata. Sabi ni Jesus, “Narinig ko.” Pagkatapos ay binanggit niya ang sinasabi dito sa Psalm 8:2, ‘Pinalabas mo sa bibig ng mga sanggol at ng mga pasusuhin ang wagas na papuri?’ (v. 16). Natahimik ang kanyang mga kaaway.
8:3. Karapat-dapat naman siyang purihin hindi lang dahil siya ang haring galing sa lahi ni David. Siya ang Lumikha sa atin. All things created by him and for him (Col. 1:15-17). He upholds the universe by the word of his power (Heb. 1:3).
8:4-6. Itong mga talatang ito ay ginamit ng sumulat ng Hebrews para tumukoy kay Jesus (Heb. 2:6-8). He is true God. He is also the true Man, the true Israelite, the true Son of David. Sabi sa v. 9, “Subalit alam nating si Jesus, kahit na sa kaunting panaho’y ginawang mas mababa kaysa mga anghel, ay binigyan ng karangalan at kaluwalhatian dahil sa kanyang kamatayan. Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa atin, niloob niyang si Jesus ay mamatay para sa ating lahat.” Ang Diyos naging Tao, si Jesus ang Anak ng Tao, na siyang Anak ng Diyos na lubos na kinalulugdan ng Ama. Sa kanyang pagiging tao, hindi lang siya naging mababa nang kaunti sa mga anghel, ibinaba niya ang sarili niya nang lubusan at nag-anyong alipin, sumunod sa Diyos (di tulad natin) maging hanggang kamatayan sa krus (Phil. 2:6-8). At sa krus, itinuring siyang kaaway ng Diyos para mapanumbalik tayo sa Diyos. Bagamat siya ang Anak ni David, ang Haring Mesias, pinatungan siya ng koronong tinik, ipinahiya’t hinubaran, that we might be crowned with glory and honor. Sa pamamagitan nun, tinapakan niya sa ulo ang ating Kaaway (the serpent), dinurog ang ulo niya, tinanggal ang kamandag niya, that we might have victory over sin and death. Muli siyang nabuhay. Umakyat sa langit. Naupo sa kanang kamay ng Diyos. He is now reigning as King of kings and Lord of lords. “He must reign until he has put all his enemies under his feet” (1 Cor. 15:25).
8:9. The majesty of God is more visible not at creation but at the cross of Jesus. The ugly face of Jesus on the cross magnifies the beauty of the grace of God for sinners. “At dahil dito, siya’y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon” (Phil. 2:9-11).
Psalm 8 and the Christian Life
8:1. Dahil tayo ay nakay Cristo, ipinapahayag ng ating mga labi ngayon na si Jesu-Cristo ang ating Panginoon. Our passion now is not for our own glory, but for his glory.
8:2. Dahil kay Jesus, di na tayo itinuturing na kaaway ng Diyos, kundi parang mga batang anak niya. Kaya makakaawit na tayo ng papuri sa kanya tulad ng mga batang namamangha at natutulala kapag nasisilayan ang kanyang kagandahan at kadakilaan.
8:3. Kapag tingnan natin ang kalangitan, ang gawa ng kanyang mga kamay, kinikilala nating pag-aari niyang lahat ito, and he is sovereign over all, over all of life.
8:4. At lalo pa tayong namamangha sa kanya, hindi lang dahil siya ang lumikha sa atin, kundi siya ang nagligtas sa atin, sa atin na mga di karapat-dapat, sa atin na nagrebelde sa kanya, pinahalagahan niya tayo, niyakap, minahal bagamat dapat lang na tayo’y itakwil at parusahan.
8:5. Oo ngayon, parang tayo’y mababa kaysa mga anghel. Pero sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, mamamahala tayo sa lahat ng kanyang nilikha. We will rule even over angels, even judge them. Pero habang hinihintay natin ang araw na yun, na tatanggapin natin ang crown of glory and honor, ibinababa natin ang sarili natin, hindi itinuturing na mas mataas kaysa sa iba. Pinipili nating maglingkod kesa tayo ang paglingkuran. Tulad ng halimbawang ipinakita ni Jesus nang siya’y narito pa sa lupa.
8:6-8. We have dominion now, para tayong mga pinuno na namamahala, not to dominate or harm others, but to serve them lovingly. To be good stewards of his grace. Ang mga asawang lalaki namamahalang may pagmamahal sa kanilang asawa, ang mga magulang sa kanilang anak, ang mga church leaders sa mga miyembro ng iglesiya, ang mga amo sa kanilang mga empleyado, lahat tayo sa lahat ng resources na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. We steward all resources God has given us for his glory and the good of other people.
8:9. Not just here locally, but out there globally. Dahil nakay Jesus na ang kapangyarihan sa langit at sa lupa (Matt. 28:18), we make disciple of all nations. Ipinapahayag natin sa buong mundo na ang Diyos ay karapat-dapat sambahin sa kanyang kadakilaan at kabutihan. We proclaim the gospel to all nations. At kapag natapos yun, then Jesus will return. And we will reign with him forever and ever. God will put all things under his feet. And we will forever sing his praises, “O LORD, our Lord, how majestic is your name in all the earth!”