Part 2 – Richer than Gold, Sweeter than Honey (Psalm 19)

kakvo-lekuva-medenata-voda

Ang iba sa inyo hindi nagbabasa ng Bible. Ang dahilan, not because you are busy, not because you don’t have the time, but because your heart is not in it. At kung wala ka talagang interes sa Bible, mag-ingat ka, baka wala ka pa kay Cristo dahil wala kang interes sa kanyang salita. Maybe you are not yet born again, because you are not longing for the milk of the Word.

Pero alam ko marami sa inyo born again na, may relasyon na kay Cristo, nagbabasa ng Bible. Pero baka isipin mo ang pakikinig sa kanyang salita pag time lang ng devotion mo or quiet time. Tapos the whole day di ka naman sensitive sa voice and leading ng Holy Spirit. Baka akala mo quiet na si Lord after ng quiet time mo sa kanya. O yung iba sa inyo alam ko masipag na masipag ngayon na sumusunod sa reading plan natin sa Psalms. Nakapost palagi sa FB, naka hashtags pa. Good. Pero paano after two weeks or two months? Ganun pa rin kaya kaexcited sa Word? Pag huminto na, ang problema yung desire, yung longing, yung motivation. Ang iba naman baka nagbabasa lang, nagiging ritual na lang, pero walang pagbabagong nangyayari.

Again, the heart is the problem. Bible reading is not just an activity. It is for our transformation. Hindi lang mababago ang ugali. Kasama yun siyempre. But the greatest transformation ay yung intimate relationship natin kay Lord. As your heart treasures the Word of God, you listen to him when you open your Bible, when you close your Bible, and live a life of intimate relationship with him 24/7. Malinaw yan sa unang awit na pag-aaralan natin, sa Psalm 19.

Nagpapakilala ang Diyos sa iyo sa pamamagitan ng kanyang mga nilikha.

Ito ang laman ng awit ni David sa vv. 1-6. Hindi na niya kailangang magbanggit pa ng maraming nilikha ng Diyos. Sapat na ang sabihin niya ang tungkol sa kalangitan at kalawakan (v. 1) at ang araw (v. 4) na nagbibigay liwanag tuwing araw (v. 2) at pinanggagalingan ng liwanag ng buwan sa gabi (v. 2). Yan na ang mga nasa itaas ng nilikha ng Diyos. Ang araw sa Solar System natin ay isa lang sa bilyung-bilyong mga bituin sa Milky Way Galaxy na kinabibilangan ng mundo natin. At itong Milky Way Galaxy ay isa lang sa bilyung-bilyong galaxies sa buong kalawakan o universe. Tumingin ka sa itaas, there is so much more above the sun. Yan ang kalangitan na nilikha ng Diyos. At kung ano man ang sinasabi nito tungkol sa Diyos, ganun na rin tungkol sa lahat ng aspeto ng nilikha ng Diyos. Ang itinuturo nito tungkol sa Diyos ay abot sa lahat ng dako…umaabot hanggang sa dulo ng daigdig (v. 4).

Walang patid ang pagsasalita ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang nilikha. 24/7 yan. Marami nga lang sa atin di nakikinig, kadalasan nakikita na natin ang mga yan, di man lang tayo huminto at magbulay. Ipinapahayag…ipinapakita (v. 1). Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman (v. 2). Wala mang tinig, salita o tunoy na naririnig (v. 3), pero tiyak na may sinasabi o itinuturo tungkol sa Diyos. Ano yun?

His glory as Creator (vv. 1-2). Ang kaluwalhatian ng Diyos na makikita sa ginawa ng kanyang kamay (v. 1). Sa bawat araw at gabi (v. 2), makikita mo ang liwanag na siyang nagpapakilala sa Diyos na nagbibigay liwanag at buhay sa atin. Ang ulap na siyang nagpapakilala sa Diyos na siyang kumakalinga at nagbabantay sa atin. Ang mga bundok na nilikha ng Diyos na siyang ating matibay na sandigan. Ang tubig na siyang naglilinis sa atin at pumapawi ng uhaw natin. Ang karagatan na siyang lawak ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Kitang-kita sa nilikha ng Diyos ang lawak ng kapangyarihan niya at ang sakop ng kabutihan at pagmamahal niya.

His passion to make himself known to all (vv. 3-4). Di pwedeng di niya maipakilala ang sarili niya sa lahat. Sa lahat ng dako…sa dulo ng daigdig. Kahit mga walang pinag-aralan, kahit sa mga tribong di pa nararating ng mga misyonero, kahit sa mga taong sumasamba sa kalikasan, nagpapakilala siya.

“Sapagkat ang katotohanan tungkol sa Dios ay malinaw sa kanila dahil inihayag ito sa kanila ng Dios. Totoong hindi nakikita ang Dios, pero mula pa nang likhain niya ang mundo, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Dios ay naipahayag sa mga bagay na ginawa niya; kaya wala silang maidadahilan” (Roma 1:19-20 ASD).

His majestic sovereignty over everything (vv. 5-6). Nagniningning ang kanyang kadakilaan at kapamahalaan sa lahat ng kanyang nilikha. Inihalintulad ni David dito ang araw sa lalaking ikakasal, nagniningning sa liwanag at kagandahan. At kung ang Diyos ang lumikha nito at ng lahat ng mga bituin, he is much more beautiful and more majestic. Infinitely more beautiful. Kung sa liwanag ng araw di na tayo makatingin nang diretsahan, sa liwanag pa kaya ng kaningningan ng Diyos? Inihalintulad din ang araw sa isang manlalaro (strong man, ESV) na handang-handa o sabik na sabik sa takbuhan. Mula silangan hanggang kanluran, mula sa lahat ng dako, sakop ng liwanag at init ng araw. Paano pa kaya sa Diyos na lumikha nito? He is in total control of everything. This world, this universe is God’s playing field, he owns it, he takes delight in running it.

Pagmasdan mo ang nilikha niya, pakinggan mo ang sinasabi niya tungkol sa kanya. Tinatawag ito ng mga theologian na general o natural revelation. Ang pagpapakilala ng Diyos sa lahat sa pamamagitan ng kanyang nilikha. Pero yan ay di sapat para tunay nating makilala nang personal ang Diyos. We can know about him through nature, but we cannot truly know him. We need special revelation. Yan naman ang salita niya na nakasulat sa Bibliya. Yan naman ang tema ng sumunod na inawit ni David.

Nagpapakilala ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng kanyang Salita sa Bibliya.

Hindi pwedeng nakasara lagi ang Bible mo. Dapat mong buksan! Iba’t ibang pangalan ang ginamit niya para tukuyin ang salita ng Diyos. Batas, tuntunin, utos, tagubilin, paggalang at pagsunod (fear of the Lord) na siyang dulot ng salita ng Diyos, mga hatol (o panukala kung ano ang tama at kung ano ang mali). Wag na nating suriing mabuti kung ano ang pagkakaiba-iba ng mga pangalang ‘yan. Ang mahalaga, malaman nating ang lahat ng ‘yan ay tumutukoy sa Salita ng Diyos. Sa panahon ni David, ang meron pa lang siya ang yung Torah o Pentateuch (Genesis to Deuteronomy). Pero kung ano ang totoo sa limang aklat na yun ay totoo rin sa lahat ng aklat na nasa Bibliya – Lumang Tipan o Bagong Tipan man. Lahat ng Kasulatan ay galing sa Diyos at kapaki-pakinabang, sabi ni apostol Pablo (2 Tim. 3:16-17). Lahat! Kasama ang Leviticus, kasama ang Habakkuk, kasama ang Psalms!

Ang mga sumunod ay may kinalaman sa katangian ng salita ng Diyos at ang benepisyo o pakinabang sa atin.

  1. Ang batas (Heb. torahni Yahweh, walang labis walang kulang, ito’y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan (v. 7a). “Perfect, reviving the soul” (ESV). Walang labis, walang kulang (MBB). Walang kamalian (ASD). Wala kang maipipintas. Walang error. Wala kang kailangan na di nakasulat dito. Lahat ng kailangan mo nandito na. Di tulad ng textbook mo sa school, di tulad ng mga nababasa mo sa Facebook, di tulad ng mga nababasa mo sa balita sa diyaryo. Walang katulad ang salita ng Diyos. Dahil ito ay puro katotohanan, ito’y nagbibigay sa tao ng panibagong kalakasan. Actually, ang literal nito ay mas matindi pa, reviving sa ESV, converting sa KJV. Hindi lang ito kalakasan sa mga nanghihina, o kagalingan sa mga maysakit spiritually speaking. Ito ay nagbibigay-buhay sa mga patay. We were spiritually dead. God speaks his word to us and it makes us alive! Kung paanong hiningahan niya si Adan at nagkaroon ng buhay, hiningahan niya ang patay nating espiritu at muling tumibok ang puso natin sa pag-ibig sa kanya. Tulad ng salita ni Jesus kay Lazarus, “Bumangon ka!”
  2. Ang mga tuntunin ni Yahweh’y mapagkakatiwalaan, nagbibigay ng talino sa payak na isipan (v. 7b). “Sure, making wise the simple” (ESV). Ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa Diyos, sure. Ang sinasabi nito tungkol sa problema ng tao, sure. Ang sinasabi nito tungkol sa relasyon natin sa kanya, sure. Di tulad ng tseke na kahit gaano kalaki ang nakasulat, di ka pa rin sure, dated man o postdated. Kahit kilala mo pa nakapirma diyan, di pa rin sure. Salita lang ni Lord ang sure. At dahil sigurado ka rito, ito’y nagbibigay talino. Kahit di ka maging class valedictorian o cum laude, ok lang. Mas magiging matalino ka pa sa mga teachers mo, mas magiging matalino ka pa sa mga mayayaman kung babad ka sa salita ng Diyos. Hindi dahil marami kang alam, kundi dahil karunungang galing sa Diyos ang matutuklasan mo. Kung paano mamuhay, kung ano ang layunin ng buhay, kung paano magkaroon ng buhay na puno ng kagalakan. Di yan matututunan sa eskuwelahan, maliban na lang kung salita ng Diyos iyong pagbubulayan.
  3. Ang mga utos ni Yahweh ay makatuwiran, ito’y nagpapasaya ng puso at kalooban (v. 8a). “Right, rejoicing the heart” (ESV). Nagsasabi ito ng tamang daan na dapat mong lakaran. Hindi ka iliigaw, hindi ka ilalayo, dadalin ka sa tama at katuwiran. At siya lamang na nasa matuwid na pamumuhay ang tunay na magkakaroon ng kagalakan. Ang salita niya’y nagpapasaya ng puso. Akala ng mga tao ang kasiyahan matatagpuan nila sa sex o sa pera o sa mataas na posisyon. Ang tunay na kagalakan ay matatagpuan sa paglapit sa Diyos at pagbubulay sa kanyang mga salita. Kaya nga simula ng Psalms ay ito: “Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama, at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa. Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya at hindi nakikisangkot sa gawaing masama. Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi” (1:1-2 MBB).
  4. Ang mga tagubilin ni Yahweh ay tama, nagbibigay sa isipan ng hustong pang-unawa (v. 8b). “Pure, enlightening the eyes” (ESV). Puro, hindi diluted, hindi polluted, hindi contaminated, hindi tampered. 100% pure. Oo nga’t sinulat ng tao, pero pinangasiwaan ng Diyos para ang maisulat ay yung tama at ayon sa nais niya. Parang kapeng barako, di tulad ng 3-in-1 instant coffee, walang halong asukal, walang halong gatas, kapag ininom mo nakainom ka ng tunay na kape. Dilat na dilat din ang mata mo! Ang salita ng Diyos ididilat ang mata mo sa reyalidad ng nangyayari sa paligid mo. Maiintindihan mo kung bakit ganun ang politika, kung bakit ganun ang presidente, kung bakit ganun ang kapitbahay mo, kung bakit may mga sufferings sa buhay, kung bakit ganun ang takbo ng kasaysayan. Kung gusto mong mamulat sa realidad ng buhay, wag opinyon ng tao ang pakinggan mo, kundi salita ng Panginoon.
  5. Paggalang at pagsunod kay Yahweh ay dalisay, magpapatuloy ito magpakailanman (v. 9a). “Clean, enduring forever” (ESV). Kapag laging marumi ang gamit mo, madaling maluma, madaling masira. Nililinis mo para magtagal. Pero kahit anong gawing linis mo, may katapusan din. Ang salita ng Diyos di mo na kailangang linisin. Sadyang malinis. Hindi tulad ng tubig sa gripo, kailangan pang ipurify para sigurado kang malinis at mainom mo. Ang salita ng Diyos sige inumin mo nang inumin, siguradong malinis. Maglalaho na ang lahat, pero ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman. “Everyone of your righteous rules endures forever” (119:160). Bakit ang mga kinakapitan mo ay mga bagay na pansamantala? Kapitan mo ang salita ng Panginoon at pati ikaw mananatili magpakailanman.
  6. Ang mga hatol ni Yahweh ay tunay na makatarungan, patas at walang kinikilingan
    (v. 9b). “True and righteous altogether” (ESV). Salita ng Diyos ang humahatol kung ano ang mabuti at masama, kung ano ang tama at mali, kung ano ang parusa sa kasalanan at gantimpala sa kabutihan. Di tulad ng desisyon ng Korte Suprema, may kinikilingan. Di tulad ng desisyon ng magulang mo, may favoritism. Di tulad ng desisyon ng teacher mo, biased at subjective. Pag sinabi ng Diyos, yun ang patas, yun ang walang kinikilingan. Nakasampa na ang kaso ng grupo naming mga suppliers na nabiktima ng sindikato. Ano’ng magiging desisyon ng kinauukulan? Ano’ng aksyon? Sana pabor sa amin. Pero di kami sigurado. Maraming delays. Ang mahalaga kung ano ang salita ng Diyos, yun ang makatarungan, yun ang maaasahan.
  7. Mas kanais-nais pa ito kaysa gintong lantay (v. 10a). “More to be desired are they than gold, than much fine gold.” Sobrang busy mo sa trabaho, kakakayod para kumita ng pera. Nakakalimutan mo kung ano ang mas mahalaga. Ang salita niya mas higit na yaman pa kesa sa milyung-milyong perang kikitain mo. “The law of your mouth is better to me than thousands of gold and silver pieces” (119:72). “Therefore I love your commandments above gold, above fine gold” (119:127). The Word is not just a treasure, it gives us much pleasure.
  8. Mas matamis pa kaysa pulot ng pukyutan (v. 10b). “Sweeter also than honey” (ESV). Yung iba naman entertainment, sports, or time with friends ang nagiging hindrance sa pagbabasa ng Salita ng Diyos. Bored daw sila sa pagbabasa. Mas nag-eenjoy pa sa movies or basketball or TV. Oh, kung alam mo lang kung anong kasiyahan ang makukuha mo sa salita ng Diyos, di mo ito ipagpapalit kahit sa anuman. “How sweet are your words to my taste, sweeter than honey to my mouth” (119:103)!
  9. Ang mga utos mo, Yahweh, ay babala sa iyong lingkod (v. 11a). Oo, matamis ang salita ng Diyos. Pero sa isang banda mapait din. Dahil nagbibigay ito ng warning sa mga sumusuway sa kanyang mga utos. Even his warnings are expression of his sweet love. Bakit nga? Kung ang tatay mo di ka sabihang delikado ang maglaro sa kalsada, magkakasakit ka kung anu-ano ang sinusubo mo sa bibig mo, mapapahamak ka kung kani-kanino ka sasama, that’s not loving. Pero kung pinaaalalahanan ka, binibigyan ka ng warning, that’s sweet. Pero pakikinggan lang natin ang mga warnings ng Diyos kung itinuturing natin ang sarili natin na “lingkod” ng Diyos. Kung hindi, we live independently of him, we command our own lives, na siya namang ikapapahamak natin. Pero kung nakapailalim ang buhay mo sa salita ng Diyos…
  10. May malaking gantimpala kapag aking sinusunod (v. 11b). May authority siya na sabihan tayong sumunod. Di naman niya obligasyong bigyan pa tayo ng rewards. But because he is such a gracious God he rewards our obedience. At yun na yung mga nauna natin napag-usapan. Sulit na sulit ang basahin ang Bibliya. Pero hindi pwedeng basahin lang. Hindi pwedeng nakikinig lang. Ang gantimpala ay nasa pagsunod, kung ang salitang ito ay bumabago sa buhay natin.

Kung nagpapakilala siya sa pamamagitan ng kanyang nilikha, sa pamamagitan ng kanyang Salita, kilalanin mo siya.

God speaks to us because he wants to have a relationship with us. Two-way yan. Nagsasalita siya, we respond to him. Tulad ni David. Ang awit na ito ay awit niya sa Diyos. Mula sa puso niya. Narito rin sa vv. 12-14 ang panalangin niya, Iligtas mo ako, Yahweh. Ilayo mo…huwag mong itulot…Nawa’y… Ang layunin ng panalangin niya ay magkaroon ng buhay na kinalulugdan ng Diyos, walang kapintasan at walang bahid ng masama…kaluguran. Ganyan ang prayer niya kasi habang mas nakikilala niya ang Diyos sa kanyang Salita, mas nakikilala niya ang sarili niya, ang sarili niyang puso na puno pa rin ng kasalanan. As you read the Word…

Pray that God will expose the sins in your heart. Walang taong pumupuna sa sarili niyang kamalian, iligtas mo ako, Yahweh, sa lihim na kasalanan (v. 12). Sanay na tayong magkasala, minsan di na natin napapansin, minsan nagiging manhid na. Kailangan nating hilingin sa Diyos na ipakita niya ang mga kasalanan sa puso natin na nakatago pa rin, na kahit tayo di natin alam. Habang nagbabasa ka, sabihin mo sa Diyos na magsilbing salamin ang salita niya para makita mo ang dumi sa mukha mo. At kapag nakita mo, tumawag ka sa kanya, sabihin mo, “Lord, I need you, everyday I need you. Save me. Deliver me. Rescue me.”

Pray that God will give you freedom from your sins. Pinatawad ka na ng Diyos dahil kay Cristo, tutulungan ka rin niyang mapagtagumpayan ang mga natitirang kasalanan. Ipanalangin mo, Ilayo mo ang iyong lingkod sa mapangahas na kasalanan, huwag mong itulot na maghari sa akin ang kasamaan. Sa gayo’y mamumuhay akong walang kapintasan, at walang bahid ng masama ang aking mga kamay (v. 13). Ganyan ang panalangin natin kasi nga gusto nating mas mapalapit pa sa Diyos. Kaya nga tayo nagbabasa ng Salita niya para mapalapit pa sa kanya. Kung ang kasalanan ay hadlang sa paglapit natin sa kanya, our attitude sa Bible reading ay dapat with repentant heart.

Pray for unhindered intimacy with God. Nawa’y ang mga salita ko at kaisipan, kaluguran mo, Yahweh, manunubos ko at kanlungan (v. 14). Nalulugod ang Diyos pag ang salita natin ay ayon sa kanyang salita, kung ang isip natin ay hinuhubog ng isip niya. Dinisenyo ng Diyos ang mga awit na tulad nito para maging panalangin din natin, para ipakita kung sino siya, para ipakita kung sino tayo, para ipakita na si Jesus lang ang kailangan natin. Si Jesus ang Panginoon, Yahweh, ang ating Manunubos at Kanlungan. Jesus is our Rock and our Redeemer. Last year, sa prayer ko about this psalm, ganito ang sinulat ko.

O aming Panginoon, ang kalangitan ay nagpapahayag ng iyong kadakilaan. Ang araw ng iyong buhay at liwanag na iyong bigay. Ang mga ibon ng huni ng iyong awit ng pagmamahal sa amin. Ang salita mo o Dios ay puro, perpekto, at nagbibigay kagalakan. Sinasalamin nito ang iyong kabanalan pati na rin ang abang kalagayan ng puso ko. Ipakita mo Panginoon ang aking mga kasalanan, pati ang mga hindi ko nalalaman. Bigyan mo ako ng babala sa mga oras na ako’y sumusuway. Patawarin mo ako sa lahat ng aking kasalanan. Ituwid mo ako at hubugin.

Para ako’y maging ganap at walang kapintasan tulad ng iyong Anak na si Jesus. Siya ang aking Batong Kanlungan at Tagapagligtas. Sa pamamagitan niya’y nagsalita ka, nagpakilala, ipinahayag ang kadakilaan mo, kabutihan mo, kalooban mo. He is your Word (Jn 1:1). He is perfect, just, righteous altogether. Sa pamamagitan niya ay nahahayag ang aming mga sala at kami’y pinatatawad. Inako niya ang parusang dapat sana ay sa amin. Nabuhay siyang muli para kami’y muling ibalik sa iyo. He is my treasure and my pleasure forever more. Ang puso ko’t saloobin ay nakalulugod sa iyo dahil kay Cristo.

Salamat po. Salamat po. Tiwala ko’y sa iyo na patuloy akong gagabayan ng iyong Salita, itutuwid, palalayain, huhubugin, gagantimpalaan, at pasasayahin. Tulungan n’yo po akong palaging marinig ang sinasabi n’yo. Makita ang pinapakita n’yo. Maunawaan ang itinuturo n’yo. Sundin ang mga utos n’yo. Pagtiwalaan ang mga pangako n’yo. Ituring na yaman at kagalakan ang salita n’yo. Wag n’yo pong pahintulutang maging boring ang Bible reading ko. O mechanical lang na pagkatapos ay di na ko magbigay atensyon sa sinasabi n’yo sa buong araw. May the meditation of my heart and the words of my lips be pleasing in your sight. My Lord. My Rock. My Redeemer. Amen.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.