Part 1 – Don’t Read the Psalms

then-sings-my-soul-title

Natural pag Bagong Taon, may bagong commitments din, New Year’s Resolutions. Wala namang masama diyan. Pero dapat magpakita ito kung ano ba talaga ang pinakamahalaga sa buhay natin. Hindi yung puro tungkol lang sa diet, sa savings, sa family, sa studies, sa work ang maging resolutions or new commitment natin. I hope na every new year, magkaroon tayo ng renewal ng commitment natin pagdating sa pagiging deeper into the Word and more intimate in prayer. Kasi naman kahit gaano ka na katagal sa Christian life, you still long for more of God. Hindi lang ito yung para bang “read you Bible, pray everyday and you grow, grow, grow.” Di ito dapat maging ritwal o mekanikal lang. Na para bang meron kang checklist ng Bible reading plan o kailangang gawin o ipagpray tapos okay na yun. This is about the longing of our heart for God. Ang pagbabasa ng Bibliya at paglalaan ng oras sa panalangin ay paraan para silaban ang ating damdamin para sa Panginoong Jesus. Ito ay paraan para mas mainlove pa kay Jesus. Jesus is the goal.

Sabi ni Paul sa Colosas 3:16, “Itanim ninyong mabuti sa mga puso n’yo ang mga aral ni Cristo…” Ang parallel nito ay Efeso 5:18-19, “…Hayaan ninyong mapuspos kayo ng Banal na Espiritu…” Kung gusto nating mapuspos tayo ng Espiritu, mamuhay ayon sa kanyang kontrol at direksyon, dapat lumalalim tayo sa pagkakababad sa Salita ng Dios. You cannot draw closer to Jesus, you cannot grow in discipleship without daily discipline in the Word. Imposible.

Sinabi ko na parallel yang dalawang passage na yan dahil sa sumunod na linya. Sa Colosas 3:16, “Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal na may pasasalamat sa Dios sa mga puso ninyo.” Sa Efeso 5:19, “…umawit kayo ng mga salmo, himno, at ng iba pang mga awiting espiritwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon.” Mahalaga ang Salita ng Dios. Mahalaga ang Espiritu. Kaugnay nito ang puso natin na umaawit ng “salmo, himno at awiting espiritwal.” Mukhang pare-pareho din naman yung tatlong yan. At partikular na tinutukoy ang book of Psalms na ginagamit ng mga Judio at ng mga naunang Cristiano bilang gabay sa pagsamba, parang hymnbook, songbook o prayerbook nila. Isang implikasyon nito ngayon ay ito – kung gusto nating lumalim sa salita ng Dios, kung gusto nating mas maging mainit ang spiritual life natin, maglaan tayo ng panahon para basahin, pagbulayan at gamitin sa pansariling panalangin at sama-samang pagsamba ang Mga Awit/Salmo.

Kaya magkakaroon tayo ngayon ng bagong sermon series sa Psalms, Then Sings My Soul: Singing the Songs of Jesus. Merong 150 psalms na nakasulat sa Bibliya. Pero wag kayong mag-alala’t hindi three years nating gagawin yan! Three months lang. Pipili lang ako ng ilan, based sa different types ng psalms. Kaugnay nito, I will encourage you to join us sa Bible reading plan na three months tapusin ang Psalms. Mas mainam kasi na araw-araw, pare-pareho tayo ng binabasa. Ok lang din naman kung meron kang ibang reading plan. Pero mas enriched ang experience natin sa Bible reading if it’s a shared experience. Meron kayong reading guide. Meron ding Facebook group na pwede n’yong salihan. Pwede n’yo rin itong pag-usapan sa fight club, grace community o kahit sa mga personal conversations.

Objection: I don’t like music, poetry, and emotional stuffs!

Next week pa natin sisimulang pag-aralan ang Psalms. Ngayon, introduction lang muna. Ang goal ko ngayon ay i-encourage o i-motivate kayong lahat na simulang basahin ito. Bago iyon…tingnan muna natin ang overview ng Psalms.

Para sa ilan sa inyo siguro di na kailangan ng encouragement. Sabi nga ni Fee and Stuart na yung psalms daw “for most Christians the best-known and most-loved portion of the Old Testament.” Ang psalms ay poetic, musical, rich in images, at mas emotional ang content kung ikukumpara sa ibang bahagi ng Scripture. Yung iba gustung-gusto yan. Pero meron din namang ganito, parang ako, “Di ko masyadong type yang mga ganyang stuffs.” Kaya yung iba, partikular mga lalaki, pag kumakanta ang church, sila naman nakatayo lang, di kumakanta, di makita ang expression of worship, medyo naiilang na pag nagiging emotional yung mga katabi. Tough guy image kumbaga.

But keep in mind, many of the psalms were written by King David. Halos kalahati. Hari siya, mandirigma, toughest guy sa buong Israel. Pero siya rin ang chief musician nila. At kung umawit siya at sumayaw sa pagpupuri sa Dios, asawa na niya ang nahihiya para sa kanya.

At ang ginagawa ni David, it’s just a reflection of who God is. God is the Chief Musician/Singer. Just try to imagine ang saya ng Dios sa kanyang paglikha, malamang umaawit siya kasama ng mga anghel sa langit (Job 38:5). Ang paglikha sa tao sinulat sa poetic language. Sabi ni Jesus, kapag may isang makasalanan na nagbalik-loob sa Dios, nagdiriwang ang mga anghel sa langit. Pag may celebration, di mawawala ang kantahan. We reflect God’s image when we sing. When we refuse to sing, we are disobeying his command not just to sing, but to sing praises to him (Psalm 33:3).

Kaya naman ang Panginoong Jesus, Dios na nagkatawang-tao, umaawit din. The psalms were Jesus’ songbook. Ayon kay Tim Keller: “The psalms were Jesus’s songbook. The hymn Jesus sang at the Passover meal (Matt. 26:30; Mark 14:26) would have been the Great Hallel, Psalms 113–118. Indeed, there is every reason to assume that Jesus would have sung all the psalms, constantly, throughout his life, so that he knew them by heart. It is the book of the Bible that he quotes more than any other.” Gusto mong maging katulad ni Jesus? Then sing like Jesus did, use the psalms in worship like Jesus did.

Totoo ngang ang mga awit dito ay salita o panalangin ng mga tao sa Dios. Pero maituturing din itong Salita ng Dios para sa atin. The psalms were Holy Scripture. Kinolekta ito at ginawang parang hymnbook para maging gabay sa panalangin at pagsamba ng mga Judio sa mga sinagoga at ng mga unang Cristiano sa New Testament. Itinuturing nila itong Salita ng Dios at dapat pahalagahan. Kaya nga si Martin Luther, “mini-Bible” ang tawag sa Psalms. “All Scripture (all psalms) were breathed out by God and profitable…(2 Tim. 3:16-17). Kung di mo babasahin, kung di mo gagamitin, di mo papakinabangan. Sayang lang.

Why read the Psalms

Anu-ano ang pakinabang sa atin?

The psalms help us draw closer to God. Sabi ni Warren Wiersbe: “The book of Psalms has been and still is the irreplaceable devotional guide, prayer book, and hymnal of the people of God…Primarily, the Psalms are about God and his relationship to his creation, the nations of the world, Israel, and his believing people…The psalms teach us to seek God with a whole heart, to tell him the truth and tell him everything, and to worship him because of who he is, not just because of what he gives. They show us how to accept trials and turn them into triumphs, and when we’ve failed, they show us how to repent and receive God’s gracious forgiveness.”

Mas mapapalapit tayo sa Dios kung mas makikilala natin siya. Through the psalms, matutuklasan nating he is greater and better, more glorious and more gracious than we imagine him to be. You’ll see more of God – yung pag-ibig niyang walang hanggan, yung pagpapatawad niyang walang sawa, yung kabutihan niyang di kumukupas, yung pagliligtas niyang sukdulan, yung pagiging Pastol niya sa pangangalaga sa atin, yung pagiging Bato niyang masasandigan natin, yung pagiging Mandirigma niya sa pagliligtas sa tin.

The psalms help us sense every human need. Lahat ng kailangan ng tao matatagpuan natin sa aklat na ito. Kailangan mo ng karungungan kung paano mamuhay araw-araw, read the psalms. Meron kang kaaway, read the psalms. Para kang natatabunan ng mga problema sa buhay, read the psalms. Nawawalan ka na ng pag-asa sa political situation sa Pilipinas, read the psalms. Inabuso ka, tinakwil ng kaibigan, parang nag-iisa na lang, read the psalms. Nagdududa ka na sa Dios, read the psalms. Nahulog ka sa kasalanan at di mo tiyak kung patatawarin ka pa ng Dios, read the psalms. Gusto mong mas makilala ang Tagapagligtas mo, read the psalms.

The psalms help us point toward Jesus. Bawat sermon sa series na ‘to, ipapakita ko sa inyo kung paanong ang bawat salmo ay tumutukoy, nagtuturo, o ang katuparan ay nakay Jesus, bagamat hindi siya direktang binabanggit maliban na lang sa mga tinatawag na messianic psalms. Sabi ni Jesus sa kanyang mga disciples after he has risen from the dead, “Sinabi ko na sa inyo noong magkasama pa tayo na kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa mga isinulat ng mga propeta at sa mga Salmo [kasama ang ibang OT Poetical Books]” (Lucas 24:44). The psalms were ultimately about Jesus.

Sabi sa notes ng ESV Gospel Transformation Bible: “Jesus considered the book of Psalms to be ultimately about him. To read the Psalms in a non-gospel way, therefore, is to fail to read them the way Jesus himself told us to…Jesus is God’s definitive answer to the cries of his people…Reading the Psalms mindful of Jesus is not a clever way to read this book of the Bible, nor is it one way to do so among others. It is the way. A gospel-lens to reading the Psalms is how Jesus himself teaches us to read them.” Sabi ni Tim Keller, “Most of all the psalms, read in light of the entire Bible, bring us to Jesus…the psalms were not simply sung by Jesus; they also are about him. The psalms are, then, indeed the songs of Jesus.”

The psalms help us express our emotions honestly before God. “With the Psalms, the worshiper can come before God without pretense, confessing his sin, expresssing his deepest emotions. He finds in them the language to say those things that lie inarticulate in his heart, and the courage to affirm the unutterable. Hardly a human situation occurs to which the Psalms do not offer some direct word of comfort or exhortation. The church has drunk from the brook of psalmody though the centuries and has discovered that it originates at the eternal spring of living water” (Hansell Bullock). “The Psalms, therefore, are of great benefit to the believer who wishes to have help from the Bible in expressing joys and sorrows, successes and failures, hopes and regrets” (Fee and Stuart). Nagpapasalamat ka man o nagrereklamo, nagpupuri o nalulungkot, nagtitiwala o nawawalan ng tiwala, natutuwa o umiiyak, puno ng pag-asa o parang gusto nang sumuko, anuman ang nararamdaman mo, makikita natin sa mga salmo na lahat yan ay pwede nating sabihin sa Dios sa panalangin at pagsamba sa kanya.

How to read the Psalms

Paano ngayon natin ‘to babasahin? Siyempre dapat maglaan ka muna ng oras kada araw para basahin ‘to. 5 to 6 hours lang matatapos mo ang book of psalms. In three months, 5 minutes a day lang ang katumbas niyan. And make sure na walang distractions, walang phone, walang Facebook. Give all your attention, mind and heart to God. Then…

Read the psalms aloud. Okay lang din namang basahin ng tahimik. Pero mas dinisenyo ito para bigkasin at mapakinggan. Mas makakapagfocus ka. Madali kasing lumipad ang isip natin sa kung anu-anong bagay. Mas mararamdaman mo ang emotions or feelings ng salmo kung bibigkasin mo.

Meditate on the psalms. Wag mo lang basahin. Siyempre di na kasya ang 5 minutes a day diyan. Dagdagan mo pa ng ilang minuto para makapagbulay, makapag-isip, at pakinggan ang sinasabi ng Dios sa ‘yo sa pamamagitan nito. Learn to ask gospel-centered questions. As you meditate, di na ‘to nagiging prayers lang ng Israel sa Dios, you are making it your own. “As you read this portion of God’s Word, make these prayers to God your own, and consider the ways these Psalms are good news to us — expressing the full range of our emotions, and ultimately bringing our minds to rest on the finished work of Christ on behalf of sinners” (ESV Gospel). As you meditate on the psalms, meditate on Jesus.

Pray the psalms. Prayer book yan, kaya gamitin mo sa prayer. “We are, in a sense, to put them inside our own prayers, or perhaps to put our prayers inside them, and approach God in that way. In doing this the psalms involve the speaker directly in new attitudes, commitments, promises, and even emotions.” Ipanalangin mo ang Psalm 119, “Oh Lord, how I love your law! It is my meditation all the day! Pero kulang pa ang paghahangad ko sa salita mo. Baguhin mo ang puso ko para wala na akong ibang nanaisin pa kundi ang mapakinggan ka.” Ipanalangin mo ang Psalm 23, “Ikaw, Panginoon, ang aking pastol. Di ako magkukulang ng anuman. Ipakita mo sa akin na sapat-sapat ang biyaya mo. Tulungan mo akong magtiwala na sa kabila ng kahirapan ng buhay ko ngayon, ang pag-ibig at awa mo araw-araw ay hahabulin ako.” Ipanalangin mo ang Psalm 139:23-24, “Search me, O God and know my heart. Ipakita mo sa akin kung ano pa ang kailangang baguhin sa puso ko. Turuan mo ako. Sawayin mo ako. Ituwid mo ako. Baguhin mo ang puso ko.”

Sing the psalms. Ang mga salmo di lamang dapat basahin, dapat bigkasin, dapat bulayin, dapat ipanalangin, dapat awitin. Obvious naman kaya nga “Mga Awit” ang tawag diyan. Pero di naman natin kinakanta. Mas kinakanta pa natin ang mga awit ni Chris Tomlin, Matt Redman at ng Hillsong. Wala kang YouTube, wala kang Spotify, wala kang CDs, wala kang mp3s, no problem. You have the book of Psalms, sing it. Kahit sintunado, kahit anong tono, sige lang.

Ineencouage ko kayo na mag-divein sa psalms para sa inyong pansariling pagsamba at panalangin. Pero di ito pwedeng para dun lang. It is meant for the public worship of God’s people. So, together, with other Christians, read the psalms aloud, meditate on the psalms, pray the psalms, sing the psalms. Kaya nga sabi ni Paul sa Eph. 5:19, “addressing one another in psalms…” Hindi naman ibig sabihing pag mag-uusap tayo para tayong mga Madrigal Singers! Na yun bang ang relasyon natin sa Panginoon at sa isa’t isa ay hinuhubog ng mga salita niya na matatagpuan sa Psalms. So we pray na gawin ng Dios yan habang sama-sama tayong sumisisid pailalim para hanapin ang perlas na matatagpuan sa aklat na ito.

Because of the gospel, we sing!

At habang ginagawa natin yan, tandaan nating we sing because of the gospel. The gospel causes us to sing. “…sumigaw kayo sa tuwa…umawit kayo at magalak nang buong puso! Sapagkat hindi na kayo parurusahan ng Panginoon…Kasama ninyo ang Pangnoon…Magagalak siya sa inyo, at sa pamamagitan ng kanyang pag-ibig ay babaguhin niya ang inyong buhay. Aawit siya nang may kagalakan dahil sa inyo, gaya ng taong nagsasaya sa araw ng kapistahan (Zef. 3:14-17).

We sing the songs of Jesus, because through Jesus God is now crazy-in-love singing over us. Ang bagsik ng galit ng Dios napalitan na ng tamis ng awit ng pag-ibig ng Dios sa atin dahil sa ginawa ni Cristo. Nang mahati ang dagat at makatawid ang mga Israelita, naging malaya na sila mula sa daang taon ng pagkakaalipin sa Egipto. Anong ginawa nila? Umawit sila sa Panginoon sa pangunguna ni Moises (Exod. 15). Nang mahati ang tabing sa templo at malaya na tayong makakalapit sa presensiya ng Dios at di na alipin ng kasalanan dahil sa ginawa ni Jesus sa krus, anong response natin? Aawit din tayo sa Dios. Katunayan, sa pagbabalik ni Jesus, lahat ng lahi, lahat ng wika ay aawit para kay Jesus. Together with all the angels in heaven we will sing the song of the Lamb (Rev. 15:3). We will join the millions in heaven singing to Jesus (Rev 5:9-10; 14:3) for all eternity. Ang gagawin natin for all eternity, simulan na natin ngayon. Together, in the psalms, let us sing the songs of Jesus.

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.