As usual, Sunday ngayon. Gumising ka nang maaga, nagbreakfast, naligo, gumayak, bumiyahe papunta dito. Bago ka umakyat, nagcheck ka ng “attendance.” Routine na iyan. Lagi mo namang ginagawa. Pag-akyat mo, sumabay ka sa mga awit, pumalakpak, medyo umiindak pa. Nag-Amen ka sa prayer ng pastor. Nagbigay ka ng offering. Nakikinig ka ngayon ng sermon. Pagkatapos, uuwi ka na, hihintayin mo na naman ang Linggo para sumamba. Ibig sabihin ba sumasamba ka talaga? This is “Sunday Only” Christianity. Oo, attender ka, pero true worshiper ka ba? Kahit na nagpapakanta at tumutugtog ka, worshiper ka ba?
Anong nangyayari sa Lunes hanggang Sabado? Di ba’t ang Linggo ay dapat overflow ng worship mo the rest of the week? At itong araw na ‘to ay magsisilbi ding “fuel” para mas mag-apoy ang puso mo sa pagsamba araw-araw. Kung mula Lunes, ni hindi ka naman nagpapasalamat sa Diyos, puro reklamo, masasamang salita ang lumalabas sa bibig mo, how can you sing from your heart? Kung adik na adik ka naman sa pera at sa materyal na bagay, how can you give as an act of worship? Kung almost zero ang prayer life mo at Bible reading this week, paano ka naman makikipag-usap ngayon sa Diyos at makikinig sa sasabihin niya?
Pwedeng ang araw na ito ay routine lang sa inyo, sayang lang. Tulad ng marami sa panahon ni Jesus, relihiyoso nga, hindi naman true worshipers. “This people honors me with their lips, but their heart is far from me; in vain do they worship me” (Mat. 15:8-9; Is 29:13). Sabi ni John Piper (Desiring God), “Where feelings for God are dead, worship is dead.”
Listen
Resources
Ang dalangin ko para sa bawat isa sa inyo, gaano man kalamig ang puso mo sa Diyos ngayon, mag-iinit, magliliyab; gaano man kalayo, lalapit ka at yayakap sa Diyos. That EveryJuan will be true worshipers. Kahit sa Samaritan woman, na kung sinu-sino nang lalaki ang kinakasama, sexually immoral woman, gustong tawagin ni Jesus na maging disciple niya, na maging worshiper.
Sabi ni Jesus sa kanya, at sa ating lahat, “But the hour is coming, and is now here, when the true worshipers will worship the Father in spirit and truth, for the Father is seeking such people to worship him. God is spirit, and those who worship him must worship in spirit and truth” (John 4:23-24 ESV).
Totoong pagsamba, hindi panlabas lang, hindi pakitang tao lang, hindi iyong pagsamba na dahil sa may gustong makuha sa Diyos na bukod sa Diyos (tulad ng answered prayer). Sabi ni John Piper (Desiring God), “In the end the heart (of a true worshiper!) longs not for God’s good gifts but for God himself.” Ito ang pusong nagsasabing:
“As a deer pants for flowing streams, so pants my soul for you, O God. My soul thirsts for God, for the living God. When shall I come and appear before God” (Psa 42:1-2 ESV)?
“O God, you are my God; earnestly I seek you; my soul thirsts for you; my flesh faints for you, as in a dry and weary land where there is no water” (Psa 63:1 ESV).
A Disciple of Jesus is a Worshiper of Jesus
Ito ang laman ng puso ng isang disciple. Ano ulit ang definition natin ng disciple? A disciple of Jesus is “following Jesus, being changed by Jesus, and committed to the mission of Jesus” (Jim Putman). Sumusunod kay Jesus, binabago ni Jesus at ibinibigay ang buhay para sa misyon ni Jesus. Last week, tiningnan natin ang identity ng isang disciple bilang learner. Nakikinig kay Jesus, naniniwala kay Jesus, sumusunod kay Jesus at binabago para maging katulad ni Jesus. At kasama sa pagbabagong iyan ay ang pagbabago ng puso natin bilang isang worshiper. Hindi lang tayo attender sa worship service, worshiper tayo. At kung nagpapaawit ka, hindi ka lang worship leader, lead worshiper ka.
Every follower of Jesus is a worshiper of Jesus. Nang ipanganak si Jesus, bata pa lang siya, dinalaw siya ng mga Mago mula sa silangan, “they fell down and worshiped him” (Mat 2:11 ESV). Yumuko sa harapan niya, nagbigay-pugay, karangalang sa Diyos lang nararapat ibigay. Si Jesus ay Diyos!
Kasama ni Jesus sa bangka ang mga disciples niya. Tapos bumagyo. Tapos pinatigil niya ang alon at ang hangin sa isang salita lang niya. “Then the disciples worshiped him. ‘You really are the Son of God!’ they exclaimed” (Mat 14:33 NLT).
Pinagaling ni Jesus ang isang bulag, nagpakilala siya sa kanya at tinanong kung naniniwala siya. “He said, ‘Lord, I believe,’ and he worshiped him” (Joh 9:38 ESV).
Nabuhay na muli si Jesus. Pinuntahan siya sa libingan ng mga babaeng disciples niya. Nagpakita siya sa kanila. “They came up and took hold of his feet and worshiped him” (Mat 28:9 ESV).
Bago niya ibigay ang Great Commission (Go and make disciples…), “And when they saw him they worshiped him” (Mat 28:17 ESV).
Umakyat na siya sa langit. At nangakong babalik balang-araw. “And they worshiped him and returned to Jerusalem with great joy” (Luk 24:52 ESV).
At sa mga huling araw, sa kanyang pagbabalik, mananatili tayong worshipers of Jesus, “And the four living beings said, ‘Amen!’ And the twenty-four elders fell down and worshiped the Lamb (Jesus!)” (Rev 5:14 NLT).
We are worshipers of Jesus. Ibig sabihin, siya ang lahat-lahat sa atin. He is our greatest Joy. He is our highest Treasure. He is our all in all. Kaya sabi niya, “I am the vine; you are the branches…apart from me you can do nothing” (Joh 15:5 ESV). Pero dahil nakay Jesus tayo, magagawa natin ang dahilan o layunin ng pagkakalikha sa atin ng Diyos – to worship God!
Worship is the Goal of God’s Mercy
Paano nangyari ‘to? Paano tayo nagkaroon ng ganitong relasyon sa Diyos? We worship because of his mercy. Kaya sabi ni Pablo, “Therefore, I urge you, brothers and sisters, in view of God’s mercy (na inexpose niya sa naunang 11 chapters), to offer your bodies as a living sacrifice, holy and pleasing to God–this is your true and proper worship” (Rom 12:1 NIV).
Kapag sinabi ni Jesus na “worship in truth”, dapat tama ang dahilan o motivation bakit tayo sumasamba. Iniaalay natin sa Diyos ang pagsamba hindi dahil may kailangan siya sa atin. He doesn’t need anything from us! He doesn’t need our worship or our service! “He is not served by human hands, as if he needed anything. Rather, he himself gives everyone life and breath and everything else” (Act 17:25 NIV). Tayo ang may kailangan sa kanya!
Sumasamba tayo hindi rin parang bribery para tumanaw siya ng utang na loob at matanggap natin ang awa niya sa mga hinihiling natin sa kanya. No! We worship because we already have received mercy! We worship in spirit, ibig sabihin, ang puso natin ay nag-uumapaw sa pagpupuri dahil sa awa ng Diyos. We worship out of the overflow of a heart touched by the mercy of God.
Your heart cannot be touched or moved by God’s mercy if you don’t know God’s Story.
- Creation – Nilikha tayo, binigyan ng buhay para ang buhay na ito ay ialay sa Diyos sa pagsamba. Iyon ang ibig sabihin nang tayo’y nilikha sa kanyang larawan. Na masaya at buong puso nating maibalik sa kanya ang karangalang nararapat lang sa kanya. Kaya ang greatest and first commandment ay, “Love the Lord your God with all your heart” (Deut. 6:5; Mat 22:37).
- Rebellion – Sa halip na sambahin natin siya, sinamba natin ang sarili natin. Sa halip na siya ang nasa sentro at nasa trono, gusto natin tayo ang bida. We “exchanged the truth about God for a lie and worshiped and served the creature rather than the Creator” (Rom 1:25 ESV).
- Rescue – Dumating si Jesus. Namatay sa krus para iligtas tayo sa ating false worship o idolatry. Dahil kay Jesus, we “turned to God from idols to serve the living and true God” (1Th 1:9 ESV).
- New Creation – Sa pagbabalik ni Jesus, wala nang ibang diyus-diyosan na luluhuran. Ang Diyos – siya lang at wala nang iba – ang sasambahin at mamahalin natin.
The goal of God’s mercy, as revealed in God’s Story, is the worship of God. Ipinadala niya si Jesus, “in order that the Gentiles might glorify (worship!) God for his mercy” (Rom 15:9).
At paano mo maaalala ang istoryang ito, paano ka makasasamba sa katotohanan, kung di mo naman araw-araw na binabasa ang Bibliya, ang salita ng Katotohanan? Kaya nga una nating pinag-usapan ang pagiging learner, ang kahalagahan ng Bibliya sa pagsunod natin sa Panginoon. The Word of God feeds and fuels a life of worship. Kung di mainit ang pagsamba mo, kasi di mo naman binubuhusan ng gaas ng Salita ng Diyos. Araw-araw exposed tayo sa mga fire extinguishers (tulad ng ka-busyhan, entertainment, atbp) kaya kailangan din natin araw-araw ng fuel. To set our hearts on fire for God! We need God’s Word!
Worship is an Expression of Our New Identity
At salita din ng Diyos ang magpapaalala sa atin kung sino ang Diyos na sinasamba natin. Iisa lang ang Diyos, wala nang iba. Worship is exclusive. “Hear, O Israel: The LORD our God, the LORD is one” (Deut 6:4). Isang Diyos, tatlong persona – Father, Son and Spirit. Sumasamba tayo sa kanya, dahil meron na tayong bagong relasyon sa kanya. Worship is an overflow of our new identity, our relationship with the Trinity. May relasyon na tayo kay Jesus. We worship him. He is the vine, we are the branches. Kung tayo ay nakay Jesus, we are also united with the Father and the Spirit.
God is our Father in heaven. We are his children. Sa pamamagitan ni Jesus, oo nga’t mapupunta tayo sa langit. Pero heaven is not the point. Going to the Father is. “I am the way, the truth and the life. No one comes to the Father (not just enter heaven!!!) except through me” (Jn 14:6). Kung tagasunod ka ni Jesus, ikaw ay anak ng Diyos. “But to all who did receive him, who believed in his name, he gave the right to become children of God” (Joh 1:12 ESV). At kung ikaw ay anak, puwede mo siyang tawaging, Ama. “And because you are sons, God has sent the Spirit of his Son into our hearts, crying, ‘Abba! Father'” (Gal 4:6 ESV)!
Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon n’yo sa tatay n’yo o anong relasyon sa loob ng bahay n’yo. Anuman iyon, ang alam ko, we are at home with God our Father. Sa presensiya niya, may kapahingahan, may love, may security. Ang worship ay hindi trabaho, kundi kagalakan. Ang worship ay hindi kapaguran kundi kapahingahan. Minsan isang Sunday, tinanong ko ang isang bata, “Nasan ang dad mo?” Sagot niya, “Nasa bahay po, nagpapahinga.” Ang tunay na pahinga ay hindi kapag nakahiga ang katawan natin, kundi kung tayo ay nakaluhod sa harapan ng Diyos at sumasamba sa kanya. Pagod na pagod tayo sa buhay, dahil we don’t make worship a priority.
We are in Christ, his Spirit is in us. Dahil kay Jesus, makakapasok na tayo sa presensiya ng Diyos. Hindi lang iyon, tayo pa ang ginawa niyang templo o tahanan! “Do you not know that you are God’s temple and that God’s Spirit dwells in you” (1 Cor. 3:16)? Let that sink in. Ang Diyos nakatira sa iyo. Doesn’t that make you tremble and worship God? Saan tayo dapat sumamba? Sa bahay-sambahan? Sa templo? Yes. But you are that temple. So, worship God with all that you are. With your eyes, with your hands, with your mind, with your feet.
Dahil kay Jesus, I am at home with God and God is at home with me. I worship in response to my new identity.
Worship breaks our heart’s idolatry
Kung ganito pala ang Diyos natin, kung ganito pala ang laki ng ginawa ng Diyos para sa atin, then why are we still so prone to idolatry? Hangga’t narito pa tayo sa mundo, patuloy tayong makikipaglaban sa mga idols of our heart. “Prone to wander, Lord, I feel it, Prone to leave the God I love; Here’s my heart, O take and seal it, Seal it for Thy courts above.” Ang Espiritu ng Diyos na nasa atin ang pagtupad niya sa ipinangako niya sa New Covenant na siya ring sisira sa natitira pang mga idols sa heart natin. “You will no longer worship idols…I will put my Spirit in you…” (Ezek 36:25). Worship breaks our heart’s idolatry.
Ipinagpalit natin ang Diyos sa mga di tunay na Diyos. This is foolishness. “Be appalled, O heavens, at this; be shocked, be utterly desolate, declares the LORD, for my people have committed two evils: they have forsaken me, the fountain of living waters, and hewed out cisterns for themselves, broken cisterns that can hold no water” (Jer 2:12-13 ESV). Anu-anong “cisterns” iyan na pinagkukuhanan natin ng tubig? May trinity din ang mga diols natin:
Wordly pleasures. Hinahanap natin ang enjoyment natin sa pagkain, sa entertainment sa TV o sa Internet, sa sex at relationships sa ibang tao. Hindi masama ang mga bagay na iyan, pero kung pinahahalagahan natin nang higit sa Diyos at nagiging dahilan ng pagsuway at paglayo natin sa Diyos, mga idols iyan. sex, entertainment, food. Anong solusyon? Paniwalaan nating hindi sapat ang mga bagay sa mundo, gaano man ka-thrilling, para magbigay ng kasiyahan sa atin. Na sa Diyos lang tayo lalapit sa kauhawan natin at sasabihin nating, “Aaahhh!” “In his right hand are pleasures forever more. You make known to me the path of life; in your presence there is fullness of joy; at your right hand are pleasures forevermore” (Psa 16:11 ESV). God is our Joy!
Wordly possessions. Akala natin na ang saysay ng buhay ay nakasalalay kung marami tayong mga bagay dito sa mundo – maraming pera, mataas ang napag-aralan, maganda, bago at mamahalin ang gadgets. Di ba’t nakay Jesus na tayo? Ibig sabihin, lahat ng sa kanya ay sa atin din. Lahat ng pagpapalang espirituwal sa kalangitan ay para sa atin (Eph. 1:3). “So let no one boast in men (or worship riches or material things). For all things are yours, whether Paul or Apollos or Cephas or the world or life or death or the present or the future—all are yours, and you are Christ’s, and Christ is God’s” (1 Corinthians 3:21-23 ESV). Jesus is our Treasure!
Wordly power. Akala din natin, mas secured tayo, mas signficant tayo kapag mataas ang posisyon natin sa trabaho, may influential tayo, may mataas ang posisyo sa ministry o mas maraming taong nadadala sa Panginoon. Our work, our strength, our ministry nagiging idols din. Dapat marealize natin na sa sarili natin wala tayong magagawa. “Apart from me, you can do nothing,” (Jn 15:5). Pero dahil nasa atin ang Espirit, nasa atin ang power (Acts 1:8; 1 Cor. 2:4; Eph. 3:16; 1 Thess 1:5) na kailangan natin para matupad ang nais ng Diyos sa atin, ang magbunga, mas maging fruitful ang buhay natin.
Set your heart on fire
We are worshipers of Jesus. We worship because this is the goal of God’s mercy. We worship as an overflow of our new identity in Christ. We worship and break down all the remaining idols in our heart. Hindi “gawain” ang pinag-uusapan dito, kundi ang puso natin. “Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it” (Pro 4:23 NIV). Hindi lang basta babantayan, kundi bubuhusan ng gaas hanggang magliyab ang puso natin sa pagsamba sa Diyos. Hangga’t ang mga tao sa paligid natin – sa bahay, sa iglesia, at kahit saan tayo naroroon – ay mapaso din at magliyab din sa apoy ng puso natin sa pagsamba sa Diyos. Tanungin mo ang sarili mo…
How will I worship? Dapat intentional ka. Hindi lang ito going through the motions. Anu-anong paraan ang gagawin mo para makatiyak na naka-focus ka sa pagsamba sa lahat ng bahagi ng buhay mo? Ang Diyos ang nasa sentro, ang Diyos ang napararangalan sa lahat (1 Cor. 10:31). Paano mo gagawing prayoridad ang lingguhang pagsamba kasama ang church family mo? Paano ka sasamba, bukod sa araw ng Linggo, kasama ang iba (GraceCommunity, Prayer Meeting, family worship, atbp.)?
How will I pray? Ang panalangin ang sisira sa idol mo na “worldly o self-power.” Sa panalangin, sinasabi mo sa Diyos, ikaw lang ang kailangan ko. Anong oras ang ilalaan mo sa pansarili mong pagsamba (Quiet Time) araw-araw para makipagtagpo sa Diyos na iyong Ama? Saan mo ito gagawin? Maghanap ng lugar at oras na makakapagconcentrate ka at walang iistorbo. Subukang gamitin ang Bible reading at prayer guide na ibibigay ng church. Once in a while, go on a retreat. Lumayo ka. Sobrang busy? Mas kailangan mo ‘to.
How will I fast? Ito ang disiplinang kailangan natin para masira ang idol natin na “worldy pleasures.” Honestly, kailangan ko pa ring matutunan ‘to. Minsan sa isang linggo o minsan sa loob ng ilang linggo, sa halip na kumain ng almusal, tanghalian o hapunan, ilaan ang oras na iyon sa panalangin at pagbabasa ng Salita ng Diyos. Kapag nasanay ka na sa fasting, magplano naman ng pagpapaliban ng dalawang meals sa maghapon o hindi pagkain sa loob ng 24 oras. May ilang beses sa isang taon, simula natin next year, magkakaroon ng sama-samang Day of Prayer and Fasting ang church. Sikaping makilahok dito. Bukod sa pagkain, pwede ring mag-fasting ng TV, Facebook atbp. Kung di mo maiwan ang mga bagay na ito, malalaman mo kung ano ang “idol” mo.
How will I give? Giving is an act of worship. Kasi ipinapakita natin na ang puso natin ay hindi na nakatali sa mga kayamanan sa mundong ito (worldy possessions). Isa sa pinakamabisang paraan para mas uminit ang pag-ibig natin sa Diyos ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga resources na ibinigay sa atin ng Diyos bilang pagsunod sa kanya. Nagsisimula ito sa pagbibigay sa church, iminumungkahing magsimula sa 10% ng kinikita at tinatanggap. Habang mas lumalaki ang pagpapala ng Diyos, planuhin ding dagdagan at matutong magbigay nang sagana, may pagsasakripisyo, at masaya. Habang umiinit ang pag-ibig natin sa Diyos, lumalamig naman ang hangarin natin sa mga bagay sa mundong ito.
Ilan lang ito sa mga basic disciplines na dapat sanayin natin ang sarili natin. Ang layunin, hindi lang magawa ang mga ito. You can do this without worshiping! Pero para matuto ang puso natin na sumamba sa Diyos. Na habang ginagawa natin ang mga ito, lalong nasasabik ang puso natin sa Diyos at sinasabi nating:
“Whom have I in heaven but you? And there is nothing on earth that I desire besides you. My flesh and my heart may fail, but God is the strength of my heart and my portion forever” (Psa 73:25-26 ESV).
“One thing have I asked of the LORD, that will I seek after: that I may dwell in the house of the LORD all the days of my life, to gaze upon the beauty of the LORD and to inquire in his temple” (Psa 27:4 ESV).
4 Comments