EveryJuan…A Learner

DiscipleshipTitleAng sermon series na ‘to na EveryJuan ay tungkol sa discipleship o disciple-making. It is our conviction na ang utos na Jesus na tinatawag nating Great Commission sa Matthew 28:19, “Make disciples of all nations,” ay hindi lang para sa iilan, kundi para sa EveryJuan. Sa John 15:16, sinabi ni Jesus ang layunin kung bakit niya tayo – tayong lahat! – pinili at hinirang. “That you should go and bear fruit and that your fruit should abide.” Merong bunga, lumalago tayo bilang mga disciples at inaakay din natin ang iba para maging disciples.

Ang problema kasi ngayon, maraming Christians, akala nila kapag pinag-uusapan ang discipleship para bang ito ay higher class ng pagiging Christian. Na para lang sa iilan. Ang iba feeling nila, tinawag sila para maging ordinaryo lang, basta tumanggap daw kay Jesus, mapupunta sa langit, nabaptize, nagsisimba, ayos na.

Ang mga tagasunod ni Jesus unang tinawag na “Christian” sa Antioch (Acts 11:26). Katunayan, bukod dito, dalawang beses lang ginamit ang salitang Christian sa New Testament (Acts 26:28; 1 Pet. 4:16). Bago ito, ang tawag sa kanila ay “disciples” o Jesus-followers (karamihan ng 252 verses sa Gospels and Acts).

The call to discipleship is a call to follow Jesus. Para ito sa lahat. For non-Christians (to start following Jesus) and for Christians (to continue following Jesus). Hindi ito optional. It’s either your accept the invitation or reject it.

Listen

Resources

pdf-iconmp3-iconitunes-iconsermonnetlogo

Minsan may lumapit kay Jesus, lalaking mayaman. Sinabihan niyang ibenta lahat ng ari-arian at ipamigay sa mahihirap. Tapos dugtong n’ya, “Then come, follow me” (Matt. 19:21). Or, be my disciple. May karapatan ba si Jesus na sabihin iyon? Yes! He is Lord of all. Siya ang lumikha sa atin, namamahala sa buhay natin, ang buhay natin (kasama ang kayamanan) natin ay sa kanya at para sa kanya. Siya rin ang nagbigay ng kanyang buhay sa atin, para bayaran ang mga kasalanan natin. Siya ang muling nabuhay para bigyan tayo ng tagumpay sa kasalanan at sa kamatayan. Siya ngayon ang nasa kanang kamay ng Diyos sa langit at patuloy na namamagitan para sa atin. At balang araw, makakasama natin siya. He is the Treasure, greater than all the treasures of this world. He is our Joy, greater than all the pleasures of this world. Pero nang marinig ng lalaking mayaman ang sinabi ni Jesus, nalungkot siya, hindi niya mabitawan ang kayamanan niya (v. 22).

Ang talikuran ang sarili natin, ang kasalanan natin, ang lahat-lahat sa atin, alang-alang sa pagsunod kay Jesus ay imposible sa tao. Pero walang imposible sa Diyos. Ang kaligtasan natin ay nakasalalay sa biyaya at kapangyarihan ng Diyos. Di tulad ng lalaking mayaman, tayo ngayon, tulad nina Pedro noon, na nagsabi kay Jesus, “See, we have left everything and followed you” (v. 27). Nakita natin kung sino siya. Kumilos ang Espiritu sa puso natin para makita natin kung sino si Jesus para sa atin.

At kung hanggang ngayon hindi ka pa sumusunod kay Jesus, nakikiusap ako sa iyo, magsimula ka nang sumunod sa kanya. Magsisi ka, magtiwala ka sa kanya. At isa ka nang tagasunod ni Jesus, magpatuloy ka, lumago ka sa pananampalataya, lumalim ang commitment mo sa pagsunod sa kanya. This is my prayer for EveryJuan in this church and outside of our church. Para ito sa lahat sa atin. Lalong lalo na, para ito sa karangalan ng Diyos. “By this my Father is glorified, that you bear much fruit and so prove to be my disciples” (Jn 15:8 ESV).

What is a disciple?

Everything we are doing, trying to do, and must do in this church is about disciple-making. We are not just trying to make converts, na pagkatapos mabaptize, ayos na. Kasali iyon. Pero ang misyon natin ay higit pa doon – to make disciples. Mainam na alam natin ang ibig sabihin nito. Tingnan natin ang definition nito ayon sa unang pagtawag ni Jesus sa kanyang mga magiging disciples.

As Jesus was walking beside the Sea of Galilee, he saw two brothers, Simon called Peter and his brother Andrew. They were casting a net into the lake, for they were fishermen. “Come, follow me,” Jesus said, “and I will make you fishers of men.” At once they left their nets and followed him.” (Mt 4:18-20 NIV)

Ang pagiging disciple ay hindi one-time decision, kundi a life-time journey. Heto ang definition ni Jim Putman (Real-Life Discipleship) batay sa sinabi ni Jesus na, “Come, follow me and I will make you fishers of men”: A disciple is following Jesus (“Come, follow me…”), being changed by Jesus (“…and I will make you), and committed to the mission of Jesus (“…fishers of men.”). We’ll explore this definition as we go along sa sermon series natin. Kaugnay nito, titingnan natin ang anim na bahagi ng identity ng isang disciple.

  • Learner – Kung ang pagiging disciple ay “following Jesus”, dapat kilala natin siya, alam natin kung ano ang sinasabi niya, sinusunod natin ang mga utos niya.
  • Worshipper and family member – Kung ang isang disciple ay “being changed by Jesus,” mas lumalalim ang love relationship natin sa Diyos bilang worshipper at sa isa’t isa bilang family member.
  • Servant, missionary, disciple-maker – Kung ang isang disciple ay “committed to the mission of Jesus,” ibinabahagi din natin ang pag-ibig ng Diyos sa salita at sa gawa bilang servant, nakikibahagi tayo sa pag-abot sa mga unreached people groups bilang missionary, at tinutulungan natin ang iilan para magtiwala at sumunod kay Jesus bilang disciple-maker.

discipleaslearnerA disciple as a learner

Unahin natin ang identity ng isang disciple ni Jesus bilang isang learner. Ito naman ang literal na kahulugan ng “disciple” na galing sa Greek word na mathetes. Ibig sabihin, learner o student. Merong guro, walang iba kundi si Jesus. Para tayong enrolled sa eskuwelahan ni Jesus. Pero wag natin itong iisipin na tulad ng mga schools natin ngayon. Na marami kang teachers, maraming subjects, puwedeng pumasok, puwedeng hindi, puwedeng makagraduate na wala namang natutunan, wala namang nagbago sa buhay, wala namang relasyon sa guro.

Malayong-malayo ang eskuwelahan natin ngayon sa eskuwelahang pinasukan natin nang tayo’y maging mga disciples ng Panginoon. It means allegiance, devotion, commitment sa iisang teacher.

Ang Labindalawa, at iba pa, ay tinawag niya para sumunod sa kanya, sumama sa kanya, makinig sa kanya, magkaroon ng relasyon sa kanya, masanay sa paglilingkod, at maging katulad niya. Siya lang, wala nang iba. Iyan ang devotion ng isang disciple. Walang ibang pinakikinggan, walang ibang sinusunod, walang ibang ginagaya. Ilan lang ito sa larawang ginamit para sa relasyon natin sa kanya:

  • Teacher-student (rabbi-apprentice): “Ngunit kayo, huwag kayong patawag na ‘guro,’ sapagkat iisa ang inyong Guro at kayong lahat ay magkakapatid…Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong tagapagturo, ang Cristo” (Mat. 23:8, 10).
  • Master-slave (Lord-follower). “Walang aliping nakakahigit kaysa sa kanyang panginoon” (Jn 15:20).
  • Shepherd-sheep. “…siya’y nangunguna sa kanila at sumusunod naman ang mga ito sapagkat kilala nila ang kanyang tinig. Hindi sila sumusunod sa iba, kundi patakbong lumalayo, sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng iba” (Jn 10:4-5).
  • Vine-branches. “Ako nga ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin” (Jn 15:5).

Ang mga iyan ay paglalarawan ng malapit na relasyon na dapat ay meron tayo ay kay Jesus. Huwag mong isiping dahil nakikinig ka ng sermon, umaattend ka ng Bible Study, o nag-aaral ka sa theology school, lumalago ka na bilang isang disciple. The life of a learner is primarily a life of a close, intimate relationship with Jesus. Meron ka bang ganyang relasyon kay Jesus? Nararamdaman mo ba iyan? Naririnig mo ba siya? Kinakausap mo ba siya?

The Bible and the Holy Spirit

The life of a disciple is the life of a learner. Oo nga’t di na natin kasama si Jesus physically tulad ng mga una niyang disciples. Pero iniwan niya sa atin ang Bibliya para magturo sa atin. This is the Word of God. This is the Word of Jesus. The Bible is necessary for discipleship. Hindi lalago ang relasyon mo kay Jesus kung babalewalain mo ang Bibliya. “All Scripture is breathed out by God and profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness (that is, for disciple-making), that the man of God (the disciple and disciple-maker) may be competent, equipped for every good work” (2 Tim 3:16-17 ESV).

Para sa atin na nagdidisciple ng iba, salita ng Diyos ang gamit natin (“Preach the Word,” 4:2). Para sa ating lahat, dapat para tayong mga sanggol na naghahanap ng gatas at ito ang salita ng Diyos, ayon kay Pedro (1 Pet. 2:2), “upang lumago kayo sa pananampalataya hanggang makamtan ninyo ang ganap na kaligtasan” (1 Pet. 2:2). Nandoon ba ang longing mo sa salita ng Diyos? Exciting ba ang pagbabasa ng Bibliya o boring?

Para naman sa iba, sinubukan nilang magbasa, pero nagiging frustrating kasi maraming hindi naiintindihan. “Bakit si pastor, naiintindihan niya, naipapaliwanag niyang mabuti? Bakit kapag ako na ang nagbasa, parang walang pumapasok sa isip ko?” Tandaan mo, hindi lang Bible ang bigay sa atin ng Diyos. Pati ang Holy Spirit, nasa atin. Na siyang ipinangako ni Jesus na “Espiritu ng katotohanan…magpapatotoo siya tungkol sa akin” (Jn 15:26). Ito ang Espiritung nagpapahayag sa atin mula sa Bibliya kung gaano kalalim ang pag-ibig ng Diyos sa atin para maunawaan natin ito (1 Cor. 2:10, 12).

Nagiging frustrating kung sa sarili mo ikaw umaasa. Nagiging boring, kung babasahin mo lang, at hindi malinaw ang purpose o motivation mo. Nagbabasa lang ang iba para makabasa lang, para masabing nagbasa ka, para makapaghanda ng ituturo. Pero kung babasahin natin bilang isang disciple, para mas makilala si Jesus, mas mapalapit sa kanya, as a learner, magiging exciting. Ano ba ang ginagawa ng isang “learner”?

1. Learning by listening to Jesus

Bago tayo makasunod sa kanya kailangan nating makinig sa sinasabi ni Jesus. Nagsasalita si Jesus hanggang ngayon. At maririnig mo siya kung ikaw ay isa sa mga tupa. “My sheep hear my voice, and I know them, and they follow me” (Jn 10:27). Kung disciple tayo, nakikinig tayo. Purihin ang Panginoon, narito kayo ngayon at nakikinig. That’s a good thing. Kailangan natin ng ganitong focused time with God, listening to his Word. Kaso, akala ng marami, ang pakikinig ay dito lang. No! Bilang disciples, we listen to Jesus everyday.

Anong problema? Sobrang ingay ng paligid natin. Ang daming nagsasalita, sa TV, sa radio, sa Internet, sa kuwentuhan ng barkada. Ang dami nating naririnig. Sobrang busy, walang panahong mailaan sa pagbabasa ng Bibliya. Kung wala kang 30 minutes o one hour a day na magbasa ng Bibliya, ibig sabihin sobra kang busy. Ayusin mo ang schedule mo. Humanap ka ng ibang trabaho. Magbawas ka sa Facebook mo. Be Like Mary. Na nakaupo sa paanan ni Jesus at nakikinig sa itinuturo niya. Di tulad ni Martha na kanyang kapatid na abalang-abala sa paghahanda at wala nang panahon na makinig kay Jesus (Lk 10:39-40).

So read the the Bible devotionally. Iyon bang hindi ka nagmamadali. Iyon bang parang nakikipagdate ka, gusto mong lalong ma-in-love sa kanya. Iyon bang tinatanong mo siya, “Lord, anong gusto mong sabihin sa akin ngayon?”

2. Learning by believing in Jesus

Sa panahon ni Jesus, maraming nakikinig sa itinuturo niya. Hangang-hanga pa. Pumapalakpak. Mga fans. Pero hindi naman lahat sa kanila naniniwala sa kanya. The problem of the human heart is unbelief. Sumuway sina Adan at Eba sa Diyos dahil di sila naniniwala sa kabutihan ng Diyos. Sumuway ang Israel sa Diyos dahil hindi sila naniniwalang sapat ang Diyos. Narinig ni Adan ang utos ng Diyos. Ibinigay sa Israel ang mga utos ng Diyos. Narinig nila, pero di sila naniwala. We are not just listeners of Jesus, we are believers. Sabi ni Jesus, “Believe in God, believe also in me” (John 14:1).

Kahapon lang, may nagtext sa akin na nanalo daw ako ng 560,000 pesos mula sa Philippine Charity Office. Wow! Pero hindi ako thrilled nang mabasa ko iyon. Kasi hindi ako naniniwala, kasi kung binabasa ko ang Bible mas naniniwala ako sa sinasabi ni Jesus na I already have everything I need, at sangkaterba pang kayamanan ang nakalaan sa akin na ibibigay ng Diyos balang araw.

Kaya kapag nagbabasa tayo ng Bible, make it a goal na mas lumalim pa ang tiwala natin sa Diyos. Na ang sasabihin natin sa Diyos, “I believe, help my unbelief” (Mk. 9:24). Para mangyari iyon, we must read the Bible as God’s Story. Creation. Rebellion. Rescue. New Creation. You live inside that Story. Ipinapakilala ng Diyos ang sarili niya sa iyo. Gusto rin niyang makita mo kung ano ang dapat mong ihingi ng tawad sa kanya. At maalala mo at magtiwala ka sa ginawa ni Jesus para sa iyo at sa mga pangako niyang panghahawakan mo hanggang malubos ang pagliligtas ng Diyos sa iyo.

Sa prayer bulletin natin, sa bawat babasahin mo, puwede mong itanong ang ganito:

  • Know God: Paano ipinapakilala ng Diyos ang kanyang sarili?
  • Know Self: Anong kasalanan ang dapat mong ihingi ng tawad?
  • Remember the Gospel: Sino si Jesus at ano ang ginawa niya para sa iyo?
  • Pray for Transformation: Ano ang dapat mong idalanging baguhin ng Espiritu sa puso mo?

3. Learning by obeying Jesus

We are not just listeners. We are not just believers. We are followers. Kaya nga sinabi ni Jesus sa Great Commission (Matt. 28:19) na sa proseso ng disciple-making, hindi lang basta mabaptize sila kundi maturuan din. Hindi lang maturuan ng mga utos ni Jesus, kundi turuang sumunod sa lahat ng iniuutos niya. The goal is not just knowledge, but obedience.

Kung magsasalita lang ako dito at kayo ay makikinig lang, naglolokohan lang tayo. “Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito’y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili” (Jas 1:22). Siyempre nagugustuhan ko kapag may lalapit sa akin at sasabihing nabless sila sa sermon. Pero sa halip na sabihin ko, “Salamat,” dapat pala ang tanong ko, “Susundin mo ba ang sinasabi ng Diyos?”

Hindi tayo dapat makilala lang sa ibang paniniwala natin, kundi sa pagsunod natin. “Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa…Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang walang kasamang gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa. Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa” (Jas 2:17-19). Meron ba namang tagasunod ni Jesus na hindi sumusunod sa kanya? O baka naman daig pa tayo ng mga demonyo?

So, when you read the Bible, don’t just read, but read it obediently and prayerfully. Iyon bang nagtatanong ka sa Diyos, “Lord, ano ang gusto mong sundin ko dito? Ano ang ipinapagawa mo sa akin? Gusto n’yo po bang patawarin ko ang asawa ko? Sige po. Gusto n’yo po bang magbigay pa ako nang mas marami sa misyon? Sige po. Gusto n’yo po bang magmisyon ako sa Middle East? Sige po.”

At kung may marinig ka mang sinasabi ni Jesus na feeling mo ay mahirap sundin (tulad ang iwan ang lahat para sumunod sa ipinapagawa niya), pray for the help of the Spirit. Kaya, we need to read the Bible prayerfully. Kasi sa sarili natin hindi natin kaya. Kundi dahil sa Espiritung nasa atin, walang imposible. Siya nga ang bumabago sa atin para maging katulad tayo ni Jesus (2 Cor. 3:18).

4. Learning by imitating Jesus

Sabi ni Francis Chan:

It’s impossible to be a disciple or a follower of someone and not end up like that person. Jesus said, “A disciple is not above his teacher, but everyone when he is fully trained will be like his teacher” (Luke 6:40). That’s the whole point of being a disciple of Jesus: we imitate Him, carry on His ministry, and become like Him in the process (Multiply, p. 16).

As we listen, believe and obey, we become like him in the process of discipleship. As we look to him more and more, we become like him more and more (2 Cor. 3:18). Tinatawag natin siyang Guro at Panginoon, ibig sabihin dapat natin siyang tularan. Sabi mismo ni Jesus, pagkatapos niyang hugasan ang paa ng mga tagasunod niya, “Tularan n’yo ang ginawa ko. Gayahin n’yo” (Jn 13:13-15). Iyon ang ibig sabihin ng “Christian” – we are like little christs.

So we read the Bible for transformation. Last month lang, nauso ang #makeuptransformation sa social media. Kung saan nagpopost ng pictures ang mga tao at nilalagay ang mukha ng celebrity na kamukha daw nila. Siyempre nakakatawa ang resulta. Pero isa itong paalala sa atin na bawat isang tagasunod ni Jesus, ang layunin sa buhay ay maging katulad ni Jesus. We read the Bible, at humihingi ng tulong sa Diyos para maging katulad tayo ni Jesus – his humility, his servanthood, his love for the poor, his kindness and pure love for women, his generosity, his mercy.

Intentional learners

“To follow Jesus is to believe Jesus, and in order to believe Jesus, we must listen to Jesus. The life of the disciple is the life of a learner. We constantly attune our ears to the words of our Master. As he teaches us through his Word, he transforms us in the world” (David Platt, Follow Me, p. 211). Dapat may plano tayo dito. Dapat may hakbang tayong gagawin.
  1. How will I read God’s Word? Maaari kang magsimula sa pagbabasa ng isang chapter sa isang araw, o pwede kang gumamit ng isang Bible reading plan para matapos basahin ang buong Bibliya sa loob ng isa o dalawang taon. Meron ding mga Bible apps na may mga Bible reading plans tulad ng Olive Tree at YouVersion. Meron ka ring pwedeng gamiting Bible reading sa Prayer Bulletin natin.
  2. How will I memorize God’s Word? Habang nagbabasa ka, humanap ka ng isa o ilang mga talata na pagtutuunan ng pansin at pag-iisapang mabuti kung ano ang sinasabi ng Diyos sa iyo para maipamuhay. Pagkatapos, sikaping kabisaduhin ito. Pwede kang magsimula sa isang verse lang sa isang linggo, at dagdagan mo pa kung nasasanay ka nang magkabisa. Meron ding memory verse sa Prayer Bulletin natin. Tulad ngayon, Juan 15:10 (ASD): “Kung sinusunod n’yo ang utos ko, mananatili kayo sa aking pag-ibig. Katulad ko, sinusunod ko ang utos ng aking Ama, kaya nananatili ako sa kanyang pag-ibig.”
  3. How will I learn God’s Word (and to obey God’s Word) from others? Ang pag-aaral ng Salita ng Diyos ay hindi lang self-study. Kailangan natin ng mga pastor, guro at ang bawat isa na tapat na ituturo ang Salita ng Diyos sa atin at tutulungan tayong sumunod dito. Mag-isip ka ng mga simple at tiyak na paraan para mas matutunan mo ang Salita ng Diyos sa iba, maging ito ay sa worship gathering, sa isang small group (tulad ng GraceCommunity at Fight Club), sa Doulos School of Ministry, o sa ilang mga aklat at iba pang resources. Kung wala pang nag-One2One sa iyo, tutulungan ka namin dito.
  4. How will I teach God’s Word to others? Ang salita ng Diyos ay hindi lang for our own consumption. It is meant to be shared.

Tandaan, ginagawa natin ito not just for information, but for our transformation. “As believers in Jesus, we are followers of Jesus, which means that we not only hear the truth of Christ; we apply the truth of Christ. Our goal as disciples is never just to believe God’s Word; our goal is to obey God’s Word. So as you plan to fill your mind with truth, purpose to follow the one who is Truth” (Platt, 211).

2 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.