EveryJuan…A Family Member

churchbuildingWhat you think of the church matters. Kung ano ang tingin mo sa church, nakasalalay dun kung anong role ang gagampanan mo.

Kung ang tingin mo sa church ay parang theater o sinehan, ang role mo ay taganood lang o spectator. Habang ang mga nasa harapan ay mga performers. Dapat galingan namin para mapalakpakan o masabihan ng good job! Then, babalik ka na lang sa susunod na event, kung magustuhan mo.

Kung shopping mall naman o parang SM ang tingin mo sa church, ang role mo ay consumer. Pipili ka kung ano ang magustuhan mong events o programs. Iniisip mo kung ano ang magagawa sa iyo ng church o ano ang maibibigay sa iyo. Sa halip na kung ano ang magagawa mo o maitutulong mo. Kung sawa ka na sa church, lilipat ka na sa iba, kung san mas maganda. Kaya maraming church hoppers.

Kung ang church ay recreational place o park na may playground, visitor ka lang o kaya ay turista, o sinasamahan lang ang anak mo para umattend ng Sunday School.

Kung ang church naman ay parang dormitory o lugar para pahingahan, para kang “boarder.” Trabaho buong linggo, tapos pupunta sa church para makapahinga, pampawala ng stress kumbaga.

Sa iba naman, ang church ay parang hospital o heart center. Kapag feeling nila hindi sila OK, o kaya ay lonely, o may sakit sa puso (spiritually speaking), punta sila sa church.

Ang iba naman, kabaligtaran nito. Tingin nila sa church ay lugar para sa mga “holy people” o mga santo at santa. Kapag hindi sila OK, hindi sila pupunta sa church. Kasi feeling nila out of place sila, kasi puro nakangiti, masasaya, at walang problema ang mga tao sa church. Hihintayin na lang nilang maging OK sila bago magpakita.

Karamihan sa ganitong pagtingin sa church ay may kinalaman sa pagtingin sa church na isang gusali o isang lugar. Kaya maraming Christian, akala nila sila ay “church-goers.”

Listen

Resources

pdf-iconmp3-iconitunes-iconsermonnetlogo

discipleasfamilymemberThe church as God’s family

Ang ganitong kaisipan ay malayung-malayo sa biblikal na picture ng isang church. Sa 74 beses na binanggit ang salitang “church” o “iglesia” sa New Testament, ni minsan ay hindi ito tumukoy sa isang lugar. Kundi sa grupo ng mga taong mga tagasunod ni Jesus. Minsan tumutukoy ito sa “universal church” o sa pangkalahatang grupo ng mga taong kumikilala kay Jesus sa buong mundo sa lahat ng panahon. Pero kadalasan, tumutukoy ito sa isang church na nasa isang lugar, o local church. Oo nga’t may larawan sa New Testament na tumutukoy sa church na “temple” (“You are God’s temple…”, 1 Cor. 3:16) at “building” (“You are…God’s building,” 1 Cor. 3:9), pero hindi ang lugar o ang gusali ang tinutukoy nito kundi tayong mga tao (“You are…”).

Mas malinaw na makikita ito sa larawan na ginamit sa church bilang isang pamilya. Ibig sabihin, ang Diyos ang Ama, si Jesus ang “elder brother,” at tayong lahat na mga tagasunod niya o disciples niya ay magkakapatid, brothers and sisters. Tingnan n’yo ‘to:

“At ako’y magiging Ama ninyo, at kayo nama’y magiging mga anak ko” (2 Cor. 6:18 ASD).

Sabi ni Jesus sa mga tagasunod niya, “Ito ang aking ina at mga kapatid. Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit ang siya kong ina at mga kapatid” (Mat. 12:49-50).

“Kayong mga hindi Judio ay hindi na mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan ng mga pinabanal at kabilang sa pamilya ng Dios” (Eph. 2:19).

“Kaya nga sa tuwing may pagkakataon, gumawa tayo ng kabutihan sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya (ESV, “of the household of faith”) (Gal. 6:10).

Every follower of Jesus is a family member, member of God’s spiritual family. Hindi ito matter of personal choice o preference. Hindi ito optional, ito ay isang divine calling. Ito ay pagsunod kay Jesus na ating Panginoon. Two weeks ago, tiningnan natin ang tagasunod ni Jesus bilang isang “learner.” Nakikinig tayo sa kanya, sumusunod tayo sa kanya, pero hindi nag-iisa lang, kundi sama-sama bilang isang pamilya. Last week, tiningnan natin ang tagasunod ni Jesus bilang isang worshiper. Sumasamba tayo sa kanya kahit tayo nag-iisa, pero hindi puwedeng nag-iisa lang. We worship God together as his family. We don’t live our lives in isolation. We share our life together as a local church.

Hindi ito para lang sa iilan, ito ay para sa EveryJuan. Sabi ni Greg Ogden (Transforming Discipleship, 32): “To be a follower of Jesus is to understand that there is no such thing as solo discipleship.” Sabi naman ni Francis Chan, “While every individual needs to obey Jesus’ call to follow, we cannot follow Jesus as individuals. The proper context for every disciple maker is the church. It is impossible to make disciples aside from the church of Jesus Christ” (Multiply, 51). Kaya sinisikap natin na mamuhay bilang isang pamilya sa church, hindi kapag Sunday lang nagkikita. Kaya meron tayong mga GraceCommunities, para matutunan natin na ang church, kabilang tayo doon, ay “God’s family, being formed by God’s Story, and participating in God’s mission.”

Ngayon, heto ang tanong na dapat nating sagutin, “Bakit mahalaga na tingnan natin ang church na God’s family, sa halip na sinehan, park, shopping mall, hospital, o building/place of worship?” At kaugnay nito, “Bakit mahalaga na tingnan mo ang sarili mo bilang tagasunod ni Jesus na isang family member?”

 The Church as Reflective of God’s Glory 

Unang-una, dahil ang pagiging miyembro ng church bilang pamilya ng Diyos ay isang paraan para maipahayag natin ang kaluwalhatian ng Diyos. God designed the church to be reflective of his glory. Hindi ba’t nilikha tayo ng Diyos ayon sa kanyang larawan (Gen. 1:26-27)? Hindi lang isang tao – kundi dalawa agad sa simula, lalaki at babae. Bakit? Hindi kasi natin lubos na maipapahayag o maipapakita ang larawan ng Diyos nang nag-iisa. We reflect God’s image in community, in relationships.

Bakit? Kasi ‘yan ang nature ng Diyos natin. Isang Diyos, tatlong persona – Father, Son and Spirit. Merong community relationships sa Trinity. Sa bautismo ni Jesus, Matthew 3:16-17, bumukas ang langit, bumaba ang Espiritu ng Diyos sa kanya, at nagsalita ang Ama at sinabi, “This is my beloved Son, with whom I am well pleased.” Kung ano ang relasyon nila ay siya ring dapat nating maging relasyon sa isa’t isa. Iyon ang ibig sabihin ng baptism, bilang initiation sa discipleship. Matthew 28:19, “baptizing them in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit.” Binabalewala natin ang bautismo kung nagsosolo ka lang sa pagsunod kay Jesus. The Father loves the Son. The Son loves us (Gal. 2:20). Kaya utos ni Jesus, “A new commandment I give to you, that you love one another: just as I have loved you, you also are to love one another” (John 13:34; also Jn 15:12, 17;  1 John 3:11, 23; 4:7, 11, 12; 2 John 5).

Iyon ang ibig sabihin ng pagiging family of God. The Father loves his children. We love each other as brothers and sisters. Pagkatapos ng leadership retreat, isa sa mga family members natin ang nagtext sa akin, “Good morning po, pastor Derick. I praise God po for our retreat and planning. I am blessed to be a part of the BBCC family, the family of God. Salamat po sa inyong heart to serve, and damang-dama po namin ung love and joy from God that is flowing to us thru you. We are blessed na may nagpapastol po sa aming Ptr. Derick. God bless you po!” Very encouraging!

Kapag sinabi natin EveryJuan, hindi puwedeng 20% lang ng church natin, o mga pastors at leaders lang ang nagpapakita ng pag-ibig na ito. “One another,” ibig sabihin, lahat tayo. Lahat naman tayo ay family members. Pero bukod sa family of God, ang church din ay tinatawag na “Body of Christ.”

Tayo’y isang katawan: “We who are many are one body” (1 Cor. 10:17).

Bawat isa sa atin ay miyembro nito o bahagi ng katawan: “Just as the body is one and has many members, and all the members of the body, though many, are one body, so it is with Christ” (1 Cor. 12:12); “You are the body of Christ and individually members of it” (1 Cor. 12:27); “We are members of [Christ’s] body” (Eph. 5:30).

Bilang bahagi nito, meron tayong kanya-kanyang espirituwal na kaloob na dapat gamitin para sa isa’t isa. Iba-iba ang tungkulin na ibinigay sa atin ng Diyos: “For as in one body we have many members, and the members do not all have the same function, so we, though many, are one body in Christ, and individually members one of another” (Rom. 12:4-5).

Ang trabaho naming mga leaders ay hindi para gawin lahat, kundi para sanayin kayong lahat sa paglilingkod: “Equip the saints for the work of ministry, for building up the body of Christ” (Eph. 4:12).

Ako na inyong Leading Pastor ay hindi ang Head of the Body. Si Cristo ang ulo: “Christ is the head of the church, his body, and is himself its Savior” (Eph. 5:23). Kapag ginagampanan ko ang bahagi ko, kapag ginagampanan n’yong lahat ang bahagi ninyo, we honor Jesus as our Head, the Lord of this church.

Bukod sa Family of God at Body of Christ, meron pang isang larawan ang church. Tinatawag din tayong “Bride of Christ.” Hindi lang ito para sa mga madre ng Katoliko, ito ay para sa buong church.

Ang pag-aasawa ay salamin ng relasyon ni Jesus sa iglesiya: “‘Therefore a man shall leave his father and mother and hold fast to his wife, and the two shall become one flesh.’ This mystery is profound, and I am saying that it refers to Christ and the church” (Eph. 5:31-32).

Hindi pa nagaganap ang kasalang iyan, pero tiyak na na mangyayari: “Come, I will show you the Bride, the wife of the Lamb” (Rev. 21:9); “The marriage of the Lamb has come, and his Bride has made herself ready; It was granted her to clothe herself with fine linen, bright and pure” (Rev. 19:7-8).

Habang hinihintay natin iyon, meron tayong responsibilidad na panatilihin itong “fine linen, bright and pure.” Tulad ng pagnanais ni Pablo, “For I feel a divine jealousy for you, since I betrothed you to one husband, to present you as a pure virgin to Christ” (2 Cor. 11:12). Meron tayong lahat na responsibilidad para tiyakin na malinis (purity) ang church at patuloy sa pagkakaisa (unity). At kapag ginagawa natin ang bahagi natin sa paghahanap ng accountability group tulad ng Fight Club, pagrerebuke sa mga nagkakasala, at pagtulong para maibalik sila sa magandang relasyon sa Diyos, we give honor and glory to our Husband Jesus.

Family of God. Body of Christ. Bride of Christ. Mga larawan ng church na nagpapaalala sa atin na lahat tayo ay may gampanin sa isa’t isa at kung ginagampanan natin ay mabibigyan ng karangalan ang Diyos nating Ama at ang Panginoong Jesus na siyang ng Head and Husband of the Church.

Redemptive for us and for others through us

Ikalawa, nais ng Diyos na tingnan natin ang iglesya bilang isang pamilya at tayo’y mga miyembro nito na may ginagampanang kanya-kanyang bahagi para sa malubos ang ginagawa niyang pagliligtas sa ating lahat. God meant the church to be redemptive. Oo nga’t nasaktan tayo sa mga naging relasyon natin. Sa magulang natin. Sa kapatid natin. Sa asawa natin. Kaya ang iba takot  na magkaroon ng mga close relationships. Ang iba umiiwas, ayaw makipagkilala sa iba, ayaw makipag-usap. Mas gugustuhin pa ang mga superficial relationships sa Facebook. But our deepest need is not to be like and to like others but to be loved and to love others.

Tulad ng sabi ni Darrin Patrick, “We are hurt in relationships, we are healed in relationships.” Ang iba ang dahilan, “Ang dami-dami ko pang isyu na dapat ayusin, ang dami-dami pang problema sa buhay ko, saka na lang ako makikialam sa problema ng iba.” Kelan matatapos iyon? Kapag patay ka na? Sabi nga ni Francis Chan, “If you wait until all of your own issues are gone before helping others, it will never happen. This is a trap that millions have fallen into, not realizing that our own sanctification happens as we minister to others” (Multiply, p. 56). Kaya na-encourage ako kasi merong isa sa atin na kahit na nag-struggle pa siya sa depression at fear, nagdidisciple din siya ng iba. At habang ginagawa niya iyon, nilulubos ng Diyos ang pagbabago o transformation sa puso niya. Kasi ang transformation nangyayari kung matututo tayong magmahal ng iba. We will never be transformed if we will remain selfish at walang ibang iintindihin kundi ang sarili nating mga problema sa buhay.

Iniligtas tayo ng Diyos – tayo na mga rebelde at mga makasarili – para sumunod sa kanya. Hindi ba’t ito ang ibig sabihin ng disciple-making sa Matthew 28:20? “Teach these new disciples to obey all the commands I have given you” (NLT). All! Merong halos 60 verses sa NT ang naglalaman ng utos na gawin natin sa “isa’t isa” (“one another” commands). Hindi mo magagawa ang mga “isa’t isa” kung mas gusto mo na nag-iisa, kung hindi ka maglalaan ng oras para makilala ang iba at makasama hindi lang tuwing Linggo.

Heto ang mga ilang specific na bagay para maipakita natin ang love for one another:

  • Teach or “instruct one another” (Rom. 15:14; Col. 3:16). Meron ka bang tinuturuan na bagong disciple?
  • “Show hospitality” (Rom. 12:13). “Offer hospitality to one another without grumbling.” (I Peter 4:9). Kelan ka huling nang-imbita sa bahay mo?
  • “…comfort one another, agree with one another, live in peace” (2 Cor 13:11). Meron bang kailangan ng comfort mo? Meron ka bang kailangang makasundo?
  • “…Be at peace with each other” (Mark 9:50).
  • “…encourage one another and build one another up (1Th 5:11).
  • “…welcome (or accept) one another” (Rom 15:7).
  •  “…Be patient, bearing with one another in love” (Eph 4:2). May pinagpapasensiyahan ka ba?
  • “…through love serve one another” (Gal 5:13); “As each has received a gift, use it to serve one another” (1Pe 4:10).
  • “Be kind to one another, tenderhearted, forgiving one another, as God in Christ forgave you” (Eph 4:32).
  • “…confess your sins to one another and pray for one another” (Jam 5:16).
  • “Bear one another’s burdens, and so fulfill the law of Christ” (Gal 6:2).
  • “…let us do good to everyone, and especially to those who are of the household of faith” (Gal 6:10).
  • “…Clothe yourselves with humility toward one another…” (I Pet 5:5).
  • “…Honor one another above yourselves” (Rom 12:10).
  • “Be devoted to one another in brotherly love…” (Rom 12:10).
  • “Live in harmony with one another…” (Romans 12:16).

“When we step outside of ourselves and begin bearing the burdens of the people around us, it is time-consuming, messy, and often confusing. But it is necessary. Helping people change is what discipleship is all about. As we help other Christians follow Jesus, we are going to run into the temptations, lies, and idols that hold them back. It will be difficult, but we know what Jesus has accomplished, and we know how this story will end. We have a part to play in God’s plan of redemption. It won’t always be fun, but we must be faithful to God’s calling” (Francis Chan, Multiply, p. 63).

Habang ginagampanan natin ang parte natin bilang miyembro ng pamilya ng Diyos, hindi lang tayo nakakatulong sa iba, pati tayo ay unti-unting nagiging katulad ng ating Panginoong Jesus.

And it is redemptive not just for us, but for the people around us. “We cannot fulfill our mission unless we serve one another in love, but living together in a tight-knit circle is not our ultimate goal. God has placed your church in the midst of a broader community so that He can spread His love, hope and healing into the lives of the people around you” (Francis Chan, Multiply, 66). Ito ang intended result ni Jesus nang sabihin niyang, “Love one another”: “By this all people will know that you are my disciples, if you have love for one another” (John 13:35). Gusto ni Jesus na magkaisa tayo para ano? Para makilala din nila si Jesus: “…so that the world may know that you sent me and loved them even as you loved me” (John 17:23).

Kapag magulo ang pamilya mo, di ka naman mag-iinvite ng kabarkada mo sa bahay. Pero kapag masaya, gusto mo maranasan din ng iba ang pamilya mo. Sasabihin mo sa iba, “Tara, bumisita ka sa amin. Makikita mo ang pamilyang hinahanap mo.”

Plan to be a member of God’s family who loves others

Ang church ay pamilya ng Diyos, tayo ay miyembro nito. Gagampanan natin ang pagiging family member para sa karangalan ng Diyos (reflect God’s glory) at para sa ikabubuti o paglagong espirituwal ng bawat isa sa atin at para maakay din natin ang ibang tao patungo kay Jesus (redemptive for us and others). Ang tanong ngayon, “Kung ako ay isang family member, paano ko maipapakita ang pag-ibig ng Diyos sa mga kapatid ko kay Cristo bilang miyembro ng isang local church?”  Kung tayo’y isang pamilya, planuhin mo kung paano mo maipapakita sa kapatid mo ang pag-ibig ng Diyos at makikipagtulungan sa paglilingkod sa iba’t ibang ministeryo.

Where? Saang iglesia o church ka magpapa-miyembro at aktibong makikibahagi? Saang bahagi ng church o partikular na grupo o ministeryo ang sasalihan mo? Meron tayong iba’t ibang level ng family experience sa church at planuhin n’yo kung paano kayo aktibong makikibahagi dito.

  • Church Weekly Gathering. Every Sunday, we meet for worship. Make it a priority na nandito ka palagi. You need this. Others need your presence.
  • GraceComm. Kung wala ka pang kapamilya na GraceComm, lapit kayo sa mga GraceComm leaders natin, kung saan kayo malapit. Kung sa area n’yo ay walang existing, lapit kayo sa akin, pag-usapan natin kung paano sisimulan.
  • Fight Club. This is more intimate. Brotherhood o sisterhood. Tatluhan lang. Usapang lalaki. Usapang babae. This is a safe place kung saan pwde mong sabihin lahat ng laman ng puso mo, kahit pa ang deepest at darkest secrets mo. Tulung-tulong kayo sa paglaban sa kasalanan at sa pagsunod sa Panginoon.
  • One2One. Ito ang bago nating pinagtutuunan ng pansin. Ang bawat isa, lalo na ang mga bagong disciples para maakay nang mas personal at mas intentional nang isang tatayong parang magulang hanggang dumating ang araw na kayo na rin ay nagdidisciple ng iba. Sa mga gusto nang magdisciple ng iba, sasanayin namin kayo. Sa mga gustong may mag-One2One sa kanila, ipagpray n’yong mabuti, at lumapit kayo sa nakikita n’yong mature na dito sa church at magpatulong kayo. We are one family. Tulungan tayo.

What? Habang pinagmamasdan mo ang mga nangyayari sa church o grupong kinabibilangan mo, pag-isipan mo kung anu-anong bagay ang magagawa mo para matulungan ang church o grupong iyon. Isipin mo ang mga tiyak at kongkretong bagay na gagawin mo para maipakita ang pag-ibig ng Diyos sa ikalalago at ikatitibay ng kanyang Katawan, ang Iglesia. Paano mo sila mas makikilala? Paano ka makapaglalaan ng oras sa kanila? Sinong tao ang nasa puso mo ngayon na tulungan para iencourage? Para i-One2One? O tulungan financially? O bigyan ng counseling?

Part 1 - A Learnerdiscipleasworshiper

4 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.