EveryJuan…A Servant

Picture1

Nitong nakaraang araw lang, may nabalitang isang Chinese woman (Tan Shen, 26) ang namalagi sa KFC na malapit sa kanyang bahay sa China sa loob ng isang linggo. One week? Bakit kaya? Katatapos lang ng break-up. Broken-hearted. Matinding lungkot. Dinaan sa fried chicken, na naging comfort food niya. Ang church ay hindi parang fast food restaurant at ikaw ay isang customer na paglilingkuran 24/7. Oo, alam ko dumaraan ang ilan sa inyo sa matinding lungkot, depression, brokenness. At narito ang church para tulungan kayo. Pero tandaan natin, kung ikaw ay tagasunod ni Jesus, you are a member of the body.

Hindi ka linta, na kakapit nang kakapit sa ibang mga kapatid kay Cristo para magbenefit ka sa sarili mo, tapos wala ka namang ibinibigay na tulong. Lalo namang hindi ka bulate sa tiyan o parasite, na kukuha ka ng kukuha ng sustansya sa church at hindi ka lang basta walang naitutulong, nakasasama pa. Hindi masama ang maghangad na mapaglingkuran at maalagaan. Pero kung ang focus ay “serve me, love me, feed me” na sariling interes na ang nangingibabaw, iyan ang problema.

Ang responsibilidad naming mga pastor at mga leaders ay hindi lang pakainin at pagsilbihan kayo habang buhay, kundi “para ihanda [kayo] sa paglilingkod…at para lumago at maging matatag [kayo] bilang katawan ni Cristo” (Eph 4:12 ASD). Hindi lang kami, hindi lang iilan ang magtatrabaho sa paglilingkod, kundi tayong lahat. EveryJuan!

Ang buhay natin, ang lakas natin, hindi sa church nanggagaling, hindi sa church kukuhanin kundi kay Cristo. That’s the point kaya sinabi niyang, “I am the vine; you are the branches” (John 15:5). Pare-pareho tayong mga sanga. Ang sustenance o nourishment na kailangan natin ay hindi nanggagaling sa pastor o sa ibang mature Christians, kundi kay Cristo. He is our Life!

He is the Head of the Body (Eph 5:23; Col 1:18; 2:19). “He holds the whole body together…and it grows as God nourishes it” (Col. 2:19 NLT). At dahil sa pag-aalaga sa atin ng Panginoon, inaalagaan din natin ang isa’t isa. We don’t just receive, we give. Inilagay tayo ni Jesus sa iglesia hindi lang upang paglingkuran, kundi upang maglingkod kagaya niya (Mark 10:45). “Bawat isa’y parte ng kanyang katawan” (1 Cor. 12:27 ASD), kaya gawin natin ang parte natin, para “makatulong…sa kapwa mananampalataya” (v. 7), para maipakita ang “pagmamalasakit sa isa’t isa” (v. 25).

Listen

Resources

pdf-iconmp3-iconitunes-iconsermonnetlogo

discipleasservant

Tayo’y isang pamilya, tulad ng napag-aralan natin last week. At bawat isa ay family member. Oo, meron sa inyong mga bagong miyembro ng pamilya. New disciples, ibig sabihin, parang baby pa (1 Cor. 3:1, “infants in Christ,” ESV). Kailangang painumin ng gatas (Heb 5:12), kailangang alalayan at turuang maglakad. But they will not remain a baby forever, na palaging papadedehen at bubuhatin. One day, hopefully sooner (wag naman sanang 15 years!), they will grow up and be responsible adults.

Gusto ni Jesus na bawat isang tagasunod niya ay mamuhay bilang isang servant. Ang isang tagasunod ni Jesus ay siyang “sumusunod kay Jesus (a servant!), binabago ni Jesus (para hindi na maging makasarili, kundi maglingkod sa iba), at ibinibigay ang buhay para sa misyon ni Jesus (na hindi mangyayari hangga’t wala kang servant-heart).

A Disciple as a Servant (and more than a servant)

Ano ba ang ibig sabihin na ang disciple ay isang servant? Hindi ito tulad ng isang waiter sa KFC na nagsisilbi sa isang customer, pinapasweldo ng may-ari, at pag tapos na ang kontrata ay tapos na ang trabaho. Hindi ito parang “waiter,” although kasama ang ganoong ideya (tulad ng pagiging “diakono” o tagapaglingkod). Merong isang salita sa Griyego na di natin makikita sa maraming English versions ng Bible (maliban sa HCSB). Ito ang salitang doulos na karaniwang translated na “servant” sa English. Pero sa literal ay “slave.” Pero sa Tagalog obvious.

Sabi ni Pablo sa Galacia 1:10, “Ako ba’y naghahangad ngayon ng pagsang-ayon ng mga tao o ng Diyos? O sinisikap ko bang bigyang-lugod ang mga tao? Kung ako’y nagbibigay-lugod pa rin sa mga tao, hindi sana ako naging alipin ni Cristo” (Ang Biblia 2001). Sinasabi dito ni Pablo na ang dahilan kung bakit niya matapang na naipapangaral ang ebanghelyo kahit pa iba ang pinaniniwalaan o itinuturo ng ilan ay dahil siya’y alipin ni Cristo. Ngunit hindi lamang si Pablo tinatawag na alipin ni Cristo. Even Timothy (Phil. 1:1; 2 Tim. 2:24), James (Jas. 1:1), Peter (2 Pet. 1:1), Jude (Jude 1), Tychicus (Col. 4:7) and Epaphras (Col. 1:7; 4:12) were called “slaves” of Christ. Ngunit hindi lang ang mga ito kundi lahat ng mga Cristiano ay alipin ni Cristo. “Si Cristo ang pinaglilingkuran n’yo…mga alipin kayo ni Cristo na gumagawa ng kalooban ng Dios” (Eph. 6:5-6 ASD).  “Mamuhay kayo bilang mga alipin ng Dios” (1 Pet. 2:16 ASD).

Kailangan nating maunawaan ang pagkakaiba ng lingkod at alipin. Totoo ngang ang alipin ay naglilingkod ngunit hindi lang iyon. Dr. Josef Tson, a Romanian pastor who had been arrested and imprisoned in 1974 and 1977, then exiled in 1981, “forcefully expressed his preference to be introduced simply as “a slave of Jesus Christ.” Sabi niya, “A servant gives service to someone, but a slave belongs to someone. We commit ourselves to do something, but when we surrender ourselves to someone, we give ourselves up” (Murray J. Harris, Slave of Christ, p. 18). Ang isang disciple ay isang servant. Pero higit pa doon, tayo ay alipin. Pag-aari tayo ni Jesus at ang buong buhay natin – buong puso, buong lakas, lahat ng oras, lahat ng kayamanan, lahat ng pangarap, lahat ng plano – ay ibibigay natin sa paglilingkod.

Christ-Like Servant

Hindi siya parang isang boss na nag-uutos na gawin mo ‘to, dahil ayaw niyang gawin. Kapag sinabi niyang ibigay natin ang ating buhay sa paglilingkod, iyon ay dahil nauna na siyang gumawa noon. A servant follows the example of his Master. 

Noong gabi bago siya patayin, hinugasan ni Jesus ang paa ng kanyang mga disciples, isang gawaing nakareserba lang para sa mga alipin. They were shocked na ginawa ni Jesus iyon. Bakit niya ginawa? Sabi niya, “Kung ako na Guro at Panginoon ninyo ay naghugas ng mga paa n’yo, dapat ay ganoon din ang gawin n’yo sa isa’t isa” (Juan 13:14 ASD). Ganoon din ang gawin ninyo! Nag-set siya ng example na dapat nating tularan. Hindi para hugasan din natin ang paa ng bawat isa. Kundi para ipakita o iexpress ang laman ng puso ng isang aliping naglilingkod para sa kapakanan ng iba. Paano naglingkod si Jesus? At paano din dapat tayong tumulad sa kanya?

Loving servanthood. Ang paglilingkod niya ay may pagmamahal. Hindi tulad ng isang waiter o kasambahay na ginagawa iyon dahil trabaho niya, para may masweldo siya siyempre, kahit wala naman talaga siyang paki sa iyo. Ginawa ni Jesus iyon not out of duty, but out of love. Sa verse 1 ng chapter na iyon, ganito ang nakasulat, “Mahal na mahal niya ang mga tagasunod niya…at ipinakita niya ang kanyang pagmamahal sa kanila hanggang sa katapusan” (ASD). Walang ayawan, walang sawa, walang resignation. Tularan natin siya na nagsabi, “Love one another as I have loved you” (John 15:12; 13:34). Hindi tayo makapaglilingkod sa iba kung sarili lang natin ang mahal natin. Pinalaya na tayo ng Diyos mula sa pagkamakasarili. “For you have been called to live in freedom, my brothers and sisters. But don’t use your freedom to satisfy your sinful nature. Instead, use your freedom to serve one another in love” (Gal 5:13 NLT). Ang isang taong alipin pa ng pagkamakasarili laging bukambibig, “Serve me.” Ang pinalaya na ni Jesus ang bukambibig na, “I will serve you. How can I serve you today?”

Humble servanthood. Ang paglilingkod na ipinakita ni Jesus ay nagpapakumbaba. Ito ang halimbawang sinabi ni Pablo sa mga taga-Filipos na dapat nilang sundin. “Do nothing from selfish ambition or conceit, but in humility count others more significant than yourselves. Let each of you look not only to his own interests, but also to the interests of others. Have this mind among yourselves, which is yours in Christ Jesus, who, though he was in the form of God, did not count equality with God a thing to be grasped, but emptied himself, by taking the form of a servant, being born in the likeness of men. And being found in human form, he humbled himself by becoming obedient to the point of death, even death on a cross” (Philippians 2:3-8 ESV). Kung hindi ka naglilingkod, ang taas-taas ng tingin mo sa sarili mo. Para bang sinasabi mong, “My time is too important for other people.” Kung ang Panginoong Jesus nga, nanaog mula sa trono niya sa langit para hugasan ang paa natin, tayo pa kaya. Maglilingkod ka kung itinuturing mo ang ibang tao at ang mga pangangailangan nila na importante. Pero kung puro sarili mo lang iniisip mo, wala kang time para sa iba.

Sacrificial servanthood. Ang paglilingkod ni Jesus ay nagsasakripisyo, maging sariling buhay niya ibinigay niya. Ang paghuhugas niya ng paa ay pagpapakita na gagawin ni Jesus ang lahat ng dapat gawin para maibigay sa mga tagasunod niya ang buhay. Para mangyari iyon, inialay niya ang buhay niya para tayo ay magkaroon ng buhay. Pero madalas iniisip natin kung paano tayo mas magiging popular, mas magiging mayaman, makakabili ng mga gusto nating bilhin. Kelan ba natin iniisip kung paano natin maibibigay ang buhay natin para sa iba? “But whoever would be great among you must be your servant, and whoever would be first among you must be slave of all. For even the Son of Man came not to be served but to serve, and to give his life as a ransom for many”  (Mark 10:44-45 ESV). Saan mo ibinubuhos ang lakas mo? Sa trabaho? Sa pag-iipon para mabili ang pinapangarap mong bahay o kotse?

Ang isang servant, tulad ni Jesus, nagmamahal, nagpapakumbaba, at nagsasakripisyo – ibibigay ang buhay kung kinakailangan!

Spirit-Empowered Servant

Mapapansin natin ngayon na ang paglilingkod ay hindi unang-una na galaw ng ating mga kamay. This is a heart issue. Hindi lang ito isang “gawain” kundi kalagayan ng puso natin. Sa sarili natin hindi natin kaya, pero dahil nasa atin ang Espiritu, magagawa natin. Si Jesus ang nagsabi na sa pagdating ng Espiritu sa atin, tatanggap tayo ng kapangyarihan (Acts 1:8). Oo nga’t merong iba’t ibang espirituwal na kaloob o kakayahan at iba-iba ring mga gawain ng paglilingkod (1 Cor 12:4-5). Pero meron tayong iisang Panginoong ninanais nating masunod at maparangalan at nakadepende tayong lahat sa gagawin ng Espiritu sa ating paglilingkod.

“Binigyan ng Dios ang bawat isa sa atin ng kaloob. Gamitin natin ito para sa ikabubuti ng lahat bilang mabubuting katiwala ng iba’t ibang kaloob ng Dios. Ang binigyan ng kaloob sa pangangaral ay dapat mangaral ng salita ng Dios. Ang binigyan ng kaloob para maglingkod ay dapat maglingkod ayon sa kakayahang ibinigay sa kanya ng Dios…” (1 Peter 4:10-11 ASD). May iba-iba man tayong kaloob at gampanin, naniniwala ako na lahat tayo ay makagagawa ng tatlong ito bilang basic ways of serving.

PagtulongLahat tayo may maitutulong sa iba. Meron kang lakas. Meron kang boses. Meron kang oras. Meron kang kakayahan. Meron kang talino. Kung ano ang meron ka, na nakikita mong kailangan ng iba, at maibibigay mo naman, makapaglilingkod ka. Isipin mo, “Ano kaya ang kailangan ng taong ito? Kailangan niya kaya nang may makakasama? Kakuwentuhan? Maiiyakan? O tulong pinansiyal? O trabaho? Paano ko kaya siya matutulungan?” Pero siyempre ang main concern natin hindi ang mabusog ang isang tao, magkapera, o maging maayos ang kalusugan. Ang primary concern natin ay makilala nila si Jesus o kung kilala na nila, mas makilala pa at tumibay ang pananampalataya sa kanya.

Pagtuturo. Hindi lahat sa atin mayaman at maabilidad. Pero lahat tayo ay may salita ng Diyos na puwede nating ituro sa iba. Kung ano ang nababasa natin, kung ano ang naririnig natin dito, ikuwento din natin sa iba. Kailangan ng mga taong marinig kung sino ang Diyos, kung ano ang ginawa niya sa atin, kung ano ang mga pangako niya. Sabihin mo. Wag mong ipagdamot ang alam mo. Pero siyempre, paano ka nga naman makakapagturo ng salita ng Diyos, kung ikaw mismo hindi mo araw-araw na binabasa ang salita ng Diyos? So prepare yourself by immersing yourself in the Word.

Pananalangin. Hindi natin kayang baguhin ang puso ng isang tao. Makakatulong tayo. Makakapagturo tayo. Pero ang Diyos ang gagawa. Kaya dapat tayong manalangin at ipagkatiwala sa kanya ang lahat. The best thing we can do to serve others is by praying for them. Hindi ko kayang bigyan ng oras ang lahat sa inyo. Pero tinitiyak kong bawat isa sa inyo ay idinudulog ko sa Diyos sa panalangin. I’m here to serve you by praying for you. Will you do the same for others?

Sent to Bear Witness

Sabi ni Jesus, “Pagdating [ng Espiritu], magpapatotoo siya kung sino talaga ako. Kayo rin ay dapat magpatotoo tungkol sa akin…” (Juan 15:26, 27 ASD). A servant is sent to bear witness for Jesus. To serve Jesus is to witness for Jesus. Make him known to others – make his name known, make his love known. Kilala na natin si Jesus. Pero may mga taong di pa lubos na nakakakilala sa kanya. Magpapatotoo tayo. Ibig sabihin, sasabihin natin na totoo ang Kuwentong ito, na totoo ang pag-ibig niya, na totoo ang kapangyarihan niyang bumago ng buhay, na totoo ang mga pangako niya, na siya ang daan, ang katotohanan at ang buhay (Jn 14:6). At hindi lang sasabihin, magpapatotoo tayo sa pamamagitan ng gawa natin. Na para bang sinasabi natin, “Tingnan mo ang buhay ko. Ganito ka-totoo ang kapangyarihan ng Diyos.” We witness in words and in deeds. Sa ganitong paraan, nakikibahagi tayo sa misyon ni Jesus.

Kanino tayo maglilingkod sa ganitong paraan?

Church. “So then, as we have opportunity, let us do good to everyone, and especially to those who are of the household of faith” (Galatians 6:10 ESV). Espesyal ito kasi kapamilya natin. Ibang klaseng paglilingkod ang ibinibigay natin sa isa’t isa. We talked about this last week. Pero hindi puwedeng tayo-tayo lang.

Family/household. “If anyone does not provide for his relatives, and especially for members of his household, he has denied the faith and is worse than an unbeliever” (1 Timothy 5:8 ESV). Siyempre hindi lang physical provision, kundi spiritual lalo na. Binigyan ka ng Diyos ng pamilya para paglingkuran. Huwag mong iisiping ang ministry mo ay sa church lang. Dapat sa pamilya din, ito ang una mong ministry. May mga panahon na pag-uwi ko sa bahay, pagod na sa ministry sa church. Nagiging mentality ko, “Serve me.” Pero dapat, “How can I serve my wife and my kids today?” Lalo na kung ang asawa n’yo ay hindi pa Christian, paano mo siya mapaglilingkuran? Mga magulang, paano kayo makapaglalaan ng oras sa inyong mga anak? Mga anak, paano kayo makakatulong sa bahay? Hindi iyon bang gusto mo lagi ka na lang pinagsisilbihan. Mga amo, paano n’yo mapaglilingkuran pati mga kasambahay n’yo?

The world. Kung naparito si Jesus para hanapin at iligtas ang mga naliligaw, ganoon din ang misyon natin (Luke 19:10). Inilagay ng Diyos ang maraming tao sa buhay natin – mga kaibigan, kamag-anak, ka-FB, kaklase, katrabaho, mga kliyente, mga empleyado – dahil meron tayong wala pa sa kanila. Si Cristo! Makapaglilingkod tayo sa kanila kung ipapakilala natin si Jesus sa kanila. Tulad ng ginagawa ni Jean sa mga officemates niya, ni Diane sa mga classmates niya. O kahit ng mga nasa GraceComm kapag may bumisita sa inyo, ibabahagi agad si Cristo. O kahit sa mga magulang ng nag-aaral ng mga music lessons dito sa church. O kahit saan ka man dalhin ng Diyos. O kung may mga tao man na dadalin sa iyo ng Diyos, kahit stranger. May naiangkas ako sa kotse, babae, noon ko lang nakilala, ipinakiusap lang ng pinsan ni Jodi na isabay ko. Hindi ako kumportable, kasi di ko naman ginagawa iyon. Pero sinabi ko agad sa asawa ko. God gave me a chance to share the gospel sa kanya. Sa nagtitinda ng barbecue, sinabi kong si Jesus lang ang hinahanap mo, siya lang ang kailangan mo.

Kahit sino nangangailangan ng Tagapagligtas. Nasa iyo iyon, ibahagi mo sa iba. Karamihan sa mga nakakausap natin, they were on the road to hell and they are not even aware of it. We have the means of rescue. Sabihin natin sa kanila. Sa sementeryo sa Nov. 1, karamihan sa kanila patungo sa kapahamakan, and they were enjoying life as if ok ang lahat. We have a responsibility na sabihin sa kanila ang tungkol kay Jesus.

Plan to Serve in Word and in Action

Ang isang servant ay siyang alipin ng Panginoong Jesus na tinutuluran ang kanyang paglilingkod, sa patnubay ng kapangyarihan ng Espiritu, para tugunan ang pangangailangan ng mga taong inilagay ng Diyos sa buhay niya. Lalo na ang pangangailangang maranasan ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.

Kung ako ay isang servant, paano ko maibabahagi sa ibang tao ang pag-ibig ng Diyos – sa salita at sa gawa? Bawat taong inilagay ng Diyos sa buhay mo ay isang makasalanang nangangailangan ng Tagapagligtas. Ganyan ka din dati. Pero may naglaan ng panahon para sa iyo kaya ngayon ay nakay Cristo ka na. At ito ngayon ang layunin kung bakit nilikha, iniligtas at pinagpapala ka ng Diyos – para sabihin sa iba at ipakita sa pamamagitan ng mabuting gawa ang pag-ibig ng Diyos sa mga kamag-anak mo, kaibigan, kaeskuwela, katrabaho, mga mahihirap, mga inaapi, at mga bata.

Mas masasanay tayo sa paglilingkod sa ibang tao kung dito pa lang sa church ay sinasanay na natin ang sarili natin. Ano ang nakikita mong pangangailangang dapat tugunan sa church? O problemang dapat ayusin? O taong dapat tulungan? Ano ang gagawin mong hakbang para makapaglingkod?

At hindi naman tamang maglilingkod ka sa ibang tao, tapos sarili mong pamilya di mo pinapansin. Sa role mo bilang tatay, nanay, anak o kapatid, paano ka makapaglilingkod sa mga kasama mo sa pamilya at pati sa kasambahay kung meron? Anu-ano ang regular mong gagawin para maipadamang mahal mo sila?

Ngayon naman, sinu-sino ang kilala mong mga taong di pa sumasampalataya at sumusunod kay Jesus (unbelievers) – mga taong iniligay ng Diyos sa buhay mo. Isulat mo ang tatlo o lima o sampu sa kanila. Mag-commit na regular silang ipanalangin na dalhin sila ng Diyos, sa kapangyarihan ng Espiritu, palapit sa kanya at gamitin ka niya para ibahagi sa kanila ang Magandang Balita (gospel).

Paano mo ito gagawin? Ikukuwento mo ba ang patotoo mo? Paano mo ikukuwento ang Story of God? Paano mo sila aanyayahan sa regular na pag-aaral ng salita ng Diyos? May hihingan ka ba ng tulong? Aattend ka ba ng training?

Sa mga taong isinulat mo, kailan mo sisimulang ibahagi ang Mabuting Balita sa kanila? Gagawin mo ba ito sa pamamagitan ng pag-anyaya sa kanila na kumain sa bahay n’yo? O iimbitahan sa worship gathering? O magseset ng schedule ng lingguhang pag-aaral ng Salita ng Diyos?

Maraming tanong na dapat sagutin, dapat pag-usapan. Kasi dapat may plano tayo. Intentional dapat ang paglilingkod. Si Kuya Rommel, kapitan ng barko, nagplanong maglingkod, ibaba ang kanyang sarili para mapaglaanan ng oras at atensiyon ang mga kasama niyang mga seaman. Nag-Story of God sila. Kamakailan lang, siyam sa kanila ang nagpabautismo! Ang Panginoong Jesus mismo, the Captain of our souls, the Lord of our life, the King of the universe, nakaplano ang kanyang pagparito para maglingkod, at sa kanyang pagbibigay ng buhay sa atin, nais niyang maging tulad niya tayo na ibibigay din ang buhay sa iba. Iyan ang tagasunod ni Jesus.

Part 1 - A Learnerdiscipleasfamilymemberdiscipleasworshiper

4 Comments

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.