What we desperately need in our churches is not more money, more workers, more facilities, more programs, or more people. What we desperately need in our churches is more prayer and more people united in praying together in Jesus’ name. Jim Cymbala, author of Fresh Wind, Fresh Fire, said: “Let’s forget the novelties. If we prevail in prayer, God will do what only he can do. How he does things, when he does them, and in what manner are up to him. The name of Jesus, the power of his blood, and the prayer of faith have not lost their power over the centuries.”
The Story (Luke 8:40-56)
Pagdating ni Jesus sa kabila ng lawa, masaya siyang tinanggap ng mga tao dahil hinihintay siya ng lahat. Dumating naman ang isang lalaking namumuno sa bahay-sambahan ng mga Judio, na ang pangalan ay Jairus. Lumuhod siya sa harap ni Jesus at nakiusap na kung maaari ay pumunta siya sa bahay niya, dahil naghihingalo ang kaisa-isa niyang anak na babae na 12 taong gulang.
Habang papunta si Jesus sa bahay ni Jairus, nagsisiksikan sa kanya ang mga tao. May isang babae roon na 12 taon nang dinudugo at hindi mapagaling ng kahit sino. Naubos na lahat ang mga ari-arian niya sa pagpapagamot. Nang makalapit siya sa likuran ni Jesus, hinipo niya ang laylayan ng damit ni Jesus at biglang tumigil ang kanyang pagdurugo.
Nagtanong si Jesus, “Sino ang humipo sa akin?” Nang walang umamin, sinabi ni Pedro, “Guro, alam n’yo naman po na napapaligiran kayo ng maraming taong nagsisiksikan papalapit sa inyo.” Pero sinabi ni Jesus, “May humipo sa akin, dahil naramdaman kong may kapangyarihang lumabas sa akin.”
Nang malaman ng babae na hindi pala lihim kay Jesus ang ginawa niya, lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Jesus. Pagkatapos, sinabi niya sa harapan ng lahat kung bakit niya hinipo si Jesus, at kung paanong gumaling siya kaagad. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa.”
Habang kausap pa ni Jesus ang babae, dumating ang isang lalaki galing sa bahay ni Jairus. Sinabi niya kay Jairus, “Patay na po ang anak ninyo. Huwag n’yo nang abalahin ang guro.” Nang marinig iyon ni Jesus, sinabi niya kay Jairus, “Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang at mabubuhay siyang muli.”
Pagdating nila sa bahay, wala siyang pinayagang sumama sa loob, maliban kina Pedro, Santiago at Juan, at ang mga magulang ng bata. Nag-iiyakan ang mga tao, kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong umiyak. Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.” Pinagtawanan nila si Jesus dahil alam nilang patay na ang bata. Pero hinawakan ni Jesus ang kamay ng bata at sinabi sa kanya, “Nene, bumangon ka.” At noon din ay nagbalik ang espiritu ng bata at bumangon. At iniutos ni Jesus na pakainin ang bata. Labis na namangha ang mga magulang ng bata. Pero pinagbilinan sila ni Jesus na huwag sabihin kanino man ang nangyari.
Prayer Meeting Unpopular
Napakaraming tao sa sementeryo kapag November 1. Siyempre araw ng mga patay, family reunion, panahon para alalahanin ang mga mahal sa buhay na pumanaw na, para makita ang mga kabarkada, para makapagtinda at kumita nang mas malaki, at para sa iba, basta kung saan maraming tao doon sila. Pero iilan lang kaming nanalangin para sa mga “spiritually dead” (we don’t pray for the physically dead!) nang araw na iyon. I’m not just referring to that day, but almost every time we gather for Prayer Meeting, iilan lang ang nagpapakita. Many Christians find prayer meeting boring, unnecessary, optional, only for oldies gathering.
Our prayer meeting problem is not just a problem of time, distance, resources, schedule. It’s a matter of the heart – it’s a matter of our faith in Jesus, a matter of our love for others. I’m not here to judge what’s inside your heart. Ang Holy Spirit ang bahala doon. Pero siyasatin natin ang sarili natin. Kung sinasabi nating boring ang prayer meeting at optional, ibig sabihin boring makipag-usap sa Panginoong Jesus, at optional din. Iba-iba ang sitwasyon natin, pero kung nasa puso talaga natin ang pananalangin, magagawan ng paraan iyan. Bakit ang isang church sa Plaridel, every Friday night 150 ang dumadalo sa prayer meeting?
We’re not playing a numbers game sa church. Pero kung ang kakaunting bilang ng dumadalo sa prayer meeting natin ay nagpapakita ng kundisyon ng puso ng church natin tungkol sa prayer, then we have a big problem. Dumating din kasi na nagsawa ako na imobilize ang church para sa prayer meeting. Sabi ko, “OK lang iyan kahit kaunti, basta sama-sama at tuluy-tuloy ang prayer meeting.” Pero kung ang sama-sama palang panalangin ay makapagbibigay karangalan kay Jesus, makapagpapakita ng love natin sa isa’t isa, at makapagpapalakas ng faith natin, I’m doing you no good kung hindi ko kayo hihikayatin na sumama.
At ganito ang ginagawa ni Jesus na itinuturo sa atin ng kuwento. Hindi lang siya dumating para maging popular.
Pagdating ni Jesus sa kabila ng lawa, masaya siyang tinanggap ng mga tao dahil hinihintay siya ng lahat.
Maraming naghihintay, maraming nakikisakay sa popularity niya, naghihintay na gumawa siya ng mga himala, pero hindi naman talaga lumalapit sa kanya na may buong pagtitiwala. Kung ano lang ang convenient sa kanila, kung ano ang feeling nilang mapapakinabang nila kay Jesus. And that’s part of our problem sa approach natin sa pagdalo sa prayer meeting. Why don’t we pray hard enough, sincere enough, with others? We don’t believe in Jesus enough and we don’t love them enough. We must learn how to really approach Jesus by faith in prayer like Jairus.
Jairus’ Prayer
Dumating naman ang isang lalaking namumuno sa bahay-sambahan ng mga Judio, na ang pangalan ay Jairus.
Sino itong si Jairus? Isa siyang religious leader, nangunguna sa mga worship services nila, may magandang reputasyon marahil, influential. Pero sa pagkakataong ito, kitang-kita na hindi hinayaan ng Diyos na dumating siya sa punto ng buhay na masasabi niyang, “Nasa akin na ang lahat. Hindi ko na kailangang lumapit kay Jesus!” Mayabang ang mga taong hindi lumalapit kay Jesus sa panalangin dahil sinasabi nilang, “Hindi na kita kailangan. Kayang-kaya ko na ‘to.” God will work in ways that are sometimes painful to bring us down to our knees and ask for Jesus’ mercy. Tulad ng nangyari kay Jairus.
Lumuhod siya sa harap ni Jesus at nakiusap na kung maaari ay pumunta siya sa bahay niya.
Nagpapakita ng kababaang-loob, na nakikita niya ang sarili niya an kailangan niya si Jesus. Nagpapakita rin ng taas ng pagtingin niya kay Jesus. There’s respect and reverence. At iyon ang nais ng Diyos na maging attitude natin sa prayer. Iyon bang sinasabi nating, “Lord, hindi ko kayang gawan ng paraan ang sitwasyon ko. Ikaw lang ang makagagawa nito, wala nang iba.” We don’t pray because we have a very high view of ourselves. Feeling natin ang galing natin. We don’t pray because we have a very low view of Jesus. Feeling natin, wala naman siyang magagawa. Prayer is a posture of humility. Prayer is an act of faith.
It is also an act of love. We don’t pray much for others because we don’t love others that much. Ibang-iba sa pinakita ni Jairus. Bakit siya nagmamakaawa kay Jesus?
Dahil naghihingalo ang kaisa-isa niyang anak na babae na 12 taong gulang.
Mahal na mahal niya ang anak niya kaya inilapit niya kay Jesus. Nag-iisa lang. Bata pa, sayang ang buhay kapag namatay agad. Naghihingalo na, nandoon ang sense of urgency and desperation. The way we pray for others and ask others to pray for them shows how much we really love them.
Kaya nga hindi cancelled ang prayer meeting kahit November 1. Kasi mahal natin ang mga kakilala nating nananatiling patay dahil sa kanilang kasalanan. We must feel the urgency. May mga bagay na puwede tayong icancel, but praying to Jesus is a priority. Everything must give way, even your time with your family. Kung marinig n’yo lang ang lakas ng panalangin sa mga “spiritually dead” nitong Friday, you will sense how much those gathering for prayer love the lost. How do you pray for others? For your children? For your loved ones? For the unreached around the world? Do you sense an urgency or a desperation?
Habang papunta si Jesus sa bahay ni Jairus…
Sinagot ni Jesus ang hiling ni Jairus. Jesus is always willing to answer our prayers, willing to help us. Hinding-hindi iisnabin ni Jesus ang anuman sa mga kahilingan natin sa kanya. Pero sasabihin ng iba, “Bakit ako hanggang ngayon hindi pa sinasagot ni Lord? Bakit ang tagal nang delayed ang sagot niya? Ah, siguro hindi concerned si Lord sa mga maliliit na problema ko, baka iyong mga malalaki lang ang tinutulungan niya.” Para matulungan si Jairus at tayong lahat na tumibay ang pagtitiwala natin sa kanya, may isiningit na kuwento.
Touching Jesus
Nagsisiksikan sa kanya ang mga tao. May isang babae roon na 12 taon nang dinudugo at hindi mapagaling ng kahit sino. Naubos na lahat ang mga ari-arian niya sa pagpapagamot.
Hawig ito sa kaso ng anak ni Jairus na 12 years old. Twelve years din ang nararanasan ng babae na sakit. Hindi natin alam kung anong klaseng sakit ito o saan nanggaling. Pero ang mahalaga alam nating malala ang kalagayan niya. Dahil dinudugo, marumi ang turing sa kanya. Isolated siya sa religious life ng Israel. Parang wala nang pag-asa, lahat na ng espesyalista napuntahan, naubos na ang pera sa kakapatingin. Pero hangga’t makakalapit ang isang tao kay Jesus, hindi mawawalan ng pag-asa. Kahit na bawal siyang mahawakan, alam niya na hindi siya sasawayin ni Jesus, kaya…
Nang makalapit siya sa likuran ni Jesus, hinipo niya ang laylayan ng damit ni Jesus at biglang tumigil ang kanyang pagdurugo.
Ang paglapit niya kay Jesus ay iba kay Jairus. Si Jairus, sa harap ng maraming tao. Ang babaeng ito, patago. Tahimik lang, nahihiya siguro. Pero ang mahalaga naniniwala siya sa kapangyarihan ni Jesus. Hindi dahil may magic ang damit ni Jesus, kundi tulad ng makikita natin mamaya, dahil naniniwala siya kay Jesus. This is a touch of faith. At sa simpleng pagtitiwala na iyon, bigla siyang gumaling. For 12 years, walang makapagpagaling sa kanya. Nahawakan lang niya si Jesus, wala pang 12 seconds, magaling na!
Hindi ba ito encouraging sa atin? Na ang ilan sa atin merong ilang taon nang dinadalang problema o kasalanang hindi mapagtagumpayan o sakit o sakit sa ulo dahil sa asawa o sa anak. Ang dami mo nang nilapitan, ang dami mo nang sinubukan, pero wala pa rin. Ang gusto lang naman ni Jesus wag tayong magsawang lumapit sa kanya, huwag mahiyang humingi ng tulong sa kanya. Hindi niya ipagkakait iyon kung sa pamamagitan noon mas makikilala natin siya. Hindi maliit ang kapangyarihan niya. Walang imposible sa kanya. At kung lalapit man tayo sa kanya, hindi pwedeng pasikreto lang…
Nagtanong si Jesus, “Sino ang humipo sa akin?” Nang walang umamin, sinabi ni Pedro, “Guro, alam n’yo naman po na napapaligiran kayo ng maraming taong nagsisiksikan papalapit sa inyo.” Pero sinabi ni Jesus, “May humipo sa akin, dahil naramdaman kong may kapangyarihang lumabas sa akin.”
Jesus knows everything. Nagtanong siya hindi dahil hindi niya alam. Ang intensiyon niya ay imbitahan ang babaeng huwag nang magtago at ipahayag sa mga tao ang kanyang pananampalataya at kung ano ang ginawa ni Jesus na resulta ng kanyang pananampalataya. This is an invitation for her to tell the story of Jesus’ love for her.
Nang malaman ng babae na hindi pala lihim kay Jesus ang ginawa niya, lumapit siyang nanginginig sa takot at lumuhod sa harap ni Jesus.
Nanginginig siya sa takot, lumuhod kay Jesus, dahil kilala niya si Jesus. Tulad ni Jairus. She has deep respect for Jesus. Nakakalungkot na maraming Christians casual ang relationship kay Jesus. Kelan ba naman ang huling pagkakataon na lumuhod tayo sa panalangin at nagsusumamo na lumapit sa kanya?
Pagkatapos, sinabi niya sa harapan ng lahat kung bakit niya hinipo si Jesus, at kung paanong gumaling siya kaagad.
Kahit ba mahiyain siya, tinawag siya ni Jesus na sabihin sa mga tao kung ano ang ginawa sa kanya ni Jesus. So, she shared her testimony of answered prayer. Sabi niya, “Alam n’yo, matagal na akong dinudugo. 12 years na. Walang makapagpagaling sa akin. Naubos na ang pera ko sa mga doktor, sa mga albularyo, at kung anu-anong herbal medicines. Wala pa rin. Pero nang lumapit ako kay Jesus at hinawakan ang laylayan ng damit niya, biglang nawala ang pagdurugo ko. Ngayon, magaling na ako. Purihin ang Panginoon!”
Totoo nga na puwede naman tayong manalangin nang mag-isa. Pero nais ng Diyos na lumabas tayo ng lungga natin at ipahayag sa iba kung paano sumasagot si Lord sa mga prayers natin. Unang-una, para din naman sa atin iyon.
Sinabi sa kanya ni Jesus, “Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa.”
Kung nanatiling nakatago ang babae, at sabihin niyang, “Hindi na lang ako magsasalita, ang mahalaga gumaling na naman ako,” maririnig ba niya ito kay Jesus? Hindi ba’t ang sarap na marinig at mapatunayan na ikaw ay may relasyon sa kanya (by faith) kasi sinasagot niya ang panalangin mo. Marinig mong sinasabi niya, “Anak…ibibigay ko kung ano ang kailangan mo. I am your Father.” Meron nang “peace” – restored relationship with God. Posible iyan dahil sa ginawa ni Jesus para sa atin.
Hindi lang para sa atin. When we pray with others, nagiging encouragement din tayo sa iba. Dun sa iba na kailangan nilang marinig na buhay ang Diyos na gumagawa ng mga imposible. Balikan natin si Jairus. Kanina nagmamadali siya, kasi nga naman agaw-buhay na ang anak niya. Iyon bang tumawag ka ng ambulansya para mabilis, tapos may nakasalubong ang driver na kakilala niya at nakipagkuwentuhan pa. Anong mararamdaman mo? Baka sabihin ni Jairus, “Ano ba naman ‘to. Inuna pa at nakipagkuwentuhan pa sa babaeng dinudugo samantalang mas urgent naman ang sitwasyon ng anak ko. Puwede namang balikan na lang iyon. First come, first served!”
Kung ano ang sinabi ni Jesus, at ano ang ginawa niya para sa babae, gusto niyang marinig at makita ni Jairus para lalo siyang maencourage at tumibay ang pananampalataya sa kanya, lalo na kung parang wala nang pag-asa. Nagkaroon ng delay, hindi dahil walang concern si Jesus sa anak ni Jairus. But to demonstrate that Jesus can do what only he can do. We will never know the extent of Jesus’ power, of praying in Jesus’ name, if we will give up praying together in Jesus’ name.
Jesus Doing What Only Jesus Can Do
Habang kausap pa ni Jesus ang babae, dumating ang isang lalaki galing sa bahay ni Jairus. Sinabi niya kay Jairus, “Patay na po ang anak ninyo. Huwag n’yo nang abalahin ang guro.”
Habang may buhay may pag-asa, ano nga naman ba ang magagawa ni Jesus kung patay na? Maybe they don’t know what Jesus did to the son of the widow of Nain (Luke 7:11-17). He raised the dead! He can raise the dead! Hangga’t nariyan si Jesus may pag-asa. Hindi natin puwedeng sabihing hindi na natin siya puwedeng abalahin. Puwede natin siyang abalahin anytime. Don’t give up!
Nang marinig iyon ni Jesus, sinabi niya kay Jairus, “Huwag kang matakot. Manampalataya ka lang at mabubuhay siyang muli.”
Hawig ito sa sinabi ni Jesus sa babae. Hindi tayo dapat matakot. Hindi tayo dapat mag-alala. Hindi tayo dapat magsawa. Prayer is an expression of faith, faith in God to do the impossible.
Pagdating nila sa bahay, wala siyang pinayagang sumama sa loob, maliban kina Pedro, Santiago at Juan, at ang mga magulang ng bata. Nag-iiyakan ang mga tao, kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong umiyak. Hindi patay ang bata kundi natutulog lang.”
Hindi dahil masamang umiyak. Pero in light of Jesus’ presence, there is hope. Akala kasi ng mga tao permanente na ang kamatayan. Pero para kay Jesus, temporary lang iyon. Parang natutulog lang. Maraming tao, hindi naniniwala sa magagawa ni Jesus. Akala nila joke lang.
Pinagtawanan nila si Jesus dahil alam nilang patay na ang bata.
Sa kaiiyak nila, imbes na tumawag sila kay Jesus at humingi ng tulong akala nila wala nang pag-asa. Pinagtawanan pa si Jesus. Ang hirap kaya nang umiiyak tapos biglang tatawa. Ewan ko ba sa ating mga tao, gusto ni Jesus seryosohin natin siya. Pero akala natin joke lang ang mga invitation niyang lumapit sa kanya at magtiwala sa magagawa niya. Sa inyo na ngayon ay hindi sineseryoso ang panalangin sa pangalan ni Jesus, papatunayan niya na this is not a joke. Jesus is not playing games with us. Napakalaki ng nakasalalay sa panalangin.
Pero hinawakan ni Jesus ang kamay ng bata at sinabi sa kanya, “Nene, bumangon ka.” At noon din ay nagbalik ang espiritu ng bata at bumangon. At iniutos ni Jesus na pakainin ang bata.
Jesus cares. Hinawakan niya ang bata. Inutusang pakainin. Jesus has the power to give life. He is our Life-Giver. Ilang beses na niyang nagawa iyan. At sa pagdating na siya naman ang namatay, muli siyang mabubuhay. Para bigyang pag-asa ang mga katulad nating nawawalan ng pag-asa, natatakot mamatay, natatakot magkasakit, natatakot mawalan ng mahal sa buhay. We can find life in Jesus. Hindi natin kailangang pagtrabahuhan iyon. Kailangan lang nating humiling sa kanya.
Magkaisa tayo sa panalangin dahil mapagkakatiwalaan natin si Jesus na gawin ang mga bagay na siya lang ang makagagawa. Let us unite in prayer because we can trust Jesus to do what only he can do. He heals the sick. He raises the dead. He brings us near to God. Hindi natin kailangan ng bagong pamamaraan sa church. Hindi natin kailangan ng mga gimmicks para maattract ang maraming tao. Ang kailangan lang natin ay gawin kung ano ang ginagawa ng mga tagasunod ni Jesus sa simula’t simula pa.
Nang nabubuhay pa si Jesus, tinuruan silang lumapit sa kanya tulad ni Jairus. Nang mamatay siya, mabuhay na muli at umakyat sa langit, anong ginagawa nila? “All these [the disciples, not just the leaders] with one accord were devoting themselves to prayer” (Acts 1:14). Nagbigti si Judas, kailangang pumili ng kapalit niya, anong ginawa nila? “And they prayed…” (1:24). Feast of Pentecost, holiday, hindi sila nagbakasyon, “They were all together in one place” (2:1). Nang araw na iyon, bumaba ang Holy Spirit, nangaral si Pedro, 3000 ang nadagdag, “And they devoted themselves to…prayers” (2:42). Nang makulong si Pedro at Juan at makalaya kinabukasan at magreport sa church, “They lifted their voices together to God” (4:24). Ang mga leaders nila ang nangunguna sa kanila na nagbibigay halimbawa ng devotion sa prayer, “We will devote ourselves to prayer” (6:4). When Peter was imprisoned, “Earnest prayer for him was made to God by the church” (12:5). Nang sabihin ng Espiritu na italaga si Paul at Barnabas para sa misyon, “After fasting and praying they laid their hands on them and sent them off” (13:3).
Ang kailangan natin hindi maraming pera, hindi magandang facilities, hindi maraming programs, hindi lang basta maraming tao, kundi maraming panalangin at maraming nagkakaisa sa panalangin. “Let’s forget the novelties. If we prevail in prayer, God will do what only he can do. How he does things, when he does them, and in what manner are up to him. The name of Jesus, the power of his blood, and the prayer of faith have not lost their power over the centuries” (Jim Cymbala).
Wag tayong tumigil hangga’t hindi lahat sa atin ay nakakasama sa ating Friday Night Prayer Meeting. Kung kelangan gawin sa ibang lugar o magdagdag ng ibang schedule (tulad ng Dawn Watch), gawin natin. Sa mga Grace-Communities natin, habaan natin ang prayer time. Sa mga may Story of God, bumuo tayo ng prayer bands (at least 3 people) praying para sa grupo habang nag-aaral sila. Sa worship team practice, sa choir practice, pray muna nang mahaba-haba bago magpractice. Sa mga elders, leaders meeting let’s spend more time praying than planning. Sa Christmas season, let’s have consecutive days of dawn prayer meetings. When we do that, next year will be the Year of the Impossible sa church. We pray together and ask Jesus to do what only he can do. When we do that, we will see things happen, things that only he can do. Tulad ng nangyari sa kuwento.
Telling Stories of What Only God Can Do
Labis na namangha ang mga magulang ng bata. Pero pinagbilinan sila ni Jesus na huwag sabihin kanino man ang nangyari.
Temporary restriction lang ito. Iyong pinagaling niya na demon-possessed sinabing ikuwento sa iba. Siguro dahil maraming Gentiles pa ang kailangang makabalita tungkol kay Jesus. Iyong babaeng dinudugo, pinalabas niya para sabihin kung ano ang ginawa sa kanya ni Jesus. Kahanga-hanga ang mangyayari. Hindi natin mapipigilang hindi ikuwento sa iba. Mayayanig ang mundo kung sama-sama tayong mananalangin. Makakalaya ang mga bihag, makakalakad ang mga pilay, makakakita ang mga bulag, mabubuhay ang mga patay – maibabalik ang maraming tao sa isang magandang relasyon sa Diyos dahil kay Jesus.
Nagreport si ate Malou, missionary natin sa mga Muslim na meron bagong believer ngayon – dahil sa panalangin. Ang dad ni Cyrel na nasa Australia, nakakasama na sa church – dahil sa panalangin. Ang cancer ni ate Len na nasa US, nawala – dahil sa panalangin. Maraming nabubuksang Story of God – dahil maraming nananalangin. We will see greater things than these! At kahit sa panahon na parang hindi pa binibigay ni Lord ang panalangin natin, tulad ni Jona na ngayon ay hindi pa nagkakaanak, we will see the point of prayer. It’s not about healing, it’s not about getting our requests answered. It’s about touching Jesus, drawing near to Jesus, coming to Jesus, knowing Jesus, enjoying Jesus. We draw near to Jesus in prayer not to get things from him, but to get him.
1 Comment