Jesus commanded all of us to tell and show his Story to others. Yet we have a lot of excuses. Some of you are saying, “I don’t have the right to do that.” Some excuse themselves from that mission by saying, “I can’t do that. I don’t have anything to give to others in need.” Some have tried and are left disappointed or frustrated with meager or even zero results.
But the story of Jesus’ feeding of the 5,000 encourages us by teaching us that Jesus gives us everything we need. And not only that, but for a mission oriented purpose: so that we may help others get everything they need. You can now never say that you don’t have something to give. Jesus gives everything (he gives himself!) you need so that you can help others get everything (by giving them Jesus!) they need. You have Jesus. Others need Jesus. Give them Jesus. They will be satisfied! Because Jesus is not just enough for us; he is more than enough for us.
Tell and Show Mission
Lahat tayo ay involve sa mission. Ang iba nakakatulong. Ang iba nakakahadlang. Ang misyong ito ay tulad din ng misyong ibinigay niya sa mga una niyang mga apostol: He “sent them out to proclaim the kingdom of God and to heal” (9:2). Iyon nga ang ibig sabihin ng apostol – isinugo, sent ones. Jesus is our Sender. We are the sent ones to do what he wants us to do. We have a mission. “To proclaim the kingdom of God.” That is, tell the Story. Ikuwento sa kanila kung sino ang Diyos, ano ang plano niya para ibalik ang mga taong nagrebelede sa ilalim ulit ng paghahari niya.
Hindi lang sa salita, kundi ipapakita din. Kaya nga, they are “sent…to heal.” Although sa panahon ngayon hindi na natin normal na nakikita ang mga miraculous healing (bagamat ginagawa pa rin iyan ng Diyos), ipinapaalala sa atin na bahagi ng misyon natin ay ipakita sa mga tao ang kapangyarihan ng Diyos. We are to show them the life-changing power of the Story. Sa pamamagitan ng buhay natin na binabago ng Diyos. And by praying for them and letting them see that there is a God who answers prayers.
People need to hear the Story. People need to see its power. Sa loob ng bahay natin, sa asawa, sa mga anak, sa kapitbahay, sa mga Muslim, sa mga unreached peope groups. At maging sa bawat isa sa atin, sa pagtutulungan natin na labanan ang kasalanan. We have a huge mission. Na kahit saang lugar, kahit sinumang tao, makarinig ng Magandang Balita. Ang mga apostol, sumunod. Verse 6, “They departed and went through the villages, preaching the gospel and healing everywhere.” Maging si Herod, na tagapamahala sa Galilea narinig ang tungkol kay Jesus. Mula sa mga bukid hanggang sa palengke hanggang sa palasyo kumakalat ang balita.
Napakaganda na ganito rin ang maging vision natin. Kaya lang, may mga panahon na nararamdaman natin na hindi natin kaya, na may kulang sa atin kaya hindi tayo nagiging intensiyonal. Mas masarap magpahinga. O kailangang asikasuhin muna ang maraming bagay. We are trying to justify or make excuses for our disobedience. Sasabihin ng iba, “Wala akong K…”
- Wala akong karapatan. Bata pa ako. Sino ba naman ako para magsalita sa mga mas nakatatanda sa akin. Sino ba naman ako para manghimasok sa buhay ng iba at kumbinsihin sila na iwanan ang matagal na nilang pinaniniwalaan.
- Wala akong kakayahan. Hindi ko alam kung paano, kung ano ang gagawin. Hindi ko gift iyan. Yung iba magaling dyan, ako hindi.
- Wala akong kayamanan. Hirap na nga ng buhay ngayon, dadagdagan pa ng intindihin sa buhay ng ibang tao. Wala naman akong maibibigay sa kanila na tulong.
- Wala akong katiyakan. Sige, kung mag-involve man ako dyan, hindi naman ako magiging effective. Baka ireject lang nila ako, lalo pa iyang mga taong alam nila ang dati kong buhay. Pagtatawanan lang ako niyan.
Itong mga apostol, kagagaling lang sa mission trip nila. Nagreport sila kay Jesus sa mga nagawa nila at sa mga nangyari. Tapos inaya sila ni Jesus sa isang lugar, pero nasundan sila ng maraming tao. Limanlibong (5000) lalaki, kung kasama mga asawa at anak, baka 15,000-20,000 ang bilang nila. Napakarami. Magdidilim na. May suggestion ang mga apostol. Practical nga naman kung pauwiin na lang ang mga tao o humanap ng matutuluyan at makakainan. Pero sabi ni Jesus, “You give them something to eat” (v. 13).
At this point, Jesus wanted them to do not what is practical, but what is supernatural. Alam ng mga disciples iyon na imposibleng mangyari kasi napakaraming tao, wala namang mga baong pagkain ito maliban sa limang tinapay at dalawang isda. “Unless we are to go and buy food for all these people” (v. 13). Tawag sa SM Hypermart o sa isang caterer, urgent na. Pero kung sakali man, kailangan nila ng halos kalahating milyong piso (kung 25 pesos na lang ang isa) para mapakain lahat. Kulang ang budget! Hindi kaya! Hindi praktikal! Imposible ang pinapagawa ni Jesus.
What’s the problem? Hindi ba’t katatapos lang nila magpagaling ng mga maysakit? Hindi ba nila kayang busugin ang nagugutom? Hindi ba’t kasama nila si Jesus? Hindi pa ba nila kilala ito? Para pa rin silang tulad ni Herodes. Nang mabalitaan tungkol kay Jesus, ang tanong niya, “Who is this about whom I hear such things?” (v. 9). Kailangang masagot ang ganitong tanong. Tanong din ito ng mga disciples matapos patigilin ni Jesus ang bagyo, “Who then is this?” (8:25). Kung kilala lang nila, kung kilala lang natin kung sino si Jesus, wala na tayong magiging excuses sa pagsunod sa misyong ipinapagawa niya sa atin. Bakit? Dahil makikita natin sa story natin ngayon na – Jesus gives us everything we need (hindi puwedeng hanggang dito lang, kala kasi natin ang story of feeding the 5000 ito lang ang itinuturo)…No. Jesus gives us everything we need so that we may help others get everything they need. Ibinibigay ni Jesus ang lahat ng kailangan natin para maibigay din naman natin sa iba ang lahat ng kailangan nila. Anu-ano itong kailangan natin na ibinibigay ni Jesus?
1. Jesus Sends Us with His Authority
Sinasabi mong wala kang karapatang istorbohin, panghimasukan ang buhay ng ibang tao – kasi bata ka pa, kasi ordinaryong tao ka lang, kasi wala kang mataas na pinag-aralan. Sinasabi ni Jesus, “I am sending you with all my authority! May karapatan ka, may awtoridad ka dahil ako ang nagsugo sa iyo.” Tingnan n’yo ang verse 1, “And he called the twelve (ordinary people, most of them fishermen!) together and gave them power and authority over all demons and to cure diseases.” Ganito rin ang sinabi niya sa Great Commission, “All authority in heaven and on earth has been given to me. Therefore go…” (Matt. 28:18-19). Ibig sabihin, sa pagharap natin sa mga tao, we come with the authority of Jesus. We represent him. We bring his message to them. We say, “Bow down to my King!” Kahit si NoyNoy pa ang kaharap mo, kahit sinong demonyo pa ang iharap sa iyo, kahit sinong pinuno pa ang makausap mo, you have the right. Kahit strangers pa iyan, you don’t need to earn the right to speak the gospel to them. Jesus already earned that right for you!
So, be bold and courageous. Natutunan ito nina Pedro at Juan, kahit mga ordinaryong tao lang sila, pagharap nila sa mga religious leaders, buong tapang silang nagsalita. Kahit pagbawalan silang ipangaral si Jesus, hindi sila natameme. Anong reaksyon nitong mga religious leaders? “Now when they saw the boldness of Peter and John, and perceived that they were uneducated, common men, they were astonished. And they recognized that they had been with Jesus” (Acts 4:13). Hindi edad, karanasan, edukasyon, estado sa lipunan ang dala-dala mo sa pagharap sa mga tao. You have Jesus’ authority. You represent him. Be bold and courageous!
2. Jesus Enables Us with His Power
Sinasabi mo, wala kang kakayahan, hindi mo kaya. Sinasabi ni Jesus sa iyo, “I am giving you my power! Ibinibigay ko sa iyo ang kapangyarihan para magawa ang mga bagay na imposible!” Kaakibat ng karapatan o awtoridad na bigay ni Jesus sa mga apostol ay ang kapangyarihan o kakayahang magawa iyon, “He…gave them power and authority over all demons and to cure diseases” (v. 1). Para ano? “To proclaim the kingdom of God and to heal.” Ang magpagaling ng mga maysakit na walang ibang gamit na gamot o medical technology ay isang bagay na imposibleng magawa ng tao, kahit ng pinakamahusay na doktor. They need supernatural power to do that. Iyon ang binigay ni Jesus sa kanila. Tulad ng kapangyarihan na nasa kanya. Nang sundan sila ng maraming tao, anong ginawa ni Jesus? He “spoke to them of the kingdom of God and cured those who had need of healing” (v. 11). Anong resulta? “They departed and went through the villages, preaching the gospel and healing everywhere” (v. 6).
So, be dependent and prayerful. Hindi ba’t ganito si Jesus? Palaging nakadepende sa Ama. Kaya ang ginawa ni Jesus, hinawakan ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala sa langit, nanalangin sa Diyos, nagpasalamat sa Diyos (v. 16). Hindi ba’t dapat ganoon ang ginawa ng mga disciples? Lumapit kay Jesus, sabihin hindi nila kaya sa sarili nila, tapos humingi ng tulong sa kanya. Kapag sinabi nating hindi natin kaya, nilalagyan natin ng limitasyon ang magagawa ni Jesus sa pamamagitan natin. Instead of making excuses at sabihing, “Lord, di ko po kaya. Iba na lang ang ipadala n’yo dyan,” sabihin mo, “Lord, hindi ko kaya, pero alam kong walang imposible sa iyo, kaya tulungan mo ako, gusto kong sumunod sa iyo.”
“Truly, truly, I say to you, whoever believes in me will also do the works that I do; and greater works than these will he do, because I am going to the Father. Whatever you ask in my name, this I will do, that the Father may be glorified in the Son. If you ask me anything in my name, I will do it” (John 14:12-14). Do you believe what Jesus was saying here? If you do, you will not make any excuses.
3. Jesus Supplies Us with His Provisions
Sinasabi mo, wala kang kayamanan, mahirap ka lang, you don’t have enough resources para makatulong sa misyon. Sumasakit na nga ang ulo mo sa kakaintindi ng mga basic needs ng pamilya mo tapos iintindihin mo pa ang kailangan ng ibang tao. Sinasabi ni Jesus, “Ibibigay ko lahat ng kailangan mo sa araw-araw. Hindi ka magkukulang. I will provide your daily bread.” Malinaw ito sa kuwento. Kaya nga bago ang mission trip nitong mga apostles sabi ni Jesus, “Take nothing for your journey, no staff, nor bag, nor bread, nor money; and do not have two tunics” (9:3). Hindi ibig sabihing wala silang dadalhin. Hindi ibig sabihing bawal magdala ng extra. Gusto ni Jesus na magtiwala sila sa Diyos na magpoprovide sa pamamagitan din ng mga tatanggap ng mensahe nila. Na huwag na nilang intindihin ang mga bagay na iyon. Huwag na silang mag-alala, kundi magtiwala sa Diyos.
Sabi nga ni Jesus, “Therefore do not be anxious, saying, ‘What shall we eat?’ or ‘What shall we drink?’ or ‘What shall we wear?’ For the Gentiles seek after all these things, and your heavenly Father knows that you need them all. But seek first the kingdom of God and his righteousness, and all these things will be added to you.”(Matt. 6:31-33).
Pangako niya iyon. Para ipakita niyang seryoso siya doon, anong ginawa niya sa story ngayon? Libu-libo ang kailangang pakainin. Kinuha niya ang limang tinapay at dalawang isda. Pinarami. Lahat nakakain, lahat nasiyahan, busug na busog. May 12 basket pa ang natira (v. 17). That’s miraculous provision. Nagpapatunay na ibinibigay ni Jesus ang lahat ng kailangan natin, tulad ng Diyos sa pagpapakain niya sa milyun-milyong Israelita sa disyerto sa loob ng 40 taon. Kung naniniwala talaga tayo sa kuwentong ito, kung naniniwala tayo sa magagawa ni Jesus, hindi tayo mag-aalala sa araw-araw na kailangan natin. Hindi ito magiging dahilan para hindi tayo makasunod sa nais ng Diyos. May excuse pa ba ang mga apostol sa sinabi ni Jesus na sila ang magbigay ng pagkain sa mga tao? Wala na!
So, don’t worry about your basic needs. Mga magulang, sa kakaalala natin sa mga bagay na ito, na akala natin pera, damit, pagkain, edukasyon ang pinakamalaking kailangan ng mga anak natin, nakakalimutan naman nating ibigay ang higit na kailangan nila – ang makilala si Jesus sa pamamagitan ng kanyang mga salita. We are forgetting our mission to our children, we are forgetting our mission to other people, when we worry so much about our daily needs. Sabi ni Jesus, “Ako bahala. Trust me.” Sabi din ni Paul, “My God shall supply all your needs according to his riches in glory in Christ Jesus” (Phil. 4:19). Naniniwala ka ba sa pangako ng Diyos?
4. Jesus Takes Care of the Results
Sinasabi mo, wala kang katiyakan sa magiging resulta kapag nainvolve ka sa mission. Nasubukan mo na dati, pero feeling mo di ka naman naging effective. O baka ireject ka o pagtawanan lang. Totoo namang hindi tayo tiyak sa resulta. Pero sabi sa atin ni Jesus, “Ako ang bahala sa resulta. Hindi mo na dapat alalahanin iyon.” Kaya sabi niya sa mga apostles bago ang mission trip nila, “And whatever house you enter, stay there, and from there depart” (Luke 9:4). May mga tatanggap sa kanila, tatanggap sa mensahe nila. Ito ang mga taong ang puso ay hinanda na ng Diyos (see 8:8). Pero meron din namang hindi. “And wherever they do not receive you, when you leave that town shake off the dust from your feet as a testimony against them” (9:5). Ang mga Judio kasi kapag galing sa isang Gentile territory, pinapagpag nila ang paa nila bilang senyales ng paglilinis. Sa sinabi naman ni Jesus, ang gagawin nila ay parang pagsasabi sa mga tao, “Narinig na ninyo ang totoo, hindi ninyo tinanggap, ipinapaubaya na namin kayo sa Diyos.” Ito naman ang mga taong nakalaan na rin ang parusa ng Diyos sa kanila. Ang point nito para sabihin sa atin na hindi natin hawak ang desisyon ng mga tao. Ang Diyos ang bahala doon.
Halimbawa, si Herodes. Narinig niya ang balita tungkol kay Jesus. Gusto ngayon niyang makita si Jesus. “He sought to see him” (v. 9). Ilang buwan pagkatapos nito, inaresto si Jesus at dinala kay Herodes. “When Herod saw Jesus, he was very glad, for he had long desired to see him, because he had heard about him, and he was hoping to see some sign done by him” (Luke 23:8). Hindi naman talaga ito naniwala kay Jesus. Gusto lang makakita ng himala. Gusto ba naman niyang tanggaping si Jesus ang Hari? Kaya mas gusto pa niyang ipapatay ito tulad ng ginawa niya kay Juan na pinugutan niya ng ulo.
Paano naman ang libu-libong taong pinakain ni Jesus? Lahat sila nasiyahan, nabusog. Ang ilan sa kanila sumunod kay Jesus, ang iba gusto lang namang makakain kaya sumusunod. Kaya minsan, sinabihan niya ang mga ito, “Truly, truly, I say to you, you are seeking me, not because you saw signs, but because you ate your fill of the loaves” (John 6:26). Katunayan nga, baka nasa 500 lang ang bilang ng totoong naniniwala kay Jesus pagkatapos na siya’y mamatay at mabuhay na muli.
So, don’t worry about being effective or not. Hindi natin hawak ang resulta ng gagawin natin. Ang Diyos ang bahala doon. Be faithful.
Jesus Gives Us Himself – No More Excuses
Jesus gives us everything we need so that we may help others get everything they need. Hindi mo na puwedeng sabihing wala kang K, ibinibigay ni Jesus sa iyo ang karapatan, kapangyarihan, kayamanan, at katiyakan para maibigay mo naman sa iba ang kailangan nila. In light of these promises, can you think of other excuses to justify your disobedience of his call for you to participate in his kingdom mission? You can now never say, you don’t have something to give. Jesus gives everything (he gives himself!) you need so that you can help others get everything (by giving them Jesus!) they need. You have Jesus. Others need Jesus. Give them Jesus. They will be satisfied! Ang pagpapakain sa libu-libo ay nagpapakita na hindi lang basta “Jesus is enough for us,” kundi, “He is more than enough for us.” Kapag nasa atin si Jesus, walang kulang sa atin, umaapaw pa nga para mabuhusan din ng pagpapala ang ibang tao.
Ito ang lesson na itinuturo ni Jesus sa mga apostol niya. Kaya noong panahong umakyat na si Jesus sa langit, itong si Juan at si Pedro, may nakitang isang lalaking lumpo at pulubi na namamalimos sa may tarangkahan ng templo. Akala ng lalaking ito ang kailangan niya ay limos. Pero alam nina Pedro na ang kailangan niya ay si Jesus. Kaya sabi niya, “I have no silver and gold, but what I do have I give to you. In the name of Jesus Christ of Nazareth, rise up and walk!” (Acts 3:6). Anong naging resulta? “…leaping up he stood and began to walk, and entered the temple with them, walking and leaping and praising God. And all the people saw him walking and praising God…And they were filled with wonder and amazement at what had happened to him” (vv. 8-10). Hindi limos ang natanggap niya, hindi rin lang basta kagalingan, kundi si Jesus mismo ang natanggap niya. Hindi sinabi ni Pedro na wala siyang “K”. Dahil alam niya na meron siyang “K” – meron siyang Kristo!
Kung gusto rin nating maglulundag sa tuwa at pagpupuri sa Diyos ang mga anak natin, ang pamilya natin, kapitbahay, mga kaibigan, mga Muslim, huwag mo nang sabihing wala kang “K” – meron kang “Kristo.” Siya ang kailangan nila. Siya ang nasa atin na maibibigay natin. Jesus is more than enough. There is no more room for excuses.
2 Comments