“Football is one of the best things anyone could ever do… but true life — what it means to live — is all wrapped up in the way you follow Christ.” – Chris Norman
Chris Norman was a linebacker for Michigan State college football team. He turned his back on a promising future career in professional football to embrace the more glorious promises of Jesus as he heed God’s call for him to enter seminary to become a pastor. I invite you to watch this 11-minute video and see how we, like Chris Norman, can deny ourselves and heed Jesus’ call to take up our cross daily and follow him.
[youtube http://www.youtube.com/watch?v=paMTj8nwPWE]You can also listen to Part 17 of the sermon series The Story of Jesus based on Luke 9:18-36.
Voices around us
Ang takbo ng buhay natin ay nakadepende sa kung anong boses ang pinapakinggan natin at pinaniniwalaan araw-araw. Tulad halimbawa ng mga TV ads na napapanood natin o mga billboards na paulit-ulit nating nakikita. Tatlong mensahe ang ipinaparating ng mga ito. “Live longer!” – kaya mga may herbal, organic, healthy na mga ads. “Feel happier!” – kaya may mga bagong gadgets, mga bagong pelikula, mga bagay na mapaglilibangan. “Look better!” – kaya may mga pampaputi, pampaganda ng buhok. Ang mga ito ay appeal sa atin kasi gusto nga naman nating mas humaba ang buhay, mas maging masaya, at mas maging maganda sa paningin ng ibang tao.
As long as we can avoid any kind of shame, pain or death, gagawin natin. Napakalaki tuloy ng influence sa atin hindi lang ng media, kundi ng kulturang kinabibilangan natin. Akala ng maraming tao, pagdating sa Church o sa pagiging Christian ang nangingibabaw pa rin ay sariling comfort, convenience o personal preferences. Kung hindi ka na masaya sa church mo, hanap ka ng iba. Kung ayaw mong mapahamak ang anak mo, huwag mong payagang magmission sa Mindanao. Kung ayaw mong masaktan ang bulsa mo, huwag kang magbigay sa mga misyonero.
Na para bang sinasabi ni Jesus sa atin, “Kung gusto n’yong maging tagasunod ko, just enjoy yourself, be comfortable, take it easy, and I will give you your best life now.” Kung ganito ang naririnig ninyong sinasabi sa inyo ni Jesus, baka hindi si Jesus iyan, baka ibang boses ang nagsasalita niyan.
Jesus’ voice
Kasi ang Jesus na kilala ko, na linggu-linggo ay kinikilala natin sa Gospel of Luke, ganito ang sabi, “If anyone would come after me, let him deny himself and take up his cross daily and follow me” (Luke 9:23 ESV). Magkaibang-magkaiba, di ba? At wag n’yong iisiping para lang ito sa mga apostol o sa mga super-Christians o para sa level-up na version ng Christianity. He said these words “to all.” Sinabi niya ito sa lahat ng susunod sa kanya, sa lahat ng gustong maging disciples niya, “If anyone would come after me.” If we want to be disciples of Christ (Christians!), then we cannot skip these words. “Whoever does not bear his own cross and come after me cannot be my disciple” (14:27 ESV).
So, what does it mean to be a disciple of Jesus? “Whoever wants to be my disciple must (#1) deny themselves and (#2) take up their cross daily and (#3) follow me” (9:23 NIV).
Deny Yourself
If you want to be a disciple of Jesus, you must deny yourself. Kung gusto mong maging tagasunod ni Jesus, itakwil mo ang iyong sarili. To deny one’s self means to repudiate, renounce, disown, surrender, relinquish control of your life. Iyon bang sinasabi mo sa sarili mo: “Hindi na ako!” Hindi na ako ang may kontrol o magpapatakbo ng buhay ko. Hindi na ang ambisyon ko. Hindi na ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa akin. Hindi na ang pangalan ko. Hindi na ang hitsura ko. Hindi na kung ano ang kumportable o convenient sa akin. Hindi na ang pangarap ko sa mga anak ko. Hindi na ang sarili kong kasiyahan.
This is far from easy. Sarili natin ang kalaban natin dito. Simula pa nang magrebelde sina Adan at Eba, likas sa mga tao ang makasarili, selfish, self-centered. Hindi pahuhuli diyan ang panahon natin ngayon. Noong bata tayo, pangarap nating maging artista – kasi sikat, pinapalakpakan, ang “face” natin pamilyar sa mga tao, nakapose sa mga billboards, napapanood sa mga TV shows at mga commercials. Kasi likas sa atin na gusto natin sa atin ang atensiyon.
Naging madali ngayon iyan, kahit hindi ka artista, dahil sa pag-usbong ng social media tulad ng Facebook.
Katunayan, ang Word of the Year ng Oxford Dictionary ay “selfie” – iyong bang picture mo na ikaw din ang kumuha at nag-upload sa Facebook o Instagram. We feel yung excitement na instant celebrity tayo kahit man lang sa mga friends natin. Iyon bang we invite people na, “Come on, like my picture, comment and say I’m beautiful.” Siyempre hindi natin sinasabi iyan nang malakas, sa loob-loob lang natin. O kaya naman, mga magulang, siyempre proud tayo sa mga anak natin, nakadisplay sa iba ang achievements ng mga anak natin, pero ang totoo ang gustong idisplay iyong sarili natin na parang nagsasabi, “Anak ko iyan. Ako ang nagpalaki diyan.”
Hindi ko sinasabing ang “selfie” ay masama. O ang pagdisplay ng mga medals ng anak n’yo sa bahay. Pero it’s a reflection kung ano ang nasa puso natin, kung ano ang takbo ng society natin. At kung sobrang attached tayo sa sarili nating kasiyahan, sa sarili nating buhay, sa sarili nating impresyon sa ibang tao, you will find it hard to deny yourself. And if you cannot deny yourself, it’s impossible for you to become a disciple of Jesus. Impossible! “So you cannot become my disciple without giving up everything you own” (14:33 NLT). That’s not an exaggeration. When Jesus said “everything,” he meant absolutely “everything”!
Take Up Your Cross Daily
What does it mean to be a disciple? First, “deny yourself.” Second, “take up your cross daily.” Anong ibig sabihin niyan? Ang akala ng iba, ang “krus” ay iyong burden o dalahin na pagtitiisan natin alang-alang sa Panginoon. Sabi nila, maaaring iyan ay ang asawa mong unbeliever, o ang biyenan mong torture kasama, o ang trabaho mong mababa ang pasuweldo, o ang anak mong nagrebelde sa iyo. Well, kung ganyan ang pagkaintindi natin sa “krus” – we don’t really know what Jesus meant when he said, “take up your cross.”
Ang mga tao sa panahon ni Jesus kapag narinig nila ang “krus,” nanginginig iyan, nangingilabot. Bakit? Dahil hindi ito isang dekorasyon lang sa kanila, it’s an instrument of torture na ginagamit ng mga Romano para parusahan (death sentence) ang mga kriminal, lalo na ang mga naghimagsik sa pamumuno nila. So picture that when you hear Jesus, “Take up your cross.” As a disciple, you must be ready to embrace the cross daily – not just every Sunday, not just when on a missions trip, not just in responding sa trahedyang nangyari sa Leyte. To be a disciple of Jesus is a life of taking our cross daily.
The cross is a symbol of death. Ibig sabihin, kung gusto mong maging disciple, handa kang ibigay ang buhay, ang mamatay para kay Jesus kung kakailanganin. Bakit naman natin gagawin iyon? Sabi ni Jesus, “For whoever would save his life will lose it, but whoever loses his life for my sake will save it” (9:24 ESV). Ang panawagan ni Jesus ay ang pahalagahan natin ang buhay na walang hanggan na kasama siya kaysa sa pansamantalang buhay natin dito sa mundo. Ang goal natin sa buhay ay hindi “longer life,” kundi unwasted life. Kahit mapaikli, basta bawat oras, bawat lakas, kahit mapanganib na sitwasyon sinusuong alang-alang kay Jesus.
The cross is not just a symbol of death. Hindi naman ito na kapag pinako ka sa krus, patay ka agad. It’s for torture. Na patagalin ang kamatayan, na parang isang baboy na kinakatay nang dahan-dahan. The cross is also a symbol of pain. If you want to follow Christ, be ready to embrace pain as a daily reality. Bakit? “For what does it profit a man if he gains the whole world and loses or forfeits himself” (9:25 ESV)? Aanhin mo nga naman ang mga karangyaan, kayamanan, kasiyahan sa mundong ito kung walang hanggang pagdurusa naman ang mararanasan mo dahil mas pinapahalagahan mo ang mga ito nang higit kay Jesus? Ang panawagan sa atin ay hindi “feel happier” kundi “be ready to suffer.”
The cross is not just a symbol of pain and death. It’s also a symbol of shame. Kaya nga ang nakapako sa krus ay nakadisplay sa madla at nakahubo’t hubad para ipahiya. Iyon bang ayaw mong tingnan kasi ayaw mong maging tulad sa kalagayan niya. Hindi ito ang klase ng litratong gusto mong iupload sa Facebook. So to be a disciple it to be willing to embrace shame for Jesus’ sake. Kahit imaltrato tayo, kahit duraan, kahit mademote, kahit pagsabihan ng masasakit, titiisin natin alang-alang kay Cristo. Kaysa naman pahalagahan natin ang pangalan natin o reputasyon natin nang higit sa kanya. Sabi niya, “For whoever is ashamed of me and of my words, of him will the Son of Man be ashamed when he comes in his glory and the glory of the Father and of the holy angels” (9:26 ESV). Titiisin natin ang anumang kahihiyan ngayon alang-alang sa karangalang darating. Ang sinasabi ni Jesus sa atin hindi “look better” now – kundi “wait for something much better.”
A preview and a foretaste of glory
It’s hard to “take up our cross” kasi masyado tayong nakafocus sa “your best life now” at hindi natin naiisip na our best life is yet to come. At ito ang gustong ipakita ni Jesus sa mga disciples niya kaya sabi niya, “But I tell you truly, there are some standing here who will not taste death until they see the kingdom of God” (9:27 ESV). Malamang ang tinutukoy niya dito ay ang nangyari after eight days (9:28), na parang sinasabi ni Jesus na itong si Peter, James and John (representing all the disciples), ay magkakaroon ng preview kung ano ang “kingdom of God” sa pagbabalik ni Jesus. Gusto ni Jesus ipakita sa atin, na ibukas natin ang mata natin sa mga kapanapanabik na bagay na darating – para hindi tayo makuntento sa buhay lang na ito.
Anong ipinakita niya? Habang nananalangin siya (at malamang na prayer niya ay makita ng mga disciples niya iyong katotohanan), nagbago ang hitsura niya at nakakasilaw sa puti ang kanyang mga damit (vv. 28-29), sa literal ay “as bright as a flash of lightning” (NIV). Nakita rin nila si Jesus kasama ang nagniningning din na hitsura nila Moises at Elias na siya namang kumakatawan sa mga kautusan at mga propeta – nagpapakita na si Jesus ang katuparan, si Jesus ang higit na dakila kaysa sa lahat.
Itong tatlo – palibhasa kakagising lang, naalimpungatan, tila nananaginip, tuliro pa – hindi nila lubos na nauunawaan ang nangyayari. Pero biglang nagpakita ang isang ulap na bumalot sa kanila – maliwanag na simbolo ng makapangyarihang presensiya ng Diyos (Exod. 24:16, cloud on Mt. Sinai) at nagpapakita kung paanong si Jesus ay darating balang araw: “You will see the Son of Man seated at the right hand of Power, and coming with the clouds of heaven” (Mark 14:62 ESV).
We are “waiting for our blessed hope, the appearing of the glory of our great God and Savior Jesus Christ” (Titus 2:13 ESV). Mga kapatid, ito ang pinakamahalaga sa lahat – ang masilayan at makasama si Jesus nang pangwalang-hanggan – much better than being happier now, looking better now, and living longer now. So, a true disciple embraces death, shame, and pain daily for a life of eternal pleasures and glory with Jesus.
Follow Jesus
So, what does it mean to be a disciple? First, “deny yourself.” Second, “take up your cross daily.” And last, “follow me,” Jesus said (Luke 9:23). Nang tinawag niya sina Pedro, “They left everything and followed him” (5:11). Jesus said to Levi, “Follow me” (5:27). Anong tugon niya? “And leaving everything, he rose and followed him” (5:28). Iyan ang panawagan niya sa atin hanggang ngayon, to leave everything and follow him. Kung mapapansin n’yo, inilalayo niya tayo sa sarili nating hangarin at ambisyon o sa influence ng mundo natin para makalapit at makasunod tayo sa kanya. The focus of our life is no longer us or other people – but Jesus. Kaya naman bago natin masagot ang tanong na “what does it mean to be a disciple of Jesus”? dapat muna nating sagutin ang mas mahalagang tanong na “who is Jesus?”
Now it happened that as he was praying alone, the disciples were with him. And he asked them, “Who do the crowds say that I am?” And they answered, “John the Baptist. But others say, Elijah, and others, that one of the prophets of old has risen” (9:18-19). Mataas ang pagtingin ng mga tao noon tungkol kay Jesus – dahil nga naman sa mga himalang ginagawa niya. Pero hindi nila talaga lubos siyang nakikilala. Tulad ni Herod, ang tanong niya kay Jesus, “Who is this?” (9:9). At tulad din ng maraming tao sa panahon natin ngayon. If you don’t know Jesus, you will not really follow Jesus.
Then he said to them, “But who do you say that I am?” [Ito ang pinakamahalagang tanong na dapat na alam nating lahat. Ito ang pinakamahalagang tanong na dapat na malaman ng mga anak natin.] And Peter answered, “The Christ of God” (9:20). Alam na nila ang sagot sa tanong na tinatanong nila dati: “Who then is this?” (8:25). Siya ang Messiah – God’s Anointed One. At sa pag-aaral natin ng Luke nakita natin kung anong ibig sabihin nito: Promise fulfilled. Great joy. Life fulfilled. Tempted just like us, yet without sin. Well-pleasing to the Father. Grace and power belong to him. His loving touch. He is the New Way. Master-Teacher. Life-Giver. No other like him – only Jesus. Great love. Much fruit in obeying him. Lord of all. More than Enough.
So, you want to follow this Jesus? Gusto n’yo bang sundin ang halimbawang iniwan niya sa atin? Gusto n’yo bang maranasan kung ano ang naranasan din niya? Ito ang isang bagay na hindi pa lubos na nauunawaan ng mga disciples niya noon. That he is not just the Messiah, he is the Suffering Messiah! And that has a huge implication to discipleship.
And he strictly charged and commanded them to tell this to no one, saying, “The Son of Man must suffer many things (painful, not enjoyable) and be rejected (shameful, not glorious) by the elders and chief priests and scribes, and be killed (death, not long life), and on the third day be raised.” (Luke 9:21-22 ESV).
Jesus’ call to discipleship is a call to follow him to the cross and embrace pain, shame and death if necessary for the sake of the one who himself died for us. Para balang araw, sa pagdating niya, wala nang sakit, wala nang kahihiyan, wala nang kamatayan. Darating iyan, pero hindi pa ngayon. Nang kausap ni Jesus sina Moises at Elias, anong pinag-uusapan nila? They were talking of his departure. Sa Greek, exodus. Ang tinutukoy ay ang ending ng story ni Jesus dito sa mundo – his death by the cross. Hindi lang iyon, but also his resurrection and ascension. Para ipaalala din sa atin, when we die with and for Jesus, we live and reign with him for eternity.
Conclusion: “Listen to him”
Sinasabi ng mundo, sinasabi ng mga boses sa paligid natin – “Live longer, feel happier, look better.” Pakikinggan mo ba iyan? O si Jesus ang papakinggan mo? “Whoever wants to be my disciple must (1) deny themselves; (2) take up their cross daily; and (3) follow me.” Tandaan natin kung ano ang sinabi ng Diyos kina Peter, James and John, nang nasa bundok sila. “And a voice came out of the cloud, saying, ‘This is my Son, my Chosen One; listen to him!'” (Luke 9:35). Si Jesus ang dapat nating pakinggan, hindi ang media, hindi ang culture natin sa society, hindi ang sarili nating hilig o ambisyon. That is what it means to be a disciple Jesus.
Alam ito ni Chris Norman. Isa siyang sikat na college football player sa US. Pagkagraduate niya, may mga offer/invitation na sa kanya na sumali sa professional football. Mas sisikat siya, mas maraming pera, mas giginhawa ang buhay marahil. Wala namang masamang mag-football. Pero hindi siya nakinig sa sinasabi ng ibang tao o ng expectation nila. Ang pinakinggan niya ay ang tawag sa kanya ng Diyos na mag-aral sa seminary para magpastor ng isang maliit na church – hindi sikat, mas maliit ang suweldo, at naging dahilan para sabihin ng ibang tao kahit ibang Christians na mali ang desisyon niya. Pero para sa kanya, being a disciple is about listening to Jesus, na ipagpapalit ang lahat alang-alang sa pagsunod sa kanya. Sabi niya, “Football is one of the best things anyone could ever do… but true life — what it means to live — is all wrapped up in the way you follow Christ.” (http://www.desiringgod.org/drafted)
Ikaw naman, ano iyong “one of the best things” na meron ka ngayon o hinahangad mong magkaroon ka na nakakahadlang para makasunod ka nang buong-buo kay Jesus? Ikaw na hanggang ngayon ay ayaw pang lubos na sumunod sa kanya dahil hindi mo pa maiwan ang sarili mo, sabi ni Jesus, he is much better. Ikaw na tinatawag ng Diyos na mas mag-commit sa ministry, huwag kang mag-alinlangang sumunod kahit malaki ang mawawala sa iyo. Dahil sabi ni Jesus sa iyo, “I am much better than what you have right now.”
Remember, kung anuman iyang “best things” na iyan, there is something much better – Jesus – Someone much better.
3 Comments