Beyond Yolanda: A God-Centered Response to Calamity

[audio http://wpc.473a.edgecastcdn.net/80473A/spcdn/sermon_sto2_fast/pastorderick/audio/1200140688_19480.mp3]

mp3_file

pdf_fileppt_file

Laman ng mga balita sa TV, sa Internet at sa mga usap-usapan ng mga tao hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ang kalamidad na dulot ng bagyong Yolanda. Sabi nila isa ito sa pinakamabagsik na bagyo sa buong kasaysayan. Maraming umiiyak, maraming nawawalan ng pag-asa, maraming mga sinisisi sa mabagal at hindi maayos na relief operations, may mga media personnel na nagsasagutan, merong mga nakawan, merong libu-libong bangkay, na ang iba ay hindi pa natatagpuan.

Laman ng mga pictures, videos at news reports ang ginagawa ng presidente at ng iba pang government officials, ng mga rescuers, mga volunteers, mga relief organizations, mobilization ng mga churches at iba pang religious organizations. Nakikilala na rin sa mundo ang “strong Filipino spirit.” Pero mas nakalulungkot, mas nakakaiyak, nawawala sa eksena ang Diyos at ang kanyang ginagawa. Where is God in all the talk? Sinabi ni C. S. Lewis – sumulat ng Chronicles of Narnia – na pain is God’s “megaphone to rouse a deaf world.” Pero tila marami pa rin ang hindi nakikinig.

My goal is to help us listen to God, to have a God-centered response in calamity – tulad ng Yolanda at iba pang nangyayari sa buhay natin at sa ibang tao, for us to know that there is Someone beyond Yolanda. Panay ang batikos ng iba sa relief operations – pero expected naman iyon kasi wala namang perpekto sa mundong ito. Kaya hindi tayo sa gobyerno aasa, hindi sa mga relief organizations, hindi sa media, hindi rin sa mga churches. Only God is perfect. Sabi ni David, nang iligtas siya ng Diyos sa mga kamay ni Saul, “For the waves of death encompassed me, the torrents of destruction assailed me…This God–his way is perfect; the word of the LORD proves true; he is a shield for all those who take refuge in him” (2 Sam. 22:5, 31).

Marami tayong tanong sa mga panahong ito. Bakit nangyari iyon? Ano ang purpose ni Lord? Paano ang gagawin natin ngayon? Paano kung sa atin mangyari iyon? Pero ang pinakamahalagang tanong na dapat nating sagutin – hindi ano, hindi paano, hindi bakit, kundi Sino? Sino ang Diyos na nasa ibabaw ng bagyong Yolanda? Malalaman natin ang sagot doon at kung ano ang kinalaman ng Diyos sa mga kalamidad na nangyayari hindi sa pamamagitan ng pakikinig ng iba’t ibang kuwento sa balita – kundi sa pamamagitan ng pagbabalik tanaw sa “The Story of God.” Na ang nangyari ngayon ay nakapaloob sa Kuwentong iyon.

Creation: Nilikha ng Diyos ang mundo na napakabuti at walang anumang kalamidad.

Natural calamities are not a part of God’s original intention in creation. “And God saw everything that he had made, and behold, it was very good” (Gen 1:31 ESV). Walang bagyo. Walang lindol. Everything is very good. Walang kasalanan. Walang sakit. Walang iyakan. Walang kalungkutan. Walang kamatayan. Everything is in perfect harmony. Kasi ang intensiyon ng Diyos ipakita sa pamamagitan ng kanyang nilikha kung sino siya – kung gaano siya kabuti, kung gaano siya kadakila, kung gaano kalaki ang kanyang kapangyarihan. Iyan ang dahilan kung bakit nilikha ang tao – in his image, according to his likeness (Gen. 1:26-27). Iyan ang dahilan kung bakit may kalangitan at mga karagatan. “The heavens declare the glory of God, and the sky above proclaims his handiwork” (Psa 19:1 ESV). “O LORD, our Lord, how majestic is your name in all the earth! You have set your glory above the heavens” (Psa 8:1 ESV).

Ang ibig sabihin nito, iisipin natin ang bagyong Yolanda, isipin nating hindi ito bahagi ng unang nilikha ng Diyos. It is not good. It is evil. Ang libu-libong bangkay, mga nawalan ng mahal sa buhay, nawalan ng tirahan, ang nakawang nangyayari, ang gutom, ang pagpatay ng may-ari ng warehouse sa isang nagtangkang magnakaw, ang tatay na buhat-buhat ang bangkay ng kanyang anak na babae, ang pananamantala ng mga pulitiko – lahat iyan hindi maganda. Kailangan at nararapat lang na iyakan natin. Maraming bahagi ng Book of Psalms ang tinatawag na laments – pag-iyak ng mga anak ng Diyos sa mga pangyayaring masama. Tulad ni Jeremiah, nang makita niya ang kalunus-lunos na trahedyang sinapit ng Jerusalem, “Oh that my head were waters, and my eyes a fountain of tears, that I might weep day and night for the slain of the daughter of my people!” (Jer 9:1 ESV). When you see the devastation of Tacloban, cry and say, “It is not good. It is not good. It is very bad.” Very bad because this is not part of God’s original “very good” creation.

Kung ganoon pala kabuti at kaganda ang pagkakalikha ng Diyos sa tao at sa mundong tinitirhan natin, anong nangyari? Bakit nagkaganito?

Curse: Ang mga kalamidad ay bahagi ng mundong nasa ilalim ng sumpa ng Diyos dahil sa kasalanan.

Ito naman ang kuwento ng Genesis 3. Dahil nagkasala ang tao at sumuway sa Diyos, pumasok ang sumpa sa mundo – kasama ang sakit, kamatayan, at mga kalamidad tulad ng Yolanda. Sabi ng Diyos kay Adan nang sila ay magkasala, “Cursed is the ground because of you; in pain you shall eat of it all the days of your life; thorns and thistles it shall bring forth for you; and you shall eat the plants of the field. By the sweat of your face you shall eat bread, till you return to the ground, for out of it you were taken; for you are dust, and to dust you shall return” (Gen 3:17-19 ESV). “Against its will, all creation was subjected to God’s curse” (Rom 8:20 NLT).” “For we know that the whole creation has been groaning together in the pains of childbirth until now” (Rom 8:22 ESV). Dahil sa kasalanan ng tao, nasa ilalim tayo ng parusa ng Diyos. There will always be storms, earthquakes, pains, frustrations, disappointments, and deaths.

Ibig sabihin ba, ang mga taga-Tacloban ay pinaparusahan ng Diyos kaya nangyari ang Yolanda? Mas masama ba ang mga tao doon kaysa sa mga taga-Bulacan? No! Tandaan nating may mga sanggol din na namatay, may mga Christians din. Hindi natin puwedeng sabihin na tayo’y naligtas sa bagyo dahil mas mabuti tayo kaysa sa kanila! Sabi ni Jesus sa mga taong nagsabi sa kanya tungkol sa mga taga-Galilea na pinatay ni Pilato at ang mga dugo’y hinalo sa kanilang mga sacrifices: “Do you think that these Galileans were worse sinners than all the other Galileans, because they suffered in this way? No, I tell you; but unless you repent, you will all likewise perish. Or those eighteen on whom the tower in Siloam fell and killed them: do you think that they were worse offenders than all the others who lived in Jerusalem? No, I tell you; but unless you repent, you will all likewise perish” (Luk 13:1-5 ESV).

Isa sa mga sinasabi ng Diyos sa pamamagitan ni Yolanda ay ito – lahat ng namatay, lahat ng namatayan, lahat ng mga involved sa relief and rescue operations, pati lahat ng walang pakialam – lahat tayo ay makasalanan. Oo nga’t hindi natin pwedeng sabihin na ang Yolanda ay act of judgment sa mga taga-Leyte, pero dapat nating marecognize na darating ang araw, pagsapit ng ating kamatayan, haharap tayo sa matinding parusa ng Diyos bilang hatol sa ating mga kasalanan – mas mabagsik pa kaysa sa hagupit ni Yolanda. So, this event is a call for all to repent and turn to God.

Maraming tao hanggang ngayon hindi nagbabalik-loob sa Diyos. Gusto nila sila pa rin ang masusunod. Kasi nga ang sarap-sarap naman ng buhay nila ngayon. Pero kapag dumating ang ganitong panahon – a point of desperation dahil walang makain, walang matirahan, walang malapitan – sinasabi ng Diyos na sa kanya lang tayo dapat lumapit. Sabi ni Tullian Tchividjian sa kanyang book na Glorious Ruin, “Only when we come to the end of ourselves do we come to the beginning of God.”

Control: Nasa mga kamay ng Diyos ang takbo ng kasaysayan – pati ang mga kalamidad.

Hindi totoo ang sinasabi ng iba na walang kinalaman ang Diyos dito. Na para bang pagkatapos likhain ng Diyos ang mundo ay iniwanan na niyang tumakbong mag-isa tulad ng gumawa ng relo na pinatatakbo na lang ng baterya. O kung kumikilos man ang Diyos, doon lang sa mabubuting bagay. Taliwas ito sa itinuturo ng salita ng Diyos na nagsasabing God is in control of everything, absolutely everything. “I form light and create darkness, I make well-being and create calamity, I am the LORD, who does all these things” (Isa 45:7 ESV).

Totoo nga na aktibo si Satanas sa paggawa ng masasama. Pero maging siya ay hindi makakakilos nang walang pahintulot ng Diyos. Tulad ng nangyari kay Job. Nagpaalam muna si Satanas sa Diyos bago niya sirain ang kabuhayan ni Job at patayin ang mga mahal niya sa buhay. Pinatay ang kanyang mga alagang hayop pati mga tauhan niya. At mas masahol pa doon ang kalamidad na sinapit ng kanyang mga anak. Dumating ang balita sa kanya, “And behold, a great wind came across the wilderness and struck the four corners of the house, and it fell upon the young people, and they are dead, and I alone have escaped to tell you” (Job 1:19). Kagagawan nga iyan ng diyablo, pero kilala ni Job ang Diyos na may control ng lahat ng nangyayari. Bagamat hindi natin puwedeng sabihing ang Diyos ang “author of evil” (see James 1:13). Dahil kilala ni Job ang Diyos, hindi niya sinisisi ang Diyos sa nangyari. Kahit hindi niya maintindihan kung bakit, nagtiwala siya sa Diyos at nagpatuloy sa pagsamba. “Then Job arose and tore his robe and shaved his head and fell on the ground and worshiped. And he said, ‘Naked I came from my mother’s womb, and naked shall I return. The LORD gave, and the LORD has taken away; blessed be the name of the LORD’“ (Job 1:20-21 ESV).

Everything in history is orchestrated by God to accomplish his purposes. He has redemptive purposes. He desires to rescue rebels like us from sin and death and Satan. God rescued us through the worst calamity in history – the crucifixion of the Son of God!

Cross: Inako ni Jesus ang pinakamatinding kalamidad nang siya’y ipako sa krus para sa ating kaligtasan.

Si Jesus ang Anak ng Diyos. Siya ay tunay na Diyos at tunay na tao. May kapangyarihan siyang patigilin ang bagyo. May kapangyarihan din siyang iligtas tayo sa pinakamalagim na kalamidad. Dahil sa ginawa niya, nailigtas tayo. Christ suffered the greatest calamity of all time – bearing the wrath of God because of human rebellion – to rescue us not just from natural calamities but from the eternal damnation of our souls and eternal separation from the presence of God. “…through him to reconcile to himself all things, whether on earth or in heaven, making peace by the blood of his cross” (Col. 1:20 ESV). Habang nakapako siya sa krus, lumindol at nagdilim ang kalangitan. Sumigaw siya, “My God, my God why have you forsaken me?” Ipinaranas ng Diyos sa kanya ang kalamidad para iligtas tayo.

Panawagan ito sa atin na ilagak ang buong tiwala kay Jesus para sa ating kaligtasan. At para sa atin na nakay Cristo na, hindi ibig sabihing exempted na tayo sa mga kalamidad. May mga Christians din sa Leyte. Ang simbahan ng kaibigan kong pastor sa Aklan, nawasak. Pero ang pangako ng Diyos, sa oras ng paghihinagpis, sasamahan tayo. Naiintindihan niya ang kalagayan natin. Dinanas din niya ang mga kahirapan dinaranas natin. “God’s chief concern in your suffering is to be with you and be Himself for you” (Tullian Tchividjian). Maraming tao ang hindi pa nakakaalam at nakakaranas nito. Kaya nandito tayo sa mundo para sa kanila.

Church: Ang mga tagasunod ni Jesus ang kanyang instrumento para tulungan ang mga naapektuhan ng kalamidad.

The greatest force on the planet for helping those in need is the Church of Jesus – not the US gov’t, not the international relief organizations. Oo nga’t kailangan ng mga nasalanta ng pagkain, ng damit, ng tirahan. Pero higit na kailangan nila ay makita ang liwanag ng pag-asa sa kabila ng madilim na sinapit nila. Nasa atin ang liwanag, nasa atin ang pag-asa. Kaya sabi ni Jesus, “Let your light shine before others, so that they may see your good works and give glory to your Father who is in heaven” (Matt. 5:16 ESV). Paano mangyayari iyon?

1. Be silent before God. Paghandaan muna natin. Dapat maging tama muna ang perspective natin sa nangyari. Hindi sapat na pag-usapan lang, hindi makakatulong ang ibang mga salitang sasabihin natin, hindi sapat na maawa lang tayo sa kalagayan nila. Be silent first before God. “Be still, and know that I am God. I will be exalted among the nations, I will be exalted in the earth” (Psa. 46:10 ESV)! Anumang lakas ng hangin ni Yolanda, mas makapangyarihan ang Diyos. Gaano man katindi ang devastation na dulot nito, mas maganda ang gagawin ng Diyos.

2. Seek God’s help for those who are affected. “Then call on me when you are in trouble, and I will rescue you, and you will give me glory” (Psa. 50:15 NLT). Sabi ni Ajith Fernando, “The most powerful work a Christian can do is pray…However busy we are, individual and corporate prayer should be an important aspect of our relief operations. And the beauty of prayer is that this is something that every Christian can do – young and old, physically active and those confined to bed.” Sa halip na batikusin ang gobyerno, pray for our president. Sa halip na husgahan ang mga looters, pray for peace and order. Sa halip na pagdudahan ang motibo ng mga taong tumutulong, pray that God alone will get the glory. Sa halip na manood lang ng mga balita, pray that God will send rescue for those people.

3. Send whatever help you can give. “You will be enriched in every way to be generous in every way, which through us will produce thanksgiving to God. For the ministry of this service is not only supplying the needs of the saints but is also overflowing in many thanksgivings to God” (2 Cor. 9:11-12 ESV). Magpadala tayo ng tulong – ng pera, ng oras, ng lakas, ng relief goods, ng mga counselors – kahit anong tulong na kaya natin. Let us make sacrifices for those people. Pagtanggap nila ng tulong, magpapasalamat sila sa Diyos na nagpadala ng tulong sa pamamagitan natin.

4. Share “The Story” to others. Heto ang isang bagay na di maibibigay ng mga mayayaman. Wala man tayong maraming pera o material resources, we have The Story – ang Kuwento ng Diyos sa Bibliya na tanging makapagbibigay sa kanila ng pag-asa. Kung makakapunta tayo sa Leyte para gawin ito, gawin natin. Kung hindi man, isipin n’yo sa paligid n’yo araw-araw ang mga taong humihinga pa pero darating din ang araw – hindi natin alam kung kailan – na sila ay mamamatay at haharap sa parusa ng Diyos kung hindi maririnig ang Mabuting Balita ni Cristo. We do all these things until the End of The Story. What’s that End?

Re-Creation: Sa pagbabalik ni Jesus, babaguhin ng Diyos ang lahat sa mundo – wala nang mga kalamidad.

That day will come. God promised it. Try to picture kung ano ang sinasabi ng Panginoong Jesus sa vision na ipinakita niya kay John sa Rev. 21:3-5:

Behold, the dwelling place of God is with man. He will dwell with them, and they will be his people, and God himself will be with them as their God. He will wipe away every tear from their eyes, and death shall be no more, neither shall there be mourning, nor crying, nor pain anymore, for the former things have passed away…Behold, I am making all things new (ESV).

Ang dapat maging dulot sa atin ng nangyaring kalamidad ay magkaroon tayo ng pananabik o “greater longing” for that day to come. Na hindi na natin yakapin ang mundong ito o anumang yaman na naririto o anumang kasiyahang maidudulot nito. Lahat ito ay pansamantala lang, mawawala din. Hintayin natin, abangan natin ang pagdating ng Bagong Langit at Bagong Mundo. Ito ang pag-asa natin. Hindi sa mundong ito. Hindi sa buhay natin ngayon. Kundi sa Diyos at sa kanyang napakagandang pangako sa lahat ng sa kanya nagtitiwala.

Hawak niya ang lahat mula pa sa simula hanggang ngayon. Sa kanya nakasalalay ang buhay natin. Isang bagay na dapat nating marealize ngayon ay anumang oras, maaari tayong bawian ng buhay. Hindi natin alam kung kailan. Hindi natin hawak ang buhay natin. Life is short. Don’t waste it. Live for the one who created you, rescued you, and is sustaining you. There is a God who is beyond Yolanda and all the calamities we or others around us may face. The worst tragedy is turning a deaf ear to this God who is speaking so loudly in times like this. Brothers and sisters, are you listening?

1 Comment

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.