Questioning God

May professor ako sa college na nainis talaga ko. Major subject pa naman iyon sa Civil Engineering. Sa tingin ko ang grade ko dapat doon mga 1.25 or 1.5. Pero 2.75 ang binigay sa akin!

Hindi naman kasi niya binabalik ang mga exams namin kaya di ko alam kung ano ang basehan niya doon. Sa loob-loob ko tuloy, parang di naman niya na-check yung exams namin, hinulaan lang ang grade. Parang walang ginawa.

So, ang feeling ko noon, parang hindi tama ang ginawa niya. Kaya lumapit ako sa kanya at itinanong kung baka nagkamali lang siya ng bigay ng grade sa akin. Nagkamali nga daw, binalik sa akin ang classcard at 2.25 na ang grade ko! Akala niya siguro matutuwa ako doon. Bumalik ako ulit sa kanya at hiningi ang mga test papers ko. Puro dahilan na di daw niya dala, nasa bahay lang. Ayun, ganoon na talaga ang grade ko. Di na ko nagreklamo. Pero tingin ko pa rin hindi tama.

Sa relasyon natin sa Dios, may mga panahong parang ganoon din ang nararamdaman natin. Alam nating mabuti siya, hindi siya gagawa ng mali, sumasagot siya sa panalangin, mapagkakatiwalaan, tapat sa pangako, makapangyarihan. Alam natin iyon. Pero may mga nangyayari sa buhay natin na dinadala natin ang kabigatang iyon at gusto nating sabihin sa Dios, magreklamo sa Dios, na bakit ganoon ang nangyari.

Matagal mo nang ipinagpepray ang asawa mo pero wala pa ring pagbabagong nangyayari. Sasabihin mo, “Lord, parang wala ka namang yatang ginagawa?”

O kaya may nabalitaan kang nangyari sa Middle East na may sumabog na bomba, tapos may mga batang namatay, may church na nasunog at namatay ang mga Cristiano doon. Sasabihin mo, “Lord, parang hindi naman yata tama iyon? Bakit wala kang ginawa para pigilan iyon? Tama ba namang ganoon ang mangyari?”

O kaya may lumapit sa iyo, humihingi ng tulong, pinahiram mo ng pera, pagkatapos kung anu-ano pa ang maririnig mo. “Lord, bakit naman ganoon? Ako na nga ang gumawa ng mabuti, napasama pa.”

Click here (or the image thumbnail on the left) to read, download or share the sermon God is at Work 24/7, chapter 30 in The Story of God sermon series.

If you want to listen to other sermons in this series, click here.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.