Part 3 – Ano ang Pangalan Mo? (Ex. 3:1-15)

‌God is an invisible God. Kung hindi siya magpapakita sa atin, hindi natin siya makikita. Pero sa kanyang kabutihan hinayaan niya na makita ng tao ang ilang aspeto ng pagka-Diyos ng Diyos. Kay Adam. Kay Abraham. Kay Isaac. Kay Jacob. At dito kay Moses. At ngayon, we have the fullness and sufficiency of God’s self-revelation in Scripture. Hindi na natin kailangang maghintay ng burning bush para makita ang Diyos. As we read the Scripture, nakikita natin (through the eyes of our faith) si Cristo. God’s self-revelation in Christ is a much better than the burning bush of Moses.

Our Afflictions and the Faithfulness of God (Psalm 119:73-80)

Ang Diyos na ating Ama ang may hawak ng lahat ng nangyayari sa buhay natin at gumagawa siya para tuparin ang kanyang magandang layunin sa kanyang mga anak—even using the hardest of our afflictions to that end. “In faithfulness you have afflicted me” (Psa. 119:75). Kahit na yung mga afflictions na yun ay hindi mabubura ang faithfulness ng Diyos. Yun nga ang marka na tapat ang Diyos sa kanyang pangako na tatapusin ang mabuting bagay na sinimulan niya sa buhay natin.