Ang Biyaya ng Pagtawag ng Diyos (Eph. 1:1-2)

Dito sa first two verses ng Ephesians ay nakita natin na inihahatid ito ni Pablo sa atin with authority na galing mismo kay Cristo, and with humility na merong pagkilala sa kalooban ng Diyos. Tatanggapin naman natin ang salitang ito as God’s holy people (mga taong ibinukod ng Diyos para sa kanya) and as faithful people (bilang mga tagasunod ni Cristo). At tatanggapin natin ito dahil ito ay salita ng Diyos na may malaking pakinabang sa atin. Sa pamamagitan nito ay dumadaloy ang biyaya ng Diyos na nagreresulta sa maayos na relasyon (peace) sa Diyos at sa ibang tao.

[Sermon] “Your Guilt is Taken Away”: Beholding God’s Saving Grace (Isa. 6:6-7)

Ang gusto ng Diyos para sa ating mga makasalanan ay huwag kung saan-saan o kani-kanino tumingin para sa ating kaligtasan. Sa halip, ang tingnan natin ay yung provision of grace na galing sa Panginoon para iligtas tayo mula sa kapahamakan, para umako sa parusang nararapat sa atin, para linisin tayo sa karumihan ng kasalanang nakakapit sa puso natin.