Grace to You (1 Cor. 1:1-9)

Preached by Derick Parfan on May 19, 2019 at Baliwag Bible Christian Church

Misplaced Confidence

The other day, nakipagmeet ako sa isang dating member ng church na nandun yung heart na tumulong para sa building renovation project natin. Okay pa naman, nagagamit naman natin yung mga facilities natin. Pero marami na rin namang kailangang ayusin. Para rin naman ‘yang Christian life natin, o yung church mismo natin, we celebrate the work of God’s grace sa atin. Pero we are still in daily need of God’s renovating grace. Marami pang kailangang ayusin. Sa pag-uusap din namin, nai-share niya yung mga painful experiences niya sa mga business transactions sa mga pastors at ilang mga churches na di siya binayaran sa project niya. Nakakadismaya naman talaga. 

Yes, as Christians, we are already saints. Matuwid sa harap ng Diyos, and the gospel is transforming us to be like Christ and also empowering us to pursue holiness day by day. Pero we are also sinners. Nagkakasala pa. Kailangan pang disiplinahin. Kailangan pang ituwid. Kailangan natin ang salita ng Diyos. Kailangan natin ang church family. Kailangan natin ang ministry ng iba para sa atin. This gospel in our head needs to go deeper into our hearts and bear fruit in our lives.

At dahil dito, sisimulan natin ngayon ang new journey natin as a church, walking through God’s Word sa unang sulat ni Pablo sa iglesya sa Corinto. Actually, pangalawang sulat na ‘to. Di lang kasama sa canon of the New Testament yung first letter niya (see 1 Cor. 5:9). Si Pablo ang nag-plant ng church dito during his third missionary journey. Nasa Acts 18 ang details niyan. Pagkatapos ng ilang taong ministry, nagpunta naman siya sa Ephesus. Sumulat na siya sa kanila to address some problems, particularly yung related sa sexual immorality na prevalent sa city of Corinth, at infiltrating the church o ang iba sa kanila hindi pa totally naiwanan yung dati nilang lifestyle. Kahit na may sinulat na siya, tuloy pa rin ang ilang mga problema. Kaya sinulat niya ‘tong 1 Corinthians near the end of his ministry sa Ephesus, around 53-55 AD.

Ilan sa mga problems na gusto niyang iaddress ay may kinalaman sa mga divisions and conflicts, pride, party spirit, hablahan sa korte, sexual sins tulad ng incest at prostitution, yung issues na related sa pagkain ng mga food offered to idols, spiritual gifts tulad ng speaking in tongues na nagiging cause ng confusions sa mga gatherings nila, pati na rin yung mga doctrinal questions tungkol sa resurrection of the dead. Yung iba nabalitaan niya. Yung iba merong sulat na galing sa kanila.  So itong 1 Corinthians, pastoral reply niya sa kanila. 

Marami rin naman tayong issues at questions ngayon na related sa mga ‘yan. Kaya sobrang relevant din ito sa atin ngayon. Isang sermon series, medyo mahaba, pero marami tayong iba’t ibang topics an matatalakay dito. Maraming issues tayo sa church at sa Christian life, pero isa lang ang pangunahing root problem. It is our lack of confidence, our unbelief, sa biyaya ng Panginoon in the gospel of the Lord Jesus. Sa dami ng tatalakaying isyu ni Pablo throughout the letter, sa simula pa lang tutumbukin na niya itong root issue na ‘to. Sa first nine verses na parang short introduction lang, pero nagcocommunicate na sa kanila na ang kumpiyansa nila sa biyaya ng Diyos ay dapat maging katulad din ng kay Pablo.

In this opening verses pa lang, paano ine-express ni Paul yung confidence niya in the grace of God? Sa verses 1-3, bukod sa pagpapakilala sa sarili niya at sa sinulatan niya, nandun na agad yung prayer niya para sa kanila. Sa verses 4-9 naman ay yung pasasalamat niya sa Diyos para sa kanila. Parehong nagpapakita na ang confidence niya ay nasa Diyos.

Prayer for God’s Grace (vv. 1-3)

Kumpiyansa si Pablo sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Sa verse 1 nagpakilala siya at sinabing ang sulat na ‘to ay galing sa kanya. Sa verse 2 kung para kanino, para sa church na nasa Corinto. Sa verse 3, pagbati at isa ring panalangin para sa kanila. Paano ipinapakita sa first three verses pa lang na ang confidence ni Paul ay wala sa sarili niya, wala sa mga Christians sa Corinth, kundi nasa biyaya ng Diyos at work sa kanila?

Sovereign Grace (v. 1)

Sa verse 1, nagpakilala si Paul na sa kanya galing ang sulat na ‘to. Paano niya ipinakilala ang sarili niya? “Paul…an apostle of Christ Jesus.” Bilang apostol nasa position of authority siya. Dapat pakinggan ang sasabihin niya. Not because of his own authority or wisdom. But because he represents Christ. Yun naman ang meaning ng apostolos, a sent one, isinugo, ambassador. Bakit naman siya ang piniling apostol, bakit hindi ang iba? Dahil ba mas magaling siya kaysa sa iba? Dahil mas mabuti siya, dahil mas kita ng Diyos ang great potential niya? Siyempre hindi. Naalala n’yo ba ang former life niya? Hindi ba’t siya ang great enemy and persecutor of the church. Siya ang nagpapapatay sa mga Christians noon. Ginagawa niya ‘to thinking na yung zeal niya for his religion was pleasing kay God. Legalistic, self-righteous siya. Pinili siya ng Diyos na maging apostol not because of his own qualifications or decisions. “Paul, called by the will of God to be an apostle.” Will of God, desisyon ng Diyos, plano ng Diyos. Hindi pinagbotohan, hindi inapplyan. Sovereign grace of God ‘yan. 

Biyaya na rin ng Diyos na nagbigay siya kay Paul ng mga katuwang sa ministry. Tulad nitong si Sosthenes. “…and our brother Sosthenes.” Siguro tumulong siya kay Paul sa pagsusulat. Siguro siya rin yung Sosthenes na nasa Acts 18:17 na ruler ng synagogue na binugbog sa harap ng mga tao. O baka kapangalan lang. We are not sure. Ang sure tayo, sa ministry ni Paul hindi siya nag-iisa. Hindi niya kayang mag-isa. Hindi siya super-Christian. Ordinaryong Cristiano na pinili sa biyaya ng Diyos at napapaligiran ng mga kapatid sa Panginoon para magpatuloy sa paglilingkod.

Sanctifying Grace (v. 2)

Sa verse 2 naman, binanggit niya kung para kanino ang sulat niya. Specifically “to the church of God that is in Corinth.” Posibleng merong multiple house churches na nakakalat sa Corinto. Pero hindi niya sinabing “churches” plural, but “church” singular, most probably to emphasize their spiritual unity more than their plurality or differences. Tamang-tama sa dami ng pag-aaway na nababalitaan niya. And take note, hindi ito church ni Pablo, o ni Apollos, o ng kung sinupaman, but of God. Ang Diyos ang may-ari nito, siya ang nagplano, siya ang nagtatag ng iglesya, siya rin ang magpapanatili nito. “I will build my church,” sabi ng Panginoon. 

Ang dami ng problema sa church nila ay dahil sa they were prone to forget yung identity nila na nakatali sa biyaya ng Diyos. Kaya simula pa lang, pinapaalala na niya. “…to those sanctified (hagiazo) in Christ Jesus, called to be saints (hagios)…” Sabi niya, mga santo at mga santa kayo. Sino daw ang saints? Hindi tulad ng doktrina at practice ng Roman Catholic Church, na para lang sa mga extraordinary Christians. Sabi niya, kayong mga Christians sa Corinth, those who “call upon the name of our Lord Jesus Christ…” you are saints, you are are holy and righteous and blameless in the eyes of God. Dahil ba hindi na sila nagkakasala? No. Dahil si Cristo na siyang perfectly holy and righteous ay sa kanila na. We are saints not because of our extraordinary deeds, but by simple faith in Jesus who has done the extraordinary for us. 

Biyaya ng Diyos ‘yan. Positionally, ang status natin ay “saints.” So ang calling natin, ang life purpose natin ay mamuhay na tulad ng isang santo, to live out our gospel identity. ‘Yan ang burden niya throughout his letter.  At hindi lang ‘yan para sa kanila. It is for all of us Christians. “…together wiht all those who in every place (dito sa atin din!) call upon the name of our Lord Jesus Christ, both their Lord and ours.” Nagiging self-focused kasi sila. They need to be reminded na they are part of a greater body, a universal family, the church is bigger than you think. Biyaya ng Diyos na tayo’y tinawag na mga santo, biyaya ng Diyos ang tutulong sa atin para mamuhay ng kabanalan, biyaya din ng Diyos ang mapabilang tayo sa pamilya ng Diyos dito sa ating local church (BBCC), at ang mga nakakalat sa buong mundo (universal church). Sanctifying grace.

Sufficient Grace (v. 3)

Sa verse 3 naman, ‘yan yung common salutation or greetings na ginagamit niya in almost all of his letters. “Grace to you and peace from God our Father and the Lord Jesus Christ.” Yung “grace” (charis) ay common greeting daw among the Greeks, pero dito binigyan ni Paul ng greater, deeper spiritual significance. Tumutukoy kasi ‘yan sa underserved, overflowing favor or blessing ni Lord sa atin. Yung “peace” ay common greeting ng mga Jews. Sa Hebrew shalom, sense of wholeness, right and harmonious relationship with God. Dahil kay Cristo, nasa atin na ang grace and peace na ‘yan. Pero this is also a form of prayer. Na maexperience nila itong grace and peace in all its fullness. Hindi dahil kulang ang biyaya ng Diyos, kundi dahil kulang ang tiwala nila sa kasapatan ng biyaya ng Diyos. 

Masasabi mo lang namang sapat na at higit pa ang nasa ‘yo kung endlessly rich and merong abundant supply of grace ang pinanggagalingan nito. Saan ba galing? “…from God our Father and the Lord Jesus Christ.” Ang Diyos na ating Ama ang pumili sa atin at nagplano kung paano tayo maibabalik sa kanya. Ang Diyos Anak ang tumupad ng planong pagliligtas ng Diyos. Ang Espiritu, bagamat wala sa greeting na ‘to, pero implied naman dun sa “sanctified…saints” (v. 2) na posible lang through the Holy Spirit. Siya naman ang nag-apply ng biyayang ito ng Diyos. All three persons of the Trinity ang nagbubuhos sa atin ng biyayang kailangan natin sa araw-araw. Sapat ‘yan. Sufficient grace. 

At yung prayer na ‘to ni Paul for them ay sasagutin ng Diyos primarily through this letter, the Word of God. Parang sinasabi ni Paul, grace ang prayer ko para sa inyo, at yung grace na ‘to, “grace to you,” ay nakakarating kung babasahin, papakinggan at paniniwalaan n’yo ang mga salitang nakasulat dito. If we receive the Word, we receive grace. Sapat ang biyaya ng Diyos sa kanyang salita. 

So, dito sa first three verses, nagpapakilala pa lang si Paul, bumabati pa lang, pero nagpapaalala na ang kumpiyansa niya ay nasa biyaya ng Diyos – his sovereign grace, his sanctifying grace, his sufficient grace. Tayo naman kasi, kung magpapakilala tayo, o ipapakilala natin ang ibang tao, usually ang profile natin ay kung ano ang status natin, accomplishments natin, educational background, family profile. Wala namang masama. Pero kung ang confidence natin ay nasa mga ‘yan, then that will not be enough to help us in our time of need. Kaya kung nagkapatong-patong ang mga problema, mga struggles, mga issues natin, sa halip na passive resignation (ayoko na, ayoko na) ang calling sa atin ng Diyos ay mas manalangin pa, to admit our need of his grace and to believe na makapangyarihan, nagpapabanal, at sapat ang biyaya niya, 

Aside from prayer, paano pa niya in-express ang confidence niya sa biyaya ng Panginoon?

Thanksgiving for God’s Grace (vv. 4-9)

May panalangin, meron ding pasasalamat sa Diyos. Verse 4, “I give thanks to my God always for you…” Sa dami ng problema ng church, pwede naman siyang magreklamo o mainis o mawalan na ng pasensya. Sa halip, nagpapasalamat pa siya sa Diyos. Present tense. Hindi sinabing nagpasalamat ako dati kasi okay kayo, pero ngayon hirap na kong magpasalamat kasi ang dami n’yong issues. No. Sabi niya, always. Sabi niya sa isang sulat niya, “Give thanks in all circumstances” (1 Thess. 5:18). Sinusunod niya kung ano ang sinasabi niya. Kasi nga naman kumpiyansa siya sa biyaya ng Diyos at work even sa mga messy situations sa Corinth. Sabi niya, “because of the grace of God that was given you in Christ Jesus.” Biyaya ng Diyos ang nangingibabaw sa isip at puso niya kaya lagi siyang nagpapasalamat sa Diyos. Sa vv. 5-9, inisa-isa niya ang tatlong aspeto ng biyayang ito ng Diyos na source of confidence niya – past, present and future grace.

Not Lacking in Present Grace (vv. 5-7)

Yung present grace nasa verses 5-7. Heto yung dahilan kung bakit siya nagpapasalamat lagi, heto ang ebidensiya ng present grace ni Lord sa kanila: “that in every way you were enriched in him…” (v. 5). Mayaman na kayo! Yung iba sa kanila probably materially and financially rich, pero marami rin naman ang hindi. So this was not about material prosperity. Ang sinasabi niya, ang lahat ng kailangan ninyo nasa inyo na. Specifically, spiritual gifts ang tinutukoy niya. Kaya nga ang kasunod, “…in all speech and knowledge.” Bilang individual Christians and also corporately as a church, lahat ng kailangan nila to live a life pleasing to the Lord, building up the church, and reaching the world for Christ nasa kanila na. He will talk about this in more details sa chapters 12-14 pa. 

Pero dito sinasabi niya na itong mga spiritual gifts na ‘to, yung yaman na meron sa kanila, ay evidence of the gospel at work among them. Biyaya ng Diyos, “even as the testimony about Christ (the gospel!) was confirmed among you” (v. 6). Paano na-confirm? Ano ang pruweba o ebidensiya? Verse 7, “so that you are not lacking any gift.” Yung “gift” spiritual gifts ang tinutukoy. Charisma, related sa grace na charis. Diyan galing yung term na Charismatic, na tumutukoy sa mga Christian groups na naniniwalang present pa rin sa church ang mga supernatural gifts like miracles, healing at speaking in tongues. Well, pag-uusapan din natin ‘yan eventually. Pero in a biblical sense, lahat naman ng Christians, lahat ng churches “charismatic,” ibig sabihin, we are spiritually gifted. Nasa atin ang Holy Spirit, his presence and his power. Everything we need to live a life of godliness, to do the work of ministry, nasa atin na. Our problem is, we don’t believe it.

Looking forward to future grace (vv. 7-8)

Yung future grace naman nasa continuation ng verse 7, “…as you wait for the revealing of our Lord Jesus Christ,” hanggang verse 8, “who will sustain you to the end, guiltless in the day of our Lord Jesus Christ.” Yung “revealing” (apokalupsis) and “day of our Lord Jesus Christ” ay tumutukoy sa pagbabalik niya, future pa, pero sigurado. At ito yung paradox ng Christian life, parehong totoo, pero parang contradictory, para lang. Nasa atin na ang lahat ng biyaya ng Diyos, wala nang kulang, pero naghihintay pa tayong malubos ang biyaya ng Diyos. Hindi dahil kulang pa. Pero dahil itong si Cristo na nasa atin, hindi pa natin nakikita nang mukhaan. We are yet to see him face to face. Yun ang hinihintay natin. 

Yung “waiting” dito ay hindi yung parang naghihintay ka lang sa flight mo na delayed or canceled na matuloy at makauwi sa na sa Pilipinas. But an active waiting, merong longing, merong eager anticipation. Meron ding assurance na dadalhin niya tayo hanggang dulo, na makakauwi tayo. We will persevere in the faith because he will by his grace preserve us. The Lord “will sustain you to the end, guiltless in the day of the Lord Jesus Christ” (v. 8). ‘Yan ang sustaining grace niya na confidence natin na matatanggap natin ang future grace niya. Sa pagbabalik niya, we will face him sa kanyang judgment throne. Oo, makasalanan tayo. Marami ‘yan hanggang ngayon. Pero haharap tayo sa kanya “guiltless,” no condemnation, for we are in Christ Jesus (Rom. 8:1). “Who is to condemn? Christ Jesus is the one who died—more than that, who was raised—who is at the right hand of God, who indeed is interceding for us” (8:34).

Anchored in Past Grace (v. 9)

Titiyakin niyang makakarating tayo sa dulo. Because “God is faithful.” Not primarily because we are faithful. Nananatili lang tayong faithful because he is faithful. Yung sinimulan niya tatapusin niya. Pangalan ng Diyos ang nakataya dito. Nang sumampalataya tayo kay Cristo, hindi tayo sumugal na para bang pwedeng matalo pero hoping na manalo. Kung ikaw ay nakay Cristo, garantisado. At saan nakatali ang garantiyang ito? His past grace. Nakatali ‘yan sa pakikipag-isa natin kay Cristo. Yung grace na ‘yan binigay na, “given you in Christ Jesus” (v. 4). “He who did not spare his own Son but gave him up for us all, how will he not also with him graciously give us all things” (Rom. 8:32)? 

Nakay Cristo na tayo, lulubusin ng Diyos ‘yan, yun nga ang goal ng salvation natin, “God is faithful, by whom you were called into the fellowship of his Son, Jesus Christ our Lord” (1 Cor. 1:9). Fellowship, koinonia, madalas din ginagamit sa community natin as a church. Pero dito hindi horizontal, but vertical. We have this unbreakable union with Christ. Walang “undo” option sa grace ni Lord. No divorce, no separation. Ang pinag-isa ng Diyos, di kailanman mapaghihiwalay ng tao. 

Tulad ng mga Christians sa Corinth, tinanggap din naman natin ang biyaya ng Diyos – his past, present and future grace. When we thank God for his grace sa buhay natin, sa buhay ng mga leaders natin sa church, sa buhay ng mga kapatid natin sa Panginoon, sa mga nangyayari sa mga ministries ng church, meron mang mga failures, mga nagiging habitual sins, mga weaknesses and imperfections, we express our confidence hindi sa tao kundi sa biyaya ng Diyos. So, instead of complaining, instead of being impatient, instead of giving up altogether sa ibang tao o sa church o sa pagdidisciple, let us make it a habit to always thank God. Always. Sa sitwasyon mo ngayon sa pamilya o sa sarili o sa church, sa kabila ng mga pangit na nangyayari, ano ang evidence of the work of the grace of God na ipinagpapasalamat mo? If you are finding it hard to see a reason to thank God, then you have a problem with misplaced confidence. 

Grace is a Person

When we pray, like Paul, we express our confidence sa biyaya ng Diyos – his sovereign, sanctifying, sufficient grace. When we give thanks to God, like Paul, we express our confidence sa biyaya ng Diyos – his past, present and future grace. At kapag grace ang pag-uusapan, sana hindi ito parang cliche lang sa atin o palasak na term o abstract idea. That “grace” is a Person. Jesus Christ is God’s grace personified. He is “full of grace and truth” (John 1:14, 17). 

Actually, in every verse dito sa first nine verses, deliberate si Paul na i-spell out yung name ni Jesus, nine times! Hindi lang gumamit ng pronouns na “his” or “him” (except sa v. 5). To make sure that they hear his name, and be reminded that it is all about Jesus!

  • Paul introduced himself as “an apostle of Christ Jesus” (v. 1).
  • Yung mga Christians sa Corinth and all of us believers “sanctified in Christ Jesus (v. 2).
  • Yung faith natin, “calling upon the name of our Lord Jesus Christ” (v. 2).
  • Yung grace na prayer niya, “from God the Father and the Lord Jesus Christ” (v. 3).
  • Yung grace na reason niya for thanksgiving, “given you in Christ Jesus (v. 4).
  • About spiritual gifts, “enriched in him” (v. 5).
  • Referring to the gospel, “the testimony about Christ” (v. 6).
  • Yung inaabangan nating lahat, “the revealing of our Lord Jesus Christ” (v. 7), “the day of our Lord Jesus Christ” (v. 8).
  • Ang calling ni Lord sa atin, “into the fellowship of his Son, Jesus Christ our Lord” (v. 9).

Nagsisimula pa lang siya sa sulat niya, Jesus in every verse. Christ as the fulfillment of all of God’s covenant promises. Jesus our Savior, our Lord and King. Jesus for every problem. Jesus for every issue sa church. Jesus for every struggle with sin. Jesus for every member na kailangang disiplinahin. Jesus for every messy church. Si Jesus para sa lahat. “From his fullness we have all received, grace upon grace” (John 1:16). Kaya naman sabi din ni Paul, “For I decided to know nothing among you except Jesus Christ and him crucified” (1 Cor. 2:2).

May mga times na I get discouraged dahil sa lack of growth or slowness ng growth sa Christian life ko. May mga times na I get frustrated sa immaturity ng ibang mga members and leader ng church and also pastors sa district natin. May mga times na parang gusto ko nang sukuan yung mga paulit-ulit na kinakausap sa mga cases of discipline sa church for failure to respond to church discipline. We need to remember na ang reason why we feel this way, kasi meron tayong misplaced confidence sa sarili natin, sa magagawa natin, o sa response ng ibang tao. Ang lesson sa akin at sa ating lahat ng first nine verses ng 1 Corinthians ay ito: 

Remember Jesus. Ang biyaya ng Diyos ay nasa kanya. Siya ang kumpiyansa natin. Put your confidence in him. Alone.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.