Maganda naman talaga yung song na “Sukdulang Biyaya.” Madalas naming kantahin sa church ‘yan. At talaga namang dapat tayong umawit at sumamba sa Diyos dahil sa undeserved goodness na tinanggap natin nang iligtas niya tayo mula sa ating kasalanan. Tamang-tama naman kasi ang tema ng sermon ko last Sunday ay tungkol sa gospel of grace sa 1 Corinthians 15:1-10.
Pero feeling ko, may kulang na specific gospel content sa kanta. Kaya hindi pwedeng stand alone. So bago kantahin yun, sinabi ko sa song leader namin na unahin yung “In Christ Alone.” May specific emphasis kasi dun tungkol sa life, death and resurrection of Christ. Tulad nito:
Till on that cross as Jesus died The wrath of God was satisfied For every sin on Him was laid Here in the death of Christ I live
Pero nung narinig kong nagpapractice sila that morning, meron akong narinig na bagong lines sa “Sukdulang Biyaya.” Additional lines pala yun na dinagdag ng song composer na si Paul Armesin, in celebration na rin ng 10 years ng pagkaka-release nung song. Heto yung bagong lines:
Ang walang salang Manunubos ang umako ng parusang nararapat sa 'kin Anong habag sa tulad ko'y igawad ang Iyong katuwiran at ako'y patawarin
Gospel reload ‘yan. Bakit?
“Ang walang salang Manunubos,” tumutukoy ‘yan sa sinless perfection ng Panginoong Jesus. Buong buhay niya ay patunay na he was perfectly qualified to be our only Mediator. Kasi wala siyang sinuway sa anumang utos ng Diyos (Heb. 4:15). Lahat sinunod niya. Kaya nga sinabi sa kanya ng Diyos, “This is my beloved Son, with whom I am well pleased” (Matt. 3:17 ESV).
“Ang umako ng parusang nararapat sa ‘kin,” tumutukoy ‘yan sa penal substitutionary atonement. Tayo dapat ang parusahan (penal), pero siya ang naging kapalit o kahalili natin (substitutionary) nang ihandog niya ang kanyang sarili sa kanyang kamatayan sa krus (atonement) bilang kabayaran sa parusang nararapat dahil sa ating mga kasalanan. We sinners “are justified by his grace as a gift, through the redemption that is in Christ Jesus, whom God put forward as a propitiation by his blood” (Rom. 3:24-25). Propitiation, siya ang umako ng parusa at galit ng Diyos.
“Anong habag sa tulad ko’y igawad ang Iyong katuwiran at ako’y patawarin,” heto na yung essence ng justification. Hindi lang tayo pinatawad sa mga kasalanan natin. That by itself is a great blessing. Pero kaya sukdulan ang biyaya ng Diyos ay dahil ibinigay o iginawad pa niya sa atin ang katuwiran ni Cristo. Ito ang tinatawag na imputation of the righteousness of Christ para sa atin na inilagak ang tiwala kay Cristo. Naging posible lang yun dahil perfectly righteous siya at wala siyang kasalanan (na nakasulat sa first line), at na-satisfy ang katarungan ng Diyos nang akuin niya ang parusang nararapat para sa atin (na nakasulat sa second line). Gaya ng sinasabi ni Pablo, “For our sake he made him to be sin who knew no sin, so that in him we might become the righteousness of God” (2 Cor. 5:21).
Salamat, Paul Armesin, sa gospel reload ng “Sukdulang Biyaya.”
Let us pray na marami pang mga Filipino composers at musicians ang mag-produce ng mga doctrinally sound at gospel-centered na mga worship songs. Let us also pray na maging selective tayong mga pastors and church leaders kung ano yung mga songs na ipapakanta natin sa church.
We are called to be faithful not just in preaching the gospel, but also in singing the gospel.