The Shepherd and the Flock (1 Peter 5:1-7)

Sa ministry nating mga pastors-elders, ang pinakamahalaga ay hindi yung sakripisyong ginagawa natin para sa church. This is not about us, our story, and our glory. This is about Jesus, his story and his glory. Kaya nga ang tawag sa kanya "Chief Shepherd." Siya ang ating "Good Shepherd" and "Great Shepherd" na nag-alay ng kanyang buhay para sa atin at patuloy na nagmamahal sa atin. He will never fail us. He will never disappoint us.

Kapit, Kapatid! (1 Peter 4:12-19)

Gusto ng Diyos na ang salita niya para sa atin ay tagos sa puso, tagos sa buto. Dahil yun naman ang kailangan natin. Masakit, oo, pero mabuti para sa atin. Akala kasi natin "pain relief" ang regalo ng Diyos para sa atin. But we forget na yung "pain" na nararanasan natin ngayon ay kasama sa regalo ng Diyos para sa atin. With that pain or hurt or suffering, God will provide yung help na kailangan natin para magpatuloy.