Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagtitiyaga ninyo sa pakikinig ng mga sermon natin, at sa pagsubaybay sa sermon series natin sa 1 Peter. Ang ibang churches, may bagong series every month. Pero tayo, we believe na a prolonged exposure to a single book like 1 Peter is beneficial and transformative for us. Patuloy lang po tayong lahat sa pagtitiyaga, hindi lang sa pakikinig at pagsubaybay ng ating sermon series. Pero lalo na sa pagtitiyaga, pagtitiis, in persevering in faith to the end of our lives here on earth.
At ‘yan naman ang burden ni apostle Peter sa sulat niya. For us to stand firm in the grace of God (5:12). Nakatayo, naka-angkla, nakakapit sa biyaya ng Diyos. Lalo niyang bibigyang-diin ‘yan dito sa last section ng letter niya sa 4:12 to 5:14. Sinumulan niya itong section na ‘to sa salitang, “Beloved…” This is a term of endearment na ginamit na rin niya sa 2:11. Hindi lang ito marker to indicate a new section sa letter niya. It is also a way of stressing something very important. Make sure na pakinggan mo. Make sure you pay attention to this. This is the pastor’s heart for his people.
Ito rin ang nasa puso ko kaya ganito akong magsermon sa inyo. I don’t want this (at ayaw din ng Diyos) na ang every Sunday na pakikinig natin ng salita niya ay maging intellectual exercise lang o yung masarap lang pakinggan. Gusto niya tagos sa puso, tagos sa buto (Heb. 4:12-13). Dahil yun naman ang kailangan natin. Masakit, oo, pero mabuti para sa atin. Kung meron lang sanang anesthesia para dito, pero wala. Akala kasi natin “pain relief” ang regalo ng Diyos para sa atin. But we forget na yung “pain” na nararanasan natin ngayon ay kasama sa regalo ng Diyos para sa atin.
With that pain or hurt or suffering, God will provide yung help na kailangan natin para magpatuloy. Kasama sa help na yun ay yung mga words na maririnig natin ngayon. Dito sa 1 Peter 4:12-19, nagbibigay si Pedro ng series of exhortations. We will see four (stated negatively and positively) at bawat isa ay may nakakabit na mga reasons to motivate us to obey. When you take all these four, as if God is saying to us:
Kahit patuloy ang mga sufferings mo, wag kang aatras, wag kang lilihis ng landas, wag kang aayaw…magpatuloy ka hanggang sa katapusan.
Isa-isahin natin ngayon…
#1 – When you are suffering, ‘wag mo itong ipagtaka kundi magpatuloy ka sa pagsasaya (4:12-13).
Verse 12, “Beloved, do not be surprised at the fiery trial when it comes upon you to test you, as though something strange were happening to you.” Negatively, ang command ay “do not be surprised at the fiery trial when it comes upon you…”. Wag mong ipagtaka na you are going through different sufferings. Wag mong isipin na kapag naging Christian ka, magiging maayos na ang lahat sa buhay mo. Wag mong sabihing, “Hala, bakit ganito? Ganito ba talaga kahirap ang buhay Cristiano?”
Bakit di tayo dapat magtaka? Your suffering is normal. It is not “as though something strange were happening to you.” Na para bang sabi niyang suffering is not a stranger, kasama na sa buhay ‘yan. It not out of this world, ordinaryo ‘yan. Hindi ka abnormal na Cristiano, normal ang dumanas ng hirap. “Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao” (1 Cor. 10:13 MBB). Hindi lang ikaw ang dumaranas niyan. “Alalahanin ninyong hindi lang kayo ang naghihirap kundi pati ang mga kapatid nʼyo kay Cristo sa buong mundo. Nararanasan din nila ang mga paghihirap na ito” (1 Pet. 5:9 ASD).
Another reason kung bakit di ka dapat magtaka ay ito: Your suffering is purposeful. “when it comes upon you to test you.” Oo nga’t sabihin mong normal ang suffering, pero kung “fiery trial” naman ang tinutukoy dito ni Pedro, na para bang sobrang bigat, para bang sobrang sakit, na para bang apoy na tutupok sa ‘yo, o parang pasan mo ang buong daigdig, mukhang hindi na yata normal ‘yan. Alalahanin mong walang darating na suffering sa ‘yo na arbitrary o aksidente lang. Lahat ay bahagi ng plano ng Diyos “to test you.” Yung suffering na ‘yan gagamitin ng Kaaway para tuksuhin ka, para ibagsak ka, para ilayo ka sa Diyos. Pero that same suffering ay gagamitin ng Diyos para subukin ka. May plano siya, may layunin siya – not for the fire of suffering to destroy or consume you, but to purify you, to strengthen your faith, and to draw you closer to him.
Kaya sa halip na magtaka ka, magsaya ka. Verse 13, “But rejoice insofar as you share Christ’s sufferings, that you may also rejoice and be glad when his glory is revealed.” Siyempre malungkot kapag merong isang taong mahal mo na nawala sa ‘yo, o nakasakit sa ‘yo, o isang bagay na mahalaga sa ‘yo na nawala, o kinuha sa ‘yo. Pero nagagalak tayo kasi narerealize natin na yung meron na tayo ay higit pa sa anumang nawala sa atin, at anumang we will gain through those sufferings are far greater than what we have lost.
Kaya sabi niyang dahilan kung bakit tayo dapat magalak sa kabila ng mabibigat na dinaranas natin, una, because of your union with Christ. “…insofar as you share Christ’s sufferings…” Yung word na share ay koinoneo na ginagamit natin for “fellowship.” Hindi ito yung pakape-kape lang at pakikipagkuwentuhan. This “fellowship” we have with Christ (and with one another) is something deeper. Nakakabit tayo kay Cristo with an unbreakable bond. Kung akala nating yung mga sufferings na naeexperience natin ay nakapaglalayo sa atin kay Cristo, nagkakamali tayo. God designed these for us to remember and experience our union and fellowship with Christ. Si Cristo ang dahilan bakit tayo nagsasaya sa kabila ng maraming pagsubok – para mas makilala siya, para mas maranasan ang kapangyarihan niya, para mas maging malapit sa kanya, para mas maging kamukha niya (Phil. 3:10).
Second reason to rejoice: because of your future joy in Christ, “that you may also rejoice and be glad when his glory is revealed.” Yung dinaranas natin ngayon, at yung joy na nararanasan natin sa kabila noon, ay paghahanda sa atin sa darating na future joy. Anong klaseng joy? Yung “rejoice and be glad” parang inulit lang, pero ang sense ay to increase yung expectations natin, to heighten the kind of joy awaiting us. This is forward looking. “Rejoice and be glad, for your reward is great in heaven” (Matt. 5:12). Future joy ‘yan. Meron na tayong “joy that is inexpressible and filled with glory” (1 Pet. 1:8) now. Pero in the future, “when his glory is revealed,” sa pagbabalik ni Jesus, when all sufferings will cease, all our struggling with sins will be over, we will see Jesus face to face, and we will be with him forever…imagine (if you can!) kung anong klaseng joy ang mararamdaman mo. So, because of your union with Christ and your future joy with Christ, you rejoice right now.
Simula pa lang ng sulat ni Pedro, ganito na ang tono niya: “Dahil dito, dapat kayong magalak sa kabila ng ibaʼt ibang pagsubok, dahil ang mga pagsubok na itoʼy panandalian lang, at dapat ninyong maranasan, para masubukan kung talagang tunay ang pananampalataya ninyo. Katulad ng ginto, sinusubok ito sa apoy para malaman kung tunay o hindi. Pero mas mahalaga ang pananampalataya natin kaysa sa ginto na nawawala. Kaya kapag napatunayang tunay ang pananampalataya nʼyo, papupurihan kayoʼt pararangalan pagdating ni Jesu-Cristo” (1:6-7). So, he is being consistent hanggang sa dulo ng sulat niya.
Natural sa atin na pagtataka, pagkadismaya at pagkalungkot ang response sa sufferings. But joy in the midst of sufferings (and not just joy after our sufferings are over) is a supernatural work of the Spirit. “The fruit of the Spirit is…joy” (Gal. 5:22).
#2 – When you are suffering, ‘wag namang dahil sa paggawa mo ng masama kundi dahil sa pagsunod mo kay Cristo (4:14-15).
Verse 14, “If you are insulted for the name of Christ, you are blessed, because the Spirit of glory and of God rests upon you.” Yung negative command ay dito sa verse 15, “But let none of you suffer as a murderer or a thief or an evildoer or as a meddler.” Nagbigay siya ng ilang gawang masama pero example lang ‘yan. In general, ang point niya ay sabihing: Siyempre naman, ayaw naman nating may mangyaring masama sa atin, ayaw naman nating may suffering sa buhay natin. Pero normal ang suffering, kaya kung magsuffer ka man, make sure na wag namang dahil sa paggawa mo ng masama.
Dapat din naman kasi nating alalahanin na ang ibang difficulties na naeexperience natin ay dahil sa consequence ng kasalanang ginawa natin. May pagkakataon kasing nagsasawa na tayo sa pagsunod, lalo pa kung mahirap din ang magiging kapalit nito. So we are tempted na gumawa ng kasalanan. Halimbawa, instead of being faithful sa asawa or pagiging sexually pure ng mga singles (which takes a lot of work) ang iba ay nahuhulog sa tukso at pumapatol sa maling relasyon, na mas mabigat at masakit naman ang mga consequences. So, ang exhortation niya sa atin, although walang nakalagay na positive command, ay implied sa verse 14 (“if you are insulted for the name of Christ”) at verse 16 (“if anyone suffers as a Christian”). Magpatuloy tayo sa pagsunod kay Cristo even if we suffer for it. Hindi mo maiiwasan ang suffering kahit anong gawin mo, hindi mo maiiwasan ang pang-iinsulto ng mga tao, so make sure when you suffer ito ay dahil sa pagsunod mo kay Cristo.
Meron tayong makikitang tatlong dahilan dito kung bakit. Una, because your identity is in Christ. Yun ang ibig sabihin ng “Christ-ian.” You bear his name. “For the name of Christ.” To suffer dahil sa paggawa ng masama, identity ng mundo ‘yan, identity ng mga makasalanan ‘yan. But to suffer dahil sa paggawa ng mabuti, you identify with Christ, you “follow in his steps” (2:21).
Ikalawa, your happiness is in Christ. “If you are insulted for the name of Christ, you are blessed…” You are happy. Dahil ang kasiyahan mo ay nakay Cristo. “Blessed (happy!) are those who are persecuted for righteousness’ sake, for theirs is the kingdom of heaven. Blessed (happy!) are you when others revile you and persecute you and utter all kinds of evil against you falsely on my account” (Matt. 5:10-11). Masaya ka dahil ang kasiyahan mo ay hindi nakatali sa comfort na naeexperience mo sa mundong ito, o sa papuri ng mga tao sa mundong ito, o sa pagiging successful ayon sa standard ng mundong ito. Masaya ka dahil ang kasiyahan mo ay nakatali kay Cristo.
Ikatlo, your power is in Christ. “…you are blessed, because the Spirit of glory and of God rests upon you.” Sa mga panahong pinanghihinaan ka because of your sufferings, sa mga panahong you are tempted to sin because of your sufferings, remember that strength to continue and the power to fight is in you. Yun yung Holy Spirit na nasa ‘yo. That’s the power of Christ. That’s the power of God available for you 24/7. Hindi ‘yan tumatambay lang at aalis pa mahirap na ang sitwasyon o kapag nainis na kasi matigas ang ulo mo. “The Spirit…rests upon you.” He is there to stay. He will never ever leave you.
Lahat tayo rito ay suffering in one way or another. Yung suffering ba na nararanasan mo ay dahil sa sarili mong kasalanan? Humingi ka ng tawad sa Diyos at patatawarin ka niya. O yung suffering na ‘yan ay dahil sa pagsunod mo kay Cristo? Wag kang panghinaan ng loob, dahil si Cristo ay nasa ‘yo at kasama mo. Ang kapangyarihan niya at kagalakan niya ay nasa ‘yo. So, “it is better to suffer for doing good…than for doing evil” (3:17).
#3 – When you are suffering, ‘wag mo itong ikahiya kundi gamitin mo itong paraan para maparangalan mo ang Diyos (4:16-18).
Verse 16, “Yet if anyone suffers as a Christian, let him not be ashamed, but let him glorify God in that name.” Yung negative command ay do “not be ashamed.” ‘Wag mong ikahiya na ikaw ay nakay Cristo, ‘wag mong ikahiya na ikaw ay tagasunod niya, ‘wag mong ikahiya ang pagiging Cristiano. Sa panahon nila, derogatory term yung “Christian.” Pang-asar ba. Negatibo ang tingin. Kaya parang sinasabi ni Pedro, gusto nila kayong ipahiya, pero ‘wag n’yong ikahiya ang pagiging Cristiano, ‘wag yuyuko ang ulo n’yo sa kahihiyan.
Sa halip? “Glorify God in that name.” Sa panahong ipinapahiya kayo, sa panahong you are suffering, gamitin mong opportunity para bigyang papuri at karangalan ang Diyos. Your life exists for the glory of God. This church is for the glory of God. Your suffering, our suffering as a church is for his glory. Para maipakita natin sa mundo na wala nang ibang worthy of our praise, our trust, our hope, our joy other than God.
Bakit di natin dapat ikahiya ang ating “Christian suffering” at sa halip ay gamitin itong paraan para maparangalan ang Diyos? Three reasons here. Una, because of the glory of God in us. “The name of Christ…the Spirit of glory…in that name…” Simula nang bautismuhan tayo sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu, dala-dala natin ang pangalang ‘yan. We bear the name of the Three-in-One God. That is a glorious name. There is nothing to be ashamed of kung nasa panig ka ng Diyos.
Ikalawang dahilan, because of the discipline of God for us. Verses 17-18, “For it is time for judgment to begin at the household (family, church) of God; and if it begins with us, what will be the outcome for those who do not obey the gospel of God? And [quoting Prov. 11:31 LXX] “If the righteous is scarcely saved (or, “saved with difficulty”; MBB, “napakahirap maligtas”), what will become of the ungodly and the sinner?” Ang paghatol ng Diyos sa atin ngayon through our sufferings ay hindi parusa. Inako na ni Jesus ang parusang para sa atin. Ito ay para tanggalin at patayin ang mga natitira pang kasalanan sa puso natin. The pain of our sufferings is a purifying pain. For our good. So, bakit mo ikakahiya ang nangyayari sa ‘yo ngayon? Bakit di mo ‘yan sasamantalahin to give witness na God is perfectly good kahit sa mga panahong terribly bad ang nangyayari sa buhay mo?
Para sa atin, “the household of God,” “the righteous” (because of Jesus!), darating ang time na our sufferings will be over. Pero sa mga unbelievers, “those who do not obey the gospel of God,” “the ungodly and the sinner,” yung mga sufferings nila ngayon ay katiting lang ng sufferings na mararanasan nila at the Judgment Day. That’s the third reason, because of the judgment of God against unbelievers. Terible ang mangyayari sa araw na yun para sa kanila. Implied yun sa language na ginamit ni Peter na patanong, “…what will be the outcome…what will become…?” Ano na lang ang sakit at hirap at parusang nag-aabang sa kanila sa pagbabalik ng Panginoon!!! “Darating siyang napapalibutan ng nagliliyab na apoy, at parurusahan niya ang mga hindi kumikilala sa Dios at hindi sumusunod sa Magandang Balita tungkol sa ating Panginoong Jesus. Parurusahan sila ng walang hanggang paghihirap at pagkawalay sa Panginoon, at hindi na nila makikita pa ang dakila niyang kapangyarihan” (2 Thess. 1:8-9 ASD).
Are you passive in your suffering? Na para bang naghihintay ka na lang na matapos na. Or are you leveraging it for the sake of his kingdom? For your sufferings to give witness kung gaano ka-trustworthy ang ating Panginoon. Not just in the ways we speak to them about the gospel, pero sa patuloy nating paggawa ng mabuti para sa kanila.
#4 – When you are suffering, ‘wag kang huminto sa paggawa ng mabuti kundi patuloy mong ipagkatiwala sa Diyos ang buhay mo hanggang sa huling hininga mo (4:19).
Last verse, “Therefore let those who suffer according to God’s will entrust their souls to a faithful Creator while doing good.” Wala namang negative command dito, pero implied dun sa sinabi ni Pedro na “while doing good” yung exhortation na: ‘Wag kang huminto sa paggawa ng mabuti. Ito yung napag-aralan natin in great detail sa 2:11 to 3:17. Kahit na masama ang ibang tao, o lalo na kung masama ang ibang tao sa paligid natin, wag kang huminto sa paggawa ng mabuti (2:11-12), sa pagiging mabuting mamamayan ng ating bansa (2:13-17), sa pagiging mabuting manggagawa, negosyante o estudyante (2:18-25), sa pagiging mabuting asawa (3:1-7), at sa pagsasalita ng mabuti (3:8-17).
This requires a radical heart transformation sa atin. Nagsasawa tayo sa paggawa ng mabuti, humihinto at tumutulad sa mga taong masasama hindi dahil sa ginagawa nilang masama laban sa atin. Yung mga bad responses natin, we don’t shift the blame sa badness ng ibang tao, o sa badness ng circumstances natin. We take personal responsibility. At its root, ang dahilan ay dahil nagsasawa tayo at humihinto sa pagtitiwala sa kabutihan ng Diyos.
Kaya yung command dito sa verse 19 ay ito: Patuloy mong ipagkatiwala sa Diyos ang buhay mo hanggang sa huling hininga mo, “entrust your soul” to God. Your soul, hindi lang ang bahay mo, ang pamilya mo, ang trabaho mo, ang ministry mo, ang buhay mo. Kaluluwa mo. Na para bang sinasabi niyang, keep trusting God hanggang malagutan ka na ng hininga, ilagay sa kabaong, at ilibing sa sementeryo. Entrust your soul to him. Release control of your life to the hands of God. Hindi mo ‘yan kayang hawakan. Hindi mo ‘yan kayang ingatan.
Bakit sa Diyos mo ipagkakatiwala? Three reasons. Una, God is your Creator. Siya ang nagbigay ng buhay sa ‘yo – physically and spiritually. He created you out of nothing. He raised you from the dead. He is the Author, Designer, Master-Planner of your life. Yung mga sufferings mo, kasama sa script niya, kasama sa blueprint niya, kasama sa design niya. Trust him.
Second, God is sovereign. You “suffer according to God’s will.” Kalooban ng Diyos – his sovereign will or decree – ang nasusunod at hahawak sa bawat bahagi ng buhay mo. Maaaring ginusto ni Satanas ang nangyayari sa ‘yo. But Satan is not sovereign. Maaaring ginusto ng asawa mo ang nangyayari sa ‘yo. But your spouse is not sovereign. Maaaring ginusto ng kaaway mo ang nangyayari sa ‘yo. But your enemy is not sovereign. God alone is. Trust him.
Lastly, God is faithful. He is our sovereign “faithful Creator.” Ang ipinangako niya tinutupad niya. Ang sinumulan niya, tatapusin niya (Phil. 1:6; Jude 24-25). Ang dami nang beses na sumira sa pangako ang taong mahal mo o inaasahan mo. But somehow, you still keep trusting. Pero ang Diyos, kahit kailan di sumira sa pangako niya sa ‘yo, lahat tinupad niya. But somehow, you still keep doubting God – his goodness, his promises, his power and his faithfulness.
Saan o kanino mo ipinagkakatiwala ang buhay mo? Sa pera mo, sa career mo, sa pagiging good boy/good girl o religious mo? Sa good family image na meron kayo? Sa boyfriend mo, girlfriend mo, best friend mo, o asawa mo? Sa church, sa pastor o sa mga leaders mo? O sa sarili mo? Sino ba o alin ba sa mga ‘yan ang nagbigay ng buhay sa ‘yo, gumagabay sa bawat minuto ng buhay mo, at tapat na tutupad sa lahat ng mga pangako sa ‘yo? Walang ibang Diyos maliban sa kanya.
Masakit mawalan ng isang mahal sa buhay, masakit mawalan ng isang bagay na mahalaga para sa ‘yo. Suffering is painful, pero ito rin ang paraan ng Diyos para i-expose ang mga natitira pang unbelief at idolatry sa puso natin, para mapalitan ito ng lubos na pagtitiwala, yung faith in him alone.
So, if you are pursuing your joy in God to the end, committed to following Christ to the end, passionate for the glory of God to the end, and putting your hope in God to the end…you will persevere and finish the race.
Kahit patuloy ang sufferings natin, walang atrasan, walang liliko sa kaliwa o sa kanan, walang aayaw…magpapatuloy tayo hanggang sa katapusan.
Hindi ko na sinabing “magpatuloy ka”. Ang sabi ko, “magpapatuloy tayo.” Sama-sama tayo sa labang ito. But more of that for next week.