Stand Firm (1 Peter 5:8-14)

Download-Button-PNG-Background-ImageNasa dulo na tayo ng sermon series natin sa 1 Peter. In one way or another, lahat naman kasi sa atin dumaranas ng sufferings – malaki o maliit, maikli o mahaba. We are all suffering Christians. Kung tumatagal at matindi pa ang sufferings, nandun yung temptation sa atin nasa sabing, “Ayoko na!” Sa mga oras na yun, pinagdududahan natin ang kasapatan ng Panginoon. O kaya yung iba, “Sana mamatay na lang ako para matapos nang lahat ito!” Totoo nga na ‘pag namatay ka (if you are a Christian), matatapos na lahat ng sufferings mo. Pero kung ganyan ang saloobin mo, ibig sabihin pinagdududahan mo na ang tulong ng Diyos ay sapat at available for you even now. At kung sa tingin mo naman “small” lang naman ang sufferings mo, hindi masyadong iniinda, pero kung naririnig mo ang mga nangyayari sa iba, tapos sa loob-loob mo sinasabi mong, “Natatakot ako kapag nangyari din sa akin ‘yan. Parang di ko alam ang gagawin ko. Parang hindi ko kakayanin.” Pinagdududahan mo na mabuti ang Diyos, marunong ang Diyos at makapangyarihan ang Diyos.

That’s why ang primary purpose nitong very long series natin sa 1 Peter (17th and last sermon na ‘to!) ay patatagin ang pagtitiwala natin sa Diyos. Kaya ang ending ng passage na tinalakay natin last week ay ito: “[cast] all your anxieties on him (God), for he cares for you” (5:7). Anumang dinadala mo, anumang kabigatan mo, ilalagak mo sa Diyos, ipagkakatiwala mo sa kanya, you will turn over to him and surrender all control to God’s sovereign care of you. Yun bang sinasabi mong, “Ayoko nang dalhin ito sa sarili ko. Ikaw na ang bahala, Lord.” Pero hindi ito yung passive approach sa suffering na para bang “let go and let God. Ito ay active exercise of our faith in him. Hindi lang one time, hindi lang occasional, but moment-by-moment exercise of persevering and enduring faith. Oo, may panahong nanghihina, pero hindi nawawala. May panahong nadadapa, pero hindi humihinto, hindi umaayaw. Kaya for the last three weeks ito ang lagi kong sinasabi na burden nitong last section ng 1 Peter (4:12-5:14):

Kahit patuloy ang mga sufferings natin, walang aayaw, walang aatras, walang lilihis ng landas, magpapatuloy tayo hanggang sa katapusan.

Mas pronounced yung ganitong purpose, not just for this last section but for the whole letter, sa verse 12. Sabi niya, “I have written briefly to you (maikling sulat, pero jampacked ng mga katotohanang dapat nating tandaan, kaya mahaba ang series natin], exhorting and declaring that this is the true grace of God.” Punung-puno ang sulat niya hindi lang ng mga realities about our suffering, kundi ng gospel, ng good news ng ginawa ni Cristo, ng good news ng mga pangako ng Diyos. Itong “true grace of God” ang reason, motivation, power na kailangan natin to suffer well. Merong exhortations, yes. Pero hindi lang ito tunkgol sa kung ano ang mga dapat nating gawin in times of suffering, but what we do in response to the gospel of grace.

Kaya sabi niya dito sa verse 12, “Stand firm in it.” Dito ka tumayo. Dito sa gospel. Dito sa biyaya ng Diyos. Dito sa salita ng Diyos. Dito sa mga pangako ng Diyos. Dito sa disenyo ng Diyos sa suffering mo. Ganyan din ang sabi ni Paul sa 1 Cor. 15:1 kaya pinapaalala niya itong gospel sa kanila, “Now I would remind you, brothers, of the gospel I preached to you, which you received, in which you stand.” Dito sa gospel na ‘to tayo tumatayo at mananatiling nakatayo. This is about persevering fatih. Kaya sabi niya sa verse 9 ng text natin, mapagtatagumpayan lang natin ang diyablo, by being “firm in your faith.” We believe in the gospel hindi lang sa simula, kundi hanggang sa katapusan.

If you don’t stand in the gospel, you will not stand at all. If you don’t go deeper into the gospel, you will not go farther in the Christian life.

I pray na wala ni isa man sa inyo ang tatalikod sa pananampalataya dahil sa matinding pagsubok. I pray na bawat isa sa inyo ay makararating hanggang sa dulo at masabi sa dulo ng buhay, tulad ni Pablo, “Puspusan akong nakipaglaban sa paligsahan. Natapos ko ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya” (2 Tim. 4:7 ASD).

Paano mangyayari ‘to? Mahalagang kilala natin ang tatlo pang mahahalagang karakter (bukod sa sarili natin!) sa kuwento ng buhay natin. Every time may suffering ka, lalo na kung sobrang bigat, wag mong sabihing, “It’s me against the world!” Exagg ka. Feeling mo naman buong mundo ang kumakalaban sa ‘yo.

The Enemy: Meron kang Kaaway na gusto kang ibagsak (5:8).

Meron ngang kumakalaban sa ‘yo. Meron ka ngang kaaway. Pero hindi buong mundo. Sino ang kaaway natin? Hindi yung taong naninira sa ‘yo. Hindi yung asawa mo o anak mo o magulang mo na nakasakit sa ‘yo, o inabuso ka, o pinabayaan ka. Hindi yung kaibigan mo dating trinaydor ka. Hindi yung pastor mo o sinumang church leader na napabayaan ko o nasaktan ka dahil sa abuse ng kanyang spiritual authority.

Meron kang mas matinding Kaaway. Si Satanas yun. Hebrew name ‘yan na ibig sabihin ay kaaway, kalaban. ‘Yan ang reminder ni Peter sa verse 8. “Be sober-minded; be watchful. Your adversary (enemy) the devil prowls around like a roaring lion, seeking someone to devour.”

Sa soceity natin na materialistic, technologically-driven, dapat mindful tayo na meron tayong unseen enemy. Kung ang Diyos ay “at war” sa mga “proud unbelievers” (“God opposes the proud…,” v. 5), ito namang si Satanas “at war” sa mga humble, suffering believers.

Ano ang ginagawa niya? Para siyang nasa “opposition” party na walang ginawa kundi kalabanin ka. Para siyang abugado na naghahabla sa ‘yo sa korte, na walang inatupag kundi magkalap ng ebidensiya, at akusahan ka sa harap ng Diyos at ng ibang tao. Siya ang “diyablo,” panay ang salita laban sa ‘yo, panay ang paninira sa ‘yo. Sa Rev. 12:7-13, siya ang “great dragon…that ancient serpent…the devil…Satan…the deceiver of the whole world…accuser…” Wala siyang gagawing mabuti para sa ‘yo. Hindi siya lulubay hanggang sa dulo. Alam niyang maikli na ang oras niya, kaya he is working double time, “in great wrath” (Rev. 12:12). Mula pa nang pangunahan niya ang pag-aaklas ng ikatlong bahagi ng mga anghel laban sa Diyos, mula pa nang pabagsakin niya sa pagkakasala sina Adan at Eba, hanggang ngayon, he is busy 24/7.

Sabi ni Pedro, para siyang isang leong aali-aligid, umaatungal, di mo lang naririnig, at naghahanap ng pagkakataon para ibagsak ka, para kagatin ka, para patayin ka. Hindi siya nakikipaglaro sa atin. At ang kasalanang minsa’y kinahuhumalingan mo, kinasisiyahan mo, ‘yan ang sandatang ginagamit niya para lamunin ka. Sa mga panahon ng suffering, tulad ni Job, gagamitin ni Satanas ‘yan para ibagsak ka. Gagawin din niya ‘yan sa ‘yo. Para sa panahon ng sufferings mo, pagdudahan mo ang kabutihan at kapangyarihan ng Diyos, para suwayin mo ang mga utos niya, para magkasala ka at mahumaling ka sa kasalanan, hanggang mabitag ka na, akalain mo okay lang, pero sa bandang huli ay ikapapahamak mo. So kung nagkakasala ka, at patuloy na nagkakasala, akala mo minsan nag-eenjoy ka, pero yun pala sandatang gagamitin ‘yan ni Satanas para patayin ka.

Ano ang gagawin natin sa kaaway natin? Wag kang matakot. “Be sober-minded; be watchful.” Dapat maging malinaw sa isip mo na merong Satanas na nakikipagdigma sa ‘yo. Lagi kang magbantay. Walang puknat ang pakikipaglaban niya sa ‘yo. Verse 9, “Resist him, firm in your faith.” Kung nilalabanan ka, wag mong kakaibiganin. Labanan mo rin. Makipagdigma ka rin. Paano? By being firm in your faith. ‘Wag kang matitinag. Manatili kang solido sa gospel. Sabihin mo sa kanya, “Hindi ako maniniwala sa ‘yo, hindi ako susunod sa gusto mo, hindi mo ako ibabagsak. Sa Diyos ako maniniwala, sa Diyos ako susunod, dahil ang gusto niya ay palaging sa ikabubuti ko.”

Suffering will either bring you down (‘yan ang purpose ni Satanas), or make you stand firm (‘yan naman ang purpose ng Diyos). Marami na tayong dating kasama sa church na wala na ngayon. Yung iba, okay lang kasi lumipat ng ibang church at nagpapatuloy naman sa kanilang pananampalataya. Pero ang iba, dahil di nagustuhan ang pagdidisiplina ng church, umalis na at nagpatuloy sa kinakapitan nilang maling relasyon. Ang iba naman, may nakaaway dito, hindi inayos, umalis na lang at natisod na, di na nagpatuloy sa pananampalataya. Ang iba naman, naging abala sa trabaho, negosyo, at sa kamunduhan, di na nagpatuloy sa pagsunod kay Cristo. Di nila alam na ang landas na tinatahak nila ay landas na nais ng Diyablo para sa kanila. At ang iglesyang iniwanan nila (kung di na sila nagpatuloy even in other churches) ay ang mga kapatid sa Panginoon na tutulong din sa kanila.

The Brotherhood: Meron kang mga kasama sa labang ito (5:9).

Paano ka nga naman makakalaban sa Diyablo nang mag-isa? Paano ka nga naman magiging matatag sa pananampalataya nang mag-isa. You are not just a lone soldier. You are part of God’s Army. Hindi ka lang tatakbo nang mag-isa. Perseverance is a community project. Kaya sabi niya sa verse 9, “…knowing that the same kinds of suffering are being experienced by your brotherhood throughout the world.” Mananatili kang matatag sa pananampalataya kung inaalala mo lagi na di ka nag-iisa sa labang ito; meron kang mga kasama.

Sinu-sino ang kasama natin sa labang ito? “…brotherhood throughout the world…” So, hindi ‘yan “me against the world”! Pero kung Christian ka, sabi ni Jesus, the world hates us (John 15:18-19; 1 John 3:13). Hindi lang ikaw ang suffering, but the whole Church. Capital “C”. Hindi lang local church, hindi lang BBCC. But the universal church. We are a member of this universal suffering church. We suffer together. Hindi ka nag-iisa. Meron kang kasama.

“The same kinds of suffering.” Hindi ibig sabihing pare-pareho ang experiences natin. Siyempre magkakaiba. Pero reminder din ito sa atin na ‘wag nating ikumpara ang kalagayan natin sa iba. Minsan kasi, ginagawa nating source of comfort ang mas malalang kalagayan ng iba. ‘Pag may nagpost ng mga kaawa-awang kalagayan ng iba sa Facebook, ganito ang nakalagay na caption, “Kung nagrereklamo ka na sa pinagdadaanan mo sa buhay, isipin mong meron pang mga taong mas malala ang kalagayan sa ‘yo.” My goodness. Where is comfort in that? E paano yung mas malalang kalagayan na yun, san sila hahanap ng comfort?

So, ang point ni Peter dito, alalahanin mong meron kang kasama, parehong “suffering” din because they are followers of Jesus. Merong nakakaintindi sa ‘yo. Merong makikinig sa ‘yo. Merong sasaway sa ‘yo. Merong magpapalakas sa ‘yo. Merong magpapaalala ng gospel sa ‘yo. Merong magpapaalala ng mga promises ni God para sa ‘yo. Merong mananalangin para sa ‘yo. Merong lalabang kasama mo.

You don’t have to suffer alone. You cannot afford to suffer alone.

Si Pedro merong Silvanus (Silas), na tumulong kay Pedro na sumulat nito o magdala nito sa iba’t ibang iglesiya. “By Silvanus, a faithful brother as I regard him” (v. 12). Encouraging kung maaalala mong merong mga “faithful” na kapatid na gaya niya. Meron din siyang Mark, “Kinukumusta rin kayo ni Marcos na itinuturing kong anak” (v. 13). Ito yung same John Mark na kasama noon nina Pablo at Bernabe sa kanilang first missionary journey, pero di tumagal at iniwan sila. Naging dahilan ng paghihiwalay nina Pablo at Bernabe. Pero later on naging useful din siya ulit kay Pablo (gaya ng sabi niya kay Timothy sa 2 Tim. 4:11). At naging malapit naman kay Pedro at itinuturing pa niyang parang anak. At siya pa ang sumulat nitong Gospel of Mark, under din sa guidance malamang ni Pedro.

Itong mga suffering churches na sinulatan ni Pedro, “the elect exiles of the Dispersion in Pontus, Galatia, Cappadocia, Asia, and Bithynia” (1:1), di rin sila nag-iisa at kanya-kanya. “Kinukumusta kayo ng mga mananampalataya sa Babilonia. Katulad nʼyo, mga pinili rin sila ng Dios” (5:13). Literally, ito ay “she who is at Babylon,” na pinaniniwalaang di tumutukoy sa isang babae kundi sa iglesiya na nasa Roma na tinawag ni Pedro na Babylon to symbolize worldly power, na siyang nakasentro sa Roma nang panahon nila. Ang mga iglesiyang ito na magkakahiwalay nang lugar ay hindi magkakakumpetensiya kundi magkakasama sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay Cristiano. Ganun din dapat ang mindset natin kahit sa ibang churches na nasa kabilang kanto lang ng church natin.

They also have one another sa church. “Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo” (v. 14). “Greet one another with the kiss of love.” Itong halik na ‘to ay customary greeting nila. It is an act of love. Walang malisya di tulad sa kultura natin ngayon. The point is, hindi lang basta magbatian, kundi ipadama sa bawat isa na tayo’y magkakapatid na nagmamahalan at nagdadamayan sa hirap man o sa ginhawa.

They also have Peter. Itong sulat na ‘to ang proof na kasama nila si Pedro sa labang ito. They also have Peter’s prayer as bookends ng kanyang sulat: “May grace and peace be multiplied to you” (1:2); “Peace to all of you who are in Christ” (5:14).

Sinu-sino ang kasama mo sa labang ito? Nandito ang mga kapatid mo kay Cristo. Hindi ka nag-iisa sa labang ito. Nandito ang mga kuya at ate mo na magdidisciple sa ‘yo. Di ka uusad sa pagsunod kay Cristo nang solo. Nandito ang mga pastors/elders n’yo, di kayo dapat mahiya o matakot. Magkakasama tayo sa labang ito. Pero siyempre, paalala sa atin na bagamat magkakasama tayo sa labang ito, we don’t look to each other. We don’t put our faith sa mga kasama sa church o sa mga leaders man. We will fail. We will disappoint each other. Magkakasakitan. Magkakatampuhan. Ang iba magiging katitisuran pa’t magiging dahilan ng pagkakahulog mo sa kasalanan sa halip na makatulong sa paglago mo. Ang ibang pastor nga nahuhulog sa matinding kasalanan at umaayaw na. Ang ibang leaders sila pa ang matutuklasan mong nagpapatuloy sa kasalanan. We don’t put our faith in each other. We stand firm in our faith in God. Siya ang leading character sa kuwento ng buhay natin. Siya ang Bida. Siya ang Kasangga natin sa labang ito.

The God of All Grace: Meron kang Kasangga na tatapos sa labang ito (5:10-11)

Bakit hindi sapat itong mga kasama natin sa church at kailangan natin ng Kasangga (capital K)? Bagamat nakakasama natin ang ibang mga kapatid natin sa pagtitiis, ang hope pa rin natin ay matapos ang lahat ng mga sufferings na ‘to. “And after you have suffered a little while…” (v. 10). Sinabi na rin niya ‘yang “a little while” sa 1:6. Yung bang kahit malaki ang mga sufferings natin, kahit na matagal na, we need to cling to the hope na one day, it will be over. Wala ni isa man sa mga kapatid natin ang sovereign over our sufferings. Wala ni isa mang tao ang makatutulong sa atin na makita ang mga sufferings ngayon na “light momentary affliction” at gagamitin ang lahat ng ito para ihanda tayo sa darating na “eternal weight of glory beyond all comparison” (2 Cor. 4:17). Diyos lang ang maaasahan nating makagagawa niyan.

Sino itong Diyos na Kasangga natin sa labang ito? He is “…the God of all grace…” Not just God of grace, o God of some grace, o God of 90% grace, but God of all grace. Mula simula, hanggang ngayon, hanggang sa katapusan, sapat-sapat ang kanyang biyaya sa bawat sandali.

  • Dahil sa biyaya niya, pinili ka na niyang mahalin (1:1; 5:13).
  • Dahil sa biyaya niya, ipinadala niya ang maraming mga propeta para ihanda ang kanyang bayang pinili sa pagdating ni Jesus (1:10-12).
  • Dahil sa biyaya niya, isinugo niya ang kanyang Anak na si Jesus, naging tao, namuhay na matuwid, nagtiis ng hirap hanggang sa kamatayan sa krus (1:18-20; 2:21-23; 3:18; 4:1).
  • Dahil sa biyaya niya, muli siyang nabuhay (1:3, 21; 3:21).
  • Dahil sa biyaya niya, umakyat si Jesus sa langit at naupo sa kanan ng Diyos (3:22).
  • Dahil sa biyaya niya, ipinangaral sa atin, at narinig natin ang Mabuting Balita tungkol kay Cristo (1:25).
  • Dahil sa biyaya niya, binigyang-buhay niya ang puso mong patay, at ipinanganak kang muli (1:3, 22-23).
  • Dahil sa biyaya niya, sumampalataya ka kay Cristo (2:4, 7, 25).
  • Dahil sa biyaya niya, ibinilang ka niya sa pamilya ng Diyos, ang iglesiya, para madama ang pag-ibig ng Diyos sa isa’t isa at maibahagi ito sa buong mundo (1:22; 2:9-10; 4:8, 17).
  • Dahil sa biyaya niya, naninirahan na sa ‘yo ang kanyang Espiritu, pinababanal ka, at pinagkalooban ng espirituwal na mga kaloob na magagamit sa paglilingkod (1:2, 14-16; 2:2-3; 4:10-11, 14).
  • Dahil sa biyaya niya, ipinagkaloob niya sa ‘yo – para magturo, gumabay, sumaway at dumamay sa ‘yo – ang mga pastor/lider ng iglesiya pati mga kasama mo sa church (5:1-7).
  • Dahil sa biyaya niya, itinakda ng Diyos na lahat ng mga sufferings na nararanasan mo, walang masasayang kahit isa, lahat gagamitin niya para hubugin ka, para patatagin ka, para ihanda ka sa pagharap sa kanya sa kaluwalhatian (1:4-5; 5:10-11).
  • Dahil sa biyaya niya, nararanasan mo na ang kagalakan in the midst of many sufferings, at lulubusin pa sa pagbabalik ng Panginoong Jesus (1:6, 8, 13).
  • Dahil sa biyaya niya, tatanggapin mo ang kayamanan, kagalakan at karangalang di matutumbasan ng anuman sa mundong ito (1:4).

He is the God of all grace. Put your faith and hope in him. He “has called you to his eternal glory in Christ” (v. 10).

Suffering is not the last chapter in your story. God is.

Ano ang gagawin niya para sa matiyak na ‘yan ang magiging ending ng life story mo? “…the God of all grace will himself (siya ang gagawa, hindi ikaw, hindi ang ibang tao) restore, confirm, strengthen and establish you” (v. 10). Lahat ng nasira sa buhay mo, aayusin niya, ipapanumbalik niya. Anumang sugat sa puso mo, hihilumin niya. Anumang pag-aalinlangan mo, papalitan niya ng kumpiyansa sa mga pangako niya. Anumang struggle mo sa identity mo, he will confirm your security in Christ. You stand firm, because God will make you firm in faith. Anumang kahinaan mo ngayon, o sa tuwing pinanghihinaan ka ng loob, palalakasin ka ng Diyos, he will encourage you. Anumang insecurities and doubts ang natitira sa ‘yo, God will establish you, itatayo ka sa isang matibay na pundasyon, di ka matitinag, di ka magigiba, anumang bagyo ang humampas sa buhay mo. Siya ang Kasangga mo.

We persevere in faith because of God’s preserving grace. Nagpapatuloy tayo sa pananampalataya hanggang sa katapusan dahil nagpapatuloy ang biyaya ng Diyos sa buhay natin hanggang sa katapusan.

Lahat-lahat sa buhay natin – including the sufferings we experience – ay dahil sa biyaya ng Diyos. Kaya ano ngayon ang nararapat para sa kanya? Verse 11, “To him be the dominion forever and ever. Amen.” “…in order that in everything God may be glorified through Jesus Christ. To him belong glory and dominion forever and ever. Amen” (4:11). Nagpapatuloy ang mga sufferings natin ngayon, parang walang ending. Pero merong ending ‘yan. At pagkatapos ng ending na ‘yan, our story will start another chapter, a chapter that never ends, a never-ending praise to the God of all grace. Magtatapos din ang mga paghihirap natin sa buhay na ‘to. Pagkatapos nito, hindi naman magtatapos ang pagpupuri natin sa Diyos.

Pero ‘wag mo nang hintaying matapos ang paghihirap mo bago ka magsimulang magpuri sa kanya. Even when it still hurts, praise him. Though he slays you, praise him.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.