8 Tips sa Pagsulat (at Pagkukuwento) ng Isang Christ-Centered Testimony

Narito ang ilang mga tips na dapat tandaan sa pagkukuwento ng kuwento ng buhay mo na makatutulong nang malaki sa pagpapakilala mo kay Jesus sa mga kamag-anak at malalapit na kaibigan.

  1. Ipanalangin ang isusulat mong kuwento upang maging malinaw ito at makahikayat sa iba upang naisin din nilang mas makilala ang Diyos.
  2. Maglahad ng personal na pangyayari sa buhay.
  • Kung sino o ano ka bago mo pa personal na makilala si Jesus
  • Kung kailan at paano mo siya nakilala at nagsimulang sumunod sa kanya
  • Kung anong pagbabago ang ginawa niya sa buhay mo.
  1. Tandaang hindi ito oras ng pangangaral kundi pagkukuwento ng ginawa ni Jesus para sa iyo. Si Jesus ang Bida, hindi ikaw! Sa kuwento mo, hayaan mong matutunan ng nakikinig sa ‘yo kung paano mo nakilala si Jesus:
  • Sino si Jesus
  • Ano ang ginawa niya sa krus
  • Ano ang iniaalok niya sa atin
  • Ano ang nais niyang maging tugon natin (magsisi’t magtiwala)
  1. Sikaping malinaw at maikli ang pagkukuwento. Limitahan sa 3-4 na minuto. Iwasang gumamit ng mga salitang di nila agad maiintindihan, tulad ng mga theological/doctrinal words.
  2. Maaaring bumanggit ng ilang mga talata sa Bibliya na makapagpapatibay sa iyong sinasabi.
  3. Magpractice kung paano ikukuwento ang buhay mo sa kapani-paniwalang paraan.
  4. Maging handang magtanong ng mga follow up questions. “Ano sa palagay mo?” “Naisip mo rin ba dati ang tungkol sa problema mo sa kasalanan?” “Natatakot ka ba sa parusa ng Diyos?” “Naniniwala ka rin bang mapapatawad ni Jesus ang mga kasalanan mo?”
  5. Subukan mong isulat ngayon.
Sino ako at ano ang lagay ng buhay ko bago ko nakilala si Jesus?

 

Kailan at paano ko nakilala si Jesus? 

 

Ano ang ginawa at ginagawang pagbabago ni Jesus sa buhay ko?

 

For Further Reading:

  • Halloran, Kevin. “How to Write (and Share) Your Christian Testimony: 7 Tips.” “Our testimonies should point to Jesus Christ and the transforming work He has done in our lives–not merely positive changes we have experienced. Jesus should be the hero of every testimony. The more clear we can be about Who He is and what He has done, the more impact our testimonies will have, and the more glory will go to Christ.”
  • Monson, Jordan. “Your Testimony Isn’t About You.” “We have the glory of the living God. And that glory should create a great chasm between a secular testimony of a changed life and a Christian testifying about Jesus Christ.”
  • Newman, Randy. “Don’t Just Share Your Testimony.” “The gospel is true, but it’s also good. People need to hear about both.”

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.