The Gospel and Human Relationships
Binabago ng gospel ang relasyon natin sa isa’t isa.
May quarterly members meeting tayo mamaya. Meron tayong mga pag-uusapan at ipapanalangin na mga inactive na members ng church. Ibig sabihin, yung mga matagal na rin nating hindi nakakasama sa mga gatherings natin especially during Lord’s Day. Yung iba hindi na nakikipag-usap. Yung iba ayaw na talaga. Yung iba may ka-conflict pa siguro sa ibang mga members kaya di nagpapakita. Meron pang mga unresolved issues. Yung ganitong mga nangyayari sa church ay nagpapakita sa atin na ang Christianity ay hindi lang tungkol sa personal relationship with Jesus. Kasama rin dito yung oftentimes na masalimuot na relationship with others sa church. Merong parehong vertical and horizontal dimensions ang Christian life. You cannot say na okay ang relationship mo kay God kung hindi naman nito binabago ang relasyon mo sa iba. “The Gospel for Life” ang title ng sermon series natin sa overview ng mga letters ni Paul para maipaalala sa atin na the gospel changes how we relate with others, kasama sa “others” na yun yung mga may atraso sa atin. Pero…
Nahihirapan pa rin tayong ilapat ang gospel sa mga conflicts o disagreements.
Mahirap yun. Paano nga iaapply ang gospel sa mga di-pagkakasundo? Paano kung ikaw ang may atraso sa iba? Mahirap umamin at humingi ng tawad. Kapag ikaw ang naagrabyado—may ninakaw sa ‘yo, may utang na hindi mabayaran o ayaw bayaran, o may ginawang masama laban sa ‘yo—mahirap magpatawad, mahirap maibalik ang dating magandang relasyon. O kung mabalitaan mo na may ganito sa church, mahirap makialam. Mas madali sa atin ang tahimik lang, umiwas lang, o ipalagay na okay lang naman ang lahat at no big deal naman yung mga ganyan. But if we care about the gospel of Christ, we must care about our relationships sa loob ng church.
Key question: paano natin iaapply yung gospel na sinasabi nating pinaniniwalaan natin sa mga relasyon natin sa mga kapatid natin kay Cristo, lalo na sa mga panahon na merong conflicts. Kapag happy-happy lang, kapag madali namang pakisamahan ang iba, madali lang. Pero sa mga messy relationships, dun mo talaga makikita yung power of the gospel at work para ayusin ang mga dapat ayusin. At ‘yan ang titingnan natin sa maikling sulat ni Paul kay Philemon, panghuling sulat ni Paul sa arrangement ng mga books sa canon ng New Testament.
Tatlong Pangunahing Karakter sa Sulat
Para mas maintindihan natin ang sulat na ‘to, tingnan natin ang mga primary characters. Maraming pangalan ang binanggit dito—Paul, Timothy, Philemon (v. 1), Apphia, Archippus (v. 2), Onesimus (v. 10), Epaphras (v. 23), Mark, Aristarchus, Demas, and Luke (v. 24). Sa eleven names na ‘yan, tatlo yung most signifiant—si Paul na sumulat, si Philemon na directly sinulatan, at si Onesimus na sumulat si Paul in behalf of him o para sa kanya.
Paul
Nakakulong si Paul habang sinusulat niya ‘to: “a prisoner for Jesus Christ” (v. 1, also vv. 9-10, 13). Most likely, ito yung una niyang imprisonment sa Rome (AD 60-62) habang naka-house arrest siya. Mababasa natin ‘to sa Acts 28. Dito rin niya sinulat yung Ephesians at Philippians. Pero makakalaya pa siya pagkatapos nito. Unlike yung last imprisonment niya sa Rome kung saan naman niya sinulat yung 2 Timothy (between AD 64-68), na huling sulat na niya bago yung execution niya. Kasabay rin ng sulat na ‘to na ipapadala kay Philemon yung sulat naman sa church sa Colosas. In fact, yung binanggit din dito sina Archippus, Epaphras, Mark, Aristarchus, Demas at Luke (Col. 4:10-17).
Philemon
Si Philemon naman ang sinulatan dito ni Paul, “To Philemon our beloved fellow worker” (v. 1). So, actively involved siya sa ministry sa church sa Colosas. Maybe isang elder or deacon. In fact, sa bahay nila nagmi-meet ang church, na binati rin niya at gusto niyang mabasa rin ng church ang sulat niya kay Philemon, “the church in your house” (v. 2). Malamang may kaya itong si Philemon dahil malaki ang bahay niya para maghost ng church gatherings, at may “guest room” pa na pwedeng tuluyan ni Paul (v. 22). At meron din siyang slave o bondservant na ang pangalan ay…
Onesimus
Yun kasi ang kalakaran noon sa culture nila, yung mga may slaves. Hindi lang ito basta nagtatrabaho sa amo nila. Pagmamay-ari rin sila. Pero siyempre, para sa mga Christians, may dapat magbago sa relasyon ng mga masters at slaves like Philemon and Onesimus. Col 3:22, “Bondservants, obey in everything those who are your earthly masters, not by way of eye-service, as people-pleasers, but with sincerity of heart, fearing the Lord.” Col 4:1, “Masters, treat your bondservants justly and fairly, knowing that you also have a Master in heaven.” Kung may pagkakataon naman na magkaroon ng freedom ang mga slaves, pwedeng samantantalahin ang opportunity na yun (1 Cor. 7:21).
Kaso itong si Onesimus, lumawas, tumakas (o pinalayas?). Bakit? May malaking atraso sa amo niya. May ninakaw siguro, o pinagmanage ng funds o property ng amo niya pero namismanage. Kaya sabi ni Paul, “Kung siya ma’y nagkasala o nagkautang sa iyo…” (Phm 18). Hindi pa rin naman siya believer during that time. So siguro, dahil alam ni Onesimus na kilala ng amo niya si Paul, at nung napunta (o pumunta talaga?) si Onesimus sa Rome (2000 km? ang layo), at napuntahan si Paul maybe para humingi ng tulong o pabor para sa problema niya kay Philemon, noon siya naging Christian. Ang turing nga sa kanya ni Paul “aking anak” at siya’y “naging isang ama sa kanya habang ako’y nakabilanggo” (v. 11). So naging close talaga ang relasyon nilang dalawa hindi lang as someone na nagpreach ng gospel sa isang na-convert. Kaya nga nung gusto ni Paul na pabalikin si Onesimus, sabi ni Paul, “I am sending him back to you, sending my very heart” (v. 12). Onesimus was very close to the heart of Paul.
Apat na Bahagi ng Sulat
So, itong sulat na ‘to ay napaka-personal. At naglaan talaga si Paul ng panahon para isulat ito na nagpapakita kung gaano kahalaga hindi lang yung mga issues na may kinalaman sa pangkalahatan sa church, kundi maging mga inter-personal conflicts. Hindi pwedeng “private” matter lang. Involved din naman ang buong church dito. May pakialaman, we care for one another. Kaya nga may sulat si Paul. Alam niyang may problema, at nasa posisyon siya para makatulong. Hindi katulad ng iba na deadma lang, walang pakialam. At itong sulat niyang kahit maikli ay carefully composed, merong gustong i-highlight o i-emphasize, hindi lang sa kung ano ang gusto niyang hilingin kay Philemon na gawin niya, kundi meron ding dapat matutunan ang church sa kung paano natin ia-apply ang gospel sa relasyon natin bilang magkakapatid kay Cristo. Para matutunan yun, tingnan natin ang apat na bahagi ng sulat na ‘to.
Panimulang Pagbati (1-3)
Ang una ay yung panimulang pagbati sa verses 1-3 na typical naman sa mga sulat ni Paul. Pero dito sinabi niya na hindi lang sa kanya galing ang sulat na ‘to: “Paul…and Timothy our brother” (v. 1; also Col. 1:1; Phil. 1:1). Alam natin na si Paul ang nagsasalita dito. Hindi tayo sure kung ano ang involvement dito ni Timothy. Meron pa siyang naiambag sa sulat? Nag-edit? O baka simple acknowledgment lang na kasama niya si Timothy sa ministry at aware siya sa mga issues na nangyayari. Ang malinaw, hindi lang ito “private message” between Paul and Philemon.
Yun namang description niya kay Philemon na “our beloved fellow worker” (Phm. 1) ay nagpapahiwatig rin na magkatuwang sila sa paglilingkod at sumusulat si Paul dahil mahal niya si Philemon. Kung hindi siya susulat, at babalewalain lang kung ano ang isyu, that is unloving. Proof of love din na hindi lang ito basta personal correspondence. Kasi may binanggit pa siya na ibang tatanggap at babasa ng sulat na ‘to sa verse 2. Kasama si “Apphia our sister” na malamang ay nag-iindicate na ito ay asawa ni Philemon. Si “Archippus our fellow soldier” naman ay binanggit to indicate na ang isang worker sa ministry ay parang sumasabak sa giyera. Mahirap, walang urungan. Kaya binanggit niya sa sulat niya sa Col. 4:17 na sabihin nila kay Archippus, “See that you fulfill the ministry that you have received in the Lord.” Tapusin mo kung ano ang sinimulan mo. At ang sulat na ‘to ay para rin sa church, “and the church in your house” (Phm. 2). Probably, nag-iindicate ito na ito ay hindi lang private issue, but a public issue. Kasi alam naman ng buong church ang nangyari. At si Philemon ay merong importanteng position o role sa church. Anuman ang maging response niya in dealing with Onesimus, merong impact yun sa ibang members ng church—mabuti man o masama.
Try to put yourself sa sitwasyon ni Philemon. Tapos itong sulat ni Paul, hindi lang pala between him and Paul. Medyo alanganin, o awkward, lalo na sa culture natin na gusto natin kapag mga ganitong issue, dapat di na makarating sa iba. Tulad ng isang dinalaw ko na member ng church, may nabalitaan kasi ako nagiging issues nilang magkakamag-anak. Hindi maganda ang dating sa kanya na yung issue ay nakarating sa iba. Hindi naman talaga lahat ay dapat iparating sa iba. Pero kung di maayos-ayos ang problema, hindi ba’t dapat ay makialam ang church because we are one family?
Maaaring malagay tayo sa alanganing posisyon. Maaaring hindi magustuhan ni Philemon itong sulat ni Paul, o kaya’y hindi maging maganda ang dating sa kanya. Pero sa simula pa lang, Paul was assuring him, wala siyang dapat ipag-alala. Phm 3, “Grace to you and peace from God our Father and the Lord Jesus Christ.” Customary greeting sa mga sulat ni Paul. Pero reassuring din para kay Philemon. Nasa ‘yo na ang grace ng Panginoon because you are in Christ, but you can expect more grace to help you respond well sa sulat na ‘to. Yung “peace” na meron tayo sa Diyos dahil sa ginawa ni Cristo sa krus reconciling us to the Father, yun din yung “peace” na dapat mag-characterize sa relasyon natin sa iba. We need the grace of God in peacemaking. Hindi lang si Paul at ang church ang may pakialam at siyang makakatulong sa issue. God—the Father, the Son, at kasama siyempre ang Holy Spirit—he cares more, at sa kanya nanggagaling ang tulong na kailangan natin to resolve anumang conflicts ang haharapin natin.
Pasasalamat at Panalangin (4-7)
Yung second part naman ng letter niya ay yung pasasalamat at panalangin (vv. 4-7). Typical din na ito ang kasunod ng panimulang pagbati kung titingnan mo yung ibang sulat niya. Ang prayers ay hindi lang paghiling. Kaya nga mino-model namin every Sunday sa service natin yung iba pang prayers tulad ng prayer of praise, prayer of confession at prayer of thanks. Tulad ni Paul na nagpapasalamat sa Diyos kapag nagpe-pray siya para kay Philemon. Ano raw ang ipinagpapasalamat niya? “Lagi akong nagpapasalamat sa aking Diyos tuwing isinasama kita sa aking pananalangin sapagkat nababalitaan ko ang pag-ibig na ipinapakita mo sa lahat ng hinirang ng Diyos, at gayundin ang iyong pananampalataya sa Panginoong Jesus” (vv. 4-5). Maganda ang reputasyon ni Philemon sa church—a model of faith and love. Kaya natutuwa si Paul na ganito ang naririnig niya, obvious na yung gospel ay bearing fruit sa buhay niya. Yung hospitality niya, yung pagtulong niya sa ibang mga kapatiran ay nagiging malaking encouragement hindi lang para sa mga nasa church, kundi para rin kay Paul. “Kapatid, ang pagmamahal mo ay nagdulot sa akin ng malaking katuwaan at kaaliwan sapagkat dahil sa iyo ay sumigla ang kalooban ng mga hinirang ng Diyos” (v. 7). Yung salitang sumigla rito ay “refreshed”—yung pagod nakakasumpong ng kapahingahan, yung matamlay sumisigla, yung mahina lumalakas. Yan ang Christian ministry na kilala si Philemon na good example sa church.
Kaya naman ipinagpepray siya palagi ni Paul—at ganyan din ang dapat nating mga ipagpray sa church! Ano yung prayer ni Paul sa kanya?”Idinadalangin kong ang pagkakabuklod (“sharing,” Gk. koinonia) natin sa isang pananampalataya ay magbunga ng mas malalim na pagkaunawa sa mga kabutihang dulot ng ating pakikipag-isa kay Cristo” (v. 6). Anong klaseng prayer ‘to? Nagpapasalamat kasi siya na yung buhay ni Philemon ay ebidensiya ng pagkakaunawa niya sa mga mabuting bagay na tinanggap natin mula kay Cristo—yung gospel fruit sa buhay niya. Ang prayer niya ay mas maging malalim pa ang pagkakaugat ng gospel sa buhay niya—deeper into the gospel. Ang prayer na ‘to ay paghahanda sa kanya sa magiging appeal o pakiusap ni Paul para kay Onesimus na patawarin at tanggapin siya muli ni Philemon. Dahil kapag ginawa niya yun, sabi ni Mark Dever, “he will have a fuller understanding of what God has done for him in Christ. He will have a fuller knowledge of the riches of his own Christian faith” (The Message of the New Testament, 403). Lumalalim tayo sa gospel kung natututunan natin kung paano magpatawad. Yan dapat ang prayer natin sa bawat isa sa atin sa church.
Pakiusap (8-22)
Heto na sa ikatlong bahagi yung main body ng letter, sa verses 8-21, yung appeal o pakiusap ni Paul kay Philemon na tanggapin ulit si Onesimus. Sabi niya sa v. 12, “Pinababalik ko na siya sa iyo…” Ang tanong, Tatanggapin mo pa ba? Verse 15, “Marahil, nalayo sa iyo si Onesimo nang kaunting panahon upang sa pagbabalik niya’y makasama mo siya habang panahon.” Ang tanong, Tama ba ako? O assuming lang? Verse 17, “Kaya’t kung kinikilala mo akong tunay na kasama, tanggapin mo siya tulad ng pagtanggap mo sa akin.” Tatanggapin mo ba? Hindi madaling desisyon para kay Philemon. Malaki ang atraso. Mapagkakatiwalaan mo pa ba? O baka sobrang risky at baka nakawan ka ulit? “Hindi na, magbigay na lang ako ng recommendation sa iba, para sa iba na siya magtrabaho.” Ang calling ng Diyos sa ating mga Christians ay hindi para gawin kung ano lang yung mga easy or comfortable decisions. Kundi gawin kung ano ang naaayon sa gospel na sinasabi nating pinaniniwalaan at ipinapangaral natin sa iba. Kahit na mahirap, basta kailangang gawin. For the sake of the gospel.
Basehan: alang-alang sa pag-ibig (8-10)
Ito ang “nararapat gawin” sabi ni Paul sa verses 8-10. “Kaya nga, bagaman bilang kapatid mo kay Cristo ay malakas ang loob kong iutos sana sa iyo ang nararapat gawin, mas minabuti kong makiusap sa iyo sa ngalan ng pag-ibig. Akong si Pablo, na sugo ni Cristo Jesus at ngayo’y nakabilanggo dahil sa kanya, ay nakikiusap sa iyo para kay Onesimo na aking anak sa pananampalataya. Ako’y naging isang ama sa kanya habang ako’y nakabilanggo.” Hindi nga ipinakilala ni Paul ang sarili bilang apostol, at hindi yung apostolic authority niya ang basehan ng sinasabi rito ni Paul sa kanya. Pwede niyang i-leverage yun pero hindi niya ginawa. Ano raw ang basehan bakit sa halip na utusan niya si Philemon ay nakikiusap siya? Alang-alang sa pag-ibig o “sa ngalan ng pag-ibig” (v. 9). Dahil sa pag-ibig kay Cristo at sa gospel kaya siya nakabilanggo. Dahil sa pag-ibig kaya ibinahagi niya ang gospel kay Onesimus. Dahil sa pag-ibig kaya inaalagaan niya si Onesimus na parang kanyang sariling anak. Dahil sa pag-ibig kaya siya sumusulat kay Philemon. Dapat ring magpatawad at tanggapin muli ang nakaatraso sa kanya hindi dahil sa pag-ibig sa sarili niyang reputasyon kundi dahil sa pag-ibig kay Cristo at sa kanyang mabuting balita. At pag-ibig din sa isang kapatid kay Cristo.
Dahilan: bilang magkapatid (11-16)
At first, parang practical ang motivation na ibinigay dito ni Paul. “Dati, hindi mo mapakinabangan si Onesimo, ngunit ngayo’y kapaki-pakinabang siya sa ating dalawa” (v. 11). Meron naman talagang practical benefit kung nagbago na si Onesimus. Pero kung ganun lang, e di pareho lang din ng mga unbelievers na ang turing sa mga slaves ay mga properties na parang mga objects lang na pwede mong gamitin kung ano ang gusto mo, pwede mong i-dispose kung ayaw mo na at wala nang pakinabang sa ‘yo. Pero ganun ba ang trato ni Paul sa kanya? “I am sending him back to you, sending my very heart (si Onesimus ang tinutukoy niya” (v. 12). He’s sending someone very dear, very close to his heart.
Ayaw na nga niya sanang paalisin si Onesimus dahil sa “ministry” na ginagawa niya para kay Paul, “Nais ko sanang manatili siya sa aking piling upang siya ang maglingkod (Gk. diakoneo, kung saan galing ang salitang “deacon”) sa akin habang ako’y nakabilanggo dahil sa Magandang Balita, at sa gayon ay para na ring ikaw ang kasama ko rito. Ngunit ayokong gawin iyon nang wala kang pahintulot upang maging kusa ang iyong pagtulong sa akin, at hindi sapilitan” (vv. 13-14). Kumbaga, sinasabi ni Paul na bumalik muna si Onesimus sa amo niya, magkaroon sila ng pagkakasundo, pagpapatawaran, at kung bigyan na siya ng kalayaan ni Philemon para bumalik naman kay Paul, then better.
Pero hindi yun ang pinakamahalaga kay Paul. He’s open sa possibility na by God’s providence ay pansamantala lang si Onesimus kay Paul. “Marahil, nalayo sa iyo si Onesimo nang kaunting panahon upang sa pagbabalik niya’y makasama mo siya habang panahon…” (v. 15). At kung mangyari yun, it will be better kumpara noong una. Bakit? Dahil hindi na unbeliever si Onesimus. He is now a brother in Christ. “…hindi lamang bilang isang alipin kundi bilang isang minamahal na kapatid. Napamahal na siya sa akin, at lalo siyang mapapamahal sa iyo, ngayong hindi mo lamang siya alipin, kundi isa nang kapatid sa Panginoon” (v. 16)! Hindi na master-slave ang magdedefine ng relasyon nila, although totoo pa rin naman yun. Pero merong mas malalim na reality dahil si Philemon ay kay Cristo, si Onesimus ay kay Cristo. Siya na ay “beloved brother.” How will you treat a brother in Christ? Aawayin mo ba? Aabusuhin mo ba? Dededmahin mo ba? Pagkakaitan mo ba ng kapatawaran at ng pagkakataong muling makapaglingkod?
Pananagutan: bilang ka-partner sa gospel (17-20)
Of course, merong risk kay Philemon kung tatanggapin ulit si Onesimus. Baka sa simula lang okay, o baka pakitang-tao lang, baka nakawan siya ulit! Ganyan kasi yung implication ng gospel sa buhay natin. We’re willing take risks, to make sacrifices, alang-alang sa gospel. Kaya sabi ni Paul sa kanya, “Kaya’t kung kinikilala mo akong tunay na kasama (“partner,” Gk. koinonos) tanggapin mo siya tulad ng pagtanggap mo sa akin” (v. 17). Dahil magkakaisang dugo tayo, kung ano ang pagtrato mo kay Onesimus, para na ring pagtrato mo kay Pablo. Yan ang unity in the body of Christ na dapat nakikita sa atin, we are partners in the gospel.
At minodelo ni Paul yung ganung klaseng sacrifice alang-alang sa gospel. Yung pagkakulong nga niya, sapat na pruweba na ng commitment na meron si Paul. Tapos sinabi pa niya, “Kung siya ma’y nagkasala o nagkautang sa iyo, sa akin mo na ito singilin. Akong si Pablo ang siyang sumusulat nito (kasi nga meron siyang amenuensis o tagasulat, pero itong sumunod, siya mismo ang sumulat!): AKO ANG MAGBABAYAD SA IYO. Hindi ko na dapat banggitin pa na utang mo sa akin ang iyong sarili. Ipinapakiusap ko lamang sa iyo, alang-alang sa Panginoon, ipagkaloob mo na sa akin ito. Pasayahin mo ako (“refresh my heart,” tulad sa v. 7 na ginagawa naman ni Philemon para sa iba) bilang kapatid kay Cristo” (vv. 18-20). Sa unang tingin, parang nagiging manipulative na si Paul dito. Na para bang sincere ba siya talaga na babayaran ang anumang utang ni Onesimus? Bakit sinasabi pa niyang parang malaki ang utang na loob ni Philemon sa kanya? Naniningil na ba si Paul? Wala na bang sariling pagpapasya itong si Philemon? Pero tandaan natin na ipinapakita dito ni Paul na he can be assertive, insistent, hindi para sa pansarili niyang benefit. Although sinabi niya na kasiyahan para sa kanya kung gagawin yun ni Philemon. Pero he was acting on behalf of another, na gagawin niya ang lahat ng magagawa niya, lahat ng paraan, para lang sabihin kay Onesimus, “I got your back. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para sa ‘yo!” Ganyan kasi ang partnership in the gospel, merong pananagutan sa isa’t isa. Hindi sarili lang ang iniisip. Ang tanong kay Philemon ngayon, Gagawin mo ba ang lahat ng dapat gawin for the sake of our partnership in the gospel?
Kumpiyansa: sa pagsunod bilang nararapat na tugon (21-22)
Yun naman ang kumpiyansa ni Paul, sa pagsunod ni Philemon sa sinasabi niya bilang nararapat na response. “Lubos akong naniniwala na gagawin mo ang hinihiling ko sa sulat na ito, at maaaring higit pa rito” (v. 21). Hindi lang yung bare minimum para ipakita na cooperative at responsive siya, but even more! At si Pablo mismo gusto niyang ma-witness kung how these things will work out kaya siya mismo ay pupunta kay Philemon kapag nakalaya na siya—hindi lang natin alam kung natuloy nga— “Ipaghanda mo rin ako ng matutuluyan sapagkat umaasa akong loloobin ng Diyos na ako’y makabalik diyan, gaya ng inyong idinadalangin” (v. 22).
Panghuling Pagbati (23-25)
Hindi lang si Paul ang naghihintay kung ano ang gagawing response ni Philemon sa sulat na ‘to. Marami pang iba. Kaya binanggit niya sa huling pagbati niya, “Kinukumusta ka ni Epafras na kasama kong nakabilanggo dahil kay Cristo Jesus. Kinukumusta ka rin nina Marcos, Aristarco, Demas, at Lucas, na mga kasama ko sa gawain” (vv. 23-24). Magkakasama sila hindi lang para bantayan si Philemon, kundi para ipanalangin siya. “Nawa’y sumainyo (hindi lang “sumaiyo,” meaning prayer for the whole church) ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo” (v. 25). Buong church tulung-tulong para magkaroon ng pagkakasundo at para mapanatili ang pagkakaisa sa loob ng church—“eager to maintain the unity of the Spirit in the bond of peace” (Eph. 4:3).
Mula simula ng sulat hanggang sa dulo, pansinin mo kung paanong nakakabit kay Cristo ang lahat ng ito. Ang pagkakabilanggo ni Paul ay dahil kay Cristo (vv. 1, 9) at sa gospel (v. 13). Ang gagawin ni Philemon ay alang-alang kay Cristo (v. 6). Ang authority ni Paul ay nakay Cristo (v. 8). Ang bagong relasyon na meron si Philemon at Onesimus ay magkapatid dahil kay Cristo (v. 16). Ang pakiusap ni Paul na gawin para sa kanya ni Philemon ay “in the Lord…in Christ” (v. 20). At magagawa lang niya ang lahat ng ito dahil sa biyaya ng Panginoong Jesu-Cristo (vv. 3, 25).
Application: Displaying the Gospel in Conflicts
Kapag tinitingnan natin ang dynamics nitong sina Onesimus (siya ang may kasalanan), Philemon (sa kanya nagkasala si Onesimus), at Paul (siya ang tagapamagitan o peacemaker), hindi ba’t napakagandang salamin ito ng gospel? Napakalaki ng atraso, utang, at kasalanan natin sa Diyos. Dahil sa kasalanan, nahiwalay tayo sa kanya. Hindi natin kayang bumalik sa sarili natin. Kailangan natin ng isang mediator. ‘Yan naman ang gospel message na inaalala natin ngayong Christmas season. Ang Diyos mismo ang gumawa ng paraan para ipadala ang kanyang Anak, na ginawa ang lahat ng dapat gawin, ibinigay ang buhay niya, inako ang mga utang natin at sinabi, “Ako ang magbabayad!” Para ano? Para ipagkasundo tayo sa Diyos, ibalik tayo sa Diyos, na siyang rightful Owner at Master ng buhay. By putting your faith in Jesus, wala ka nang atraso, burado na ang utang mo. Hindi lang yun, ang turing sa ‘yo ng Diyos ay tunay na anak tulad ng kanyang bugtong na Anak na si Jesus.
Sabi ni Paul Tripp sa kanyang Advent devotional na (Come, Let Us Adore Him):
Sin has broken the most important relationship in all of life, the relationship between people and their Creator. This separation alters everything in each of our lives. That’s why it is so wonderful and encouraging to know that Jesus came to earth to be the Prince of Peace. Through his life, death, and resurrection, he would make peace between God and us. By his righteous life, he would earn our acceptance with God and purchase our right to be God’s children. It is this vertical peace that then allows us to live in peace and harmony with one another.
Itong good news of the gospel—the peacemaking, reconciling grace of God through Christ—ang kailangan natin para maayos at mapaganda ang mga relasyon natin sa isa’t isa. This Christmas season, meron tayong napakagandang pagkakataon hindi para i-display yung mga Christmas decors, o kung gaano tayo kagalanteng magregalo, o yung mga bagong damit at sapatos natin. More importantly, para i-display itong reconciling power of the gospel sa buhay natin. Sa anu-anong paraan?
Sa paghingi ng kapatawaran (repentance)
Tulad ni Onesimus. Kailangan niyang humingi ng tawad at amining nagkasala siya. Kung hanggang ngayon, unbeliever ka pa rin, ito na ang pagkakataon para aminin mo ang kasalanan mo sa Diyos, humingi ka ng tawad sa kanya, sumampalataya kay Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas. At kung meron ka mang kasalanan sa asawa mo, sa mga anak mo, sa mga magulang mo, o sa mga kapatid mo sa Panginoon, humble yourself, aminin mo ang kasalanan mo, humingi ka ng tawad. At kung nahihirapan ka man, humingi ka ng tulong sa iba. Kanino ka may atraso? Kanino ka dapat humingi ng tawad? Paano mo pa maidi-display ang gospel?
Sa pagbibigay ng kapatawaran (forgiveness)
O baka ikaw ang naagrabyado tulad ni Philemon. Meron ka sigurong kinikimkim na sama ng loob hanggang ngayon. Sino ang kailangan mong patawarin at pagpakitaan muli ng pag-ibig bilang kapatid kay Cristo? O baka hirap ka pa ring magpatawad? Alalahanin mo kung paano ka pinatawad ng Diyos gayong napakalaki ng atraso mo laban sa kanya. Magpatawad tulad ng pagpapatawad sa ‘yo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo (Eph. 4:32). Kung nagpapatawad ka sa kabila ng malaking atraso sa ‘yo, at ginagawan mo pa ng mabuti ang nagkasala sa ‘yo sa halip na gantihan, binibigyang-patunay mo na totoo nga ang gospel na sinasabi mong pinaniniwalaan mo. Pero kung hindi, why would you expect na maging believable ang gospel sa mga unbelievers? Sa anong paraan pa madi-display ang reconciling power of the gospel?
Sa pagtulong sa iba na magkasundo (peacemaking)
Tulad ni Paul. Nabalitaan mo na merong hindi magkasundo dito sa church? Na merong mga members na hindi umaattend kasi ayaw makita o makausap yung iba dito sa church. Ano ang gagawin mo? Deadma lang na parang walang problema? O ipapaubaya na lang sa mga elders ng church? O tutulong sa anumang paraan na makakaya mo, sa tulong ng biyaya ng Diyos siyempre, para ipagpray anuman ang issue, para makausap ang mga dapat kausapin, para madalaw ang mga dapat dalawin, para mapaalalahanan ang mga dapat paalalahanan, para mahikayat na magsisi ang dapat magsisi, na magpatawad ang dapat magpatawad.
Relationships are messy, kahit na sa church na isang pamilya ng mga magkakapatid kay Cristo. Pero sa ganitong messiness ng relationships, mas lalong kumikinang ang ganda ng magandang balita ni Cristo—lalo na kung ang mga dating magkaaway ay nagkakasundo at nagmamahalan. That is the gospel at work in the life of the church. And it is so beautiful to see.