A Gap Between Our Passion for the Gospel and Our Passion for Godliness
We as a church love the gospel. We love the preaching of the gospel. Yun ang prayer natin palagi na magpatuloy na maging passion ng church natin—a passion for the gospel of Jesus Christ. Pero yung passion na yun ang prayer din natin na maging passion natin for godliness o yung matuwid, tama at banal na pamumuhay. Sabi ni Kevin DeYoung, “There is a gap between our love for the gospel and our love for godliness. This must change” (The Hole in Our Holiness, 21). That is why we pray. That is why we keep preaching the Word. Kaya ang sermon series natin sa mga letters ni Paul ang title ay “The Gospel for Life.” At ito rin naman ang malaking contribution sa atin ng letter ni Paul kay Titus. Sa maikling sulat na ‘to ipapakita sa atin ni Pablo na hind pwedeng paghiwalayin yung passion for the gospel and passion for godliness.
Kasama yung 1 and 2 Timothy, itong Titus ay tinatawag rin na pastoral epistle dahil isinulat sa isang pastor unlike yung ibang sulat niya na directed sa mga churches. Pero malamang na kasabay ito ng 1 Timothy dahil sa similarities ng mga tema nito, at yung 2 Timothy ang huling sulat niya bago yung execution niya. Para ito kay Titus specifically, “To Titus, my true child in a common faith” (Tit. 1:4). Di natin alam kung paanong si Tito, na isang Griyego, ay nakakilala kay Cristo. Maaaring si Paul ang nagshare ng gospel sa kanya. Tawag niya kay Tito, “my true child.” Ganito rin naman ang turing niya kay Timoteo (1 Tim. 1:1), na nakilala niya na isang mananampalataya na. Si Paul man o hindi ang nagshare ng gospel sa kanya, makikita natin ang parental love and responsibility niya kay Titus. Sa mga paglalakbay niya, sinasama niya si Titus, sinasanay sa mabuting gawa, at talaga namang naging kapaki-pakinabang sa kanya (ayon sa 2 Cor. 7:6, 13-14; 8:6, 16). Kaya tinawag siya ni Paul na “my partner and fellow worker for your benefit” (2 Cor. 8:23).
At dito sa letter ni Paul kay Titus, sinabi niya sa Titus 1:5 na iniwanan siya ni Paul sa Crete para ayusin ang ilang mga problema sa church dun. Wala naman tayong mababasa sa Book of Acts na nagpunta dito si Paul. Posible na pagkatapos ng release niya sa prison ay nagpunta siya dito. O kaya naman ay meron nang mga churches dun, at bumisita siya kasama si Titus. So merong kailangang ayusin si Titus sa church. At hindi lang ito para sa kanya, kundi intended rin na basahin ng buong church, kaya sa dulo ng letter, “Grace be with you all” (3:15).
The Gospel and Godliness throughout Titus
At isang problema na kailangang i-address sa church nila, at sa atin din ngayon, ay yung gap between our passion for the gospel and our passion for godliness. And to bridge that gap, yung ang paulit-ulit na emphasis na lumulutang sa bawat section ng letter na ‘to.
Sa introduction pa lang niya (1:1-4)—na ang haba ay parang sa Galatians—hindi lang niya ipinakilala kung sino ang sumulat at sino ang sinusulatan. Gospel na agad na konektado sa godliness, “knowledge of the truth, which accords with godliness” (v. 1).
Sa section naman tungkol sa pag-appoint ng mga elders sa church (1:5-9), hindi lang nila dapat matibay na pinanghahawakan yung gospel (“hold firm to the trustworthy word as taught,” v. 9). Dapat ang buhay nila ay kakikitaan rin ng exemplary godliness (vv. 5-8).
At sa responsibility naman ng mga elders na i-rebuked ang mga mali ang katuruan at mali ang pamumuhay (1:10-16), ito kasi ang problema ng mga false teachers sa Crete, “They profess to know God, but they deny him by their works” (1:16). Hindi matched yung doctrine nila sa life of ungodliness, “unfit for any good work” (v. 16). Kaya kailangan silang sawayin, “that they may be sound in the faith” (v. 13). Yung salitang sound ay galing sa Greek na hygiano (kung saan galing ang English word na “hygiene.” Ang healthy doctrine ay hindi lang tungkol sa tamang doktrina, kundi tamang pamumuhay. Yung word na ‘to ay nabanggit na rin sa ibang pastoral epistles, pero mas prominente dito sa Titus.
Sa sumunod na section naman (2:1-10), sinabihan ni Paul si Timothy na ganito ang trabaho niya bilang pastor, in contrast sa mga false teachers, “Teach what accords with sound (healthy) doctrine” (2:1). “What accords,” kung ano ang fitting o “angkop” (MBB). O sakto, o nakakabit, o swak. Hindi niya sinabi dito na ituro ang “sound doctrine,” although siyempre kasali yun, pero kung ano yung buhay na nakakabit sa sound doctrine.
Sa sumunod na section (2:11-15) ay nagbigay siya ng basis o reasoning kung bakit ganun dapat ang pamumuhay ng mga members ng church. Then he talked about the gospel at yung purpose ng ginawa ni Cristo sa krus. Hindi lang para maligtas tayo at makarating sa langit kapag tayo ay namatay na, but “training us to renounce ungodliness…to live…godly lives in the present age” (v. 12).
Sa last section ng body ng letter niya (3:1-10), yung mga exhortations to do good works ay connected with “the goodness and loving kindness of God our Savior” (v. 4). Yung sinabi niya sa verse 8 na ang simula, “The saying is trustworthy…” ay isang creedal formula tulad ng1 Timothy 1:15 (“The saying is trustworthy and deserving of full acceptance, that Christ Jesus came into the world to save sinners, of whom I am the foremost.”) Pero dito sa Titus 1:8, hindi lang tungkol sa doktrina na dapat paniwalaan, but about godly living, “The saying is trustworthy and I want you to insist on these things, so that those who believed in God (doctrine) may be careful to devote themselves to good works (godliness)” (v. 8).
At maging sa panghuling pagbati (3:11-15), nandun pa rin yung emphasis na hindi lang si Titus ang maging passionate for godliness and good works, kundi yung buong church, “Let our people learn (hindi lang mag-aral ng doktrina, but) to devote themselves to good works” (v. 14). Yung passion natin for the gospel must be matched with our passion for godliness, hindi pwedeng mapag-iwanan yun. Kaya nga sinasabihan ni Paul si Titus na ito ang matapang na ituro sa buong church, “Declare these things; exhort and rebuke with all authority. Let no one disregard you” (2:15, at sa iba pang summary exhortations sa 1:13; 2:1, 7-8).
A People Passionate for Godliness
We must be a people passionate for godliness.
Zealous, ready, and devoted (2:14; 3:1, 8, 14)
Ibig sabihin ng passionate ay “masigasig” (MBB) o “zealous” (ESV). Ito naman yung purpose ng pagliligtas sa atin ni Cristo, “to purify for himself a people for his own possesssion who are zealous for good works” (2:14). Mainit sa paggawa ng mabuti. Hindi mo na kailangang pilitin pa. A passion for good works is a passion for God who owns us. It is not easy kapag hindi “good” ang mga tao sa paligid natin, kaya kailangan nating laging maging “ready for every good work” (3:1). Dapat laging “handa” tulad ng motto ng mga Boy Scouts. Sa lahat ng panahon, sa lahat ng pagkakataon. May intentionality na i-apply yung gospel na pinaniniwalaan natin, “careful to devote themselves to good works” (3:8, also v. 14). Pinag-iisipan, pinagpaplanuhan, ginagawan ng aksiyon, at hindi puro salita lang.
As citizens (3:1-2)
Yung passion natin for godliness, yung devotion natin sa good works ay dapat nakikita sa roles na ginagampanan natin bilang mga mamamayan ng bansang ito. Paalala ni Pablo kay Tito para sa mga Christians sa Crete, “Paalalahanan mo ang mga mananampalataya na magpasakop at sumunod sa mga may kapangyarihan. Kinakailangang lagi silang handa sa paggawa ng anumang mabuti” (3:1 ASD). Inuna niya dito ang ugali natin pagdating sa gobyerno. Whether we like the government or not, we must submit. Kahit di kumportable sa atin ang pagsunod sa batas, dapat sumunod tayo at magpasakop.
Natural sa atin, we do good to those who are good to us; pero sa mga gumawa ng masama laban sa atin, ibang usapan na. Pero sabi ni Paul sa verse 2, “Huwag nilang siraan ang sinuman, at huwag silang maging palaaway, sa halip, dapat silang maging maunawain at mapagpakumbaba sa lahat.” Oh! Really? Yes! We treat others not in response to how they treated us; but according to how God wants us to treat them.
Church members (2:1-10)
Yung passion natin for godliness ay dapat makita rin sa pagiging member natin ng church. Sa simula ng chapter 2, nagbigay siya ng specific instructions kung paano iyon maipapakita sa buhay ng mga miyembro ng church. Lahat ay kasali dito—bata, matanda, lalaki, babae, pati ang mga slaves na kabilang sa household nila noon. So, instruction ito sa family or household. Dapat ang faith natin ay nakikita rin sa loob ng bahay. At kahit matanda na, kailangan pa rin ng instruction. Walang exempted kung pag-uusapan ang need for maturity to godliness. Wala sa atin ang naka-arrived na sa spiritual maturity.
Ano ang ituturo sa kanila? Ang focus ng sinasabi ni Pablo dito ay hindi doctrines but application of doctrine. Mahalaga ang doctrine siyempre. Pero walang kuwenta ang marami mong alam kung di naman ito bumabago sa buhay mo. At hindi lang godly in appearance ang focus dito ni Paul, but really godly. Not just “saints” in church, but also in the home and outside the church. Mas totoo tayo sa loob ng tahanan kaysa sa loob ng simbahan. Limang kategorya ng mga miyembro ang tinutukoy niya dito, ibig sabihin kasali lahat. Older men—dapat “sound in faith, in love, and in steadfastness” (v. 2). Older women—dapat ay “reverent in behavior” (v. 3). Younger women, younger men—dapat “self-controlled” (vv. 5, 6). At pati mga slaves—“showing all good faith” (v. 10). Ang point? Ito yung godliness na nakakabit sa “sound doctrine” (v. 1).
Church elders (1:5-9)
At sino ang mga dapat manguna sa ganitong passion for godliness? Yung mga elders/pastors ng church. Kaya sabi ni Paul kay Titus, “Show yourself in all respects to be a model of good works, and in your teaching show integrity” (2:7). Ang isang pastor ay dapat na nagtuturo ng tamang doktrina (passionate for the gospel) at nagpapakita ng halimbawa ng lumalagong kabanalan, hindi perpekto pero merong passion to grow in godliness. Kaya ito rin yung emphasis ng qualifications ng mga elders na dapat piliin sa church sa 1:5-9, godly living din ang emphasis not just knowledge of doctrine or skills sa ministry.
Kapag pag-aaralan mo ang Bibliya, pansinin mo kung ano ang binibigyang diin ng sumulat. Oo, mahalaga na tama ang doktrina na pinaniniwalaan at itinuturo. Pero pansinin mo na ang diin ni Pablo ay nasa verses 6–8 dahil mas mahaba ang inilaan niya na pag-usapan ang tungkol sa character qualifications ng isang elder, higit pa sa kanyang kaalaman o kakayahan sa ministeryo. The main issue here in ministry leadership is gospel integrity. Ibang-iba ito sa business world na pangunahin ang education, expertise at experience. Na nakuha naman ng maraming mga churches na ang hinahanap na mga leaders ay ang edukado, mga businessmen, at experts.
Mahalaga naman ang kaalaman at kakayahan. Kaysa naman may leader tayo na walang alam at kulang sa kakayahan. Pero higit na mahalaga ang gospel integrity. At kung ang ministry natin ay gospel ministry, kaming mga elders ay dapat may buhay at katangian na nagpapakita na totoo ang gospel sa buhay namin. Elders are gospel men. Elders are also godly men. Elders are men of integrity.
Ang basic definition ng “integrity” ay “moral uprightness.” Mas binibigyang halaga dito ang katangiang tulad ni Cristo. Bakit? Because in our ministry we represent Christ. At kung ang itinuturo natin ay Mabuting Balita, dapat nakikita ito sa buhay natin. Dahil kung hindi, mapipintasan nila ang itinuturo natin. To summarize yung concern ni Paul sa integrity ng mga elders, ang ginamit niyang word ay “above reproach.” Sa ASD, “magandang reputasyon.” Sa MBB, “walang kapintasan.” Hindi lang isang beses binanggit, kundi dalawa. Verse 6 at verse 7. Kapag magbabasa ka ng Bible, at may inulit ang author na kasasabi lang niya, ibig sabihin mahalaga, yun ang emphasis niya.
Ano ba ibig sabihin ng “above reproach” or “blameless”? Hindi ibig sabihing wala nang kasalanan! Wala pang glorifed, sinless, perfect pastor. Si Jesus lang yun! Sabi sa notes ng ESV Study Bible, “…there should be no legitimate accusation that could be brought against the elder that would bring disrepute on the gospel or the church; his life should be seen as worthy of imitation.” Makikita sa buhay ng isang elder na siya’y dapat tularan at ang itinuturo niya ay di dapat mapipintasan.
Church discipline (1:10-16; 3:9-11)
At bilang isang responsableng magulang, hindi lang dapat ituro kung ano ang tama, dapat sawayin din at ituwid kung ano ang mali—kung may maling paniniwala o maling pamumuhay. Ganun din ang responsibility ng mga elders na ibinilin ni Paul kay Titus, “maipakita ang kamalian ng mga sumasalungat dito (sa Mabuting Balita ni Cristo)” (Tit. 1:9). Sa ASD, “maituwid.” Dito sa sumunod na talata sa 1:10–16, ipapakita ni Pablo kay Titus kung gaano kahalaga ang pagsaway sa mali. May maling katuruan. May maling paniniwala sa paraan ng pamumuhay. “Rebuke them sharply” (v. 13). Kapag may mali, dapat itama. Kapag may mali, may problemang dapat bigyan ng solusyon. Di dapat balewalain, di dapat i-deny, dapat harapin, dapat seryosohin. Ito rin ang tungkulin ni Titus, “Ituro mo sa kanila ang mga bagay na ito. Gamitin mo ang iyong kapangyarihan sa paghimok at pagsaway” (2:15 ASD); “Pagsabihan mo ang taong sumisira sa inyong pagkakaisa” (3:10). Responsibilidad ng mga elders at pastors at mga spiritual parents ang pagsaway at pagtutuwid sa maling paniniwala at sa maling pamumuhay. At kung walang repentance, nauuwi ito sa pagtitiwalag o excommunication (“have nothing more to do with him,” v. 10). If we are a church passionate for godliness, dapat seryosohin natin ang church discipline.
A People Passionate for the Gospel
At dahil nga magkakabit ang passion for godliness at passion for the gospel, sa bawat chapter din sa Titus ay makikita natin na paulit-ulit si Paul na kino-connect sa gospel yung mga exhortations niya about godliness and good works.
Salvation not by works but by grace through Christ (3:3-7)
Sa chapter 3, ipinaalala kung ano ang basehan ng Diyos sa pagliligtas sa atin. Hindi dahil mas mabuti tayo kaysa sa ibang tao, hindi dahil may nakita ang Diyos na katangian natin na nagustuhan niya, kundi dahil sa katangian ng Diyos, dahil ang Diyos ay mabuti at mapagmahal. Katulad lang din naman tayo ng mga unbelievers nung dati—“Sapagkat noong una, tayo rin ay kulang sa pang-unawa tungkol sa katotohanan at mga masuwayin. Nilinlang at inalipin tayo ng lahat ng uri ng kahalayan at kalayawan. Naghari sa atin ang masamang isipan at pagkainggit. Kinapootan tayo ng iba, at kinapootan din natin sila” (3:3 ASD). We are saved not because of who we are or what we have done but because of who God is. Sa verse 5, “iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi dahil sa kanyang awa.”
Christ our Savior: incarnation, atonement, return (2:11-14)
Paano tayo iniligtas? Sa pamamagitan ng gawa ni Cristo. Sa 2:11-14, ipinaaalala ni Paul yung gospel na siyang nagmomotivate sa atin to pursue godliness. Yung “the grace of God has appeared” (v. 11) ay tumutukoy sa unang pagdating ni Cristo, yung incarnation, yung Anak ng Diyos na nagkatawang-tao, yung dahilan why we celebrate Christmas. Jesus came to bring “salvation for all people” (v. 11). Ibinigay niya ang sarili niyang buhay para tubusin tayo sa mga kasalanan natin—“he gave himself for us to redeem us…” (v. 14). At si Cristo na namatay, muling nabuhay, umakyat sa langit, ngayon ay nakaupo sa kanan ng Diyos, ruling and interceding for us, at isang araw siya ay muling babalik. We are “waiting for our blessed hope, the appearing of the glory of our great God and Savior Jesus Christ” (v. 13).
Anchored in God’s eternal promises (1:1-4)
Yung “our blessed hope” na ‘to (2:13) ay yung pagbabalik ni Cristo. Yun ang pinaka-inaasahan natin. Ito rin yung tinutukoy sa chapter 3, “the hope of eternal life” (3:7). Hindi lang yung masarap na buhay na wala nang hirap, but Christ himself. Jesus is our life! At sigurado tayo dito kasi binanggit din ito sa simula, “in hope of eternal life, which God, who never lies, promised before the ages began” (1:2). In time, in history, dumating si Cristo, narinig natin yung gospel, naligtas tayo. Pero lahat ng yun ay naka-anchor sa eternal promises ng Diyos. Ibig sabihin, wala pa ang lahat (“before the ages began”), nasa plano na ng Diyos na iligtas tayo at dalhin kay Cristo for all eternity. At kung ano ang plano ng Diyos isasakatuparan niya. That is the assurance na meron tayo sa gospel. At titiyakin din ng Diyos na as we grow deeper into the gospel, we also grow in our godliness.
Gospel-Empowered Godliness
Ngayong nakita natin kung ano ang ibig sabihin ng passion for godliness at passion for the gospel, tingnan ngayon natin kung ano ang koneksyon nitong dalawa. Sa verse 1 binanggit na na konektado ito pero hindi pa malinaw yung connection. Although sa NIV, “knowledge of the truth that leads to godliness.” At implied naman yun sa context ng Titus. Gospel-driven, gospel-motivated, gospel-empowered, yung true godliness. Ibig sabihin, we will not grow in godliness without growing deeper into the gospel.
Look for transitional markers like “for” (2:11; 3:3)
Tingnan mo yung transitional marker na “for” (sapagkat/dahil) na nagdudugtong sa mga exhortations sa 2:1-10 sa paalala kung ano ang gospel sa 2:11-14 (“For the grace of God has appeared…”), at yung exhortations sa 3:1-2 sa paalala kung ano ang gospel sa 3:3-7 (“For we were ourselves were once…ganito tayo dati…but when the goodness and lovingkindness of God our Savior appeared…”). Ibig niyang sabihin, ito ang dahilan—this gospel—kung bakit we pursue godliness, kung bakit we devote ourselves to good works. Because of the gospel. So, gospel-driven, gospel-motivated ang pursuit natin ng buhay nang may kabanalan.
The life-transforming power of the gospel (2:12-14)
Clearly, we need the power of the gospel for our transformation. Verse 12, ano daw ang ginagawa ng gospel of grace sa buhay natin ngayon? “training us to renounce (say no!) to ungodliness and wordly passions, and to live self-controlled, upright and godly lives in the present age.” Yes, change is difficult and impossible for us. But not with God. With God, all things are possible. The grace of God is “training us…” From the Greek paedeia, o pagpapalaki o pagdidisiplina sa isang bata. The gospel trains us, disciplines us, helps us, gives us power to live godly lives. Ang kailangan natin ay hindi “more law, more commands, more lists of do’s and don’ts”; what we need is more of the grace of God. Ang grace ng Panginoon ay hindi lisensya para tayo’y magpatuloy sa kasalanan. Ito ang kapangyarihan ng Diyos na kailangan natin upang matalikuran natin ang kasalanan at makapamuhay nang may kabanalan. God’s saving grace is God’s training grace. Grace saves us from sin; grace also trains us to say no to sin and to say yes to God.
Gospel-Magnifying Godliness
So far nakita natin na ang koneksyon ng gospel sa godliness ay ito, the gospel empowers to live godly lives. Yung godliness ay nanggagaling sa power of the gospel at work sa heart natin. But Paul was saying something more. He wants to emphasize our purpose or motivation in pursuing godliness in the Christian life. Mahalaga ‘to kasi kung titingnan mo nga naman, meron din namang mga non-Christians na mukhang godly. Minsan nga may narinig akong isang nanay ang sabi, “OK na rin na non-Christian ang boyfriend ng anak ko. Mabait naman. Mas mabait pa nga sa mga Christians.” Posible kasi sa panlabas makita ang appearance of godliness. Pero ang pinagkaiba natin ay ang motivation, para saan, para kanino ang ginagawa natin. Mas mahalaga ang inner transformation, kaysa outward behavioral modification.
Three purpose clauses: “so that” (2:5, 8, 10)
May tatlong purpose clauses dito sa passage natin, nagsisimula sa “so that” (upang/para). Verse 5, ang layunin bakit ang mga younger women ay dapat mamuhay na may kabanalan, “that the word of God may not be reviled.” Ang layunin ng buhay natin ay para maipakita ang kagandahan ng salita ng Diyos, hindi mapintasan, at masabing wala namang power, wala namang pinagkaiba, wala namang dulot na pagbabago. Meron namang iba kasi na maayos nga ang pamumuhay kasi ayaw na sila ay mapintasan. Sarili rin ang primary concern. But for us, we are more concerned about what people will say about the gospel or how people will see the gospel.
Verse 8, ano ang layunin bakit kailangang si Titus ay maging mabuting halimbawa at kakitaan ng integridad sa pagtuturo? “So that an opponent may be put to shame, having nothing evil to say about us.” Christians tayo, we represent Jesus. When they speak evil about us, they speak evil about the Lord we represent. Hayaan mo silang magsalita ng masama kung mabuti naman ang ginagawa natin. Pero kung masama ang ginagawa natin, we are bringing shame on the name of Jesus. Mas mahalaga sa atin hindi ang sarili nating reputasyon, kundi ang reputasyon ng Panginoong Jesus.
Verse 10, ito naman ang purpose kung bakit dapat ang mga slaves ay maging masunurin, at para din naman sa lahat sa atin, “so that in everything they may adorn the doctrine of God our Savior” (2:10). Ang tawag ni Paul sa gospel sa verse na ‘to ay “the doctrine of God our Savior.” ‘Yan ang tinuturo natin sa iba. Pero dapat makita sa buhay natin. Ang buhay natin ay nagsisilbing palamuti o make-up para makita ang kagandahan ng Magandang Balita. To adorn, galing sa salitang kosmeo, kung saan galing ang word natin na cosmetics. Likas nang maganda ang Good News. Hindi tulad ng iba na ginagamitan ng makeup para matakpan ang mga di magandang bahagi ng mukha. Sa gospel iba, walang peklat, walang kulubot, it is really good. Kaso di nakikita ng iba ang kagandahan nito.
‘Yan ang dahilan bakit magsisikap tayo sa paggawa ng mabuti. Kasi? When we do bad, we make the Good News look bad. When we do good, we make the Good News look really good. Hindi natin pinapaganda ang gospel. Likas nang maganda yun. Ang ginagawa natin ay ipinapakita ang kagandahang ito sa mga tao, hindi lang sinasabi. We show people that the gospel is really good! ‘Yan ang kaibahan natin sa iba. Ang iba nagsasabing naniniwala sila sa Diyos, but deny God by their works (1:16). Tayo itinuturo natin ang salita ng Diyos, and we glorify God by our works (Mat. 5:16). Ang buhay na may nakikitang kabanalan ay nagpapakita ng kagandahan ng Magandang Balitang ating pinaniniwalaan.
Dati naman, kahit di pa tayo Christians, nagsisikap tayong gumawa ng mabuti. Pero sa isip natin, kapag gumawa kasi tayo ng masama, “Ano na lang ang sasabihin nila sa akin? Baka mapitansan ako.” Ngayon naman, yes we are saved by grace not by works, pero nagsisikap pa rin na gumawa ng mabuti. Hindi para maligtas. Kundi para bigyang karangalan ang Diyos. O kung magturo man tayo sa iba, sa anak halimbawa. Dati sinasabi natin, “Anak, wag mong gagawin iyan. Ano na lang ang sasabihin ng mga kapitbahay?” Reputasyon natin ang hangarin natin. Pero ngayon iba na. Our greatest concern is the gospel of Jesus.
Discipleship: Gospel + Godliness
So, dalawang connections ang nakita natin tungkol sa gospel at godliness.
Main idea: Namumuhay tayong may kabanalan dahil sa at sa pamamagitan ng Mabuting Balita (gospel-driven or gospel-empowered godliness). Namumuhay din tayong may kabanalan para sa Magandang Balita (gospel-magnifying godliness).
Ang ganitong klaseng buhay ay hindi natural sa atin. Pero posible at siguradong mangyayari dahil sa kapangyarihan ng Diyos at work in our hearts sa pamamagitan ng Holy Spirit applying the gospel sa heart natin. Pero siyempre, meron tayong gagawin. Patuloy na mag-aaral bilang mga disciples. Yun naman ang ibig sabihin ng discipleship, mga estudyante ng Panginoong Jesus na nag-aaral at nagsasanay. Sa discipleship na ‘to…
Ano ang dapat na matutunan? Devotion to good works (3:14).
Dito nagtapos si Paul sa sulat niya, “Let our people learn to devote themselves to good works…” (3:14). Yung “learn” ay galing sa salitang katumbas ng salita na ginagamit natin sa “disciple.” Dapat sanayin natin ang sarili natin na magpatuloy sa paggawa ng mabuti, at mangyayari ito kung mas lalalim tayo sa mabuting balita ni Cristo. Pero siyempre hindi natin kaya na mag-isa.
Paano masasanay? Through the preaching of the gospel (1:3; 2:12) na pinangungunahan ng mga elders (1:9) at pinagtutulung-tulungan ng mga members (2:4).
Ang pursuit of godliness in the Christian life ay hindi solo act. Yes, may personal responsibility tayo sa sarili natin. But we are one church, one family, tulung-tulong tayo. Si Paul bilang apostol patuloy sa preaching of the gospel (1:3), pati dito sa sulat niya. Si Titus dapat turuan ang mga church members (“teach…”, 3:1). Kaming mga elders ang nangunguna sa pagtuturo (1:9). Ang mga older women, “teach what is good” (2:3). Sa verse 4 naman, pinagdugtong ang sinabi tungkol sa older women at younger women ng “and so train…” Sanayin, idisciple ang nakababata. Verse 6, sabi kay Titus, “Urge the younger men…” Hindi naman kaya ni Titus na siya lang. Ang implication din, kailangang itong mga elders at older men, i-disciple ang mga younger men.
Yes, tiyakin nating tayo’y namumuhay na may kabanalan, sumusunod kay Cristo. Yan ang pagiging disciple. Pero may pananagutan din tayo sa isa’t isa. Kaya? Turuan natin ang bawat isa na mamuhay na may nakikitang kabanalan. Na matulungan din silang sumunod kay Cristo. ‘Yan naman ang disciple-making. Tulung-tulong tayo sa paglago, sa paglago para mas maging malalim sa gospel, sa paglago para may makapamuhay na tulad ni Cristo. Hindi kanya-kanya. Kundi tulung-tulong. Kung ikaw ay isa sa mga matatanda sa church, wag mong iiwasan ang mga nakababata. Turuan mo sila. Kung ikaw naman ay isa sa mga nakababata, wag mong iiwasan ang mga matatanda, hayaan mong sila ang mag-disciple sa inyo. Kailangan natin ang isa’t isa.