Problem with Lack of Vision of God
Last week, sa simula ng pag-aaral natin about “Seeing God: A Life-Transforming Vision of God,” nakita natin sa witness ng Scripture na wala tayong kakayahang makita ang Diyos, at hindi natin kakayanin kung ipapakita niya ang sarili niya nang lubusan sa atin. Kung ipapahayag niya ang sarili niya, yun ay bahagi lamang ng pagka-Diyos niya, at sa paraang kakayanin natin, ayon na rin sa kakayahang bigay niya sa atin. Dahil sa kasalanan, bulag tayo sa katotohanan tungkol sa Diyos. At hindi lang yun, we “loved the darkness rather than the light” (John 3:19). Pero sa awa ng Diyos, binuksan niya ang mga mata natin through the life-giving, eye-opening power of the Holy Spirit para makita natin ang kaningningan ng kadakilaan niya “in the face of Jesus Christ” (2 Cor. 4:6).
This same image, this vision of the glory of Christ, “beholding the glory of the Lord,” ‘yan ang paraang ginagamit ng Diyos na siyang “unti-unting bumabago sa atin hanggang tayoʼy maging katulad niya” (2 Cor. 3:18). Nagtapos ako last week sa pag-eexhort sa inyo na bigyang atensyon ang Salita ng Diyos, ang Bibliya. Kasi hindi mo makikita kung sino ang Diyos, kung sino si Cristo, kung hindi mo papakinggan kung ano ang sinasabi niya tungkol sa sarili niya at sa mga ginawa niya. Makikita mong mabuti ang Diyos kung makikinig kang mabuti sa Salita ng Diyos.
Kailangan nating tingnan nang mabuti ang Diyos kasi natural tendency natin ay tingnan ang sarili natin, at tingnan ang iba pang nilikha ng Diyos sa halip na tumingin sa Diyos na lumikha sa atin. Even sa practices natin bilang mga Cristiano in our effort na lumago sa buhay Cristiano at maging actively involved sa ministry and mission of the church, yan ang problema natin. Ayon kay John Webster, nadudungisan lang yung gawaing Cristiano natin dahil sa sobrang atensyon natin sa sarili natin (“self-absorption”), sobrang kumpiyansa sa magagawa natin “for self-realization,” at yung pagiging aligaga sa sarili nating performance. Paano maitatama itong ganitong problema? Sabi ni Wesbter, isang solusyon ay yung “attention to Christian teaching about God’s being and works, for such teaching draws the mind away from preoccupation with Christian practice and invites contemplation of God.”
Contemplation of God, encounter with God, fixing our eyes on God. Itong ang unang-unang kailangan natin ngayon. Paano mo makikita ang laki ng kasalanan mo at pangangailangan mo ng Tagapagligtas kung hindi mo makikita ang kabanalan ng Diyos? Paano ka magiging tulad ni Cristo kung hindi mo naman nakikita kung sino siya—kung paano siya magmahal sa Diyos, kung paano siya magmahal sa ibang tao, kung paano siya maglingkod? Paano mo masasabi sa ibang tao kung sino ang Diyos kung hindi mo naman siya lubos na nakikilala?
Convincing ba kung sasabihin mo sa ibang tao na, “Panoorin n’yo yung movie na yun sa Netflix, maganda raw!” Hindi ba’t mas convincing kung sasabihin mo, “Panoorin n’yo, maganda, kasi napanood ko, napakaganda nga!” O, “Tikman n’yo yung Korean Buns na binebenta ng kapatid ko, masarap daw!” Di ba’t mas convincing kung, “Tikman n’yo, ang sarap, natikman ko!” Masasabi mo lang sa mga tao na “Taste and see that the Lord is good,” kung ikaw mismo ay nakita mo at naranasan mo ang kabutihan ng Diyos.
Prophet Isaiah, King Uziah and the King of Kings
Ganito ang nangyari kay Isaiah sa Isaiah 6. Ang problema kasi ng Judah, hindi nila talaga kilala kung sino ang Diyos. Sabi ng Diyos, “Israel does not know, my people do not understand” (Isa. 1:2). Dahil dun, “itinakwil…nilait…tinalikuran” nila ang Diyos, “the Holy One of Israel” (v. 4). Kaya bago ipakilala ni prophet Isaiah ang Diyos sa mga makasalanan sa Judah, before he can speak for this Holy God, kailangan muna niyang magkaroon ng personal encounter with God. At yun ang isinalaysay niya sa chapter 6, “Noong taong mamatay si Haring Uzias ay nakita ko ang Panginoon…” (v. 1).
Maraming naniniwalang Bible interpreters na itong Isaiah 6 ang pasimula ng pagkatawag ng Diyos kay Isaiah, bago pa yung mga sinabi niya simula sa chapter 1. Nagsimula siyang maglingkod bilang propeta sa huling taon ni haring Uzziah ng Judah (740 BC). Itong si Uzziah, na tinawag na “Azariah” sa 2 Kings 15:1, ay isang good king, relatively speaking (2 Kings 15:3; 2 Chr. 26:4). Nagsimula siyang maghari batang-bata pa, 16 years old, at tumagal nang 52 years (2 Chr. 26:3). Sa simula ay meron siyang banal na takot at magandang relasyon sa Diyos (v. 5). Pero sa bandang huli ay naging mayabang (v. 16). Naging unfaithful siya sa Diyos. Pumasok siya sa templo para magsunog ng insenso, samantalang hindi naman siya pari. Pinagalitan siya ng maraming mga pari, ikinagalit naman niya ito, at nagalit sa kanya ang Diyos at nagkaroon siya ng ketong o skin disease hanggang mamatay siya.
Nagpatuloy si Isaiah sa prophetic ministry niya hanggang sa mga taon ng paghahari nina Jotham, Ahaz, at Hezekiah (Isa. 1:1). Mahabang panahon ang ministry niya. Pero hindi niya makakalimutan ang pagkakatawag sa kanya ng Diyos. Yung personal encounter niya with God. “It was a vision that must have remained in his memory the rest of his life. The holiness and the glory of God struck him at once” (CH Spurgeon, CSB Spurgeon Study Bible). Tulad din nina Moses (Exod. 3), Jeremiah (Jer. 1), at Ezekiel (Ezek. 1-3). Mabago man ang panahon, mamatay man ang hari, magpalit man ng hari, o anumang tinitingnan o inaasahan natin ngayon magbabago din, mawawala din, but only One will remain and not change. He is alive, he is the King of all kings, he is still on his throne. Hindi magbabago yun. Yun, siya dapat, ang Diyos dapat ang tingnan natin. May we also “encounter God through his word” (Jason Meyer, Preaching: A Biblical Theology) today in the preaching of his word. Na kung ano ang nakita ni Isaiah, makita rin natin. Kung ano ang narinig niya, marinig din natin. Ano ang nakita niya? Ano ang narinig niya? Tingnan natin ang Isaiah 6:1-4 (Ang Biblia 2001):
Noong taong mamatay si Haring Uzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang tronong matayog at mataas; at napuno ang templo ng laylayan ng kanyang damit.2 Sa itaas niya ay nakatayo ang mga serafin; bawat isa’y may anim na pakpak; may dalawang nakatakip sa kanyang mukha, may dalawa na nakatakip sa kanyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kanya.3 At tinawag ng isa ang isa at sinabi:“Banal, banal, banal ang PANGINOON ng mga hukbo; ang buong lupa ay punô ng kanyang kaluwalhatian.”4 At ang mga pundasyon ng mga pintuan ay nayanig sa tinig ng sumisigaw, at ang bahay ay napuno ng usok.
A Vision of Who God Is
So, ano ang nakita at narinig dito ni Isaiah tungkol sa Diyos na nais din ng Diyos na ngayon ay makita at marinig natin tungkol sa kanya? Meron tayong makikitang at least ten truths about who God is dito sa first four verses.
1. God is the Sovereign One.
“Nakita ko ang Panginoon” (v. 1). Mali nga lang ang pagkakasalin ng MBB, “Yahweh” (sa v. 3 ganito rin, pero sa v. 1 ay iba dapat). At sa ASD, all caps na “PANGINOON.” Tingnan natin ‘yan sa susunod. Pero dito sa v. 1 ang ginamit ay Adonai. Ito rin ang ginamit ni Isaiah tungkol sa Diyos sa vv. 8 and 11. Ito ay titulo na tumutukoy sa nakatataas na authority na meron ang Diyos kaysa sa ating mga tao. Parang President. Siya ang Panginoon, ang Master, at may mas mataas na posisyon kaysa sa atin. Nagiging mataas ang tingin natin sa sarili natin kung hindi natin nakikita na ang Diyos ang Panginoon, at kung tinitingnan natin ang ibang tao na mas nakakababa sa atin at tumitingala sa atin. We need to see God as the Sovereign One.
2. God is the Reigning King.
“Nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang trono” (v. 1). Meron siyang trono, a picture of his position as king. Nakaupo siya, ibig sabihin siya pa rin ang Hari. Patay na si Uzziah, pinalitan na ng kanyang anak, pero ang Diyos nananatiling buhay at nakaupo sa kanyang trono. Sabi ni John Piper sa Astonished by God, na kasalukuyang isinasalin sa Taglish ni Ate Dess:Ang trono ay tumutukoy sa kanyang karapatan na maghari sa mundo. Hindi natin binibigyan ng kapangyarihan ang Diyos na mamahala sa ating mga buhay. Nasa kanya na iyon sa ayaw at sa gusto natin. Isang napakalaking kalokohan kung iisipin natin na may karapatan tayo na kuwestyunin ang Diyos! Sa oras na kinukuwestyun natin ang desisyon o utos ng Hari, nagrerebelde tayo sa kanya. And we do that everyday! Kung sa tingin natin ay tayo pa rin ang may karapatang mamahala at maghari sa buhay natin. You are not on the throne, God is! You are not the king of your life, God is!
3. God is All-Powerful.
O omnipotent. Ibig sabihin, magagawa niya ang lahat ng gusto niyang gawin at walang makakapigil sa balak at plano niya na mangyari. Magrerebelde ang tao sa kanya, pero no one can successfully thwart his rule, no one can successfully dethrone God and replace him. “Nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang tronong matayog at mataas.” “High and lifted up.” Ang trono ng Diyos ay hindi isa sa maraming mga trono. Ang paghahari niya ang pinakamataas sa lahat. “Tiyak na magaganap ang lahat ng balak ko, at gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin” (Isa. 46:10 MBB). “Balewala ang mga tao sa mundo kung ikukumpara sa kanya. Ginagawa niya ang nais niya sa mga anghel sa langit at sa mga tao sa lupa. Walang makakatutol o makakahadlang sa kanya” (Dan. 4:35 ASD).And we need this God—sovereign, all-powerful King—to rule our lives. Dahil kung tayo ang naghahari-harian sa buhay natin, nagkakagulo ang buhay natin. Pero kung ang Diyos ang namamahala, “all is at peace and he has control” (John Piper, Astonished by God, 17).
4. God is Immensely Majestic.
Napakadakila ng kagandahan o karangyaan ng Diyos. “Napuno ang templo ng laylayan ng kanyang damit” (v. 1). “The train (or hem, CSB) of his robe filled the temple.” Nakita niya ang ganda ng kasuotan ng Diyos, a robe befitting the dignity of a king. At laylayan pa lang, sakop na ang buong templo. We are not sure kung ito ay tumutukoy sa earthly temple, o yung pinagkopyahan nitong heavenly temple. Pero anuman yun, nagpapakita ito ng immensity, ng sobrang kalakihan at kadakilaan ng Diyos. Ang liit ng tingin natin sa Diyos. We have to see him as immensely majestic. Kung makikita natin ang Diyos, oh what a sight to behold! Ang presidente natin oo nga’t mataas ang position of authority, pero kapag tiningnan mo, pinakinggan mo, hindi mo masabing “majestic.” Ibang-ibang-iba ang Diyos natin, kapag nakita mo, “Wow!”
5. God is Reverential.
Meron siyang katangian na talagang nakamamangha, nakakagitla, and he invites reverence, awe and respect. Kaya kinanta natin yung “I Stand in Awe.” Yun ang kulang sa mga tao ngayon, even Christian who come to churches to worship God. Nagiging ordinaryo ang Diyos. Kailangang makita natin ang Diyos tulad ng pagkakilala sa kanila ng mga seraphim. “Sa itaas niya ay nakatayo ang mga serafin; bawat isa’y may anim na pakpak; may dalawang nakatakip sa kanyang mukha, may dalawa na nakatakip sa kanyang mga paa, at may dalawa na naglilipad sa kanya” (Isa. 6:2). May mga iba’t ibang heavenly beings tulad ng angels, archangels, cherubim, at seraphim. Dito lang binanggit itong mga seraphim. Literally, ang ibig sabihin ng pangalang ‘yan ay “the burning ones.” Pero sa harapan ng Diyos na nagliliyab sa liwanag ang kadakilaan, ni hindi sila makatingin nang diretso sa Diyos. Kaya yung dalawa sa anim na pakpak nila ay pantakip sa mata nila. At yung dalawang pakpak ay pantakip sa mga paa nila, na maaaring larawan ng kanilang kababaan o humble posture bilang mga mere creatures. In front of God na pinakamataas sa lahat, the proper posture ng isang nilalang tulad ng mga seraphim, at lalo na tayong mga tao, ay paggalang, pagpapakumbaba, at pagsunod.
6. God is Commander.
Salita at utos niya ang dapat sundin. Kaya nga itong mga seraphim merong dalawang pakpak na gamit sa paglipad, to do God’s bidding. Hindi lang sila, sa awit nitong heavenly choir—though hindi sinabi kung ilan yung mga seraphim na nakita ni Isaiah—binanggit nila sa isa’t isa, “Holy, holy, holy is the LORD of hosts” (v. 3). Sa CSB, “The LORD of Armies.” “PANGINOON ng mga hukbo.” All the angelic hosts, libu-libo o milyun-milyon ay under God’s command. Kung ano ang sabihin niya, yun ang gagawin nila. Kasi siya ang masusunod, at walang ibang dapat masunod maliban sa kanya. Kaya yung prayer na tinuro sa atin ng Panginoon, “Our Father in heaven, hallowed be your name, your kingdom come, your will be done on earth as it is in heaven” (Matt. 6:9-11). Kasi sinusunod siya bilang hari perfectly sa langit, hindi tulad dito sa lupa. Dito sa prayer na ‘to, nakapaloob na yung mga napag-aralan natin so far tungkol sa Diyos—siya ang masusunod, siya ang hari, siya ang makapangyarihan, siya ang pinakamataas sa lahat. At yung word na “hallowed” ay galing sa salitang “holy.”
7. God is Holy.
Heto ang awit ng mga seraphim na narinig ni Isaiah, “Holy, holy, holy is the Lord of hosts” (v. 3). Kapag naririnig natin ang salitang holiness, unang pumapasok sa isip natin ay tungkol sa purity, or moral purity. Kasali yun. But the word “holy” is more comprehensive than that. Ang basic meaning nito ay “cut off” or “separate,” nakabukod, nakahiwalay sa ordinaryo, “removed from common use,” espesyal. Kaya kung may mababasa tayo na sa Bible na holy temple, holy ground, holy priest, holy city, holy nation, holy Scriptures, yung mga yun ay iba sa mga ordinaryong bagay, gusali, lugar, tao, o bansa, dahil sa presensya ng Diyos o dahil sa espesyal na layunin ng Diyos.
Pero kapag ang Diyos na ang tinutukoy na “banal” o “holy,” ibang usapan na yun. Kasi saan mo naman siya ibubukod, e wala naman siyang katulad o kapantay o kahawig man lang. He is one of a class. Walang ibang katulad niya. “Saan ninyo ihahambing ang Diyos at kanino ninyo siya itutulad…Kanino ninyo ihahambing ang banal na Diyos? Mayroon ba siyang katulad” (Isa. 40:18, 25)? Sagot? Wala! “You are God, you alone” (Isa. 37:16). Kaya sinabi ni John Piper na kapag sinabing ang Diyos ay banal, para na ring sinabi na ang Diyos ay Diyos. His “name is Holy” (Isa. 57:15). Sabi pa ni John Piper:
Ano ang kaniyang kabanalan? Ito ang kanyang walang katumbas na halaga. Ang kanyang kabanalan ay ang kanyang natatanging banal na kahalagahan, na dahil wala siyang katulad ay wala ring hanggan ang halaga. Ito ang nagsasabi kung sino siya at anong ginagawa niya at wala nang iba. Ang kanyang kabanalan ang tumutukoy kung sino siya bilang Diyos, wala nang iba ngayon at sa hinaharap.
And take note, hindi sinabi ng mga seraphim na “Holy is the Lord,” but “Holy, holy, holy.” Yung ibang interpreters sinasabing tumutukoy daw ito sa Trinity. Holy is God the Father, Holy is God the Son, Holy is God the Spirit. Totoo namang lahat ng katangian na nakikita natin dito ay totoo sa bawat persona sa Trinity. Katunayan nabanggit ko last week na nung tinukoy ni apostle John itong Isaiah 6 sa John 12:41, sinabi niyang ang nakita niyang glory of God sa vision na ‘to ay siya ring glory of Christ, “he saw his glory.” But to say na itong “holy, holy, holy” ay reference sa Trinity ay walang support sa passage na ‘to.
It is better to say na itong three times repetition ay for the sake of emphasis. Tayo kapag may binibigyang-diin, gagamit tayo ng bold letters, o all caps, o kung sasabihin lalakasan ang volume. Pero sa Hebrew literature, yung repetition ay nagbibigay ng emphasis. Parang yung, “Truly, truly…” o “Simon, Simon…” Di ba’t ginagawa n’yo din ‘yan sa anak n’yo? Para pakinggan! To call attention. At napansin ni RC Sproul na itong attribute ng Diyos na “holy” ay nag-iisang atrribute na “elevated to the third degree.” Hindi lang “holy, holy,” but “holy, holy, holy.” Hindi binanggit sa Bibliya na ang Diyos ay “love, love, love” o “mercy, mercy, mercy” o “justice, justice, justice” (The Holiness of God, 32). Hindi lang isa sa mga attributes ng Diyos ang “holiness,” ito ang sumasaklaw sa lahat ng katangian niya, ito ang essence ng pagiging Diyos ng Diyos. God is holy, holy, holy. Gusto ng Diyos na marinig at makita natin ‘yan nang malinaw na malinaw na malinaw.
8. God is Glorious.
Second line ng inaawit nitong angelic choir, “The whole earth is full of his glory” (Isa. 6:3). Kaluwalhatian ng Diyos, o yung kanyang kitang-kitang nagniningning na kabanalan.The glory of God is the manifestation of his holiness. God’s holiness is the incomparable perfection of his divine nature; his glory is the display of that holiness. “God is glorious” means God’s holiness has gone public. His glory is the open revelation of the secret of his holiness. When God shows himself to be holy, what we see is glory. The holiness of God is his concealed glory. The glory of God is his revealed holiness. (p. 22)Kaya nga “the whole earth is full of his glory” kasi ang disenyo ng Diyos sa nilikha niya, lalo na ang tao, ay maipakita ang glory niya. “The heavens declare the glory of God” (Psa. 19:1).
Oo, may makikita tayong ganda sa mga nilikha ng Diyos, at mae-enjoy natin ang mga yun. Pero paalala sa atin ni Paul Tripp, “The glories of the created world are meant to be glorious, but they are not meant to be the thing that you look to for life. No, all the glories of the created world together are meant to be one big finger that points you to the God of glory, who made each one of them and is alone able to give you life” (New Morning Mercies, January 29).
Gusto ng Diyos na makita natin siya at makilala sa pamamagitan ng mga nilikha niya, pero hindi siya ipagpalit, pero anong ginawa natin? We “exchanged the glory of the immortal God” sa mga bagay na nilikha niya, “exchanged the truth about God for a lie and worshiped and served the creature rather than the Creator” (Rom. 1:23, 25). Kahit na nagrebelde tayo sa kanya, hindi pa rin siya huminto sa hangarin niyang maipakita sa atin ang nagniningning na kagandahan niya, para makita natin na wala talaga siyang katulad. Kaya itong inaawit ng mga seraphim na “the whole earth is full of his glory” ay siyang prayer din natin na mangyari nga, na makita nga ng lahat ng tao ang kabanalan ng Diyos. That is why we pray, “May the whole earth be filled with his glory” (Psa. 72:19)! At mangyayari ‘yan, itinakda ng Diyos na mangyari ‘yan, “The earth will be filled with the knowledge of the glory of the Lord as the waters cover the sea” (Hab. 2:14). Tutuparin niya ang mga pangako niya, hindi lang para sa Israel, kundi para sa bawat lahi sa buong mundo.
9. God is For His Covenant People.
Kasali tayo dun. For God is for his covenant people. Yun ang essence ng pangalan niya, Yahweh (MBB). O yung “LORD” sa “LORD of hosts.” All caps. Sa Ang Biblia at ASD, “PANGINOON.” Ang dahilan kung bakit ganyan ang salin ay dahil itong mga Judio, kapag babasahin nila itong Scripture, hindi nila mabigkas ang pangalang YHWH, sobrang espesyal, sobrang reverent ng name na ‘yan. Kaya papalitan nila ng Adonai o Lord. Bukod sa pagiging unspoken name of God, ito rin yung special name niya para sa kanyang bayan. Ipinakilala niya ang sarili niya sa ganitong pangalan. Hindi lang title na Adonai or Master, but Yahweh. Siya ang Diyos na pumili sa kanila para magkaroon ng espesyal na relasyon sa kanya.
Siya rin ang Diyos na para sa atin sa pamamagitan ng Panginoong Jesu-Cristo. Naibalik tayo sa Panginoon dahil sa katuparan ng pangako ng Diyos sa pamamagitan ng ginawa ni Cristo para sa atin. Narinig natin ang salita niya, narinig natin ang mabuting balita, sa pamamagitan nun, nabuksan ang mata natin, nakita natin ang Diyos, and it changed us forever.
10. God’s Voice is Powerful.
Narinig din ni Isaiah hindi lang ang boses ng mga seraphim. Narinig niya ang boses ng Diyos. Nakita niya, narinig niya. Anong nangyari? “At ang mga pundasyon ng mga pintuan ay nayanig sa tinig ng sumisigaw, at ang bahay ay napuno ng usok” (Isa. 6:4). Hindi boring kapag narinig mong nagsasalita ang Diyos. Nayayanig ang lupa (Exod 19:18; Acts 4:31), nagpapakita ang Diyos in a cloud of smoke (Isa 4:5; Exod 33:9).
Yes, hindi ganyan exactly ang experience natin ngayon. Pero hindi ba’t nayayanig din ang puso natin kapag nagsasalita ang Diyos at pinapakinggan natin ang sinasabi niya? Hindi ba’t nakikita natin kung sino siya habang nakikinig tayo sa pangangaral ng salita niya? Hindi ba’t hindi nasasayang ang mga salita ng Diyos at tutuparin nito kung ano ang layunin niya (Isa. 55:10-11)? Anong layunin niya? Ang ipakita kung sino siya, ang magkaroon tayo ng personal encounter with him, ang mayanig ang puso natin so that we will tremble at his word, at masabi natin pagkatapos, “Nakita ko ang Diyos! Narinig ko ang Diyos! Lumalim ang pagkakilala ko sa Diyos! Mas namangha ako sa Diyos! Mas natikman ko ang kabutihan ng Diyos! Mas sabik ako ngayon na ipakilala ang Diyos sa iba!”
“Behold Your God!”
Mga kapatid, “Here is your God. Behold your God. Heto ang Diyos. Tingnan mo. Masdan mong mabuti” (Isa. 40:9). Ito ang Diyos na sinasamba natin, ito ang Diyos na nagpapakilala sa atin ngayon. Ito ang Diyos na nagsasabi sa atin, “Be holy, for I am holy.” Ito ang Diyos na lumikha sa atin ayon sa kanyang larawan, so that we will rule his creation bilang kinatawan—hindi kapalit!—ng paghahari niya. Ito ang Diyos na inaawitan natin. Ito ang Diyos na naghahari sa buhay natin. Ito ang Diyos na ipagsisigawan din natin sa iba. Ito ang Diyos na dahilan kung bakit good news ang gospel, kung bakit nasasabi din natin sa ibang tao, sa ibang bansa, sa ibang lahi, “Behold your God!”
Kapag nakita mo kung sino ang Diyos, you will be astonished—mamamangha ka. Kapag nakita mo naman ang sarili mo, kung sino ka talaga in light of who God is, you will be devastated—wasak. But it is a good kind of devastation. So, please come back next week at titingnan natin kung ano ang nangyari kay Isaiah as a result of this astonishing vision of God.
Praise God! I preached on this text last month. I have it also in my blog “the Exaltation of God’s holiness”.
LikeLiked by 1 person