Uncertainties
Life is full of uncertainties. Marami tayong hindi alam sa mga nangyayari ngayon. Pati yung mga alam natin hindi natin lubos na nauunawaan. Marami rin tayong mga inaasahang mxangyari, kaso nakakapagod din na wala ka namang magawa para mangyari yung mga inaasahan mo. Nakakainip din. Alam naman nating may plano ang Diyos sa lahat ng nangyayaring ito, pero gusto na nating makita kung ano yun.
We are getting ready na sana for physical gathering ngayong Sunday. Kasi last Friday, naibalik tayo sa GCQ, na hanggang 10% lang ang allowed sa mass gathering. At kung matuloy man yung physical gathering natin, marami rin sa members natin hindi makakadalo. Tapos meron ding mga mixed feelings about it. Excited siyempre, tapos mabalitaan mong nagkaroon ng 25 new cases ng Covid-19 as a result of a church gathering sa Bataan.
Oh how much we really need the Word of God sa mga panahon ngayon! Lalo na yung Romans 8! Lalo na yung text natin ngayon – Romans 8:28, “And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose.” This single verse is so staggering na hindi lang natin dapat kabisaduhin kundi talagang ibaon nang malalim sa puso natin para magsilbing isang malaki at matibay na bato na magbibigay ng katiyakan, kapanatagan, at kapayapaan sa buhay natin na puno ng kahirapan at kaguluhan. Pero para mangyari yun, kailangang maunawaan nating mabuti kung ano ang itinuturo nito.
Misinterpretations and Misapplications
Pero bago natin tingnan kung ano ang ibig sabihin niyan at paano natin siya ilalapat sa buhay, tingnan muna natin yung ilang mga ilan sa maling paraan kung paano ito naiinterpret at naiaaply. Wrong interpretation leads to wrong application. Kaya mahalagang pag-aralang mabuti. Isang verse lang tayo ngayon, dahil sobrang importante nito. Saka sobrang popular at misused din ng ibang mga Christians. Nagpost ako sa Facebook about this, ilan ito sa sinabi ng mga nagcomment na mga common misinterpretations at misapplications ng verse na ‘to:
- Eyriche: “There are those who think that only good things will happen to them based on this verse.” Pero hindi sinabing good things lang ang mangyayari sa atin. “All things” sabi ni Paul, kasama dun yung sufferings na tema niya simula pa sa v. 17.
- Rico: “May narinig ako dati, ginamit po ito para sabihin sa mga taong kapag nagtayo sila ng negosyo, dahil nasa Panginoon sila all things work together for good magtiwala daw po..not connecting it sa future hope natin sa Panginoon na sinasabi ng talata.” Ito yung short-sighted view ng text na ‘to.
- Allan: “Ipinapaliwanag ang verses po na ito apart from verse 29.” Kumbaga, out of context. Kaya namamali ang definition ng “good.” Sinabi ni Neil na ganito rin daw ang nangyayari kaya naaabuso ang pagkakagamit ng Jeremiah 29:11.
- Gilbert: “…kapag nagkamali sa ‘starting point’ na tiningnan… kapag tiningnan natin na wala sa picture ang Diyos…” Malaking problema talaga kung hindi nakasentro sa Diyos ang interpretation.
- Ganun din sabi ni Aris: “We fail to see what the is meaning of good and how will it apply to us.” So, crucial talaga maintindihan natin kung ano yung “good.”
- At kung maintindihan na natin, dapat maingat din tayo how to apply this. Sabi ni Jodi, “It can also be unintentionally used to brush off or belittle the difficulties and struggles that a Christian is going through.” Halimbawa, “Wag kang mag-alala, sis. Okay lang ‘yan. Makakabuti ‘yan sa ‘yo.” We can use this verse in insensitive ways.
Context and Author’s Intent
Napakaganda naman talaga ng Romans 8:28, at sayang if you will miss the point. Kaya mahalaga ang konteksto (kasama ng teksto). Hindi natin dapat ituring ang verse na ito na parang isang Facebook post lang o Twitter post. Don’t disconnect v. 28 sa mga naunang talata, at sa mga sumunod. Buti na lang napag-aralan na natin ang vv. 1-27, so malaking bagay yun. Nagsimula ang v. 28 sa word na “And…”, ibig sabihin kadugtong ‘yan, hindi nakahiwalay. Yung v. 29, nagsimula sa “For…”, ibig sabihin nakasuporta ito sa v. 28. So let’s read v. 28 with vv. 29-30.And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose. For those whom he foreknew he also predestined to be conformed to the image of his Son, in order that he might be the firstborn among many brothers. And those whom he predestined he also called, and those whom he called he also justified, and those whom he justified he also glorified (ESV).
Sa ASD, “Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.” Sa MBB, “Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.” Sa Ang Bibliya (2001), “At alam nating ang Diyos ay gumagawa ng lahat ng bagay para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, sa kanilang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.” My translation: “At alam nating para sa mga nagmamahal sa Diyos ay gumagawa siya para ang lahat ng bagay ay maging para sa ikabubuti, para sa mga tinawag ayon sa kanyang layunin.”
Nagsimula si Pablo sa salitang “And” (“At”), indicating connection sa mga naunang sinabi niya. Ano ang koneksiyon? Kung direkta itong nakakabit sa vv. 26-27 — kung saan napag-aralan natin ang ministry ng Holy Spirit na tulungan tayo sa kahinaan natin, particularly yung struggle natin sa prayer — so isa pang karagdagang ministry o tulong ng Holy Spirit sa atin ay tiyaking lahat ng bagay sa buhay natin ay maging para sa ikabubuti natin. Posible.
Pero sa tingin ko ay transition ito sa susunod na bahagi o section ng argumento o paliwanag ni Pablo para magbigay ng additional assurance sa atin sa gitna ng mga kahirapang dinaranas natin. Particularly yung vv. 17-18. Sa v. 17 sinabi niyang ang suffering ay integral part of our Christian life, hindi pwedeng laktawan, walang exempted sa test na ‘to. “…provided we suffer with him, in order that we may also be glorified with him.” So dito sa v. 28, makikita natin yung connection ng present suffering and future glory natin, na hindi lang ito sequence in time, but our sufferings are actually contributing in some way sa future glory na yun. At sa v. 18 sinabi niya na “the sufferings of this present time cannot be compared with the glory that is to be revealed to us.” So dito sa v. 28 magiging malinaw na hindi lang parang insignificant ang sufferings compared to our future glory. Actually, they were instrumental, ginagamit ng Diyos for that end.
So kung nakikita natin yung koneksyon na yun, mababago ang outlook natin sa pagtingin sa mga sufferings. Na hindi lang ito isang bagay na dapat pagtiisan at lilipas din ito. Hindi ito meaningless. But actually meaningful, and even instrumental in bringing to pass the purposes of God for his children. Mababago rin nito ang pagtingin natin sa Diyos dahil pinapakita nito ang puso ng ating Ama na binibigyan tayo ng more and more reasons to be assured. Kasi ito ang kailangan natin for our doubting, fickle, and impatient heart. And God is gracious to give us that. Paul purpose here is “in order to provide us with a full assurance, an absolute certainty of our ultimate, final, complete salvation and deliverance from everything that sin has ever done to us” (MLJ, Romans 8B, ch. 13). Napakabuti ng Diyos for giving us this word. Alam na natin ‘to.
Theology and Amnesia
And we know…So itong message ng v. 28 ay hindi bagong kaalaman na itinuturo ni Pablo. Alam ito ni Pablo, alam din ito ng mga Christians sa Rome. Alam din natin ito. Ginamit niya rin ang salitang ito sa v. 22, at doon ay sinabi niyang alam natin ang pagdaing ng sangnilikha ng Diyos. We have that knowledge base sa naoobserbahan natin sa nangyayari sa paligid natin. At sa v. 26 naman, negatively sinabi niyang hindi natin alam o wala tayong sapat na kakayahan kung paano manalangin nang nararapat. Sa v. 27 para tukuyin na ang Diyos ang may alam ng iniisip ng Espititu, meron siyang intimate at experiential knowledge of the mind of the Spirit. Dito naman sa v. 28, alam natin na lahat ng bagay ay gagamitin ng Diyos para sa ikabubuti natin.
Paano natin nalaman? Siyempre itinuturo ng Salita ng Diyos, ipinapaunawa ng Banal na Espiritu na nasa atin. Kaya mahalaga ang theology. Right theology is important to give us rock-solid assurances in times of suffering. Even before reading v. 28, they already knew this truth. Kung alam natin at nasa puso natin ang message of the gospel of salvation, then we have this assurance. Na kung ano ang sinimulang gawang mabuti ng Diyos sa buhay natin ay tatapusin niya, at walang anumang pangyayari sa buhay natin ang makahahadlang dun (Phil. 1:6). Alam natin, pero nahihirapan tayong ipaliwanag kung paano mangyayari yun. At kung maunawaan man natin, hirap tayong tanggapin. At nakakalimutan din natin. So dito, pinapaalala sa atin ni Pablo kung ano ang alam na natin.
Marami tayong hindi alam sa mga nangyayari ngayon, o sa mangyayari bukas. Kaya napapraning tayo, nababahala, nag-aalala masyado. Pero marami man tayong hindi alam, kung alam natin itong isang verse na ‘to, sapat ito para lagyan ng bakal ang puso nating gegewang-gewang dahil sa mga nangyayari ngayon.
For Christians Exclusively
Pero itong alam natin, dapat malaman din natin kung para ba kanino ‘to. Kasi kung nakatanggap ka ng message at sinasabi na tagapagmana ka ng isang bilyonaryo, dapat tiyakin mo muna kung ikaw ba talaga ang recipient nun, o baka wrong send. Kasi itong “all things work together for good” gusto rin naman ng mga non-Christians. And for the mean time, nakapagbibigay naman ng comfort and encouragement sa kanila. “Wag tayong mag-alala. Matatapos din ito. Magiging maayos din ang lahat.” They can think positively about the negative things na nangyayari ngayon, pero sa bandang huli, they cannot claim this assurance as their own. Bakit?
Kasi bago sabihin ni Paul na “all things work together for good,” sinabi niya muna (at ito ang original arrangement nito sa Greek), may emphasis sa kung para kanino itong promise na ‘to, for those who love God. At para maging malinaw kung sino ang mga ito, sinabi niya pagkatapos ng “all things work together for good,” so nakasandwich ang promise sa statement kung sino ang recipients nito, for those who are called according to his purpose. Malinaw na ito ay para lamang sa mga tunay na Cristiano. And Paul wants to make that clear. If you are not a Christian, you may claim this pero false assurance lang yun. Only true Christians can have this assurance. Yun naman ang tinutukoy niya sa buong Romans 8, yung mga nakay Cristo (v. 1), yung kabilang kay Cristo at pinananahanan ng Espiritu (v. 9), yung mga anak ng Diyos (v. 14).
Ang mga non-Christians, those who are “in the flesh”, they are “hostile to God” and “cannot please God” (vv. 7-8). So, hindi sila nagmamahal sa Diyos, kundi lumalaban sa Diyos. They may appear religious and God-lovers, pero deep inside nagrerebelde sila sa Diyos. Only true Christians “love God.” Totoong nagmamahal sa Diyos. Oo, hindi perpekto ang pagmamahal natin sa Diyos. At minsan ang puso natin ay hati sa pagmamahal sa Diyos at sa mundong ito. Pero binigyan na tayo ng bagong puso para mahalin ang Diyos nang higit sa lahat. Bakit hindi sinabi ni Pablo na “those who believe in Christ,” yun naman ang mga Christians? Kasi gusto niyang bigyang diin na itong pananampalataya kay Cristo ay merong bunga ng pagmamahal sa Diyos – “faith working through love” (Gal. 5:6). Pwede mong sabihing you believe in Christ at sabihing para din sa ‘yo ang pangakong ito, pero meron bang ebidensiya? Meron bang bunga? Do you truly love God? If yes, kahit pa hindi pa ‘yan malalim o mainit at paandap-andap pa minsan, but you really love God, this promise is for you!
At para naman wag nating isipin na dahil nagmamahal tayo sa Diyos ay mas nakaaangat tayo sa iba, and feel proud about ourselves, sinabi ni Pablo kung paanong tayo ay naging mga anak ng Diyos na nagmamahal sa kanya at ang kapitbahay natin ay hindi. We are “those who are called according to his purpose.” Sa pag-aaral natin ng vv. 29-30 sa susunod pag-uusapan nating maigi kung ano yung “purpose” ng Diyos na tinutukoy diyan. Pero ngayon dapat makita natin na ang promise ni God ay para sa mga tinawag niya. Kung ito ay tumutukoy sa mga tunay na Cristiano, itong “tinawag” dito ay hindi tumutukoy sa lahat ng nakarinig ng gospel invitation, kasi hindi naman lahat nagrespond positively by faith. Totoong “many are called, but few are chosen” (Matt. 22:14), pero hindi ito yung “called” na tinutukoy dito sa Romans 8:28. Heto yung mga “chosen” ones, yung mga nakarinig ng gospel invitation (external call), binago ng Espiritu ang puso para tumugon nang may pananampalataya kay Cristo (internal call). (See also Rom. 9:24; 1 Cor. 1:9; Gal. 1:15; 2 Tim. 1:9).
Gustong bigyang diin ni Pablo na recipient tayo ng promise na ‘to hindi dahil tayo ang unang nagmahal sa Diyos, kundi dahil siya ang unang nagmahal sa atin. Hindi dahil tayo ang unang tumawag sa Diyos, kundi siya ang tumawag sa atin. We are recipients of this promise not because we deserve it (we don’t!) and we are better than others (we are not!), but only because of the grace of God.
So dapat maging maingat ka na sabihin ito sa isang non-Christian na going through tough times like sickness or marriage problem. Kasi kung non-Christian siya, hindi mo pwedeng sabihing “all things work together for good.” So if you are not a Christian, hindi ito para sa ‘yo. Does it mean na hindi ito mapapasayo? If you are listening to this, paanyaya ito ng Diyos na talikuran mo ang lahat ng pinagtitiwalaan mo sa sarili mo at sa mundong ito at yakapin ang mga pangako ng Diyos na nakay Cristo. And by putting your faith in Christ, yun lang, wala kang ibang kailangang gawin o patunayan pa, this promise will also be 100% for you!
The Sovereign Goodness of God
What promise? All things work together for good. O sa ibang salin, probably to avoid ministerpretation, “God causes all things to work together for good” (NASB). Sa mga Tagalog translations ganun din, “Ang Diyos ang gumagawa…” Alangan namang may sariling mekanismo o sistema ang lahat ng mga bagay at pangyayari sa buhay natin para gumawa sa sarili nito para maisakatuparan ang layunin ng Diyos. Siyempre hindi. Merong gumagawa para matiyak na lahat ng nangyayari ngayon ay maging para sa ikabubuti natin. We cannot make it work. Wala tayong kapangyarihan para gawin yun. Hindi rin ito dahil sa swerte o luck. Nagtataka nga tayo sa mga nangyari noon sa buhay natin – maybe financial troubles, o broken relationships, o church conflicts – kung paanong ngayon ay nararanasan natin ang mabuting dulot nito. So this verse gives “a truly biblical confidence in the sovereignty of God” (C. E. B. Cranfield, Romans [ICC], 1:427). So ang kumpiyansa natin na ang lahat ng ito ay magiging para sa ikabubuti natin ay wala sa ating mga kamay kundi nasa Diyos na sovereign sa lahat ng bagay: “Ginagawa ng Dios ang lahat ng bagay ayon sa plano niya at kalooban” (Eph. 1:11 ASD).
Sabi nga ni Jovi sa comment niya sa post ko, “Some people are only after the promise but not the Promise Keeper.” Siyempre sino ba naman ang ayaw makaranas ng mabuting bagay sa buhay? But this promise is given para tayo na nagmamahal na sa Diyos ay mas uminit pa ang pagmamahal natin sa kanya. Tayo na ang kumpiyansa natin sa Diyos ay mas tumibay pa ang kumpiyansa sa kanya. At mangyayari yun kung panghahawakan natin na this promise can only become a reality dahil ang Diyos natin ay walang hangganan ang kapangyarihan na kumikilos para sa kabutihan ng kanyang mga anak. So the point of this promise is not just the “all things for good” part, but our good, good Father who will make sure na mangyayaring lahat yun.
All Things, Especially Sufferings
Isang ebidensya na ang Diyos natin ay all-powerful and sovereign over all, and perfectly good ay nandun sa pagkakagamit ni Pablo ng “all things work together for good.” Hindi sinabing ang ilang mga bagay, o maraming mga bagay, o yun lang mga mabubuting bagay, ang sabi, “lahat ng bagay.” Kapag sinabing lahat, ibig sabihin lahat. Totoo nga na ginagamit ng Diyos ang mga mabubuting bagay para sa ikabubuti natin. Yung mga material blessings, yung prosperity, yung pagkakaroon ng maayos na pamilya, yung maraming kaibigan, yung healthy local church na kinabibilangan mo, ginagamit ng Diyos para mag-increase ang joy natin ngayon, at matuto tayong magpasalamat dahil lahat ng mabuting bagay na meron tayo ngayon at nararanasan natin ay galing — hindi sa sarili nating sikap, o dahil sa pamilya o church natin, o dahil sa tulong ng gobyerno — kundi sa Diyos na ating mabuting Ama (James 1:17).
Pero pag sinabi ni Pablo na lahat ng bagay, hindi lang yung mga mabubuting natatanggap natin sa Diyos, kundi pati yung masasama na pinahintulutan at itinakda ng Diyos na maranasan natin. Ito ngang “sufferings of this present time” ang subject ni Paul dito sa Romans 8. Kaya sinabi ni Martyn Lloyd-Jones na “this is surely a staggering statement.” Kasi naman sinasabi dito ni Pablo na lahat ng bagay – mabubuting bagay, masasamang bagay, mga pagsubok, mga kahirapan, mga “aksidente,” mga disappointments, even failure. Kayang gawin ng Diyos ang lahat ng ito, at gagawin niya para ang lahat ng ito ay maging para sa ikabubuti natin in the end. Hindi ibig sabihin na ang mga pagsubok at mga kahirapan at mga kasalanan ay “good in and of themselves,” at kahangalang akalain na mabuti ang mga yun. They are bad. Paano natin pasasabing itong mga bagay na ito ay working together for good? “The answer is that they are so used by God, and so overruled by God and employed by God that they turn our for our good” (MLJ, ch. 13).
Klaro sa Romans 8:28 na hindi nangako ang Diyos na kapag naging Cristiano ka, and if you are a child of God, wala ka nang sufferings na mararanasan at puro mabuting bagay na lang ang ieexpect mo sa Panginoon lalo na if you have strong faith in him. No. Wag mong sabihing ipinangako ng Diyos ang hindi ipinangako ng Diyos. That is presumption. Lalo na kung sasabihin mo sa ibang tao, kasinungalingan yun. Hindi ipinangako ng Diyos na hindi ka tatablan ng coronavirus. He can protect you, sure. Pero pwede ka pa ring tablan kung di ka mag-iingat o di mag-iingat ang mga kasama mo. Pero ipinangako ng Diyos na anumang sakit ang dumapo sa ‘yo, gaano man katindi o kalala, God will turn everything for good, for your good.
It’s not just the good part that God will use for our good. Both the good and the bad, the blessings and the sufferings, the joys and the pains. Siya yung “Grand Weaver” (Ravi Zacharias), dakilang manlalala, bawat hibla gagamitin niya to form a beautiful tapestry. O isang dakilang pintor, kahit yung mga strokes na akala mo sa una ang pangit at meaningless, kapag nakita mo ang buong gawa niya, napakaganda pala! So, mahalagang maunawaan natin ano ibig sabihin ng “for good.”
For Good
All things work together for good. Malinaw na na hindi ibig sabihing mabubuting bagay lang ang mararanasan natin sa buhay. That goes against real experience. Hindi rin ibig sabihin na itong “good” ay hindi pwedeng limitahan sa mga materyal na bagay. Though that can happen. Nalugi ako o nascam sa negosyo, tapos papalitan ng Diyos nang mas malaki pa. O tulad ng nangyari kay Job na nawala ang mga property niya at namatay ang mga anak niya pero pinalitan ng doble. It can happen, yes. But it does not always happen. So, hindi yun ang point ng promise dito sa verse na ‘to.
So yung definition ng “good” ay dapat limitahan natin ayon sa sinasabi niyang “according to his purpose.” Kung tinawag tayo ayon sa layunin ng Diyos, so ibig sabihin ang gagawin ng Diyos para sa atin ay kung ano yung makakatupad sa mabuting layunin niya para sa atin. Hindi ikaw, hindi ako ang magdedefine ng “good.” Dun nga bumagsak ang tao nang kainin nila yung bunga ng Tree of the Knowledge of Good and Evil. Ang Diyos ang sukatan ng kung ano ang mabuti. Siya ang magsasabi kung ano ang mabuti. So minsan kasi, nagrereklamo tayo. Bakit ako pinagkaitan ng Diyos ng mas maginhawang buhay? Bakit ipinagkait sa akin ng Diyos ang asawa o ang anak o ang kagalingan sa sakit? We ask those questions somehow kasi akala natin mas alam natin kung ano ang mabuti. Maaaring mabuti ang mga bagay na yun, pero sa karunungan ng Diyos, hindi mabuti para sa ‘yo (so we learn to be content), o baka sa ngayon ay hindi pa mabuti para sa ‘yo (so we learn to be patient and wait).
Mabuti ang Diyos, at hindi ka niya pagkakaitan ng mabuti: “Oh, taste and see that the Lord is good…those who seek the Lord lack no good thing” (Psa. 34:8, 10). “For the Lord God is a sun and shield; the Lord bestows favor and honor. No good thing does he withhold from those who walk uprightly” (84:11).
Ano yung mabuti na yun? Sinabi ni Pablo sa Romans 8:29 kung ano yun, “to be comformed to the image of his Son.” Ang mabuti ay kung anuman ang makapagpapakilala sa atin kung sino ang Diyos, anumang makakatapyas sa mga natitira pang kasalanan sa puso natin (v. 13), at makapagtuturo sa atin na mas lalong magtiwala kay Cristo, yun ang mabuti.
It can refer to something na immediate o mangyayari in this life. Halimbawa, nung nascam kami twice, nagturo sa amin na ang sufficiency namin ay nasa Panginoon. Masama ang nangyari, but turned out for good. O kung meron kayong naranasang conflict sa marriage because of unfaithfulness, at ngayon natutunan n’yo na magtiwala sa Diyos na only faithful one, bad thing God turns for good. O yung malaking nalugi sa negosyo mo o isang mahal sa buhay na nawala o namatay na, at nasabi mo tulad ni Job, “The Lord gives, the Lord has taken away, blessed be the name of the Lord!” Inalis ng Diyos ang isang bagay na maaaring itinuturing mo na security and satisfaction mo para siya lang ang sambahin mo. God turns losses for your good. O yung pagsasara ng mga churches at hindi makapaggather physically, kung naturuan tayo nito na mas dumepende sa Diyos, mas makinig sa salita niya, mas pahalahan ang local church at mas maipakalat ang salita niya sa mas marami, God turns pandemic into something good para maaccomplish ang kanyang redemptive purposes.
O yung nakasakit sa ‘yo, nanloko sa ‘yo, umabuso sa ‘yo, masaklap yun pero kung dahil dun natutunan mo kung ano ang ibig sabihin ng pagpapatawad ng Diyos sa ‘yo, masasabi rin natin tulad ni Joseph sa mga kapatid niya – matapos siyang ibenta, matapos siyang gawing alipin, matapos siyang paratangan ng kasalanang hindi naman niya ginawa, matapos siyang magdusa sa kulungan, itinanyag siya ng Diyos at ginamit na instrumento para sa ikaliligtas ng marami sa taggutom, “As for you, you meant evil against me, but God meant it for good, to bring it about that many people should be kept alive, as they are today” (Gen. 50:20).
For Our Good, Our Ultimate Good
Does it make our suffering any easier? No. Mahirap pa rin. Masakit pa rin. Magtatanong ka pa rin sa Panginoon, bakit? Bakit ako, bakit hindi na lang yung iba na unfaithful sa ‘yo? Bakit ito? Bakit ganito kabigat? Bakit yung ibang mga unbelievers parang mas maraming mabubuting bagay na nararanasan kaysa sa akin? Nasaan ang hustisya dun? Parang unfair. Mabuti ang Diyos at malaya siya to dispense his goodness even to people na nagrerebelde sa kanya araw-araw. At yan naman din ang kuwento ng buhay natin. Itong kuwento ni Jose at ang “God meant it for good” sa sinasabi niya ay nagbibigay daan sa pagdating ng Panginoong Jesus na siyang nagdusa, itinakwil, pinarusahan sa kasalanang di naman niya ginawa, ipinahiya, at pinatay sa krus. Those bad things happen to the only good person who ever lived. At lahat ng yun ay ginamit ng Diyos for good. To satisfy his justice, to accomplish salvation. For the glory of his Son. He rose again on the third day, at ngayon ay nasa kanang kamay ng Diyos.
And also for our good, our ultimate good. There is therefore now no condemnation para sa atin na nagtitiwala kay Cristo. That’s good, and better than human approval. Naninirahan na sa atin ang Espiritu. That’s good, and better than the security this world can offer. Itinuturing na tayo ng Diyos na mga anak niya at tagapagmana. That’s good, and better than the love and affirmation of any human family. And one day, we will see Christ face to face, and we will have pleasures forevermore in his presence. That’s good, and infinitely better kaysa sa mga bagay na naeenjoy natin o hindi natin maeenjoy sa mundong ito.
Anuman ang nararanasan natin ngayon, Romans 8:28 is good news for us. Dahil ipinapaalala nito na meron tayong Diyos, and he is our Father!, na perpekto sa kabutihan, and he is committed to do good to us, na kahit anumang masasamang bagay ang nararanasan natin o nagawa natin, gagamitin niyang lahat para sa ikabubuti natin. Pruweba? Tumingin ka sa krus ni Cristo. “Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay” (8:32)?