[Translated from original English article, “A Plea to Church Members: Give Your Pastor Grace”]
Kamakailan lang, habang nag-iiscroll ako sa aking Timehop ay nakita ko ang isang Twitter post ko na galing sa tweet ni Ray Ortlund. Sabi niya dun, “Kung ang pastor n’yo ay nagmamahal sa Panginoon, tapat sa kanyang asawa, si Jesus ang ipini-preach mula sa Bibliya, wag kang gumawa ng ikaiinis niya. Kung sa ibang bagay ay imperfect siya, wag mo siyang ayusin. Sino nga naman ang magtatagumpay sa ganyang pagmamatyag? Sa halip, lumuhod ka at magpasalamat sa Diyos. Ibinigay niya sa ‘yo ang pastor mo (Eph. 4:11-12).”
Magandang mensahe ‘yan kahit sa anong panahon. Ang mga pastor na makakabasa n’yan ay sabik na mapapa-“Amen” sa ganyan kagandang advice. Para ‘yan sa kahit anong araw, pero wala nang hihigit pang tamang panahon kaysa sa panahon ngayon para pakinggan ang advice na ‘yan bilang isang member ng church.
Nandito tayo ngayon sa panahong talaga namang kakaiba at nakakaubos-lakas. Hind ko na kailangang isa-isahin pa ang mga nangyayari sa mundo natin na nakakadagdag sa alalahanin natin, kasi alam na alam mo na ‘yan. Napakalaking kabalisahan ang dulot sa atin nitong pandemic ngayon na siyang nagtulak naman sa atin para baguhin yung mga pamamaraan natin sa buhay alang-alang sa ikabubuti ng marami. Maging itong virus na di natin nakikita at wala namang kinikilingan ay naging pulutan sa pulitika at siyang naging subject ng mga conspiracy theories.
Nakakadagdag pa sa stress na dulot ng coronavirus yung mga opinyon sa social media na uncensored o hindi na na-eexamine nang mabuti. Pagdating sa usapin tungkol sa reopening ng mga churches at kung paano magli-lead ang mga pastor sa gitna nitong pandemic, sangkaterba ang opinyon. Para sa iba dapat daw magre-open agad-agad (ASAP!) ang mga churches, para sa iba dapat maghintay muna tayo nang matagal-tagal pa. Hulaan mo kung sino ang naiipit sa gitna ng bawat opinyon tungkol sa kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ng church sa gitna ng pandemic na ‘to?
Ang pastor n’yo.
Sapat naman yung natapos kong pag-aaral ng theology at pastoral ministry sa undergraduate, graduate, at doctoral level pero ni minsan ay hindi ako naka-attend ng class na tinatawag na, “Pastoring in a Pandemic.” Bakit? Wala naman kasing ganung pag-aaral.
Heto ngayon ang punto na gusto kong tumbukin: binabaybay nating lahat ito sa unang pagkakataon. Walang playbook kung paano pangunahan ang church kung sakaling manalanta sa mga communities natin ang isang global pandemic kung saan ang pinakamainam na hakbang na dapat gawin ay walang gawin at manatili lang sa bahay. Patung-patong ang mga tanong tungkol sa kung kailan ang tamang panahon para magre-open ang mga churches para sa in person gatherings. Meron bang tama o maling sagot? Hindi ko alam, pero alam kong ang pastor n’yo ay nakakaranas ng pambihirang stress tungkol sa kung ano ang tamang dapat gawin.
Habang itong coronavirus ay nagdulot sa maraming tao para mag-slow down at mabawasan ang mga gawain, natitiyak kong hindi ito ang kaso sa inyong pastor. Sa totoo lang, ang pastor n’yo ay maaaring mas maraming trabahong ginagawa (more than ever) para subukang pangalagaan ang kanyang mga tupa kahit hindi mukhaang nakikita. Kasabay nito ang effort na panatilihing konektado ang isa’t isa sa church at maghanda ng mga mensahe para mapaglingkuran at mapalakas sila. Tapos madadagdagan pa ito ng kaisipang kung magbubukas agad ang church ay baka manganib namang magkasakit ang mga miyembro. ‘Yan ang “perfect storm” para sa stress ng mga pastor.
Maraming members ang maaaring hindi ito narerealize, at maaaring sinusubukan naman nilang taos-pusong tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng puna o payo, o kaya ay baka inaakala nilang sila lang ang gumagawa nun, at hindi narerealize na nakakarinig ang pastor nila ng mga ganitong bagay sa iba’t ibang tao. Nakakadagdag pa ‘yan ng mas maraming stress.
But wait, meron pa.
Dagdag pa diyan, ang pastor at church n’yo ay ikinukumpara sa ibang churches sa lugar n’yo. “Nagbukas na ang Fourth Baptist Church, pero tayo bakit hindi pa?” o yung kabaligtaran, “Baka naman nagmadali tayong magbukas. Hindi muna ako aattend for a long time. Yung ibang churches nga nagiging maingat.” O yung mga salitang dati nang naririnig pero hindi nakakatulong, “Sinasabi ng mga tao…” o “Iniisip ni kapatid na Demas na dapat ay matagal na tayong nagbukas at lahat ng ito ay exaggerated lang.”
Ano ang dapat gawin ng pastor n’yo? Highly criticized at stressful na nga ang calling sa pastoral ministry. Tapos dagdagan mo pa ng stress na dulot ng pandemic at yung pastor n’yo ay baka kinukuwestiyon na ang calling niya o kaya ay malapit-lapit nang mag-burnout—siguradong delikado ‘yan para sa kanya.
May nakita akong mga pastor na inamin ito sa mga social media platforms. Maraming mga comments at replies ang nagpapakita ng suporta sa kanila, nangakong ipapag-pray sila at handang makinig sa kanila. Yung iba naman ang suggestion ay “tanggapin na lang ang hirap ngayon,” o ikumpara ang sarili nila sa iba na “mas malala pa ang sitwasyon.” Nakakatulong ba yun?
Sinasabi kong lahat ito para magbigay ng simpleng pakiusap sa inyo sa kakaibang panahong ito: give your pastor grace. Kailangan niya ‘yan, nasasaktan siya, stressed na siya sa paggawa ng kung ano ang tamang gawin sa sitwasyong ito na wala namang playbook, mahal niya ang mga members ng church, ang gusto niya ay kung ano ang pinakamabuti para sa physical and spiritual well-being ng mga taong ipinagkatiwala sa kanya ni Cristo para pangalagaan, at sinusubukan niyang ibigay yung best effort niya. Would you give him grace?
Tingnan mo ang Hebrews 13:17, “Sundin nʼyo ang mga namumuno sa inyo at magpasakop kayo sa kanila, dahil sila ang nangangalaga sa espiritwal ninyong kalagayan. At alam nilang may pananagutan sila sa Dios sa pangangalaga nila sa inyo. Kung susundin nʼyo sila, magiging masaya sila sa pagtupad ng tungkulin nila. Ngunit kung hindi, malulungkot sila, at hindi ito makakatulong sa inyo” (ASD).
O ito, bago magsalita si Pablo tungkol sa pagbibigay ng Diyos sa mga churches ng mga pastor para sanayin sila sa gawain ng paglilingkod, inutusan niya ang mga babasa ng sulat niya sa Efeso (at tayo rin) na maging maunawain at mapagpaumanhin tayo sa pagkukulang ng bawat isa bilang pagpapakita ng pag-ibig natin sa kanila (Efeso 4:2).
Kaya mga kapatid, maging maunawain at mapagpaumanhin, maging mapagmahal, dalhin ang pasanin ng iba (at ‘wag nang dagdagan pa), at alalahanin mo na ang grasya na gusto mong matanggap ay siya ring dapat mong ibigay sa inyong pastor. Ngayon niya kailangang-kailangan ang support at encouragement n’yo. Ibibigay mo ba ito sa kanya bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kanya? Kasi gustung-gusto rin niyang ibigay ito sa inyo, pero mas mahihirapan siya kung naglilingkod siya sa inyo na may “kalungkutan,” kung gayon “hindi ito makakatulong sa inyo.”
Give him grace.
K.V. Paxton
K.V. Paxton is Lead Pastor at First Baptist Church in Cordele, GA. He is a graduate of Criswell College in Dallas, Midwestern Baptist Theological Seminary, and a doctoral student at Southern Baptist Theological Seminary. He and his wife Sayla have 4 children: Azi, Aly, Ayla, and Augustine.