Shepherding those who are Suffering

[Note: This is part 2 of the message I gave during ABCCOP’s July 24 and 31 Webinar. Part 1 here.]

Merong unique challenges ang pagpapastor. May mga problema naman na nangyayari sa lahat ng pamilya. Pero being in pastoral ministry complicates yung mga problems na yun. Halimbawa, sinabi ko kanina na we were dealing with some marriage issues bago maglockdown at matigil ang mga physical gatherings sa church. Nagleave muna ako sa ministry with advice and recommendations din ng mga fellow elders ko sa church. Alam ng church yun. Pero yung mga elders and some of our close friends lang ang nakakaalam ng specific details.

During that time, hindi ko maimagine ang sarili ko na babalik sa ministry and preach the Word of God again. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Merong temptations sa akin to quit. Pero ginamit ng Diyos ang pandemic at ang realization na hindi lang ako, hindi lang members ng church ang dumaranas sa matinding sufferings, kundi lahat ng mga kapatid natin sa Panginoon sa buong mundo.

Ipinakita sa akin ng Diyos ang ginagawa niya. Sinabi niya, “Heto ang ginagawa ko sa buong mundo. I am calling you to continue joining me in what I am doing.” Oh, what a glorious privilege para sa ating mga pastors, gaano man kahirap, to be in service of our King.

Tulad ni Habakkuk. Mahirap ang ministry niya bilang propeta. Feeling niya pati ang Diyos hindi siya pinapakinggan, parang walang ginagawa sa sitwasyon nila. Hindi natin alam ang detalye kung ano ang mga ginawa niya sa ministry. Pero malamang, as a result of his encounter with God nagkaroon siya ng newfound joy and strength para magpatuloy. Tulad ng sinabi niya sa dulo ng prayer niya. From prayer of complaint to confession of faith and joy in God.

Yun naman ang journey natin sa prayer of lament. Bukod sa Habakkuk, marami ring ganito sa book of Psalms. And also the whole book of Lamentations–yun nga ang title! Definition ni Mark Vroegop sa lament ay “a prayer in pain that leads to trust.”[1] Masakit, sinasabi natin sa Panginoon ang hirap na dinaranas natin, umiiyak tayo sa kanya—pero sa bandang huli, sa kanya pa rin naman tayo lalapit, kakapit, at magtitiwala.

Sinabi ko na nakatulong sa akin at sa church ang Habakkuk. Pero hindi pa rin madali. Di pa rin naman tapos ang journey naming mag-asawa. Kahit medyo nasanay na ako sa mga online Zoom meetings ng church at pag-Facebook live ng mga sermons, nakakapagod din. Buong month of May nga hindi ako nagpreach, nag-invite muna ako ng mga kaibigang pastor to be our online preachers. May Sunday din na nag-cancel kami ng online meeting. Inaalala ko rin yung mga members namin na naospital na di ko man lang nadalaw. Yung mga members namin na wala namang paraan para maka-join sa online meetings ng church.

Very challenging ang pagpapastor sa mga panahong gaya nito. What should we do now to minister to our suffering people? Again, hindi ako magbibigay ng mga specifics kung paano gumamit ng mga online meetings, o iba pang creative ways to reach out to our people, o kung paano mag-transition sa pagbalik ng face to face gatherings, or how to navigate this new normal. Hopefully, mapag-usapan n’yo yan with a smaller group of pastors and help one another in specifics.

But I hope na itong mga principles na ibabahagi ko ngayon sa inyo ay makatulong sa inyo para manatiling naka-angkla ang ministry natin sa di nagbabagong mga katotohanan ng Salita ng Diyos. At ang mga prinsipyong ito ay galing din naman sa paglalakbay natin sa pag-aaral ng book of Habakkuk.

WORD

Preach expositionally and help your people trust in the sufficiency of God’s Word.

Hindi salita mo o opinyon mo o ideya mo o kuwento mo o komentaryo mo sa nangyayari sa pulitika ang kailangan nila. Salita ng Diyos ang kailangan nila. Preach the Word in season and out of season (2 Tim. 4:2). Oh, in season ang salita ng Diyos ngayon! Marami ang naghahanap ng kahulugan at direksyon sa buhay sa panahon ngayon. Samantalahin natin.

Okay lang naman magpreach ng topical sermons, pero mas naipapakita natin ang pagtitiwala natin sa kasapatan at kabuluhan ng Bibliya sa panahon ngayon if we commit to expositional preaching. Tulad ng verse by verse journey sa Habakkuk nung April. At ngayon ay sa Romans 8 naman kami. Kahit anong pahina sa Bibliya lumulutang ngayong panahon ng kahirapan.

Ipakita natin kung ano ang itinuturo ng teksto, ayon sa tamang konteksto nito, at kung paano ito nagtuturo tungkol sa Diyos, tungkol sa kasalanan at kahinaan ng tao, tungkol kay Cristo na siyang katugunan ng Diyos sa kasalanan at kahinaan ng tao, at kung paano tayo dapat tumugon in repentance, faith and obedience. Preach the Word with Christ and his gospel at the center.

THEOLOGY

Give your people biblical and theological foundations for God’s purposes in the suffering of his people.

As we preach the Word expositionally, yung theology na ituturo natin ay manggagaling din dun. Hindi sa sarili nating opinyon. Hindi sa nai-forward lang sa Messenger natin. Hindi sa viral posts na hugot sa social media. Hindi ko naman maituturo sa church namin ang tamang theology na may kinalaman sa disenyo at layunin ng Diyos sa sufferings natin ngayon kung hindi ko ituturo nang wasto ang mensahe ng Genesis o ng Job o ng Habakkuk, o ng 1 Peter.

Marami kasing bad theology ngayon, tulad ng prosperity gospel/health and wealth theology. Dampot lang yan ng dampot ng mga isolated out-of-context Bible verses to support their dangerous theology. O yung iba naman nagsasabi na walang kinalaman ang Diyos sa mga nangyayari ngayon. Bilang mga pastor, mag-aral tayong mabuti. Read good books on theology of suffering. At siyasatin natin ito in light of the teachings of Scripture.

Nagtatanong ang mga tao, “Ano ang ginagawa ng Diyos sa panahon ng pandemic? Ano ang layunin niya para dito?” Read John Piper’s Coronavirus and Christ.[2] Meron tayong Filipino translation niyan. Give copies to your people. Turuan natin silang mag-isip biblically. Para hindi Amen nang Amen lang sa mga masarap pakinggan na Facebook posts o share ng share ng mga Bible verses na di nauunawaan ang tamang konteksto at application nito. Yes, be ready to answer your people’s theological questions. Pero hindi natin kailangang sagutin lahat. Merong mga tanong na di natin masasagot nang direkta. There is room for mysteries and theological tensions. Naramdaman din ‘yan ni Habakkuk. Pero di man natin maunawaan lahat, di man masagot lahat ng mga tanong natin, tulad ng mensahe ng Habakkuk, the Lord is inviting us to come to him.

PRAYER

Invite your people to pray honest, persevering and global prayers.

When we pray, karaniwan conscious tayo to sound pious sa mga words na sinasabi natin. Pero itinuturo sa atin ng Habakkuk na ang Diyos ay nalulugod na marinig sa atin ang mga panalanging nag-eexpress ng totoong nararamdaman natin, honest prayers, kahit yung mga questions natin, mga doubts natin, mga complaints natin, mga iniiyak natin.

Kahit pa parang di sumasagot si Lord sa mga prayers niya, tuloy pa rin sa prayer—persevering prayer. Ito yung tinuturo ni Pablo na “pray without ceasing” (1 Thess. 5:17) at itinuturo ng Panginoon sa mga disciples niya na “they ought always to pray and not lose heart” (Luke 18:1). Imodelo natin sa mga miyembro natin kung paano manalangin nang hindi nagsasawa. Kahit ilang buwan na tayong nagpe-pray na mahinto na ang pandemic, we will keep praying.

And as we pray publicly, as we lead prayer meetings, turuan din natin sila to pray kingdom and global prayers. Okay lang naman siyempre to pray about health and financial requests. Pero bigyan natin sila ng kategorya na mas malaki pa kesa sa mga personal sufferings natin. Kung sinabi ni Lord sa Judah (hindi lang kay Habakkuk), “Look among the nations and see” (Hab. 1:5) kung ano ang ginagawa ng Diyos, kung ang purpose ng Diyos ay ang pagdating ng araw na “the earth will be filled with the knowledge of the glory of the Lord” (2:14), kung ang passion of God’s heart ay patunayan na siya lang ang nag-iisang Diyos sa buong mundo, so “let all the earth keep silence before him” (2:20), so we must pray for the worship of God among the nations sa pamamagitan ng pagkalat ng message of the gospel sa mga lugar na di pa naabot nito.

So basic, yet so forgotten sa prayer life ng church ang “Our Father in heaven, hallowed be your name, your kingdom come, your will be done on earth as it is in heaven.” Ituro natin ito sa kanila, in times of suffering, to look beyond our personal concerns and pray for kingdom agenda. This is also how we build their faith in times of suffering.

FAITH

Teach your people to put their trust in God and his sovereign grace.

Nakakapanghina naman talaga ang mga nangyayari ngayon. Okay lang na tulad ni Habakkuk ay aminin natin ang mga kahinaan natin, ang mga struggles natin, ang mga kalungkutan natin, ang mga discouragement na nararanasan natin. Pero gagawin natin yun hindi para kaawaan tayo ng mga members natin, “Naku, kawawa naman si Pastor.” No, we do that to show that we are also ordinary human beings in need of help.” At ang tulong na kailangan natin, ang tulong na kailangan nila ay nanggagaling sa Diyos.

As we become honest about what we feel, ipakita rin natin sa kanila na ang tiwala at pag-asa natin ay nasa Diyos. We don’t just preach, we don’t just teach theology, we show them God. We tell them, “Church, behold your God!” Hindi kuwento ng buhay mo ang subject ng preaching mo, hindi ikaw at ang heroic deeds mo ang bida. Ipakita mo ang Diyos—ang kadakilaan niya, ang kapangyarihan niya, ang kabanalan niya, ang kabutihan niya, ang kaligtasang gawa niya. That’s how we build our people’s faith—kung natuturuan natin silang tumingala sa Diyos, lalo na sa hirap ng buhay ngayon. At ang faith na yun ay expressed in prayer, in singing, and even in silence as we invite them to be still and know that God is God.

SORROW AND JOY

Model godly grief and gospel-driven gladness.

Kung sa buhay natin ipinapakita natin sa mga tao na nalulungkot din tayo, nag-iistruggle din tayo sa faith natin, maiiwasan natin to make our people guilty kapag ganito rin ang nararamdaman nila. Masasabi nilang okay lang pala na amining hindi tayo okay, okay lang pala na sabihin sa Diyos ang mga reklamo natin. Kasi sanay tayo sa maraming mga churches—when you look sa atmosphere ng mga gatherings natin—na puro celebratory at joyful ang dapat na maging damdamin natin. Yun bang dapat laging masaya ang Christian life. Ang buhay ng Cristiano ay masayang tunay, masayang tunay, masayang tunay! Ah, yun din naman kasi sabi ni Paul, “Rejoice always” (1 Thess. 5:16).

Pero kailangang itama natin ang maling pagkakaunawa diyan. Hindi ibig sabihin di na tayo nalulungkot o dapat di na iiyak. Kasama sa itinuturo din ni Pablo, at halimbawang dapat nating tularan sa kanya, tulad din ni Habakkuk, yung “sorrowful yet always rejoicing” (2 Cor. 6:10). Hindi “always rejoicing and sorrow-less.” That is not realistic. Kasi nakikita natin ang mga kahirapan sa mundong ito—nararanasan din natin, nasasaktan din tayo, namamatayan din tayo tulad ng mga non-Christians. Ang kaibahan, we can rejoice as we grieve. Merong gladness even as we cry. Kasi ang kagalakan natin ay hindi nanggagaling sa mga circumstances natin.

Tulad ng sabi ni Habakkuk, mawala man ang support natin, malugi man ang negosyo natin, di man tayo makatanggap ng tulong sa gobyerno, “yet I will rejoice in the Lord, I will take joy in the God of my salvation” (Hab. 3:18). Hindi lang “I will rejoice…I will take joy.” Merong pinaghuhugutan ang kagalakang ‘yan. Hindi sa klase ng pag-aalaga sa atin ng church, o sa bilang ng nanonood sa live stream ng sermon natin, kundi “in the Lord…in the God of my salvation.” Kaya ko sinabing gospel-driven gladness dahil ang kagalakang ‘yan ay hindi makakalag sa pagkakatali kay Cristo.

GOSPEL

Preach the gospel. Always.

Hindi lang ‘yan pang-evangelism. Hindi lang ‘yan pang-unbelievers. Tayong mga Cristiano, tayong mga pastor, ipakita natin sa mga members natin na ‘yang gospel na ‘yan ay kailangan nating marinig araw-araw. You will preach every Sunday, gusto mo silang i-encourage, pero paano mangyayari yun kung hindi mo ipapaalala sa kanila ang karaniwang nakakalimutan natin in times of suffering? Point them to Christ. Ipakita mo kung paanong ang mga talata, ang bawat talata, sa Bibliya ay nagtuturo sa atin na tumingin sa Diyos at sa pagliligtas na ginawa niya sa pamamagitan ni Cristo at sa pag-asang meron tayo sa pagbabalik ni Cristo. Bakit? Kasi hindi naman kung anong hugot lang ang makakatulong sa atin, kahit tunog Cristiano naman ang dinig natin dyan. Hindi rin naman, in the end, magagandang prinsipyo ang makakatulong sa atin, kahit gaano pa ‘yan katotoo o ka-biblikal. Ang makakatulong sa bawat isang Cristiano—sa pastor at sa mga miyembro natin—ay ang masilayan ang kagandahan at kadakilaan ni Cristo. “Him we proclaim” (Col. 1:28). He is our joy, he is our salvation, he is our hope, he is our strength, he is our all in all.


[1] Mark Vroegop, Dark Clouds, Deep Mercy: Discovering the Grace of Lament (Wheaton, IL: Crossway, 2019).

[2] Filipino/Taglish translation available as free download at www.idisciple.ph/coronavirus. You can also order printed copies at www.bit.ly/tcbooks

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.